Friday, April 8, 2016

ISNACKUNAT BA O MALI NA?



Nasasaktan ako na hindi ko alam. Shet! Kung bakit ganoon masakit. Hindi ko alam kung nasa tama pa ba ako o sablay na mga desisyon ko ngayon. Di ko pa alam.  I don’t know. I don’t know. Ito ilalahad ko na.
Kasi ganito iyon, nung lunes, ngayong first week of April, nagtext sakin ang mudra ko na humihingi siya ng datong para sa alis niya sa Baguio. Ito ay isang activity sa kanilang simbahan. Wala namang masama sa umalis at pumunta siya doon (wala naman akong karapatan para pigilan si mama eh, sino ba naman ako). Ang problema nga lang, wala akong maibigay sa kanya. Sa makatuwid, wala akong mailabas na kaperahan sa hinihingi niyang pabor, wala akong maipaluwal. Kung mayroon naman akong maibibigay. Go naman ako kagad eh. Ang tanong ko naman, bakit sa halagang 4k ang hinihingi niya? Nalalakihan ako sa ganung halaga. Kung babalikan ko naman, noong college pa ako kapag humingi din ako sa nanay at tatay ko ng tuition fee, hirap na hirap din sila maglabas ng pera para sa akin. (Ano bang problema bakit di natin mailabas ang gusto nating ilabas, hahaha). Hindi naman sa nanunumbat ako pero parang ganun na nga. Umikot lang ba talaga ang mga pangyayari ngayon? Ang panget tignan diba kung bibigyan ko pa ng kahulugan ang nakalipas na. Ang gusto ko lang mangyari. Sana kapag may alis si Mama, i-plano niya ng maigi, kaya kame nagkakaron ng financial problem. Magpatulong siya kung mahirap talaga ang alis niya. Mahal ko ng sobra ang nanay ko. I lurve her sobra sobra. Marami kasi akong tanong sa balak niya. Una, afford ko ba ang 4k na iyon? Ang sagot ko, di kop o afford. May ipon ako pero dapat ko bang gastahin yun para dun. Di naman iyon emergency or necessary. Saka suggest ko lang sa kanya, sana kung tungkol na ito sa simbahan, sana sagutin na ito ng simbahan. Gusto kong tulungan ang nanay ko bilang pasasalamat sa lahat ng naitulong niya sa akin sa maraming panahon na ginugol niya sa pamilya namin. Naibibigay ko naman ang pag aabot sa kanya kapag maliit na halaga ng pera pero kapag malaki na parang umaaray na ako. Iniisip ko kasi, namo-mrobblema lang ako para sa ipon ko. Masakit sa akin masira ang plano kong financial. Totoo! Iniisip ko din ang mahahalagang bagay na pwedeng pag gamitan ng naipong pera. Pangalawa, Reasonable ba ang alis niya? (ang weird pakinggan na nanggaling sa akin pero yan lang ang naging guide ko) Naalala ko tuloy noong mga panahong kapag nare-request ako sa nanay ko ng mga laruan o gamit, ang isinasagot nila sa akin ay “Hindi mo naman kailangan yan eh”.Parang ganun din ngayon, hindi kailangan kagad ng alis niya, pwedeng sa nextmonth nalang siya sumama sa mga friends niya.  Pero kung emergency, willing akong ibigay lahat ng pera ko. Mas iniisip ko kasi yung mga bagay na kapag ginasta ko, sulit ang pupuntahan, dumidikit lang po sa realidad. Haha Kung magbabakasyon lang naman din ang nanay ko sa Baguio at church activity ito, dapat sagot ni Lord ang pamasahe nila. I mean, ipagpray namin kung kinakailangan. May mga bills at savings pa kaming dapat pagtuunan ng pansin. Oh sige, sasabihin sa akin ng iba, “ang kuripot mo naman, regalo mo na sa nanay mo iyon” Opo alam ko po iyon. Masakit din po para sa akin na hindi makapagbigay sa hiling ng nanay ko, nagkataon din talaga na nagkaproblema ako sa financial ngayon. Tingin ko lang, di maganda na diktahan natin ang ating mga magulang pero sana minsan kasi ang kasakiman kailangan din natin ituro sa mga magulang natin eh. hahaha. Minsan kasi kala ng magulang naten tumatae tayo ng pera. Hindi po, nagpapawis po kami ng dugo. Haha Kala nila porket may trabaho hindi na nagkukulang. Gusto ko nga sanang sabihin yung 4k na yan, kung ipinang-grocery yan, mahaba pa tatakbuhin niyan. Naalala ko tuloy ang sermon sa akin ng nanay ko na hindi pinupulot ang pera kung saan saan. haha Kung tayo nga minsan nagagalit tayo kapag nagbigay tayo sa anak natin ng baon tapos nalaman nating naglakwatsa lang pala siya, diba maiinis tayo. Kasi nga hindi mahalaga ang pinuntahan ng pera.  Di ko sinasabing maglalakwatsa lang ang nanay ko kasi tungkol ito sa simbahan, ang ibig ko lang sabihin, kung alis ito ng simbahan, magtulungan din sila. Mahalaga ang pera. Mahalaga ang halaga ng pera. Pag ipunan ng simbahan ang alis ng bawat miyembro. Ayokong masira relasyon namin ng nanay ko. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Sana maintindihan niya ako. Lagi ko naman binibigyan ang nanay ko, ngayon lang talaga nangyari na hindi ako makapagbigay, ngayon lang ako pumalya. In a way, nirerespeto ko naman ang hangarin ng magulang ko na makapaghatid ng mabuting balita sa baguio pero hindi lang kasi praktikal. Ako naman di naman ako naghahangad ng kapalit eh. Ano man narrating ako, ako pa din ito. Wika nga ng mayayaman, money is not the guarantee of success. Charot. Ang pera, papel lang yan. Hahaha joke ulit. Ang akala kasi nila galing ako sa middle class to riches, na hindi na dumaan sa rags. Di po totoo iyon. Rags to riches po ako. Charot
Pangarap ko sa nanay ko na mai-travel siya sa ibang bansa, nasasaktan ako ngayon dahil di ko magawa dahil minsan talaga kinakapos. Never kong pinautang ang nanay ko at naghintay ako ng kapalit. Sana kasi may savings din si mama eh. Sinubukan kong kausapin ang nanay ko tungkol sa mga options ko para dito pero di eh, wala eh, napunta lang sa pag aaway namen.

Babawi ako sayo mama. Wait ka lang po. Pangako ko po yan.  Ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo.  Magha-hire pa ako ng limang katulong para sayo. 

5 comments:

  1. i feel you in so many ways.
    una yung hindi porket may trabaho (at matagal ng nagtratrabaho) laki na ng ipon or madami ng pera. sa panahon ngayon sa totoo lang, marami na ang ikinabubuhay ay sapat lang para mabuhay ng maayos at marangal. dito pumapasok yung konsepto ng needs at wants.

    there were also times na nanghihingi ang mama ko na hindi ko maibigay. and i feel bad about it especially kapag meron naman talaga or kaya ko naman ibigay pero tinitikis ko. which is likely in your case.

    ang sakin naman, regular akong may intrega kay mama kada sahod. fix yun bale.
    over and above that, minsan may mga instances na nanghihingi pa siya after a week or so.
    yung tipong malapit na yung next cut off hihirit pa siya. lol

    ang siste, kapag naibigay ko, minsan nawiwili! hahaha
    alam mo yun?? ang iniisip kapag nakapagbigay ka ang dami mong pera.
    minsan tuloy kahit gusto ko itreat yung sarili ko like lumabas ako pag off ko, i just stay at home kasi iniisip nila pag may gala ang dami kong pera.

    pero kapag wala talaga, ay nako. pasensya na, ma.
    next time nalang :)

    ReplyDelete
  2. HAHAHAHA ramdam kita sir Christian. Salamat sa comment mo. Sobra akong natuto. Alam ko naramdaman mo din na sinabi mo sa sarili mo na sana "mayaman nalang ako ngayon". Masakit talaga ang di ako makapagbigay. Masakit din para sa akin na malaman kong hindi rin nagba-budget ang taong binibigyan ko. Sa next article ko naman, magtttry ako sa financial..hhehe salamat sir Christian. God bless

    ReplyDelete