UNANG SIGAW
Sinulat ko ito, ngayong oras ng burol ng nanay ni Angeline. Sa notebook ko muna syempre. Ito rin ang isang paraan ko ng pakikiramay sa magiging biyenan ko sana kaso kinuha na siya ng Creator sa itaas. Kinuha na ang buhay na ipinahiram sa nanay ng girlfriend ko. Makikita pa sana ng nanay niya kung paano ko dadalhin ang anak niya papunta sa altar. Ayun. Sobrang bilis ng mga kaganapan sa hospital at ngayon ay nakaburol na ang nanay ng girlfriend ko. Kung mapapansin niyo, rektang rektang ang paunang bungad. Ako din nashock nung nakita kong tapos na ang lahat ng kwento eh.
Ganito kasi yun. High Blood ang nanay niya ng gabing yun. Pagdating ng lagpas alas dose. Biglang nagsuka ng dalawang beses. Marahil hindi alam ng mga kasama niya dun kung paano gamutin ang ganung karamdaman kaya pinagpahinga muna hanggang sa nakatulog ito. Pumutok ang ugat sa bandang utak at ang naging resulta ay comatose. At dinala sa hospital at pinunta din sa ICU ngunit hindi rin nagamot sa kadahilanang nabubugbog na ang dibdib neto. Kaya binawian na ng buhay ang nanay ng girlfriend ko. Sobrang nakakalungkot. Sobrang sakit para sa akin dahil first time ko makakita ng wala ng buhay. Fresh na fresh pa.
We love you Nanay Amelia. We honor you with all of our Heart. one day we'll be reunited in heaven.
Sa kabilang banda, maituturing pa rin naten may dapat ipagpasalamat sa Maykapal ang mga nangyari. Buti nga, hindi siya naaksidente or sa kalye bumulagta. Buti nalang sa bahay ito naganap. Napakaraming lesson. Isa na rito ang mga sumusunod:
1. Kapag may highblood na ang isang tao, makiaalam na tayo at sawayin na kumakain ng bawal upang tumigil sa pagkain ng mga matataba.
2. Makialam sa taong may sakit, alam dapat natin kung saan hahanapin, magtanong tanong kung sa ibang kapit bahay or sa internet kung paano ito maaagapan.
3. Maglaan ng oras upang tulungan at ipagdasal sa oras ng kasakitan ang tao. Sobrang effective ng ganitong rituals.
Life can always change, you have to adjust.
Bilang anak(siya), alam naman natin na ang gusto lang ng mga magulang natin ay makatapos tayo ng pag-aaral. Magkaroon tayo ng magandang buhay at maayos na kinabukasan. Ngunit kapag sila naman ang nangangailangan ay tulungan natin sila. Ibigay lahat ng ating makakaya.
PANGALAWANG SIGAW
Kakagising ko palang. Hindi ko pa pala naku-kwento senyo na bago na ang higaan ko. Hanep! Malambot na siya. Ang sarap magyugyugan dun. At mahalimuyak ang aroma. Hindi amoy ihi. May muta pa ko sa mata pero nagawa ko pa rin magbasa ng araw araw kong book. Malakas ang ulan sa labas. At sa sobrang lamig ng panahon. Na-frozen na yung etits ko. Pagkatapos ko naman magbasa. Binalak kong manood muna ng balita kasi wala akong internet tungkol sa mga kaganapan sa Metro Manila patungkol sa bagyo. Di ko hilig manood ng Balitang Filipino lalo na ng Umagang Kay Ganda at Unang Hirit sa TV pero natulak ako dahil isa rin ako sa mga kababayan nating nag-aabang kung may pasok ba ang empleyado. Alam kong Malabo. Malabong magkapasok pa sa mga oras na ito pero gaya nga ng pagtatrato sa atin ng gobyerno. Nagpapasok pa rin sila ng empleyado. Dahil ang tingin nila sa atin ay mga Immortal. Tong mga to naman. Magsususpend lang eh. Isang araw mawawalan lang ng Tax ang mga emleyado sa gobyerno. Ayaw pa. Mga Sakim.
Hindi lang bagyo ang binantayan ko kundi iba pang balitang kalye. Ipinakita sa balita ang isang video ng CCTV na kung saan binaril ng riding in tandem ang isang negosyanteng babae. Binaril ang babae na may gamit pang silencer ang baril sa Commonwealth. Mainit na mainit pa ang balita. Talagang nakakakilabot ang pangyayaring yun. Nakakabadvibes talaga.
At magkocommercial na ng binanggit na ang linyang “Magbabalik ang Umagang kay Ganda.”
Nasan ang umagang kay ganda dun? Explain niyo nga. Karumaldumal at kalunos lunos ang krimen kaya ang video kahit iblurred pa tapos para senyo Umagang Kay Ganda yun?
Matutuwa pa ako kung sinabi niyang “Kahit ano pang problema, meron pa rin Umagang Kay Ganda”
Yun pwede pa.
HULING SIGAW NA PINAKAMALAKAS
Marahil isa ka din sa tumataas ang kilay at kumukunot ang noo kapag may nababasa at nakikita kang pag-iinarte sa mundo. Yung tipong kakapanood mo palang ng MMK maya-maya naman makakabasa ka ulit sa Facebook na mga kaartehan at kadramahan sa buhay ng classmate mo nung highschool. Kaya ako, ililihis ko nalang ang ulo ko sa pag-iling at mapapasabing “eto na naman to, di na natigil sa kadramahan tong babaeng to.” Kaya ang bagsak ng lahat, bibilisan ko nalang ang pagscroll down ng news feed. Para wala ng gulo pa.
May maganda nga kayang maidudulot ang pagsigaw mo ng problema mo sa buhay gamit ang social media?
Paano mo masasabing kaartehan lamang ito o tunay na drama talaga?
May maganda nga kayang epekto nito sa bawat isao sa atin?
Minsan ba nakakabwisit na ang ishare ang mga struggle sa facebook?
Isa ako sa mga maarte sa social media. Pero ngayon nilimitahan ko na, nilalagay ko nalang sa blog ko. Lahat ng bagay nilalagyan ko ng art. Ang drama minsan ay ginagawa kong comedy. Ang comedy minsan ay ginagawa kong drama. Depende sa panlasa ko. Depende sa trip kong isulat.
Marami akong napupunang katarantaduhan sa paligid. Sinasabay ko din ang sarili ko sa pag-aayos. Syempre! Ayokong dumating sa point na ako naman ang nasa hot seat na pinagppyestahan ng taumbayan sa internet. Tulad ng Pabebe Girls.
Minsan ay may nabasa ako sa social media na talagang disturbing ang isinulat niya. Hindi na to Pabebe Girls.
Gumulo sa aking isipan at hindi ako nakatulog ng mahimbing sa kakaisip.
Tungkol ito sa nakakadiring gawain nila ng tatay nila. Naging normal at buti nalang may nakapuna at naitigil rin ito. Kung mayroon ka ng idea. Baka yun na yun.
Kaya napatanong ako. Dapat ba talaga niyang ipost ang ganung bagay. Halos binulatlat na niya lahat eh. Hindi literal na katawan ang nilabas kundi ang buong pagkatao.
Pinilit kong inisip. Tama pa ba to?
Napagtanto ko sa sarili ko na sa mundong kinagagalawan naten. Maaari tayong lumikha ng bagay na paghuhugutan natin. (Hindi sa ilong). Naniniwala kasi akong lahat ng bagay dito sa mundong ibabaw ay magkakakonekta. Pwede akong gumawa ng sarili kong istorya nasa sa akin nalang kung paano ko ito bibigyan ng kulay. Upang lumipas man ang ilang taon at bisitahin ko ang ginawa kong katha masasabi ko na “Pucha, eto pala ako noon. hahahaha”
Naalala ko pa ang viral video ng isang child star na nagsesexfie. Nagkaroon ng samu’t saring opinion tungkol dito.
Hindi ko alam kung akma ba ito sa artikulo kong ginagawa ngayon pero masasabi ko pa rin. Wala tayong magagawa. Sino ba naman ang dapat humatol. Internet niya yun. Cellphone niya yung ginamit. Katawan niya yun. 12 years old lang siya. Ang punto ko lang. Buhay niya yun. Istorya nya yun. Komentaytor lang tayo.
Marami akong pwedeng gawin sa kahapon. At ikaw den. Eh syempre tapos na siya diba. Pwede ko siyang pag-experimentuhan. Hindi ko siya pwedeng baguhin pero pwede ko siyang iphotoshop nalang ang mga nangyayari. Itama ang mali. Ituwid ang gusot.
Kung ating susuriin. Dalawang lugar ang sayang dito sa mundo. Ang library at ang sementeryo. Ang library na ilan lamang ang bumubisita dahil nanjan na si google at ang sementeryo na kung saan maraming nilibing na potential ng tao na hindi nagamit ng husto. Sayang ang mga istoryang hindi naisulat.
Kaya kapag gumawa tayo ng kwento ng buhay natin. Make sure na tayo ang tunay na author at hindi ang ibang tao sa pagdidikta.
Maaaring sa gagawin ko, ako palang ang kauna unahang gagawa ng inimbento ko. Istorya ko to eh. Nilagyan ng style kumbaga.
Kaya lagi pa, hinding hindi ako nagsasawang makinig ng success stories ng ibang tao dahil sabay din akong gumagawa ng sarili kong success stories. Kita niyo naman to diba.
Malay ko ba na sa ganitong paraan ang practice ground ko tapos ang kasunod neto ay magsspeech na ko sa mga graduation at stadium. Pangarap ko po yun.
Sa pagsulat ng sarili kong buhay dito sa blog. Pinapatunayan ko lang na tayo ay pare parehas lamang. Ganun naman talaga eh. Nilagay tayo dito para sugatan ng tagos tagusan. Kala kasi naten ang mga katulad nila Henry Sy ay walang masalimuot na kwento pero meron pala. At ang kagandahan pa neto, Open akong ipakita sa iba ang ibang kulay ko. Bakit ko pa itatago? Life is too short. Kung si moises nga, yung mga diary niya, pinakinabangan naten, malay mo. Ito na ang makabagong bibliya ng henerasyon. Sana! Sana! Sana!
Sabi nga ng iba, harapin mo ang araw para makita mo ang liwanag, kapag tinakuran mo ang araw, makikita mo lang ang sarili mong anino. Ang iba kasi takot na takot ipakita ang baho nila. Ang sarap kayang paglaruan ng tae. No! I mean tawanan lang ang buhay na to. Walang dapat itagong kwento. Isigaw mo.
Saka baka sa ganitong paraan, mabasa ng katulad ko ang mga kabalbalang sinusulat ko. At magtandem pa kame. Isa lang naman kasi ang nahuhuluan ko dito sa mundo na to eh.Eh syempre, Predictable ako eh. May kanya kanya tayong purpose na dapat icreate.(na alam ng lahat) Lahat require maging creator. (yun ang hindi alam ng lahat) Kahit pokpok ka pa. Ambag pa rin yun maituturing. Kung tunay ngang may kanya kanya tayong gift. So dapat ishare. Ang problema. Bigay din naman yan. Nasa sa atin lang kung tatanawin naten tong gift o disaster kung tatanggapin. Natawa ako sa isang komedyante sa showtime na sumali, ang sabi niya, ang pangarap niya lang daw ay makapagtapos ng pag aaral pagkatapos nun wala na siyang pangarap. Funny! Funny! Funny! Eh yun ang sigaw niya eh.
Nakakatawa dahil totoong totoo sa karamihan .May iba't iba tayong position sa buhay. Yung iba nasa taas ng bubong ang iba naman ay nasa building. Nagkakaiba lang kung paano ang yung pagview sa kabuuan ng buhay na to. Hindi ko rin hinayaang ang istorya ng buhay ko ay pa-easy easy lang. Ginawa ko tong makabuluhan. Aaminin kong minsan napapagod na akong maghanap, maghalukay, mag-explore. Dahil gusto ko namang mapakinggan ang sarili ko. Tama na muna ang kwento ng success nila. Ako naman muna.Pleaaaaase!
Diba nakakatuwa makita yung nakikipagbakbakan tapos kinukwento mo pa sa kasama mo kung paano mo napataob ang lahat ng iyon. Payabangan pa minsan.
Marahil pag akyat naten sa itaas. Ang Diyos ang magrereview ng lahat. Kung ano ang nangyare. Yun na yun. Wala ng erase erase pa.
Sharing your story of struggle is a great way to do this, and it shows everyone that your willing to take a risk and do whatever it takes to inspire those around you.
No comments:
Post a Comment