Pasensya na ha! Masyado pa po akong totoy sa issue ng investments. Aminado naman po. Lalo na sa pera. Dagsaan ang mga babasahin kung saan ipinaparating ang pagiging matagumpay at magkaroon ng pusong kampeon. Ang dame ko ngnababasang mga article na mag invest ka sa ganito, mag invest ka sa ganyan. Pero wala pa akong nababasa na mag invest sa sarili ko. Or baka di pa lumalabas sa news feed ko ang mga ganung balita. Or late boomer lang talaga ako.
Isa lamang ang tiyak dito sa mundo, yun ay yung buhay na mayroon tayo. Wala ng iba dude. Yan lang.
Siguro. Hindi naman pagiging sakim ang maglaan ako sa sarili ko kahit katiting man lamang miski isang araw lang.
Naisip ko tong katha marahil dahil ito lang ang tangi kong naiisip na makakabago ng aking future. Naks! Seryoso.
Paunti unti sinanay kong umuusad ako.
Ang magtabi ng pabarya-barya para kahit papaano eh makapagtravel naman ako paminsan minsan ay napakahalagang bagay na mailalaan ko.
Ang magtabi ng alak (totoo po to) sa bahay para di na ako makikipag inuman pa sa labas ay dagdag happiness na para sa akin para mapasaya ko ang gabi ko.
Naging habit ko na ang pagpapagpag ng etis pagkatapos umihi na baka sakaling humaba ito. Seryoso to.
Ang maglaan ng 2 oras na tulog sa loob ng araw ng linggo ay sobrang halaga kung maituturing. Ang maglaan ng ngiti sa salamin ay patunay lamang na naglalaan ako para sa sarili kong future.
Kayo rin. Maari rin kayong mag invest sa sarili niyo. Tulad ng:
-Maglaan ng pag-ibig hindi lang sa minamahal kundi sa ibang tao.
-Mag aral ng bagong talent, magtwerking, magpatawa, magpaaliw at kung ano ano pang alam niyong makakatulong sa pagdevelop ng potential niyo.
-Maglaan sa pamilya ng oras at pera. Makipagtawanan sa oras ng kainan at sabay sabay magjogging sa umaga (di ko pa nagagawa to)
-Magtayo ng mapagkakakitaan. Pumasok sa club. Maging GRO. Joke! Mag garage sale. Mga ganung business.
-Sumali sa mga workshops. Acting workshop. Junkshop. Computershop. Basta bahala na kayo kung anong linya niyong trip.
-Gumawa ng mapa para sa sariling kinabukasan. Minsan naman, kung hindi naman makakatulong sa pagkamit ng goal maaari na munang bitawan.
-Maglaan ng oras para ienjoy naman ang kinakaharap ng problema. Bihira to diba. Pero dapat.
-Mag-aral ng ibang diyalekto. Diyalekto ng insekto at gagamba. Joke. Mga lenggwahe ng bisaya, ifugao, hapon atbp.
-Mag invest tayo sa bagong position. Paangat. Pasiklab minsan. Maging productive sa trabaho. (kala mo ako gumaganun din eh noh)
-Gumawa ng life goals. Hindi naman siguro ang pinaplano mo ay yun na talaga diba. Habang tuamtagal nag iiba.
-Magbasa ng blog ko. Charot. Hinihimok ko kayong basahin at pag-aralan niyo ang buhay ko. Shoutout sa mga psychiatrist.
Kung ang lahat ng ito ay maisakatuparin kahit sa maliit na hakbang ay napakalaki namang balik neto sa atin. May karunungan na hindi kayang bayaran ng pera. May kaligayahan hindi kayang tumbasan. Lahat ng ito ay makakamit kunbg tayo ay dedikado sa isang bagay.
Kaya ako. Sa araw ng linggo. Ito ang aking ultimate me time. Gagawin ko ang gusto ko hanggat kaya ko.
Ito na ang pagkakataong baguhin ang maling nakaugalian ko noon, pahalagaan ang oras na nasayang ko noon at magdagdag ng bagong skills na mahal na mahal nateng gawin at gandahan ang relasyon sa iba, hindi man Pulido mapaganda atlis pursigidong maitama.
Hindi lang yan.
Tinutupad ko rin na magbigay ng dalawang oras sa gym upang masama naman ako sa men’s magazine at konting compute ng mga nagastos at isasave for the next week. Nansin niyo ban a parang sobrang dame at bigat ng mga to, ito’y dahil nagkaroon ako ng hugot na nagdrive talaga sa aking para akong maging better person. Seryoso yan.
Ang tumatakbo sa aking weekdays sa akin ay naglalaan ako ng 15mins para makapag-isip isip.
15 mins pagkagising “Ano ba ang gagawin ko ngayon araw na to para makamove forward naman ako sa mga goals ko”
At 15 mins bago matulog “Ano ba ang mga natapos ko ngayon araw? Meron ba o wala? Anong nextplan ko bukas? Kahit na masakit na mata ko at marami ng nakakapansin s apagpayat ko. Dedma lang sa akin yan. Ang mahalaga, wala akong sakit at derecho lang ako sa mga nais ko.
All of this ang humubog sa aking pagkatao. Mahirap ang manggaling sa wala pero may kagandahan naman itong regalo.
Kapag galing tayo sa wala. Yung talagang salat. Matututo tayong paghirapan at pagtrabahun na magkaroon tayo ng ating inaasam. Its sounds serious na. Pero tototo at tagos pa to para sa akin.
Katulad neto, para sa akin ang blog ay isang malaking investment. Di ko hangad sumikat or makilala sa social media. Alam mo yan. Kung nababasa niyo ang mga previous post ko. Para sa akin lang ito talaga diba, pero kapag binasa mo naman ang blog ko ay ipinaparamdam ko naman na ako ay ikaw at ikaw ay ako. Parang magkakambal lang tayo ng pag iisip at kakayahan. Ang nais ko lang naman sa blog ko ay ma-track ko ang progress ko at malaman ko kung ano ba talaga ang dahilan ko dito sa mundo.
Wala pa ba kayong nahahalata. Kalimutan ang pera at problema. Gawin mo ang gusto mo. Dahil kapag naglaan ka ng oras sa bagay na gusto mo. Manganganak ito and in the future sayo na ang oras na pinapangarap mo.