Thursday, August 24, 2017

SAKIT NG MGA SERYOSO THAT I USED TO KNOW



“Life is too short to be taken seriously. “ Yan ang sabi ni Oscar Wilde.

Neto neto lang last Sunday. Ilang beses na akong nakarinig ng reklamo gaya ng  

“Ano gusto mong gawin ko pare, tawanan ko lang mga nangyayari  sa’ken ngayon, ganun nalang ‘yun?”

At isa pa

“Ano, magwawalang bahala nalang ako at magpapakasaya, di biro ang problema ko, bro.”

Di ko nalang papangalan kung sino. Pero sa mga kaibigan ko galing yun. haha

Honestly, may punto naman sila sa kanilang ipinaglalaban, ang problema nga lang, kung ikukumpara naman ang pinagdadaanan nila sa mga taong marunong magdala. Tiyak mare-realize nila na simple lang pala ang problema.

Tama naman eh. Bawal naman talagang magpaka-kampante sa buhay. Bawal yung sobrang wala ka ng pake sa nangyayari at puro katatawanan at goodtime nalang ang inaatupag mo. Kaso nga lang, sa problemang pasan-pasan mo ngayon. Bugbog ka na nga ng suliranin, sisimangot ka pa. Pangit ka na nga, problemado ka pa. Ano nalang matitira sayo, friend. Gusto mo ba yun? haha Aucona.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na araw araw, tatambakan tayo ng tadhana ng di natin inaasahang unos na magpapaseryoso at magpapapikon saten. Tulad nalang ng pangangaliwa ng asawa mo, nalugi mong negosyo, mabagal na internet  o di kaya naman mapapamura ka sa bwisit sa  mataas maningil na taxi driver at sila pa ang galit. Actually, very huge pa ang ka-shitan dito sa Pilipinas.

Kaya sumulat ako sayo my friend,  para ipaunawa sayo na dapat di sineseryoso ang buhay.

‘Tong putang inang buhay na ‘to.

Share ko sayo ah.

Ganito yan. Walang mapapala kung magpapakaseryoso ka pa. Dahil kung tutuusin, may alternatibong paraan naman. Nakakalusog naman sa isip at buong katawan ang “Pagtawa” kasabay ng pinagdadaanan mo ngayon. Try mo to, tropa.

Minsan pansinin mo, sa anumang talk, seminar or meeting, basta nagjoke ang speaker sa intro palang niya at natawa ang karamihang nakikinig. Panigurado, makukuha na niya ang  loob ng mga nakikinig sa kanya. So napakalaki ng impluwensya ng pagtawa sa tao. Sa katunayan,  laughter can increase your overall sense of well-being. Sabi ng mga doktor na ang mga taong may positibong pananaw sa buhay ay siyang malakas sa bawat hamon ng kapalaran.  

Kahit saang lugar, may nakakatawang bagay. Pansinin mo lahat ng mga nakikita mo. Pati mukha nila.

Natawa nga ako nung kailan lang, ang ganda ng gising ko shet, parehas kame ng girlfriend ko. Mga ilang minutes,  nagulat nalang ako maya-maya biglang nag-iba ang mood niya saken. ‘Tas tinanong ko siya kung bakit nagkaganun, ang tanong niya saken, sino daw ang napanaginipan niyang babae na kasama ko sa panaginip niya. (Hala siya. Diba ang labo. )

Relasyon man o kasal. May nakakatawa din dyan. Sabi sa nabasa ko,

Ang susi daw sa matagumpay na relasyon ay dapat maayos ang kumunikasyon niyo palagi at iniintindi mo ang kapareha mo.

Natawa nga ako eh. Intindihin ang partner? Eh paano? Kahit sino naman di mo maiintinidhan ang karelasyon mo. haha Totoo yan. Napatunayan ko na yan.  

Ang kailangan mong intindihin sa girlfriend mo na maraming bagay ang hindi mo maiintindihan tungkol sa kanya. Kung naiintindihan mo ako, ibig sabihin, naiintindihan mo na may topak side ang karelasyon natin. haha So, naiintindihan mo na ako?

Kaya my friend. Ipapaunawa ko sayo na tuldok ka lang sa mundong ito. Ikaw, ako lahat tayong nilalang. Ang universe ay binubuo ng mga galaxies, solar system, moon, planets at kung anu ano pa. Isipin mo yun. Maliit ka lang kung titignan sa taas pero kung mamroblema ka ngayon wagas. Kala mo ikaw lang ang may problema dito sa planet earth. Act normal lang bes.

Enjoy mo kaya ang buhay.

The fact na mamatay ka sa mundong ‘to na gaya ng isang maliit na jolen.  Ang katotohanan pa diyan, matetegi  ka at iiwan ‘tong mundo na to na kakarampot lang ang malalaman mo.

Kung si lolo dolphy nga, parang kulang pa ang nagawa niya eh. 

Itigil ang pagkaseryoso ngayon. Isipin mo nalang na mas magulo ang mundo kaysa sa iniisip mo ngayon. Kaya wag ka ng dumagdag pa. Please. Sa una palang talaga magulo na talaga ang lahat.

Hindi lang naman ang bansa natin ang magulo diba? Buong mundo.  Maraming magulo ang  jutak. Magulo ang desisyon. Magulo ang kwento. Pekeng balita. Kumplikadong relasyon. Di maintindihang mga plano.

Kung kaya mong tawanan lahat ng yan, mananalo ka sa laro.

Saka isa pa. Imbes na magseryoso ka. Marami ka namang kaibigan. Importante pa rin ang relasyon sa tao kaysa sa problema.

Sandamakmak man ang pera mo sa bangko at mayroon kang  mamahaling gadgets at kotse, may swimming pool kayo sa bahay  at lahat ng masasayang bagay ay nandun na. Eh aanhin mo naman yun kung wala ka namang pamilyang kasama dun at mga tunay na kaibigan. Malungkot din. For sure kung ganun nga ang sistema mo, seseryosohin mo nga talaga ang buhay.

Kung priority natin ang kasiyahan, walang wala ang dami ng pera. Korek?

Sa nakalipas kong limang taon sa pagta-trabaho sa construction engineering, ang pinaka naalala ko lang  ay yung mga kulitan namen ng mga matatalik kong kaibigan at masasayang bonding namen. Saka syempre ang mga lugar na napuntahan ko, happiness ko na yun. Pati na rin ang  family bonding and birthday celebration, Sabi nga nila diba,

“Prioritize people over your career.”

At tandaan natin kung seseryoshin natin ‘tong buhay na ‘to.Wag nating kakalimutang na ang mga mayayamang tao gaya nila Henry Sy,  John Gokongwei, Jr. or tito Enrique Razon, Jr.  ay sila ang hindi masasayang tao ngayon. Kahit di kame close sa isat isa, pero alam na alam kong maliit pa rin ang mundo nila. Kasi nga mayaman sila, I’m sure may banta din sa buhay nila. Maraming gustong mag-angkin ng kayamanan nila. At isa na ako dun.  haha

Additional, ikaw ba naman mag isip ng napakalaking negosyo. Minsan nalulugi yan. Minsan lumalago yan. Malamang magiging seryoso ka talaga sa buhay. Sila yung mga laging inaasikaso ang kanilang malaking kumpanya. Transaksyon palagi ang iniisip.

Kaya para sa akin, hindi ang sobra sobrang pera ang magpapasaya sayo kundi kung ilan ang taong natulungan ng pera mo. And that’s really true.

Kung marami din silang natulungan (yung mga nabanggit kong milyonaryo). Maaaring masaya sila pero hindi ganun kasaya gaya ng mga normal na mamamayan.

Tapos isa pa diyan,  kung nakaugalian mo ng mag alala ng todo todo sa buhay buhay. Nakow! Siguradong di ka masaya. Ikaw yung tipo ng tao na inaalala at pilit na kinokontrol ang isang bagay kahit di naman talaga kaya.

So mahirap man tanggapin pero kailangan mong baguhin ang perspective mo. Di tama ang pagiging “worriedera”, teh. Take a step back and laugh at yourself. Walang ibang solusyon para makamove on sa bawat problema, kung di mo tatawanan iyon, mananatili ka lang biktima.

Saka tandaan natin na maikli lang ang buhay, any moment, pwede kang mabagsakan  ng Concrete Mixer  Truck or maitumba ng mga Pulis. (Knock on woord). Example lang naman po. Wala akong pinapatamaan. Swerte ka na kung umabot ka ng 90 or 100 years of age. Ayos yun. meron ka pang more than 900,000 hours. Kaso kung ang serious mo naman, para saan naman yun?  Nakow! 

Hanapin mo yung bumubuhay sayo. Bitawan mo yung pumapatay sayo.

And another thing. Kahit gustuhin pa nating maging kaaya aya sa paningin ng iba. Meron at meron parin tayong kapintasan sa katawan. Ako nga kahit ubod na ko ng gwapo na may mala-adonis na mukha, pero meron pa ring ikinukutya sa akin ang madlang pipol. Payat daw ako. Edi lakompake. Ganun talaga eh. Walang perpekto. Walang tamang-tama. Eh ikaw naman, seryoso ka sa sasabihin ng iba. Wag.

Kaya uulitin ko. Bawal ang seryoso sa buhay.

Oo. Alam ko, lahat tayo may pangarap. Lahat gusto maging matagumpay sa buhay. Gusto maging atleta, kumita ng malaking halaga, maging  arkitekto, maging negosyante, artista, doktor, pulitiko, makilala sa buong mundo at iba pa.  Lahat gusto may marating.  Makukuha mo lahat ng yan kung paghihirapan mo.

Find your purpose.  Pero wag namang seryoso masyado. Wag matakot magtanong sa iba. Lumalaki ang mundo mo kung magtatanong ka tungkol sa mga gusto mo. May karamay ka.

Then be courageous. Kagatin mo lahat ng maliliit na hakbang sa mga goal mo. At wag ulit maging seryoso.

And last, believe in your dreams will come true. Easy lang pare ko. Pag pinagsabay ang plano at matinding aksyon. Syento pursyento, buhay na buhay ang pangarap mo.

Umasta ka ngayon sa gusto mong marating then eventually sa mga susunod na araw, iyon na ang trabaho mo.

I repeat. Don’t be serious.

Yung pagiging makulit minsan, ay nangangahulugan na ikaw ay tao lang .

Kung tinatago mo lang sa iba ang di maganda sa sarili mo, mauuwi ka lang sa kalungkutan. Minsan talaga, dapat mong tawanan ang sarili mo. Tawanan ang diperensya sa katawan mo.  Mga panahong  mahina at down ka, smile lang, yan ang tiket sa malaking kasiyahan sa buhay. Ipakita mo ang tunay at kung sino ka. Mayroon mang masama at maganda. Wala naman perpekto. Basta magpakatotoo oohh... oohh... Gabay at pagmamahal ang hanap mo. Magbibigay ng halaga sa iyo. Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga. (Oh chorus na ah).

Pinoooy ikaw ay pinoooy. Ipakita sa mundooo. Kung ano ang kaya mooo. Ibang-iba ang pinoooy.

 Ang ganda ng kanta ng “Orange and Lemons” noh?

Anyway.

Sana naman kahit papaano, may nahita ka saken, ano po?. Wag ka na malungkot.  Feel na feel mo ang pagiging Sir yoso eh.

Alam mo.

Meron pa akong gustong sabihin sayo. Kasi mahal kita. Aaay!

De.

Base sa naging karanasan ko.

Mas napansin kong nakakatawa ang buhay mo kung di mo sineseryoso yan. Oo promise.

Ikaw nga di ka sineseryoso ng mismong buhay sa lahat ng wish at prayer mo eh. hahaha Kasi  kapag sineryoso mo ang lahat ng to, mais-stress ka lang, mabo-borred at magkakasakit ka lang. Sakit agad? Pero pwede diba!?

Ang buhay nga hindi seryoso sayo eh. Ikaw pa kaya. So, anong ginagawa mo ngayon? Gumagawa ka ng sariling mundo? Ganern? Ang iba 100 tula para kay stella. Ikaw 100 tulala sa buhay.

Saka isipin mo nalang, hindi mahalaga yang pinoproblema mo. hahaha

Ayaw mo maniwala? May kakayahan kang baguhin ang mundo, ang buhay ay maikli lang at ang problema ay maliit lang. Ikaw lang naman ang nagpapalaki niyan. Sa isip mo lang yun.

Tignan mo nalang ang mga bituin sa kalangitan. Sila ba may pake sayo? hahaha

Ayon sa survey, 99% of what we think as of problems aren’t even real problems anyway, just situations the mind’s made into some big and unnecessary drama. Oh english yan.

Maaaring may malubha kang karamdamang dinadala ngayon, pero may malaking natitira pa rin sayo na  “pagngiti at pagtawa”.

Ang buhay dapat ine-enjoy.

May oras para maging seryoso pero hindi palagi.

Basta chillax ka lang. Tawanan mo lang ang stress. Tawanan mo nalang ang 3-6 months na matatapos ang Kampanya Kontra Droga. Tawanan mo lang si Jake Zyrus, mantakin mo yun iniwan niya si Charice.

Ngitian mo lang ang  mga big time na pulitikong hindi maparusahan kahit huling huli na. Ngiti ka lang sa mga tren ng MRT kahit nakakasira na ng make-up mo. Saka mga moment na uulan lang, traffic na kagad sa maynila na wala namang baha. Dedmahin mo lang ang matagal na inaayos na kalsada. Nale-late ka tuloy sa trabaho. Tawanan mo lang ang pangakong libreng Tuition fee. Mapapangiti ka nalang talaga.

Simulan mong gumawa ng sariling religion. Tipo ba na ikaw ang nasusunod. Batas mo ang pinaiiral. Paniwalaan mo ang sarili mo.

Ikaw ang magpapatakbo ng pelikula mo. Ikaw si empoy dito.  Ikaw ang bida dito na may halong komedyante.  

Kung seseyosohin mo ang buhay. Di ka mabubuhay.


Isipin mo, kakaiba ka. Ikaw lang ang emotional samantalang ang iba, cool lang. Relax lang. Patawa tawa lang sa problema kahit ang sakit sakit na. Ikaw kala mo, wala ng solusyon sa problema mo. Feeling mo nag-iisa ka.

Hindi ka tunay na Pinoy kung di ka palangiti.

Paano nalang kung walang Panchito, Dolphy, Rene Requestas at Tito, Vic and  Joey. Kung di nila ipinakita ang kasiyahan at pagharap sa tunay na buhay sa mga pelikula, malamang mababansagan ang mga Pinoy na malungkutin. Feeling ko lang.

Saka isa pa. Last na to.  

Marami diyan sa gilid na gusto kang sumablay sa buhay. Gusto ka nilang madapa. Ipakita mo sa kanila na di matutupad ang pangarap nila. Hanggang dun lang sila. Wag ka ng makipag away pa. Parang awa mo na. haha

Lahat tayo mabaho ang utot. Tandaan mo yan. Tayong lahat ay Humor Being. Biniyayaan tayo ng Universe na tumawa. Oh paano ko nasabi? Bigyan kita sample, ano ba naiisip mo kapag sinabi kong

"Ano kaya, pag diniligan  natin yan, lalaki kaya yan?" Ano naisip mo? hahaha

Mas nakakatawa yun after 2 hours. hahaha

Meron pa akong isa.

Anong pagkapareho ng Mayonaise at Sperm cell. Alam mo ba ang sagot?

Its “Ladies Choice”. hahahahha. Ayos den. ACHICHECHE.

Basta yun na yun. Bawal seryoso. Kanina ko pa sinasabi.

Ang tanging rekado ay ngiti at tawa lang sa pagharap sa tunay na hamon, hindi naman mananakaw sayo yang ngiti at tawa. Libre nga yan kung tutuusin eh.

Kung di kita makumbinsi sa mga sinabi ko. Kung di ka matawa. Oras na siguro para humanap ka ng ibang kausap. haha

Hindi. Ibig kong sabihin. Magpasalamat ka nalang ngayon. Pasalamat ka nga, nakakahinga ka ng maayos kahit napakasama ng ugali mo, yung iba nga may hika eh. Wag seryoso tsong, magpasalamat ka na may nakakain ka kahit papaano. Buo ang katawan mo. Yung iba, buo ang katawan pero wala namang utak. Joke. Saka nakakapagsalita ka pa. Mayroon ka ding hindi nauubos na opportunity sa paligid. Nakakapag isip ka ng tama at maayos. Pagpasalamat mo na nagkakamali ka pa rin para  sa self improvement mo. May data ka sa phone mo for facebook, yung iba wala. May talento kang pwedeng i-share sa buong mundo o di kaya sa kaibigan mo. Sinisikatan ka pa ng araw. Nakakakita ka ng mga puno at halaman. Nakakarinig ka ng musika. Nakakainom ng malinis na tubig. Hay nakakasawa. Sobrang dami diba. So, ‘bat ka magseseryoso?

Sabay lang sa agos ng buhay.

Tuparin ang pangarap. Kagatin ang bawat opportunity.

Ano ba ang malalim na rason kung ‘bat ka nandito sa earth? Naks.

Wala naman talagang MMK sa buhay natin eh, kung marunong ka lang hanapan ng humor o nakakatawang bagay ang problema mo, wala ka ng hahanapin pa.

Magkaibang magkaiba ang realidad at kung paano mo titignan ang nangyayari sa buhay mo. Tama?

Ang daming bullshit sa mundo lalo na sa Metro Manila. Talagang maraming nakakapikon sa bawat araw.  Sobrang dami ng irereklamo. Kulang pa ang mga nabanggit ko. Meron pang bills. Pulitika. Traffic. Kupal na amo. Problema sa Pamilya. Sakit. Manloloko mong jowawa. At marami pang iba.

Nasa sayo kung paano mo tatanggapin ‘to. Pag gising mo, ipredict mo na kagad kung ano ang magbibigay sayo ng stress sa buong maghapon, i-ready mo na ang sarili mo na hanapan ng humor yun.

Ngumiti ka sa harap ng salamin. Kumanta ka ng kumanta. Tularan mo si Anne Curtis.

Gamitin ang imahinasyon. Pansinin mo yung mga bata. Sila yung mga masasayang tao sa mundo.  laro lang. Obserbahan mo sila kung paano lumaki.

Basta lahat ng nagpapasaya sayo sa buong araw. Wag mong bitawan. Hanggang gabi.

At tapos na ako.

But for all I know, I may be speaking mostly to no one but myself. Thank you.