Tuesday, January 27, 2015

SUMISIGAW NG PAGSINTAAAAAAH!

Hay nako, matatapos na naman pala ang Enero 2015. Ang bilis talaga oh. January 28 kagad ngayon. Taenang yan. So February na naman. Samakatuwid, nalalapit na ulit ang "Araw ng mga Puso". Ang araw na puro gastos at pagod lang. hahaha (bitter!). Insert song "Kung Tayo'y Magkakalayo by Rey Valera". Lumayo na pala. At kapag lumalapit na talaga ang Feb-ibig. Wala lang, tahimik nalang ako ngayon. Wala ng ingay. Saka si Daniel At kathryn lang naman lagi ang nagsstand out lagi eh. Unfair.

Noon kasi, noong mga panahong pinag gugupit palang kame ng teacher namen sa school. Ganito pa nga ang kanta ko nun eh. "A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, ELEMENO, P." ang ELEMENO, P ay pinsan ni ELEMEN, TARY. Funny! Funny! Very! Very! Very. Tanging hugis puso lang ang alam ko noon. Yung palang kasi ang halaga saken nun noon. Panahong labi ko palang ang nasasaktan dahil sa pakikipag suntukan ko sa school, hindi pa kasama puso ko dun.

Pero Diba, hindi naman kasi requirement magpost sa February diba. diba? diba? sagot? Hindi yan ang tunay na diwa ng mga Puso mga brothers and sisters. Kasi nga wala lang, ordinaryong araw lang yan. haha. Eh ano naman kung walang lovelife. Tang ina mo pala eh. Maliit na bagay lang yan eh! hahaha

Kahit san ako mapunta, nagiging habit na ang kanta ni Ed Sheeran na Thingking Out Loud. So hanggang feb 14 theme song ito? Ganun?

Sa mga nangyareng kagimbalgimbal, hindi masaket yung mawala ang babaeng yun eh. Yung mawala ako. Yung moment na nabiyak ang right side brain ko.Yun yung masaket eh. Sana meron talagang APP kung paano mawala sa February. Ida-download ko talaga eh. Agad-agad. Rapido

Sabagay, pwede ko rin namang i-date ko ang sarili ko. Magppretend nalang ako that I don't exist anymore. Tapos maglalagay ako ng eyeliner na may wave. Para blank space ang Peg. Saka pwede namang mag internet nalang buong maghapon ah. Sabi ko nga sa sarili ko. "Kung hindi ko kayang magpasaya, maging masaya nalang ako. Nakapagpasaya narin ako nun." (Sabay pasok ng motivational words) hahaha

Yung ibang babae nga, sobrang lungkot. Hindi na pag-ibig ang iniisip, kundi kung paano nalang mai-enhance ang kanilang dede. Ang iba naglalagay pa ng tissue at mamon sa dibdib. Minsan mas totoo pa yung joke kesa promise. Ang promise na "maghahanap nako ng iba" kesa sa "uuy joke lang, nakamove on nako kaya". Ie-enjoy ko nalang ang Earthquake sa february. Fully booked na naman ang mga motels. Ang gaganda kaya ng mga mood ng mga may ari ng motel dahil peak season sila nun. Eto ang lagi kong sinasabi sa kanila na open your beautiful heart, not your incredible legs. kiyemerut barurot bumblebee. hahaha Kaya't panalangin ko. Sa lahat ng mga pupunta ng motels, mabutas sana ang condom niyo. Mga hinayupak. Joke. haha At biglang nagsalita sa left side ko si Konsensya. "Grabe, yun kagad naisip mo Ben, Ambabuy mo". Oh Sorry po. Puro nalang Popoy walang na si Basha. Bakit ang dame kong alam sa ganyan. Kainis.


Nakabase minsan sa ganda ang laki at dame ng bulaklak eh. Natutuwa pa nga ako kapag may nakikita akong magsyotang may dalang malaking tidi bear. Naka jeje cap pa. Pero sa totoo lang mga kaibigan.

Nung naramdaman ko ang sobrang lungkot ng walang lovelife, dun ako sumaya ng todo. PRAMIS! Kapag ang ang problema nalusutan naten, eeeedi LUSOT! :)

Maaring natrapik lang ako sa pagmove on pero iba pa ren ang : slowly but surely. Walang halong reserba kagad. Kusa nalang darating sa point na mapapagod tayong maging tanga. At ang sabi ni kuya Kim sa "point ko". Score mo. Show mo!

Magbasa nga lang ako sa facebook. Ang dame din palang may problema sa paligid gaya ko . Buti nalang talaga natatawa parin ako sa mga nangyare!:) Yan ako eh. I love to expose my funny stupidity.

Ang sarap nalang kumanta. Natititbo narin ako sa bokalista na to.

Bat di salubungin, ang puso ko at kunin
Ang diwang malaya wag na wag magpabaya pa
Ikaw ang pagibig pakinggan ang himig ko
Wala na sanang lalayo, mundong ito ay hihinto?- Up dharma down Tadhana



Kung pwede lang talagang mantrip. Lalapit sa isang magjowa at biglang sabihin, ”Eto ba ang pinalit mo sakin?!”. Tapos hahawak ako sa dibdib ko na parang kinukusot ang pera sa galet. Ewan ko lang kung hindi masira ang gabi nun. 

Itataga ko sa bato kung gaano ko minahal yung babaeng yun at iihampas ko sa mukha niya para ramdam na ramdam niya. 

News: Nakakatuwa,may isang tao palang masaya dahil niloko ako at hinihintay na mapansin ko siya. 

Let me think about it, ate :) hihihi

Tuesday, January 20, 2015

BACK TO NORMAL MADLANG PIPOL

Saludo ako sa mga kababayang kong Pilipino sa pagkakaisang ginawa nila noong dumalaw si Lolo Kiko a.k.a. Pope Francis. Sobrang humanga ako dahil ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang relihiyon. Sobrang dame. Hindi mabilang. Hindi Ma-calcu. Wow Exagge na. Basta habang pinapanood ko sila sa TV kahit na naawa ako dahil naulan. Natutuwa pa rin ako sa mga Pinoy sa lakas ng kanilang pananampalataya. Ito yung bagay na kapag nawala ako sa Pinas at nag-ibang bansa ako. Ito yung mamimiss ko. Isa rin kasi akong madasalin eh. Ngunit hindi na ako katoliko ngayon. At hindi ako proud na two years na akong hindi nagsisimba.

Ngayon, nakauwi na ang kanilang Papa. So, tapos na ba ang banal-banalan nila? Sino ba naman ako para humusga diba? Marami rin silang pinagdadaanang problema. Parehas din kame. Niloko at ginagago ako ng Ex ko. "Uy move on na Ben. Patawarin mo sila. Silang dalawang gumawa sayo ng kasalanan. Sila na ang magdadala nun. Karma na nila yun." Alam kong yan ang sinasabi ng marami saken.

Marami akong naging katanungan sa mga nangyare? Totoo kayang ang tao ay naghahangad ng himala? Kasi nung nakita nila si Pope. Marami ang nagtweet na "Im so blessed". Ngunit ang sabi ni Pope sa marami, wag daw magfocus sa kanya kundi kay Jesus Christ. Kung hindi nila nakita si Papa Jesus at ang nakita nila ang normal na tao na si Pope Francis. Maaring ilusyon lang na blessed sila.

May kanya kanya tayong pananaw sa buhay. May kanya kanya tayong paniniwala para mabuhay. Hindi ko naman sinasabing mali ang ginagawa nila. Hindi ko rin sinasabing tama ako ng ginagawa sa buhay. Ang paraan ng pamumuhay ko. Nirerespeto ko lahat ng paniniwala sa buong mundo. Kahit pa hindi ka naniniwala sa Panginoon. Respeto pa rin ako dahil kung ano ang paniniwala naten sa buhay. Ayun tayo. Kung naniniwala ka sa kasinungalingan, at pinanindigan mo. Ang mali ay magiging tama sa paningin mo. Kung babaliktarin naman, Kung naniniwala ka sa tama at pinanindigan mo. Ang tama ay magiging tama sa paningon mo parin. Walang taong gustong mamuhay hanggang sa hukay niya ng alam niyang mali pa rin ang ginagawa niya.

Ang gusto ko lang iwan na tanong, Ang minsan ay kinakatampo ko. Baket sa mga prophet lang ang Diyos nakikipagusap privately? Bakit hindi sa mararaming tao? Alam kong noon sa bible, natakot ang mga tao ng makita nila ang Diyos, pero sa nakikita ko. Sobrang milyon miyon ng tao ang gustong makita ang Diyos ngpesonal. Napaka unfair lang saken. Wag niyo sanang ikagalit. Love. Love.

Back to normal. Party Party naaaaaaaah!

Monday, January 19, 2015

TINAMAAN NA NAMAN AKO NG MAGALING

Nakarinig ako ng alingawngaw galing sa kapitbahay at ang sabi.

Ilang pang pagkakamali ang gusto mong mangyare, para ma-realize mong hindi na talaga pwede.

Hindi ko alam kung galing iyon sa TV or boses ng tao. Kasi mahina lang kasi. Mahina din ang pandinig ko. Kaya walang dapat sisihin sa insidenteng iyon. Dapat nga bobombahin ko yun eh. Namumuro na saken yung bahay na yun eh. haha

Hindi ko matanggap kung baket nagbaliktaran ang mga taong kumakampi saken noon na maghanap na daw ako ng iba. Dahil nga sa kabalbalang ginawa saken ng magaling kong EX. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nagbago ang takbo ng trapiko. Nagbago din ang hairstyle ng boss ko. Pero may sarili naman akong desisyon sa buhay. May choice ako. Ako ang magpapatakbo neto. At ang mahalaga, puso ko ang masusunod.

Alam kong tama ang sa mga desisyon ko. Kung magkabalikan man kame ulit. Sisiguraduhin kong totoo na ito. At paano ko masasabing totoo, kapag nakapagtiwala na ako muli. Naniniwala kasi akong para pagkatiwalaan ko sila, matuto muna akong magtiwala. 

Ayokong dumating sa point na kapag nagkabalikan kame. Mayroon na kameng mga anak at kinasal na. Ayokong saka mauungat ang lahat at baka maulit pang muli.

Maaring pinagtapo lang tayo ng tadhana, pero hindi tayo ang itinakda. Toroy. Nabasa ko lang yan eh. Sumisigaw ng pagsitaaaaaaaaaaah..

Talagang mahirap mawalay sa taong kasama na ng routine mo sa buhay sa loob ng anim na taon. BadAssBitch.

Sino naman ako para hindi magpatawad. Kung hindi ako nagkakamali, Dapat hindi ako nagpapatawad. Eh nagkakamali din ako. EDI WOW.

Im tired of being Gwapo. Ayoko ng maubos ang oras ko para lang sa isang relasyon puro saket. Siguro eto na yung tamang pagkakataon maglaan naman ako ng panahon para sa mga gusto ko naman. 

Umalis na si Pope Francis, sana umalis narin sa katawan ko ang mga sama ng loob. 

Sa una, kailangan na kailangan kong masaktan talaga para sa huli alam kung na ang strategy kung paano lumaban.

At ang tunay na pag-ibig. Kusang dumarating. May sariling oras yan. Hindi ito parang inaagaw na damit sa ukay-ukay. 



Wednesday, January 14, 2015

Por Diyos Por Santo Ka Pag-ibig

Ang pinakamasarap intro-han ng mga ganitong eksena ay yung magsisimula ka sa "Pagmura." Ito yung moment na "Putang inaaaaa, narealize ko na kung gaano kasaket". Ang pagkakataong pwede kong isipan ng nakakatawang bagay pero hindi ko magawa. Sheeeeeeeeeet!

Hindi ko naman pwedeng balewalain lang ang ganitong istorya ng buhay ko kasi alam kong kasama to' sa mahahalagang pages ng buhay ko na kailangan kong harapin at matutunan.

Mantakin niyo ang ganitong sinabi:
"Kase wala ka sa tabi ko nung kelangan kita, walang kang time saken,what do you expect me to do?!" -E putang ina mo. Napakalandi mo. Ba’t d ka pa namatay? hahaha. Yan ang totoong nangyare saken.

Malakas talaga ako kumutob eh. Kaya pala nung nasaken yung girl na yun, Ang ganda nun eh, Nung kumaliwa lang, CHUMAKA na.

Pero may part paren naman na talagang masaklap na yung moment ko. Tulad nalang na scroll scroll down nalang ako kapag ang su-sweet ng mga friend ko sa fb. Jusmiyo. Wala eh. Bawal magcomment eh. Sasabihin na naman niyan.

"Okay lang yan Ben, makakahanap ka den."

Tangina ako na nga yung nagcomment ng maganda tapos ang isusukli mo naman saken pang iininsulto. Bakit ganun? Parang ampait ng kapalaran ko? Parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Huhu hehehe

Para akong hinahatak pabalik ng kahapon. Sinisira niya ang moment ng Now ko. Tinatakot niya ang future ko. Sadyang ganito talaga ang buhay. Binubuo ng Good at Bad Karma. Bawat pagkakataon ay may krisis at oportunidad para itama ang mga mali.

At wala parin mas sasakit sa pinakamasakit sa lahat ay yung nasingitan ka na nga sa pila sa WalterMart, naurungan ka pa ng Grocery cart sa paa. #AngChaket

Wala naman akong ibang alam kundi, dire-direcho lang ako sa gusto kong mangyare! Basta alam kong may magflashlight lahat ng dadaan ko.

Kung hindi ko kikiskisin ang puso ko para kumintad. Hindi ako magniningning. (Taray parang si Ate Shawie lang) "Unti unting mararating kalangitan at bituin, unti-unting kinabukasan ko'y magniningning."

At yung mga taong sawi, Ramdam ko na sila eh. Nangyayare den saken eh. Talagang umiikot lang eh. Yung tipong "Taena, yung ibang relasyon kahit ampapanget, pro tapat sila sa isat isa. Ako kung kelan nagseryoso saka ginago eh"

Nagtataka lang talaga ako. Ang itinanim kong galit. Ayaw talagang tumubo. Bakit kaya? Mahal ko o Malasakit gaya ni Pope Francis.

Dumating din sa point na namiss ko ng husto yung saya ko. Yung moment ba na sa sarili mo, alam mong makakatasan ka dito. Sasaya ka din. Giginhawa ka den. Magiging malaya ka den. Yan ang masasayang naiisip ko ngayon kahit pumipitik pitik ang saket sa dibdib ko.

Hindi ko naman din dapat pangunahan ang lahat. Hayaan nalang nateng humupa ang lahat parang baha. Ang mahalaga natuto ako sa mga pagkakamali ko. At alam kong maitatama ko pa.

Isa pang natutunan ko. Ay hindi pa pala. Dapat ko palang matutunan na ang Past at Future ay ilusyon lang. Tayong lahat ay dapat mabuhay sa Now. Tandaan niyo yan.

Hindi ko maipagkakailang minahal ko siya. Para ba gang pagkaen na “Once tasted, Ever wanted”. naks. Parang hipon lang.

Buti na nga lang tinantanan nako ng isang organisasyon patungkol sa Salvation na yan. Please! Sana wala na tayong problema jan ah. Hart! Hart!

Kailangan magkaron ako ng

NOTE TO SELF: Magiging maayos ang lahat. Sayang ichura ko.

Papatunayan ko sa sarili kong wala akong dapat patunayan! kasi tamad ako eh :)

Simple lang naman ang wish ko. Virtual hug lang ang need ko ngayon. Lakas maka-Kathryn bernando. Hahaha

Kung mahal ako ni God, ibibigay niya saken ng kusa si Beyonce.

Pero gagawin ko ang lahat. Ayoko ng better lang. Gusto ko yung bestest ang susunod. Ambisyoso ako eh.

Monday, January 5, 2015

HUSTISYA SA AKING LOVELIFE!

Tuluyan ko ng binaon sa lupa este binaon sa limot ang hindi magandang naidulot ng lovelife ko Noon. Marami rin naman magandang araw, at marami din talagang pains. Malamang nga, kung hindi dahil sa kutob ko, malaamang magkakaron na ko ng award in "Most Bopols of the YEar eh". Dapat talaga sa una palang hindi ko na itinuloy eh. Hiniwalay ko na talaga ang dati kong girlfriend. Isang malaking bangungot para sa akin. Tinanggap ko pa siya kahit konti pero habang tumagatal. Nasasaktan ako dahil mas lalong lumalabo yung sitwasyon. Alam mo yun, yung tipong kumukutob ka lang sa mga sinasabi mo, pero parang totoo kapag tumitingin ka sa mga mata niya.  At syempre, hindi na rin ako makikinig sa ibang tao kesyo kelangan ko daw magpatawad. Eh ako ba naintindihan niyo ang kalagayan ko nung niloko ako. Babae lang talaga yun kaya mukhang kaawa awa pero dapat talaga nagkaka-ketong silang dalawa sa ginawa nila eh. Hindi nila deserve ang huminga. Joke hahahahaha

Hindi man naparusahan ng mga awtoridad ang kababuyang ginawa saken ng ex-girlfriend ko at ng kanyang kabet. mantakin mo ba naman, harap harap sa facebook. Ang sweet nila. Friend lang daw sila. Pero yun na nga, pasalamat pa rin ako dahil nagmamahal pa rin ako. Naniniwala pa rin akong may Forever, baka naman kasi wala ng lumapit sa akin kapag sinabi kong hindi kame mgtatagal. Dahil binigo ako ng Forever na naging Whatever. Siguro sa ngayon, hindi ko na muna ipaglalaban ang sparks na hinahanap ko. Wala na tlaga kasi eh. kahit anong sindi ko.

Hinihiling ko rin pala kay Pope Francis, daan naman siya kahit minsan sa lupain namen. Sa teritoryo ko. Dito lang naman kasi kame sa Pasay eh, malapit sa lrt ng gil puyat, sa dominga street. Didirecho lang po kayo dun, makikita niyo na yung eskinita ng Vilbar. Yun na po yung samen. Makikisuyo lang sana ako na ipagdasal niyo Pope na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Lovelife ko.

Natutunan ko, madali lang pala magpatawad. Ang mahirap lang talaga, eh yung makalimot. Kasama na yung justice na hinahanap ko.  Tapos dadagdag pa yung mga kaibigan ko sa lugar namen na pinapaalala lagi yung  karelasyon k noon. Hay Jusko :)