Tuesday, July 24, 2018

SA ONCE-IN-A-LIFETIME MEGA KASALAN NI BEN AT ANGEL

April 8, 2018, seben portipayb in the evening. 

Angel: Pakasal na tayo sa birthday naten.
Me: Weh? Sure ka? Kala ko November pa tayo?

At huminto ang mundo ng sinabi niyang….

Angel: Sige na. Gusto ko na e.

Pause for the moment.

Me: …Okay sige, sabihan ko na sila.

Linggo ng gabi sa isang restaurant sa Makati niya binanggit ang katagang magpakasal na kame. Huminto muna ako saglit sa kinakaen ko kasi parang naiba ang una naming plano. Napatingin ako sa malayo. Medyo nakaramdam ako ng kaba nung mga oras na yun kasi parang nabigla ako. Nakatulala pa rin ako. Nang bigla nalang akong nilapitan ng isang waiter at sinabi niyang “Sir, ano po yun?”. Na-shock ako sa kanya. Napasagot ako ng

“Bakit? masama ka titigan?” Hahaha 

Mga ilang minuto, dahan dahan akong napangiti kasi alam kong matutuwa yung mga kaibigan at pamilya ko kapag sinabi ko na mapapaaga ang araw ng espouse ko. Sabagay, ako rin naman ang nagpropose ng kasal kay Angel eh, dapat ready din ako anytime. So, itinuloy na namen at nagsimula na kameng magplano.

Pero bago ang lahat, my dear brothers and sisters. Nagsimula muna kame sa ganito.

(Inihahandog ng Star Cinema ang isang naiibang kwento bago ikasal ang tunay na nagmamahalan. “Sa Once-in-a-lifetime Mega kasalan ni Ben at Angel”.)

Nagsimula kameng maging magclassmate nung highschool. Isa pa lang akong highschool student na “Kilig  Ambassador” sa aming eskwelahan. Nakaduty ako na magpakakilig noon sa mga kabataan. Naging magkaibigan kame ni Angel. Naging magkabiruan. Wala talaga kameng feelings pa sa isat isa ‘nun. Haha Maybe parehas pa kameng dukha nun. At parehas pa kameng libagin din. Lol Madungis pa talaga kame ‘nun that time. Pero may itchura na si Angel noon, papunta na sa pagiging Lars Pacheco. Haha Naudlot lang talaga eh.

‘Tas, naging magbestfriend nung college at unti-unti na niya akong nililigawan  at tinatrabaho every weekend sa phone calls. At ako naman, sa malambot kong puso na di ko na namamalayan na nahuhulog na rin ako sa kanyang patibong and suddenly I felt head over heels to her.

Then lumipas ang ilang taon, sinubukan kame ng mapaglarong pag-iisip. Nagkasala, nagkamali at naging taksil sa aming mga puso.

Marami man kameng masasamang kahapon na naranasan at napagdaanan, pero alam namen sa sarili nameng natuto na kame at nandito nakatatak pa din sa isip ko, kung paano ko tinalikuran ang lahat…(Pasok 6cyclemind.)

Kay bilis…Bat umalis. Nakakamiss…..
*Hindi ako sanay sa biglaaaaaaaaan*

Kampay, mga orbs!

And the longer it takes on our relationship, natututo ako sa mga pagkakamali ko at napapamahal na ako sa kanya ng lubos dahil tinanggap niya pa rin ako eventhough may pagkademonyito ako minsan, hindi pala minsan, occasionally lang. haha Kaya matagal na akong nagdecide, anumang mangyari samen, basta for her(Angel), I will go the whole nine yards.

Nagsimula pa nga kame sa tawagan na “Bubu at Chacha”. Ako si bubu at siya naman si Chacha. Siya yung asong kotse na color yellow. Siya yung nagsisilbing manibela ko para patakbuhin ang mabagal kong mundo. hihi Korni.

And here we are, handa na kameng tahakin ang mabigat na responsibilidad  and go the extra mile.

Isang buwan matapos akong magpropose ng ‘tying the knot’ sa aking minamahal, ay agad agad  na kaming nagplano kung kailan ang month and year ng aming wedding day.  Iba kame eh, advance kame mag isip ‘nun eh. Sa dinami-dami ng aming pinag-aawayan linggo-linggo, for the record na nagkataon na tugma  kameng nagkaparehas sa gusto naming setup ng wedding. TIGNAN MO NGA NAMAN. Kameng dalawa has the same idea at the same time. Well, siguro great minds think alike nga talaga! Haha Masasabi kong nagtulong tulong ang mga bituin at kalawakan para maging significant at memorable ang magiging ‘Wed’ namen. Yan ang ipinararamdam sa akin ng aking malupet na instinct. Maganda ang prediksyon ko sa Once-in-a-lifetime Mega event ng buhay namen ni Angeline sa August 31. 

April 14, 2018
Me: Hati tayo, tig 50 tayong guest.
Angel: Okay! Maglista na ako.

Mahabang panahon na kung tutuusin ang ipinagkaloob sa amin para paghandaan ng husto ang mismong araw ng kasal ng aking pinakamamahal na si “Angeline Belarmino”. Wag kayo ah, hindi biro na nakayanan nameng dalawa ang ituloy ang pinu-push namen ng todo na wedding kahit na umabot kame sa puntong walang-wala na talaga kameng “budjey”.

Pinasok pa ng peste ang bahay ko. Pinasok pa ng magnanakaw ang kwarto ko. Buti nalang di ganun kahalaga ang mga nawala. Tinubuan yung magnanakaw ng konsensya. Yung magnanakaw na yun, kilala niya ako eh, may takot pa siya sa akin, iniwan niya pa ang laptop at camera ko. Isipin niyo yun. IpagsasaDiyos ko nalang. 

Ayun, grateful pa din syempre, kasi palaging mayroong biyayang dumadating kapag negative ang mga numero sa aming bank account. Nagpapasalamat nalang kame sa kung ano ang natitirang blessings na meron kame. Anong secret? Malakas po yung Guardian Angel namen sa likod.

April 25, 2018
Me: Lauv, San mo gusto ikasal?
Angel: Basta dun sa simple lang.
Me: Saan kaya yung simple na yun.

Matapos ang aking wedding proposal kay fiancee nung last year. Naghanap na kagad kame ng reception venue package. Marami kameng di nagustuhan na reception at church. Sabihin na nateng, hindi swak sa panlasa namen yung iba at saka hindi praktikal masyado.  At mayroon namang lugar na malalapit lang sa location namen pero hindi naman namen tipo. Gusto ko talaga garden e, tas malapit lang, nothing beat Mother Nature ikanga. Hahaha (ano daw!)

Sana wag umulan sa kasal ko. Yari tayo dyan. Di ko makakalimutan noon na nakita ko sa facebook na may couple na kinasal sa gitna ng baha. Ayos. Siguro napagkasunduan nilang “Bagyo ka lang, pinoy kame” o kaya “love conquers all , even super typhoons.”. Nakow. Di ako naniniwala sa kasabihan na kapag inulan ang kasal, maswerte daw. Anong swerte dun? Lagnat aabutin namen dun eh.  Ok lng ambon. Yan okay yan. Ang mga katutubo daw noon gumagawa ng rain dance sa araw ng kasal kapag mainit ang panahon para umulan para sa masaganang ani. Pero para sa akin, ang sagot ko dyan, “Hindi rin”. haha

Ano pa nga ba ang hihintayin namin, diba? Naka-10 years na kameng magkasama. Lahat ng relasyon ay gusto ang lumugar sa tahimik. Lahat ay gusto ng magbago. Lahat ay gusto na may marating. Walang gusto ng magulong pagsasama. Because our relationship, is based upon freedom and can never grow in a jealous heart. Kaya, sa pangakuan nameng sisimulan kasama rin ng aming mga minamahal sa buhay, hindi lang basta ‘to isang okasyon na bahala na kung sino ang pupunta o hindi. Basta ang samen, mahalaga ang lahat ng taong inimbitahan namen sa August 31. And hopefully, lahat po makapunta sa aming inihandang okasyon. Please. Haha

Simula nung nagkakilala kameng dalawa ni Angel hanggang ngayon. Marami na kameng pagsubok na nalagpasan. And I’m so happy ever since I have found her. Si Angel ang buhay ko. Nasanay na ako na siya ang kasama ko sa lahat ng struggles ko. Sinabi ko na sa kanya noon na nabuhay ako para mamatay para sa kanya. Opo totoo. Nagkaroon kame ng hindi  mabilang sa daliri na hiwalayan at bangayan ‘pag may problema. Mas marami pa ata sa bagong cast ng ‘Ang probinChino’. Chino kasi sasakupin na tayo ng mga intsik. Haha Welcome to the Province of China. haha

Pero  maipagmamalaki kong sa dame ng struggles every month, nakakabuo pa rin kame ng isang  realistic na konsepto ng pagibig. Paano ko nasabi? Eh naging totoo kame sa bawat bugso ng aming damdamin. Ang tunay na pagibig na nagturo sa amin kung paano hindi bumitaw kahit hirap na hirap kame sa dambuhalang unos.

Alam ng mga nakakakilala saming dalawa kung sino ba talaga kame at ano ang tunay na ugali na mayroon kame. Hindi naman mawawala sa isang relasyon ang argumento basta nase-settle diba. And we  don’t always hide our truest feelings pagdating sa problema. Basta kame, hindi kame natutulog ng magkaaway pero gumigising naman kameng nag-aasaran lang. After ng war, we kiss and make up. Eh ganun talaga e, magkasama kame palagi at alam namen ang halaga ng bawat isa.

Kung maririnig niyo lang ang usapan namen dalawa palagi . Ay tiyak, kung ano kame, yun kame talaga, naipaparamdam namen ng open ang nararamdaman namen sa isa’t isa kung masaya man o malungkot, badtrip man o nakakairita. On and off man ang camera, ganun at ganun pa rin kame. Galing lahat sa puso. Matured na kame pagdating sa emosyon ng bawat isa. Kilalang kilalang kilalang kilala talaga. haha

Sa kasunduan ng marriage namen, hindi lang basta ‘to ritwal na matatapos sa isang araw. Mayroon din kameng positibong pananaw sa hinaharap na mangyayari at natuturuan namen ang sarili nameng dalawa kung paano maging positive sa lahat ng kakaharapin. Gaya nalang nitong preparation sa kasal, hindi kame nagpatinag basta-basta sa mga taong sumisira sa lahat ng plano namen.

At sobrang laki ng pinagkaiba ng ugali namen at gusto, sa totoo lang. Kung tutuusin nga, sa status namen ngayon, tinatawanan nalang nameng lahat ng kahinaan at kapangitan na mayroon kame. Pero tanggap naman namen lahat ng iyon. It’s how we deal  with our inevitable differences that counts and how we handle our disagreements positively.  Imbis na sabihin kong mali siya, pwede ko namang sabihin na “Okay, di ko naintindihan”. Kailan ba naman nanalo ang lalaki sa babae?

Taas noo kong ipagmamalaki na kahit wala kameng isang bahay ng simbahan pero patuloy pa rin ang aming pagdarasal sa Diyos na lumikha. Isa lang ang pananampalataya na mayroon kame na hindi mananakaw ng iba. Ang Diyos na sinasamba namen kahit na’san man kame mapadpad ay kaparehas niyo din.

Honestly, sa unang pagpaplano ng wedding,  ma-e-excite ka kasi parang ang dali lang kung naging bisita ka na sa kasal pero kalaunan mawiwindang ka ng todo kapag ikaw na ang nag aasikaso o ikakasal kasi maraming dapat idagdag para maging smooth ang kasal at walang aberya. Choices din naman namen kung gusto namen ng simple o engrande. Eh wala eh, goal talaga namen gumastos ng malaki. Hahaha Joooke. Ano pa nga ba, eh nauso na ang prenup, save the date, groomsmen attire, bridesmaid attire at iba pa para mas lalo pang gumanda ang kasal at maubos ang aming pera. haha

Ako na ang buhay na patunay, na hindi madali ang pag aasikaso ng wedding. Hindi dahil sa pera kundi minsa’y  may negative sa paligid na magdidikta na mali ang pinasok namen. Isa pa yung hindi pagkakaunawaan sa desisyon na binibili para sa mga abay at involved kame dyan. haha Kasama pa ng may mga taong magbibigay ng di magandang komento kesyo parang di pa daw kame handa. Masheket besh. Ngunit para saken, wala lang yan, pressure from friends and others usually comes from a good place. Saka it’s also important to recognize  that no matter how accomodating we are, we will never be able to please everyone.

May 1, 2018
Angel: Okay ba sayo?
Me: Oo naman.
Angel: Sure na sure ka na ba?
Me: Ako pa. Give your trust to the expert.

Kaya for me, ang mahalaga dapat walang “cold feet” sa ganitong sitwasyon ang couple na papasok sa isang kasal. Without a doubt ang pagproseso ng kasal. Kasi mapupunta lang sa wala kung may duda ka but it may also be that you need to take a serious look at this critical decision that you are making in your wedding.

Dahil nga alam kong stressful na talaga sa wedding prep palang. Ang goal ko palagi kapag  di bwenas ang sitwasyon ng pag asikaso ng checklist para sa wedding day. Gaya ng kapag ang usapan ay ngayon ang pick up ng items na binili namen pero pagpunta namen dun sa store na binilhan namen, di pa pala ayos, eh kasi yung binigay nilang calling card di naman pala active eh, badtrip pero hinahayaan ko nalang ang mga negative thoughts and feelings na maramdaman ko, ganun po ako ka-positive kung iisipin, hahaha basta ang mahalaga saken kung paano ko babaguhin ang response ko sa mga nangyayari. I always remind myself that hard days are necessary to live through and to learn from wedding.  The hardest preparation days in wedding make us who we are, inside and out. Di biro ang whole week, iniisip ko ang task ko na dapat tapusin sa checklist ng wedding. MAHIRAP TEH!

Hindi biro ang pagpapakasal pero alam kong magiging masaya ako sa desisyon ko kasi mahal ko ang pakakasalan ko. Yun ‘yun eh. This is the time of crying tears of joy as me and my partner saying our vows. Yihihi.

Matagal na akong nangalap ng paraan kung paano i-continue yung flame na sinimulan nameng sindihan noon. Marahil ang apoy na yun ay humina pero hawak pa rin namen ang panindi ngayon. Kontento kame sa lahat ng bagay na mayroon kame. Ngunit sino ba naman ang hindi naghangad ng magandang buhay at payapa pa. Ginagawa namen ang tama kahit walang ibang nakakakita.

Wala ng hintuan at atrasan ‘to. Tuloy tuloy na ang kasalan. Siya na talaga ang aking potential wife. Hihi Wala na akong dapat patunayan pa. Wala na akong dapat hilingin pa para mahanap ang sagot sa tanong namen palagi. LAVAAAN.

Yung deep sense of caring na binuo ng pagmamahalan at pagkakasunduan ay para saken isa siyang romantikong pagibig na nagagawa namen. Kasama sa habang buhay nameng pangako ang pisikal na pagsasama. Magsama ng  10, 11, 12, 13, 14 years forever and ever. Jooohn llyyyod ikaw ba yaaaaan? haha

Sa totoong buhay, hindi naman talaga kame particularly romantic, pero  meron kameng willingness na magsama while each fulfill our own needs and dreams. Despite our numerous flaws and arguments, nandito pa rin kameng dalawa ni Angel, lumalaban sa ‘Ngalan ng Pagibig’.

Matagal na rin naman nameng pinag usapan ng aking irog na kung pupunta kame sa aming kasal, dapat wala ng urungan pa. Hindi ‘to parang mainit na kanin na kapag sinubo, titingin muna sa facebook este kapag napaso iluluwa.  Kung ganun talaga kame kagulong tao, we’re doomed from the very  beginning.

It’s not about our needs, it’s all about our mutual service to each other at ibinigay na namen ang sarili namen sa isat isa.

Yung una, sa wedding prep, hangga’t di pa kame nakakahanap ng magandang pwesto o venue ng kasal, naglista na muna kame ng mga posibleng darating talaga sa kasal namen. Yun talagang mga taong may suportang tunay. Lol. Nakakatuwang isipin na umabot ng mga ‘doseng bus na may laman’ ang bisita. Ganoon kadaming tao pala ang makakasama namen sa kasal if ever.  I feel so flattered. haha lol

At para sa amin, medyo may kahirapan din ang  magpakasal sa malalayong lugar gaya ng Balesin. Gusto sana namen ng ganun kaso bat’ pa namen papahirapan ang mga bisita diba. Pwede naman magsaya sa malapit na lugar lang.

At yun na nga, nang makahanap na nga kame ng magandang venue, dun yun sa Intramuros, Manila. Sakto, dahil ito lang ang lugar na hindi kame naghangad ng mas malaki pang celebration. Walang beach. Walang ma-dekorasyong simbahan. Simpleng salo-salo lang na kasama ang mga kaibigan, ninong at ninang at mga supportive na pamilya at kamag anak sa isang garden.

We decided to keep our guest list to those most important to us. Pero hindi naman porket di naimbitahan eh hindi na sila importante sa amin. Ganito lang yan, kung tunay talaga nila kameng mahal na mahal at naniniwala sila sa pagmamahalan namen dalawa ni Angeline, maiintindihan nilang limitado lang ang makakasama kasi nga tunay sila sa amin.

Ngunit wala kameng nagawa nung nalaman nameng magiging crowded masyado ang lugar kung paaabutin pa namen sa maraming guest list. Intimate nalang talaga. Nagstick nalang kame sa sapat lang. Yung iba pang hindi nasama, babawi nalang kame, next time. Sa golden wedding nalang.

From the first place, plano talaga namen kung ano ang magiging itchura ng mga guest. Payak lang naman ang gusto namen eh, umuwi din silang na-enjoy ang aming wedding day. Kung ano ang perspective ng mga guest sa amin and all of the choices we make for our special day will be memorable ones. Yun lang. Wala na ring bonggang suot o attire pa.

Pinag usapan na rin namen kung ano ang status namen pagtapos ng kasal na ‘to. Ano ba ang kasunod ng commitment na ‘to? Ano sabihin ko ba? Hindi pala pu-pwede. Kung pwede ko lang sabihin sa inyo lahat ng iyon, ginawa ko na kaso di pa talaga to ang right time pero maipapangako kong sobrang saya na may halong pag iingat ang magiging journey namen pagtapos ng kasal namen. Masasabi kong panatag na ako dahil sa naging desisyon namen. At magtatrabaho ako ng husto para di makatikim ng mga mapapaklang pagkain ang mga anak ko. Magsisikap din ako ng todo hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ang mga anak ko at natupad din nila ang kanya kanya nilang pangarap sa buhay.

Sa totoo lang, nung naghahanap kame ng music band para sa wedding,  nahihirapan akong magdecline sa mga nag-offer na singer. Inaawitan kasi ako ni Morisette Amon, kakanta daw siya sa wedding ko. Sabi ko nalang “Sis, malaki masyado TF mo, si Shanti dope nalang muna ah. Marami ka namang gig ngayon eh”. Pero echos lang yun. haha

May 13, 2018 After ng prenup shoot.
Angel: Magloloko ka pa ba?
Me: Oy, Parehas din tayong nagkamali noon. Nagsumpaan na tayo. Nagbago na din ako.

Sa relasyon namen. Dumating pa nga kame sa puntong we think it’s all over, everything is finished. As in, wala na talagang patutunguhan ang relasyon namen, tipong na-reach na namen siguro yung end of the road. Ganun kalala. Sabi pa ng mga tropa, kung hindi ko kayang baguhin ang sitwasyon na kinahaharap ko  nung mga oras na yun, china-challenge ako neto na baguhin ang sarili ko, to grow beyond the unchangeable. So therefore, binago ko ang sarili ko at di ako nagpagiba, nalaman ko pa din ang tunay na kahulugan ng “Bagong simula.” Pwede pa palang magsimula muli at ayusin ang lahat, little by little. Tinuruan akong magpakumbaba sa nangyari. Tinuruan akong maging estudyante sa naging hamon ng relasyon namen. At eto na kame ngayon nakatayo.

Ngayon ko lang nalaman na malaki pala ang mundo at makahulugan ang pagibig. Hindi lang pala ang mga nakikita ko ang itinuturo neto, malawak pa talaga. At palaging may surpresang ibinibigay  pagdating sa pagmamahal.

Kasi kung babalikan ang nakaraan, ibang iba na ang mukha ng relasyon namen, nung nakaraan ilang taon, mga nagdaang buwan at ngayon. And we’re proud that we are always growing.

Palaging may bagong experiences and experiences don’t stop. Yan ang buhay namen at nyo rin. ‘Nyo ring lahat.  Alam niyo ba kung bakit naabot namen ang 10 years? Isa sa mantra ko sa buhay, kapag walang nadadagdag samen, kinakailangan magbawas. Plus or minus ba. Bawasan yung mga bagay na nagbibigay sa relasyon namen ng pagiging kumplikado katulad nalang ng pananampalataya ng iba. And syempre, malaki ang pasasalamat ko dahil di ako binitawan ni Angel sa lahat ng naging kalokohan ko noon.

Kaya sa edad namen ngayon, pinili nalang namen na busugin ang sarili namen ng mga experiences, magagandang kwentong masarap balikan at masarap pagkwentuhan pag matanda na kame imbis na magstuck kame sa kagustuhan ng iba. Just check nalang the evidence and our social media stuff. haha

June 16, 2018 Kakapili palang namen ng gown.
Angel: Mamahalin mo pa ba ako pag matanda na tayo?
Ben: Oo naman.

Isang bagay pa ang hindi ko makakalimutan na natutunan ko sa magiging kasal ko, dapat kameng mabuhay pala sa pagmamahal araw-araw. As in, everyday. It sounds Corny pero totoo. Kung nasan kame nakatira, mamahalin ko pa din siya. Kung sino man mga kasama niya, mamahalin ko pa din siya, hanggang sa tuluyan ng mabuhay talaga kame sa pagmamahal. Siguro eto na nga yung tunay na kaligayahan, at kapayapaan ng kasal na hinahanap ko. Walang hanggang pagibig, hindi lang siya ang papakasalan ko pati buong pamilya niya.

Sa wedding prep namen ni Angeline, ang saya sa tuwing nagtatalo kame sa choices namen sa mga items na binibili sa Divisoria. Sa pagpili palang ng mga materyales na gagamitin sa kasal, nakakatuwang isipin na eto na yung training process namen sa pagsasama namen habang buhay. Iba pa rin talaga ang mag DIY diskarte at mga moment na nagtatalo kame sa pagpili ng binibili. Haha Why buy when you can D.I.Y.

Natuto kameng tumawad kahit sobrang mura na ng tinda sa Divi. Haha Wala lang, gusto lang namen talaga makipagkulitan sa mga tindera sa Divisoria kasi mismong sila rin, sine-sale nila ang items na bagay na bagay sa aming magcouple. Di nakakayamot kahit madaming dalang gamit pauwi.

Tanong nga ng isang tindera samen dahil alam niyang ikakasal kame kasi bumili kame ng bowtie sa kanya, sabi niya
“Sa iyong palagay sir, ano ang pinakamahirap na tanong tungkol sa pagpapakasal at bakit?”
Iba si ate, may content magtanong.
Walang kaabog abog kong sinagot ang tanong niya,.
“Ang pinakamahirap na tanong para sa akin ay kung kailan mo ibibigay ang sukli ko, ihing ihi na ko te”
Gulat si ate eh. hahaha

Bago ako ikasal, nalaman ko na dapat baguhin ang lahat para maging maayos ang buhay mag asawa. Bawat kilos ko, hindi lang para sa akin, kundi para sa aming dalawa na. Wala ng kanya kanyang diskarte. Sa aming pag aasawa, lahat ng plano ay long-term na. Sinasabi ko ‘to di para magyabang, kundi magkaroon kame ng bagay na pinanghahawakan at para sa lahat ng makakabasa neto ay matulungan ko din sila. May problema ba tayo dun?

Maraming changes and revises sa wedding prep, kailangan talaga ahead palagi ang planning ng schedule. Katulad nalang ng nailagay namen na 4:00pm ang start ng ceremony sa mga invitations, pero kinakailangan namen gawing 3:00pm at i-annouce muli para sa allowance ng traffic at ibang pang circumstances. Panigurado naman na may ilang na hindi on-time na makakadating. Yung iba daw kasi ang iniisip kadalasan, 4:30pm palang maglalakad ang bride. Hindi po, saktong 4pm ang start ng lakad ng bride. Lately ko lang din nalaman.

‘Tas last week na-meet na rin namen ang mga kinuha nameng coordinators, maraming dapat i-fill out sa mga binibigay nilang form. Lahat ginagawa ng coordinators para maging smooth ang takbo ng wedding day. Walang stress ang groom at bride sa tulong nila. Malalaman naten yan sa mismong event kung good talaga ang services nila.

Gaya nga ng sinabi ko kanina, marami pang dapat ayusin sa wedding, minsan last minute may pahabol pa, kaya dapat maaga talaga kumilos. Ang coordinators lang talaga ang aalalay ng lahat. Sana talaga matupad. haha

Palagi din kameng tumitingin ng reviews sa mga  facebook pages ng mga kinukuha nameng suppliers. Kapag may mga bad reviews si ganito o si ganyan, hanap nalang ng iba pa, pero kapag medyo gusto namen yung kinukuhang supplier pero medyo sablay siya, ang ginagawa nalang namen, nagfocus nalang sa mga dapat ayusin sa suppplier na yun. Mahalaga na may expectations sa lahat ng kinukuhang suppliers at i-background check ng maigi. Todo kilatis.

Matagal ng natuto ang isip ko na ang babaeng papakasalan ko hindi lang sa harap ng Diyos kundi sa harap ng mga mahal namen sa buhay ay siya ring babaeng makakasama ko sa loob ng 40 years. Yah, 40 years, yun kasi ang edad na medyo fresh pa kame at malinaw pa ang mga mata namen. So, tinatanggap ko ng buong buo siya kahit na malakas din mambwisit ang asawa ko. haha Di ako dapat magpa-delude sa mga nakikita ko. Ngayon palang kinaen ko na ang katotohanan na magsasama kame  “For better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health or may facebook man o wala”.
*Oh kay sarap isipin, kasama siyang tumandaaaaa.*

Hindi kasal ang bumuo sa amin. Buo na kame bago ikasal. Hindi kame ikakasal para lang sumaya. At tapos na rin ang ‘love rat’ namen. Masasabi kong kailangan ng sampung taon para magkaroon ng isang araw na binago ang buhay namen.

Sa totoo lang, sa pagpaplano namen, we treat marriage as a formal covenant based on our emotions. Magpapakasal kame kasi ito ang tama. Magpapakasal kame kasi mahal namen ang isat isa. Wala ng kulang sa amin. 

Etong magiging kasal namen o magiging tipan, hindi lang basta ‘to kontrata, kundi isang mutual understanding na kahit mawala na ang lahat ng tao sa Pasay pati na dito sa earth, magsasama pa rin kame ni Angeline. Binuo ‘to hindi lang responsibilidad kundi tunay na emosyon at pagkakasunduan. Panghabang buhay na pagsisilbihan siya at syempre ako. Panahon na para ibigay namen ang isa’t isang sikreto. Lahat ng tinatagong sikreto.  Wala ng dapat itira pa. hahahaha Magsisi na ho. haha Wala na. Finish na.

Ano pa bang sense kung di kame magsasama ng account sa bangko.You know what, napagdesisyunan na namen pag samahin ang kalahating milyon niya at 3 milyon ko sa bangko. Hahahaha At ang matagal na matagal na naming pinapantasya na makatira sa sarili naming bahay. Sa isang bubong, oops I’m sorry, I mean sa isang roofdeck na masaya ang aming pamilya. Kilala niyo naman ako, my actions speak louder than my words. Pag sinabi ko, mangyayari lahat ng yan. 

Kaya eto na ang simula ng lahat.

Alam niyo ba, ang sarap din palang tumira sa kama ng iba. Ibig kong sabihin, sa hotel.  At dun yun magaganap sa araw ng kasal namen. Hhhmmm exciting.

Aminado naman kaming dalawa na malaki pa ang dapat ayusin sa relationship namen. Hindi namen ginamit ang kasal para maayos kame. Improvement is necessary for any relationship to thrive, diba. Marami pa kaming dapat i-workout. Nagsama kame na parang kaming sundalong parehas na galing sa gera. Alam ko naman na di porket kinasal, eh  magiging okay na lahat. Hindi maso-solve ng kasal lahat ng problema ko at niya. The truth is that not everything gets better. Imposibleng lahat ng masasama ay mawawala kapag kinasal na kame. Imposible yun.

Kung nagbabalak kayo na magpakasal sa iyong minamahal, ang masasabi ko lang senyo, tumigil ka na este magandang desisyon yan. Simula palang ng araw ng wedding prep niyo, matutunan mo nang makipag usap ng maayos hindi lang sa mga tindero at tindera kundi mismo sa taong papakasalan mo. Gaya ng nangyayari samin ngayon. Unti-unti ko na ngang natutunan i-improve yung communication skills ko, di naman ako ganito dati. Mabilis na rin ako magreply at syempre yung being calm in every moment and last, matutong magcompromise kung kinakailangan. Natuto din akong magkaroon ng lakas ng loob na imbitahan yung mga in-admire kong tao at nirerespeto kong mga naging boss bilang ninong at ninang. Nagkaroon talaga ako ng tripleng lakas ng loob.

Speaking of being calm na nabanggit ko, medyo may kulang pa dyan, hindi rin naman maiiwasan uminit ang ulo ko pagdating sa mga loko loko kong kausapin sa pamimili sa wedding materials na gagamitin, atlis isa lang ang patunay na yan na hindi ako nagpapabaya sa magiging resulta ng kasal ko kasi gusto ko talagang maging maganda ang kakalabasan ng wedding ko. Okay lang magalit paminsan minsan wag lang manira ng iba.

Naniniwala naman ako na marami ang kinasal upang umiwas lang sa problema. Change us, in english “Ibahin niyo kame” Hahaha Ang katotohanan dyan, hindi kayang i-erase ng kasal lahat ng sakit ng nakalipas sa amin at mga pagkukulang pero pwede itong maging sandata na gagamitin namin para maging matibay ang aming relasyon.  And there has been a major shift in focus from marriage therapy to marriage as therapy. Ganern yun. Self-observation lang. Yun lang yun eh. Hindi lang din ang mapapangasawa ko ang bubuo sa akin. Paano ko yan nasabi? Yung mga taong nasa paligid ko, sa kanila ako natuto tungkol sa kasal.

Sa desisyong kasalan ito, it will prepare us and make us a healthier person in the long run. Hindi kame papayag na hindi mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga magiging anak namen. Hindi kame papayag na mapunta lang sa wala ang ipapangako namen sa kasal. At hinding hindi kame papayag na hindi sumaya ang pagsasama nameng dalawa. Kaya naniniwala akong pasasalamatan kame ng future sa ginawa nameng desisyon na  ‘to. And I’m very sure about that.

Marami akong makikitang magagandang babae sa facebook at sa kalye, pero uuwi pa din akong, si Angel lang ang pinakamagandang babae para sa akin. Lasing man ako o hinde. haha Hindi ko siya ipagpapalit.

Ang sumpaan na ‘to ay pangako na habang buhay, wala ng lokohan pa. MaderPader. Ayoko ring maging sinungaling sa lahat ng sasabihin ko sa kasal. At maging sinungaling pagtapos nito dahil di ko naman nagawa at tinupad yung mga sinabi ko on our wedding day. Kailangan kong gawing equal lahat ng sinasabi ko at ginagawa ko. Inalam at pinag-aralan na muna namen ng husto ang dapat ayusin sa sarili namen before she walks down the aisle.

Magkakamali at magkakamali pa rin naman ako pero alam ko na ang tama at mali. Ganun lang yun.

The hard thing about hard things in marriage na papasukin namen is walang perpektong wedding. Wala ring perpektong marriage. Kasi wala namang perpektong tao. 

Sa tagal ba naman nameng nagsama, sa pag aaway namen lagi, hindi pa ba kame mai-inlove sa isat isa. Duh!?  Mai-inlove ka din sa partner mo kung palagi kayong nagkukulitan at nag aasaran diba halos maya’t maya. Halos everyday ganun kame. And it is a journey through romance, power struggle, cooperation, mutuality and co-creativity. Yan ay base sa natutunan ko sa wedding seminar.  Yeeeesss. Saka mas lalo kong minahal si Angel sa pagiging selosa niyan.

Sa magiging pagsasama namen dalawa, willing kameng mag adjust para tumatag ang kasalan na ‘to. Mag-adapt na rin sa mga changes na paparating.  At itong blog ko na din ang babalikan ko kung paano kame nagsimula sa kasalan. Our incompleteness and differences give iron to its roughness, its sharpening power ikanga.

Tunay na suporta, pagiging tapat, lumayo sa mali, tuloy tuloy na komunikasyon, pagbibigayan, pagiging malapit sa isat isa, takot sa Diyos at tunay na pagmamahalan. Ito ang malalim at tunay na kahulugan na dapat dagdagan sa intimacy ng pagmamahalan namen. Wala namang perpektong relasyon, atlis tina-try pa din namen na mapunta kame sa maayos. Diba.!

Masaya na ako na mayroon kameng parehas na goals na gustong tahakin. Ipapangako ko ang singsing na magiging simbolo na kasama ko siya sa pagtupad ko sa malalaki kong dreams. And I will act bigger on that.

Additionally, sa paghahanda namin sa kasal, natutunan ko din pala na dapat hindi kame padalos dalos sa paggastos o pagbili. Naging maingat kame every details. Dapat pasensyoso ka sa mga kausap mo sa kasal. Pati na rin sa kukuning videographer at photographer. Iwasan niyong magkasamaan ng loob sa bawat expectations na gustong mangyari. Medyo nagkaroon ako ng konting heartache dito. Kaya ang payo ko, iwasan kumuha ng mga supplier na basta maikasal lang kayo pero di naman maganda yung services nila. Kung sa una palang, magulo na kausap at iba na ang kutob mo sa kinuha mo, magdalawang isip na.

Nangyari samen yun.

Nagkalat sa buong internet ang mga tips, advice, pros and cons sa wedding preparation. Wag maging tamad. Pag-aralan.

Isa pa sa natutunan ko na mahirap makipagbusiness deal sa isang kaibigan, may kanya kanya tayong expectations na dapat ma-meet. Pag di kayo nag magkasundo sa usapan niyo. Paktay.

Wag din kukuha ng supplier na hindi kasama ang jowawits. Wag magdesisyon mag isa. Proven and tested ko yan.

Kaya, nung may nakuha na kameng supplier pero may hindi pa napagkakasunduan sa usapan ng magiging takbo ng aming wedding. Yung totally magulo pa na parang gusto mo ng bumigay dahil lang sa magulong kausap namen sa simula palang. Wala na akong nagawa kundi magpahinga nalang muna. Nagtry nalang akong i-shift yung focus ko. Nag-isip kung paano ko nalang mapapasaya ang wedding. Kumapit nalang ako sa isip ko imbis na sa emosyon, ang isip naten  it can bring us down or lift us up at a moment’s notice. Meron kasing ibang nagnenegosyo, basta lang makabenta, wala ng pake sa customer at output ng trabaho. Mag ingat.

Itinuon ko nalang sa magandang result ang utak ko in general. Ang sukatan para sa kin ay kung paano ako nag isip, dun ako mababago eh. Sinabi ko nalang sa sarili ko na “lahat ng nangyayari ngayon(ngayong preparation) ay daan para mas maging maayos ang wedding”. It’s all about thinking better for wedding so we can ultimately start to live better.

Ang magiging kasal namen ay pwedeng maging oportunidad  para umunlad kameng dalawa, at inaaako namen ng buo iyon. Para sa personal growth na rin namen ni Angel.

And finally, tanggap ko na di ako nag e-expect na palaging bwenas sa pagsasama namen, na palaging may araw at palaging may rosas lalo na pagtapos ng kasal. Darating at darating ang matinding bagyo. Tag-alat at tagmalas. Maximum awayan. Magiging matagumpay lang ang kasal namen kung handa kameng tanggapin ng buong buo lahat ng pwedeng mawala at masira. Maaaring kailangan igive-up ang carefree lifestyle at pasukin ang bagong limits. This is means unexpected inconveniences. At sa tingin ko, ang lahat ng matagumpay na marriage is patiently works to face the challenge.

Lahat ng ‘to madaling sabihin, at madaling isulat. Pero mahirap panindigan. At ayokong maging gago.

Minsan darating kame sa pagsasama na nasa baba kame minsan naman nasa taas, parang roller coaster ba. Eh sino ba naman ang ayaw ng roller coaster diba. Gusto namen yun.

Masaya na ako na uuwi ako sa sarili naming bahay kasama ng napangasawa ko. Puso naman ang gagamitin ko ngayon. Pipilitin kong magbigay pa ako ng doble dobleng ligaya sa magiging asawa ko. Pinapangako ko yan. Marami kameng expectations sa married life namen at ako mismo ang magiging lider para matupad isa-isa lahat ng iyon. Meron na akong tatlong bagay na binitawan para sa magiging buhay mag asawa nameng dalawa. Medyo madami dami din yun kung mamatamisin. No more time na for catching feelings. Haha At alam ko, maganda ang magiging trade off nito para saken at sa magiging anak namen.

July 20, 2018
Angel: Tuparin mo lahat ng pinangako mo, ilayo mo na kame dito.
Me: Opo, love. (Kiss sa forehead)

Sa pagmamahalan nameng dalawa, mas natuto pa akong mahalin ang sarili ko. Alam kong gwapo ako pero ibang iba ‘to. Haha Hindi ko maibibigay ang pagmamahal na hinihingi saken ng mapapangasawa ko kung hindi ko kayang mahalin ang sarili ko. Malaki pa ang part sa buhay ko na dapat pang gamutin. Malugod kong tinatanggap yan.

Sa mga minahal ko noon, naks taray, pero honestly natutunan ko sa lahat. As in lahat, na ang pag ibig pala marami pang ituturo yan. Ganyan yan. Ganyan siya haha. Tuturuan at tuturuan niya tayo palagi. At mabubuhay naman ako sa pagmamahal kahit na joker  akong tao. May natitira pa naman love sa ganung ugali. Lol Dahil alam kong walang katapusan ang tunay na pag ibig. Para siyang alak na malalaman mo lang ang tama kung iinom ka. Ano nga ba ang pagibig? Hindi ko rin alam. Alam kong alive na alive siya. At palagi siyang nariyan. Ang pag ibig ay masaya. Yun na yun. Hindi pa rin mawawala ang naglalagablab na pagnanasa ko sa pag ibig lalo na sa taong mahal ko. Para bang bote ng alak na humahalik sa aking labi.

Magsasama na kame sa i-isang laman. Parang pinagdikit na barbecue, ganun. Ang mainit na pagmamahalan, maligamgam na pagsasama at sing lamig ng pagkakasunduan ay isang katangian ng masarap na kape. Maaaring mabawasan ang amount ng kape o madagdagan pero at the end of the day, isa pa rin siyang masarap na masarap na kape and iiiiiiii thank youuuuuu.

Anuman ang mangyari. Anuman ang kahihinatnan neto. Maging sino man siya. Mahal na mahal ko si Angeline. Pangako ko yan. Siya ang aking aguhon at guro. Wala na akong pake kung gaano kahirap ang magsama. Mas mahirap para saken ang mapalayo sa kanya. Sa kasal ko, gusto kong makilala niya ang iba pang kaibigan ko ng lubos. Dahil siya ang pinakaimportanteng taong nakilala ko. Hinding hindi mananakaw ng iba ang pagmamahal ko sa kanya.

Di ko maipaliwanag yung excitement na nararamdaman ko sa mga oras na to. Pinaghalo halong pagka-excite dahil di ko alam ang mismong design ng wedding gown ni angeline, may halong kaba, baka di ako makapagsalita at mautal ng tuluyan, may halong saya dahil makikita ng marami ang paglalakad ni angeline sa dambana. Gusto ko ng makita yung style ng gown ni Angel at siya rin mismo na suot-suot iyon. During kasi ng pamimili namen ng gown at attire ko, sabi niya, wag ko daw siyang tignan. Dapat di ko daw makita yung gown niya. Mag ikot ikot muna daw ako sa ibang mall. Maarte din eh.

Sa ngayon, di ko alam ang magiging kalagayan ko kapag papunta na siya sa akin para mag “I Do.” Medyo kinikilig na ako ngayon, iniisip ko palang. haha

Ibang level pala to. Magkakaroon talaga ng special factor ang bawat eksena sa imagination ko palang. Iba pa rin pala talaga na mangangako kame ng tunay ng pagmamahal sa harap ng maraming tao.

Isa din sa aabangan ng mga bisita yung pagpasok namen sa Reception. Well, galing din naman kame dun sa place na yun kasi dun din yung ceremony. Siguro ang masasabi ko, abangan niyo nalang yung entrada namen. Bahala na. lol

Papaghandaan ko pa ng husto yung first dance namen. Hindi naman nahirapan saken si Teacher georchelle sa pagturo ng mga steps. Di naman kailangan daw na hataw ang sayaw e. lol Basta ibang iba ang iooffer ko ngayon sa stage. haha Ang mahalaga gumagalaw kame sa tuwa. We shout for joy, sing his graces lift my voice unto the Lord.

Ngayon palang masasabi ko na na masaya to. Itong event na to.

Ay wait, Nagchat ako kay Goldilocks, meron siyang pinapa-add. Kasama pala sa event yung paghihiwa ng wedding cake na simbolo ng fertility para dumami pa daw ang magiging supling namen ni angeline. Kame ni angel unang maghahati ng cake bilang sign ng mahabang pagsasama daw. Tapos saka hihiwain ito para sa mga guests. Syempre di naman nakakatuwa yun  kung maunang kumain ng cake ang guests, sa dami ba naman ng pumunta baka wala nang matitira sa bagong kasal. Bumili nalang sana kame ng pulboron kung ganun. Haha Ang totoo nyan, ang mag-asawa talaga ang unang maghahati sa cake na simbulo ng  sweetness  ng pagsasama at saka ise-share ang blessings sa mga taong malapit sa mag-asawa. SABEEEEEH.

Ito’y sang selebrayon na mapupuno ng saya at ligaya. Kasama ang aming baby.

At magkita kita nalang po tayo sa August 31 para makisaksi, magsaya at magparty. Pagsaluhan ang tagumpay ng magkasintahan naa naging matibay sa bawat hamon ng buhay.



1 comment:

  1. If you're looking to lose weight then you absolutely need to try this brand new personalized keto meal plan.

    To design this service, certified nutritionists, personal trainers, and cooks united to develop keto meal plans that are efficient, painless, money-efficient, and delicious.

    Since their launch in 2019, 100's of individuals have already transformed their figure and health with the benefits a proper keto meal plan can offer.

    Speaking of benefits; clicking this link, you'll discover 8 scientifically-tested ones offered by the keto meal plan.

    ReplyDelete