Sige na. Magpapaasar na ako sa sarili ko. Laitin mo na ako
kung gusto mo. Kahit ako rin naman, nilalait ko ang sarili ko eh. Maglaitan na
rin tayo. Kung ganun lang din naman. Yan ang gusto mo eh. Pinagtatawanan ko rin
kaya ang sarili ko. Aasarin ko lang saglit yung sarili. Tara let’s go. Tutal
mapang-asar din naman ako eh.
Tungkol ito sa kalusugan ko. Ang tagal ko ng payat simula
nung tumigil ako sa pagbe-breakdance. Siguro yung huli kong taba ay year 2007. Oo
payat ako pero may puso po ako. Kaya wag mo masyadong yurakan ang pagkatao ko. Konti
lang. Tawagin mo na akong mukhang kalansay ngunit subok to mga kapatid, sabihan
mo man ng parang nakacostume ng Nov1 sa pagkabuto buto. Wa epek yan sakin. Natatawa
na rin ako sa sarili ko tuwing nag-geget together kame ng mga kaibigan ko. Ako
lang yung mukhang toothpick sa picturan. (nangingibabaw) Sila yung mga mukhang drum
sa pagkalusog. Pag-inexray mo ako. Ako yung tipo ng taong walang pag asang
tumaba. Conclusion ko lang. Dumudugo pa ang pwet ko sa sugat palagi. Tumatae ng
may susunod na blood. Nakakapanghina man. Mas lalo la akong nalalakasan ng loob.
Kung tutuusin nga, maaawa ka ngang sakalin ako kasi sobrang payat ng leeg ko. Yung
feeling na baka magshut down ako sa nerbiyos. Tinatamad pa akong magpagupit
kaya ang haba ng buhok ko ngayon. Mukha tuloy akong si Michael Jackson nung
pumuti na siya. Sakto, gumagamit ako ng Nivea. Ayun na iyon. Maraming nakakapansin
na pumuputi na ako. Ako yung tipo ng lalaki na madadangkal mo ang bewang ko sa
sobrang payat ko. Sa mga di po nakakaalam, wala po akong malubhang sakit. Biruan
lang poi to. Mabilis lang po talaga ang metabolism ng tiyan ko.
Sige tawagin mo akong na parang zombie. Babawian din kita, ngunit
sa isang kondisyon, kung may utak ka? Hahanapin ko yung BRAINS sayo. Buti
nalang maganda ang eyeglass ko ngayon. Yun ang nagdala eh. Misan di napapansin
ang pagkapayat. Yung itchura ko kapag papasok sa opisina. Umaga palang pero
parang gabi na ang ichura ko. Wala, payat eh. Tinatae ko lang yung kinakaen ko.
Wala talagang naa-absorb. Atlis kahit papaano,
bumabanda lang yung inaasar ko sa mga mapapayat. Oh Sorry naman. Lakas ko kasi mang asar sa matataba eh.
Siguro kinarma ako. Charot. De joke. Di naman siguro.
Kung gaano ako kabilis mag alala, magpanic at mag isip.
Ganun din kabilis ang reaksyon ng tiyan ko. Maihahalintulad mo talaga ako sa
kahit na anumang tingting. Pwede din akong magtago sa likod ni Kim Chui. Ang
payat ko over. Para akong cancer survivor. Parang lang po. Joke lang po yan ah.
Minsan naririnig ko sa iba. Pangarap daw nila tong ganito. Parang pang
Victoria’s Secret model ang katawan ko. Yung tipong kain lang ng kain pero di
nataba. Oy ang daming nangangarap niyan ah. Aminin niyo.
Ako yung tipo ng isang empleyado na parang di sumasahod. Trabaho
lang ng trabaho. Hindi kumakaen. Hahaha Parang
isang pitik lang. Tutumba na ako. Pero papatunayan ko senyo. Matibay po ako. Pramis.
Kahit sabihin mo pa na “Isang sinok nalang ako”. Matibay to tsong. Siguro may
baby lang talaga ako sa tiyan. Siya lahat kumakain ng kinakain ko. Hahaha
natatawa nalang talaga ako.
Buti nalang kahit na sabihan ako ng iba na payat. Hindi
bumababa ang self esteem ko. Eh sanay na ko diyan eh. Hahaha Ako yung tipo ng
taong na ang bukambibig ko lagi.."merienda or nagugutom ako. Pero parang
wala lang din talaga. Lumamon ako. Waley talaga. Ano mang sabihin niyo. I love
my curves and i also love my bones too. Call me a skinny bitch or anorexic.
LAKOMPAKE! Buti nalang talaga wala pang tumatawag sa akin ng pangga or sa
madaling salita “panggatong”.hahaha Diyan ko napatunayan na may konting respeto
pa sila sa akin.
Sa mga nakabasa nito. Share your blessings naman. Vitamins naman diyan. Laman naman
diyan. At buti nalang talaga. Marami pa rin akong dugo. Hay salamat. Buti
nalang di pa ako nasasabihan na baka ihian ako ng aso sa kalye. Mapagkamaalan siguro
akong poste. Kahit ako eh. Kapag nagsusuot ako ng damit. Mukha na talaga akong hanger. Kapag ako medyo
tumaba. Pusta yan. Marami ng magkakagusto sa akin. Mas sasakit na naman ang ulo
ng gf ko sa kakaselos. Charot. Ayoko pa naman nai-stress ang gf ko. Kaya hinay
hinay lang sa pagbibiro. Haha Mukha man akong malnourished o maraming bulate sa
katawan. Respeto naman. Atlis di ako lampa. di ako skeleton. Sa lahat ng payat,
ako lang ang binayayaan ng pwet..(Di ako girl. Dahil to noon sa pagbibike ko
pagpunta sa bahay ng tatay ko. Sobrang layo nun kaya ako angkapwet.) Basta ang
mahalaga. kahit na payat ako. May lovelife ako. Hihi.