Bago ako ma-admit sa hospital ng San Juan De Dios dito sa
Pasay City. Ang utos sa akin ng employer o kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ay
checkin ko muna ng maigi kung magkano lahat ng gagastusin ko sa lahat ng
operasyon. Sabi kasi nila na pwedeng magpa-estimate sa doctor kung magkano lahat
ng gagastusin sa kaso na to. Baka daw magulat nalang ako pagtapos ng neto kung
bakit ang laki ng bill ko or hindi macovered lahat ng health card ko kapag
hindi ko itinanong lahat ng information. Kaya ang isinagawa kong hakbang para ma-sure
kong wala akong magiging problema sa health card ko ay nagtanong ako ng husto
sa HMO ng hospital kung covered ba lahat, ang sagot sa akin nila ay tumataginting
na “covered daw lahat”. Makikita sa card ko na mayroon dung nakalagay na pre-existing
condition na kapag daw may sakit ka na noon at ngayon mo ipinagamot. Magfa fall
ang case ko sa pre existing. Which is walang nagsabi sa akin na ang sakit ko ngayon
ay ganun. Pero sabi ng aking doctor ay pwedeng hindi ito pre existing kasi
ngayon lang sumakit. Kaya naman, go na, sinunod kong inasikaso ang philheath
ko. At nang na-clear na ang health card ko. Dumirecho naman ako sa admitting
section. Pinag usapan ang room. Nagkapresyuhan kame. Nagkatawaran. Ang card ko kasi
ay para lamang sa SEMI-PRIVATE. Pero ang
nakuha ko lang ay PRIVATE kaya pumayag
na rin ako at pumayag na rin ang cocolife. Sinabi nila na sasagutin nila ang
room within 24hours lamang kasi nga hindi ito nasa contract. Ang masosobrang
araw na nandun ako sa hospital ay masho-shoulder ko na. Pumayag na ako sa ganun
kasi isang araw lang naman ang masosobra kong araw na nagkakahalagang 1,300 per
day. Ok go.
Kaya eto na, hinintay namen ang available na room kaya tawag
kame ng tawag sa hospital. Nang meron ng available dumirecho na kame sa room.
Maganda ang room pero hindi naman dito gaganapin ang operasyon kundi sa
operating room. Kaya medyo exciting pa rin. Mga ilang oras pa ay may isang
gwapong bumisita na doctor. Kala ko type niya ko kasi may pahawak hawak pa siya
sa aking kamay nung ineinterview niya ako. Sinabi niya sa akin kung ano ang mga
dapat kong i-expect during surgery and after surgery. Sa pag sasalaysay niya sa
akin. Nakakatawa talaga akong tignan na nangangatog kagad ako sa takot habang
sinasabi niyang hihiwain ang tagiliran ko para kunin ang vein. Sana maunawaan niyo na first time ko po
talagang mabulatlatan ng katawan. Sabi ng doctor na baka di ako makatulog sa
ikinuwento niya. Tarantado din siya eh noh. Wala rin kasi siyang preno sa pagku-kwento
kung may masasaktan siyang tao. Ang sakit niya kaya magkwento. Hahaha Sabi rin
niya na kailangan ay matulog ako ng mahimbing ngayon kasi bawal ang puyat na
high blood na di nakatulog sa surgery operation. Kapag ganun. Hindi matutuloy
ang operation. Sa gabing ito. Kasama ko ang pinakamamahal kong girlfriend. Ang
suportang tunay niya ay sobra kong naramdaman. Nakagaan ng loob ko ang panonood
ng TV, pag iinternet at pagpapasalamat sa Diyos dahil sa wakas nakatungtong na
rin ako sa higaan ng pasyente.
At ng umaga na ng miyerkules. Pebrero 10 ay dumating ang
nanay ko mga bandang 7am. Nagpalitan na sila ng girlfriend ko kasi papasok na
si Gel sa work. Ang matamis na halik ng
girlfriend ko ang nagsilbing lakas ko para ipaglaban tong operasyon na to.
Dumating ang nurse at tinurukan na ako dito sa room ng anti
allergy at medyo makakatulog daw ako sa ibibigay niya. Naisip ko di kaya
malandi to. Ayun.
At ang mga sumunod na pangyayari. Sinundo na ako ng dalawang security este dalawang lalaking nurse. Dadalhin na nila ako sa operating room. Wala na akong nagawa. Pinuwersa na nila ako. Joke. Hindi. Kusang loob akong sumama sa kanila para matapos na tong makabagdamdaming operation na to.
At ang mga sumunod na pangyayari. Sinundo na ako ng dalawang security este dalawang lalaking nurse. Dadalhin na nila ako sa operating room. Wala na akong nagawa. Pinuwersa na nila ako. Joke. Hindi. Kusang loob akong sumama sa kanila para matapos na tong makabagdamdaming operation na to.
Pagdating ko sa operating room. Sumalubong sa akin ang asawa
ng mismong doctor ko na si Arlene Zerrudo. May balak siya sa akin. Balak niya
akong lagyan ng pampatulog ng hindi ko maramdaman ang sakit ng surgery. Nilagyan
niya ako ng balot sa ulo na kulay green. May isang nurse na naglagay ng tela sa
aking dalawang paa. Di ko alam kung ano ang ipinapahiwatig nun. At ang aking
dalawang kamay ay parang papakuin sa krus. Oo tama! Ang itchura ng position ko
ay parang isasalba ko ang kasalanan sa buong sanlibutan.
Maya maya pa in-explain sa
akin ni Doktora arlene na maglalagay lang siya ng anesthesia sa aking
likuran. In between of my bones. Sa gitna sabi nga eh. So umOO na ako. Sanay naman
akong masaktan eh.
At mga ilang minuto pa, nakatulog na ako. Ang lalim ng tulog
ko. Sa pagkakatulog ko may kaunti akong nararamdaman na parang may pumipisil ng
magkabilang itlog ko.
Hindi ko talaga maramdaman ang sakit. Nang tapos na ang
operasyon. Akala ko ginigising na ako ng nanay ko kasi lasing ako kagabi. Hindi
pala. Ginigising ako ng doctor. Ang naaalala ko. Hinipo niya ang noo ko at
tapos na raw ang procedure. Ni hindi ko nakita ang gwapong doktor na kumausap
sa akin kagabi. Ni hindi ko nakita ang mismong doktor ko na si Doc Ariel
Zerrudo sa operating room.
Ang gusto ko lang sabihin pagtapos ng lahat. Nang nasa room
na ako. Gusto kong magpasalamat sa lahat lahat shet. I would like to give a big great thank you to
all the doctors and nurse na nag sagawa ng operasyon na to para maging
successful ang lahat. I had a positive experience in hospital. I had an
excellent surgeon. Sabi nga ng doktor na nagkwento kagabi. Beterano daw si Dr.
Zerrudo. Kaya isa rin yun sa nagpagaan ng loob ko para pagkatiwalaan ang doktor
at ipubaya tong kasong to sa kanya. The surgical staff was the best. Napapatawa
nila ako kahit ang sakit sakit ng nangyari. Ma sabog sabog daw ako tignan eh.
And they explained to me lahat ng nangyari and made my stay very comfortable
and worry free. Nakareceived talaga ako ng excellent care with great kindness
and consideration. Salamat po talaga sa lahat.
And during my rest after the surgery. Bumisita ang miyembro
ng cocolife. Sinasabi nilang pre-existing ang kalagayan ko. Na-shock ako.
Kumunot talaga ang noo ko sa kanila. Nakakabadtrip na balita. Gusto kong
ipalunok sa kanya ang swero ko. Ayokong magreact ng hindi maganda pero nakaka
inis dahil nga in-pained ako at saka niya lang pinagsasabi ang hindi mabuting balita
para sa akin. Tinahimik ko nalang ang sarili ko at ipinagpaubaya sa Panginoon
ang walang hiyang bumisita na yon.
Kaya mas lalong sumakit ang puson ko. Sa pagvisit ng mga
nurse sa pain na to. Ang advice nila sa akin ay kung hindi daw ako maka-ihi
within 5hours ay lalagyan nila ng hose ang titi ko. Tang ina ayoko nun. Buti
ginamit ko ang powers ko. Kumuha ako ng bottle na para sa ihian talaga.
Imagininin niyo yun. Manhid ang hita ko. Manhid ang ari ko pero napilit ko
parin umihi kahit ang hirap. Nagvisualize ako na may lumalabas na ihi sa ari
ko. Ayun, naging matagumpay naman. Everytime kasi na maiihi ako. Nare-relieve
ang pain. Kaya uminom ako ng uminom ng tubig. At siguro feeling ko yun ang
effect ng anesthesia. Inilalabas ko lang ang epekto. Pero tangina this. Ang chaket. Hindi
nagtagumpay ang mga nurse sa nais nilang lagyan ng tube ang titi ko. Mga
manyakis sila. Ang sama nila sa akin. May tahi na nga ako. Dadagdagan pa nila.
Pero ang gaan na ng kalooban ko.
Nakita niyo naman na napaka ganda ng naging experience ko sa
hospital. Pero ayoko ng maulit pang ma-confine
na naman ako. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na.
Ang naging aral sa akin na wag na wag magpapatalo sa mga
insurance company. Hindi sila patas magbiro. Natutunan ko din na kung saan ang
sakit at hirap, nandun ang milagro. Kaya nagamot ang sugat ko.
Health is wealth and that we should learn to take care of ourselves more :)
ReplyDeleteMarami pong salamat sir simon. Nid ko pa tlga ng matibay na pundasyon.
DeleteMarami pong salamat sir simon. Nid ko pa tlga ng matibay na pundasyon.
DeleteThis comment has been removed by the author.
Delete