Alam niyo guysst, walang araw talaga na hindi ko iniisip ang aking anak habang nagbe-beauty-rest siya sa abdomen ng Nanay niya ngayon. In fact, maniwala kayo o hinde, kahit sa bus kunyare akong nagpapraktis na may dalang bata. haha Sorry. Marahil magiging first-time dad kaya ganito siguro ang feeling ko.
Swear, wala akong sasabihin ngayon na comedy kasi nung
sinusulat ko ‘to, maluha-luha talaga ako. haha I got all misty eyed. Para akong
nanonood ng “The Notebook” mag-isa at biglang naging writer ng rom-com na movie.
May gusto lang akong sabihin sa’yo, baby.
“Nais ko lamang
ipabatid sa’yo na sumusulat at dino-dukomento ng tatay mo ang lahat ng
mahahalagang pangyayari sa buhay niya. At involved ka dun, baby.
Ngayon, alam mo na
Anak na may pagka-sentimental ang daddy mo. Minsan senti, minsan nasa mental. DeJoke.
Sa katunayan nga
niyan, ilang buwan ka palang sa tummy ng Ina mo, and there's so many words I
want to tell you, but the main priority get in my way. Kaya, ilang araw kong inipon
lahat ng ‘to bago ko gawing libro.
Dati palang, sinulatan
na kaya kita, ‘nung inoperahan ako sa bandang baba sa parte ng maselang bahagi ng
katawan ko. Eto pa nga ang link oh:
Pangungunahan ko na. Lahat
ng mabubuong mga salita, sandamukal na payo at pangako para sa’yo, pinag-isipan
ko ‘to ng maigi, buong puso kong inunawa ang history ng ating tribo. Binasa ko
muli ang nilagda ko nung mga nakaraang araw sa aking kwaderno. Lahat ng sulat
ko na ‘yun, damang-dama ko lahat ng mga istorya at scenario kahit di ko alam
ang pinagmulan gaya nung DJ na si Raquiterra. Kaya ngayon, natabunan na ang
kalungkutan ko. And now I say goodbye to the old me, it's already gone.
Ang masasabi ko lang.
Sulitin mo na Anak ang payapang buhay diyan sa loob ng stomach ng Nanay
mo. Dahil pinaghahandaan na namen ni wifey ang pagpasok mo sa magulong mundo na
‘to. haha Di kame illegal recruiter o grupo ng sindikato. Oh baka kinabahan ka
na kagad. Relax, malalaman mo din, ang reality sa earth, once you accept that
in your heart, you will know peace, baby. (Ang deep, diba) Oo, promise. Saka di
ka naman namen pababayaan eh. Don’t cha worry. Matutuklasan mo din yan in the
near future.
So, ready ka na ba?
Kame, handang handa na
rin, ready na din sa first sleepless
nights with you.
Before anything else
bugoy, after a season of struggle and push backs. After the heartache of preparation in
wedding, humingi muna ako ng tapang bago ko gawin ang lahat ng ‘to. Nilabanan
ko muna lahat ng takot ko. Pagkatapos kasi ng malaking event namen ng asawa ko(nanay
mo) saka palang ako nakahinga ng maluwag. At kasama ka dun sa okasyon na ‘yun.
Pinag-isipan namen ng
todo-todo ng mommy mo ang malaking obligasyon na gagampanan namen sa’yo bago ka
namen binuo. At ibang saya ang
naramdaman ko ‘nung nabalitaan kong dalawa na talaga ang anghel ko. Hihi Yung
makita kong dalawang kulay-pulang guhit sa pregnancy test niya. Biglang nagliwanag ang buong paligid ko ‘nung
mga oras na yun. Tila baga nasa isang parke ako at nagpuputukan sa surroundings
ko ang iba’t ibang makukulay na mga fireworks. Ganern. Ito na ata ang
pinakamagandang balitang natanggap ko sa tanan ng buhay ko, ang simula ng pagdadalang-tao
ng Nanay mo. Sure ako sa paglabas mo, mas cute ka pa kesa sa tawa ni Kyla. Yeah, 100%
yan.
May gusto akong
ibulgar, baby.
Tunay kong name is
Eggsy. Wag ka sanang mabibigla. Isa akong magaling at sikat na secret agent. Tagal kong tinago ‘to. Malumanay kong
sasabihin sa’yo na isa akong “Kingsman”. Trabaho kong iligtas ang sangkatauhan. hahaha
Hindi.
April 2018, ang
naaalala ko nung mga sandaling iyon. Nagtext saken ang nanay mo. Kaen daw kame
kamo sa labas. Ang tanong ko naman sa kanya “Saan tayo kakaen?” Ang sagot niya saken
“Sa masarap, sa masarap na masarap”. Ang
reply ko “Mahaaaaal, sa payday nalang, marupok ako loveshie”. haha
Walang kaabog-abog
niyang tinapos ang usapan sa salitang “Leche ka”. haha
At makaraan ang ilang
minuto.
Dinala ko nalang ang
mga paa ko sa lugar na gusto niyang puntahan. Nauna pa nga ko sa tagpuan. Ang
tagal niyang dumating as in, tapos nung pagdating niya, pinagyayabang niya pa
na 8minutes lang naman daw siya na-late. Wow. (Nakatulog na nga ako sa sobrang
tagal paano mo nasabing mabilis.) Tapos ayun, sabi niya sa masarap daw kame
pumunta. Kaya ‘nung nandun na kame sa venue,
ang naging ganap, pormal lang, jibi-jibi lang, kaon at lapang, kwentuhan kame,
chismisan ‘tas bigla niyang inilabas ang tira-tirang pagkaen sa mga fastfood
este bigla niyang inilabas ang isang teketa na may nakalitaw na dalawang guhit. Sinabi niya na
“Eto na talaga ‘to, Lauv”. Sabi ko, “Lauv, bat ka naglalabas ng condom? Wag
dito” sabi niya naman. “Gago.” Pagtapos nun, nagseryoso na ako. Huling tanong ko,
“Ano nga?” Ang tugon niya, “Buntis na talaga ako, je”.
Ang mukha ko ay
parang……
Whooooooah! Di ko
maipaliwanag.
Jesus Christ.
Di ko mailabas ang
buong nararamdaman ko ‘nun sa resto na yun kasi maraming tao sa bandang likuran
namen. Gusto kong magsi-sisigaw sa galak. Gusto kong magta-tatalon sa tuwa.
Gusto kong magpost sa facebook kagad kaso pinigilan ko muna ang sarili ko. Naisip
ko na may una muna akong taong dapat pagsabihan.
Na-shock talaga ako ng
matindi sa balita ni Angel(nanay mo). Patuyan
lang yan na hindi talaga ako baog. haha
And next, nagpacheck-up
na kame agad sa doctor. Kinumpirma na namen ng husto ang kalagayan mo(baby) sa
loob.
Ang resulta: aaaaand BOOM!
Positive. Tatlo na talaga tayo. May bago na kameng recruit.
To put it in another
way, inisip ko na ng maigi ang dapat kong gampanan para sa ‘yo. Alam ko na mayroon
akong walang hanggang tungkulin para sa’yo, Anak.
Naalala ko. May isa pa
nga akong ginawa, dati palang-pala, pine-predict ko na ang mga mangyayari sa ‘yo,
preparado talaga ako ng husto, Anak, eto
ang patunay oh.
Sa katunayan niyan,
bago ako pumasok sa trabaho at bago kame matulog ng aking maybahay, lagi kitang
iniisip. Lagi kitang hinahawakan at hinihimas on the outer side. Obvious naman
siguro na excited lang kameng makita ka.
Alam mo bang nilaban
ko lahat para sa ‘yo kahit may kulang pa sa akin. Isinugal ko muna ang mga
ibang trabaho ko, at pinag isipan ko ng maigi lahat ng kakaharapin nateng tatlo
at may kaakibat itong saya.
Sa tuwing nagsasama
kame ng nanay mo, I mean tayo pala. Tanging ang mga hubog or malaking size ng kanyang
tiyan ang patunay na may isisilang na magandang bata. Litaw naman kasi na
blooming ang Nanay mo. Hindi pumaget nanay mo to the maximum level, seryoso!
haha
Nung tiny dot ka pa
nga lang at that stage, minahal na kita and I already felt a connection with you. I fell in love
with you simula ng nalaman nameng dalawa na, totoong-totoo na talaga ang lahat.
Mas nadadagdagan pa ang pagibig namen sa ‘yo habang papalapit ang kabuwanan or
due date niya. Ikaw ang pinakamalusog na
kumbinasyon ng Egg cells ni Mama mo and Sperm cells ko. haha Nagsanib pwersa
sila. Masyadong na-blessed yung reproductive organs ng Nanay mo kaya ang gwapo
mo sa 4d ultrasound palang.
Marahil kapag
nakakapagbasa ka na, tanong mo saken kung ‘bat ko ginagawa sayo ‘to. ‘Tong blog
na to. (Baket may magagawa ka ba? Gusto mong sumawig mga plano ko?) hahaha
Hinde. Ang gusto ko lang naman iparating, hanggat kaya ko, sasabihin ko na sa
mga taong importante saken kung gaano ko sila ka-mahal. Ganun kita ka-mahal, Anak.
I love you so much baby. Kinilig ka?
Mahalaga ang bawat
pagbabago sa katawan ng Ina mong pregnante.
Ngayon 32-weeks belly na si Mommy mo, isa kang regalo from God, chosen
for us. Buti nalang di mahirap ang pagbubuntis niya kaya palaging nakangiti ang
nanay mo. Sad and stressiologist lang talaga siya kapag late na ako nakakauwi galing
sa paghahanapbuhay. haha
Okay naman yung pagod at hirap niya sa pagpasok at pag-uwi ng
trabaho(for me haha) basta ipangako niya saken na okay ka, Anak.
Tiniis ko ang first
trimester ng nanay mo. Bugnutin yang Nanay mo. Lahat ng kurot. Lahat ng galit
ng Nanay mo. Magpapabili ng pagkaen pero hindi naman magugustuhan kapag nasa
harap na niya. Ang bagsak, titikman ko nalang ang binili ko sa kanya habang
naglalaro ako ng NBA 2k18. Sayang naman e. Di niya naman kasi sinabing gagawin
niya lang display.
Kadalasan may ugali yan
na di nakakatuwa. Noh? Haha Minsan ang hirap intindihin. Pero ano naman
karapatan ko kung makita ko ang dinadala niya ay ikaw. So, smile nalang ako. Shut
up nalang ako. Masasabi ko talaga na di madali ang pagbubuntis. Once in a
while, biglang mang-aaway ‘yan. Maya-maya magre-request ng pagkain na mahirap
ipaliwanag o mahirap bilhin, ang irony pa dyan, ayaw pa minsan ako ipagluto pag
uwi ko, hahaha, pagsapit ng gabi, gusto niyang ilapat ang kanyang mga pata sa
buong katawan ko, pag umangal ako, iu-ufc ‘nya ako.
Kaya ako, galit ako sa
mga lalaking walang pake sa asawa nilang buntis. May kakilala ako dyan eh,
walang kwenta, isipin mo ba naman, 9months lang naman yun, di naman dekada yun
dadalhin diba. Or ayaw lang talaga nila ng responsibilidad. Hashtag Pakawalangpuso.
Iritable masyado ang
buntis pero lahat ng yun di tumalab sa akin. Haha Ganun kalupit ang erpat mo. Kaya
ako, lagi kong tinatanong si Mama mo kung kamusta na siya palagi. Pinipilit ko
pa ring ligawan yan kahit buntis yan, kahit gasgas na ang mga linyang “Lauv, di
na ako sanay na matulog ng di ka kasama” basta masabi ko lang yun, okay na yun.
Ayos na ang buto-buto. Saka kailangan ang requirements niya tuwing gabi, marunong
akong magmasahe. Gusto niya laging magpamasahe sa likod. Kita mo naman diba. Naglalambing
lang talaga yan sa ‘ken, Promise. And ang pinakamaganda pa neto, kasal na kame.
Masasabi kong romantic at di pa rin nawawala ang espiritu ni Gardo Versoza
saken hanggang ngayon. Saka mo nalang itanong yan kung bakit. haha
So, lumipas ang ilang
linggo nung nalaman namen genuine na ang lahat, nagplano na kame ng smart parenting
with purpose and grace para sa’yo. Naks.
Rapido noh? This is where the rubber
hits the road. Dito na masusubukan lahat.
Honestly, hindi ko
nakagisnan na lumaki na may nagsabing napaka-beloved kong tao. Salbahe kasi
talaga ako noon, bunso. Pero lahat ng magandang katangian ng isang matalinong
bata ay sinasabi sa ‘ken ng mga tao. Kaya para sa ‘yo, baby ko. Sisimulan ko at
tatapusin ko ang bawat araw na ipapaalala ko sa ‘yo kung gaano kita ka-love. Natutulog
ka man ngayon o gising, ipaparinig ko galing sa aking puso kung gaano kita pinag-aalayan
at ginagawang inspirasyon bago ako lumabas ng pinto.
Nga pala, ako ang
iyong daddy ah. I’m here para gabayan
ka. I will introduce you to new things. Isa lang akong extra-ordinaryong tao Anak
na magmamahal sa’yo bilang isang tagapag-alaga mo, gabay mo, director mo sa
buhay, manager at life coach.
Nananalaytay ang DNA
na nagduduktong sa ‘yo na compassionate and caring ang iyong ama.
Di ako perpektong anak
sa magulang ko. Ang tatay ko rin naman, maraming nagawang mali sa amin, pero
lahat ng ‘yun ay napalitan at nabago kasi may nagawa rin siyang kabutihan para
sa amin. But for you, ibang-iba ka. Just remember na yesterday is just a
history nalang saten. And our tomorrow's will be a beautiful mystery. Wala
lang. hahaha Maka-english lang.
Sinisigurado ko na sa
pagtahak mo sa bawat landas na ‘to. Di ako mawawala sa ‘yo, kumbaga bago ka palang
mahulog sa kapahamakan, sasaluhin muna kita. Ang tatay mo muna ang masasaktan
bago ikaw.
Gusto mo ba akong maging
superhero mo? Arat, lika, kapit ka
saken. TenTenenenenentenen.
Makikita mo ang aking
long lasting-impact pagdating ng panahon. haha
Wawasakin ko lahat ng
bagay na nagbabadyang sumira saten hanggang demise ko. Wag kang mahihiyang magsumbong
sa akin, suportado kita. Habang tumatagal ituturo ko sa ‘yo na dapat maging
fearless sa buhay na ‘to at maging strategic sa bawat diskarte. Habang
nabubuhay ako, sa ‘yo rin ang buhay ko, Anak.
Paano ko nasabi?
Try mo minsan suotin
ang sarili kong sapatos. ‘Pag nasubukan mo, kahit na malaki yan sa ‘yo, atlis malaman mo kung gaano kabigat ang pinagdaanan
ko. (Oh diba ang lalim). Di uso saten ang self-help book na yan sa FullyBooked
Store dahil ako mismo ang magtuturo sa’yo sa lahat ng dapat mong matutunan. Sa kayabangan kong taglay, ipupusta ko, ako
ang magiging Number One sa puso mo. Pusta ko ‘yan.
Tumawag ka lang sa
akin kung kinakailangan. Unli and open call ang linya mo sa akin. Lapitan mo
lang ako sa lahat ng problema mo. Pipilitin kong maki-share sa lahat ng sikreto
mo.
Basta, magpalakas ka
pa diyan sa bahay-pakwanan ng iyong ina, my little soldier.
Ichi-chika ko lang
pala sa’yo, Sobrang lakas mo pala daw sumipa sabi ng nanay mo saken kanina.
Sabi daw sa balita, sabi ng mga mapagkakatiwalaang-tao, kapag mahina daw ang sipa
ng bata sa loob ng tiyan, distress ang bata. Ang advice pa nga daw ng doctor,
bilangin ang sipa ng bata sa loob ng 2hour. May pain or sorrow ang bata kapag
nabawasan ang sipa. Buti nalang mukhang malikot ka din. haha Sinusumbong ka
saken ng nanay mo na lagi kang nagfflying kick. Okay ka nga, kasi sa
nasasaksihan namen ng nanay mo sa tuwing kinakausap kita, sumisipa ka pa talaga
sa Harap namen. Alam na alam kong naririnig mo mga sinasabi ko.
Opkors, paglaki mo
kahit pa makipagtaguan ka saken, trabaho kong hanapin kung saan ka malakas. Aalalayan
kita sa God-given talent mo. As your father, I am totally committed to you, malalaman
mo nalang Anak sa paglabas mo kung gaano ka-gwapo ang daddy mo ngayon. haha I’m
very sure, maipagmamalaki mo ang personality and charisma ng tatay mo. haha
Alam ng Nanay mo na di
ko ugaling manakit ng kapwa, sa kaaway lang. Pero kung meron kang pagkakamaling
magagawa in the future. Ano pang saysay para paluin kita, pwede naman kitang i-encourage
gumawa ng tama. Korek? Di kita bibigyan ng severe punishment. Di naman ako
biolente e. Magkakaroon lang talaga ng consequences ang lahat, pero tuturuan kitang
magdesisyon para sa sarili mo.
Malakas mambully ang
tatay mo. Weh, totoo ba Ben? haha Isa lang ang maipapayo ko sa’yo, lumaban ka
lang kapag inaapi ka ng ibang tao. Ikaw na bahala kung ano ang gagawin mo sa
kanila.
Handa akong iwan ang
lahat para sa ‘yo, pero di kasama ang nanay mo. I will teach you risk while
also providing our security of firm boundaries. Sinasabi ko na sa’yo ‘to para
di ko makalimutan. Mananatili ang tatay mo na walang galit at puot para senyong
mag-ina. Ayokong sa bawat hiwa ng tadhana, magiging balat-sibuyas ka lang.
Asahan mo na Anak na
minsan nasa baba tayo at minsan nasa taas tayo. Minsan buhos ang problema,
minsan buhos ang biyaya, lahat ng ‘yan, maraming lesson na ihahain saten. Kailangan
harapin ang dagok at hampas ng mga alon. Ako ang unang magiging Kapitan niyo.
Ang positibong pananaw
sa buhay at positive behavior ang
ipapamulat ko sa’yo. And I will never give up on you. I will stay in the game. I will give my best
for our family.
Tawagin mo akong “Papa
Ben” ah. Ang ama mong firmly, gently and lovingly to both of you. Later mo nalang alamin kung paano ako magiging
payaso sa’yo. haha
‘Pag nalaman mo na ang
nakalipas ng ating angkan, Hiling ko sa’yo. Ang mali ng kahapon ay ‘wag mo ng
ulitin pa. Respetuhin mo ang nanay mo, hindi matatawaran at never-ending ang
pagmamahal ng nanay mo sa’yo. Kahit ‘wag
mo na akong isipin masyado, kasi ako? ka-respeto respeto at tinitingala naman ako. haha Magiging better-partner ako sa
Nanay mo. Ayokong dumagdag sa stress ng mama mo lalo na sa gawaing bahay.
Tandem kame dito. Malayo pa tatakbuhin ng pamilya naten. At magiging mabisa ang
aming kasal.
Papatunayan ko kung
paano ko iha-handle ‘tong family naten. Di
ako magkukulang sa atensyon sa’yo, bunso. Ibubuhos ko lahat sa’yo.
Papagaanin ko palagi
ang loob mo. Masaya ako kapag masaya ka. Lahat ng magulang, masaya kapag masaya
ang kanilang anak. Go, lakad lang ,baby.
Panoorin mo pala Anak
yung wedding namen ng nanay mo nung August 2018. Sobrang ganda ‘nun. Kame bida
dun ng nanay mo eh. Nandun yung mga magiging ninong at ninang mo. Pati mga
bestfriend namen. Lahat ng mga importanteng tao sa buhay namen, nakisaksi sa
pagmamahal namen ng nanay mo. Click mo to, nandito detalye,
Gaya din ng iyong
nanay, I have an overwhelming experience, full of emotion, konting fear at ramdam
ang bigat ng paparating na responsibilidad habang tumatagal ang panahon sa pagpaplano
namen sa kinabukasan mo. Well, pero sino ba naman kame diba? Ibahin mo pa din
kame. Nagpapatalo ba kame? Malakas pa din ang kapit namen. We are tough enough
to bear the weight of our burdens kung sakali. Kung kaya ko nga lang magpadede
sa’yo paglabas mo, gagawin ko yan eh. Pero si Mommy mo lang makakagawa niyan sa’yo
eh.
Excited na talaga
kameng mahawakan ka. Di na kame makapaghintay na mayakap ka. Mahalikan ka. We just
want see your face light up. And I can't
wait to bring you home. Nananabik na kame ng Nanay mo sa unang pitong araw namen na makakadaupangpalad
ka at start na yun ng forever naten. Gagayahin ko ang pagdadala ng isang kangaroo.
Tapos sa breastfeeding sa mama mo naman. Tripleng saya ang marinig ko ang iyong iyak.
Iduduyan kita sa balikat ko. Gusto na kita ikiss face-to-face.
Di namen pag-aawayan
kailanman ang pera dahil marami tayo n’yan. Papel lang ‘yang pera na ‘yan. Sakit
na naming mayayaman yan. hahaha
Hindi! seryoso.
Ipinapangako kong pagdating sa pera, tuturuan kitang pahalagahan ‘to. Para sa
opinyon ng iyong ama, tanggalin mo lang yung mga saksakan ng mga appliances naten,
malaking tulong na yun para sa gastusin naten sa bahay. Totoo yan. As far as I
can recall, bata palang ako, tinatapon ko ang baryang sentabo. Ewan ko din kung
bakit. Naliliitan ako sa value eh. haha Kaya naisip ko, pagdating sayo, pipilitin
kong maaga mong matutunan na mag-impok, mag-invest at magbigay sa kapwa. Ang
tatay mo pala ay nagba-buy and sell sa stock market sa bpi kaya alam niya
tungkol sa pera. Pagkasyahin mo ang baon mo sa school. Maganda yun. Pwede kang
magsaya ng di gumagastos. Walang apps. Walang gala. Basta marami pa yan. Ganyan
ako gumawa ng blueprint. Ganun dapat. Advance mag-isip dapat ang padre-de-pamilya.
Kuntento na ako senyo.
At isa lang ang siguradong maipapangako ko sa’yo, never kameng maghihiwalay ng Nanay mo. Okay na ako
dun. Ngayon palang sinasabi ko na yan sa ‘yo. May kasabihan nga tayo, a rolling stones
gathers no moss samakatuwid kung palagi akong paiba-iba at never lives in one
place hindi ako mag ge-gain knowledge or wealth. So, okay na ako senyo. At wala
na akong hahanaping pang iba sa dynasty naten. Wala na akong hihilingin pang
iba.
Linggo-linggo is a family
day para sa ‘tin. Yown ang perfect day para sa isang ulirang ama gaya ko. Haha
Tutuparin ko ‘yan. ‘Yan ang future
family naten na may mutual love and
care, at hindi mo yan makakalimutan kailanman. It’s our power to make fifteen minutes
every week seem like an hour of every night. Ganun na ganun.
In the night,
maririnig mo ang mga katagang “I love you”
and I promise to wake you up each morning with a soft voice and an open
smile from me, gusto mo ba yun? gaya ng
ginawa saken noon ng Nanay mo dati. Mamahalin pa din kita kahit anumang gawin
mong pagkakamali, kahit teenager ka na, sabay natin ta-trabahuhin yan.
Pangako, Anak. Hihigitan
ko lahat ng professor mo sa galing ko magturo. Paglabas mo, gagawa si daddy ng
malaking playground para sa’yo, baby. Yang Star city at Enchanted kingdom na ‘yan.
Payat yan. Ide-develop din naten ang
skills mo sa problem-solving and negotiating. I will also give attention to
your peer relations. I will make sure that you have a plenty of opportunities
to be with other kids and to learn how to function well in other people.
Ang kapakanan mo din palagi
ang iisipin ko. Magsusumikap pa ako. Sakto, mahilig ako sa bata, Anak.
Sinisigurado kong bago ka matulog, maglalaro muna tayo. Magko color-color ganyan
pag-uwi ko galing ng trabaho. Gagaling ka panigurado sa linguistic at ang iyong
cognitive capabilities. Bilib in me. Praktisado na ako e.
Baunin mo lahat ng mga
payo ko ‘pag nabasa mo ‘to ah. I promise to make your first birthday a big damn
deal. Ipapatawag namen ang lahat ng tagarito saten hanggang kabilang barangay. Magce-celebrate
tayo. haha
Igagawa din kita ng
malaking library. Pag di ko nagawa yan. Sunugin mo ako ng buhay. haha Gaya ng Ama
mo na mahilig sa libro. Gusto ko mahilig ka din magbasa ng libro. Kaalaman ang
kapangyarihan sa lahat. Lamang ang may alam, kid. Dahil pinahalagahan ko ang
bawat salita at libro, pati na ang imahinasyon. Ang pagiging malikhain ang
ipagmamalaki mong matutunan sa akin. Tuturuan kitang magbasa every night. Babasahan
kita ng mga bedtime stories, yung boring na kwento, bibigyan ko ng buhay yan with
screen projector at action pa. Mababasa mo din lahat ng sulat ko na punong-puno
ng kalokohan at inspirasyon dito sa blog na ‘to. Tandaan: Your mind is the greatest scriptwriter
on your own movie.
Saka, hindi kabobohan
na mababa ang grades sa school. Maaaring di mo talaga kaya ‘yung subject na mahina
ka. Pero di ibig sabihin ‘nun eh di na naten pag-uusapan ang problema mo sa
school. Sa malumanay kong pakikipag-usap sa’yo, hihimukin lang kitang mag-aral
ng mga di mo naiintindihan. Di mawawala ang full support ko sa’yo sa pag aaral
mo. Dalawa ang klase ng school sa mundo. Loob at labas.
Pangarap namen ng
nanay mo na makapagsuot ka ng itim na toga at makapagmartsa. Dalawa lang ang
pagpipilian mo, Cumlaude or Summa? Alin lang dyan sa dalawa ang pwede mong
maging weaknesses. Isang katuparan ‘yan ng isang pangako, Anak. Gusto ko, ako ang magsasabit sa’yo ng mga medal mo sa
school at makatanggap ka ng diploma. Ako gagawa ‘nun kasi saken ka magmamana. Yung
level of brilliance ko sa’yo mapupunta. Napakahalaga talaga sa lahat na
mayroong edukasyon ang bawat tao, bata. Tandaan mo yan. Mahirap mabuhay ng
mangmang. Mangmang agad? haha
Nandito lang ako para
maging isang halimbawa para sa’yo. Maging inspirasyon mo habang lumalaki ka.
And when you have a
bad day, makikinig lang ako sa’yo, bibigyan lang kita ng oras, uunawain kita sa
abot ng aking makakaya.
Wala akong sasayanging
oras sa’yo, Anak. From day one, I'll do everything I can to support our relationship
and to let it be as special as the one I share with your mom.
Maaga palang sinasabi
ko na. Di madaling hindi magsinungaling sa’yo pero kung kinakailangan pipilitin
kong maging tapat sa’yo hanggang sa maunawaan mo na ang tama’t mali. Basta
baby, po-protektahan kita. I can't wait to meet you. Ipaparanas ko sa’yo ang
magagandang karanasan sa totoong buhay. Ipinapangako kong magiging mabuti akong
ama sayo. Magpapaka-subsob pa ako sa trabaho. Magpapagal pa ako. Minsan sa
problemang parating, mawawalan ako ng pasensya at control pero marunong naman
akong tumanggap ng pagkakamali ko. Malalaman mo yan balang araw. Lagi akong may pake sa’yo. I am the one who
love you the fiercest. Ako ang magsisilbing safety net mo palagi, yung erpat
mong always to the rescue para sa’yo.
Always remember, lahat
ng magulang, kailangan ang anak. Lahat ng anak, kailangan ang magulang.
Kailangan ka namen ng nanay mo. Ikaw ang buhay namen. Kumbaga sa teks, itataya
namen para sa’yo pati pamato maging ligtas ka lang palagi.
Galing ako sa walang
ama dahil broken family. Labas ka sa usaping iyon pero pipilitin ko sa’yong
bumawi. Noon, nagtatanong din ako kapag
wala ang tatay ko. Ayokong mawala ang presensya ko sa’yo. Mahalaga kame ng momshie
mo sa’yo. I-wo-workout namen dalawa lahat ng pangangailangan mo. Papalakihin
kitang enriched emotionally, spiritually and intellectually. Sino ba naman ang
ayaw na intact ang pamilya. Tanong mo pa sa iba!? Ang goal namen ng nanay mo
maging matatag ang pamilya naten.
Sasaluhin ko lahat ng
problemang darating. I am wired to
handle the pressure, to meet the upcoming challenges, to provide and protect our
family. Kahit kailan hindi dadapo ang depresyon sa’yo, kasi palaging purong
kaligayahan lang ang ihahatid namen.
So ngayon, bahala ka
na kung gagawin mo akong role model or god? Joke. haha
I will teach you, hug
you, play with you, and support you. Basta gusto ko iparanas sa’yo na ligtas ka
sa akin. Uunahin ko palagi ang seguridad mo. Papanis ko yan sila Drew Arellano
at Dingdong Dantes.
Ang tatay mo ang
makikilala mong pinaka-tunay na lalaki sa lahat. Henyo at matipuno pa. Ngayon
alam mo na kung sino ang magiging superhero mo.
Ibubuwis ko senyo
lahat. Itataya ko buhay ko para senyo ng Mama mo. Bawat pagtatapos mo sa eskwelahan
ay karagdagang kaligayahan namen yan.
Bakit ka pa
magrerebelde kung parehas naman tayong lalaban at magiging magkosa habangbuhay.
Basta sumunod ka lang samen.
Maaga palang tuturuan
na kitang magsabi ng “thank you” at “please”. Magsabi ka ng ‘thank you” kapag nakakatanggap ka ng regalo. Magthank you
kapag may nakakagawa sa’yo ng mabuti. Tuturuan din kitang hindi matunog ang
bibig kapag kumakaen. haha Ayaw na ayaw ng tatay mo yan. Ang mayayaman, tahimik
lang ngumuya. Madaldal lang ako pero ayoko nun. I will teach you a healthy food
habits. At di kita sasanaying nagsasalita
na puno ang bibig. Ayokong sanayin kang walang delicadeza sa sarili. haha Show
some modesty kung kinakailangan. Practice shy confidence.
Saka isa pa, patapusin
mo ang lahat ng taong nagsasalita kapag may kausap ka. Wag maging bastos ah.
Dati na akong bastos sa nakakatanda. Wala din pinuntahan. Importante ang makinig
palagi. Bigyan mo ng mahabang oras ang ibang tao sa pakikinig kaysa sa
pagsasalita mo. Kapag uutot ka sa bibig,
i mean magbu-burp ka, matuto kang magsabi ng “excuse me” huh. Noon, hindi ko alam yan. Lately
ko lang din nalaman. haha Bantay ko palagi ang bibig mo, lahat ng lalabas na
masasamang salita diyan. Tatagpasin ko yan. Or kung ayaw mo, lalagyan naten yan
ng toy car sa loob. hahaha Utos at pangako yan. Konsensya ko nalang kung wala
akong gagawin sa lahat ng sinabi ko.
Mapang-asar si papa mo
pero di ko ituturo sa’yo na manghusga ng pisikal na katangian ng tao. Pwera
nalang kung compliment yun. Iyon pwede ‘yun. Matuto kang mangamusta paminsan-minsan.
Wala ka man kailangan sa iba. ‘Pag may nakita ka man na kakilala mong matanda
sa daan. Magmano o mag “po” at “opo” ka man lang. And another thing, pagdating sa ibang bahay, kumatok ka muna
bago ka pumasok sa kahit na anumang pinto. Dahil iyon ang nararapat na
matutunan mo ng maaga. Wag mong babansagan ang mga taong ayaw mo. Hayaan mo
lang sila. Wag mo na akong gayahin pa. haha Nagbago na ako. hahaha Tuwing
babahing ka, magtakip ka ng bibig. Matutong mang-alok ng pagkaen kahit kanino.
Ayokong may tira-tira ka sa plato. Di magandang kaugalian yan. Maging matulungin kang bata sa iba. Lahat ng
pwedeng tulungan, tulungan mo, wag lang sa masama ka tumulong. Sablay yun. Kapag kinakausap ka. Makinig ka.
Matuto kang umunawa muna. Yan ang susi sa tagumpay ng lahat. Wag na wag mong
kakalimutan ang payo ko sa’yo baby, mahalin mo ng sobra ang sarili mo. Ayokong
magkulang sa pagpapalaki sa’yo kasi di ko ginawan ng aksyon lahat ng iyan.
Bilang tatay mo,
tuturuan kita kung paano mabuhay sa courageous life. Hooray! Pagsinabing hindi.
Hindi. Maniwala ka sa akin, ako ang nakakaalam ng dapat mong panoorin sa social
media, at telebisyon at iba pa. Father knows best ikanga. I have a natural
instinct on how to protect you. Kaya nateng daigin ang pamilya nila John en
Marsha sa pagdidisiplina. Ang problema ay may remedy. Basta’t may konting
comedy. Walang sinabi ang loyal ni Pepito Manaloto sa tatay mo.
Be courageous Anak.
Stand for right over wrong. Stand up for your family at all costs. I will be an
eyewitness to what helps you and what harms you.
At may rights ka din
syrempre, hindi yung puro utos lang ako. haha
Tama lang na mag-expect
ka ng sustento at tulong galing sa amin ng nanay mo. Syento pursento. Meron
tayo ni’yan.
Tama lang na rumespeto
ka na kagad sa nakakatanda. May kasabihan, respect begets respect. Sa tagalog,
rumespeto. hahahaha gets?
Tama lang na maaga
mong matutunan ang pagsisikap sa buhay. Di ka jeproks, ‘wag laki sa layaw.
Tama lang na mahalin
mo ng sobra ang pamilya mo at ibang tao. Sino sino pa ba ang magtutulungan?
Diba?
Tama lang na magsaya
ka sa labas ng bahay. Diyan mas makukumpleto ang pagkatao mo, anak.
At
Mali ang masyadong
pagiging makasarili, sakim at gahaman. Ang pera dapat umiikot yan. Hundreds,
thousands or million pesos, same lang yan na meron sa ating wallet, Anak. hahahaha
Mali ang manakit ng
kapwa pati na rin sa salita. Wag kang mananakit ng damdamin ng ibang tao.
Mali ang mag-experiment
sa kasarian. Parang awa mo na anak. Wag. Tunay kang lalaki.
Mali ang pagiging
tamad at umaangal. Yung anak ni kumpareng Henry Sy, di niya tinuruan yung son
niya, nagkaroon yung anak niya ng sariling desisyon sa buhay. Nagtayo ng
sariling negosyo. Kung matalino ka, alam mo na kasunod nun!?
Mali ang magnakaw,
magsinungaling at mangopya. Wag mo ng simulan sa maliit na bagay. Kahit pa
eraser lang yan.
Mali ang manlait ng
ibang tao. Wag. Promise. Tigilan mo yan.
At bago din
maisakatuparan yan, babaguhin ko din ang pagkatao ko.
Ngayon alam mo na, nasa
puso ang pagiging tatay ko, tandaan mo yan. Huwag mo ng hanapin sa iba yan. Sa
estado mo, di mo pa ako maiintindihan ng lubos. Pero balang araw,
ipagpapasalamat mo ‘yan lahat.
Sa dami kong
sinabi, kadalasan maaari kong
maramdaman ang nasa isip mo, Anak
pagdating ng panahon. Ganunpaman, pakikinggan muna pa din kita sa lahat ng sasabihin
mo.
Balak ko palang ipa-tattoo
ang face mo sa katawan ko. But before
that, gusto ko munang makita ang mala-anghel mong mukha baby. hihi #Excitedmuch
Nga pala, gusto mo ba
akong maging bestfriend? Ako, gusto ko. Kung gusto mo, eh mauuna akong magpost
kaysa sa nanay mo ng lahat ng achievements mo sa social media.
Kung alam mo lang ang
nasa puso ko, Anak sa lahat ng sinabi ko. 4% palang yan. I will spends
meaningful time with you, our experience will be magnified. Sumpa man.
Ngayon palang,
naniniwala na ako sa’yo. Lahat para sa’yo. Kaya ko pang i-extend ang aking mga
kamay para lang maibigay ko lahat ng tulong ko sa’yo at mapalaki ka namen ng
maayos anumang mangyari.
Sikmura niyo muna ang uunahin
ko bago ang tiyan ko. Doble-dobleng blessings ang binigay mo sa amin Anak ng
nanay mo. Nararapat lang sa’yo yan, baby.
Kulang pa ang
karanasan ko sa pang unawa pero ganunpaman pipilitin kong intindihin ang lahat
para sa’yo. Kung di mo naitatanong dahil nandyan ka palang sa tiyan ni mommy mo,
fyi na-improve ko na din pala ang pakikipag argumento ko sa kanya. Tanong mo pa
sa nanay mo. haha
Ikaw ang magiging mundo
namen, Anak. Walang katapusang pagmamahal para sa’yo. Hayaan mo munang ako muna
magpasalamat sa’yo, Anak.
Para sa akin, kulang
pa ‘tong pahina na to, at bibigyan ko pa ‘to ng kasunod.
Basta, mangarap ka ng
mataas. Mahalaga sa isang bata na may
pangarap na inaabot. Ang goal na walang bilang ay isang slogan lang. Ayokong
magkulang sa’yo pagdating sa kinabukasan mo. I will made you feel so good with my words of praises.
Wala ka pa sa mundong ‘to
pero prinsipe na kita. Hari pa kita. Boss pa kita.
Garantisado, Anak. Ikaw
ang pinaka. Dahil ang tatay mo ay malupit. Sobraaaaaang lupit. I’m the man. I’m
the strongest and smartest man. I’m better than the hype. That is part of my
greatness. Ako ang Lodi mo. Magaling at mahusay si daddy, sa totoo lang. haha Wag
mo ng kontrahin.
Alalahanin mo lagi na
mas malaki pa ako sa lahat ng magiging problema naten. Di ko mababago ang
nakaraan pero maipapangako kong, ako ang pinakamahusay na lalaking makikilala
mo, Anak. Mark my word.
Alam ko namang
magaling ka din gaya namen ng nanay mo. Kaya mong ma-meet ang standard na
ibibigay namen sa’yo. abide by you, and enforce you. I am a great example not
just of bravery(haha), but of self-discipline, self-restraint, and wisdom
gleaned from experience.
Alam kong paglaki mo.
Bawat kilos ko, o-orbserbahan mo din pati na ng nanay mo. Magandang picture ang
makikita mo at totoo. As your father, everything that I do casts a giant shadow
for you. Every day that you will see me, you are shaped by me.
Habang buhay ‘to, Anak.
Priority ko kayo ng Nanay mo. Kahit di ko naman sabihin sa’yo ‘to lahat, alam
ko, makukuha ko na respeto mo kasi tatay mo ako.
Hiling ko lang na magpatuloy
ang malusog na pagbubuntis ng mama mo sa’yo at malusog na malusog ka din ngayon.
Lagi kong pinagpi-pray ang iyong well-being at salamat sa Diyos for every week
we made it through.
So to end this, I will
loved you unconditionally. Lagi kitang nasa panalangin ko. Binibigay ko ang
buong lakas at katawan ko sa’yo, Anak. Lumalaki ka na sa sinapupunan ng nanay
mo ngayong October 2018.
Kini-claim na namen na
you are a wonderfully made. God made all of your delicate and inner parts. His workmanship is marvelous. Nawa’y
makapagpahinga ka dyan ng maayos at magkaroon ng normal at maayos na nutrisyon.
Hindi naman halata
diba na excited kame sa paglabas mo.
haha Syempre di mawawala ang takot.
Pakatatag ka dyan, baby. Hanggang sa maitawid ka namen sa delivery day.
Dinala ka namen sa
kasal, diba. May isang Big Project tayong nalagpasan. So, kayang-kaya din naten
‘tong paparating. No match yan. Nagpapakumbaba akong humiling na alagaan ka sa
panubigan ng iyong Ina. Punuin ka ng biyaya sa loob ng tiyan ng mama na maging isa kang normal, healthy, at masayahin na intelligent
pa, kind-hearted and loving individual. Naramdaman ko na ang pagiging ama ko sa’yo,
baby. Nagpakatatay na ako habang nasa sinapupunan ka palang. Sinakripisyo namen
lahat para sa’yo. I love you.