Wednesday, May 27, 2015

MAKE ACTION LOUDER THAN BUWELO.


Pangako sa'yo! 

Sorry kung nawala ako sa sirkulasyon. 

Pangako sa'yo, hindi kita iiwan.
Pangako sa'yo, hindi kita pababayaan.
Pangako sa'yo, lagi kang updated.
Pangako sa'yo, magiging masaya ang kwento naten.
Pangako sa'yo, marami kang matutulungan.
Pangako sa'yo, hindi kita ipagbibili sa iba
Pangako sa'yo, papaabutin kita sa rurok ng tagumpay.
Pangako sa'yo, marami kang magiging anak.
Pangako sa'yo, papahalagahan ko ang mga letra.
Pangako sa'yo, mamahalin ko ang pagsusulat ko sayo.
Pangako sa'yo, ituturing kita na parang kapatid.
Pangako sa'yo, ilalagay kita sa tama.
Pangako sa'yo, magkakaroon ka ng maraming kaibigan at kakampi.
Pangako sa'yo, bubusugin kita ng ideya.
Pangako sa'yo, sayo ang tunay na kwento ng buhay ko.
Pangako sa'yo, ikaw ang magiging simbolo ng kasiyahan.
Pangako sa'yo, babasahin ka ng mga katulad ko.
Pangako sa'yo, ikaw ang magiging daan sa karunungan.
Pangako sa'yo, ang magandang bukas. 
Pangako sa'yo, ibubuhos ko ang oras ko sayo.
Pangako sa'yo, ikaw ang tunay na saksi.
Pangako sa'yo, ipaglalaban kita.
Pangako sa'yo, babasahin ka ng mga anak ko. 
Pangako sa'yo, sarili ko nga ipinaglalaban ko eh, kwento ko pa kaya
Pangako sa'yo, magbibigay ka ng kahulugan.
Pangako sa'yo, mas madadagdagan pa ang mga magagandang istorya.
Pangako sa'yo, marami pa tayong magagawang pahina.
Pangako sa'yo, gagamutin naten ang sugat ng mundo.
Pangako sa'yo, lalaruin ko pa ang mga letra.
Pangako sa'yo, ibang atake ang ipapamalas ko.
Pangako sa'yo, magle-level up ka pa ng husto.
Pangako sa'yo, hindi maaawat ang aking galing mo.
Pangako sa'yo, mas iha-hard ko pa ang bawat hugot at baon. 
Pangako sa'yo, magluluwal ka ng isang libro.
Pangako sa'yo, wala man forever, ito pa rin ang itinakda na akda.

Pangako ko sayo yan Blog!. At kung sakaling mang mapako ang aking mga "Pangako sa'yo". 
Hindi pa rin kita bibitawan. Gagawa pa rin ako ng maraming paraan. Maraming maraming paraan.  Ilan mang balakid, unos, delibyo, problema, sakuna, trahedya at kung ano pang anek anek na kamalasan. Magsusulat pa rin ako. 


Sunday, May 10, 2015

BEGIN WITH A SINGLE STEP


Lalaban. Lumalaban. lalaban. Lumaban.

Na-shock nalang ako ng natapos ko ang lahat.

Napataob ko ang tatlong biglaang pakikipagpanayam ko kanina sa maliliit na pulutong ng mga empleyado sa Lungsod ng Metro Manila. Papasok na sana ako. Ayon, nagbago ang isip ko. Lahat sila’y natuwa sa performance ko. Aliw na aliw sila ng sagad sagaran sa akin. Yung iba nadismaya, kasi di ko tinanggap ang alok nila. Ang baba kasi ng 75k para sa isang buwan ko lang. Duh!  Pang-mall ko palang yun noh.  Paano ako mabubuhay, aber. Joke Nalungkot din ang isang babae kasi pagkatapos ng usapan namen, hinugot ko yung charger sa likuran ng HR, naki-charge ako ng phone kasi, malolowbat na kasi ako kanina eh. hahaha

Dahil hindi ako tumigil sa paghahanap ng “Tunay na Kalinga” sa Kamaynilaan. Sinuyod ko ng husto parin ang bawat sulok-sulok ng kanto kahit puro dengue ang eskenita ay  pinasukan ko, maitawid ko lang ang gusto ko. Nagdisguise ako baka mahuli ako ng mga partner ko sa trabaho. Kaya nagdala ako ng maskara. Naglagay din ako ng mamom sa dibdib ko. Pinapaalog ko pa sa jeep kapag dadaan kame sa lubak. Pina-umbok ko ng bahagya ang pwetan ko. Tuwang tuwa ang mga empleyado at call center agent ng Makati dahil nag wiwiggle wiggle ang butt ko sa paglalakad. Joke. Muntik na nga akong makilala ng nakasalubong ko eh. Ang sabi niya, “Sir, your face sounds familiar”.  Ang tanong ko “Ha?” “ano?” sabi niya,”familiar yang mukha mo, ikaw ba ang dumukot ng phone ko sa jeep.” Punyeta, Tado to ah.
Samakatuwid, successful naman ang biyahe ko kanina sa mga naging ka-meeting ko. Lahat sila pinaghandaan ang pagdating ko. Bago palang ako pumasok ng opisina nila, nilagyan kagad nila ako ng matatabang sampaguita sa leeg ko. Im so flattered. Bagay na ikinatuwa ko kaya binigyan ko lahat sila ng tigpa500. Kumakaway ako sa mga staff ng opisina. Ang iba kumukuha ng selfie sa akin, chine-check ko muna kong yung gamit nilang app kung may filter. Kapag wala. Sorry ka. Humahalik din sila saken na para akong isang poon. Kaso lang,bigla kong nalaman na bukas pala ang zipper ko sa kalagitnaan ng pangyayari.hahaha Okay lang.  Yun lang eh, Palakpakan naman jan. Biro lang yung iba. Simple lang po talaga ang lahat ng naging experience ko. Walang magandang bungad. hahaha

Binenta ko na ang lahat ng kaluluwa ko sa bawat building na pinuntahan ko. Dugo’t pawis at puri ko ay inalay ko na.
Naka ilang sulat ng background information, nag exam, nakipag-hand shake,(nag alcohol kagad ako)  at nakipag plastikan. Joke.
Sobrang nakakagutom at ang init talaga ng buwan ng Mayo. Parang may Mayonnaise ang kili kili ko. Sobrang hirap maghanap ng bagong kayod. As in, Laging io-offer sa akin  ay mas mababa  pa sa payslip ko ngayon. Kesyo daw bago palang ako sa field na yun. Eh putang ina niyo pala eh. Ayoko nga eh. Hinde. Gusto kong sabihin, “Oh ano to, lokohan lang. Hindi tayo naglolokohan dito mga kapatid. Ibigay niyo ang nararapat na sahod ko. Ang kaban para sa bayan”

Sa sarili ko kasi, alam na alam ko ang value ko. Ikaw? alam mo ba ang value mo, Ms. Interviewer? Kilala mo ba ang sarili mo? Ako kilala ko sarili ko, deeply. Ako to eh. Ako ang nagmamay ari ng buhay ko. Marami na rin naman akong experience when it comes to my field of work. Marami na kong napagdaanan na mapapamura ka sa init at puot ng mga pangyayari. hahaha Ang angas!  Pero naging matibay ako.

Ganun pa man, atlis mas maganda ng sumubok at natya-tyaga. Kesa naman pagsuko lang ang gagawin ko for life.

Siguro itatanong niyo kung bakit ako naghahanap ng bagong tmundo. Ang sa akin lang, kung may goal ka na tinutupad. Dumiretso ka na. Yun lang po yun.

Ang naging lesson sa akin, Hindi pwedeng basta bastang tatanggap ng offer na dehado ako sa kita. Paano ako mabubuhay? Naghihintay na nga lang ako lagi ng kinsenas at katapusan tapos mababa pa ang mabibigay sa akin.  Mabuti pa ang limang daang piso, kapag nahulog at nalukot sa daan at inapak apak na ng maraming tao ay siguradong pagkakaguluhang kunin. Ganun kabigat ang value ng limang daang piso kumpara sa akin. Yung iba naman ay aapakan para walang makakita. Nice tactics. Tpos pagdating sa akin mag oofer sila ng mababa,  ganun ba ang value ko, ang cheap niyo ha. Halika rito, kokotongan kita.

Kahit anong challenge ng buhay ko, walang uuwi ng walang ka-instagram instagram na nangyari sa araw ko. So, selfie, moves na.

Minsan lang ako magrereklamo.

May kinalaman ba ang pag iri ng mga magulang natin dahil hirap na hirap sila sa paglabas saten sa mundong ito kaya hirap na hirap din tayo dito sa mundo kung paano mabubuhay. May kinalaman ba to o wala? Mahirap maghanap ng trabaho. Mahirap humanap ng magandang trabaho. Mahirap mag aral. Depende na lamang sayo kung paano mo iaapproach ang lahat.  Ang daling mamatay, ang hirap mabuhay. Tapos malalaman ko sa ibang organization na hindi permanente ang buhay ko dito sa mundo at nagpe-prepapare lang daw tayo sa susunod na buhay. Edi magpaparty nalang ako. Kasi paano kung hindi mangyari yun. Edi nga-nga lahat tayo. Namatay sa maling akala. Ano ba yan.

Malaya naman ako kung kumilos ngayon pero parang nakakulong pa rin ako. Nakakulong sa malaking tanong. Nakakulong sa lumang sistema. Nakakulong sa pagkakamali. Gusto ko na ng kalayaan.Gusto ko ng bitawan ang lahat. Ayoko talagang isipin na nakakulong ako sa ganitong pamumuhay kaya dinadaan ko nalang sa ngiti. Baka di ako nakakulong. Baka malaki lang talaga ang perpective ko sa buhay. Hindi kaya’y  atat lang talaga ako. Kaya ako nagkakaganito.

At eto na naman. Bukas pasok ulit ako ng opisina. Bukod sa mga boring na kausap ko na katabi ko lagi. Hahaha Namiss ko naman ang ingay ng Pasay. Although, galing lang akong Makati kanina na ang Makati at Pasay ay halos magkalapit lang. Namimiss ko lang talaga ang mga kaibigan ko. Siguro sa sobrang pagod ko sa interview at pag aasikaso ng application. Naisip kong ipahinga muna ang utak ko sa bawat pagpapanggap. Namimiss ko na kasi ang mga kababata ko. Sa barkadang hindi uso ang katahimikan. Kapag inilabas na ang pulutan at alak. Dire direcho ng kanto. Kung saan may tindang Papa Cologne. Wala lang, kanta yun ni Chito Miranda. Namiss ko din yung eksenang pag magkakasama kame ng mga kaibigan ko, daig talaga namen ang nag-aaway sa kanto sa sobrang ingay namen magkwentuhan. Walang gulo. Pero may magulong usapang nakakatuwa. Siguro nga, kame lang yung nagpaparamdam na hindi boring ang buhay. Kaya sa mga burgis kong mga friend jan na nag aaral sa nagse self study sa starbucks kasi nag aaral daw sila sa la salle. Mga ulul. Ang ingay sa starbucks, dyan kayo nag aaral.  Dun kayo sa Library kaya. Punta kayo sa bahay namen. Mag ingay tayooooo! Whutwhut!

Ito siguro ang puntong kapag pagod ka na sa lahat. Ginawa mo ang lahat. Pinagpagurang makamit. Gusto mo rin siguro ng taong makakausap kung nasa tama na ba ng mga ikinikilos mo. Ang mga taong manlalait sayo. Nakakamiss yun.
Sa mga kababata ko ulit. Mailabas ko lang ang utot ko senyo. Payapa na ulit ako. Speaking of payapa. Ang 30 mintuong katahimikan ay katumbas ng 3day vacation leave. Ganun ko binigyan ng similarities ang ang katahimikan at pagpapahinga . Kasi gusto ko ng konting katahimikan naman please.

Pero paano ako magkakaroon ng katahimikan kung araw araw hindi maganda ang timpla sa akin ng boss ko. Matabang ang timpla ko. Hahaha wala naman, gulo ko lang, asarin siya ngayon. Kasi naman eh, kung manakit yun sakin, magsabi nga ng sorry hindi magawa, manuyo pa kaya.

Siguro nadidismaya lang talaga ako sa mga Amo na kala mo maraming ginawa pero sa totoo, wala naman talaga. The Great Pretender lang ang peg. Gusto kong gawaran ng masigabong sampal ang mga kupal na boss sa Maynila.
Bullshit lang.

Kailangan ko ng tatlong katahimikan, katahimikan at katahimikan.

Habang ipinagdarasal ang kabaitan at  katahimikan ng ugali ng aking boss. Hindi ko pinapatay yun. Malaki pa nga ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko siya tutularan. Boss ko pa rin naman yun at mataas ang tingin ko sa kanya.

Alam nyo, Sa ibang amo, I can't spell "FUCK YOU" without "U". Teary lang talaga ako magsalita kapag kaharap ang boss ko. Pero matapang ako. Siguro darating ang panahon na ako ang magiging way para maging blessings ako sa taong yun.

Maitatanong mo rin siguro sa akin kung bakit parang kanina gusto ko ng ingay ng mga kaibigan ko at katahimikan naman ngayon ng sarili. Siguro kailangan lang na balance ang lahat.
Sa hirap maghanap ng trabaho. Sa hirap umunlad ng buhay. Mapapansin mo sa lahat ng magkakaiba tayo ng kinikilalang Diyos. Hindi ito relihiyon. Kundi Diyos talaga.
Lahat naghahanap ng Diyos. Diyos ng pera. Diyos ng pagibig. Yung katabi niyang jino-Diyos ang jowa niya. Dino-diyos niya yung mga alahas niya. Minsan sa mga bito.

Ang Diyos ay Diyos ng katahimikan. Tugma ito sa kaninang binaggit ko.  Ayokong magpaka-tatalino sa lalim. Pero sa tuwing titingala ako sa langit. Sa kalangitan. Sa mga bituin. Sa mga buwan. Parang nagkakaisa sila. Siguro dahil tahimik sila. Siguro kailangan nating maging tahimik para mapakinggan ang sinasabi ng kaluluwa naten. Bigyan lang talaga ako ng 1hr na katahimikan. Biyaya na sa akin yun.  Pansin ko lang, nakakarecharge ang katahimikan ng buhay. Maraming lesson ang katahimikan.
Ikaw ba minsa’y nabingi sa katahimikan o sa Ingay ng katahimikan.
So putulin mo na ang katahimikan mo. Kumilos ka.

Minsan naman, ang katahimikan ang dahilan kung bakit nananatili ang kamalian. Dahil di pinapakelamanan.
Sa topic na to na umiikot sa trabaho at pagkakamiss sa mga kaibigan. Hinding hindi ko malilimutan kapag tumahimik na ang kaibigan ko. Alam ko na yun. May mali akong nagawa. Kilala nan amen ang isa’t isa eh.

Ngunit subalit datapwat, ang katahimikan ay hindi minsan dapat pagkatiwalaan. Tandaan natin yan.
Mas matututo ka pa nga sa gurong tahimik lang sa pagtuturo pero kapag nagsalita ng kaunti. May mapupulot ka talaga. Yan ang tunay na ingay.
Maraming pang modermong machine na maiimbento na magpapaingay sa mundo.
Pero ito ang dapat pagkatandaan ng lahat na hindi ang katahimikan ang magliligtas sa mundo. Ang sigaw ng puso mo.
Nagkakaroon ako ng peace of mind basta malakas ang pananampalataya ko. Kahit di na ko magpray. Ganun lang talaga. Katahimikan lang ay okay na.
Di nyo na napapansin. Halos pare-parehas lang naman tayo ng pinaglalaban bawat generation. Ang iba gustong yumaman, ang iba kalayaan, maayos na relasyon sa pamilya at magandang kinabukasan bukas. Lahat tayo ay pare parehas. May natutukso. May nagbabanal banalan. So kung pagmamasdan, iisa lang tao at pare parehas  lang tayo. Maaring ang ipinaglalaban ko sa blog ay sa susunod na henerasyon ay ipaglalaban din ng ibang tao. Ang katahimikan kong inaasam ngayon. Malay natin isang araw, maraming sumunod sa akin. Sana lang talaga.

Ngayon, tapos na ang buong araw, namimiss ko lang talaga ang mga kaibigan ko. Karapatan ko namang sumasaya at lumigaya. Tara tumawa.

Kailangan ko lang ng isang garapong time para magkaroon ng kalayaan at mapakinggan ko ang sarili ko. Parang punong puno sa ang isip ko sa mga sabi sabi ng iba.
Katulad kay many Pacquiao, malamang makakatulog yun ng mahimbing kahit maraming tao ang nagbigay ng negative comemnts. Eh binigay niya ang lahat naman eh. Matalo man o manalo.

Lahat ng bagay ay may purpose. Walang pagkakamali. Lesson lang talaga ang meron. Wala sinasabing concidences. Lahat ng biyaya ay may kalakip na aral.
Maaring ang katahimikan, trabaho, purpose ko, pagmamahal, mga kaibigan ko, magkakakonekta rin sila gaya ng nasa kalawakan. Mahirap nga lang intindihin gaya ng pag iri ng isang ina pero konting push lang, mauunawaan din natin at lalabas din ang katotohanan. Sa uultin, salamat.