Sa barangay “Pulang Susu” ay nakatira ang Pamilyang “Dimasabi”.
Ang pamilyang ito ay binubuo ng napakagulong pamilya. As in. Nagmula sa mahirap
na pamilya si iLde. Siya ang bida sa istorya natin ngayon. Simula noong
pinalayas ang pamilya nila sa lupaing kanilang tinitirhan ay doon na nagsimula
ang kanilang kahirapan. Hindi pa naman sapat ang kinikita ng kanyang ina sa
pagtitinda sa sidewalk ng mga candy at sigarilyo kaya siya na lamang ang
naatasan magpursigi sa buhay ng kanyang ama. At ang kanyang tatay naman ay
isang lumpo dahil mayroon itong sakit ngunit mayroong namang angking galing sa
pagsulat ng mga nobela ang kanyang ama. Ang kanyang nag iisang kapatid na si
Beni ay nag aaral pa lang sa elementarya kaya responsibilidad ni iLde na ihatid
at isundo ang kanyang kapatid sa eskwelehan nito araw araw dahil nga siya’y
hindi nakatapos sa pag aaral. Huminto ng pag-aaral si iLde dahil kinakailangan.
Lumaki si iLde sa piling ng kanyang ama. Ang kanyang ina
kasi ay noon pa man ay nakatuon na sa paghahanap buhay para sa kanilang
pamilya. Walang sawang nag-aalaga si iLde ng kanyang ama. Siya na talaga ang
inatasan ng kanyang ina na magbantay at mag alaga sa kanyang ama habang ito’y
wala pang ginagawa sa buong maghapon. Kahit na may sakit ang kanyang ama, hindi
ito tumitigil sa pagbibigay ng payo at kwento sa kanyang mga anak. Lahat ng
kanyang naging karanasan na kapupulutan ng aral ay ibinabahagi na nito sa
kanyang anak. Dahil nga bihasa ito sa pagsusulat ng mga nobela nakikita
maghapon ni iLde kung paano lumikha ng mga istorya at nobela ang kanyang ama.
Binubuhos ng ama ang kanyang buong maghapon sa pagsusulat hanggang sa ito’y
makatulog sa gabi. Kaya naman bubuhatin na siya ni iLde para humiga sa kanyang
kama.
Saka naman darating ang kanyang ina ng dis-oras na ng gabi.
Kadalasan ito’y lasing at nakakalimutan sa labas ang mga paninda. May isang
araw na nahuli ni iLde ang kanyang ina na mayroon kasamang ibang lalaki.
Hinahalikan ang kanyang ina habang sabog na sabog ito sa kalasingan. Nagwalang
kibo si iLde sa lahat ng nangyari. Ayaw na kasi niyang maulit muli ang nangyari
sa kanila noon na sinaktan ng ina silang lahat pati ang ama dahil sa galit.
Galit na galit ang ina noon dahil walang nakahaing ulam para sa kanya.
Tinanggap ni iLde ng maluwag ang lahat ng katotohanan.
Pinangarap niya na isang araw, mababago din ang takbo ng buhay nilang lahat. Na
balang araw, giginhawa din ang buhay nila.
Isang umaga, maagang nagising si Aling Lisa (ang kanilang
ina). Nakita niyang kinaen ng daga ang iningatan at pinatago niyang pagkain sa
kanyang anak.
Lisa: iLdeeeeeeee, gumising ka dyan. Halika ka rito. Tuwang tuwa ako sayooooo.
(malakas na sigaw sa anak)
Gumising si iLde sa kanyang mahimbing na bangungot. Paano ba
naman kasi. Hinahagis na ni Aling Lisa ang lahat ng gamit sa kusina para lang
magising ang lahat.
iLde: (daling tumakbo si iLde papunta sa kanyang ina) Inay,
bakit po?
Lisa: Anong bakit? (Sabay sapok) Tignan mo ng maigi tong
iniutos ko sayo na takpan mo ang ulam kagabi. Nakita mo? Ano nangyari?
Sinabunutan naman kagad si iLde habang pinapakita ang Liempo
na may kagat ng daga.
iLde: Aray ko po. Ang sakit na po. Tinakpan ko po yan. (nagmamakaaawa
na sa sakit si iLde, di pa rin matigil ang pagsabunot sa kanya)
Lisa: Punyeta, wag mo kong pinagloloko. Kung tinakpan mo
yan. Hindi kakainin ng daga yan.
Sinasaktan muli ng ina si iLde sa sobrang galit nito sa
kanyang anak.
At ng may bigla silang narinig na sigaw ng bata sa loob ng
kwarto ng kanyang ama. Ito ay si Beni.
Lisa: Ano yun? (Nagtatanong palayo, ang tanong ng ina galit
na galit parin sa kabila ng lahat.)
Lisa: Puntahan mo yung anak mo dun sa taas. Dalian mo.
iLde: Opo opo (Habang umiiyak)
At mga ilang minuto pa. Nang nakita na niya ang kaniyang
ama.
Sumigaw si iLde. Tinatawag niya ang kanyang ina.
Pumunta naman si Aling lisa sa kwarto na nagmamadali na rin.
Lisa: Puta, anong nangyari?
Sagot ng isang batang takot na takot.
Beni: (Umiiyak) Nakita ko po si Tatay. May ininom siya.
Nakita ng lahat na may nakatabi na palang lason sa kama ng
kanilang ama. Bumubula ang bibig at wala ng malay. Nagpakamatay ang kanilang
ama.
Napakasakit makita ang lahat ng nangyari sa kanilang ama.
Ni-wala man lang silang ideya kung anong rason kung bakit nagawa ng ama nila na
magpakamatay. Kagabi lang ay masaya pa ang kanilang ama sa pagsusulat.
Sa pagkakalugmok sa sinapit.
Sa pagkakalibing na kanilang ama. Nagdesisyon na kagad si
iLde na iwan na lahat ng ito. Binalak niyang iwanan ang pamilyang to . Iiwan
niya muna ang kanyang kapatid at ina.
Nag-iwan ng sulat si iLde sa kanyang pamamaalam sa pamilya
niya. Ngunit dinala niya naman ang mga sulat at libro ng kanyang ama. Higit
kumulang nasa tatlong sako ng libro ang kanyang dala dala. Ito lang naman kasi
ang mahalagang pinamana sa kanya ng kanyang ama. Kaya sa lugar na kanyang
tinitirhan, sa kaibigan na lang siya muna pumirmi.
Dahil nga wala pa siyang mahanap na papasukang trabaho dahil
siya’y nasa murang edad pa lamang. Nagtinda nalang siya sa labas ng bahay ng
libro.
Isang araw na kanyang pagtitinda, nasa dalawa o isa lang ang
mga tumitingin ng kanyang nilalakong libro. Mapalad na may isang taong tumambay
ng dalawang oras para magbasa muna.
Nung naisip niyang magsalita sa maraming tao at ikwento ang
lahat ng nasa laman ng libro gamit ang mikropono ay medyo nadagdagan ang mga
tumitingin at mayroon na rin bumibili sa libro niya. Naturuan naman kasi siya
ng kanyang ama noon kung paano magpaliwanag ng isang nobela.
Sa naisip niyang paraan na iyon. Lumaki at lumago ang
kanyang pera. Nakakapagbigay na rin siya ng pera sa kanyang tinitirhan.
Nakakabili na rin siya ng pagkain kahit na noon naghihintay nalang siya sa alok
na pagkain ng kanyang kaibigan.
Sa pagbilis ng kita ng mga binebenta niyang libro.
Nakalimutan na niya ang ipinama sa kanya na libro ng kanyang tatay. Isang libro
na hindi dapat niya ipagbibili at ibibigay sa iba. Iyon kasi ang payo sa kanya.
Pamagat ng Libro: Pamana
Sa gutom at pangangailangan. Nawala na ng pagpili si iLde.
Kaya’t ipinagbenta nalang niya ito sa isang mayamang lalaki. Hindi niya alam na
isa ring manunulat ang lalaking bumili nito.
Huli na ng naalala ni iLde na mahalaga ang nilalaman ng
librong iyon.
Sumunod ang sigalot sa buhay ni iLde. Nagkasunog sa
inuupahan niyang bahay. Hindi niya namalayan na naiwan niya pala ang kandilang
ginamit niya sa kusina. Binalewala niya lang ang usok na lumalabas sa bahay dahil
minsan ay pangkaraniwan lang naman ito.
Wala siyang nagawa sa pangyayaring iyon. Naubos lahat ng
kayang ipinundar ng dahil sa nagawa niyang sunog. Pati ang pera kanyang
pinakaiingatan.
Kusa na lamang na lumayas si iLde dahil sa trahedyang
nangyari.
Bumalik siyang muli sa bahay nila. Wala siyang nagawa kundi
tanggapin ang masasakit na salita ng kanyang ina. Nakatanggap din siya ng pisikal
na pananakit muli galing kay Aling Lisa.
Sa kabila ng lahat, nagulat siya sa nakita niya na nadagdagan
ang kapatid niya ng dalawa. Ang noong isang kapatid niya ay naging tatlo na. Nakatira
na rin doon sa kanilang bahay ang bagong asawa ng kanyang ina. Ang lalaking
tadtad ng tattoo at kwento ng kanyang bunsong kapatid ay mayroon pa palang
isang pamilya ang asawa ngayon ng kanilang ina.
Dahil nga minalas si iLde sa kanyang plano. Tinanggap niya
lahat ng katotohanan na ito. Kahit na ang sakit sakit sa gabi gabi na nalalaman
niyang iba’t ibang lalaki ang nakikipagtalik sa kanyang ina dahil ginawa palang
bayaran ito ng kanyang bagong asawa. Nalulong din sa droga si Aling Lisa.
Lumayas muli si iLde sa bahay na iyon at sa pagkakataong
iyon. Sinama na niya ang tunay niyang kapatid na si Beni.
Hindi na siya nagpaalam sa kanyang ina. Lumuha ang kanyang
mga mata sa pag iwan sa kanyang ina dahil nga sa kalagayan nito ngayon.
Wala siyang pera upang umalis kaya nangalap muna siya sa
bahay.
Nakita niyang naiwan ng asawa ng nanay niya ang pitaka sa
may kabinet at kinuha niya ito. Sa tabi nito ay mayroong libro na nakapatong.
Ito ay kopya ng libro ng tatay niya. Sa pag alis niya sa masalimuot na bahay na
iyon. Dinala niya iyon. Ito ang kopya ng librong “Pamana.”
Naglakad ng malayo na malayo silang magkapatid. Wala silang
alam kung saan man sila mapapadpad. Kahit saan sila magpunta. Kumatok man sila
sa mga bahay-bahay ay hindi sila pinapapasok. Walang kumupkop sa kanilang
dalawa.
Tiniis nalang ni iLde at ni Beni na matulog sandali sa isang
eskinita.
Sa kinaumagahan, nagrereklamo na sa gutom ang kanyang
kapatid. Kasabay naman nito anh pagbusina ng isang magandang kotse sa harap na kanilang
tinutulugang kalye. Wala silang nagawa kundi umalis na lamang. Ngunit bago pa
sila umalis ay tinawag sila ng driver ng kotse.
Lalaki: Kamusta ka, bata?
Ito ang may-ari ng harap ng bahay na kanilang hinigaan. Ito
pala ang lalaking manunulat na bumili ng kanilang libro. Nakita din ng lalaking
iyon na may hawak pang bago na libro si iLde.
Lalaki: Oh diba, binenta mo na sa akin yang libro na yan.
Bakit meron ka pa rin?
iLde: Ah eto po, kopya po to ng librong iyon. Kuha ko po to
sa nanay ko.
Lalaki: Ah ganun ba, alam mo ba iho, hindi ko pala nasabi
sayo. Ibinenta ko sa isang publishing company ang libro ng tatay mo. Ang hindi
mo kasi alam, bagong libro palang ang aklat na iyon. Punong puno siya ng ideya.
Napakagandang libro.
iLde: Totoo po?
Lalaki: Alam mo ba yang garden na yan. Nang dahil sa libro
at likha ng ama mo. Kumita ako ng malaking salapi. Nirevise ko ng konti at
pinaganda ko ng bahagya. Pasensya ka na ah kung ngayon ko lang nasabi sayo.
Binalikan kita sa lugar na kung saan ka nagbebebenta ng libro ngunit wala ka
doon. Gusto ko sanang magpasalamat sayo.
No comments:
Post a Comment