Kung palagi kang nagagawi sa pagbabasa ng blog ko. Marahil
alam mong nagkaroon ako ng sugat sa pwet. Ang pagdurugo na akala ko mapapa-quit
na ako sa pamumuhay dito sa mundo. Hindi pa pala. Hindi pa pala matatapos ang
kwento ng buhay ko sa maliit na bagay na yun. Maliit man na nakakairita na
hindi ko naman malaman kung bakit nangyayari sa akin lahat ng iyon. Pero
nalagpasan ko naman lahat. Ngunit may isa na naman problema o opportunidad kung
tatawagin ang lumitaw sa parte ng katawan ko para subukan ang pagkalalaki ko. Doon
pa naman sa parte ng katawan ko na mas mahalaga pa sa kinikita ko sa trabaho.
Ito ang sakit na ko na “Varicocele”. Isang problemang
magpapaliit o sisira ng kaliwang itlog ko kapag hindi nabigyan ng mabilisang operation.
Ito yung mga vessel or ang iba tinatawag itong “bag of worms”. Ang ibig sabihin
neto kapag meron ka nito insuffiecient ang blood flow sa parte ng mga sperm.
Ibig sabihin, barado ang ugat ko doon sa parteng iyon. Kailangan i-unplug ng
doktor ito sa lalong madaling panahon. Ang blood flow kasi one way lang yan eh.
Kapag pababa kasi ang blood flow. Pababa lang talaga siya. Kapag pataas. Pataas
lang. Kaya nagkaroon minsan ng pagbabara. Kapag hindi ito natanggal o nahinto. Magkakaron
ng defect ang valve. Malaki ang tyansang hindi ako makabuo ng magandang
supling. Masakit yun para sa akin. Infertility is one of the complication ng
ganitong sakit.
Maikwento ko. Isang araw kasi ng Miyerkules dakong ala una
ng tanghali ay may napansin akong parang bukol. Naging madalas ang pagkamot ko
ng bayag ng mga araw na iyon. Siguro dahil sa medyo makirot kaya tinignan ko na
sa CR ito. Nangamba kagad ako. Natakot. Medyo nagpanic. Kaya dali dali akong
kumapit kagad sa google at nagsearch. Ang resulta, mali ang na-research ko.
Nagmamagaling kasi ako eh. Dahil di naman ako sure sa haka haka ko. Nagpaalam
na kagad ako sa boss ko at dali daling nag undertime para magpacheck up. Nasabi
ko tuloy sa boss ko na meron akong sexual transmitted. Sabi ng boss ko “ano? STD?
Ang sabi ko Sexual transmitted infection po boss”. Eh mali naman ako ng
research. Mali ako ng nasabi sa boss ko. Kaya after ko macheck up inexplain ko
nalang sa kanya ng bonggang bongga ang diagnose ng doktor. Baka kumalat pa sa
buong opisina ang maling info eh. Varicoccele lang po talaga ang meron ako. At
hindi po ito bukol kundi vein. Mapalad nalang ako sa ganitong sitwasyon dahil
kung nasa ibang site/project ako sa company namen na kasagsagan ng trabaho
siguroy di ko ito masyadong papansinin at babalewalain ko lamang ito.
Mananatili akong may kinikimkim na vein sa scrotum ko. Atleast 60million pa naman
ang kailangan na sperm count ng lalaki para makabuo. Ayon sa mga nakalap ko.
Nagkakaroon ang mga lalaki ng ganitong sakit kapag may malakas ng activity lalo
na sa sex. Sorry na. Or kadalasan daw sabi sa tsismis. Ang mga seaman ang
tinatamaan nito. Diba ang mga seaman, sa mainit na lugar sila nakadestino. Eh
diba nagsi-sitz bath ako para sa pwetan ko. Maaaring doon ko nakuha iyon. Sabi
ng doktor, hindi daw porket may
varicocele ay hindi na ko makakapag impregnate. Maaaring normal ang sperm ko.
Pero juicecolored. Papatanggal ko talaga ito. Mahirap na.
I can’t explain how I feel at this moment. Ngayon, medyo
naguguluhan ako kung bakit sunod sunod ang sakit na dumadapo sa akin. Sinabi ko
pa naman sa sarili ko na sa pagpasok ng taon na to ay mas lalo kong aalagaan
ang sarili ko pero mas lalo akong sinusubukan ng tadhana. Sinusubukan niya
talaga ang tibay ng loob ko.
Hindi ko maikakaila ang takot at pangamba na nararamdaman ko
ngayon. Pumapasok sa isip ko na sana normal lang ang ganitong bagay. Pinipilit
kong mas malaki dapat ako kaysa sa takot ko. Iniisip ko rin na sana makakabuo
ako kahit meron ako neto. Pero wala eh. Ipinagpaubaya ko nalang sa isang expert
na urologist doctor ang kalagayan ko.
Sinabi niya na kinakailangan ng surgery o operation sa varicocele ko. Isang
balitang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ngayon palang kasi ako masusurgeryhan.
Ngayon palang ako nasentensyahan ng ganun sa tala ng buhay ko. Ngayon palang
mabubuklat ng doktor ang mala gardo versosa kong pag aari. At dun pa sa private
part ko. Wala naman akong magagawa. Meron na kasi akong nararamdaman na konting
kirot at hindi pantay na itlog. Awts. Slight lang naman. Napapansin ko na talaga ito kapag hinipo ko ang vein. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Kaya ayun, no
choice kundi ipahinto na talaga. huhu
Alam naman ng lahat ng mambabasa ng blog ko na hindi ako
sumusuko sa kahit na anumang pagsubok ng buhay. Tatawanan ko lang yan. Ngingitiian
ko lang yan. Maliit na bagay lang ito. Hindi ako papatayin neto.
Malaki ang pasasalamat ko dahil maaga kong nadiskubre ang
ganitong sakit. Siguro kapag nagplano na kame ni Angel ng anak at gusto na
naming bumuo at saka ko palang nalaman na may ganito pala akong sakit. Baka
masabi ko sa sarili ko na
“Huli na ang lahat”.
Sabi naman ng doctor na hindi naman life threatining ang
ganitong sitwasyon ko. Dehado nga lang talaga akong magkaanak pag nagkataon.
Ayoko naman po nun. Mas gugustuhin ko pang mahirap na maraming anak kesa sa
mayaman na walang sariling anak. Kanino ko ipapamahagi ang mga kayamanan ko. Sayang
itchura ko. Walang magmamana.
Handang handa na ako sa operasyon na gaganapin sa Tuesday
feb9 bukas. Ang hindi lang ako handa sa presyo
na ibibigay ng doctor. Hiling ko lang talaga na sana macover na lahat ng
health card ko ang surgery at lahat ng fees. Para ang iba. Sa gamut ko nalang
gagastusin. Pagpray niyo po ko. At babalitaan ko ulit kayo. Nagpapasalamat ako
dahil I believe na magiging successful ang operation. Ito ang daan sa pagbuo ng
baby ben ko.
kamusta ka? how was your surgery?
ReplyDeletehope you're doing well now...
Matagumpay po ang operasyon. Salamat po
DeleteBro kumusta may anak kanaba?
ReplyDelete