Friday, March 31, 2017

TIBAY EVERYDAY


Saludo ang bearbrand sa tibay ng Pinoy. Tibay ng bearbrand. De joke. haha

Seryoso. Mga nagdaang araw. Sobrang bilis ng mga nagdaang araw. Shux. Tila baga sinasabi ng tadhana na bilisan ko din sa pagkilos dahil ang kupad ko daw gumawa ng aksyon. haha #Kabagot.

Ang nangyari kasi, bumalot sa akin ang matinding pagkabored, so extremely bored yung tipong gusto ko nalang tumira sa ilalim ng lupa dahil wala naman akong ginagawang tama in my whole life. haha worst feeling ever. Joke. Siguro dahil karma ito dahilan ng wala na masyadong ginagawa dito sa opisina at wala akong ginawa kundi mag-internet. Amputah. Sabi nga ni Bea Alonzo, “pero bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko?” hahaha Ganyan na ganyan yun saken. Dahil nga nakaharap ang computer ko sa iba at nakikita na nila ang ginagawa ko, bilang isang may hiyang tao at may delikadesa ay di ko pinapakita ang hidden agenda ko kaya naliligtaan ko na minsan ang magsulat sa blog ko. Well, karapatan naman talaga nila makita ang activity ko pero ayoko lang talaga. hahaha At wala din akong karapatan magblog sa opisina. haha Well, anyhow, mas mahalaga ang blog ko kung kanino man. Higit pa sa sapat lang. haha

Nung kelan lang, nitong Lunes marso bente siyete, sabi ko sa sarili ko, “Gagawa ako ng blog, gagawa ako ng magandang blog, sobrang gandang obra”. Alam niyo ba kung ano ang nangyari sa naging plan ko? Wala naman, nakaka-amaze lang ng naging outcome dahil nangyari nga ang drawing ko. Nakulayan ang coloring book ko. haha. Sa madaling salita, umaayon ang  lahat sa akin nung araw na din na iyon. Nawala yung mga ka-workmate sa buhay  ko haha at pumunta sila sa site at ako naman nakaisip ng isang poet tungkol sa pera. Sobrang taba ng poet ko. haha
Sa ganong deal ko nung araw din na yun, natupad naman ang dineklara ko. Kaya naisip ko. Bakit hindi ko araw arawin yung ganung eksena? Yung mga ganung salita. Tama, diba!? Pwede. Pwede.
So naisip ko, paano pa ako makaka-create ng eksena na mas makakagawa pa ako para sa passion ko.

Eto, ishe-share ko senyo kung paano ang naging teknik ko sa execution na iyon. Makinig.

1. Magdeklara ka ng Pagbabago.
Sa gabi, bago ako matulog ay nagkakamot muna ako ng itlog este ng likod kasi mainit at maalinsangan, haha Ang totoo niyan, every night sinasabi ko sa isipan ko na di muna ako babangon kaagad kapag nagising ako bukas. Naging mindset ko na yan, maglalaan ako ng ‘5 minutes’ na nakahiga sa kama pero dilat na ang mga mata ko nun. Kung ano sinet ko sa mind ko kagabi ay ganun ang mangyayari bukas ng umaga. At ayun, nangyari naman siya, tuwing gigising ako, di muna ako tatayo. Iisipin ko muna ang good things na pwede kong gawin ngayon para sa buong araw. Or kaya naman minsan tinatype ko nalang muna sa notepad ko sa phone ang mga plans ko. Tutal,  alarm din naman ng phone ko ang mag gigising sa akin, so dun ko nalang din ilalagay. Di naman big deal yun diba. Tapos sasabihin ko na yung mahahalagang mga sinulat ko.

Ang output, maganda ang kinalabasan. Pasok na pasok teh.
Lahat ng to nangyari at masaya akong sabihin senyo na positive ang naging resulta ng idea ko bago ako gumising.
(Kita niyo yun.)
Bigyan ko kayo ng sample.
Kapag sinabi kong “hindi ko na gagawin ang mga bagay na ayoko tulad ng blah blah blah.” Mangyayari siya lahat.  Ang hinuha ko diyan, siguro dahil mas madaling gawin yung mga iniwasan nateng gawin. Kung ikukumpara ko naman sa iseset kong goal na gusto kong gawin, ang saken, mahirap kasi baka maaaring matukso ako sa dati kong wrong habit. (Well, medyo magulo ang explanation ko, pero to make it short, mas madaling gawin ang bagay na iiwasan kong gawin, basta ganun.) Gets na? Okay na yun.
Basta, sasabihin ko lang sa sarili ko na opportunity tong araw na to para gawin ang gusto ko at itama ang mistakes ko kahapon. Iiwasan ko na tong ganitong bagay. Ganun.  Nung sinabi ko yan sa sarili ko, takte, pag uwi na pag uwi ko sa bahay, na gabing gabi ay nagtataka nalang ako at nasabi sa sarili “Bakit umuwi akong smooth ang lahat, ano meron? natapos ko lahat ng dapat kong gawin na parang di pa ako pagod” Samantalang kasi noon, tuwing umuuwi ako, halos lupaypay ako. Yun talaga mismo ang nangyari sa buhay.
Napakasimple lang ng hangad ko sa buhay. Ang masayang buhay lang. Yun lang naman.
Kaya sobrang ganda ng mga mangyayari sa sakin sa tuwing inihahanda ko ang isipan ko for the whole day activity. Sinasabi ko yung mga magagandang salita. Dinidiktahan ko ang sarili ko. Nagiging kontrolado ko ang mga nais kong gawin.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. ‘Shet, ngayon araw na to. Magiging smooth ang lahat.“
2. “Fuck, today, kailangan kong maging successful sa activity ko.’
3. “Puta, hahawaan ko sila ng positive vibes ko. Gagalisan ko sila ng good words.”
4. “Taena, ice-celebrate ko ang ganda ng buhay ko. Walang makakapigil.”
5. “Shutangina, gagawin ko ang gusto ko. Humarang, tumba. “

2. Feel na feel mo dapat, Beks.
Hindi lang sapat na isinet ko lang ang mind ko sa mga positive things bago ako lumabas ng mansyon.
Hindi nawawala ang affirmation ko na dapat ramdam na ramdam ko ang gusto kong mangyari sa buong araw. Imaginin niyo nalang ang isang boksingero na handang handa ng sumabak sa ring at makipagbakbakan sa suntukan sa kanyang kalaban. Opo, ganun kalakas ang energy to the maximum level, at ganun palagi ang ginagawa ko araw araw. At maniwala kayong maganda at positive lahat ng nangyayari saken. May times na mangyayari ang di inaasahang pagkakataon pero ang sabi ko nga, kung ready ako in the first morning of the day. Anumang balakid sa mga objective ko, anumang stress na dumikit at makita ko sa palagid at anumang ka leche leche at ka-bwisit na problemang kaharapin ko kapag handa ako sa buhay at alam ko na mayroon akong dapat tapusin, maisasakatuparan yan lahat kung may baon akong malalakas na words na mag papa-uplift saken. Gay own. Ganap na ganap ko na siguradong sigurado akong makukuha ko to. Ganun ang thinking ko. Sigurado din ako sa sinasabi ko. Mangyayari. Ito ang magpapatibay ng loob ko para sa pagkayod. Damhin ko ang presensya ng sarili kong power and energy gamit ang malalakas na salita.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Ilalaan ko ang buong oras ko sa gusto ko ngayon. Ngayon. Now!”
2. “Handa akong maging mayaman at maging mapayapa ngayon. Inshala.”
3. “Ako magkokontrol ng buhay ko. La’ kayong pake. Walang magtatanong ng patanga, please.”
4. “Masaya ako ng sobra sa buhay na to. La’ kayong pake ulit. Tse”
5. “Lumalapit sa akin ang mga good vibes.”

3. Ulit-ulitin mo, Bes.
Di naman siguro tama na sa Lunes ka lang nahuhumaling na ma-achieve ang goals mo at pagdating ng Martes medyo humihina ka na, medyo naguguluhan at pagdating ng Wednesday ay nakaligtaan mo na ang Word of wisdom mo. Mali naman ata iyon. At tapos bigla mo lang maaalala na Thursday na at wala na talagang choice kundi magstart nalang muli nextweek. Nyek.
Talagang mali na. Dapat araw araw, tuwing umaga, walang palya. Kagaya din ng pagto-toothbrush mo, malaki ka na, wala ng magdidikta sayo na bago ka umalis ng bahay ay kailangan mong magsipilyo kasi talagang nakakahimatay ang hininga mo, par. Ganun din sa pagpapatibay ng loob naten para sa maghapong gawain. Dapat inuulit-ulit para makasanayan at ready sa lahat ng hamon. 
Eh paano yan kapag nalasing ka mamayang gabi at pagdating sa umaga, eh nakalimutan mo na ang ginagawa mong strategy tuwing morning para makamit ang mission mo. Edi sira ka na. Sira na ang momentum. Kaya dapat araw arawin gawin to. Stay disciplined. Enjoy your life. Make your dreams come true.San ka man mapunta, atlis alam mo ang dpat unahin.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Malaking opportunity ang darating saken ngayon.”
2. “Pupusuan ko ng husto ang trabaho ko.”
3. “Punong puno ng pagmamahal ang buhay ko ngayon.” 
4. “Karapatan kong magkaroon ng kapangyarihan at kaligayahan.“
5. “Sumusunod ang malaking kita/pera saken dahil sa talent at sipag ko.” 

4. Kaugalian mo to, Tsong.
Bitin pa ako sa sinabi ko sa number 3 eh. Gusto kong i-elaborate pa senyo na dapat wala ng madidikta sayo o kung sino man na dapat mong gawin o maipanalo sa bawat pagmulat ng mata mo. Heto pa. Tulad ng magkaroon ng ayaan ang mga friends mo na inuman mamayang gabi. Syempre kasiyahan yan, (ako gusto ko rin ng inuman eh, sino bang may ayaw, hahaha) minsan lang yan ngunit kung aalalahanin mo kaninang umaga, target ng mind mo na dapat may maproduce kang blog ngayon. Kunwari lang naman ang blog, sample lang yan, kung hindi mo naging habit ang ganitong system na sinasabi ko at magpapatalo sa alok ng iba at kakagat ka nalang sa mga sasabihin ng ibang tao or offer ng ibang tao, mananatiling kang dahon na nililipad lang kung saan saan diyan diyan somewhere ng mga malalakas na hangin. Something like that. Paligoy ligoy  ka sa pupuntahan mo, beshy. Kung ganun lang din naman ang magiging attitude natin. Wala talagang mangyayari sa sangkatauhan. Kaya matutong magpriority. Kaya dapat palagi. Oras oras iniisip at navi-visualize ang magandang picture na maco-complete mo ang lahat ng hangarin mo. Nang sa ganun, hindi tayo naliligaw. Ganun po iyon. Dapat kaugalian ideklara sa sarili ang gustong maging finish product.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Nabubuhay ako sa napakamasayang mundo.“
2. “Okay na okay ako sa buhay ko ngayon. Masaya.”
3. “Today, marami akong matutulungan at makikilalang bagong tao.”
4. “Ang dami kong kaibigang handang sumuporta saken. kahit mga bully sila minsan saken.” 
5. “Ang ganda ng luto ng Diyos sa buhay ko. Malinamnam.”

5. Maniwala ka, Brotha.
Kadalasan ang dahilan sa mga relasyong naghihiwalay ay hindi totoo ang ipinangako niya sa kasintahan niya lalo na sa isang kasal. Napilitan lang. At may trust issues. Ganun din kasimple ,kung hindi tayo magtitiwala sa mga  bagay na alam nating magwo-workout sa atin. Wala na. talo na talaga. Kung di ka magtitiwala sa sarili mo na kaya mong maabot iyon. Di mo talaga maaabot kasi nga wala dun ang puso mo. Kaya payo ko sayo friend, pagsabayin mong pagkumbinsihin ang puso at isipan mo na kaya mong harapin ang mga problema at maniwala kang magtatagumpay ka today dahil nagtiwala ka ng 100% sa sarili mo. Mangyayari iyon. Maniwala ka na ngayon araw na to na magagawa mo ang gusto mo para sa kinabukasan mo. Maniwala kang isa isa, mauubos din ang mga nakalista sa mga goal list mo dahil nagtiwala ka ng husto sa sarili. Paulit ulit ba ang tiwalang sinasabi ko? Ganun talaga. Magtiwala ka lang.
At ang huli, maniwala kang mas mag iimprove ka pa. Lahat ng to mangyayari kung maniniwala ka lang.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Eto ang gusto kong buhay. Maligaya.”
2. “Magtatagumpay ako, Pramis.”
3. “Araw araw halos birthday ko. Walang kokontra.”
4. “Isu-surprise na naman ako ng buhay.”
5. “Matutupad lahat ng pangarap. Ang tumutol, tigok.” 

6. Tuparin mo at kumilos ka den, Repa.
Walang saysay lahat ng sinabi ko dito kung di mo rin naman gagawin. Diba? Tama ba. Magtiwala ka man. Sabihin mo man sa social media lahat ng gusto mo pero kung di mo naman gagawin, nganga pa din. Ano pang bisa na gusto mong kumita ng malaking pera ngunit wala ka namang ginagawang aksyon. Walang ganap. Sinong niloko mo bes. Syempre ang sarili mo lang din. May pasabi-sabi ka pang araw araw gusto mong pumayat pero kaen ka ng kaen ng liempo, Baboy ka. Di ka na makilala ng mga kaibigan mo sa sobrang lobo mo. Napagkakamalan ka na nilang drum. haha
Kaya please. Napakamahalaga ang pag-execute sa gusto natin marating, just work for it. Parang ganire yan eh, sumakay ka sa elevator at pinidot and nilagay mo yung sarili mo sa 8th floor kasi dun talaga ang place na gusto mong puntahan pero ayaw mo naman lumabas ng elevator nung nasa 8th floor ka na  kasi natatakot ka na baka mali yung place na nilapagan. Sayang kapatid.
So, mga friend, dapat kilos kilos den. Push kung push.

Advice: Pwede mong sabihin everyday,
1. “Pag-ibig. Ako ang pagibig.”
2. “Ang daming dapat ipagpasalamat ngayon.  Nakakahinga ako ng maayos. Salamat. “
3. “Positive energy, sapian mo ko. Madali.”
4. “Inspired na inspired ako sa buhay. Sa magandang buhay.”
5. “Handa akong matuto sa lesson ng buhay.” 



Tuesday, March 28, 2017

I'M THE ALL OF THE ABOVE



Nagwakas na sa pagkatao ko ang ‘pabebeng’ mentalidad.
Noon komedyante, pakenkoy. Ngayon, mataas na ang standard.
Tinanim ko ngayong buto. Bukas din ang tubo.
May sakit ata ang money tree ko, pera ang inuubo.
Commited ako kada pitong araw, 
Gusto ko laging may resulta.
Sa larangan na to. Unti unti akong nagiging halimaw. 
Nagninilay ng isang oras na parang budista.
Naging tahimik at gutom sa goal na lumapang. 
Sorry. Huli na ng sinabi ko ang susunod kong hakbang. 
Wag kang papatalo. Wag kang susuko.
Tado. Umuulan ng pera. Wag kang magpayong. Magdala ng sako. 
SAyang. Wala ka nung nakapagtayo ako ng sarili kong emperyo.
Sa sunod sunod na cash flow na gusto ko ng mapa-Tang..
Inang matabang piggy bank ko na may cheke na yan.
Bukas niyo makikita. Tsong, this is sick. 
wala ng paligoy ligoy.
Mahirap palang huliin ang biik. Boy
Mas nadaliin ako sa malaking baboy.
Sayo ang isang unit ng condo. Pangarap ko.
 Saken yung building at dyan kame magsshow.
Oy, wag mong sabihin mayabang ako.
Regalo to ng Diyos na pinapalago ko. 
Kailangan ko daw maging mayaman.
Kaya mas dinagdagan ko pa ang aking kaalaman.
Kailangan ko ng pera. Di lang ako missionary kundi visionary pa.
Walang salitang “millionary” pero kung magkakaron dahil saken pa.
Wag mo kong panlisikan ng mata. 
Gayahin mo ako. Labanan mo ang takot mo.  Di ako galit sayo.
Nangangati lang ang aking mga kamay. 
Natraffic lang ng konti ang pera aking hinihintay.
Matira matibay. Aking buhay ang alay. 
Ano sa tingin mo? 
 Pangalawa sa Forbes? di na din pangatlo? Siguro Pang uno gusto ko.
Mahalaga sa akin ang papel. Ito ang aking papel.
Balak ko bumili ng yacht mamaya. Pero papahinga muna.
Tutulungan kita mamotivate. Yan and dapat mauna. 
Ang bibigat ng perang nasa utak ko.
 Masasayang pag  ako’y yumuko.
Pero pag tumingala naman ako. 
Baka lang mayabangan kayo. Kaya Turn on.
Busilak na pusong ginto. King inang kinang,
 kumikinang ako ngayon.
Nagkatotoo na ang Law of attraction. 
Talent ko ginamit ko. At pagkahumaling sa trabaho.
Diskarte ni Gary Vaynerchuk at talino ni Warren Buffet ho. 
Kamusta naman yung wallet mo, Bay? 
Matututo ka kasing magbigay.  
At ano sasabihin mo?
Dahil lang sa pera kaya ka ako masaya? Kaya ako nagkakaganito?
Di ako mabubuhay kung walang pera? Talaga ba? Mali. 
Sapat bang dahilan ang kakulangan ng pera kaya ka gumawa ng masama?
Paano kung sobra sobra naman ang pera mo, magnanakaw ka pa rin ba?
Pera ba ang nagpapaikot ng mundo o tayo ang pinapaikot ng pera?
Men, masyado kang malalim. Wag niyo na akong bilugin. 
Di na big deal saken yan cus I’m a rich man. 
Bibili ako ng mamahaling wine. And I don’t care.
I have a big mind, I’m a premature millionaire.
Kailangan ko ng maraming pera, marami akong gustong paangatin.
Buhay ng iba at pamumuhay natin.
Lahat ng kailangan ko. Kailangan na kailangan ko.
Wag kang imporkrito.
Kung wala kang pera, hindi ka magagamot ng doctor. Ulol.
Di ka makakabili ng gamot. Bungol.
Hindi maililimbag ang bibliya kundi dahil sa pera ninyo.
Mahalaga ang pera. Kaya walang makakapigil.
Sa aking gigil, importanteng oras ang aking kinikitil.
Palaki ng palaki ang income. But I’m chill.
Di ko na alam kung bat nagkaganun.
Baka siguro nasaken ang puso ng isang kampeon. 
Makakabuo ako ng korporasyon. I’m a man of substance. 
Lose you. Di ko na kasalanan. Saken mahalaga bawat tons.
Lucio. Kaya kong tapatan kahit Pamilya ng mga Tan's. Lucio tan.
Maghihintay ka nalang bang dumating ang pera?
O ikaw ang maghahanap ng pera?
Pera ba ang nagpapasaya sayo o ang bagay na ginagawa mo
na nagpapasaya sayo kaya ka nagkakapera?
Magkano ang halaga mo? Limang daan sa isang araw?
Sa isang araw, ano lang ang mabibili sa limang daan? Siopao?
Papayag ka nalang ba na salat? Inuutangan na halos lahat?
At namomroblema palagi sa pera, amputa? Araw araw?
Anong laman ng isip mo? Pagkaduda? Hoy mali ka tungaw.
Ang katotohanan, 
Madaling kitain ang pera kung mayaman ang isip mo.
Pipiliin mo ang itatanim mo.
Utak mahirap na lalong humihirap o
mahirap na utak mayaman upang maging mayaman?
Di na uso ang maglakad, par! kailangan mo ng pera
upang makapunta sa ibang lugar.
Bakit mas pinili mo lang pumantay sa lahat?
Kung pu-pwede naman na humehele ka sa pangkat.
Sa busog. Bloated palagi and I love this. 
Hinahanap ko palagi ang Big Cheese.
Tawagin mo akong Big time na Santa Claus. 
Isa akong matabang pusa. Huli lahat ng mouse.
Bakit ka magtitipid? Yan ba ang dahilan ng buhay natin. 
Sa trade and industry. Ako'y nag invest. 
Dagdag sa titulo ko ang pagiging capitalist.
Ang magtiis? Mabagal ka, be a Beast. 
Slow ka. Tinitignan lang kita sa side mirror
habang nagpapatakbo ako. Cuz I want more.
Formula ko ang cash flow. I can blow a million peso.
Ayoko ng buhay mo na nakakahilo.
Ayokong magbilang ng pera mo, gusto ko saken timbangin, kilo kilo.
I admit. Naging bingi ako sa pagkagipit. Lagi ka nalang kinakapos, shit.
May trabaho ako noon pero di ako masaya.
Nanilbihan sa mga hapon. Lahat ng pagod kinakaya.
Tapos na ang pagiging adik sa picture. 
Tapos na ang kahibangan ko sa holy scripture.
Nagsimula kameng magkakaibigan bilang grupreneur.
Tas bigla kang sasabit saken. Are you sure?
Kaya ngayon, 
Yumaman ako sa pagsusulat. Ideya ang binayaran sa akin.
Hindi na redhorse, jack daniels na. Lahat ng alak sa akin.
Pagmulat ng mata ko, kasiyahan agad ang nakikita ko.
Malayo na narating ng pagiging ambisyoso ko.
Gusto ko palagi power. Kuryente ng kapanyarihan ko ang
magpapa-spark. Paki dala tong kotse tas dun mo park. 
Para saan ang kamay kung di kayang magparami.
Sunugin ang mga papel na to. Kung di rin naman dumadami.
Bakit parang bumabalik lang ang kinikita ko?
Bumu-boomerang ang pera ko
O naging ibon o lbc na ba to?
Pera, kapangyarihan , respeto at peace of mind. Hangad ko.
Para akong may hinahabol sa pagpapadami ng pera ko.
Hinihingal na ako. Hihinto? Hinde. magpapahinga lang ho. 
Im so hot. Kung ang pera ay katumbas ng kapangyarihan. 
Sisimulan ko ng gumawa ng makina under the sun.
Hataw sa trabaho. 
Bayaran mo ako ng malaki. 
Di ako tatakbo.
Mabibili ko ang sarili kong damit. Kayo na mamili. 
Idesenyo mo. Susuotin ko uli. 
Tang ama ka. 
Handa ako palagi sa kaaway. Wag kang pasaway.
Ikaw lang?
Matalas ang mata ko sa mga magugulang.
Mamahalin ako ng kaaway ko dahil sa aking salapi.
At ang pera din ang papatay sa kin hanggang sa akoy kanilang magapi.
Kelan ba naging mabuti ang pera, kelan?
Mahirap ipaliwanag kung mabuti ka lang.
Oo. Talaga. Lifestyle ko ang kumita ng malaking halaga.
Bukas, makikita mo ang aking Range rover na puno ng pera sa bag.
Kung sa dilim, di mo ako maaninag.
 Ipapakita ko sayo ng banayad.
Magsusuot ako ng eight-one carat stones sa aking leeg.
Paano ko lahat yan nabili? Pinagsikapan ko yan, I don’t beg.
Sumakay ka sa kotse ko. Magmadali. Aalis na tayo.
Gusto ko. ginto ang orasan ko. 
Ayokong mag ubos na para lang sayo.
Diyamante ang ilaw ko. Di ko na kailangan ng spot light mo.
Pinapaulan ko ang pera. Sinasaboy para madampian kayo.
Kung di mo naitatanong. Gunggong.
Sa dami ng pera ko pwede ako magtayo ng limang bangko.
Suso at pera pawang magkasinglaki gaya kay Quinto. 
Ayokong hawakan ang mga pamilya ko, mahal ko sila
lahat ng hinahawakan ko nagiging ginto.