Wednesday, November 9, 2016

AABOT PA BA NG CHRISTMAS O HINDE?

Medyo masakit na kagad sa brain ko ang mga happenings ngayong buwan ng nobyembre. Kaloka. Oo sige na, sabihin na nating I know everything about this because this is my whole life but the truth still hurt. Tanggap ko na ang mga taong punyeta na nakaharang ay parte rin ng kwento ko. Halo-halong emosyon ang bumabalakid sa balat ko ngayon. Ang kati na.

Magulo, masakit, nakakataranta, nakakawalang gana at nakakayamot pero masaya kung iisipin dahil may katiting na pag asa na lumiliwanag at nag goglow sa mga mukha ko. And this is it. The judgement day has come. Ang grupo ng mga distractions naglipana papunta sa akin. Ngayon, makikipagdeal na ako ng maganda sa kanila at haharapin to ng mabangis. I am who I am.

Ayun na. So funny talaga, yung kadaldalan ko nga na gusto kong itigil pansamantala lang, eh kaso di ko pa rin mapigilan at mabitawan eh. Tapos nadagdagan pa ng isa pang problema. Shet. Anubayaaaaan. haha

Bigay lang po ako ng Pahapyap na istorya nung kanina.
Nagkaroon ng konting biruan dito sa opisina. Me vs. my prophet workmate. Haha bansag ko lang yung propeta sa kanya. Dami niya kasing alam sa bible eh. Haha
Biglang pumasok sa isipan niyang hawakan palagi ang tenga ko.

Malinis ang aking konsensya na wala akong nilalagay na kung ano sa daliri ko sa tuwing ipapahid ko to sa ilong ng ka-workmate ko.  Oo sa kanya. Matanda na siya actually. Di na dapat siya ginaganun at di na rin siya dapat nakikipagbiruan gaya ng ginagawa ko sa kanya. Eh nangyari na. Di naman ako baboy masyado. Very light lang kung mamarapatin. Gusto ko lang iparamdam sa kanya na naloko ko siya sa sinabi kong galing sa maduming parte ko iyong daliri ko. Kaya aakalain niya na sa kung saan saan ang daliri ko napunta bago ko ipinahid ito sa kanya. Kaya wait, ang katotohanan diyan, gusto ko lang siyang maghinala sa mga nangyayari. Gusto ko siyang mapikon para matigil na kame sa kakulitang ito. At hindi na lumalim pa. Pero parang walang bisa. Tuloy pa rin ang battle naming dalawa. Sino ba naman ako. Di naman ako papatalo. Liit na bagay lang yan eh.

Pero wala eh. Susubukan at susubukan pa rin talaga ang lakas ko ng ibang tao. Mag test lang kayo ng mag test. Sisiguraduhin kong mag error kayo sa akin.  

Kahit na anong sabihin kong ritwal pagkagising ko sa kama upang maging matino ako para sa buong araw. Eh wala, babalik at babalik ang lahat at susubukan ang tibay ko. Gaya nalang ng nangyayari sa akin ngayon. Bumabalik sa akin ang pang gagago ko sa ibang tao. Yung hilig kong  panghahawak ng suso ng mga kapwa ko lalaki na alam kong maling attitude ko, kapag hinawakan naman ng iba ang tenga ko, agad akong naiirita at napipikon. May mali na talaga. May mali sa akin eh. hahaha Alam ko yan. Pero tong mali ko, hindi naman nakatingin sa akin lahat ng tao sa pagkakamali ko. Lahat tayo may pagkakamali. Aayusin ko ang sa akin at inaayos niyo din ang sa inyo. So lahat tayo ay pantay pantay.
Well, nandyan na iyan. Ano pa nga ba. Babaguhin ko na iyon. Nangangako akong babawasan ko ang ugaling iyon at hindi na muling uulitin pa.
Kaya sa pagkakataong ito, wala akong sinasabing tama ako. Gusto ko lang iparating sa inyo na babalik at babalik ang lahat upang subukan ako at baguhin ako. At pagkakatiwalaan ko naman ito, alam ko to ang daan sa pag alis ko sa madilim na lugar na to. Hahawak lang ako sa vision at imagination ko. I just embrace the faith that I have.
Sinabi ko sa blog post ko noon na “Ang mga taong segurista walang pupuntahan yan”. Ngayon, naisip ko. Napakasigurista ko pala masyado sa mga kinikilos ko. Kala ko, kapag makukuha ko na ang isang bagay, dire-derecho lang ako at parang kahon lang na may nakaharang na mga problema na itatabi o luluksungan ko lang. Hindi pala ganun ka -easy. Meron at merong magbibibgay ng board exam sa akin sa emotional kong pagkatao na mga nasa paligid ko. Ite-test nila ang apoy ng kaluluwa ko kung sumisindi pa ba. Ang answer ko diyan, mainit pa rin to kung tutuusin. And kadalasan, titignan nila kung lumalambot ba ang ulo ko sa pangungulit nila. Ang sagot ko naman diyan ay hinding hindi.
May mali akong nagawa, at iyon ang lilinisin ko. Wala ng iba. Walang ifo-format sa buong buhay ko. Re-create ng ben estrella, pwede pa.
Kaya alam naman na may mali ako diyan, pero wala sa diksyunaryo ko ang sumuko at magpatalo. Lalaban ako sa kanila. Ego at pride? Basta diyan ka lang sa tabi ko ah.
Matagal ng matalas ang sungay ko. Mas matalas pa sa gilid ng papel kung madaplisan ka neto. At bitbit ko palagi ang bayag ko anumang oras kahit saan. Sa mga previous kong sinabi dito sa blog, pinangangatawanan ko ang ugali ko. Matibay akong tao kung susubukan mo ako. Wag na wag kang papasok sa kaharian ko, hihilahin talaga kita palabas gamit ang tinidor ko. Promise.  
Pasensya na kung di inspiring tong kwento ko. Gusto ko lang malaman niyo na ang buhay ko ay masaya. Masalimuot nga lang talaga kung ide-detail ng husto. haha
Samakatuwid, bigla akong napahinto at nagpasyang isinulat itong problema ko sa blog. Malay niyo parehas din tayo ng pinagdadaanan.  Makatulong din senyo. Hindi ko na nga inisip kung tama ba o mali ang ginagawa ko. Ang inisip ko nalang, yung bang ginagawa ko ngayon makakatulong sa hinaharap ko. Ang sagot ko “hindi”. Pero yun na nga, nandito pa rin ako sa ugali ko. Siguro kaya ako naiirita sa ginagawa sa akin ng ibang tao kasi itinuturo sa akin ang tamang asal at patunay lang ito na talagang may babangga sa akin na kahit na sinong taong ulupong. So ano pa ba ang option ko, ay ang manatiling matatag.
Sarili ko din naman ang nagsabi na mukhang mapapatalsik na ako dito. Negative thoughts ko yan. Ayoko naman ng ganun. Gusto ko pa rin magresign ng matiwasay at sumuko na ng maasyos sa mundong to.
Ang kahinaan ko, kailangan kong bantayan. Nakalimutan kong magpakatanga sa mga tangang tao para sakyan ang pantasya  nila. Nakalimutan ko yan. Pinersonal ko kagad sila. Aaay.
Atlis alam ko naman sa sarili ko na ito na yun. Hindi yung hinihintay ko lang. Ito ang mismong inaabangan  ko. Ito ang pagkakataon na gusto kong lasapin. Debaah!
Sa ngayon, hahayaan ko nalang ang Panginoon natin ang humusga, wala akong sinabing tama o mali ako. Ang sa akin lang, hawak ko ang vision ko. At nagtitiwala ako sa magandang proseso na to. Tigre kapag nagalit. Bawasan lang ang dapat bawasan. haha

Kung aabot pa ba ako ng Christmas dito? bahala na. Ang mahalaga ano mang ibigay sa aking pagsubok. Tatanggapin ko iyan. Di na mahalaga ang bonus kung bonus naman para sa akin ang malagay sa lugar na masaya ako wag lang dito.

1 comment:

  1. YoBit lets you to claim FREE CRYPTO-COINS from over 100 unique crypto-currencies, you complete a captcha one time and claim as much as coins you want from the available offers.

    After you make about 20-30 claims, you complete the captcha and continue claiming.

    You can press CLAIM as many times as 50 times per one captcha.

    The coins will held in your account, and you can convert them to Bitcoins or USD.

    ReplyDelete