Tuesday, March 28, 2017

I'M THE ALL OF THE ABOVE



Nagwakas na sa pagkatao ko ang ‘pabebeng’ mentalidad.
Noon komedyante, pakenkoy. Ngayon, mataas na ang standard.
Tinanim ko ngayong buto. Bukas din ang tubo.
May sakit ata ang money tree ko, pera ang inuubo.
Commited ako kada pitong araw, 
Gusto ko laging may resulta.
Sa larangan na to. Unti unti akong nagiging halimaw. 
Nagninilay ng isang oras na parang budista.
Naging tahimik at gutom sa goal na lumapang. 
Sorry. Huli na ng sinabi ko ang susunod kong hakbang. 
Wag kang papatalo. Wag kang susuko.
Tado. Umuulan ng pera. Wag kang magpayong. Magdala ng sako. 
SAyang. Wala ka nung nakapagtayo ako ng sarili kong emperyo.
Sa sunod sunod na cash flow na gusto ko ng mapa-Tang..
Inang matabang piggy bank ko na may cheke na yan.
Bukas niyo makikita. Tsong, this is sick. 
wala ng paligoy ligoy.
Mahirap palang huliin ang biik. Boy
Mas nadaliin ako sa malaking baboy.
Sayo ang isang unit ng condo. Pangarap ko.
 Saken yung building at dyan kame magsshow.
Oy, wag mong sabihin mayabang ako.
Regalo to ng Diyos na pinapalago ko. 
Kailangan ko daw maging mayaman.
Kaya mas dinagdagan ko pa ang aking kaalaman.
Kailangan ko ng pera. Di lang ako missionary kundi visionary pa.
Walang salitang “millionary” pero kung magkakaron dahil saken pa.
Wag mo kong panlisikan ng mata. 
Gayahin mo ako. Labanan mo ang takot mo.  Di ako galit sayo.
Nangangati lang ang aking mga kamay. 
Natraffic lang ng konti ang pera aking hinihintay.
Matira matibay. Aking buhay ang alay. 
Ano sa tingin mo? 
 Pangalawa sa Forbes? di na din pangatlo? Siguro Pang uno gusto ko.
Mahalaga sa akin ang papel. Ito ang aking papel.
Balak ko bumili ng yacht mamaya. Pero papahinga muna.
Tutulungan kita mamotivate. Yan and dapat mauna. 
Ang bibigat ng perang nasa utak ko.
 Masasayang pag  ako’y yumuko.
Pero pag tumingala naman ako. 
Baka lang mayabangan kayo. Kaya Turn on.
Busilak na pusong ginto. King inang kinang,
 kumikinang ako ngayon.
Nagkatotoo na ang Law of attraction. 
Talent ko ginamit ko. At pagkahumaling sa trabaho.
Diskarte ni Gary Vaynerchuk at talino ni Warren Buffet ho. 
Kamusta naman yung wallet mo, Bay? 
Matututo ka kasing magbigay.  
At ano sasabihin mo?
Dahil lang sa pera kaya ka ako masaya? Kaya ako nagkakaganito?
Di ako mabubuhay kung walang pera? Talaga ba? Mali. 
Sapat bang dahilan ang kakulangan ng pera kaya ka gumawa ng masama?
Paano kung sobra sobra naman ang pera mo, magnanakaw ka pa rin ba?
Pera ba ang nagpapaikot ng mundo o tayo ang pinapaikot ng pera?
Men, masyado kang malalim. Wag niyo na akong bilugin. 
Di na big deal saken yan cus I’m a rich man. 
Bibili ako ng mamahaling wine. And I don’t care.
I have a big mind, I’m a premature millionaire.
Kailangan ko ng maraming pera, marami akong gustong paangatin.
Buhay ng iba at pamumuhay natin.
Lahat ng kailangan ko. Kailangan na kailangan ko.
Wag kang imporkrito.
Kung wala kang pera, hindi ka magagamot ng doctor. Ulol.
Di ka makakabili ng gamot. Bungol.
Hindi maililimbag ang bibliya kundi dahil sa pera ninyo.
Mahalaga ang pera. Kaya walang makakapigil.
Sa aking gigil, importanteng oras ang aking kinikitil.
Palaki ng palaki ang income. But I’m chill.
Di ko na alam kung bat nagkaganun.
Baka siguro nasaken ang puso ng isang kampeon. 
Makakabuo ako ng korporasyon. I’m a man of substance. 
Lose you. Di ko na kasalanan. Saken mahalaga bawat tons.
Lucio. Kaya kong tapatan kahit Pamilya ng mga Tan's. Lucio tan.
Maghihintay ka nalang bang dumating ang pera?
O ikaw ang maghahanap ng pera?
Pera ba ang nagpapasaya sayo o ang bagay na ginagawa mo
na nagpapasaya sayo kaya ka nagkakapera?
Magkano ang halaga mo? Limang daan sa isang araw?
Sa isang araw, ano lang ang mabibili sa limang daan? Siopao?
Papayag ka nalang ba na salat? Inuutangan na halos lahat?
At namomroblema palagi sa pera, amputa? Araw araw?
Anong laman ng isip mo? Pagkaduda? Hoy mali ka tungaw.
Ang katotohanan, 
Madaling kitain ang pera kung mayaman ang isip mo.
Pipiliin mo ang itatanim mo.
Utak mahirap na lalong humihirap o
mahirap na utak mayaman upang maging mayaman?
Di na uso ang maglakad, par! kailangan mo ng pera
upang makapunta sa ibang lugar.
Bakit mas pinili mo lang pumantay sa lahat?
Kung pu-pwede naman na humehele ka sa pangkat.
Sa busog. Bloated palagi and I love this. 
Hinahanap ko palagi ang Big Cheese.
Tawagin mo akong Big time na Santa Claus. 
Isa akong matabang pusa. Huli lahat ng mouse.
Bakit ka magtitipid? Yan ba ang dahilan ng buhay natin. 
Sa trade and industry. Ako'y nag invest. 
Dagdag sa titulo ko ang pagiging capitalist.
Ang magtiis? Mabagal ka, be a Beast. 
Slow ka. Tinitignan lang kita sa side mirror
habang nagpapatakbo ako. Cuz I want more.
Formula ko ang cash flow. I can blow a million peso.
Ayoko ng buhay mo na nakakahilo.
Ayokong magbilang ng pera mo, gusto ko saken timbangin, kilo kilo.
I admit. Naging bingi ako sa pagkagipit. Lagi ka nalang kinakapos, shit.
May trabaho ako noon pero di ako masaya.
Nanilbihan sa mga hapon. Lahat ng pagod kinakaya.
Tapos na ang pagiging adik sa picture. 
Tapos na ang kahibangan ko sa holy scripture.
Nagsimula kameng magkakaibigan bilang grupreneur.
Tas bigla kang sasabit saken. Are you sure?
Kaya ngayon, 
Yumaman ako sa pagsusulat. Ideya ang binayaran sa akin.
Hindi na redhorse, jack daniels na. Lahat ng alak sa akin.
Pagmulat ng mata ko, kasiyahan agad ang nakikita ko.
Malayo na narating ng pagiging ambisyoso ko.
Gusto ko palagi power. Kuryente ng kapanyarihan ko ang
magpapa-spark. Paki dala tong kotse tas dun mo park. 
Para saan ang kamay kung di kayang magparami.
Sunugin ang mga papel na to. Kung di rin naman dumadami.
Bakit parang bumabalik lang ang kinikita ko?
Bumu-boomerang ang pera ko
O naging ibon o lbc na ba to?
Pera, kapangyarihan , respeto at peace of mind. Hangad ko.
Para akong may hinahabol sa pagpapadami ng pera ko.
Hinihingal na ako. Hihinto? Hinde. magpapahinga lang ho. 
Im so hot. Kung ang pera ay katumbas ng kapangyarihan. 
Sisimulan ko ng gumawa ng makina under the sun.
Hataw sa trabaho. 
Bayaran mo ako ng malaki. 
Di ako tatakbo.
Mabibili ko ang sarili kong damit. Kayo na mamili. 
Idesenyo mo. Susuotin ko uli. 
Tang ama ka. 
Handa ako palagi sa kaaway. Wag kang pasaway.
Ikaw lang?
Matalas ang mata ko sa mga magugulang.
Mamahalin ako ng kaaway ko dahil sa aking salapi.
At ang pera din ang papatay sa kin hanggang sa akoy kanilang magapi.
Kelan ba naging mabuti ang pera, kelan?
Mahirap ipaliwanag kung mabuti ka lang.
Oo. Talaga. Lifestyle ko ang kumita ng malaking halaga.
Bukas, makikita mo ang aking Range rover na puno ng pera sa bag.
Kung sa dilim, di mo ako maaninag.
 Ipapakita ko sayo ng banayad.
Magsusuot ako ng eight-one carat stones sa aking leeg.
Paano ko lahat yan nabili? Pinagsikapan ko yan, I don’t beg.
Sumakay ka sa kotse ko. Magmadali. Aalis na tayo.
Gusto ko. ginto ang orasan ko. 
Ayokong mag ubos na para lang sayo.
Diyamante ang ilaw ko. Di ko na kailangan ng spot light mo.
Pinapaulan ko ang pera. Sinasaboy para madampian kayo.
Kung di mo naitatanong. Gunggong.
Sa dami ng pera ko pwede ako magtayo ng limang bangko.
Suso at pera pawang magkasinglaki gaya kay Quinto. 
Ayokong hawakan ang mga pamilya ko, mahal ko sila
lahat ng hinahawakan ko nagiging ginto.

No comments:

Post a Comment