Mag-eemo lang ako ngayon. Okay lang ba guys!? Ayun! hehe
Sayang naman kasi kung di ko susulitin 'tong sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sakit na kaya. Grabe. Buti nalang immune na ito sa bawat sakit ng pagmamahal na na-encounter ko noon. Parang ngayon, yung sugat ko sa dibdib, tinuklap kaya naging sariwa ulit. Ganun na ganun.
Isusulat ko ito ngayon. Ito na rin siguro ang magpapa-alala sa akin na mas malakas ako ngayon kesa kahapon. Hinarap ko lang naman ang bawat pagsubok ng may "Sense of Humor". Ang hirap kaya nun guys, tumawa ng mag-isa. Hindi ako Baliw. Hindi ako baliw. Hindi ako baliw. Kasi mahal ko ang buhay ko. Ayoko siyang nagiging serious eh.
Eto na nga yun bhe,parte na kasi ng buhay ko ang masaktan. Dinagdagan pa nito ang pagsisisi ko sa mga bagay na hindi ko nagawa noon. Pero tapos na yun eh, saka magagawa ko din iyun balang araw. haha Nauna lang sila, Ako pa.
Nasasaktan ako hindi dahil sa pag-ibig kundi sa karera ng buhay ko. Ang kagandahan nga lang ngayon, medyo lumilinaw na ang lahat, may konting tanong at duda nalang talaga ako sa mga nangyayari.
Sa mga nangyari sa akin nung kahapon, na-realize ko na ang hirap palang kilalanin ang sarili kapag ang dami mong gusto. Kaya ang ginawa ko. Nag-plano ako ng husto. Inalam ang bawat anggulo. Kasi nga ANG-GULO na. May rhyme diba.
Nagtiwala na ako sa sarili ko. sabi ko "okay! ano ba ang priority ko ngayon? Ano ang mas dapat kong pagtuunan ng oras, dugo, laman at pawis ngayon?"Yan ang mga tanong ko. At ang mga sagot, ang dami ko pang dapat gawin.
Pero hindi pa rin ako susuko. Lalakad pa rin ako.
Inaamin ko rin kasing di ko nabigyan ng panahon at oras ang hinahanap ko. At tuluyang nabago ng panahon ang kaligayahang hinahangad ko.
Atlis wala rin naman akong dapat ikalungkot sa buhay. Kasi araw-araw ko kayang ginagawa ang gusto kong gawin. Mang-asar at magpatawa. At iba pa. Hehehe
Compare naman sa mga iba na ang tataas ng mga pangarap. Hindi mo na sila makita. Bihira nalang makipagbonding. Tahimik kung kumilos sa mga gustong tahakin.
At ayoko namang ganun, kumilos ng tahimik. duuuh para akong serial killer.
Samakatuwid nga, alam nga ng bestfriend ko at ng girlfriend ko ang dream ko eh. Ang pasukin ang mundo ng film. Hindi ako bida-bidang tao. Ang nais ko lang naman. Makadagdag sa industriya ng pelikula. Iba rin kasi yung magbigay ka ng magandang influence sa tao eh. Isang malaking buwis para sa akin yun.
Nung kelan nga lang, nabalitaan ko na parang nagtatampo si Ms. Eugene Domingo patungkol sa mga di sumusuporta sa Filipino Film Industry.
Ewan ko ba. Hindi naman natin sila masisisi diba. Nanonood at nakikinig lang naman sila. Uubusin nila ang pera nila sa gusto nilang palabas. Wala eh. Kapag kasi Hollywood. Talagang mapapa-sine ka talaga. Ako nga trailer palang ng Fast & Furious 7, pinag-iipunan ko na ngayon eh.
(Sensya na medyo lumayo na tayo)
Ayoko naman kapag final interview ko na sa Heaven tapos tatanungin ako ni God kung ano ba ng ginawa ko sa lupa nung nabubuhay pa ko. Tapos ang isasagot ko lang: "Wala lang po, naghintay lang po ako ng kinsenas at katapusan." Ayoko naman ng ganun.
Nasasaktan ako ngayon dahil di ako makakilos. Naging aral sa akin ito ngayon. Wag na wag kong ida-down ang sarili ko sa gitna ng problema. Mas lalo ko pang-iangat. Naalala ko tuloy yung pamangkin ko. Umaangal siya na ang taas ng hagdan kapag umaakyat siya papunta sa kwarto niya.. Sabi ko, wala yan sa taas ng sukat ng hagdan, para ka makamove forward, ilalapat mo talaga ang mga paa mo paitaas. OO ganun talaga ang sinabi ko. hahaha asteg.
Kaya ngayon, tinatawaan ko lang ang stage ko ngayon. Kasi mahal ko ang buhay ko. Sabi kasi ni Mickey Mouse "To laugh yourself is to love yourself". Makakamit ko din ito. Hindi rin naman ako nagsasayang ng oras. Actually nga, ahead nako mag-isip ngayon eh.
Tutuparin ko lahat ng mga pangarap ko. Papataubin ko ang mga goals ko.
No comments:
Post a Comment