Walang kinalaman ang picture. Nilagay ko lang. hahaha
Ako po'y nakiisa sa paggunita sa pagkamatay ni Hesukristo.
Pati na rin sa paggunit ng mga itlog. Oops, Egg-cuse me. Baka nakakalimutan
niyo. Easter sunday po ngayon. Alam ko, baka nag-egg hunting kayo. Wag naman itlog
ng ibang tao. Please.
Matagal po akong nawala sa pagsusulat. Sorry po. Biktima lang
po ako ng mga kumakalat na fake news. haha Pastilan talaga. Matagal-tagal ko na
din ipinagpahinga pansamantala ‘tong blog ko. Tinupad ko lang kasi saglit ang
mga malalaking tungkulin ko na dapat kong gampanan. Humigit kumulang anim na
buwan din simula ng mawalay ako sa huling mabigat na content na ginawa ko sa
blog ko. Whaaat? Mabigat! Mahirap intindihan ang mga nangyari saken, pero mas
mahirap pang intindihin ang mga bagong barya ng ating bansa. Kalurkey. Ngunit
sa mahabang panahon na iyon(yung di ko pagsusulat), hindi lang ako natulog,
tumunganga, nagwalang bahala at naghintay kundi nagsusulat pa din naman ako, sa
notebook nga lang.
Pero kung di kayo kumbinsido sa mga sinasabi ko,
kukumbinsihin ko naman kayong maniwala sa ipinagtataka ko ngayon, tumaas ang
stats ng bilang ng mga taong nagbabasa ng blog ko. Wow. Yawa. haha Ang noo’y
halos sampu lang ata ang bumibista sa blog ko, di kayo maniniwalang umabot na siya
ngayon sa 357 ang readers. Mantakin mo yun. Ang dame nun’ para sa akin. Para pala ‘tong
investment na basta maglagay ka at magtanim ka lang, lumalago siya siguro
depende sa tinanim mo, atleast kahit paano, may mahihita kang balik o tubo.
Minsan kapag bwenas, ang lalabas ay doble pa. Kaya ang saya saya ko ngayon.
Hindi matawaran ang saya sa aking labi at mas lalo pa akong ginanahan magsulat
dahil alam kong may mga taong akong natutulungan, hindi man ganun kadami kundi
mayroon pa din akong naibabahagi sa kanila. Nakakatuwang malaman na may mga tao
akong nabigyan ng Mabuting Balita. At sana natanggap nila iyon at ipasa sa
susunod na henerasyon. hehehe
Nakapagsulat ulit ako. Salamat talaga, lalo na sa mga taong
nangangamusta palagi kung nagsusulat pa ba ako. Salamat sa mga taong nagtiwala
na may mararating ang mga inuubusan ko ng oras sa harap ng computer. Salamat sa
mga taong nakasuporta sa landas na gusto kong lakaran. Mga putang ina niyo.
Inspirasyon ko din po kayo. Promise. Pasensya na dahil hindi ako nagtuloy tuloy
sa pagsusulat nitong mga nagdaang mga buwan, sorry sa aking katamaran talaga.
At ngayon may pumukaw sa aking atensyon at ginising ang natutulog kong brain.
Biglang sumagi sa aking isipan ang mga tanong na,
“Minsan ba namulat ka sa mga maling kagawian na ngayon mo lang
nalaman?” Ganyan na ganyan mismo ang tanong saken ni Tito Boy este na nabuo
saken ngayong Semana Santa habang ako’y maghapong nakatulala sa kawalan at
iniisip kung saan nga ba talaga ako nagkulang sa panonood ng “Ang Probinsyano”.
At syempre sa tanong na iyon, agad ko namang sinagot na
“Meron naman.”
Sumunod na sinabi ko sa sarili ko,
“Eh wala naman akong choice diba kundi magmoving forward
kung nagkamali man ako.” Alam ko naman kasi ang pinupunto ng konsensya ko,
ayoko nalang banggitin lahat ng iyon baka maging malungkot lahat tayo. At sa mahaba
kong pagpapahinga ngayong Mahal na Araw, marami akong binalikan, hindi si ex. Sa
loob ng tatlong araw, binalikan ko lahat ng blog post ko dito. Binalikan ko
lahat ng sulat ko sa journal. May nilagay naman akong lagda dun sa kwaderno ko,
may marka ang araw na may kinaharap akong mabigat na problema. Kaya iilan lang ang mga pahina sa notebook ko ng mga dapat
kong balikan.
Ilan to sa mga natutunan ko.
1. Parte ng kwento ko ang di ko nakukuha lahat
ng gusto ko.
Nung kailan lang, naghahanap ako ng adobo. Pag uwi na pag
uwi ko sa trabaho, itinambol kagad ng tiyan ko ang tunog na ‘Dug gug adobo adobo”. Kaso
nga lang, nung nasa karinderya na ako, biglang sumagi sa aking isipan na bawal
nga pala ako sa toyo. Masama sa kalusugan ko ang toyo dahil siguro may toyo na
ako. Hahaha Minsan berry very labo ng gusto ko.
Ang hirap intindihin ng caption ko diba. Akshuli ganito yan. Tinanggap ko na ang
realidad na di lahat ng tao na madadaanan
ko sa street namen papuntang trabaho ko, hindi ko sila makikilala lahat. Ang
gulo pa din diba. Pero natural naman diba. Di rin lahat ng oras maibibigay sa
akin hanggang sa huling hininga ko. Sa madaling salita, di lahat makukuha ko
dito sa mundong ibabaw at kasama yun sa buong libro ko. Sa pagkakaintindi ko, kapag
di ko pa kasi nakukuha ang isang bagay, or palpak pa din talaga ako sa kung ano man ang hinahangad ko. Ang
iniisip ko nalang na may something pa na ruta akong dapat dadaanan. Senyales
lang ‘to na dapat may baguhin pa ako sa sarili ko. May aayusin pa ako. May i-improve
pa ako. May re-remedyuhan pa ako. Pero lahat, maging kulang man o sablay, eto
pa rin ang bubuo sa akin. Parte pa din ng laro ko to.
2. Kapag di tugma ang kinikilos ko ayon sa
sarili ko, nawawalan lang talaga ako ng pagpapahalaga sa sarili at di ako nagiging
totoo sa sarili ko.
Di ko maipilit ang sarili ko sa bagay na di ko talaga makita
ang sarili ko dun. Tulad nalang ng “Paglalaba”. Pakshet talaga, sinubukan ko
palagi kahit sa mga underwear ko lang, pero di ko talaga magawa. Tengene. Nalulungkot
ako sa tuwing ginagawa ko yun. Moira pasoooookk. Kung sa ibang aspeto naman
natin gagamitin para naman manalo ako sa usapang ito.
Napakadali lang pala. Kung gusto kong pagkatiwalaan ako ng
ibang tao, magpakita din ako ng tiwala
sa iba. Vice-versa na akma sa ikinikilos at ipinapakita ko sa iba.
Minsan di ko namamalayan na di na ako totoo sa sarili ko.
Totoo yan. That’s true. Pero alam kong mababago naman to, kaya ko namang
baguhin ang perpektibo ko sa lahat ng bagay na tutugma naman sa ikinikilos ko,
mababago naman talaga ang lahat. Hindi madali ‘to pero posible naman diba.
May ibang matutuwa sa asta ko, at may iba naman na hindi
maniniwala sa ginagawa ko, pero sigurado ako na meron pa rin taong maniniwala,
magbibigay ng respeto, makaka-appreciate kung ano ang ipinapakita kong kulay sa
kanila. Kasing kulay ng “malachite”, mahirap i-pronounce pero yun na yun.
Kung lagi ko lang tinatago ang lahat ng totoo kong
nararamdaman sa ibang tao, ang kahihinatnan lang niyan ay patuloy akong magiging
sinungaling sa sarili ko.
3. Ako ba’y para sa lahat o para sa wala lang.
Oras-oras napapaisip ako kung may kwenta ba talaga ako sa
mundong to eh. Hahaha in the same way act normal pa din at saka ko lang
napagtanto na meron pala akong naitutulong sa iba a little bit. Iniisip ko kasi
minsan kung kagaya lang din ako ng iba na sumusunod sa hype lang. Sunod sa
trend. Kaya nung nakikita ko ang pamilya ko, mga kaibigan kong nakapaligid sa
akin at mga plano ko sa buhay. Totoo nga, may kwenta pala ako hahahaha. Natutunan
ko na kung gusto kong magkaroon ng saysay sa mundong to, matuto lang pala akong
tumanaw ng may kabuluhang gawain para sa lahat. Obvious naman diba. Para ‘to sa
mga taong may katuturan kausap. Para ‘to sa mga taong mahahalaga. Para ‘to sa
mga taong parehas kame ng desires sa buhay. Parehas kame ng misyong tinutupad.
4. Kung ano ang pinaniniwalaan ko sa sarili ko,
yung ang magdidikta sa lahat ng sasabihin ko. Lahat ng dinidikta ko, yun ang
pinaniniwalaan ko sa sarili ko. Binaliktad ko lang.
Nitong Marso, lagi kong iniisip na kaya kong magpatawa.
Siguro palagi ko lang talagang ine-entertain sa lahat ng social media yung mga
video na nakakatawa. ‘Tas naisip ko na pwede ko din i-apply sa trabaho at sa
girlfriend ko yun. Sa tuwing nakakakita ako ng malungkot, wala akong trip kundi
pagtripan din sila, yun siguro yun way ko para makapagpasaya. Hahahha oh sorry.
Basta ang lahat ng nakikita ko nakakatawa, nagiging masaya na din.
Palagi kong isinisigaw na may mararating ako sa lahat ng
ginagawa ko. At alam kong mangyayari yun isang araw. Gaya nitong sinusulat ko. Di
man ganun ka-sikat o kilala ng iba, atleast kahit paano may substance. May
kapupulutan. Palagi ko rin pinahahalagahan lahat ng bagay na meron ako, kaya
siguro hindi nawawala basta basta lahat ng meron ako ngayon.
Alam naman natin na kung ano ang palagi nating sinisigaw, yun
tayo.
Kung ikay nalilito at di mo pala alam ang gagawin mo. Di pa huli
ang lahat. Posible mo pa din baguhin din ang isip mo at mabago din lahat ng mga
pinuputak ng bibig mo. Oo ikaw na nagbabasa nito. Pwede nating baguhin ang mga
salitang “hindi ko kaya, mamaya nalang, saka ko nalang gagawin, ok na yan,
pwede na yan, nakakatakot kasi gawin yan e”. At palitan mo naman yan ng mga
salitang “Kayang kaya ko yan, sisiw lang sakin yan, magagawa ko yan, kaya kong
tapusin lahat ng yan”. Isa lang yang halimbawa, marami pa.
Yan ang natutunan ko, isa akong computer na dapat kong i-program
ang sarili ko sa tama para tama ang lumabas sa printer.
Basta kung ano man ang tinatanim ko sa kokote ko, ang
nangyayari, tinuturuan ko lang lagi ang isip ko maniwala sa minindset ko. Ganun
po yun.
5. Di ko pala kailangan kontrolin ang nararamdaman ko palagi,
ang mahalaga lang pala kung paano ako magreact sa nangyayari.
Pagpinigilan ko ang nararamdaman ko, para ko naring
pinigilan ang pagtae at pag ihi ko. Para ko na ring pinigilan ang ulan,
pinigilan ang pagbagsak ng stock market, pinigilan ang kasamaan. Dahil di ko
naman talaga kayang gawin yun.
Hinayaan ko lang mangyari ang lahat.
Alam ko naman kasing lilipas din yan at hinawakan ko nalang
ang mga bagay na kaya ko lang kontrolin at baguhin.
Pag imposible na. Tigil na.
Pero sa lahat ng taong nega, lahat imposible kaya wag tayong
makinig sa kanila.
Kung ibabalik ko ang buhay ko 6 years ago bago pa ako
magtrabaho. Di ko talaga kayang i-predict kung bakit nandito ako ngayon sa
kinalalagyan ko. Walang makakapagsabi talaga. Hinayaan ko lang na nasasaktan
ako paminsan minsan kahit di ko gusto. Pero ano ba ang naging responds ko,
tinanggap ko ng malugod lahat ng ‘to, at unti unti ko namang nakukuha ang gusto
ko.
Noon di ko trip magbasa ng libro, ngayon ang dame ko ng
nababasang libro sa loob lang ng dalawang linggo. Kaya siguro ako
nakakapagsulat ngayon. Binago ko kasi ang mindset ko sa isang bagay kaya ko
nagawa yun.
6.
Magkakamali at magkakamali pa rin ako.
Ganun talaga ang buhay e. Wag na tayong malungkot. Wag tayong
mabalisa sa katotohanan. Whether you like it or you like it. Magkakamali pa rin
tayo sa susunod. Kaya balik na sa trabaho. Ganun talaga ang buhay.
Ang buhay ay punong puno ng pagdurusa. Jizz-sauce. Pero
masaya naman diba. Minsan makakatanggap tayo ng sampal, tadyak, suntok, kotong
ng tadhana at sa dami ng mga hangarin naten, malamang maaari tayong bumitaw kapag di na naten talaga
kaya. Hindi natin alam diba. Ngunit ganunpaman, idinirecho lang naten lahat.
Ipinagpatuloy lang naten lahat. Kung kaya mong i-handle ang mahirap na buhay.
Panalo ka na dun. Ako kaya ko eh.
7. Nagshort ba ako sa short-term goals?
Sa totoo lang, sa mga plano ko sa hinaharap, wala pa akong
ka-ide ideya. haha Magulo pa kung tutuuisin, di ko pa maaninag kung ano ang
magiging resulta ng lahat sa dulo, hahaha pero lahat ng surpresang dumadating
sa akin, buong buo ko namang tinatanggap. Yung maliliit na bagay na ginagawa
ko, alam kong lalaki din to.
Maaaring magkaparehas tayo ng gusto in the future. Oo ikaw. Syempre
parehas tayong magsisikap para mangyari lahat ng iyon, pero ang hulaan ang di
pa dumadating at hindi naman tayo kumikilos sa mga maliliit na plano, para sa
akin, parang walang dating yun.
Kung ako tatanungin kasi, san man lugar, isang malubhang
sakit kapag alam mo na lahat. Tama diba? Kapag ganun ka mag isip. Mapupunta ka
lang sa wala.
Ang katotohanan, wala ka pa talagang alam. Ang mahalaga
ngayon ay may faith ka sa sarili mo at naniniwala ka na magtatagumpay ka sa
lahat ng hadlang at balakid na kakaharapin mo. Yun na yun. Kagaya mo rin ako.
8. San ba ako nakafocus?
Kapag nakapili ka na ng gusto mong gawin dito sa earth,
gawin mo na kagad yun.
Tulad ngayon, alam ko sa sarili ko na madami akong dapat
gawin, pero no choice ako kundi pumili lang ng isa na nakalapag sa lamesa. Ang
inihaing dish.
At maraming paraan para makamit ko mga mithiin ko sa buhay
at walang may pake kung paano ko gagawin yun.
Ang sinusukat dito ay ang purpose ko dito sa mundo. Ang
formula ko, kapag nasukat ko na, ie-execute ko na kagad. Alam yan ng iba na
nakakakilala sa akin.
So, alam mo na, ayan na, trabaho na. Dream big.
9. Bakit libre lang magbigay ng payo sa blog
ko?
Kapag may nalaman akong kaalaman para sa iba. Shineshare ko
kagad lalo na sa mga taong deserved ng payo. Kapag may nalaman akong stratehiya,
kinukwento ko ng libre. Di ako nagpapabayad. Sa simpleng bagay lang.
Kasi ganun naman talaga eh, walang sikreto dito sa mundo.
Lahat tayo nakahubad na. Hindi naman mananakaw ang kaalaman at talento na
mayroon tayo. Maaaring si Henry Sy at Lucio Tan hindi nagbibigay ng libreng
advice pero sino ba nakakaalam na kaya lahat gawin ng pera nila. Ang reality
dito, wag nating gawin lahat para sa pera dahil di kayang gawin lahat ng pera. Kung
kumikilos ka lang para sa pera, mawawalan ka lang.
Imbes na tago tayo ng tago ng sikreto para lang sarili lang
natin ang makinabang na naniniwala tayong sarili lang ang mahusay para sa atin,
Mali yan besh. alalahanin mo na walang taong self made millionaire, may mga
taong nag-encourage sa kanila, nag invest sa kanila para marating nila ang kinalalagyan nila ngayon. Oo, silang
mga mayayaman na lumuluhod sa salapi sabi ni Robin Padilla.
Kung kaya mong masolve ang problema ng iba at pati na rin ng
sarili mo. Edi maganda. Siguro’y iniisip mo na dapat magtira naman ako ng kahit konti para sa sarili ko,
Well ganun din naman talaga eh, lahat ng
naabot ko, o naakyat ko sa pag akyat sa hagdan, ibabato ko rin yun sa mga
susunod pang gustong umakyat para makaakyat din sila. Help people and go beyond
their expectations. Ang buong puso ko at kaluluwa ang chinecheck palagi. Laging
mayroon akong maiooffer dito sa mundo. Ikaw din. Give away your purpose. Walang kwenta ang kaalaman kung di nakikita o
nagagamit din ng iba.
10. Kapag tinatakbuhan ko lang, lalo lang akong di nakakaalis.
Kapag iniiip kong wag isipin yun, mukha lang akong tanga, at
iisipin ko din yun.
Kapag ang isip ko nakatuon sa mga bagay na ayaw ko, mapu-pwersa
lang ako na isipin yun.
Kaya simple lang ang aral sa akin, tanggalin ko sa isipan ko
ang ayaw ko, harapin ang dapat harapin. Ilaan ko ang natitira kong enerhiya
para sa dapat kong isolve.
Pag tinakbuhan ko ang mga bagay na kailangan kong harapin,
hindi ako mananalo sa karerang ‘to. Focus on creating something positive.
Balik trabaho na sa trabaho bukas.