Tayo'y magsitayo at magbigay pugay sa ating bisita. Pinakikilala ko senyong lahat. Ang aking matalik na kaibigan. Siya si TAKOT. Pinsan ng Lungkot.
Hindi siya tao. Hindi siya hayop. Emosyon lang siya. Pramis. Namiss niya siguro ang bonding namen. Kaya sinurprise niya ako ngayon. Kapag napaiyak niya talaga ako ngayon. Miss niya talaga ako.Welcome na welcome rin si Sadness sa akin. Susulitin ko ang relationship namen ngayon. Parang nag-usap talaga sila ngayon eh. Para gambalain lang ako. Ngunit, sa tuwing kasama ko sila. Ang dami ko paring tanong eh. Iba't iba ang exam na dala-dala nila. At parang mas nadadagdagan pa ang questionare. Ang dami mong katangian, fear. Hindi naman kita inaano ah. Tinext ba kita. Anak ng put your head on my shoulder talaga kapag nag-aalala ko ang mga pangyayaring nakakapagpalungkot sa akin. Bukod sa singaw. Marami pa. heto
Takot akong mag-isa.Takot akong maging boring ang buhay ko. Takot akong makagawa ng maling desisyon sa buhay. Takot akong husgahan. Mahina ang thinking ko, malakas ang emotional intelligence ko. Takot na ko sa liwanag. Sa katotohanan. Lahat ng iyan ay weaknesses ko. Nakakalimutan ko na talagang maging matapang kapag nasa gitna na ako ng sakuna. Nawala yung inipon kong haduken na pangotra sa takot.
Siguro naman, mongoloid nalang kung wala pang dumadapong kalungkutan sa tala ng kasaysayan ng life mo. Pero habang tumatagal parang mas nadadagdagan ang fear ng buhay ko talaga. Habang tumatanda ako. Mas lalong ako nag-iingat. Minsan pa. parang lahat ng takot ay galing lahat sa pagmamahal na ginawa ko. Suspect din ata ang love eh.
Totoo kayang gumagawa ako ng sarili kong multo. Katulad ng Maria, Leonora, at teresa. At punyeta naman, hanggang kailan ang takot na ito. Hanggang sa malagas ang buhok ko? Hindi pwede ito.
Ang peklat ng fear na na-experience ko ay mahirap mawala basta-basta. Parang isang salamin na may lamat at hindi na kayang ayusin ng glue at epoxy. Darating pa sa point na, mas concern pa nga ako sa standard ng iba kaysa sa standard ko eh. Sabi nga ng iba, hindi ka makakahanap ng tunay na kaibigan kapag takot ka sa kaaway. Medyo naniniwala ako dito.Tinakpan kasi ng ulap ang araw ko ngayon. Minsan kailangan din pag-aralan ang takot eh .Magaling siyang player ng buhay ko eh.Kialangan kong pag-isipan ng maigi ang fear na kinakaharap ko. Diba, ang pinaka magandang regalong ibinigay ng Diyos ay pagsubok. Dito tayo lalakas diba. Diyan ko napatunayan na may answer na wala namang question ..sa prayer. Kahit anong mangyari. Hindi naman ako kinikilabutan mamatay, handang handa na nga ako kung ano mangyare eh. Ako yung tipo ng tao na hindi mo iiyakan sa hukay ko eh. Magbubunyi ka kasi lumaban ako sa buhay. Ginawa ko ang best ko para makalagpas dito. Ooops umabot na ako sa upapan "hukay". Nabanggit ko lang naman na matapang pa rin ako kahit papaano. Magyayabang ako kapag may ibubuga nako. Hindi yung puro hangin at kabag lang ang meron ako. Kung hindi ko susulusyonan ito. Kapag inulit ulit ko pa ang pagkakamali ko. Hindi nako makakaalis dito. Next year ganito ulit.
Napaka laki talaga ng role ng takot sa mundong ito. Nasa saken kung hindi ka rin makikipaglaro at tatanggapin ko na loser ako. Kailangan kong maalis ang takot para mabawasan ang pagkakamali ko.
Ito ang tanong na hindi ko parin mahanapan ng sagot eh. Hindi naman kasi ako natatakot makagawa ng napakahusay na bagay. Takot lang talaga ako kung paano ko ito sisimulan. Torn between two options. Hindi ko naman kailangan i-prove sa ibang tao ang kakayahan ko. Dahil para saken,Okay ako. Sakto na ako. Handa na ako. Chicken feed and susunod na hakbang para sa akin. .
No choice na talaga ako. malalagpasan ko itong stage na ito. Walang mangyayari saken kung puro 1st page lang ako. Sarili ko ang dapat na mas katakutan ko hindi yung boss ko or kung sino sino.
Kapag binaliktad ang TAKOT, ito ay KOT-TA, kapag hinayaan lang natin ito, ito ay QUOTA na.
Kapag binaliktad ang TAKOT, ito ay KOT-TA, kapag hinayaan lang natin ito, ito ay QUOTA na.
Kaya simula ngayon, Oktubre 3 alas dos ng hapon. Sinulat ko ito upang may balikan ako.
Nangangako akong gagawin ko lahat ng kinakatakutan ko. Pipilitin kong palitan ang lumang gawain para sa pagbabago na sinasabi ko. Dahil sa mercury drugs, “Nakasisiguro, gamot ay laging bago”. Wala lang. Masingit ko lang. Hinding-hindi ako matatakot sa bagyo. tataymingan ko na yan at sasabay ako sa alon na dala niya. Tunay ngang ang buhay ay 2 sided coins. may masaya at may malungkot. Hindi pwedeng sa 5 beses na toss coin, isang side lang palagi ang lalabas.
Buti nga kaya ko pang pasayahin sarili ko kahit papano eh. Malalabanan ko ang takot na sinasabi ko. Ang hirap kasing mabuhay sa hinihingi eh. Sa laging hiling sa itaas. Kaya pagsisikapan ko ito. Hindi ako takot sa Dota ng buhay ko. .Kapag nalagpasan ko itong takot na ito. Maaadik na akong sumubok ulit ng mas kinakatakutan ko. I will live a meaningful life. Makiki-join nako sa Pursuit of happiness. Hinding hindi ako mananalo kung tatakbuhan ko itong hamon ng buhay na ito.Mamumuhay ako sa gusto kong buhay. Susugal ako hanggat kaya ko pa.Yayakapin ko pa ng husto ang aking passion. Hahanapin ko at didiskubrihin ko ang pag-ibig na mini-mithi ko. Lalakarin ko ang biyahe ng buhay ng malaya. Resume ko ang puso ko. Hindi ito pahabaan ng lifespan kundi kung paano mo pagagandahin ng kalidad ng ating pamumuhay.
Have Faith. Take Risk. Stay Hungry.
No comments:
Post a Comment