Friday, July 28, 2017

FEEL MO?


Tag-ulan na talaga. Bilis ng panahon ‘noh. mag-o-August na kagad. Tapos magse-september na, sunod niyan October, saglit lang yan at susunod na ang november at tapos december. Ayan na naman. Bonus na naman. haha So, ano na? Anyare? Kaya pa ba?

Bagong pakikibaka na tayo ulit. So, let’s get the show on the road na ulit.

Kumusta ang mga feelings nyo, mga kabayan?

May tanong lang ako.

Kailan mo huling na-feel ang kakaibang feelings para sa  paparating na events sa buhay mo? Ang ibig kong sabihin, katulad ng birthday ni ganito o ni ganyan, I’m sure exciting ang pakiramdam nun, diba!? Eh paano yung mga deadlines ng pasahan ng project sa school niyo na dapat ipasa bukas or request ng client sa trabaho na dapat tapusin. Anong feeling ‘nun? nakakabaliw ba? Eh paano naman ang  final exam sa school na di ka nakapagreview o ang mas matindi pa diyan ang first time mo sa  job interview? Do you remember? Kaloka? Naalala mo pa ba ang pakiramdam ‘nun? O wala kang pakiramdam? haha Naalala mo pa ba ang mga oras at minuto na ibang klase ang moment na meron ka ng mga oras na iyon? Yung tipong pawis na pawis ka on that moment. Nine-nerbyos ka sa takot. Excited na excited ka. Hindi ka mapakali. Kung naramdaman mo na yan, malamang di mo makakalimutan ang mga sandaling iyon?

Kailan ang huling moment na hinanap mo ang sarili mo at the crossroads? Naks. Parang Bone Thugs lang eh noh. O di kaya, yung feelings na pinatalsik o tinanggal ka sa trabaho? Meron ka bang ganung ganap? Yung pakiramdam na bumalot sayo ang buong kamalasan. Mga panahon kailangan mo gumawa ng matinding desisyon sa buhay. Kailan?

Kung di mo na maalala. Edi wag na.

Well. Bakit nga ba ako nangangamusta ng mga feelings at emosyon niyo?

Kasi napakahalaga ng feelings. Ako, sa sarili ko, alam kong maraming may feelings sa akin. Charot. hahaha

Ang mabuting balita ko ngayon. Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sayong di mo makukuha ang isang bagay kasi di mo talaga feel ‘iyon. It sounds cliché pero may makabuluhan akong ibabahagi sayo. Madali mo lang makukuha ang hinahangad mo. Makukuha mo ang gusto mo na palagi mong iniisip. Try mo lang i-feel. Hinto muna tayo saglit. Gawin mo to. Gamitin mo ang five senses mo. Visualize and do it. Subukan mo lang damhin ang energy ng gusto mong ma-achieve. Sige lang. Subukan mo.

Nagawa mo ba yung inutos ko kahit sa loob lang ng 5seconds? Kung oo, intro palang yan. Alam kong may idea ka na sa content ko ngayon. So, let’s proceed sa susunod kong kwento.

May sense ba ‘tong sinasabi ko? Weeeh? Walang echos? Edi go.

Paano ko ba nasabi ‘to?

Wala naman. Na-experience ko lang kanina. Bago ako pumasok ng trabaho. Na-feel ko sa sarili ko na maganda ‘tong araw na ‘to. (pero minsan nga diba kabaliktaran ang mga nangyayari sa atin, kadalasan negative kahit na ang ganda ng gising natin). Pero iba to ngayon, basta sinabi ko nalang sa sarili ko na anuman ang mangyari saken ngayon, susuportahan ko lang. Go lang ako. Wag lang sa delubyo. haha

Kasi ganito.

Sumakay ako ng bus. Nakita kong iisa lang ang bakanteng seat tapos sa may bandang dulo pa. Magiging choosy pa ba ako!? Syempre hindi na, ayoko tumayo. Pag-upo na pag-upo ko. Medyo inaantok pa ako at groggy pa. Gusto ko pang bumawi ng borlog. Pero may maingay sa gilid ko na babaeng dwende. May nakita ako na isang babae na namumutla sa gilid. Katabi ko siya. Malakas ang ulan nung mga oras na iyon. ‘Tas  nagyeyelo pa sa lamig ang bus. Siguro dahil na rin nabasa ako ng burberry light sa labas. Tapos putik-putik pa ang sapatos ko at medyo basa ako ng ulan. So, malamig talaga sa pakiramdam.

Mga ilang minuto pa.

May kakaibang bumabalot na espirito sa katabi ko dahil parang di siya mapakali sa ginagalawan niya.

Nilingon ko siya ng kaunti.

Napansin ko na mukha siyang lupaypay na parang nalugi sa negosyo. ‘Tas nakahawak pa siya sa panga niya. Di ko alam kung ginulpi siya or what. Mga ilang minuto pa, may narinig akong tinig galing sa kanya,

Siya: AAAAAaaaaaah. (Sounds ng nasasaktan, hindi nasasarapan)

Lumaki ang mata ko, pero di ako tumingin sa kanya. “Tang ina” sabi ko sa sarili ko: “Mukhang may sumusundot kay ate ng hindi ko nakikita ah.” Ganun ang sinabi ng bubbles sa taas ng ulo ko. Di ko nalang pinansin. Ako ang may itchura dapat dedma lang ako sa mga ganyang bagay. Pero umulit pa ang boses niya ng mas mahaba pa, mga nasa volume 12 na.

Siya: AAAaaaaaaoooaaah. (nasasaktan na talaga ata si ate sa posisyon niya). Yung sa kabilang seat, napatingin din. Ngumiti lang ako.

Di nalang ako tumingin baka kalabitin niya ako at hawakan niya ako. ‘Tas ayain niya akong magjoin sa kanya. Pero mukhang tolerable naman ang sitwasyon ni ate. Arte niya lang ata yun. Mukhang kaya niya pa naman tiisin ang masakit sa kanya. Di pa naman siya namimilipit eh. hahaha

Sobrang lamig pa naman sa bus. At malakas ang buhos ng ulan. Ayoko naman magpakajeje na katulad sa social media na maliit na bagay, vinivideohan. Kawawa naman si ate.

Then, naririnig ko siya na sinisipsip niya yung ngipin niya na parang may tinga sa lalamunan niya. Tinignan ko na siya. Tumingin din siya sa akin.Tapos dun na siya nagdeklara ng holdap. De joke.

Ang sabi niya “Ang sakit ng ngipin ko, parang mamamatay na ako”. Pabulong na banggit at nakahawak pa rin sa panga, siguro pahiwatig niya yun para malaman ko na matino siyang tao. At hindi ako mangamba sa movement niya. Sa isip ko “Edi okay”.

Nagulat ako at naawa syempre. Yun pala ang iniinda niya. Sa loob loob ko: “Tangina te, oooouch, I feel you sis. I’ve been there. Masaket yan. Sumakit din ang ngipin ko sa kalagitnaan ng biyahe noon. Yung mga moment na yun na halos gusto ko nang kagatin ang lahat ng upuan sa bus para matanggal yung teeth o di kaya ipahatak sa katabi ko yung ngipin ko sa sobrang sakit. Wala akong ibang ginawa ‘ nunkundi ipikit ang aking mga mata. At pilitin matulog kahit mahirap. Pero fuck, masakit talaga ang perwisyuhin ng ngipin lalo na’t sa malamig na panahon.

At ayun na nga. Nalulungkot na ang katabi ko. Kakaskasin ko sana yung kutchara at tinidor ko sa bag e. Kaso wag nalang, baka mas lalong sumakit yun.

Sinubukan kong tumulong. Kahit mukha akong masamang tao, pero dapat pa rin akong tumulong. hahaha

Buti nalang naalala ko, nung last last week bumili ako ng Ponstan Mefenamic kasi sumakit din ang ngipin ko gawa ng pudpod at bulok na daw sabi ng dentista at sa may bagang ang location nun.  Pero napabunot ko na yun  nung last week pa. Sakto. May naipit ako na gamot sa wallet ko. ‘Yun yung gamot na yun. Aay ang swerte ni ate. Ibigay ko nalang sa kanya.

Shinare ko nalang sa kanya ang meron ako. Ang problema nalang niya ay tubig. So, siya na bahala dun.

Nilunok niya nalang ang gamot. haha Nginitian ko na siya. Galing ni ate, parang si darna lumunok. haha

Umabot pa muna ng mga 20mins bago humilom ang toothache niya.

Sana naman makaidlip na ako ah. Isa pang ingay mo ate, papalabasin kita ng bus. haha

Ang dami kong natutulungan sa bus. Ang dami ko ding moment sa bus. Nakakatawa.

Etong moment na ‘to na masaya akong tumulong. Kasi naranasan ko din ang hirap ng sakit ng ngipin. Tama ang feelings ko kanina.Tama ako na may something na mangyayaring maganda. may natulungan akong tao. May naligtas akong tao. Yung iba pwede ng magbigti sa sobrang sakit ng ngipin, pero isipin mo naman kung paano ko nailigtas ang babae sa pain. Tama ang feelings ko.

Well, anyway.

Napaka-importante ng emosyon natin sa lahat ng aspeto ng bagay. Mga negative emotion na dapat kontrolin. Mga emosyon na sumisira sa atin. O di kaya naman, mga emosyon na nagpapagaan ng kalooban natin or nakakadagdag ng positive vibrations. Ganun.

Para saan ba ang feelings na hinahanash ko kanina pa? hahaha

Gusto mong ma-reach ang goal mo?

Kailangan natin ma-cultivate ang feelings na gusto nating ma-attract. ‘Tas pwede rin nating ulit-ulitin sa isip natin ang inspirasyon at motibasyon na nasa puso’t isipan natin.

Papatunayan ko yan.

Milyon milyong tao ang naghahanap ng rason. Naghahanap ng dahilan para mabuhay.

Minsan wala sa paligid ang sagot, diba. Minsan wala sa libro, sa internet, o sa katabi mo kundi nasa sa’yo mismo. Meron tayong “Inner Guidance” kasi. Ano ba ang inner guidance na yan, saan ko ba nakuha yan? Well, ang inner guidance ay nabasa ko yan sa isang article. Sa lahat ng nabasa kong bagay o tao na dapat nating kapitan at pagkatiwalaan, malapit sa hinahanap kong tanong sa buhay ay ang “Inner Guidance”. Tinatawag din ng iba yan na Spiritual Guidance.

Inner, meaning inside,  it’s within the essence of our being on some spiritual level at  ang guidance syempre gabay natin. Anong klaseng gabay? It guide us to  agree to be with us for some portion or all of our lifetime here on the Earth. Medyo magulo ba? Basta mafe-feel mo yan. Mararamdaman mo nalang na parang may tumutulong sayo.

Paano tanggapin ang ating Inner guidance na sinasabi ko? Simple lang. Pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo at open ka lang sa lahat ng posibilidad na mangyari sayo. ‘Yun na ‘yun. Minsan kasi, eto yung nagpapakita sa atin kung ano ang next step eh.

Ang positive feelings at Inner guidance ay iisa.

So, kung ready ka na ma-manifest ang pagbabago. Simulan mo sa feelings. Kasabay ng isip.  

I’m very very sure. Yung katawan natin ang magsasabi kung di natin feel ang pagiging kuntento. At hindi tayo magiging kuntento.  Tama ba?

Walang tao ang makakapagsabi na dapat muna tayong kumita ng malaki bago tayo kumilos. Feel it muna.

At ang feelings at perpective ay magkakaugnay din.

Anuman ang pinagdadaanan ng lahat. Naniniwala pa rin naman ako ng lahat ng nilalang sa mundo. May kanya kanyang kayamanan na taglay. May iba mayaman sa kaalamanan. May iba naman, mayaman sa pera. May iba, mayaman sa pagmamahal. May iba diyan, mayaman sa pakikipagkaibigan. Kaya iba-iba ang kayamanan ng tao.

May challenge ako senyo.

Na naging challenge ko din sa sarili ko.

Try nyo tignan lahat ng nasa paligid niyo na mayaman din sila. Wag kayong magfocus dahil mahirap ang Pilipinas kaya puro traffic sa Metro Manila. Wag kayong magfocus sa mga nakikita niyong pulubi sa daan. Try niyong baguhin. Tignan niyo naman sila na kumportable at kontento din gaya niyo. And then, i-feel niyo talagang maraming wealthy things sa mundo, amuyin mo sa palagid ang bango ng kalsado, hawakan mo ang mga makakasalubong mo sa daan na  sila’y pinagpalang tao, lasahan mo ang bawat pagkain na iyun ang pinakabiyayang pagkain sa lahat, at tignan mo ang paligid na gumagawalaw dahil masasaya ang mga tao.

How can I prove it?

Tignan mo ang mga yagit at pulubi sa daan,? Nakakaramdam kaya sila ng stress sa buong maghapon. Kumpara naman sayo na empleyado na may kinikita ka ngang malaking halaga sa kumpanya pero puro stress naman ang inaabot mo sa bawat problema na binibigay sayo ng trabaho at ng amo mo. Example lang. So sino ang mas mayaman senyo ng “Haligi ng mga lupa”? Sila(pulubi) na hindi nais-stress sa buong maghapon at ililiyad lang nila ang kanilang mga kamay at may magbibigay na sa kanila ng pera o ikaw na nagiging losyang na sa trabaho, maraming bayaring bills at obligasyon sa buhay.

Naisip din kaya nila na mahirap talaga sila(pulubi)? Tingin ko hindi.

Kaya friend, kung titignan natin ang mga “kalabasang naiiwan ang bunga” na sila’y mahihirap at wala ng pag-asang umunlad. Baka nga siguro,mahirap nga din tayo. Sa sarili magsisimula. Kung tignan ang lahat.

Sa tototo lang, wala akong malaking halaga ng pera ngayon. Di ako mayaman.  Pero nung tnry ko tong experiment na ‘to sa sarili ko. Effective siya. Di ako nauubusan ng pera sa pitaka. Sakto lang para sa lahat ng gastusin. Nakakakaen ako ng tatlo hanggang limang beses sa isang araw. kasama na prutas dun. Paano lahat nangyari saken yun? Kasi tinignan ko lahat ng mga taong nasa paligid ko na abundant. Wala akong taong nakikitang nagugutom kundi nakikita ko sila bilang “Pinagpalang tao”.

Kaya lagi kong sinasabi, palaging may kayamanan sa ginagalawan natin. Hindi lang natin napapansin at pinapansin.

Gaya ng sabi ko kanina, feel it. Dapat mong maramdamang okay ang lahat para maging okay ang lahat.

Di natin kailangan ng malaking halaga ng pera sa bangko bago natin ma-feel na pinagpala tayo. Meron na tayong lahat nun.

Siguro ang hula ko dyan kaya hindi natin makita ang kayamanan sa paligid, kasi namulat tayo sa paniniwalang may konsepto ng mahirap at mayaman. Naturuan din tayo ng paniniwalang wag tignan ang materyal na bagay. Or ayaw talaga natin tignan ang kayamanan.

Isipin natin na buong pwersa ng Universe makikiisa satin sa lahat ng hangarin natin sa buhay. Atlis ang kalawakan, nakikita natin.

Kung titignan mo ang lahat ng bagay na supportive sayo, mangyayari nga yan.

Kagaya ko din kayo. Hindi kayo nag iisa. Pina-practice ko din ang lahat. Namulat ako ng may sariling pananaw sa buhay.

Lahat ng to ay Self-discover ko lang. At napatunayan ko . Saka di ako naniniwala sa konsepto ng mali at tama.

Kagaya ko din kayo. Tanungin niyo din ang sarili sa positibong paraan. Kung palagi nyong tinatanong sa sarili kung

“Ano ba ang mali sa buhay ko?

Alam niyo kasunod nun, lahat ng mali sa buhay niyo, lilitaw kasi ang tanong mo mali eh. 

Is your self-talk creating a thriving body, or is it sabotaging your physical ability?

Are your thoughts those of a healthy, beautiful, strong, energetic person? Or are they thoughts of a critical, tired, out of shape person?

Dapat nating ma-feel muna ang lahat. ‘Tas sundan na kagad ng kilos at aksyon. Dapat ang isip natin ay nagtutugma sa kinikilos natin. Dahil yun ang mahalaga. Damhin ang tagumpay. At baguhin ang perspectibo sa buhay.



Saturday, July 8, 2017

ADIK SA TRABAHO


“Tang ina, gustong-gusto ko yun.”
Yan ang kadalasan kong bukambibig sa tuwing nananabik ako at lulong na lulong ako na makuha ang gusto ko.

Napadaan ako nung nakaraang Sabado sa National Bookstore sa Mall of Asia, gusto ko lang sanang bumili ng bagong libro. Wala naman, nais ko lang namang magbasa ng bago. Di ko feel talaga magbasa sa computer o sa digital eh. Kaso, parang wala pang bagong published ngayong buwan ng July. Isang section lang naman ang pinupuntahan ko dun palagi, self-help book lang.

Kaya, bumili nalang ako ng glue gun, naalala ko kasi na may ididikit pala akong warak na shades ko sa bahay. Actually, matagal ko ng balak bilhin yun, ang dami daw kasing use ng glue gun sa DIY projects sabi ng page na “Bright Side”. Kaya na-enganyo akong bumili.

‘Tas nung nasa bahay na ako, saka ko naisipan gumawa ng notebook kasi naalala ko pala na puno na ng laman ang journal kong ginagamit. Eh sakto may glue gun na ako.

Ayoko talaga bumili ng notebook eh, mas gusto ko na ako yung mismong nagde-design ng kwaderno ko atlis nalalaman ko kung gaano ka-enjoy gumawa nito at nako-compute ko na kagad kung ilan ang uubusin kong sheets dito. Eh nung bumili ako ng glue gun, di ko naisip na wala pala akong papel na gagamitin sa notebook, so balik ulit ako sa National para bumili. haha May kamahalan din pala ang isang bind ng papel, umabot siya ng P189.

And then, nung natapos ko na siyang gawin, saka ko na kinoveran siya ng gift wrap. Ayun. Ang saya niyang tignan. Ang cute. Meron din siyang lalagyan ng ballpen sa likod. Hihi

Nakakatuwa. Nakakaadik at nakakahumaling pala gumawa ng sariling notebook. Gusto ko na ulit gumawa ng isa pa. haha

Naisip ko nga eh, paano ko kaya nagawa yun? I mean, nasa mood lang kayo ako nung mga time na yun? Trip ko lang ba talaga yun? Naenjoy ko eh. Nahumaling lang ba talaga ako sa mga oras na yun? First time ko gumawa nun ah. Natutuwa kasi ako sa tuwing naaalala ko gumawa ng notebook eh, di ko na namamalayan na umabot na pala ako ng 2hours sa paggawa ko nun. O makupad lang talaga ako kumilos kaya dalawang oras ang nagugol ko. haha Naadik talaga ako gumawa nun. Gusto kong ulit-ulitin ng maraming marami pa. Nakakatanggal siya ng stress. Lalo na magpatuyo ng glue, nakakaaliw. haha Ambabaw ko.

Ang tanong ko lang, maganda ba ang dulot ng obsession o pagkahumaling? Kasi para saken, okay siya  eh. Natapos ko ang notebook ko ng walang distractions. Ang sarap maadik sa maliliit na bagay. Para akong highschool muli. Promise.

Prediksyon ko talaga, makakagawa talaga ako ng libro na babasahin ng maraming pilipino. At magugustuhan at mamahalin nila. Feeling ko lang. haha

Para saken, (to the tone of Kuya Kim) may kanya-kanya tayong klase ng obsession sa sarili. Mayroon sa paraang di tama at may paraan na tama pero mali sa iba.  

Sure ako, naranasan niyo na din yung times na baliw na baliw kayo sa isang tao o bagay. Adik na adik kayo sa agenda niyo. May iba na babae o lalaki diyan na patay na patay sa jowa nila. Gusto oras-oras magkausap sila at di na makapagfocus sa kanilang pag-aaral. May iba naman, praning na praning sa pangongolekta ng mga toy o anumang bagay kahit matanda na. Meron nun ah. Iba-iba talaga ang enthusiasm ng tao.

May iba naman din diyan na ayaw tantanan yung pangangaliwa sa asawa. May iba na hyper sa pambababae. May iba naman ang addiction ay nasa paninira ng ibang tao ang kinahuhumalingan. O kaya, may mas malupit diyan na tinitira ang cough syrup, mabangis yun kaadikan kung iisipin. Haha (wala lang, napanood ko lang yan)  May iba din diyan na nasa musmos na kaisipan palang, nakatikim na ng  droga o marijuana. Yun na kagad ang kanilang minahal ng todo. Yung tipong nakalanghap siya ng usok na parang nasa alapaap at wala nang usok na nakawala sa pagsinghot niya. Na tuluyan ng napariwara ang kanyang buhay. Bakit ko ba alam yan? haha Syempre napapanood ko. haha (Di po ako adik sa bawal na gamot ah). Haha

Ang iba naman sa Mobile Legend na game sa phone ang kinapa-praning hanggang sa madaling araw. ‘Tas may iba naman ay nahuhumaling sa success para sa improvement at progress nila. Sobrang dami ng obsession at burning desire na ginagawa naten.

Minsan kapag babad tayo sa ginagawa natin, hindi malabong sabihan tayo ng iba na adik. Tama di ba? Yan na ang naging lenggwahe. Minsan nadudulas din ako diyan.

“Adik na adik ka diyan ah”. Yan ang kanilang biro.

Ang tingin kasi ng iba kapag nao-obsessed ka sa isang bagay o tao, negative kagad ang naiisip nila. O ang mismong salitang obsessed, ang iba iniisip nasisiraan na ng bait ang taong iyon. Karaniwan pa naman sa nasasabihan ng adik o lulong, wala ng pag asa sa buhay na makarecover. Ouch.

Alam kong magkaiba ang obsessed at addict. May similarities nga lang sila.

Well anyway.

Mahirap mahumaling sa droga. Kaya ‘wag iyon, guys. Mahirap yan. Masisira ang buhay mo diyan. Mga gumagamit niyan, sila ang mga tinatawag na salot ng lipunan. (Salot agad?) haha Walang pakinabang kumbaga. Patapon daw ang buhay nila. Hindi yan magandang obsession. Maadik na kayo sa pagkapanalo at tagumpay, ‘wag lang sa droga. Pero meron naman kasing healthy obsession na para sating purpose of living, diba. Marami sa populasyon ng tao ay naghahanap ng passion at kung ano ba talaga ang purpose nila sa kanilang buhay, kaya malaking tulong ang pagkahumaling para mahanap to. Papatunayan ko yan.

Talagang hindi mabilang sa daliri ang obsession ng tao dito sa mundo. Ano po!

Saan ba pwedeng gamitin ang tamang obsession sa isang bagay o tao?

Halimbawa, gusto mong pumayat?

Hanap ka ng healthy or sexy na picture. Pwede mong palitan yung mukha nun ‘tas ilagay mo yung picture ng mukha mo. Kung ang visualization mo ay ang “Pagpapapayat”. Maaari kang ma-obsess kung palagi mong nakikita ang picture sa pader or ginawa mong screensaver sa telepono mo. Tama diba? Mas nakikita mo kasi  ang possibility, mas gaganahan kang mag-exercise at magpapayat. Nakikita mo ang big picture na pwede mong isipin buong maghapon.

Kasi kung ako ang tatanungin, share ko lang senyo na everything I have ever achieved in my life is because I imagined achieving my goals before it happened, nakuha ko din yun kasi gustong gusto ko yun na may clear vision ako dun at obsessed na obsessed ako sa goal ko.

Yan ang “isa” sa pinakamabisang paraan na alam ko, ang magcut ng pictures. Isang daan porsyento, magiging isa kang self-made champion sa sarili mo kapag baliw na baliw ka na ma-achieve yun.

Saka pa.

Sa kapangyarihan ng ating isip, pwede nating baguhin ang tingin natin sa lahat ng bagay.  Example nalang sa upuan, kotse, kalsada at iba pa. Sa dami ba naman ng blog na nagawa ko tungkol sa Mind, palagi ko naman binabanggit na mahalaga palagi ang laman ng ating isip. Hindi ng ating bulsa o kung ano pa ang ibinibigay saten ng iba.

Pero, ang mas mahalaga pa d’yan ay kung paano ang ating isipan na maka-experience differently. Kung paano natin titignan ang mundo in a new perspective at kung paano natin ilalagay ang obsession sa ginagawa natin ay ang tanging susi na alam ko para sa minimithi nating tagumpay. Because, I know that becoming a very strict and obsessed with our goal is the great skills.

Sa mga nasaksihan ko sa henerasyon na’ to, tayong mga batang 2k, maraming talento ang hindi tinatrabaho ng husto at pinagpapawisan ng todo. Isa sa mga dahilan na nakita ko ay siguro kulang lang ang iba ng obsession sa ginagawa nila. Sigurado ako d’yan. Yan ang kailangan nating rekado sa tagumpay. Obsession.

Ang talentong dapat di tayo magigiba ng iba kung mayroon tayong “gigil at hataw” sa ginagawa natin at di na umaalis sa isipan natin ang ginagawa natin sa buong maghapon.

Nabanggit ko din dito sa blog ko noon na base sa quotes ni Malcolm Gladwell, kailangan natin ng 10,000 hours para ma-master ang passion natin. Pero kung ako ang tatanungin, (malamang blog ko to eh, alanganamang tanungin pa natin ang iba!?) haha

May dapat pang dagdagan sa panukala na yan. Dahil kulang pa pala yan. Saken, mapapabilis ang mastery kung obsess tayo sa ginagawa natin kada araw, siyete bente kwatro.

Ang nakikita ko.

Kailangan nating humanap ng bagay na baliw na baliw tayong gawin yun para sa ikata-tagumpay natin. Ang lahat ng attraction na ikasasaya natin, gawin na natin. Kapag nahumaling tayo ng extreme sa passion na gusto natin, walang dahilan para hindi tayo magtagumpay at manalo sa larong to.

Malaking tulong na hanapin natin yung lugar na gusto nating mag-ubos ng productive at meaningful hours. Kung maaari, magprint tayo ng image or isulat sa papel gaya ng sinabi ko kanina para makita natin ang tina-target nating goals tulad ng weight goal ko kanina. Pwedeng pwede yun.

Kapag nahanap na natin ang bagay na passionate tayo dun at gawin natin yun na priority sa buhay, mas lalo nating maiintindihan kung ano nga ba ang nangyayari sa atin at magiging malinaw ang tinatahak natin.

Ano ba ang mabuting bisyo? Alam mo yung moment na dinadagdagan natin ng  konting repetition ang passion natin na nag e-extend pa tayo ng oras para dito  at  syempre ang pinakamahalaga ay ang forced focus sa trabaho. Mahalaga na inlove na inlove tayo sa trabaho natin. Then, we will enjoy almost every second of it. We need to work harder for this. We need to put all our energy toward this one outcome, this one idea, and somehow it returns to us. We can design the reality that we perceive every day.

So, I decided to become obsessed with success. Mga nagdaang nitong taon at buwan. I became obsessed with my health at sa lahat ng kinakaen ko. Sabi nga nila “the key in all endeavors are energy and good health plus the old saying goes “health is wealth”. And I became obsessed with my own happiness. Gusto ko palaging masaya at masaya ako sa ginagawa ko. I became obsessed with leaving this world better with my purpose. I became obsessed with money and generating an income and having a financial freedom. I became obsessed with writing. When I focus on it so hard that I eliminate all distractions in pursuit of my goals. Ang pagkahumaling sa ginagawa ko is in short, can lead me to greatness and it is a powerful and potentially positive mental state.

So, paano ko lahat nagawa to? May katuturan ba talaga ang ‘love and affection’ na ginagawa ko sa trabahong gustong gusto ko? Meron po. At ilan sa mga dahilan ay ang mga ito:

Itinodo ko ang pagkahumaling sa ginagawa ko araw-araw.
Naranasan niyo na ba sa umaga, kapag mahal na mahal at pursigido kayo sa ginagawa niyo, ni di niyo na namamalayan na tanghalian na pala dahil talagang dedikado kayo sa ginagawa niyo. Tutok kung tutok. Minsan, nakakalimutan niyo ng  tumingin at mag-update ng  facebook dahil alam niyo sa sarili niyo na mahalaga na tapusin ang work niyo kaysa sa social media thingy. Ito ang moment na baliw na baliw at busyng busy kayo sa ginagawa niyo dahil iyon talaga ang napili niyong mahalagang activity sa buhay niyo. Ang sarap mag-ubos ng oras diba kapag ganun.

At sa akin naman,
  
Bago ako pumasok ng  trabaho, talagang sobrang full of energy ako, as in, todo isip akong makakadiskarte ako ng paraan kung paano ko mababago ang buhay ko sa bawat araw. Oo, seryoso. Epektibo naman siya. Pero minsan habang tumatagal ang panahon, hindi ko na namamalayan na naliligaw at nalilito na pala ako sa ginagawa ko. Mukhang nahahalata ko na kasi na ipinapaubaya ko nalang parati sa salamin ang mga pangarap ko, pero nakakalimutan kong umaksyon ng super duper. Sa umaga lang ako hataw pero malamya na ang katawan ko kapag papunta na ang mga paa ko sa lugar na di ko gusto ko. Nawala na ang obsession.

Another lesson sa ‘kin.

Di pu-pwedeng sa una lang ako pursigido at obsessed. Totoo yan. Hindi pwedeng puro nalang ako “nigas kugon”. Di pwedeng naliligaw mismo ang focus ko. Di pwedeng sa araw ng lunes lang ako dedicated sa goals ko pero pagdating ng wednesday at thursday hanggang sabado, wala na. Tuluyan nang nawala ang mga naka-set kong plans. Tinangay na ng hangin.

Kaya binago ko na.

Mas naging obsessed pa ako maging mahusay ngayon. Ibinibigay ko palagi ang the best ko kahit pa may natitirang 15 minutes nalang ako sa gabi. Dinagdagan ko pa ng konting pagkalulong sa ginagawa ko, kasi kapag na-harness na ako sa ganito, yung mga dagdag enerhiya, drive, determinasyon, and resiliency obsession will bring a highly improvement to me.

Ginawa ko na kagad.
Nung dumating na ako sa puntong nakikita ko na ang katotohanan at realidad na dapat na akong magseryoso sa mga gusto kong abutin, mas lalo pa akong nagpursigi at nagsikap. Nakikita ko din kasi na magaganda ang mga pangarap na nasimulan ko kaya hindi ko dapat bitawan to. (Ako na!) haha Wala akong choice kundi ginawa ko na kagad ang dapat kong gawin para masolusyonan ang pangarap ko. At masasabi ko na malaking tulong sakin ang pagkakahumaling sa ginagawa (na kanina ko pa hi-nahash).

Wala akong masusulat ngayon kung hindi ako obsessed.

Naalala ko yung panahong kinalimutan ko lahat ng ibang schedule ko para matapos ko lang ang pinag aaralan kong writing style. Kahit papaano naman, naia-apply ko din naman ang natutunan ko dun kahit konti. Di ako makakapagsulat ngayon kung hindi ko napag-aralan iyon. Masayang masaya ako ‘nun. Di ko tinantanan ang ginawa ko na yun.

Kung di ko kasi sisimulan kagad, may tendency kasi talagang bitawan ko nalang ‘yun. Ang obsession kasi sa ‘kin makes me feel potent, capable, and purposeful.

Ang motivation ko?

Lagi ko nalang iniisip na kailangan kong magtagumpay dahil gusto ko pang tulungan ang nanay ko, magkaroon ng magandang kinabukasan ang magiging pamilya ko at makapagpasaya ako ng maraming tao. Yey.

Naghanap pa ako ng matinding lakas para mabuo ko ang nakatagong talento ko.
Isa pang natutunan ko. Dapat ko palang gamitin pa ang lakas ko at galingan ng maigi ang ginagawa ko. Upuan talaga maghapon. Wag lang akong magfocus kung ano ang wala. Minsan nga ang kakarampot na skills na meron ako ay siyang nagpapalakas sa akin para matapos ko ang bawat sinusulat ko eh.

Pagtapos niyan. Praktice lang ako ng practice.

Walang kaduda dudang may mapapala ako sa pag eensayo. I’m very sure.

Halimbawa naman d’yan, hindi porket pinanganak akong matangkad, ako na ang pinakamagaling magbasketball sa barangay namen. Walang ganun. Kung di ako magpa-practice gaya ni Kyrie Erving, magiging bano ako talaga ako sa basketball.

Kaya dapat.

Pag ibayuhin ko pa ang paglaan ng maraming oras para sa pagpa-practice hanggang sa magtagumpay ako.

Di ko na pinapaako sa iba ang tagumpay ko.
Ang katotohanan, magkakaroon lang ako ng coach sa journey ko pero sa buong laban, ako mismo ang nasa ring.

Walang shortcut sa magiging tagumpay ko.

Ang tagumpay na alam naman ng lahat na dapat pinagsisikapan, pinagta-trabahuhan at pinaglalaanan ng mahabang panahon. Tipong buong maghapon tayong babad sa ginagawa natin kasi mahal na mahal at baliw na baliw tayo sa passion ko. Ganun na ganun.

Nalulungkot ako minsan kasi naiisip ko na bakit wala pa din ako sa lugar na gusto ko. Mukhang wala pa ata akong ginagawang hakbang para sa mga pangarap ko ah.  Pero naisip ko, negative thoughts ko lang yun, marami na akong nagawa. Siguro nga’y hati-hati pa ang mga plano ko kaya hindi ko maibigay ng buo ang oras ko para sa pangarap ko. At dahil sa obsession, nababawasan ang stress ko at nadadagdagan naman ang pag asa ko.

Di ko dinamdam. Direcho lang ang tingin ko.
Di ko sinabing naging manhid ako. Ang ibig kong sabihin dito sa payo ko na kalimutan natin ang feeling natin na nalulungkot tayo ngayon na parang walang pumapansin sa talento natin, tanggalin natin sa katawan natin ang feeling na di tayo magtatagumpay, yung feeling na kala natin, tayo ang pinakamalas sa mundo dahil sa dami ng tinamo nating rejection sa bawat kumpanyang inapplayan natin. Sample ko lang yan. Pero kung ganun nga ang inyong iniisip, tama rin naman, feeling niyo lang yun. Feeling niyo lang magkakatotoo yun.

Sa tagumpay, tanggapin natin na ang katotohanan na anuman ang nararamdaman nating hindi maganda, hindi yan ang sagot para umusad tayo sa buhay. Gamitin natin palagi ang ating isip at logic.

Push pa. Paangat tayo dapat ng paangat. Kapag nagfocus naman talaga tayo, mare-realize natin na ang bawat bagay ay nag-iiba dahil may intensyon tayong baguhin iyon. Tama ba?

Inisip ko lang na lahat ng ‘to. Tinutulungan ako ng lahat ng ‘to.
Kung gusto nating mapalapit sa lahat ng pangarap natin sa buhay, isipin natin palagi na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay makakatulong para makadikit tayo sa malaking picture ng pangarap natin.

As in, lahat.

Wala ng maraming dada.
Tandaan natin na walang may pake sa nirereklamo natin, tayo ang may hawak ng potensyal natin. Minsan nga gusto ko ng sumuko, pero lagi ko nalang iniisip na malapit na ako. Sinasabi ko na “I feel it coming, I feel it coming babe”. Kasi kung palagi kong iisip na malas ang buhay ko, mamalasin nga talaga ako kasi yun ang palagi kong binubuong imahe sa isip ko e.

Magsisimula ang positive sa sarili natin.

Gawin nating positive ang isip natin. Gawin nating positive ang kilos natin. Gawin nating positive ang pagsasalita natin. Matatabunan ang negative vibes ng positive.

Think and feel.
Isa sa natutunan ko naa pwede kong maibahagi ay dapat buo na sa kokote natin kung ano ang gusto nating mangyari sa buhay natin. Isipin natin maghapon yan. Dapat high definition ang vision natin.

Kung inaakala natin na yung paunti unti nating iniisip ang mga pangarap natin at MINSAN lang  natin ginagawa yun, tapos maya maya social media na tayo kagad. Panigurado ako, matagal pa bago tayo makapunta sa pupuntahan natin.

Lahat ng sinasabi ko ay tungkol sa kung paano mag improve sa bawat goals natin na may kasamang obsession.

Walang masama kung bago at pagtapos natin kumaen, baliw na baliw pa rin tayo sa kakaisip ng mga magagandang plano natin sa buhay. Wag lang darating sa tipong mais-stress na  tayo. Hindi na good yun. Yung moment na minsan natutulala na tayo dahil nagpe play sa isip natin ang magandang bukas na hinahangad natin, promotion man yan, setting money goals, or family planning. Basta ako  naniniwala akong palagi mo lang buuin sa isipan mo yan. Makukuha mo yan. Napatunayan ko yan at mangyayari sayo yan. Minsan magtanong ka kung paano mo makukuha ang bagay na iyon, walang kaduda duda, papalapit ka na sa gusto mo. Magkakaroon ng sagot sa tanong mo. ‘Yan tanong na yan ang magsisilbi ‘ding clue mo.

Habang nasa working table ka sa opisina, ‘tas lagi mo paring iniisip ang goal mo. Ay potek, sure na sure akong makukuha mo yan, Neng.  Basta ‘wag lang mawala sa routine ang practice at execution.

Isipin mong maigi kung paano ka hahasa sa larangan mo. Araw araw itatak mo sa isipin mo na dapat may ipanalo kang goals kada araw. Ganun.

Lagi kong chine-check ang progress ko.
Simple lang ang formula ko kapag alam ko sa sarili kong di ako umuusad, alam ko kapag walang bago, ganun lang.

Kaya ang share ko sayo.

Isulat mo lang ang goals mo. Kung gusto mong magbawas ng timbang, dapat ang numero, pababa ng pababa. Kung gusto mong yumaman at kumita ng malaki, dapat ang numero ng pera mo pataas ng pataas. Yan ang pag-usad. Gigil na gigil ka sa mahabang proseso.

Sipag at humaling lang talaga.
Walang makakapantay sa galing ng sipag.  Kahit na meron kang talento pero di mo naman ginagamit, wa epek. Husayan mo ang pagsisikap. Ako nga kahit nandito ako sa work na di ko gusto pero ginagawa ko pa din ang kaya ko. Ginagawa ko to kasi hindi para sa kanila na nakatingin saken kundi para sa sarili ko. Ayaw ko rin kasi ng walang ginagawa. Saka dagdag din sa reputasyon ko to at lakas ng loob para harapin ang susunod na trabahong gusto ko. Yung work na pinapangarap ko.

Iniisip ko nalang na nag aasikaso lang ako ngayon ng papeles sa paglipad ko. Ganun nalang iniisip ko. Atlis habang wala pa ako dun. Ngayon palang, wino workout ko na ng  husto.

Kaya, kung nagawa ko yan. Magagawa mo din yan, kaibigan.

Ako nga eh.

Mas pinaigi ko pa ang ugali ng sipag at diskarte. Wala naman kasi akong ibang paraan para magmove-forward eh. Wala na rin akong panahon para umarte pa. Kahit konting oras nalang natitira sa akin dito sa bahay para magpractice ng writing. Tinotodo ko pa rin.

Naniniwala ako na kung commited tayo, obsessed tayo sa ginagawa naten, walang dahilan para hindi tayo umunlad. Magmomove tayo talaga kung gumagalaw talaga tayo.




Tuesday, June 27, 2017

HAKBANG SA TAGUMPAY NA NAKAKALIGTAAN



Nangangalahati na ang year Tutawsan Sebentin pero ni-isa sa mga goals mo ba ay wala pang natutupad? Hhmm.

Di ka nag-iisa, my friend. Marami tayo. hahaha May natitira pang 6 months na sasayangin tayo este pag-asa pala tayo. haha

But wait, may ibabahagi ako sa’yo na mga naging experiences ko na di ko namalayan, umabot na pala ako sa tugatog, as in winning moment siya para sa ‘kin at syempre kasama na rin sa mga ishe-share ko ang mga wrong beliefs ko noon na naging dahilan ng pagkabagsak ko.

Nae-excite ka na ba kung ano ‘yun? Oy hindi ‘to sexytime. Hindi din Magic Ben. Beshte!

Dahil ngayon, ibang iba na ako. At masaya akong hahawahan ko kayo ng kahusayan ko. hihi Charing.

Lezgo!

Kung di mo pa alam. Dapat alamin mo na kung ano ang pinaniniwalaan mong tama sa iyong buhay, maaaring ‘yun ang tama.  

Kaso nga lang, ang hindi mo pa alam na hindi lahat ng pinaniniwalaan mo ay “tama”. Magulo ba?

Kung para sayo ay nakakagaling sa sakit ng tao ang dahon ng Marijuana, nasa paniniwala mo ‘yun. Pwedeng tama o pwede ding mali. Kung isa kang smoker at sa tingin mo ang sigarilyo na ‘yan ang magpapahaba ng buhay mo, ang sabi ko nga diba, nasa paniniwala mo ‘yun. Kung ang Tinder ang magbibigay sa ‘yo ng buong ningning na kaligayahan. It’s up to you. At kung naniniwala kang ang masamang damo ay matagal mamatay sa mundong ibabaw, sige gumawa ka pa ng masama. Tuloy mo pa. Hayup ka eh. Gigil mo si aquo eh.  hahaha

Uulitin ko ulit. Nasa sa ’yo ang paniniwala.

Di naman lingid sa ating kaalaman na ang isip ng tao ay ang pinakadahilan upang ang mga pangarap natin sa buhay ay magkatotoo, diba!?

Kung wala kang utak. Malamang, wala ka ding pangarap, parang ganun.

Ngunit.

Ngayon 2017, buwan ng Hunyo na, nasabi mo ba sa sarili mo na  

“Oops, di na ata ‘to ang buhay na pinangarap ko ah.”

o di kaya

“Tangina, wala pa akong nagagawa sa mga goals ko hanggang ngayon eh kalahati na ng taon”

Sa tingin mo, kung isa diyan sa dalawang nabanggit ko ay tumpak para sayo. May idea ka na ba kung saan ka nagkamali? sa isip, sa paniniwala o sa gawa? What do you think?

Halika besh. Bibigyan kita ng Mabuting Balita. Ito ay hango sa aking sariling karanasan.

Sobrang tutok sa goal. Masakit sa mata yan.
Familiar ka ba sa quote ni Ninong Abraham Lincoln na

"Give me six hours to chop down a tree and I will spend the first four  sharpening the axe.".

In short, bigyan mo ako ng budget na 6hours sa hotel at kaya kong mambuntis ng 30 minutes lang. hahahaha Charot. De joke lang po.

Kahit tanong mo pa sa lahat ng boksingero, basketbolista o atleta ng  Pilipinas, kahit gusto mong manalo sa isang patimpalak pero kung ang preparation mo para makuha ‘yun ay “Sablay”. Talagang magiging palpak ang resulta at magiging olats ka sa laro.

Ang gusto kong puntuhin at tumbukin na gaya ng ‘four hour sharpening the axe’ na yan ay mahalaga ang tinatawag na “Sermonya o ritwal”. Napakahalaga ng practice, preparation at syempre ang execution.

Karamihan kasi sa iba(kasama na ako), ay nakafocus lang sa magiging magandang resulta pero nakakaligtaan na ang ritwal, preparation at steps para makuha ang hinahangad nila. Kaya ang nangyayari, sa sobrang bigat ng tinatarget nila(kasama na ako), nauuwi lang sa pagbagsak or failure.

So, dapat ng baguhin ang paniniwala sa mga goals naten, mga repa.

Tulad ko, kapag gusto kong magsulat, di ko na iniisip ang magandang artikol na kakalabasan, nagsusulat nalang ako basta. Sulat lang ako ng sulat. (Edi ako na magaling). haha

Check niyo din ang last blog ko. Di man ako famous pero marami akong nagagawa, marami din akong output. (Edi ako na magaling). haha

Bali, ang payo ko sayo kumare, kung may goal ko sa buhay at di mo pa nagagawa iyon kasi nood ka ng nood ng Kdrama, imbes na isipin mong maigi ang steps sa goal mo, ngayon baguhin mo naman teh, try mo naman na gawin lang mismo ang nararapat na hakbang para makuha yun ‘tas eventually di mo na namamalayan na nandun ka na mismo sa mga goals mo. Sarap pakinggan diba.

Kung natatabaan ka na sa katawan mo, pwede mo ng simulan mag-exercise or di kaya wag ka ng tumingin pa sa salamin. Masasaktan ka lang.




Di palaging kailangan malakas ang loob para umusad.
Kung sa first advice ko ay nasabi ko na wag magfocus sa end result lang at tumuon palagi sa preparations o steps, dito naman sa pangalawa kong tip ay na-experience ko naman ‘to na maaaring magkapatid sila sa unang tip ko.

Sa paniniwala ko noon, ang akala ko na kapag okay sa akin ang isang bagay or ‘di mukhang kumplikado’ ang gagagawin ko, sureball akong maganda ang kalalabasan ng gagawin ko, kapag tinapos ko yun. Halimbawa nalang na gagawa ako ng ‘DIY Basurahan’. Madali lang yan syempre haha. Kaya sure akong magagawa ko ng maayos yan.

Ngunit minsan, kapag di ko naman sigurado ang isang bagay at natatakot akong magkamali. Ang nangyayari, kumukuha muna ako ng lakas ng loob para i-solve ang problema ko. Ganun naman diba lahat.  O ako lang ganun? Baka nga ako lang yung ganun kahinang tao. huhu

Ang problema nga lang, sa tagal ng kakahintay kong maging buo ang aking loob, minsan nauuwi ako sa katamaran at hindi ko na itinutuloy ang susunod na hakbang ko. Di na nafi-finish ang sinimulan ko.

Kasi akala ko lahat ng bagay dapat maging sigurado muna ako bago magstart.

But after all, I’ve learned na di naman talaga kailangan palaging buo ang loob ko. Yan ang natutunan ko. Kailangan lang ng lakas ng loob habang nagpe-perform na.

Eh what if kung ngayong araw na to, gumising ako na okay na okay ang pakiramdam ko, ang lakas lakas ko, so kailangan ko pa ba ng lakas ng loob para sa mga goals ko? Ang sagot ko ay OO naman.

Eh paano naman kung ang paggising ko ngayon ay di maganda, tipong di kumpleto ang tulog ko dahil may nagvideoke na salot na kapitbahay kagabi kaya parang 2hours lang ang tulog ko, for sure ang hirap kumuha ng lakas niyan para sa maghapong trabaho, diba.

Na kung tutuusin naman talaga, pwede akong kumilos na kagad sa ginagawa ko ngayon kahit wala pa akong tibay ng loob para mas magkaroon pa ako ng tapang para dun. Kahit gumising pa ako na kulang ang tulog ko, di ko na kailangan pang maging handa para kumilos. Saka, pwede din habang ginagawa ko ang nararapat for my goals, mas nadadagdagan naman talaga ang lakas ng loob ko nun, diba.

Kaya, kapag napansin ko ang sarili kong naghihitay na naman ako ng lakas ng loob bago umusad, inaalala ko muli na pwede akong kumilos na kagad at susunod nalang ang confident sa ‘kin hanggang sa tumatagal mas nadadagdagan ng husto ang confidence ko.

Kaya friend.

Paunti unti lang. Makukuha mo din yan.

Magdesisyon ka na at kumilos ka na kagad kung wala ka pang nagagawa.

Kahit sino ka pa. Dapat mong matutunang magsimula na kagad bago ka maging handa.

Saka mo na mare-realize  kung paano magtagumpay kasi humakbang ka na eh. So, just do it. Step by step lang.

Sabihin mo sa sarili mo na ngayon ang pinakamahalagang araw para gawin ang dapat mong gawin.

Di pa huli ang lahat, pwede ka muling gumawa ng bagong desisyon sa buhay at bagong simula. Walang mawawala. Tumuon lagi sa preparasyon, steps at pagkilos para sa maliit na tagumpay mo. Yung maliliit na tagumpay na yan ang aapakan mong bato para sa susunod na malaking panalo. Dyan na madadagdagan ang lakas ng loob mo.

It’s time to set your plans into motion and make a daily ritual of generating small wins for yourself. 

Tanggapin ko na ang katotohanan na di ko kaya ang magulong lugar.
Kahit na pursigido pa ako sa ginagawa ko, kung nakaapak naman ang mga paa ko sa maling lugar. Mapupunta lang talaga sa wala ang ginagawa ko.

Kahit na ipilit ‘kong iayos ang sarili ko kung nasa di karapat dapat ako na lugar, imposibleng manalo ako dito.

Dahil di pwedeng makalipad ang isang isda. Ang sagwa nun.

Minsan dahil nga no choice ako. Ayun, pinipilit ko nalang rimedyohan ang magulong lugar na kinatatayuan ko.

Nakakapagod yung ganun, diba.

Malaki ang epekto ng paligid na ating ginagalawan para sa ikapapanalo natin.

Gaya nalang ng ganito.

San ka naman nakakita na ayaw mong uminom o makakita ng nakahubad na babae pero oo ka naman ng oo sa lahat ng alok ng kaibigan mong hayuf na pumunta sa beerhouse. So, ano to? Niloloko mo lang ang sarili mo?

So therefore,

Kung gusto mong maging mahusay na singer. Pumunta ka sa lugar ng mga kumakanta o sumali ka sa patimpalak ng mga singer. Now na.

Kung gusto mong maging painter, pumunta ka sa lugar na maraming nagpe-paint.

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, wag kang humanap ng panget. Humanap ka ng mayamang walang itchura. Dahil wala pa akong nakitang mayamang panget. Hindi panget sa paningin ang mayamang panget.

Kung gusto mo ng bago. Iwan mo na yang luma.

Maraming paraan.

Tanggapin mo na kailangan mo ng malaking pagbabago. At mahihirapan ka kung di mo din babaguhin ang environment mo.

Magkakaiba tayo ng tagumpay.
Magkakaiba din tayo ng definition ng tagumpay sa buhay at kung ano ang gusto nating maabot. Sa tagumpay, palaging nagtatalo ang Accomplishment at Purpose.

Magkakaiba tayo. Maaaring ang iba ang gusto makuha ay ang kapangyarihan at ang iba naman ay pera ang mas importante sa kanila. Pwede naman ang mismong pamilya nila ang tagumpay nila sa buhay. Ang iba din naman, nahanap nila ang purpose nila sa mga kaibigan o pagtulong sa nangangailangan na kapwa. Iba-iba tayo.

Kaya nga sabi ko eh. Ikaw ang magbibigay ng meaning niyan.

Ang mahalaga na ikaw ang magde-desiyon para sa sarili mo kung ano ang gusto mong ma-achieve. Kung hahayaan mo ang ibang tao na magdikta sa ‘yo kung ano ang tagumpay, may posibilidad na hindi ka magtatagumpay para sa sarili mo. Mukhang generic at palagi mong naririnig ang sinasabi ko ngayon, pero syempre parte din talaga ng tagumpay na ikaw mismo ang magdefine nun.

Meron nga akong kakilala, gusto niyang maging sikat na rapper pero nung kinausap ko siya, ang layo ng mga dahilan niya para maging rapper. Kaya hinayaan ko nalang. Buhay niya yun e.

So to sum it up, hawak mo dapat ang sagot sa tagumpay mo.

Ang daming plano, lalo lang gumugulo.
Bigyan kita ng sample. Wala naman pinagkaiba ‘to nung kumakaen ka sa buffet na ang dami mong kinuhang pagkaen pero di mo naman palang kayang ubusin. Madalas yan kapag ‘first time’ mong kumaen sa isang buffet restaurant. (Nagawa ko din kasi yan). haha Meron akong tips dyan para sayo. Unahin mo munang lapangin yung gulay, isang plato lang, lagyan mo muna ang empty stomach mo ng mga fresh foods. Yun ang first plate mo. Wag mong kakalimutan uminom lang ng kaunting tubig, wag magsoftdrinks or iced tea, mabubusog ka kagad. Madali ka mapapataob ng resto ‘pag ganun. ‘Tas isunod mo naman yung mga chicken or fish, pwede ka ng humataw ng kaen. Busugin mo na ang sarili mo. At panglast mo na yung mga meat and fatty foods. Sigurado ako diyan. Pag uwi mo, busog na busog ka. Good shit ang lalabas sayo. Kasi di naman talaga kailangan lahat kunin, diba. Hindi kailangan sabay sabay. Hindi kailangan maraming plano. Paisa isa lang. Wag kang sugapa. Tabachoy.

At tulad naman sa pangalawa kong advice kanina na di kailangan ng lakas ng loob para magsimula sa lahat ng bagay. Ngayon naman, hindi kailangan ng maraming plano para magkaroon ng magandang resulta.

Tandaan mo.

Ang overplanning at overthinking ay walang patutunguhan yan.

Lagi mong aalalahanin kung paano mo uubusing kainin ang isang malaking elepante. Sakit sa ulo yun diba? Hindi mo makakaen ng buo yun. Di ka dinosaur. Simulan mo sa maliit na part, panigurado na chibog yang elepante na yan.

Matuto kang maglakad mag-isa.
Lahat ng tao gusto maging matagumpay sa buhay. Lahat gusto umangat. Lahat gusto may marating. Wala pa akong narinig na taong nangarap na maging mahirap.

Ngunit ang napagtanto ko.

Hindi lahat willing magsakripisyo.

Nung nagdesisyon akong gusto ko ng pagsikapan ang pangarap kong trabaho at pagpursigihin ang karera ko. Wala akong ibang ginawa kundi nilayo ko ang sarili ko sa ibang tao na di makakatulong sa akin. Minaster ko ang isang bagay. Naglakad ako mag isa. Hanggang ngayon buhay naman ako kahit na binawasan ko na ng konti ang social media account ko. Dati nga, may twitter at tumblr pa ako eh. Tinanggal ko na din.

Kasi ang mga kaibigan ko at social media, nandyan lang lahat ng yan. At ang mga kaibigan ko, pare parehas lang din naman kameng may mga pangarap sa buhay.

Tanggapin na naten ang katotohanan na may mga taong makakasama naten maglakad pero di tayo tutulungan nila maglakad. May ibang tao rin na di naten talaga makakasama sa pinakahuling tagumpay naten.

Kapag sinimulan mo na ang lahat. Tuloy tuloy na yan.

Kung di ka willing maglakad mag isa. Siguradong sigurado ako. Palagi ka nalang maliligaw o feeling mo nakakulong ka sa gawa gawa mong rehas.

Di dapat palagi kang tama.
Ang mantra ko sa sarili ko

“Ang buhay ko ay mali na dapat pang itama”.

Ganun lang. Maging tama man ako pagkatapos kong magkamali, mayroon at mayroon pa rin naman akong makikitang mali sa sarili ko. Kaya, mas tama lang na isipin ko na may dapat pang ayusin sa buhay ko.

Kasi kung tama na ako, eh ano pang ang i-improve ko para umunlad ako. Diba wala na. Kung sa sarili ko ay nasa mali ako, ‘to ang magiging daan upang mahalin ko ngayon ang proseso para itama ang buhay ko. Kuha po?

Halimbawa, ikaw?

Kung iniisip mong ligtas ka na at sa langit ka na. Nasa sa ‘yo yun.

Eh paano naman kung isipin mong di ka pa ligtas at nasa lugar ka ng walang katiyakan, malamang gagawa ka ng paraan para itama ang estado mo ngayon sa buhay.

Babalik muli tayo. Nasa sa ‘yo muli ang pagpapasya. At nasa sakin kung tama din ang sinasabi ko. hahaha

Pero kung iisipin mong may dapat pang iretoke sa ‘yo.

Gagawa ka na ngayon ng bagong strategy. Bagong simula. Unang hakbang para magtagumpay.

Kung pagsisikapan mo lang itama ang mali mong buhay, baka isa ka sa mga matatagumpay na tao na may kwento na nanggaling sa hirap at maling buhay na ngayon ay tama na.

Di ka tumatae palagi para umuO ka ng umuO.
This is one of my weakness in my entire life. Takot akong mag say “No”.

Iniisip ko kasi noon ang friendship palagi. Kaya sa bandang huli, ako din ang naiipit. Hayuf yang mga kaibigan ko na yan eh. hahaha

Kaya ang payo ko sayo, my friend.

Matuto ka din namang hum-inde.

Tandaan mo na limitado lang din ang oras mo dito sa lupa pati na rin ang katawang lupa mo kaya wag mong sayangin. In any moment, di mo alam na pwede kang lagutan ng hininga. Or habang nagta-type ka sa working table sa opisina, may tumama sayo na ligaw na bala, nalunok mo yung bala. O di kaya naman, dapuan ko ng malubhang karamdaman  hahaha parang ang lala na ng sinasabi ko.

Basta.

Magfocus ka sa lahat ng goals mo, NOW. You have the power to say “Nah“.

Kasi habang nagpapatay ka ng oras.

Habang ikaw nagba-browse sa internet ng kung ano ano, yung mga kasabay mo ay nagsisikap ng husto para sa mga career nila.

habang hinihitit mo ang sigarilyo mo, sa tuwing umiinom ka ng alak at habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko! Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Ang galing ni ate Vi dun noh. Vilmanian talaga ako eh.

Habang ikaw tumutoma sa mga bar, yung mga kasabayan mo nagsusunog ng kilay at naghahanap ng mga bagong pagkakakitaan o negosyo. Habang ikaw nakikipagchikahan, yung mga kasabayan mo pinagsasabay ang trabaho at pag aaral.

Hindi porket inalok ka ng iba, eh pagkakataon o opportunity mo na yun. Kung hindi naman makakatulong sa mga goals mo, pwede kang hum-inde. Ichinde?

Piliin mong maging mahusay.
Sa pagkakaalam ko, base sa nakita ng aking malanding mata at naamoy ng matalas kong ilong.

I-ilan lang talaga ang susugal na maging mahusay dito sa earth. May ilan na gustong maging Lebron James pero ayaw mag-ensayo ng todo.

Walang masama kung simple lang ang gusto mo.

Walang masama kung yan ang gusto mo. Wala ring masama kung pakikinggan mo ako.

Ang payo ko lang.

Paano kung lahat tayo ay mahusay. Ngayon palang, nai-imagine ko na napaka hi-tech ng buhay naten. Feeling ko lang. Lahat napaka-super. Kung ang motivation mo ang maging pinakamahusay. Sigurado ako, malaki ang presyo ng talent mo.

Sa totoo lang. Magiging mahusay ka naman talaga(pati ako) kapag may intensyon tayong maging mahusay. Tama diba? Syempre sasabihin mo saken

“Eh anong pake mo Ben, buhay ko ‘to”.

Eh di sorry.

Gusto ko lang naman makatulong ah. Nasira ba buhay mo? hahaha

Basta gusto kong magtagumpay tayo kaya ko sinulat to.

Kung ang presyo ng pagkapanalo mo ay mahal, ngayon palang simulan mo ng magpawis at maging dedikado sa trabaho. Simulan ng magsikap.

Tunay ngang maraming people ang gustong magkaroon ng magandang kinabukasan pero i-ilan lang ang gustong magsimula ng maganda.


Be willing to do what others won’t and live your wildest dreams!

Friday, June 23, 2017

SHIT IN THE ART OF WRITING


Recently, tnry kong magbackread sa lahat ng blogpost ko dito sa blog kong “Ang Mabuting Balita”. Inuna ko munang basahin yung mga may lessons na article na gawa ko at yung may kapupulutan ng aral para sa iba. La naman. Trip ko lang, saka para naman mabalik yung gigil ko sa writing at humasa ng husto yung espada ko, wala ng talim eh. Mapurol na.

Hindi madaling gawin ‘to para sakin.
Una, natatawa kasi ako kapag binabalikan ko yung mga ala-alang puro lang ako reklamo at pabebe noon, ang sakit palang isipin na wala akong ginawang kilos nung mga panahon iyon. haha Pangalawa, ang sarap pala talagang balikan yung month na may bago akong inspirasyon linggo-linggo, pero ang masakit na part, ay kulang ako sa effort para dun sa goal na yun. Nakakatawa ulit. Pangatlo naman, mahirap ‘to para saken kasi kung may mali akong makita sa grammar ko, ie-edit ko na naman yun.  Dagdag oras lang. haha

But guys. Ang saya magbackread.  Try niyo din.  Parang New year ang feeling. May bagong pag-asang paparating.

Inabot lang ako ng tatlong araw sa pagbabasa kasi nga di maganda ang pakiramdam ko nun. Sa loob ng tatlong araw na ‘to na nakaleave ako sa trabaho upang magpagaling sa sakit ko ay sinabay ko na din ang pagbabasa.

Wala akong ibang ginawa kundi paloadan muna ang pocket wifi ko ‘tas mag-internet maghapon sa bahay habang nakahiga sa kama. Lahat ng nakalap kong impormasyon na galing din sa akin ay tungkol sa pagsusulat.

Humihingi pala ako ng paumanhin sa mga masusugid kong mambabasa ng blog ko. Pasensya na sa aking katamaran. Wala tuloy kayong natutunan, charot.

Anyway, may isa lang akong aral na natutunan habang ako’y nagpapahinga sa bahay na hindi tungkol sa pagsusulat.

At ang ginintuang aral na to ay: Masaya naman talaga ang buhay mga tsong kung walang konseptong  "dapat ganito ka at meron ka nito".

Ayun lang. Yun lang yun. haha

Sige na. Eto na. Ibabahagi ko naman sa inyo ang aral na natutunan ko nung tinamad akong magsulat sa loob ng tatlong araw at sa loob ng bahay namen.  Mga blogpost kong nakapagpabago din ng buhay ko.

Here it is:

“Maging disiplinado ako. Bitawan ang gadgets.”
Habang yung mga kasabayan ko nagsusulat at nag-eensayo sa larangan ng sining at pagba-blog.  Ako naman ay walang ibang ginawa kundi magbrowse sa internet. Tangina. Addictus na ako sa social media. Walang oras na hindi ko hinawakan ang cellphone ko sa loob ng isang oras sa buong maghapon. Yan ang isang dahilan kaya di ako nakapagsulat this past few weeks. Tuluyan ng nawala ang disiplina ko sa sarili. Mabilis nabago ang habit ko. Dati di ako ganito. Talaga nga namang inimbento ang gadgets para ulit-ulit kong balikan iyon.

Kaya ngayon, paano ba ako nakapagsulat muli? May bago ba akong inspirasyon? Ang sagot ko ay “Wala”. May nadiskubre lang ako. Patay ngayon ang cellphone ko, bali naka-silent pala siya at tinaob ko. Nakatutok ako ngayon sa computer. Tahimik sa paligid na walang kapitbahay na salot na nagvi-videoke.

Nasimulan kong magsulat nung binitawan ko lahat ng distraction sa buhay ko.  Ganun lang kasimple. Makakapagsulat lang ako kapag wala na sa kamay, puso at mata ko ang social media.
“The discipline of writing something down is the first step toward making it happen.”- Lee Iacocca

“Magpakalunod sa pagbabasa.”
Di ako makapagsulat ng mga nagdaang araw kasi wala akong nabasa o binabasa. Kumbaga, walang letra sa utak ko na nakaimbak. Kailangan kong magbasa ng magbasa ng may katuturan na libro. Natutunan kong dapat langhapin ko ang pagbabasa na may content at makakahinga/mailalabas ko sa mga kamay ko ang sulat na may content din. It will flow. Pati, magmemorya ng mga bagong vocabulary words.

Di ko alam kung paano nangyari ang lahat. Basta sa kalagitnaan palagi ng pagbabasa ko, ihihinto ko nalang iyon kapag may something akong naalala na dapat ko palang isulat. Marahil, napaka-makapangyarihan ng akda ng binabasa kong libro kaya nasasalin sa akin ang kapanyarihan niya. Parang ganern.

“I am simply a ‘book drunkard.’ Books have the same irresistible temptation for me that liquor has for its devotee. I cannot withstand them.” — L.M. Montgomery


“Kahit na maputulan pa ako ng tatlong daliri.”
Kung isi-C.I. ang buhay ko, maraming oras para isingit ang pagsusulat sa schedule ko. Nainis lang talaga ako sa mga nagdaang isang linggo na hindi ako nakagawa ng magandang istorya o kwento. Dati pa nga, nai-sisingit ko lahat ng bagay basta tungkol sa ideyang naiisip ko, isusulat ko kagad yan. Siguro’y nabago nga talaga ang takbo ng utak ko ngayon, binulag ako ng makabagong problemang dumating kaya medyo naguluhan na naman ako ng konti. Baka nga talaga, nabago ang mga plano ko kaya di ako nakapagsulat at bumalik sa aking direksyon. Natuon ang focus ko sa mabibigat na bagay.

Kaya, ang lesson ko dito. Dapat kahit na nalulungkot ako sa trabaho o anumang sitwasyon, kailangan kong magsulat. Kapag nasa biyahe ako na may katabing amoy arabo, magsusulat pa din ako dapat. Wala talaga eh, ako lang din naman ang nasisira sa tuwing kinakaligtaan ko ang obligasyon ko. Itatanim ko sa isip ko na mahalaga ang ang ideya kasya sa baril. Oh paano napasok ang baril? Wala naman, naisip ko lang ngayon na ang ideya ay pwedeng makapagpabago ng buhay ng tao. Ang baril pwedeng makapagpatapos naman ng buhay ng tao.

Kaya ngayon, bago pa tong topic ko about sa writing tips, may naisip na akong ibang bagay bago pa tong blog na to eh.  Sa una, sinubukan kong mag isip ng seryoso. Eh di tumalab. Sakto nagbabas ako at may nakita akong bangkay sa magazine tungkol sa isang pulitiko at kapag nilipat ko naman ang pahina sa susunod, may kabastusan na nagaganap sa imahe. Inisip kong maigi, anong klaseng magazine to? Parang gago. Tas sabay tanong sa sarili ng “Mayroon bang pagkakaparehas ang sex at libing? Wala lang, para lang may maisulat ako. haha

At wag kayo. Meron akong nabuo. Eto ang mga posibleng sagot ko na parehas sabihin sa oras ng sex at libingan.
1. Di kita makakalimutan.
2. Mahirap ‘to para sa akin.
3. Mahal na mahal kita.
4. Akin na yung bulaklak.
5. Salamat sa pagdating.
6. Put it in a hole.
7. 'Bat nauna ka?
8. Mararamdaman mo na ang heaven.
9. Sa wakas.
10. Masakit.

hahaha Kaya kahit na maputulan ako ng daliri (pero wag naman sana, namu) ay magsusulat na talaga ako kung saan-saan kahit na anumang oras at pagkakataon. Baka matulad din ako sa sex at libing. LOL.

“Sarili ko muna ang ayusin ko.”
Kung yung mga chef nga hindi sila makagawa ng magandang luto o dish kapag wala sila sa mood nila. Ganun din ang isang writer, sa pagkakaalam ko, kung wala ako sa ulirat ngayon para magblog, siguro dapat mag-gym muna ako sa labas o magchill-chill muna ako sa mga resto para mabago naman ang environment ko. Upang sa gayon, maibalik ko ang sarili ko sa pagsusulat.

Ang totoo niyan. Hindi ako makapagsulat kapag ang gulo-gulo ng buhay ko. Hindi ako makapagsulat kapag may pinangangambahan ako. Hindi ako makapagsulat kapag may isang bagay akong di ko pa natatapos. Mahina lang ang aking puso, teh. Nakokonsensya kasi ako sa tuwing di ko nabalikan ang dapat kong gawin. huhu

Kaya ang aral na natutunan ko galing kay Jovit, (de joke lang.)

Ayusin ko muna ang sarili ko para makapagsulat ako ng maayos.

“May halaga din ang kalakal.”
Ako yung tipo ng taong kapag panget sa simula, ayoko na talagang ituloy pa. Minsan na-experience ko pa nga na ang ganda ng naisip kong intro tapos nung isusulat ko na, biglang nababaduyan na ako sa naisip ko.
Kayo? nangyari rin ba senyo yun?

Ngayon natutunan ko na ang pagsusulat ay di katulad ng construction working na kapag mali ang sinimulan mong gawa, wag mo ng ituloy. Yan ang rules sa engineering, na natutunan ko sa mga workers namen. Kasi nga diba, kung itutuloy mo lang ang sablay na move, baka may mapahamak o may gumiba lang.

Ngayon, tuturuan ko na ang sarili kong tumapos ng basura o kalat-kalat na ideya. Kahit ang dumi-dumi ng concept ko na kahit ako di ko magets ang pinupunto ko, itutuloy ko pa din. Pangako ko yan. Mahalaga ang tae-tae.

A writer can live about forty days without food
About three days without water or writing
About eight minutes without thinking about writing
But only for one second without an idea.

“Kusa kong makikilala ang titulo ko sa sarili.”
Actually, nagsimula ako sa pagba-blog o pagsusulat ng wala man lang akong background kung sino ang gagayahin ko, alam niyo yun, yung tipong napakabibo ko sa ginagawa ko na hindi ko naman alam kung tama ba o mali ang ginagawa ko. And additional, kung anong format ang dapat kong isulat. haha

Kung babasahin niyo ang pinaka una kong post sa blog na to. Talagang nakakatawa na ayoko na rin ulitin pang basahin hahaha dahil kung ano lang ang maisip ko sa mga oras na iyon, yung ang bibitawan ng mga daliri ko sa keyboard. Saklap beh.

So, therefore. I’ve learned  sa pagsusulat na maa-appreciate ako ng tao o mga readers ko basta isulat ko lang ang galing sa mapagmahal kong puso. Hindi kailangan ng kurso sa ganitong larangan. Ang kailangan lang ay dedikasyon sa pagsusulat. At pagpupursigi. Yan ang titulo ko.

Ilang ulit. Sulit na sulit.
Dahil nga binalikan ko ang lahat ng blogpost ko simula nung  2013, may ilan doon na nanghihinayang ako. Mapapasabi nalang ako ng

“Sana in-edit ko pa ito ng ilang ulit, mas mapapaganda ko pa to e. Sayang.”.

Ito yung blog ko na ang ganda sobra ng insights ko at ideya ko patungkol sa isang highschool student na nangangarap sa buhay.

Kaya, nung binasa ko ulit. Nakaramdam ako ng konting pagdismaya kasi feeling ko hindi ko nakumbinsi ang readers sa pinupunto ko. Sana in-edit ko pa yun ng todo-todo siguro dapat mga 30 times pa.
Masubukan nga dito sa blog ko ngayon. haha

In conclusion to this, papaabutin ko pa sa trentang edit ang gagawin ko sa susunod na blog at kasama ito.

“Walang batas sa pagsusulat.”
Alam na alam ko na dumating na kayo sa puntong nakatikim kayo ng kritisismo sa pagsusulat galing sa iba. Aaminin ko, nakatanggap na din ako at masakit kong tinanggap yun. huhu Eh anong magagawa ko, baguhan palang naman ako nun eh.

Mas maganda pala talaga na isulat ko lang ang gusto kong isulat kahit na labag sa paniniwala ng ibang tao ang ginawa ko. Lakompake. Kailangan kong pakinggan ang tibok ng puso ko sa pagsusulat at kusang maririnig ng iba ang tinig ng puso ko. Wow diba. haha

Well, to sum it up, walang batas sa pagsusulat. Tayo ang gagawa ng sarili nating batas na magpapaunlad sa sarili nating kakayahan sa writing.

“Tignan ko ang trabaho ng isang minero.”
Bukod sa hirap ng buhay ng isang Seaman na nagta-trabaho sa barko na malayo sa kanilang pamilya. Isa sa pinaka-kinahahangaan ko ang work ng isang minero na masasabi kong isang inspirasyon siya sa pagsusulat.

Para sa akin, napakalungkot ng buhay ng isang manunulat. Lalo na sa tuwing gumagawa ng nobela. Pero, sa tuwing iniisip ko kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga minero upang makakuha ng mina, mas namo-motivate akong magsulat ng husto. Di lang dahil risky ang ganung trabaho kundi dugo’t pawis ang nakasalalay sa ganung propesyon.

Dapat talaga sundin ko palagi ang nilalagay kong goals. Hindi maging negotiable ang target ko na pwedeng baguhin pa. Mas laliman ko pa ang dahilan ko. Tyagain kong kalkalin ang pinakamatinding mina.

“Di ko na dapat gaguhin ang sarili ko sa pag-iisip.”
Kahit nasa Mrt, Bus o Lrt ako, nag-iisip pa din ako ng konsepto sa pagsusulat. Palagi kong gusto na dapat sa bawat araw, may maisulat ako. Nagkamali ako sa tuwing nag-iisip ako at nilalapat ko lang sa isipan ko ang bawat scene na gusto ko.

Napagtanto ko, hindi pa pala ako nagsusulat nun, niloloko ko lang ang sarili ko. gago din eh no. Masayang masaya pa naman ako sa tuwing nakakagawa ako ng blogpost sa isang araw.
So, itong blogpost ko na to ang magiging lesson ko sa tuwing tinatamad ako. Di lang dapat sa isipan ko ilapat kundi isulat ko din talaga kagad.

“Walang sasalba sa’kin.”
Lagi nalang akong tumatagal sa aktibidad ko. Napipikon ako sa tuwing naghihintay nalang ako ng inspirasyon bago ako magsulat o gumawa ng matinong katha. Nag-iisip palagi ako ng something na kakaiba o something na di pa nagagawa ng iba.

Pero nung sinubukan ko namang magsulat lang kung ano ang naiisip ko. Mas nadadagdagan ang sinusulat ko. Ang dali lang. Siguro nga’y walang writer’s block. Sabi ko nga kanina, kahit pa gaano kadumi ang sulat ko, itutuloy ko lang, gaganda din naman yan. Nung hinawakan ko na ang papel at ballpen and Booom.. nakapagsimula na ako. At ito yun, ang blogpost na ‘to mismo ang nasulat ko.

Lesson: Isulat ko na kagad. Wala ng patumpik tumpik pa.

“Subukan kong magdiskubre.”
Base sa naging karanasan ko nung wala akong ginagawa, na balak ko sanay isulat kung ano lang ang nalalaman ko. Bigla akong tinamad. Natanong ko sa sarili na “Wala na ba akong aalaming bagong bagay?”. Ganun nalang ba talaga? Wala na ba akong i-improve?

Kaya ayun, nagbukas muli ako ng libro. Nagpakahenyo diba. haha

To summary, natutunan ko na mas maganda pala na magstick lang ako sa isang konseptong may posilibidad na kaya kong palawakin. Yung bago naman dapat. Kasi naisip ko, kapag alam ko na ang isang bagay, anong sense kung ishe-share ko pa, malamang alam din yan ng iba.
Susubukan ko palaging tumikim ng bagong ulam para masanay ang aking dila.

“Gawin kong swabe. Gawin kong light.”
Naranasan niyo na rin bang makatagpo kayo ng taong unlimited. Nakakapikon yung ilang ulit na niyang sinabi, uulitin na naman na parang sirang plaka, diba. Nakakaintindi naman ako. Kaya, nung nagbabasa ako ng ilang blog na mga pinoy ang writer. Sa kanila ako mismo natuto. Tinamad din ako mismo sa sistema nila na ulit ang pinapahiwatig. Ayoko yung magbibibgay ka pa ng dalawa o tatlong example sa punto mo. For me,  sapat na yung isa. Mas maganda pa rin yung madali lang maintindihan ng nagbabasa.

“Tigilan ang improvements at simulan ang blogpost.”
Ang isa sa pinaka kinapahamak ko ay yung “level-up mindset” ko sarili na dapat mahigitan ko yung last kong sinulat. Ganyan ko tratuhin ang blog ko noon. Kaya, minsan humahantong sa matagal na kasunod ang sulat ko. Ang tagal ng follow up. Parang ganun. Nate-tengga siya kumbaga. Ngayon, naintidihan ko na mas mahalaga pala na magsulat nalang kagad ako. Basta sulat lang. Wala na dapat akong pake sa rules ng writing. Ang mahalaga, nasa pedal pa rin ang aking mga paa at patuloy ang andar ng buhay ko sa pagsusulat.

“Tatagal lang lalo kung hihinto ako.”
Siguro naman, kahit gaano pa ako ka-talentadong tao, kung hihinto lang di naman ako sa tuwing madilim ang buhay ko o hihinto na naman ako sa tuwing may pinagdadaanan akong problema. Syento pursyento na  walang makakabasa ng sulat ko kung palagi nalang akong hihinto sa ganung pagkakataon. Nasabi kong “pagkakataon” iyon dahil dapat naman talaga magsulat kapag may pinagdadaanan upang mas lalong gumaan ang aking nararamdaman. Yun ang pagkakataon. Kung ako minsan ay tinatamad sa ginagawa ko, baka siguro tinatamad na din ang nagbabasa ng ginagawa ko. Magiging karma lang siguro yan.

“Wag kong piliin yung gusto ko lang.”
Marami palang dapat talagang isulat sa kapaligiran. Maraming dapat i-notice. Maraming dapat gawan ng kwento o anggulo na mas magpapaganda pa sa istorya, o kung anu man. Nararapat lang talaga na itatak ko sa isipan ko na lahat ng bagay dito sa mundo ay na-create ng may dahilan. Siguro nga, likas sa lahat ng tao na kapag di niya gusto ang ganito o ganyang bagay, binibitawan nalang nila kagad. Gaya ko. Ang mahalaga pala, dapat maging curious ako sa lahat ng bagay. Pagkumparahin kung kinakailangan.

“Magsimula ako sa wala, para magkaroon ako.”
Sa larangan ng pagsusulat,  sa lahat ng na-research ko na buhay ng isang writer, dadaan talaga lahat sa pinakamababa o pinakamahirap na kalagayan ang lahat lalo na’t nagsisimula palang. Kahit na si J.K. Rowling nga diba.  I mean, talaga gagawa ka muna ng blog, or di kaya magta-trabaho ka muna sa mga publishing company bago ka maging tuluyang full time writer. Dagdag mo pang ang masakit na rejections.
Ang isa sa mabigat na pinagdadaanan ko ngayon ay nagsusulat ako pero isinisingit ko lang sa trabaho. Plus pa, naging sakitin ako sa trabaho, kaya nauudlot sa pagsusulat. And konti lang ang nagbabasa ng mga ginagawa ko. Yan ang ilan sa mabibigat na challenge sa buhay ko.

Kaya nga sa kumpanya, hindi naman dapat ibinibigay ang pinakamabigat na gawain sa wala pa masyadong alam. Dadaan talaga sa matinding pagkakamali sa una. Sa pagiging apprentice o baguhan hanggang sa mag-improve ang trainee.
Don’t ask what your writing can do for you.
Ask yourself what your writing can do for your reader.

“Retokeng paulit-ulit.”
Gaya nga ng sinabi ko kanina, dapat kong tyagain na mag-edit ng mag-edit. Kung yung drawing nga sa architecture, dumadaan sa maraming revise hanggang sa maging mukhang zombie yung arkitek e, paano pa kaya ang pagsusulat ng magandang istorya o kwento diba na binubuhos ng husto ang napakalawak na imahinasyon. Siguro, kaya ko nasabing dapat i-edit ng i-edit dahil mas masarap ang pinakahuling katas. Tulad na lamang ng pagpipiga ng kalamansi. Natatakam kaya ako sa huling patak ng katas ng kalamansi. Tinitignan ko palang ang proseso ng pagpatak, ang pinakahuli ang nangangasim ako. Kaya siguro sa pagsusulat, nangangailangan talaga ng matinding pagpipiga sa sarili. Dahil na rin siguro mas masasarapan ang tao/nagbabasa sa takbo ng kwento.

“Tignan ko lang yung what-if. At werk na.”
Minsan sa kadahilanang gusto kong hindi mapahiya sa mga mambabasa ng blog ko, hinahanap ko ng todo ang pinakamagandang pag usapan na topic. Oo, alam ko na punong puno ng kaalaman ang ating henerasyon kaya nga nagpapakalunod ako sa talino eh. Ang problema nga lang, sa sobrang gusto kong makuha ang trip ko. Mas tumatagal lang.

Kaya ang lesson sa akin, wag ko ng isipin ang magandang ideya. Simulan ko nalang kagad. Atlis may nasimulan na, papagandahin ko nalang.  

“Magsulat lang ako kahit wala pang nakakapansin.”
Kahit sa baliw niyo pa itanong, mahirap magsalita ng mag-isa ng walang pumapansin. Di biro yun. Pero ibahin niyo ako sa blog ko. Tinutuloy ko lang kahit walang nagko-comment sa akin sa blog, masaya na ako sa isang taong bumisitang nag iwan ng komento. Pero bihira. Dahil alam kong isang araw, ang katulad ko ang babago sa takbo ng isip ng mga tao. Naks. Alam kong nasa proseso ako ng pagpapaunlad. Mapapasa-akin din ang atensyon nila. haha

“Buksan ko lang ang gripo.”
Dahil gusto kong palitan ang filter ng faucet namen kanina, may nakonek akong thoughts. Nung binuksan ko yung gripo, natutunan ko na mahalaga pala talaga na buksan ko lang ang gripo kung gusto kong may mahita. Ano ibig kong sabihin? Sa madaling salita, isulat ko lang. Isulat ko lang ng isulat. napapansin ko kasi na habang bukas at tumatakbo ang daloy ng tubig sa gripo, mas gumaganda at lumilinaw ang tubig. Gaya din sa pagsusulat ko, habang bukas at tuloy-tuloy lang ang mga kamay ko sa pagsusulat. Mas lalong gumaganda ang idea. Oh diba.

“Lahat ng nakikita ko ay magkakapareho.”
Lagi ko ng napapansin na maraming pagkakaparehas ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya, natutunan ko na walang dahilan upang walang maisulat sa isang araw. Nung isang araw nga nakapagsulat ako ng tungkol sa isang isda sa loob ng tupperware sa ref. Wala naman, ang gusto ko lang pagtripan isulat, yung nag-uusap ang isda at ref tungkol sa amoy ng isda. Naiirita na yung ref. Hindi niya naman pwedeng alisin ang isda sa loob nito dahil mahal niya ang isdang iyon. Aw, so sweet.

Kaya guys, Happy Writing senyo.