Monday, October 15, 2018

BLESSING IN DISGUISE, IN-LOVE WITH YOU, BABY.



Alam niyo guysst, walang araw talaga na hindi ko iniisip ang aking anak habang nagbe-beauty-rest siya sa abdomen ng Nanay niya ngayon. In fact, maniwala kayo o hinde, kahit sa bus kunyare akong nagpapraktis na may dalang bata. haha Sorry. Marahil magiging first-time dad kaya ganito siguro ang feeling ko.

Swear, wala akong sasabihin ngayon na comedy kasi nung sinusulat ko ‘to, maluha-luha talaga ako. haha I got all misty eyed. Para akong nanonood ng “The Notebook” mag-isa at biglang naging writer ng rom-com na movie.

May gusto lang akong sabihin sa’yo, baby.

“Nais ko lamang ipabatid sa’yo na sumusulat at dino-dukomento ng tatay mo ang lahat ng mahahalagang pangyayari sa buhay niya. At involved ka dun, baby.  

Ngayon, alam mo na Anak na may pagka-sentimental ang daddy mo. Minsan senti, minsan nasa mental. DeJoke.

Sa katunayan nga niyan, ilang buwan ka palang sa tummy ng Ina mo, and there's so many words I want to tell you, but the main priority get in my way. Kaya, ilang araw kong inipon lahat ng ‘to bago ko gawing libro.

Dati palang, sinulatan na kaya kita, ‘nung inoperahan ako sa bandang baba sa parte ng maselang bahagi ng katawan ko. Eto pa nga ang link oh:


Pangungunahan ko na. Lahat ng mabubuong mga salita, sandamukal na payo at pangako para sa’yo, pinag-isipan ko ‘to ng maigi, buong puso kong inunawa ang history ng ating tribo. Binasa ko muli ang nilagda ko nung mga nakaraang araw sa aking kwaderno. Lahat ng sulat ko na ‘yun, damang-dama ko lahat ng mga istorya at scenario kahit di ko alam ang pinagmulan gaya nung DJ na si Raquiterra. Kaya ngayon, natabunan na ang kalungkutan ko. And now I say goodbye to the old me, it's already gone.

Ang masasabi ko lang.

Sulitin mo na Anak ang payapang buhay diyan sa loob ng stomach ng Nanay mo. Dahil pinaghahandaan na namen ni wifey ang pagpasok mo sa magulong mundo na ‘to. haha Di kame illegal recruiter o grupo ng sindikato. Oh baka kinabahan ka na kagad. Relax, malalaman mo din, ang reality sa earth, once you accept that in your heart, you will know peace, baby. (Ang deep, diba) Oo, promise. Saka di ka naman namen pababayaan eh. Don’t cha worry. Matutuklasan mo din yan in the near future.

So, ready ka na ba?

Kame, handang handa na rin, ready na din sa first  sleepless nights with you.

Before anything else bugoy, after a season of struggle and push backs.  After the heartache of preparation in wedding, humingi muna ako ng tapang bago ko gawin ang lahat ng ‘to. Nilabanan ko muna lahat ng takot ko. Pagkatapos kasi ng malaking event namen ng asawa ko(nanay mo) saka palang ako nakahinga ng maluwag. At kasama ka dun sa okasyon na ‘yun.

Pinag-isipan namen ng todo-todo ng mommy mo ang malaking obligasyon na gagampanan namen sa’yo bago ka namen binuo.  At ibang saya ang naramdaman ko ‘nung nabalitaan kong dalawa na talaga ang anghel ko. Hihi Yung makita kong dalawang kulay-pulang guhit sa pregnancy test niya.  Biglang nagliwanag ang buong paligid ko ‘nung mga oras na yun. Tila baga nasa isang parke ako at nagpuputukan sa surroundings ko ang iba’t ibang makukulay na mga fireworks. Ganern. Ito na ata ang pinakamagandang balitang natanggap ko sa tanan ng buhay ko, ang simula ng pagdadalang-tao ng Nanay mo. Sure ako sa paglabas mo,  mas cute ka pa kesa sa tawa ni Kyla. Yeah, 100% yan.

May gusto akong ibulgar, baby.

Tunay kong name is Eggsy. Wag ka sanang mabibigla. Isa akong magaling at sikat na secret agent.  Tagal kong tinago ‘to. Malumanay kong sasabihin sa’yo na isa akong “Kingsman”.  Trabaho kong iligtas ang sangkatauhan. hahaha

Hindi.

April 2018, ang naaalala ko nung mga sandaling iyon. Nagtext saken ang nanay mo. Kaen daw kame kamo sa labas. Ang tanong ko naman sa kanya “Saan tayo kakaen?” Ang sagot niya saken  “Sa masarap, sa masarap na masarap”. Ang reply ko “Mahaaaaal, sa payday nalang, marupok ako loveshie”. haha

Walang kaabog-abog niyang tinapos ang usapan sa salitang “Leche ka”. haha

At makaraan ang ilang minuto.

Dinala ko nalang ang mga paa ko sa lugar na gusto niyang puntahan. Nauna pa nga ko sa tagpuan. Ang tagal niyang dumating as in, tapos nung pagdating niya, pinagyayabang niya pa na 8minutes lang naman daw siya na-late. Wow. (Nakatulog na nga ako sa sobrang tagal paano mo nasabing mabilis.) Tapos ayun, sabi niya sa masarap daw kame pumunta.  Kaya ‘nung nandun na kame sa venue, ang naging ganap, pormal lang, jibi-jibi lang, kaon at lapang, kwentuhan kame, chismisan ‘tas bigla niyang inilabas ang tira-tirang pagkaen sa mga fastfood este bigla niyang inilabas ang isang teketa na may  nakalitaw na dalawang guhit. Sinabi niya na “Eto na talaga ‘to, Lauv”. Sabi ko, “Lauv, bat ka naglalabas ng condom? Wag dito” sabi niya naman. “Gago.” Pagtapos nun, nagseryoso na ako. Huling tanong ko, “Ano nga?” Ang tugon niya, “Buntis na talaga ako, je”.

Ang mukha ko ay parang……

Whooooooah! Di ko maipaliwanag.

Jesus Christ.

Di ko mailabas ang buong nararamdaman ko ‘nun sa resto na yun kasi maraming tao sa bandang likuran namen. Gusto kong magsi-sisigaw sa galak. Gusto kong magta-tatalon sa tuwa. Gusto kong magpost sa facebook kagad kaso pinigilan ko muna ang sarili ko. Naisip ko na may una muna akong taong dapat pagsabihan.

Na-shock talaga ako ng matindi sa balita ni Angel(nanay mo).  Patuyan lang yan na hindi talaga ako baog. haha

And next, nagpacheck-up na kame agad sa doctor. Kinumpirma na namen ng husto ang kalagayan mo(baby) sa loob.
Ang resulta: aaaaand BOOM! Positive. Tatlo na talaga tayo. May bago na kameng recruit.

Nung una kong marinig ang heartbeat mo, baby. Galak na galak ako. Gabi-gabi kong hinahawakan ang tiyan ng nanay mo, para na rin kitang pinapatulog kaya ‘nun. I smiled every time the numbers increased on scale of your mother’s belly. Eh sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nadadagdagan ang size ng tiyan niya, diba. Masaya ako sa tuwing nakakakita ako ng stretch mark sa kanya, di ko alam kung bakit  basta ang pakiramdam ko nag-a-adjust ang tiyan ni Angel para di ka makaranas ng hirap sa looban.


To put it in another way, inisip ko na ng maigi ang dapat kong gampanan para sa ‘yo. Alam ko na mayroon akong walang hanggang tungkulin para sa’yo, Anak.

Naalala ko. May isa pa nga akong ginawa, dati palang-pala, pine-predict ko na ang mga mangyayari sa ‘yo,  preparado talaga ako ng husto, Anak, eto ang patunay oh.  


Sa katunayan niyan, bago ako pumasok sa trabaho at bago kame matulog ng aking maybahay, lagi kitang iniisip. Lagi kitang hinahawakan at hinihimas on the outer side. Obvious naman siguro na excited lang  kameng makita ka.

Alam mo bang nilaban ko lahat para sa ‘yo kahit may kulang pa sa akin. Isinugal ko muna ang mga ibang trabaho ko, at pinag isipan ko ng maigi lahat ng kakaharapin nateng tatlo at may kaakibat itong saya.

Sa tuwing nagsasama kame ng nanay mo, I mean tayo pala. Tanging ang mga hubog or malaking size ng kanyang tiyan ang patunay na may isisilang na magandang bata. Litaw naman kasi na blooming ang Nanay mo. Hindi pumaget nanay mo to the maximum level, seryoso! haha

Nung tiny dot ka pa nga lang at that stage, minahal na kita and I already  felt a connection with you. I fell in love with you simula ng nalaman nameng dalawa na, totoong-totoo na talaga ang lahat. Mas nadadagdagan pa ang pagibig namen sa ‘yo habang papalapit ang kabuwanan or due date niya.  Ikaw ang pinakamalusog na kumbinasyon ng Egg cells ni Mama mo and Sperm cells ko. haha Nagsanib pwersa sila. Masyadong na-blessed yung reproductive organs ng Nanay mo kaya ang gwapo mo sa 4d ultrasound palang. 


Marahil kapag nakakapagbasa ka na, tanong mo saken kung ‘bat ko ginagawa sayo ‘to. ‘Tong blog na to. (Baket may magagawa ka ba? Gusto mong sumawig mga plano ko?) hahaha Hinde. Ang gusto ko lang naman iparating, hanggat kaya ko, sasabihin ko na sa mga taong importante saken kung gaano ko sila ka-mahal. Ganun kita ka-mahal, Anak. I love you so much baby. Kinilig ka?

Mahalaga ang bawat pagbabago sa katawan ng Ina mong pregnante.  Ngayon 32-weeks belly na si Mommy mo, isa kang regalo from God, chosen for us. Buti nalang di mahirap ang pagbubuntis niya kaya palaging nakangiti ang nanay mo. Sad and stressiologist lang talaga siya kapag late na ako nakakauwi galing sa paghahanapbuhay. haha

Okay naman yung  pagod at hirap niya sa pagpasok at pag-uwi ng trabaho(for me haha) basta ipangako niya saken na okay ka, Anak.  

Tiniis ko ang first trimester ng nanay mo. Bugnutin yang Nanay mo. Lahat ng kurot. Lahat ng galit ng Nanay mo. Magpapabili ng pagkaen pero hindi naman magugustuhan kapag nasa harap na niya. Ang bagsak, titikman ko nalang ang binili ko sa kanya habang naglalaro ako ng NBA 2k18. Sayang naman e. Di niya naman kasi sinabing gagawin niya lang display.

Kadalasan may ugali yan na di nakakatuwa. Noh? Haha Minsan ang hirap intindihin. Pero ano naman karapatan ko kung makita ko ang dinadala niya ay ikaw. So, smile nalang ako. Shut up nalang ako. Masasabi ko talaga na di madali ang pagbubuntis. Once in a while, biglang mang-aaway ‘yan. Maya-maya magre-request ng pagkain na mahirap ipaliwanag o mahirap bilhin, ang irony pa dyan, ayaw pa minsan ako ipagluto pag uwi ko, hahaha, pagsapit ng gabi, gusto niyang ilapat ang kanyang mga pata sa buong katawan ko, pag umangal ako, iu-ufc ‘nya ako.

Kaya ako, galit ako sa mga lalaking walang pake sa asawa nilang buntis. May kakilala ako dyan eh, walang kwenta, isipin mo ba naman, 9months lang naman yun, di naman dekada yun dadalhin diba. Or ayaw lang talaga nila ng responsibilidad. Hashtag Pakawalangpuso.

Iritable masyado ang buntis pero lahat ng yun di tumalab sa akin. Haha Ganun kalupit ang erpat mo. Kaya ako, lagi kong tinatanong si Mama mo kung kamusta na siya palagi. Pinipilit ko pa ring ligawan yan kahit buntis yan, kahit gasgas na ang mga linyang “Lauv, di na ako sanay na matulog ng di ka kasama” basta masabi ko lang yun, okay na yun. Ayos na ang buto-buto. Saka kailangan ang requirements niya tuwing gabi, marunong akong magmasahe. Gusto niya laging magpamasahe sa likod. Kita mo naman diba. Naglalambing lang talaga yan sa ‘ken, Promise. And ang pinakamaganda pa neto, kasal na kame. Masasabi kong romantic at di pa rin nawawala ang espiritu ni Gardo Versoza saken hanggang ngayon. Saka mo nalang itanong yan kung bakit. haha

So, lumipas ang ilang linggo nung nalaman namen genuine na ang lahat, nagplano na kame ng smart parenting with purpose and grace para sa’yo.  Naks. Rapido noh?  This is where the rubber hits the road. Dito na masusubukan lahat.

Honestly, hindi ko nakagisnan na lumaki na may nagsabing napaka-beloved kong tao. Salbahe kasi talaga ako noon, bunso. Pero lahat ng magandang katangian ng isang matalinong bata ay sinasabi sa ‘ken ng mga tao. Kaya para sa ‘yo, baby ko. Sisimulan ko at tatapusin ko ang bawat araw na ipapaalala ko sa ‘yo kung gaano kita ka-love. Natutulog ka man ngayon o gising, ipaparinig ko galing sa aking puso kung gaano kita pinag-aalayan at ginagawang inspirasyon bago ako lumabas ng pinto.

Nga pala, ako ang iyong  daddy ah. I’m here para gabayan ka. I will introduce you to new things. Isa lang akong extra-ordinaryong tao Anak na magmamahal sa’yo bilang isang tagapag-alaga mo, gabay mo, director mo sa buhay, manager at life coach.

Nananalaytay ang DNA na nagduduktong sa ‘yo na compassionate and caring ang iyong ama.
Di ako perpektong anak sa magulang ko. Ang tatay ko rin naman, maraming nagawang mali sa amin, pero lahat ng ‘yun ay napalitan at nabago kasi may nagawa rin siyang kabutihan para sa amin. But for you, ibang-iba ka. Just remember na yesterday is just a history nalang saten. And our tomorrow's will be a beautiful mystery. Wala lang. hahaha Maka-english lang.

Sinisigurado ko na sa pagtahak mo sa bawat landas na ‘to. Di ako mawawala sa ‘yo, kumbaga bago ka palang mahulog sa kapahamakan, sasaluhin muna kita. Ang tatay mo muna ang masasaktan bago ikaw.

Gusto mo ba akong maging superhero mo? Arat, lika,  kapit ka saken. TenTenenenenentenen.

Makikita mo ang aking long lasting-impact pagdating ng panahon. haha

Wawasakin ko lahat ng bagay na nagbabadyang sumira saten hanggang demise ko. Wag kang mahihiyang magsumbong sa akin, suportado kita. Habang tumatagal ituturo ko sa ‘yo na dapat maging fearless sa buhay na ‘to at maging strategic sa bawat diskarte. Habang nabubuhay ako, sa ‘yo rin ang buhay ko, Anak.

Paano ko nasabi?

Try mo minsan suotin ang sarili kong sapatos. ‘Pag nasubukan mo, kahit na malaki yan sa ‘yo,  atlis malaman mo kung gaano kabigat ang pinagdaanan ko. (Oh diba ang lalim). Di uso saten ang self-help book na yan sa FullyBooked Store dahil ako mismo ang magtuturo sa’yo sa lahat ng dapat mong matutunan.  Sa kayabangan kong taglay, ipupusta ko, ako ang magiging Number One sa puso mo. Pusta ko ‘yan.

Tumawag ka lang sa akin kung kinakailangan. Unli and open call ang linya mo sa akin. Lapitan mo lang ako sa lahat ng problema mo. Pipilitin kong maki-share sa lahat ng sikreto mo.

Basta, magpalakas ka pa diyan sa bahay-pakwanan ng iyong ina, my little soldier.  

Ichi-chika ko lang pala sa’yo, Sobrang lakas mo pala daw sumipa sabi ng nanay mo saken kanina. Sabi daw sa balita, sabi ng mga mapagkakatiwalaang-tao, kapag mahina daw ang sipa ng bata sa loob ng tiyan, distress ang bata. Ang advice pa nga daw ng doctor, bilangin ang sipa ng bata sa loob ng 2hour. May pain or sorrow ang bata kapag nabawasan ang sipa. Buti nalang mukhang malikot ka din. haha Sinusumbong ka saken ng nanay mo na lagi kang nagfflying kick. Okay ka nga, kasi sa nasasaksihan namen ng nanay mo sa tuwing kinakausap kita, sumisipa ka pa talaga sa Harap namen. Alam na alam kong naririnig mo mga sinasabi ko.

Opkors, paglaki mo kahit pa makipagtaguan ka saken, trabaho kong hanapin kung saan ka malakas. Aalalayan kita sa God-given talent mo. As your father, I am totally committed to you, malalaman mo nalang Anak sa paglabas mo kung gaano ka-gwapo ang daddy mo ngayon. haha I’m very sure, maipagmamalaki mo ang personality and charisma ng tatay mo. haha

Alam ng Nanay mo na di ko ugaling manakit ng kapwa, sa kaaway lang. Pero kung meron kang pagkakamaling magagawa in the future. Ano pang saysay para paluin kita, pwede naman kitang i-encourage gumawa ng tama. Korek? Di kita bibigyan ng severe punishment. Di naman ako biolente e. Magkakaroon lang talaga ng  consequences ang lahat, pero tuturuan kitang magdesisyon para sa sarili mo.

Malakas mambully ang tatay mo. Weh, totoo ba Ben? haha Isa lang ang maipapayo ko sa’yo, lumaban ka lang kapag inaapi ka ng ibang tao. Ikaw na bahala kung ano ang gagawin mo sa kanila.

Handa akong iwan ang lahat para sa ‘yo, pero di kasama ang nanay mo. I will teach you risk while also providing our security of firm boundaries. Sinasabi ko na sa’yo ‘to para di ko makalimutan. Mananatili ang tatay mo na walang galit at puot para senyong mag-ina. Ayokong sa bawat hiwa ng tadhana, magiging balat-sibuyas ka lang.

Asahan mo na Anak na minsan nasa baba tayo at minsan nasa taas tayo. Minsan buhos ang problema, minsan buhos ang biyaya, lahat ng ‘yan, maraming lesson na ihahain saten. Kailangan harapin ang dagok at hampas ng mga alon. Ako ang unang magiging Kapitan niyo.

Ang positibong pananaw sa buhay  at positive behavior ang ipapamulat ko sa’yo. And I will never give up on you.  I will stay in the game. I will give my best for our family.

Tawagin mo akong “Papa Ben” ah. Ang ama mong firmly, gently and lovingly to both of you.  Later mo nalang alamin kung paano ako magiging payaso sa’yo. haha

‘Pag nalaman mo na ang nakalipas ng ating angkan, Hiling ko sa’yo. Ang mali ng kahapon ay ‘wag mo ng ulitin pa. Respetuhin mo ang nanay mo, hindi matatawaran at never-ending ang pagmamahal ng nanay mo sa’yo.  Kahit ‘wag mo na akong isipin masyado, kasi ako? ka-respeto respeto at tinitingala  naman ako. haha Magiging better-partner ako sa Nanay mo. Ayokong dumagdag sa stress ng mama mo lalo na sa gawaing bahay. Tandem kame dito. Malayo pa tatakbuhin ng pamilya naten. At magiging mabisa ang aming kasal.

Papatunayan ko kung paano ko iha-handle ‘tong family naten.  Di ako magkukulang sa atensyon sa’yo, bunso. Ibubuhos ko lahat sa’yo.

Papagaanin ko palagi ang loob mo. Masaya ako kapag masaya ka. Lahat ng magulang, masaya kapag masaya ang kanilang anak. Go, lakad lang ,baby.

Panoorin mo pala Anak yung wedding namen ng nanay mo nung August 2018. Sobrang ganda ‘nun. Kame bida dun ng nanay mo eh. Nandun yung mga magiging ninong at ninang mo. Pati mga bestfriend namen. Lahat ng mga importanteng tao sa buhay namen, nakisaksi sa pagmamahal namen ng nanay mo. Click mo to, nandito detalye,


Gaya din ng iyong nanay, I have an overwhelming experience, full of emotion, konting fear at ramdam ang bigat ng paparating na responsibilidad habang tumatagal ang panahon sa pagpaplano namen sa kinabukasan mo. Well, pero sino ba naman kame diba? Ibahin mo pa din kame. Nagpapatalo ba kame? Malakas pa din ang kapit namen. We are tough enough to bear the weight of our burdens kung sakali. Kung kaya ko nga lang magpadede sa’yo paglabas mo, gagawin ko yan eh. Pero si Mommy mo lang makakagawa niyan sa’yo eh.

Excited na talaga kameng mahawakan ka. Di na kame makapaghintay na mayakap ka. Mahalikan ka. We just want see your face light up.  And I can't wait to bring you home. Nananabik na kame ng Nanay mo sa unang pitong araw namen na makakadaupangpalad ka at start na yun ng forever naten. Gagayahin ko  ang pagdadala ng isang kangaroo. Tapos sa breastfeeding sa mama mo naman. Tripleng saya ang marinig ko ang iyong iyak. Iduduyan kita sa balikat ko. Gusto na kita ikiss face-to-face.

Di namen pag-aawayan kailanman ang pera dahil marami tayo n’yan. Papel lang ‘yang pera na ‘yan. Sakit na naming mayayaman yan. hahaha

Hindi! seryoso. Ipinapangako kong pagdating sa pera, tuturuan kitang pahalagahan ‘to. Para sa opinyon ng iyong ama, tanggalin mo lang yung mga saksakan ng mga appliances naten, malaking tulong na yun para sa gastusin naten sa bahay. Totoo yan. As far as I can recall, bata palang ako, tinatapon ko ang baryang sentabo. Ewan ko din kung bakit. Naliliitan ako sa value eh. haha Kaya naisip ko, pagdating sayo, pipilitin kong maaga mong matutunan na mag-impok, mag-invest at magbigay sa kapwa. Ang tatay mo pala ay nagba-buy and sell sa stock market sa bpi kaya alam niya tungkol sa pera. Pagkasyahin mo ang baon mo sa school. Maganda yun. Pwede kang magsaya ng di gumagastos. Walang apps. Walang gala. Basta marami pa yan. Ganyan ako gumawa ng blueprint. Ganun dapat. Advance mag-isip dapat ang padre-de-pamilya.

Kuntento na ako senyo. At isa lang ang siguradong maipapangako ko sa’yo, never  kameng maghihiwalay ng Nanay mo. Okay na ako dun. Ngayon palang sinasabi ko na yan sa ‘yo.  May kasabihan nga tayo, a rolling stones gathers no moss samakatuwid kung palagi akong paiba-iba at never lives in one place hindi ako mag ge-gain knowledge or wealth. So, okay na ako senyo. At wala na akong hahanaping pang iba sa dynasty naten. Wala na akong hihilingin pang iba.

Linggo-linggo is a family day para sa ‘tin. Yown ang perfect day para sa isang ulirang ama gaya ko. Haha Tutuparin ko ‘yan.  ‘Yan ang future family  naten na may mutual love and care, at hindi mo yan makakalimutan kailanman. It’s our power to make fifteen minutes every week seem like an hour of every night. Ganun na ganun.

In the night, maririnig mo ang mga katagang “I love you”  and I promise to wake you up each morning with a soft voice and an open smile from me, gusto mo ba yun?  gaya ng ginawa saken noon ng Nanay mo dati. Mamahalin pa din kita kahit anumang gawin mong pagkakamali, kahit teenager ka na, sabay natin ta-trabahuhin yan.

Pangako, Anak. Hihigitan ko lahat ng professor mo sa galing ko magturo. Paglabas mo, gagawa si daddy ng malaking playground para sa’yo, baby. Yang Star city at Enchanted kingdom na ‘yan. Payat yan. Ide-develop din  naten ang skills mo sa problem-solving and negotiating. I will also give attention to your peer relations. I will make sure that you have a plenty of opportunities to be with other kids and to learn how to function well in other people.

Ang kapakanan mo din palagi ang iisipin ko. Magsusumikap pa ako. Sakto, mahilig ako sa bata, Anak. Sinisigurado kong bago ka matulog, maglalaro muna tayo. Magko color-color ganyan pag-uwi ko galing ng trabaho. Gagaling ka panigurado sa linguistic at ang iyong cognitive capabilities. Bilib in me. Praktisado na ako e.

Baunin mo lahat ng mga payo ko ‘pag nabasa mo ‘to ah. I promise to make your first birthday a big damn deal. Ipapatawag namen ang lahat ng tagarito  saten hanggang kabilang barangay. Magce-celebrate tayo. haha

Igagawa din kita ng malaking library. Pag di ko nagawa yan. Sunugin mo ako ng buhay. haha Gaya ng Ama mo na mahilig sa libro. Gusto ko mahilig ka din magbasa ng libro. Kaalaman ang kapangyarihan sa lahat. Lamang ang may alam, kid. Dahil pinahalagahan ko ang bawat salita at libro, pati na ang imahinasyon. Ang pagiging malikhain ang ipagmamalaki mong matutunan sa akin. Tuturuan kitang magbasa every night. Babasahan kita ng mga bedtime stories, yung boring na kwento, bibigyan ko ng buhay yan with screen projector at action pa. Mababasa mo din lahat ng sulat ko na punong-puno ng kalokohan at inspirasyon dito sa blog na ‘to.  Tandaan: Your mind is the greatest scriptwriter on your own movie.

Saka, hindi kabobohan na mababa ang grades sa school. Maaaring di mo talaga kaya ‘yung subject na mahina ka. Pero di ibig sabihin ‘nun eh di na naten pag-uusapan ang problema mo sa school. Sa malumanay kong pakikipag-usap sa’yo, hihimukin lang kitang mag-aral ng mga di mo naiintindihan. Di mawawala ang full support ko sa’yo sa pag aaral mo. Dalawa ang klase ng school sa mundo. Loob at labas.

Pangarap namen ng nanay mo na makapagsuot ka ng itim na toga at makapagmartsa. Dalawa lang ang pagpipilian mo, Cumlaude or Summa? Alin lang dyan sa dalawa ang pwede mong maging weaknesses. Isang katuparan ‘yan ng isang pangako, Anak.  Gusto ko,  ako ang magsasabit sa’yo ng mga medal mo sa school at makatanggap ka ng diploma. Ako gagawa ‘nun kasi saken ka magmamana. Yung level of brilliance ko sa’yo mapupunta. Napakahalaga talaga sa lahat na mayroong edukasyon ang bawat tao, bata. Tandaan mo yan. Mahirap mabuhay ng mangmang. Mangmang agad? haha

Nandito lang ako para maging isang halimbawa para sa’yo. Maging inspirasyon mo habang lumalaki ka.

And when you have a bad day, makikinig lang ako sa’yo, bibigyan lang kita ng oras, uunawain kita sa abot ng aking makakaya.

Wala akong sasayanging oras sa’yo, Anak. From day one, I'll do everything I can to support our relationship and to let it be as special as the one I share with your mom.

Maaga palang sinasabi ko na. Di madaling hindi magsinungaling sa’yo pero kung kinakailangan pipilitin kong maging tapat sa’yo hanggang sa maunawaan mo na ang tama’t mali. Basta baby, po-protektahan kita. I can't wait to meet you. Ipaparanas ko sa’yo ang magagandang karanasan sa totoong buhay. Ipinapangako kong magiging mabuti akong ama sayo. Magpapaka-subsob pa ako sa trabaho. Magpapagal pa ako. Minsan sa problemang parating, mawawalan ako ng pasensya at control pero marunong naman akong tumanggap ng pagkakamali ko. Malalaman mo yan balang araw.  Lagi akong may pake sa’yo. I am the one who love you the fiercest. Ako ang magsisilbing safety net mo palagi, yung erpat mong always to the rescue para sa’yo. 

Always remember, lahat ng magulang, kailangan ang anak. Lahat ng anak, kailangan ang magulang. Kailangan ka namen ng nanay mo. Ikaw ang buhay namen. Kumbaga sa teks, itataya namen para sa’yo pati pamato maging ligtas ka lang palagi.

Galing ako sa walang ama dahil broken family. Labas ka sa usaping iyon pero pipilitin ko sa’yong bumawi.  Noon, nagtatanong din ako kapag wala ang tatay ko. Ayokong mawala ang presensya ko sa’yo. Mahalaga kame ng momshie mo sa’yo. I-wo-workout namen dalawa lahat ng pangangailangan mo. Papalakihin kitang enriched emotionally, spiritually and intellectually. Sino ba naman ang ayaw na intact ang pamilya. Tanong mo pa sa iba!? Ang goal namen ng nanay mo maging matatag ang pamilya naten.

Sasaluhin ko lahat ng problemang darating. I am wired to handle the pressure, to meet the upcoming challenges, to provide and protect our family. Kahit kailan hindi dadapo ang depresyon sa’yo, kasi palaging purong kaligayahan lang ang ihahatid namen.

So ngayon, bahala ka na kung gagawin mo akong role model or god? Joke. haha

I will teach you, hug you, play with you, and support you. Basta gusto ko iparanas sa’yo na ligtas ka sa akin. Uunahin ko palagi ang seguridad mo. Papanis ko yan sila Drew Arellano at Dingdong Dantes.

Ang tatay mo ang makikilala mong pinaka-tunay na lalaki sa lahat. Henyo at matipuno pa. Ngayon alam mo na kung sino ang magiging superhero mo.

Ibubuwis ko senyo lahat. Itataya ko buhay ko para senyo ng Mama mo. Bawat pagtatapos mo sa eskwelahan ay karagdagang kaligayahan namen yan.

Bakit ka pa magrerebelde kung parehas naman tayong lalaban at magiging magkosa habangbuhay.  Basta sumunod ka lang samen.

Maaga palang tuturuan na kitang magsabi ng “thank you” at “please”. Magsabi ka ng ‘thank you”  kapag nakakatanggap ka ng regalo. Magthank you kapag may nakakagawa sa’yo ng mabuti. Tuturuan din kitang hindi matunog ang bibig kapag kumakaen. haha Ayaw na ayaw ng tatay mo yan. Ang mayayaman, tahimik lang ngumuya. Madaldal lang ako pero ayoko nun. I will teach you a healthy food habits.  At di kita sasanaying nagsasalita na puno ang bibig. Ayokong sanayin kang walang delicadeza sa sarili. haha Show some modesty kung kinakailangan. Practice shy confidence.

Saka isa pa, patapusin mo ang lahat ng taong nagsasalita kapag may kausap ka. Wag maging bastos ah. Dati na akong bastos sa nakakatanda. Wala din pinuntahan. Importante ang makinig palagi. Bigyan mo ng mahabang oras ang ibang tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita mo.  Kapag uutot ka sa bibig, i mean magbu-burp ka, matuto kang magsabi ng  “excuse me” huh. Noon, hindi ko alam yan. Lately ko lang din nalaman. haha Bantay ko palagi ang bibig mo, lahat ng lalabas na masasamang salita diyan. Tatagpasin ko yan. Or kung ayaw mo, lalagyan naten yan ng toy car sa loob. hahaha Utos at pangako yan. Konsensya ko nalang kung wala akong gagawin sa lahat ng sinabi ko.

Mapang-asar si papa mo pero di ko ituturo sa’yo na manghusga ng pisikal na katangian ng tao. Pwera nalang kung compliment yun. Iyon pwede ‘yun. Matuto kang mangamusta paminsan-minsan. Wala ka man kailangan sa iba. ‘Pag may nakita ka man na kakilala mong matanda sa daan. Magmano o mag “po” at “opo” ka man lang. And another thing,  pagdating sa ibang bahay, kumatok ka muna bago ka pumasok sa kahit na anumang pinto. Dahil iyon ang nararapat na matutunan mo ng maaga. Wag mong babansagan ang mga taong ayaw mo. Hayaan mo lang sila. Wag mo na akong gayahin pa. haha Nagbago na ako. hahaha Tuwing babahing ka, magtakip ka ng bibig. Matutong mang-alok ng pagkaen kahit kanino. Ayokong may tira-tira ka sa plato. Di magandang kaugalian yan.  Maging matulungin kang bata sa iba. Lahat ng pwedeng tulungan, tulungan mo, wag lang sa masama ka tumulong.  Sablay yun. Kapag kinakausap ka. Makinig ka. Matuto kang umunawa muna. Yan ang susi sa tagumpay ng lahat. Wag na wag mong kakalimutan ang payo ko sa’yo baby, mahalin mo ng sobra ang sarili mo. Ayokong magkulang sa pagpapalaki sa’yo kasi di ko ginawan ng aksyon lahat ng iyan. 

Bilang tatay mo, tuturuan kita kung paano mabuhay sa courageous life. Hooray! Pagsinabing hindi. Hindi. Maniwala ka sa akin, ako ang nakakaalam ng dapat mong panoorin sa social media, at telebisyon at iba pa. Father knows best ikanga. I have a natural instinct on how to protect you. Kaya nateng daigin ang pamilya nila John en Marsha sa pagdidisiplina. Ang problema ay may remedy. Basta’t may konting comedy. Walang sinabi ang loyal ni Pepito Manaloto sa tatay mo.

Be courageous Anak. Stand for right over wrong. Stand up for your family at all costs. I will be an eyewitness to what helps you and what harms you.

At may rights ka din syrempre, hindi yung puro utos lang ako. haha

Tama lang na mag-expect ka ng sustento at tulong galing sa amin ng nanay mo. Syento pursento. Meron tayo ni’yan.

Tama lang na rumespeto ka na kagad sa nakakatanda. May kasabihan, respect begets respect. Sa tagalog, rumespeto. hahahaha gets?

Tama lang na maaga mong matutunan ang pagsisikap sa buhay. Di ka jeproks, ‘wag laki sa layaw.

Tama lang na mahalin mo ng sobra ang pamilya mo at ibang tao. Sino sino pa ba ang magtutulungan? Diba?

Tama lang na magsaya ka sa labas ng bahay. Diyan mas makukumpleto ang pagkatao mo, anak.
At
Mali ang masyadong pagiging makasarili, sakim at gahaman. Ang pera dapat umiikot yan. Hundreds, thousands or million pesos, same lang yan na meron sa ating wallet, Anak. hahahaha
Mali ang manakit ng kapwa pati na rin sa salita. Wag kang mananakit ng damdamin ng ibang tao.
Mali ang mag-experiment sa kasarian. Parang awa mo na anak. Wag. Tunay kang lalaki.
Mali ang pagiging tamad at umaangal. Yung anak ni kumpareng Henry Sy, di niya tinuruan yung son niya, nagkaroon yung anak niya ng sariling desisyon sa buhay. Nagtayo ng sariling negosyo. Kung matalino ka, alam mo na kasunod nun!?
Mali ang magnakaw, magsinungaling at mangopya. Wag mo ng simulan sa maliit na bagay. Kahit pa eraser lang yan.
Mali ang manlait ng ibang tao. Wag. Promise. Tigilan mo yan.
At bago din maisakatuparan yan, babaguhin ko din ang pagkatao ko.

Ngayon alam mo na, nasa puso ang pagiging tatay ko, tandaan mo yan. Huwag mo ng hanapin sa iba yan. Sa estado mo, di mo pa ako maiintindihan ng lubos. Pero balang araw, ipagpapasalamat mo ‘yan lahat.

Sa dami kong sinabi,  kadalasan maaari kong maramdaman  ang nasa isip mo, Anak pagdating ng panahon. Ganunpaman, pakikinggan muna pa din kita sa lahat ng sasabihin mo.

Balak ko palang ipa-tattoo ang face mo  sa katawan ko. But before that, gusto ko munang makita ang mala-anghel mong mukha baby. hihi #Excitedmuch

Nga pala, gusto mo ba akong maging bestfriend? Ako, gusto ko. Kung gusto mo, eh mauuna akong magpost kaysa sa nanay mo ng lahat ng achievements mo sa social media.

Kung alam mo lang ang nasa puso ko, Anak sa lahat ng sinabi ko. 4% palang yan. I will spends meaningful time with you, our experience will be magnified. Sumpa man.

Ngayon palang, naniniwala na ako sa’yo. Lahat para sa’yo. Kaya ko pang i-extend ang aking mga kamay para lang maibigay ko lahat ng tulong ko sa’yo at mapalaki ka namen ng maayos anumang mangyari.

Sikmura niyo muna ang uunahin ko bago ang tiyan ko. Doble-dobleng blessings ang binigay mo sa amin Anak ng nanay mo. Nararapat lang sa’yo yan, baby.

Kulang pa ang karanasan ko sa pang unawa pero ganunpaman pipilitin kong intindihin ang lahat para sa’yo. Kung di mo naitatanong dahil nandyan ka palang sa tiyan ni mommy mo, fyi na-improve ko na din pala ang pakikipag argumento ko sa kanya. Tanong mo pa sa nanay mo. haha

Ikaw ang magiging mundo namen, Anak. Walang katapusang pagmamahal para sa’yo. Hayaan mo munang ako muna magpasalamat sa’yo, Anak.

Para sa akin, kulang pa ‘tong pahina na to, at bibigyan ko pa ‘to ng kasunod.

Basta, mangarap ka ng mataas. Mahalaga sa isang bata na  may pangarap na inaabot. Ang goal na walang bilang ay isang slogan lang. Ayokong magkulang sa’yo pagdating sa kinabukasan mo. I will made you  feel so good with my words of praises.

Wala ka pa sa mundong ‘to pero prinsipe na kita. Hari pa kita. Boss pa kita.

Garantisado, Anak. Ikaw ang pinaka. Dahil ang tatay mo ay malupit. Sobraaaaaang lupit. I’m the man. I’m the strongest and smartest man. I’m better than the hype. That is part of my greatness. Ako ang Lodi mo. Magaling at mahusay si daddy, sa totoo lang. haha Wag mo ng kontrahin.

Alalahanin mo lagi na mas malaki pa ako sa lahat ng magiging problema naten. Di ko mababago ang nakaraan pero maipapangako kong, ako ang pinakamahusay na lalaking makikilala mo, Anak. Mark my word.

Alam ko namang magaling ka din gaya namen ng nanay mo. Kaya mong ma-meet ang standard na ibibigay namen sa’yo. abide by you, and enforce you. I am a great example not just of bravery(haha), but of self-discipline, self-restraint, and wisdom gleaned from experience.

Alam kong paglaki mo. Bawat kilos ko, o-orbserbahan mo din pati na ng nanay mo. Magandang picture ang makikita mo at totoo. As your father, everything that I do casts a giant shadow for you. Every day that you will see me, you are shaped by me.

Habang buhay ‘to, Anak. Priority ko kayo ng Nanay mo. Kahit di ko naman sabihin sa’yo ‘to lahat, alam ko, makukuha ko na respeto mo kasi tatay mo ako.

Hiling ko lang na magpatuloy ang malusog na pagbubuntis ng mama mo sa’yo at malusog na malusog ka din ngayon. Lagi kong pinagpi-pray ang iyong well-being at salamat sa Diyos for every week we made it through.

So to end this, I will loved you unconditionally. Lagi kitang nasa panalangin ko. Binibigay ko ang buong lakas at katawan ko sa’yo, Anak. Lumalaki ka na sa sinapupunan ng nanay mo ngayong October 2018.

Kini-claim na namen na  you are a wonderfully made. God made  all of your delicate and inner parts.  His workmanship is marvelous. Nawa’y makapagpahinga ka dyan ng maayos at magkaroon ng normal at maayos na nutrisyon.

Hindi naman halata diba na  excited kame sa paglabas mo. haha  Syempre di mawawala ang takot. Pakatatag ka dyan, baby. Hanggang sa maitawid ka namen sa delivery day.

Dinala ka namen sa kasal, diba. May isang Big Project tayong nalagpasan. So, kayang-kaya din naten ‘tong paparating. No match yan. Nagpapakumbaba akong humiling na alagaan ka sa panubigan ng iyong Ina. Punuin ka ng biyaya sa loob ng tiyan ng mama na maging  isa kang normal, healthy, at masayahin na intelligent pa, kind-hearted and loving individual. Naramdaman ko na ang pagiging ama ko sa’yo, baby. Nagpakatatay na ako habang nasa sinapupunan ka palang. Sinakripisyo namen lahat para sa’yo. I love you.

Tuesday, July 24, 2018

SA ONCE-IN-A-LIFETIME MEGA KASALAN NI BEN AT ANGEL

April 8, 2018, seben portipayb in the evening. 

Angel: Pakasal na tayo sa birthday naten.
Me: Weh? Sure ka? Kala ko November pa tayo?

At huminto ang mundo ng sinabi niyang….

Angel: Sige na. Gusto ko na e.

Pause for the moment.

Me: …Okay sige, sabihan ko na sila.

Linggo ng gabi sa isang restaurant sa Makati niya binanggit ang katagang magpakasal na kame. Huminto muna ako saglit sa kinakaen ko kasi parang naiba ang una naming plano. Napatingin ako sa malayo. Medyo nakaramdam ako ng kaba nung mga oras na yun kasi parang nabigla ako. Nakatulala pa rin ako. Nang bigla nalang akong nilapitan ng isang waiter at sinabi niyang “Sir, ano po yun?”. Na-shock ako sa kanya. Napasagot ako ng

“Bakit? masama ka titigan?” Hahaha 

Mga ilang minuto, dahan dahan akong napangiti kasi alam kong matutuwa yung mga kaibigan at pamilya ko kapag sinabi ko na mapapaaga ang araw ng espouse ko. Sabagay, ako rin naman ang nagpropose ng kasal kay Angel eh, dapat ready din ako anytime. So, itinuloy na namen at nagsimula na kameng magplano.

Pero bago ang lahat, my dear brothers and sisters. Nagsimula muna kame sa ganito.

(Inihahandog ng Star Cinema ang isang naiibang kwento bago ikasal ang tunay na nagmamahalan. “Sa Once-in-a-lifetime Mega kasalan ni Ben at Angel”.)

Nagsimula kameng maging magclassmate nung highschool. Isa pa lang akong highschool student na “Kilig  Ambassador” sa aming eskwelahan. Nakaduty ako na magpakakilig noon sa mga kabataan. Naging magkaibigan kame ni Angel. Naging magkabiruan. Wala talaga kameng feelings pa sa isat isa ‘nun. Haha Maybe parehas pa kameng dukha nun. At parehas pa kameng libagin din. Lol Madungis pa talaga kame ‘nun that time. Pero may itchura na si Angel noon, papunta na sa pagiging Lars Pacheco. Haha Naudlot lang talaga eh.

‘Tas, naging magbestfriend nung college at unti-unti na niya akong nililigawan  at tinatrabaho every weekend sa phone calls. At ako naman, sa malambot kong puso na di ko na namamalayan na nahuhulog na rin ako sa kanyang patibong and suddenly I felt head over heels to her.

Then lumipas ang ilang taon, sinubukan kame ng mapaglarong pag-iisip. Nagkasala, nagkamali at naging taksil sa aming mga puso.

Marami man kameng masasamang kahapon na naranasan at napagdaanan, pero alam namen sa sarili nameng natuto na kame at nandito nakatatak pa din sa isip ko, kung paano ko tinalikuran ang lahat…(Pasok 6cyclemind.)

Kay bilis…Bat umalis. Nakakamiss…..
*Hindi ako sanay sa biglaaaaaaaaan*

Kampay, mga orbs!

And the longer it takes on our relationship, natututo ako sa mga pagkakamali ko at napapamahal na ako sa kanya ng lubos dahil tinanggap niya pa rin ako eventhough may pagkademonyito ako minsan, hindi pala minsan, occasionally lang. haha Kaya matagal na akong nagdecide, anumang mangyari samen, basta for her(Angel), I will go the whole nine yards.

Nagsimula pa nga kame sa tawagan na “Bubu at Chacha”. Ako si bubu at siya naman si Chacha. Siya yung asong kotse na color yellow. Siya yung nagsisilbing manibela ko para patakbuhin ang mabagal kong mundo. hihi Korni.

And here we are, handa na kameng tahakin ang mabigat na responsibilidad  and go the extra mile.

Isang buwan matapos akong magpropose ng ‘tying the knot’ sa aking minamahal, ay agad agad  na kaming nagplano kung kailan ang month and year ng aming wedding day.  Iba kame eh, advance kame mag isip ‘nun eh. Sa dinami-dami ng aming pinag-aawayan linggo-linggo, for the record na nagkataon na tugma  kameng nagkaparehas sa gusto naming setup ng wedding. TIGNAN MO NGA NAMAN. Kameng dalawa has the same idea at the same time. Well, siguro great minds think alike nga talaga! Haha Masasabi kong nagtulong tulong ang mga bituin at kalawakan para maging significant at memorable ang magiging ‘Wed’ namen. Yan ang ipinararamdam sa akin ng aking malupet na instinct. Maganda ang prediksyon ko sa Once-in-a-lifetime Mega event ng buhay namen ni Angeline sa August 31. 

April 14, 2018
Me: Hati tayo, tig 50 tayong guest.
Angel: Okay! Maglista na ako.

Mahabang panahon na kung tutuusin ang ipinagkaloob sa amin para paghandaan ng husto ang mismong araw ng kasal ng aking pinakamamahal na si “Angeline Belarmino”. Wag kayo ah, hindi biro na nakayanan nameng dalawa ang ituloy ang pinu-push namen ng todo na wedding kahit na umabot kame sa puntong walang-wala na talaga kameng “budjey”.

Pinasok pa ng peste ang bahay ko. Pinasok pa ng magnanakaw ang kwarto ko. Buti nalang di ganun kahalaga ang mga nawala. Tinubuan yung magnanakaw ng konsensya. Yung magnanakaw na yun, kilala niya ako eh, may takot pa siya sa akin, iniwan niya pa ang laptop at camera ko. Isipin niyo yun. IpagsasaDiyos ko nalang. 

Ayun, grateful pa din syempre, kasi palaging mayroong biyayang dumadating kapag negative ang mga numero sa aming bank account. Nagpapasalamat nalang kame sa kung ano ang natitirang blessings na meron kame. Anong secret? Malakas po yung Guardian Angel namen sa likod.

April 25, 2018
Me: Lauv, San mo gusto ikasal?
Angel: Basta dun sa simple lang.
Me: Saan kaya yung simple na yun.

Matapos ang aking wedding proposal kay fiancee nung last year. Naghanap na kagad kame ng reception venue package. Marami kameng di nagustuhan na reception at church. Sabihin na nateng, hindi swak sa panlasa namen yung iba at saka hindi praktikal masyado.  At mayroon namang lugar na malalapit lang sa location namen pero hindi naman namen tipo. Gusto ko talaga garden e, tas malapit lang, nothing beat Mother Nature ikanga. Hahaha (ano daw!)

Sana wag umulan sa kasal ko. Yari tayo dyan. Di ko makakalimutan noon na nakita ko sa facebook na may couple na kinasal sa gitna ng baha. Ayos. Siguro napagkasunduan nilang “Bagyo ka lang, pinoy kame” o kaya “love conquers all , even super typhoons.”. Nakow. Di ako naniniwala sa kasabihan na kapag inulan ang kasal, maswerte daw. Anong swerte dun? Lagnat aabutin namen dun eh.  Ok lng ambon. Yan okay yan. Ang mga katutubo daw noon gumagawa ng rain dance sa araw ng kasal kapag mainit ang panahon para umulan para sa masaganang ani. Pero para sa akin, ang sagot ko dyan, “Hindi rin”. haha

Ano pa nga ba ang hihintayin namin, diba? Naka-10 years na kameng magkasama. Lahat ng relasyon ay gusto ang lumugar sa tahimik. Lahat ay gusto ng magbago. Lahat ay gusto na may marating. Walang gusto ng magulong pagsasama. Because our relationship, is based upon freedom and can never grow in a jealous heart. Kaya, sa pangakuan nameng sisimulan kasama rin ng aming mga minamahal sa buhay, hindi lang basta ‘to isang okasyon na bahala na kung sino ang pupunta o hindi. Basta ang samen, mahalaga ang lahat ng taong inimbitahan namen sa August 31. And hopefully, lahat po makapunta sa aming inihandang okasyon. Please. Haha

Simula nung nagkakilala kameng dalawa ni Angel hanggang ngayon. Marami na kameng pagsubok na nalagpasan. And I’m so happy ever since I have found her. Si Angel ang buhay ko. Nasanay na ako na siya ang kasama ko sa lahat ng struggles ko. Sinabi ko na sa kanya noon na nabuhay ako para mamatay para sa kanya. Opo totoo. Nagkaroon kame ng hindi  mabilang sa daliri na hiwalayan at bangayan ‘pag may problema. Mas marami pa ata sa bagong cast ng ‘Ang probinChino’. Chino kasi sasakupin na tayo ng mga intsik. Haha Welcome to the Province of China. haha

Pero  maipagmamalaki kong sa dame ng struggles every month, nakakabuo pa rin kame ng isang  realistic na konsepto ng pagibig. Paano ko nasabi? Eh naging totoo kame sa bawat bugso ng aming damdamin. Ang tunay na pagibig na nagturo sa amin kung paano hindi bumitaw kahit hirap na hirap kame sa dambuhalang unos.

Alam ng mga nakakakilala saming dalawa kung sino ba talaga kame at ano ang tunay na ugali na mayroon kame. Hindi naman mawawala sa isang relasyon ang argumento basta nase-settle diba. And we  don’t always hide our truest feelings pagdating sa problema. Basta kame, hindi kame natutulog ng magkaaway pero gumigising naman kameng nag-aasaran lang. After ng war, we kiss and make up. Eh ganun talaga e, magkasama kame palagi at alam namen ang halaga ng bawat isa.

Kung maririnig niyo lang ang usapan namen dalawa palagi . Ay tiyak, kung ano kame, yun kame talaga, naipaparamdam namen ng open ang nararamdaman namen sa isa’t isa kung masaya man o malungkot, badtrip man o nakakairita. On and off man ang camera, ganun at ganun pa rin kame. Galing lahat sa puso. Matured na kame pagdating sa emosyon ng bawat isa. Kilalang kilalang kilalang kilala talaga. haha

Sa kasunduan ng marriage namen, hindi lang basta ‘to ritwal na matatapos sa isang araw. Mayroon din kameng positibong pananaw sa hinaharap na mangyayari at natuturuan namen ang sarili nameng dalawa kung paano maging positive sa lahat ng kakaharapin. Gaya nalang nitong preparation sa kasal, hindi kame nagpatinag basta-basta sa mga taong sumisira sa lahat ng plano namen.

At sobrang laki ng pinagkaiba ng ugali namen at gusto, sa totoo lang. Kung tutuusin nga, sa status namen ngayon, tinatawanan nalang nameng lahat ng kahinaan at kapangitan na mayroon kame. Pero tanggap naman namen lahat ng iyon. It’s how we deal  with our inevitable differences that counts and how we handle our disagreements positively.  Imbis na sabihin kong mali siya, pwede ko namang sabihin na “Okay, di ko naintindihan”. Kailan ba naman nanalo ang lalaki sa babae?

Taas noo kong ipagmamalaki na kahit wala kameng isang bahay ng simbahan pero patuloy pa rin ang aming pagdarasal sa Diyos na lumikha. Isa lang ang pananampalataya na mayroon kame na hindi mananakaw ng iba. Ang Diyos na sinasamba namen kahit na’san man kame mapadpad ay kaparehas niyo din.

Honestly, sa unang pagpaplano ng wedding,  ma-e-excite ka kasi parang ang dali lang kung naging bisita ka na sa kasal pero kalaunan mawiwindang ka ng todo kapag ikaw na ang nag aasikaso o ikakasal kasi maraming dapat idagdag para maging smooth ang kasal at walang aberya. Choices din naman namen kung gusto namen ng simple o engrande. Eh wala eh, goal talaga namen gumastos ng malaki. Hahaha Joooke. Ano pa nga ba, eh nauso na ang prenup, save the date, groomsmen attire, bridesmaid attire at iba pa para mas lalo pang gumanda ang kasal at maubos ang aming pera. haha

Ako na ang buhay na patunay, na hindi madali ang pag aasikaso ng wedding. Hindi dahil sa pera kundi minsa’y  may negative sa paligid na magdidikta na mali ang pinasok namen. Isa pa yung hindi pagkakaunawaan sa desisyon na binibili para sa mga abay at involved kame dyan. haha Kasama pa ng may mga taong magbibigay ng di magandang komento kesyo parang di pa daw kame handa. Masheket besh. Ngunit para saken, wala lang yan, pressure from friends and others usually comes from a good place. Saka it’s also important to recognize  that no matter how accomodating we are, we will never be able to please everyone.

May 1, 2018
Angel: Okay ba sayo?
Me: Oo naman.
Angel: Sure na sure ka na ba?
Me: Ako pa. Give your trust to the expert.

Kaya for me, ang mahalaga dapat walang “cold feet” sa ganitong sitwasyon ang couple na papasok sa isang kasal. Without a doubt ang pagproseso ng kasal. Kasi mapupunta lang sa wala kung may duda ka but it may also be that you need to take a serious look at this critical decision that you are making in your wedding.

Dahil nga alam kong stressful na talaga sa wedding prep palang. Ang goal ko palagi kapag  di bwenas ang sitwasyon ng pag asikaso ng checklist para sa wedding day. Gaya ng kapag ang usapan ay ngayon ang pick up ng items na binili namen pero pagpunta namen dun sa store na binilhan namen, di pa pala ayos, eh kasi yung binigay nilang calling card di naman pala active eh, badtrip pero hinahayaan ko nalang ang mga negative thoughts and feelings na maramdaman ko, ganun po ako ka-positive kung iisipin, hahaha basta ang mahalaga saken kung paano ko babaguhin ang response ko sa mga nangyayari. I always remind myself that hard days are necessary to live through and to learn from wedding.  The hardest preparation days in wedding make us who we are, inside and out. Di biro ang whole week, iniisip ko ang task ko na dapat tapusin sa checklist ng wedding. MAHIRAP TEH!

Hindi biro ang pagpapakasal pero alam kong magiging masaya ako sa desisyon ko kasi mahal ko ang pakakasalan ko. Yun ‘yun eh. This is the time of crying tears of joy as me and my partner saying our vows. Yihihi.

Matagal na akong nangalap ng paraan kung paano i-continue yung flame na sinimulan nameng sindihan noon. Marahil ang apoy na yun ay humina pero hawak pa rin namen ang panindi ngayon. Kontento kame sa lahat ng bagay na mayroon kame. Ngunit sino ba naman ang hindi naghangad ng magandang buhay at payapa pa. Ginagawa namen ang tama kahit walang ibang nakakakita.

Wala ng hintuan at atrasan ‘to. Tuloy tuloy na ang kasalan. Siya na talaga ang aking potential wife. Hihi Wala na akong dapat patunayan pa. Wala na akong dapat hilingin pa para mahanap ang sagot sa tanong namen palagi. LAVAAAN.

Yung deep sense of caring na binuo ng pagmamahalan at pagkakasunduan ay para saken isa siyang romantikong pagibig na nagagawa namen. Kasama sa habang buhay nameng pangako ang pisikal na pagsasama. Magsama ng  10, 11, 12, 13, 14 years forever and ever. Jooohn llyyyod ikaw ba yaaaaan? haha

Sa totoong buhay, hindi naman talaga kame particularly romantic, pero  meron kameng willingness na magsama while each fulfill our own needs and dreams. Despite our numerous flaws and arguments, nandito pa rin kameng dalawa ni Angel, lumalaban sa ‘Ngalan ng Pagibig’.

Matagal na rin naman nameng pinag usapan ng aking irog na kung pupunta kame sa aming kasal, dapat wala ng urungan pa. Hindi ‘to parang mainit na kanin na kapag sinubo, titingin muna sa facebook este kapag napaso iluluwa.  Kung ganun talaga kame kagulong tao, we’re doomed from the very  beginning.

It’s not about our needs, it’s all about our mutual service to each other at ibinigay na namen ang sarili namen sa isat isa.

Yung una, sa wedding prep, hangga’t di pa kame nakakahanap ng magandang pwesto o venue ng kasal, naglista na muna kame ng mga posibleng darating talaga sa kasal namen. Yun talagang mga taong may suportang tunay. Lol. Nakakatuwang isipin na umabot ng mga ‘doseng bus na may laman’ ang bisita. Ganoon kadaming tao pala ang makakasama namen sa kasal if ever.  I feel so flattered. haha lol

At para sa amin, medyo may kahirapan din ang  magpakasal sa malalayong lugar gaya ng Balesin. Gusto sana namen ng ganun kaso bat’ pa namen papahirapan ang mga bisita diba. Pwede naman magsaya sa malapit na lugar lang.

At yun na nga, nang makahanap na nga kame ng magandang venue, dun yun sa Intramuros, Manila. Sakto, dahil ito lang ang lugar na hindi kame naghangad ng mas malaki pang celebration. Walang beach. Walang ma-dekorasyong simbahan. Simpleng salo-salo lang na kasama ang mga kaibigan, ninong at ninang at mga supportive na pamilya at kamag anak sa isang garden.

We decided to keep our guest list to those most important to us. Pero hindi naman porket di naimbitahan eh hindi na sila importante sa amin. Ganito lang yan, kung tunay talaga nila kameng mahal na mahal at naniniwala sila sa pagmamahalan namen dalawa ni Angeline, maiintindihan nilang limitado lang ang makakasama kasi nga tunay sila sa amin.

Ngunit wala kameng nagawa nung nalaman nameng magiging crowded masyado ang lugar kung paaabutin pa namen sa maraming guest list. Intimate nalang talaga. Nagstick nalang kame sa sapat lang. Yung iba pang hindi nasama, babawi nalang kame, next time. Sa golden wedding nalang.

From the first place, plano talaga namen kung ano ang magiging itchura ng mga guest. Payak lang naman ang gusto namen eh, umuwi din silang na-enjoy ang aming wedding day. Kung ano ang perspective ng mga guest sa amin and all of the choices we make for our special day will be memorable ones. Yun lang. Wala na ring bonggang suot o attire pa.

Pinag usapan na rin namen kung ano ang status namen pagtapos ng kasal na ‘to. Ano ba ang kasunod ng commitment na ‘to? Ano sabihin ko ba? Hindi pala pu-pwede. Kung pwede ko lang sabihin sa inyo lahat ng iyon, ginawa ko na kaso di pa talaga to ang right time pero maipapangako kong sobrang saya na may halong pag iingat ang magiging journey namen pagtapos ng kasal namen. Masasabi kong panatag na ako dahil sa naging desisyon namen. At magtatrabaho ako ng husto para di makatikim ng mga mapapaklang pagkain ang mga anak ko. Magsisikap din ako ng todo hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ang mga anak ko at natupad din nila ang kanya kanya nilang pangarap sa buhay.

Sa totoo lang, nung naghahanap kame ng music band para sa wedding,  nahihirapan akong magdecline sa mga nag-offer na singer. Inaawitan kasi ako ni Morisette Amon, kakanta daw siya sa wedding ko. Sabi ko nalang “Sis, malaki masyado TF mo, si Shanti dope nalang muna ah. Marami ka namang gig ngayon eh”. Pero echos lang yun. haha

May 13, 2018 After ng prenup shoot.
Angel: Magloloko ka pa ba?
Me: Oy, Parehas din tayong nagkamali noon. Nagsumpaan na tayo. Nagbago na din ako.

Sa relasyon namen. Dumating pa nga kame sa puntong we think it’s all over, everything is finished. As in, wala na talagang patutunguhan ang relasyon namen, tipong na-reach na namen siguro yung end of the road. Ganun kalala. Sabi pa ng mga tropa, kung hindi ko kayang baguhin ang sitwasyon na kinahaharap ko  nung mga oras na yun, china-challenge ako neto na baguhin ang sarili ko, to grow beyond the unchangeable. So therefore, binago ko ang sarili ko at di ako nagpagiba, nalaman ko pa din ang tunay na kahulugan ng “Bagong simula.” Pwede pa palang magsimula muli at ayusin ang lahat, little by little. Tinuruan akong magpakumbaba sa nangyari. Tinuruan akong maging estudyante sa naging hamon ng relasyon namen. At eto na kame ngayon nakatayo.

Ngayon ko lang nalaman na malaki pala ang mundo at makahulugan ang pagibig. Hindi lang pala ang mga nakikita ko ang itinuturo neto, malawak pa talaga. At palaging may surpresang ibinibigay  pagdating sa pagmamahal.

Kasi kung babalikan ang nakaraan, ibang iba na ang mukha ng relasyon namen, nung nakaraan ilang taon, mga nagdaang buwan at ngayon. And we’re proud that we are always growing.

Palaging may bagong experiences and experiences don’t stop. Yan ang buhay namen at nyo rin. ‘Nyo ring lahat.  Alam niyo ba kung bakit naabot namen ang 10 years? Isa sa mantra ko sa buhay, kapag walang nadadagdag samen, kinakailangan magbawas. Plus or minus ba. Bawasan yung mga bagay na nagbibigay sa relasyon namen ng pagiging kumplikado katulad nalang ng pananampalataya ng iba. And syempre, malaki ang pasasalamat ko dahil di ako binitawan ni Angel sa lahat ng naging kalokohan ko noon.

Kaya sa edad namen ngayon, pinili nalang namen na busugin ang sarili namen ng mga experiences, magagandang kwentong masarap balikan at masarap pagkwentuhan pag matanda na kame imbis na magstuck kame sa kagustuhan ng iba. Just check nalang the evidence and our social media stuff. haha

June 16, 2018 Kakapili palang namen ng gown.
Angel: Mamahalin mo pa ba ako pag matanda na tayo?
Ben: Oo naman.

Isang bagay pa ang hindi ko makakalimutan na natutunan ko sa magiging kasal ko, dapat kameng mabuhay pala sa pagmamahal araw-araw. As in, everyday. It sounds Corny pero totoo. Kung nasan kame nakatira, mamahalin ko pa din siya. Kung sino man mga kasama niya, mamahalin ko pa din siya, hanggang sa tuluyan ng mabuhay talaga kame sa pagmamahal. Siguro eto na nga yung tunay na kaligayahan, at kapayapaan ng kasal na hinahanap ko. Walang hanggang pagibig, hindi lang siya ang papakasalan ko pati buong pamilya niya.

Sa wedding prep namen ni Angeline, ang saya sa tuwing nagtatalo kame sa choices namen sa mga items na binibili sa Divisoria. Sa pagpili palang ng mga materyales na gagamitin sa kasal, nakakatuwang isipin na eto na yung training process namen sa pagsasama namen habang buhay. Iba pa rin talaga ang mag DIY diskarte at mga moment na nagtatalo kame sa pagpili ng binibili. Haha Why buy when you can D.I.Y.

Natuto kameng tumawad kahit sobrang mura na ng tinda sa Divi. Haha Wala lang, gusto lang namen talaga makipagkulitan sa mga tindera sa Divisoria kasi mismong sila rin, sine-sale nila ang items na bagay na bagay sa aming magcouple. Di nakakayamot kahit madaming dalang gamit pauwi.

Tanong nga ng isang tindera samen dahil alam niyang ikakasal kame kasi bumili kame ng bowtie sa kanya, sabi niya
“Sa iyong palagay sir, ano ang pinakamahirap na tanong tungkol sa pagpapakasal at bakit?”
Iba si ate, may content magtanong.
Walang kaabog abog kong sinagot ang tanong niya,.
“Ang pinakamahirap na tanong para sa akin ay kung kailan mo ibibigay ang sukli ko, ihing ihi na ko te”
Gulat si ate eh. hahaha

Bago ako ikasal, nalaman ko na dapat baguhin ang lahat para maging maayos ang buhay mag asawa. Bawat kilos ko, hindi lang para sa akin, kundi para sa aming dalawa na. Wala ng kanya kanyang diskarte. Sa aming pag aasawa, lahat ng plano ay long-term na. Sinasabi ko ‘to di para magyabang, kundi magkaroon kame ng bagay na pinanghahawakan at para sa lahat ng makakabasa neto ay matulungan ko din sila. May problema ba tayo dun?

Maraming changes and revises sa wedding prep, kailangan talaga ahead palagi ang planning ng schedule. Katulad nalang ng nailagay namen na 4:00pm ang start ng ceremony sa mga invitations, pero kinakailangan namen gawing 3:00pm at i-annouce muli para sa allowance ng traffic at ibang pang circumstances. Panigurado naman na may ilang na hindi on-time na makakadating. Yung iba daw kasi ang iniisip kadalasan, 4:30pm palang maglalakad ang bride. Hindi po, saktong 4pm ang start ng lakad ng bride. Lately ko lang din nalaman.

‘Tas last week na-meet na rin namen ang mga kinuha nameng coordinators, maraming dapat i-fill out sa mga binibigay nilang form. Lahat ginagawa ng coordinators para maging smooth ang takbo ng wedding day. Walang stress ang groom at bride sa tulong nila. Malalaman naten yan sa mismong event kung good talaga ang services nila.

Gaya nga ng sinabi ko kanina, marami pang dapat ayusin sa wedding, minsan last minute may pahabol pa, kaya dapat maaga talaga kumilos. Ang coordinators lang talaga ang aalalay ng lahat. Sana talaga matupad. haha

Palagi din kameng tumitingin ng reviews sa mga  facebook pages ng mga kinukuha nameng suppliers. Kapag may mga bad reviews si ganito o si ganyan, hanap nalang ng iba pa, pero kapag medyo gusto namen yung kinukuhang supplier pero medyo sablay siya, ang ginagawa nalang namen, nagfocus nalang sa mga dapat ayusin sa suppplier na yun. Mahalaga na may expectations sa lahat ng kinukuhang suppliers at i-background check ng maigi. Todo kilatis.

Matagal ng natuto ang isip ko na ang babaeng papakasalan ko hindi lang sa harap ng Diyos kundi sa harap ng mga mahal namen sa buhay ay siya ring babaeng makakasama ko sa loob ng 40 years. Yah, 40 years, yun kasi ang edad na medyo fresh pa kame at malinaw pa ang mga mata namen. So, tinatanggap ko ng buong buo siya kahit na malakas din mambwisit ang asawa ko. haha Di ako dapat magpa-delude sa mga nakikita ko. Ngayon palang kinaen ko na ang katotohanan na magsasama kame  “For better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health or may facebook man o wala”.
*Oh kay sarap isipin, kasama siyang tumandaaaaa.*

Hindi kasal ang bumuo sa amin. Buo na kame bago ikasal. Hindi kame ikakasal para lang sumaya. At tapos na rin ang ‘love rat’ namen. Masasabi kong kailangan ng sampung taon para magkaroon ng isang araw na binago ang buhay namen.

Sa totoo lang, sa pagpaplano namen, we treat marriage as a formal covenant based on our emotions. Magpapakasal kame kasi ito ang tama. Magpapakasal kame kasi mahal namen ang isat isa. Wala ng kulang sa amin. 

Etong magiging kasal namen o magiging tipan, hindi lang basta ‘to kontrata, kundi isang mutual understanding na kahit mawala na ang lahat ng tao sa Pasay pati na dito sa earth, magsasama pa rin kame ni Angeline. Binuo ‘to hindi lang responsibilidad kundi tunay na emosyon at pagkakasunduan. Panghabang buhay na pagsisilbihan siya at syempre ako. Panahon na para ibigay namen ang isa’t isang sikreto. Lahat ng tinatagong sikreto.  Wala ng dapat itira pa. hahahaha Magsisi na ho. haha Wala na. Finish na.

Ano pa bang sense kung di kame magsasama ng account sa bangko.You know what, napagdesisyunan na namen pag samahin ang kalahating milyon niya at 3 milyon ko sa bangko. Hahahaha At ang matagal na matagal na naming pinapantasya na makatira sa sarili naming bahay. Sa isang bubong, oops I’m sorry, I mean sa isang roofdeck na masaya ang aming pamilya. Kilala niyo naman ako, my actions speak louder than my words. Pag sinabi ko, mangyayari lahat ng yan. 

Kaya eto na ang simula ng lahat.

Alam niyo ba, ang sarap din palang tumira sa kama ng iba. Ibig kong sabihin, sa hotel.  At dun yun magaganap sa araw ng kasal namen. Hhhmmm exciting.

Aminado naman kaming dalawa na malaki pa ang dapat ayusin sa relationship namen. Hindi namen ginamit ang kasal para maayos kame. Improvement is necessary for any relationship to thrive, diba. Marami pa kaming dapat i-workout. Nagsama kame na parang kaming sundalong parehas na galing sa gera. Alam ko naman na di porket kinasal, eh  magiging okay na lahat. Hindi maso-solve ng kasal lahat ng problema ko at niya. The truth is that not everything gets better. Imposibleng lahat ng masasama ay mawawala kapag kinasal na kame. Imposible yun.

Kung nagbabalak kayo na magpakasal sa iyong minamahal, ang masasabi ko lang senyo, tumigil ka na este magandang desisyon yan. Simula palang ng araw ng wedding prep niyo, matutunan mo nang makipag usap ng maayos hindi lang sa mga tindero at tindera kundi mismo sa taong papakasalan mo. Gaya ng nangyayari samin ngayon. Unti-unti ko na ngang natutunan i-improve yung communication skills ko, di naman ako ganito dati. Mabilis na rin ako magreply at syempre yung being calm in every moment and last, matutong magcompromise kung kinakailangan. Natuto din akong magkaroon ng lakas ng loob na imbitahan yung mga in-admire kong tao at nirerespeto kong mga naging boss bilang ninong at ninang. Nagkaroon talaga ako ng tripleng lakas ng loob.

Speaking of being calm na nabanggit ko, medyo may kulang pa dyan, hindi rin naman maiiwasan uminit ang ulo ko pagdating sa mga loko loko kong kausapin sa pamimili sa wedding materials na gagamitin, atlis isa lang ang patunay na yan na hindi ako nagpapabaya sa magiging resulta ng kasal ko kasi gusto ko talagang maging maganda ang kakalabasan ng wedding ko. Okay lang magalit paminsan minsan wag lang manira ng iba.

Naniniwala naman ako na marami ang kinasal upang umiwas lang sa problema. Change us, in english “Ibahin niyo kame” Hahaha Ang katotohanan dyan, hindi kayang i-erase ng kasal lahat ng sakit ng nakalipas sa amin at mga pagkukulang pero pwede itong maging sandata na gagamitin namin para maging matibay ang aming relasyon.  And there has been a major shift in focus from marriage therapy to marriage as therapy. Ganern yun. Self-observation lang. Yun lang yun eh. Hindi lang din ang mapapangasawa ko ang bubuo sa akin. Paano ko yan nasabi? Yung mga taong nasa paligid ko, sa kanila ako natuto tungkol sa kasal.

Sa desisyong kasalan ito, it will prepare us and make us a healthier person in the long run. Hindi kame papayag na hindi mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga magiging anak namen. Hindi kame papayag na mapunta lang sa wala ang ipapangako namen sa kasal. At hinding hindi kame papayag na hindi sumaya ang pagsasama nameng dalawa. Kaya naniniwala akong pasasalamatan kame ng future sa ginawa nameng desisyon na  ‘to. And I’m very sure about that.

Marami akong makikitang magagandang babae sa facebook at sa kalye, pero uuwi pa din akong, si Angel lang ang pinakamagandang babae para sa akin. Lasing man ako o hinde. haha Hindi ko siya ipagpapalit.

Ang sumpaan na ‘to ay pangako na habang buhay, wala ng lokohan pa. MaderPader. Ayoko ring maging sinungaling sa lahat ng sasabihin ko sa kasal. At maging sinungaling pagtapos nito dahil di ko naman nagawa at tinupad yung mga sinabi ko on our wedding day. Kailangan kong gawing equal lahat ng sinasabi ko at ginagawa ko. Inalam at pinag-aralan na muna namen ng husto ang dapat ayusin sa sarili namen before she walks down the aisle.

Magkakamali at magkakamali pa rin naman ako pero alam ko na ang tama at mali. Ganun lang yun.

The hard thing about hard things in marriage na papasukin namen is walang perpektong wedding. Wala ring perpektong marriage. Kasi wala namang perpektong tao. 

Sa tagal ba naman nameng nagsama, sa pag aaway namen lagi, hindi pa ba kame mai-inlove sa isat isa. Duh!?  Mai-inlove ka din sa partner mo kung palagi kayong nagkukulitan at nag aasaran diba halos maya’t maya. Halos everyday ganun kame. And it is a journey through romance, power struggle, cooperation, mutuality and co-creativity. Yan ay base sa natutunan ko sa wedding seminar.  Yeeeesss. Saka mas lalo kong minahal si Angel sa pagiging selosa niyan.

Sa magiging pagsasama namen dalawa, willing kameng mag adjust para tumatag ang kasalan na ‘to. Mag-adapt na rin sa mga changes na paparating.  At itong blog ko na din ang babalikan ko kung paano kame nagsimula sa kasalan. Our incompleteness and differences give iron to its roughness, its sharpening power ikanga.

Tunay na suporta, pagiging tapat, lumayo sa mali, tuloy tuloy na komunikasyon, pagbibigayan, pagiging malapit sa isat isa, takot sa Diyos at tunay na pagmamahalan. Ito ang malalim at tunay na kahulugan na dapat dagdagan sa intimacy ng pagmamahalan namen. Wala namang perpektong relasyon, atlis tina-try pa din namen na mapunta kame sa maayos. Diba.!

Masaya na ako na mayroon kameng parehas na goals na gustong tahakin. Ipapangako ko ang singsing na magiging simbolo na kasama ko siya sa pagtupad ko sa malalaki kong dreams. And I will act bigger on that.

Additionally, sa paghahanda namin sa kasal, natutunan ko din pala na dapat hindi kame padalos dalos sa paggastos o pagbili. Naging maingat kame every details. Dapat pasensyoso ka sa mga kausap mo sa kasal. Pati na rin sa kukuning videographer at photographer. Iwasan niyong magkasamaan ng loob sa bawat expectations na gustong mangyari. Medyo nagkaroon ako ng konting heartache dito. Kaya ang payo ko, iwasan kumuha ng mga supplier na basta maikasal lang kayo pero di naman maganda yung services nila. Kung sa una palang, magulo na kausap at iba na ang kutob mo sa kinuha mo, magdalawang isip na.

Nangyari samen yun.

Nagkalat sa buong internet ang mga tips, advice, pros and cons sa wedding preparation. Wag maging tamad. Pag-aralan.

Isa pa sa natutunan ko na mahirap makipagbusiness deal sa isang kaibigan, may kanya kanya tayong expectations na dapat ma-meet. Pag di kayo nag magkasundo sa usapan niyo. Paktay.

Wag din kukuha ng supplier na hindi kasama ang jowawits. Wag magdesisyon mag isa. Proven and tested ko yan.

Kaya, nung may nakuha na kameng supplier pero may hindi pa napagkakasunduan sa usapan ng magiging takbo ng aming wedding. Yung totally magulo pa na parang gusto mo ng bumigay dahil lang sa magulong kausap namen sa simula palang. Wala na akong nagawa kundi magpahinga nalang muna. Nagtry nalang akong i-shift yung focus ko. Nag-isip kung paano ko nalang mapapasaya ang wedding. Kumapit nalang ako sa isip ko imbis na sa emosyon, ang isip naten  it can bring us down or lift us up at a moment’s notice. Meron kasing ibang nagnenegosyo, basta lang makabenta, wala ng pake sa customer at output ng trabaho. Mag ingat.

Itinuon ko nalang sa magandang result ang utak ko in general. Ang sukatan para sa kin ay kung paano ako nag isip, dun ako mababago eh. Sinabi ko nalang sa sarili ko na “lahat ng nangyayari ngayon(ngayong preparation) ay daan para mas maging maayos ang wedding”. It’s all about thinking better for wedding so we can ultimately start to live better.

Ang magiging kasal namen ay pwedeng maging oportunidad  para umunlad kameng dalawa, at inaaako namen ng buo iyon. Para sa personal growth na rin namen ni Angel.

And finally, tanggap ko na di ako nag e-expect na palaging bwenas sa pagsasama namen, na palaging may araw at palaging may rosas lalo na pagtapos ng kasal. Darating at darating ang matinding bagyo. Tag-alat at tagmalas. Maximum awayan. Magiging matagumpay lang ang kasal namen kung handa kameng tanggapin ng buong buo lahat ng pwedeng mawala at masira. Maaaring kailangan igive-up ang carefree lifestyle at pasukin ang bagong limits. This is means unexpected inconveniences. At sa tingin ko, ang lahat ng matagumpay na marriage is patiently works to face the challenge.

Lahat ng ‘to madaling sabihin, at madaling isulat. Pero mahirap panindigan. At ayokong maging gago.

Minsan darating kame sa pagsasama na nasa baba kame minsan naman nasa taas, parang roller coaster ba. Eh sino ba naman ang ayaw ng roller coaster diba. Gusto namen yun.

Masaya na ako na uuwi ako sa sarili naming bahay kasama ng napangasawa ko. Puso naman ang gagamitin ko ngayon. Pipilitin kong magbigay pa ako ng doble dobleng ligaya sa magiging asawa ko. Pinapangako ko yan. Marami kameng expectations sa married life namen at ako mismo ang magiging lider para matupad isa-isa lahat ng iyon. Meron na akong tatlong bagay na binitawan para sa magiging buhay mag asawa nameng dalawa. Medyo madami dami din yun kung mamatamisin. No more time na for catching feelings. Haha At alam ko, maganda ang magiging trade off nito para saken at sa magiging anak namen.

July 20, 2018
Angel: Tuparin mo lahat ng pinangako mo, ilayo mo na kame dito.
Me: Opo, love. (Kiss sa forehead)

Sa pagmamahalan nameng dalawa, mas natuto pa akong mahalin ang sarili ko. Alam kong gwapo ako pero ibang iba ‘to. Haha Hindi ko maibibigay ang pagmamahal na hinihingi saken ng mapapangasawa ko kung hindi ko kayang mahalin ang sarili ko. Malaki pa ang part sa buhay ko na dapat pang gamutin. Malugod kong tinatanggap yan.

Sa mga minahal ko noon, naks taray, pero honestly natutunan ko sa lahat. As in lahat, na ang pag ibig pala marami pang ituturo yan. Ganyan yan. Ganyan siya haha. Tuturuan at tuturuan niya tayo palagi. At mabubuhay naman ako sa pagmamahal kahit na joker  akong tao. May natitira pa naman love sa ganung ugali. Lol Dahil alam kong walang katapusan ang tunay na pag ibig. Para siyang alak na malalaman mo lang ang tama kung iinom ka. Ano nga ba ang pagibig? Hindi ko rin alam. Alam kong alive na alive siya. At palagi siyang nariyan. Ang pag ibig ay masaya. Yun na yun. Hindi pa rin mawawala ang naglalagablab na pagnanasa ko sa pag ibig lalo na sa taong mahal ko. Para bang bote ng alak na humahalik sa aking labi.

Magsasama na kame sa i-isang laman. Parang pinagdikit na barbecue, ganun. Ang mainit na pagmamahalan, maligamgam na pagsasama at sing lamig ng pagkakasunduan ay isang katangian ng masarap na kape. Maaaring mabawasan ang amount ng kape o madagdagan pero at the end of the day, isa pa rin siyang masarap na masarap na kape and iiiiiiii thank youuuuuu.

Anuman ang mangyari. Anuman ang kahihinatnan neto. Maging sino man siya. Mahal na mahal ko si Angeline. Pangako ko yan. Siya ang aking aguhon at guro. Wala na akong pake kung gaano kahirap ang magsama. Mas mahirap para saken ang mapalayo sa kanya. Sa kasal ko, gusto kong makilala niya ang iba pang kaibigan ko ng lubos. Dahil siya ang pinakaimportanteng taong nakilala ko. Hinding hindi mananakaw ng iba ang pagmamahal ko sa kanya.

Di ko maipaliwanag yung excitement na nararamdaman ko sa mga oras na to. Pinaghalo halong pagka-excite dahil di ko alam ang mismong design ng wedding gown ni angeline, may halong kaba, baka di ako makapagsalita at mautal ng tuluyan, may halong saya dahil makikita ng marami ang paglalakad ni angeline sa dambana. Gusto ko ng makita yung style ng gown ni Angel at siya rin mismo na suot-suot iyon. During kasi ng pamimili namen ng gown at attire ko, sabi niya, wag ko daw siyang tignan. Dapat di ko daw makita yung gown niya. Mag ikot ikot muna daw ako sa ibang mall. Maarte din eh.

Sa ngayon, di ko alam ang magiging kalagayan ko kapag papunta na siya sa akin para mag “I Do.” Medyo kinikilig na ako ngayon, iniisip ko palang. haha

Ibang level pala to. Magkakaroon talaga ng special factor ang bawat eksena sa imagination ko palang. Iba pa rin pala talaga na mangangako kame ng tunay ng pagmamahal sa harap ng maraming tao.

Isa din sa aabangan ng mga bisita yung pagpasok namen sa Reception. Well, galing din naman kame dun sa place na yun kasi dun din yung ceremony. Siguro ang masasabi ko, abangan niyo nalang yung entrada namen. Bahala na. lol

Papaghandaan ko pa ng husto yung first dance namen. Hindi naman nahirapan saken si Teacher georchelle sa pagturo ng mga steps. Di naman kailangan daw na hataw ang sayaw e. lol Basta ibang iba ang iooffer ko ngayon sa stage. haha Ang mahalaga gumagalaw kame sa tuwa. We shout for joy, sing his graces lift my voice unto the Lord.

Ngayon palang masasabi ko na na masaya to. Itong event na to.

Ay wait, Nagchat ako kay Goldilocks, meron siyang pinapa-add. Kasama pala sa event yung paghihiwa ng wedding cake na simbolo ng fertility para dumami pa daw ang magiging supling namen ni angeline. Kame ni angel unang maghahati ng cake bilang sign ng mahabang pagsasama daw. Tapos saka hihiwain ito para sa mga guests. Syempre di naman nakakatuwa yun  kung maunang kumain ng cake ang guests, sa dami ba naman ng pumunta baka wala nang matitira sa bagong kasal. Bumili nalang sana kame ng pulboron kung ganun. Haha Ang totoo nyan, ang mag-asawa talaga ang unang maghahati sa cake na simbulo ng  sweetness  ng pagsasama at saka ise-share ang blessings sa mga taong malapit sa mag-asawa. SABEEEEEH.

Ito’y sang selebrayon na mapupuno ng saya at ligaya. Kasama ang aming baby.

At magkita kita nalang po tayo sa August 31 para makisaksi, magsaya at magparty. Pagsaluhan ang tagumpay ng magkasintahan naa naging matibay sa bawat hamon ng buhay.



Sunday, April 1, 2018

SARI SARI STORIES KO THIS EASTER

Walang kinalaman ang picture. Nilagay ko lang. hahaha

Ako po'y nakiisa sa paggunita sa pagkamatay ni Hesukristo. Pati na rin sa paggunit ng mga itlog. Oops, Egg-cuse me. Baka nakakalimutan niyo. Easter sunday po ngayon. Alam ko, baka nag-egg hunting kayo. Wag naman itlog ng ibang tao. Please.

Matagal po akong nawala sa pagsusulat. Sorry po. Biktima lang po ako ng mga kumakalat na fake news. haha Pastilan talaga. Matagal-tagal ko na din ipinagpahinga pansamantala ‘tong blog ko. Tinupad ko lang kasi saglit ang mga malalaking tungkulin ko na dapat kong gampanan. Humigit kumulang anim na buwan din simula ng mawalay ako sa huling mabigat na content na ginawa ko sa blog ko. Whaaat? Mabigat! Mahirap intindihan ang mga nangyari saken, pero mas mahirap pang intindihin ang mga bagong barya ng ating bansa. Kalurkey. Ngunit sa mahabang panahon na iyon(yung di ko pagsusulat), hindi lang ako natulog, tumunganga, nagwalang bahala at naghintay kundi nagsusulat pa din naman ako, sa notebook nga lang.

Pero kung di kayo kumbinsido sa mga sinasabi ko, kukumbinsihin ko naman kayong maniwala sa ipinagtataka ko ngayon, tumaas ang stats ng bilang ng mga taong nagbabasa ng blog ko. Wow. Yawa. haha Ang noo’y halos sampu lang ata ang bumibista sa blog ko, di kayo maniniwalang umabot na siya ngayon sa 357 ang readers. Mantakin mo yun.  Ang dame nun’ para sa akin. Para pala ‘tong investment na basta maglagay ka at magtanim ka lang, lumalago siya siguro depende sa tinanim mo, atleast kahit paano, may mahihita kang balik o tubo. Minsan kapag bwenas, ang lalabas ay doble pa. Kaya ang saya saya ko ngayon. Hindi matawaran ang saya sa aking labi at mas lalo pa akong ginanahan magsulat dahil alam kong may mga taong akong natutulungan, hindi man ganun kadami kundi mayroon pa din akong naibabahagi sa kanila. Nakakatuwang malaman na may mga tao akong nabigyan ng Mabuting Balita. At sana natanggap nila iyon at ipasa sa susunod na henerasyon. hehehe

Nakapagsulat ulit ako. Salamat talaga, lalo na sa mga taong nangangamusta palagi kung nagsusulat pa ba ako. Salamat sa mga taong nagtiwala na may mararating ang mga inuubusan ko ng oras sa harap ng computer. Salamat sa mga taong nakasuporta sa landas na gusto kong lakaran. Mga putang ina niyo. Inspirasyon ko din po kayo. Promise. Pasensya na dahil hindi ako nagtuloy tuloy sa pagsusulat nitong mga nagdaang mga buwan, sorry sa aking katamaran talaga. At ngayon may pumukaw sa aking atensyon at ginising ang natutulog kong brain. Biglang sumagi sa aking isipan ang mga tanong na,

“Minsan ba namulat ka sa mga maling kagawian na ngayon mo lang nalaman?” Ganyan na ganyan mismo ang tanong saken ni Tito Boy este na nabuo saken ngayong Semana Santa habang ako’y maghapong nakatulala sa kawalan at iniisip kung saan nga ba talaga ako nagkulang sa panonood ng “Ang Probinsyano”. At syempre sa tanong na iyon, agad ko namang sinagot na

“Meron naman.”

Sumunod na sinabi ko sa sarili ko,

“Eh wala naman akong choice diba kundi magmoving forward kung nagkamali man ako.” Alam ko naman kasi ang pinupunto ng konsensya ko, ayoko nalang banggitin lahat ng iyon baka maging malungkot lahat tayo. At sa mahaba kong pagpapahinga ngayong Mahal na Araw, marami akong binalikan, hindi si ex. Sa loob ng tatlong araw, binalikan ko lahat ng blog post ko dito. Binalikan ko lahat ng sulat ko sa journal. May nilagay naman akong lagda dun sa kwaderno ko, may marka ang araw na may kinaharap akong mabigat na problema. Kaya iilan lang  ang mga pahina sa notebook ko ng mga dapat kong balikan.

Ilan to sa mga natutunan ko.

1. Parte ng kwento ko ang di ko nakukuha lahat ng gusto ko.

Nung kailan lang, naghahanap ako ng adobo. Pag uwi na pag uwi ko sa trabaho, itinambol kagad ng tiyan  ko ang tunog na ‘Dug gug adobo adobo”. Kaso nga lang, nung nasa karinderya na ako, biglang sumagi sa aking isipan na bawal nga pala ako sa toyo. Masama sa kalusugan ko ang toyo dahil siguro may toyo na ako. Hahaha Minsan berry very labo ng gusto ko.

Ang hirap intindihin ng caption ko diba.  Akshuli ganito yan. Tinanggap ko na ang realidad na  di lahat ng tao na madadaanan ko sa street namen papuntang trabaho ko, hindi ko sila makikilala lahat. Ang gulo pa din diba. Pero natural naman diba. Di rin lahat ng oras maibibigay sa akin hanggang sa huling hininga ko. Sa madaling salita, di lahat makukuha ko dito sa mundong ibabaw at kasama yun sa buong libro ko. Sa pagkakaintindi ko, kapag di ko pa kasi nakukuha ang isang bagay, or palpak pa din  talaga ako sa kung ano man ang hinahangad ko. Ang iniisip ko nalang na may something pa na ruta akong dapat dadaanan. Senyales lang ‘to na dapat may baguhin pa ako sa sarili ko. May aayusin pa ako. May i-improve pa ako. May re-remedyuhan pa ako. Pero lahat, maging kulang man o sablay, eto pa rin ang bubuo sa akin. Parte pa din ng laro ko to.

2. Kapag di tugma ang kinikilos ko ayon sa sarili ko, nawawalan lang talaga ako ng pagpapahalaga sa sarili at di ako nagiging totoo sa sarili ko.

Di ko maipilit ang sarili ko sa bagay na di ko talaga makita ang sarili ko dun. Tulad nalang ng “Paglalaba”. Pakshet talaga, sinubukan ko palagi kahit sa mga underwear ko lang, pero di ko talaga magawa. Tengene. Nalulungkot ako sa tuwing ginagawa ko yun. Moira pasoooookk. Kung sa ibang aspeto naman natin gagamitin para naman manalo ako sa usapang ito.

Napakadali lang pala. Kung gusto kong pagkatiwalaan ako ng ibang tao, magpakita  din ako ng tiwala sa iba. Vice-versa na akma sa ikinikilos at ipinapakita ko sa iba.

Minsan di ko namamalayan na di na ako totoo sa sarili ko. Totoo yan. That’s true. Pero alam kong mababago naman to, kaya ko namang baguhin ang perpektibo ko sa lahat ng bagay na tutugma naman sa ikinikilos ko, mababago naman talaga ang lahat. Hindi madali ‘to pero posible naman diba.

May ibang matutuwa sa asta ko, at may iba naman na hindi maniniwala sa ginagawa ko, pero sigurado ako na meron pa rin taong maniniwala, magbibigay ng respeto, makaka-appreciate kung ano ang ipinapakita kong kulay sa kanila. Kasing kulay ng “malachite”, mahirap i-pronounce pero yun na yun.

Kung lagi ko lang tinatago ang lahat ng totoo kong nararamdaman sa ibang tao, ang kahihinatnan lang niyan ay patuloy akong magiging sinungaling sa sarili ko.

3. Ako ba’y para sa lahat o para sa wala lang.
Oras-oras napapaisip ako kung may kwenta ba talaga ako sa mundong to eh. Hahaha in the same way act normal pa din at saka ko lang napagtanto na meron pala akong naitutulong sa iba a little bit. Iniisip ko kasi minsan kung kagaya lang din ako ng iba na sumusunod sa hype lang. Sunod sa trend. Kaya nung nakikita ko ang pamilya ko, mga kaibigan kong nakapaligid sa akin at mga plano ko sa buhay. Totoo nga, may kwenta pala ako hahahaha. Natutunan ko na kung gusto kong magkaroon ng saysay sa mundong to, matuto lang pala akong tumanaw ng may kabuluhang gawain para sa lahat. Obvious naman diba. Para ‘to sa mga taong may katuturan kausap. Para ‘to sa mga taong mahahalaga. Para ‘to sa mga taong parehas kame ng desires sa buhay. Parehas kame ng misyong tinutupad.

4. Kung ano ang pinaniniwalaan ko sa sarili ko, yung ang magdidikta sa lahat ng sasabihin ko. Lahat ng dinidikta ko, yun ang pinaniniwalaan ko sa sarili ko. Binaliktad ko lang.

Nitong Marso, lagi kong iniisip na kaya kong magpatawa. Siguro palagi ko lang talagang ine-entertain sa lahat ng social media yung mga video na nakakatawa. ‘Tas naisip ko na pwede ko din i-apply sa trabaho at sa girlfriend ko yun. Sa tuwing nakakakita ako ng malungkot, wala akong trip kundi pagtripan din sila, yun siguro yun way ko para makapagpasaya. Hahahha oh sorry. Basta ang lahat ng nakikita ko nakakatawa, nagiging masaya na din.

Palagi kong isinisigaw na may mararating ako sa lahat ng ginagawa ko. At alam kong mangyayari yun isang araw. Gaya nitong sinusulat ko. Di man ganun ka-sikat o kilala ng iba, atleast kahit paano may substance. May kapupulutan. Palagi ko rin pinahahalagahan lahat ng bagay na meron ako, kaya siguro hindi nawawala basta basta lahat ng meron ako ngayon.

Alam naman natin na kung ano ang palagi nating sinisigaw, yun tayo.

Kung ikay nalilito at di mo pala alam ang gagawin mo. Di pa huli ang lahat. Posible mo pa din baguhin din ang isip mo at mabago din lahat ng mga pinuputak ng bibig mo. Oo ikaw na nagbabasa nito. Pwede nating baguhin ang mga salitang “hindi ko kaya, mamaya nalang, saka ko nalang gagawin, ok na yan, pwede na yan, nakakatakot kasi gawin yan e”. At palitan mo naman yan ng mga salitang “Kayang kaya ko yan, sisiw lang sakin yan, magagawa ko yan, kaya kong tapusin lahat ng yan”. Isa lang yang halimbawa, marami pa.

Yan ang natutunan ko, isa akong computer na dapat kong i-program ang sarili ko sa tama para tama ang lumabas sa printer.

Basta kung ano man ang tinatanim ko sa kokote ko, ang nangyayari, tinuturuan ko lang lagi ang isip ko maniwala sa minindset ko. Ganun po yun.

5. Di ko pala kailangan kontrolin ang nararamdaman ko palagi, ang mahalaga lang pala kung paano ako magreact sa nangyayari.

Pagpinigilan ko ang nararamdaman ko, para ko naring pinigilan ang pagtae at pag ihi ko. Para ko na ring pinigilan ang ulan, pinigilan ang pagbagsak ng stock market, pinigilan ang kasamaan. Dahil di ko naman talaga kayang gawin yun.

Hinayaan ko lang mangyari ang lahat.

Alam ko naman kasing lilipas din yan at hinawakan ko nalang ang mga bagay na kaya ko lang kontrolin at baguhin.

Pag imposible na. Tigil na.

Pero sa lahat ng taong nega, lahat imposible kaya wag tayong makinig sa kanila.

Kung ibabalik ko ang buhay ko 6 years ago bago pa ako magtrabaho. Di ko talaga kayang i-predict kung bakit nandito ako ngayon sa kinalalagyan ko. Walang makakapagsabi talaga. Hinayaan ko lang na nasasaktan ako paminsan minsan kahit di ko gusto. Pero ano ba ang naging responds ko, tinanggap ko ng malugod lahat ng ‘to, at unti unti ko namang nakukuha ang gusto ko.

Noon di ko trip magbasa ng libro, ngayon ang dame ko ng nababasang libro sa loob lang ng dalawang linggo. Kaya siguro ako nakakapagsulat ngayon. Binago ko kasi ang mindset ko sa isang bagay kaya ko nagawa yun.

6.  Magkakamali at magkakamali pa rin ako.
Ganun talaga ang buhay e. Wag na tayong malungkot. Wag tayong mabalisa sa katotohanan. Whether you like it or you like it. Magkakamali pa rin tayo sa susunod. Kaya balik na sa trabaho. Ganun talaga ang buhay.

Ang buhay ay punong puno ng pagdurusa. Jizz-sauce. Pero masaya naman diba. Minsan makakatanggap tayo ng sampal, tadyak, suntok, kotong ng tadhana at sa dami ng mga hangarin naten, malamang  maaari tayong bumitaw kapag di na naten talaga kaya. Hindi natin alam diba. Ngunit ganunpaman, idinirecho lang naten lahat. Ipinagpatuloy lang naten lahat. Kung kaya mong i-handle ang mahirap na buhay. Panalo ka na dun. Ako kaya ko eh.

7. Nagshort ba ako sa short-term goals?
Sa totoo lang, sa mga plano ko sa hinaharap, wala pa akong ka-ide ideya. haha Magulo pa kung tutuuisin, di ko pa maaninag kung ano ang magiging resulta ng lahat sa dulo, hahaha pero lahat ng surpresang dumadating sa akin, buong buo ko namang tinatanggap. Yung maliliit na bagay na ginagawa ko, alam kong lalaki din to.

Maaaring magkaparehas tayo ng gusto in the future. Oo ikaw. Syempre parehas tayong magsisikap para mangyari lahat ng iyon, pero ang hulaan ang di pa dumadating at hindi naman tayo kumikilos sa mga maliliit na plano, para sa akin, parang walang dating yun.

Kung ako tatanungin kasi, san man lugar, isang malubhang sakit kapag alam mo na lahat. Tama diba? Kapag ganun ka mag isip. Mapupunta ka lang sa wala.

Ang katotohanan, wala ka pa talagang alam. Ang mahalaga ngayon ay may faith ka sa sarili mo at naniniwala ka na magtatagumpay ka sa lahat ng hadlang at balakid na kakaharapin mo. Yun na yun.  Kagaya mo rin ako.

8. San ba ako nakafocus?

Kapag nakapili ka na ng gusto mong gawin dito sa earth, gawin mo na kagad yun.

Tulad ngayon, alam ko sa sarili ko na madami akong dapat gawin, pero no choice ako kundi pumili lang ng isa na nakalapag sa lamesa. Ang inihaing dish.

At maraming paraan para makamit ko mga mithiin ko sa buhay at walang may pake kung paano ko gagawin yun.
Ang sinusukat dito ay ang purpose ko dito sa mundo. Ang formula ko, kapag nasukat ko na, ie-execute ko na kagad. Alam yan ng iba na nakakakilala sa akin.

So, alam mo na, ayan na, trabaho na. Dream big.

9. Bakit libre lang magbigay ng payo sa blog ko?
Kapag may nalaman akong kaalaman para sa iba. Shineshare ko kagad lalo na sa mga taong deserved ng payo. Kapag may nalaman akong stratehiya, kinukwento ko ng libre. Di ako nagpapabayad. Sa simpleng bagay lang.

Kasi ganun naman talaga eh, walang sikreto dito sa mundo. Lahat tayo nakahubad na. Hindi naman mananakaw ang kaalaman at talento na mayroon tayo. Maaaring si Henry Sy at Lucio Tan hindi nagbibigay ng libreng advice pero sino ba nakakaalam na kaya lahat gawin ng pera nila. Ang reality dito, wag nating gawin lahat para sa pera dahil di kayang gawin lahat ng pera. Kung kumikilos ka lang para sa pera, mawawalan ka lang.

Imbes na tago tayo ng tago ng sikreto para lang sarili lang natin ang makinabang na naniniwala tayong sarili lang ang mahusay para sa atin, Mali yan besh. alalahanin mo na walang taong self made millionaire, may mga taong nag-encourage sa kanila, nag invest sa kanila para marating  nila ang kinalalagyan nila ngayon. Oo, silang mga mayayaman na lumuluhod sa salapi sabi ni Robin Padilla.

Kung kaya mong masolve ang problema ng iba at pati na rin ng sarili mo. Edi maganda. Siguro’y iniisip mo na dapat magtira  naman ako ng kahit konti para sa sarili ko, Well  ganun din naman talaga eh, lahat ng naabot ko, o naakyat ko sa pag akyat sa hagdan, ibabato ko rin yun sa mga susunod pang gustong umakyat para makaakyat din sila. Help people and go beyond their expectations. Ang buong puso ko at kaluluwa ang chinecheck palagi. Laging mayroon akong maiooffer dito sa mundo. Ikaw din. Give away your purpose.  Walang kwenta ang kaalaman kung di nakikita o nagagamit din ng iba.

10. Kapag tinatakbuhan ko lang, lalo lang akong di nakakaalis.
Kapag iniiip kong wag isipin yun, mukha lang akong tanga, at iisipin ko din yun.

Kapag ang isip ko nakatuon sa mga bagay na ayaw ko, mapu-pwersa lang ako na isipin yun.

Kaya simple lang ang aral sa akin, tanggalin ko sa isipan ko ang ayaw ko, harapin ang dapat harapin. Ilaan ko ang natitira kong enerhiya para sa dapat kong isolve.

Pag tinakbuhan ko ang mga bagay na kailangan kong harapin, hindi ako mananalo sa karerang ‘to. Focus on creating something positive.



Balik trabaho na sa trabaho bukas.