Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Minsan mas okay din yung hindi ako isan-daang porsyentong sigurado sa mga stride ko sa buhay. May kapiranggot na doubt ako sa espiritong goals ko. Konting push pa siguro. Hindi tiyak ang mga hakbang na gusto kong gawin kasi nga may konting kaba at duda. Pero para sa akin, mas okay na yung di ako totally sure. Hindi syento porsyento clear sa akin. Ang ginagawa ko lang, as long as sumakay lang ako sa bisikleta. Little by little, kapag naipadjak ko na ang mga paa ko at nakaandar nako, may chansa nakong makapunta anywhere. Maligaw man ako. Abutan man ako ng ulan. Makakagawa pa rin ako ng way para magpatuloy sa journey ko. Kesa naman sa tititigan ko lang ang bisikleta kung may pupuntahan ako. Patiently stupid waiting ba tawag dun?
At di ko kalilimutan ang tunay na teaching ng dagat, bago ako magmalalim, matuto munang akong lumangoy. Bago ako magyabang, patunayan ko munang handa na akong makipagtagisan ng tibay ng loob.
Ang tanong ko lang naman, bakit ba ako susuko sa mga pagsubok na dinaranas ko ngayon eh hindi ko naman ‘to ikamamatay ? Diba!? Oo, madaling sabihin, kapag wala na ako sa mainstream ng pagsubok ngunit lagi na lamang bang ganun sa gitna ng problema nakakalimutan ko ang formula o ang life experiences ko. Offtrack na walang bitbit na aral sa utak ko. Diba dapat mas lumaban kasi dito rin naman ako tumitibay? Sa bawat pihit ng tadhana. Nakatawa pa rin ako.
Nasan na ba yung naglalagablab na pagnanasa ko o ang tinatawag nilang “burning desire”? Where na you?
Nawala na kagad yung pagnanais kong maka-hakbang. Sumubok at tumapang. Nagkaroon lang ng konting tuwa. Konting pagpapala. Absence of mind na.
Kapag gusto kong sumubok. Natataranta kagad ako. Parang napaka incompetent kong species dito sa world. hahaha
Nasan na ba yung nailagay kong pang-gatong at gasolina at sisindihan ko na ulit. Nasan na? Nabasa ba ng tubig?
Saan na ba nakalagay ang care ko? Lumilipad ba o naiwan ko sa chateau namen?
Nasan na ang buong atensyon ko?
Kanino ko hahanapin, sayo, sa kanya o sa akin?
May iha-Hot pa ba ang apoy na nasa dibdib ko? o todo na?
Nang dahil ba sa internet sa opisina? Sahod na okay na sa kin kaya ayaw ko pang umalis dito. At kumilos na.
I felt like I don’t embrace the growing pains of living. Really.
Nandahil ba sa mga latest chismis ngayon na hindi ko mabitawan sa internet. Kakacomment. Malamang may internet den naman ang pupuntahan ko. At napakababaw kung ang internet lang ang di ko mabitawan. Dafuq. Ako ang batang laki sa internet.
Nang dahil ba nagkamali ang mga dating sumubok na umalis, ganun din ako?Hindi naman siguro.
Pwede naman akong matuto sa kanila at ako na ang magtatama ng naging maling desisyon nila. Posible diba.
Dapat ko bang tanungin kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay? Eh parang ako rin naman ang gumagawa ng kahulugan neto. Iaasa ko nalang ba sa mga nababasa ko o pakikinggan ko nalang ang sarili ko?
Nasan na yung sobrang paghahanda ko? Nasan na yung inihanda ko para sa battle na pupuntahan ko?
Kailan ko mare-realize ang tama, I’m blowing things out of proportion na eh. Ano ba ang mas masakit?
Ang mag-stay sa di ko gustong trabaho o umalis na handang harapin ang bagong challenge ng buhay.
Ang dami pa kayang future kapag umalis na ako at nagsimula muli ng panibago.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Nasan na ang Apoy sa dagat? Nabasa kagad ng tubig? Inihip ng hangin? O tamad lang paapuyin ulit.
Kala ko ba nandito ako sa 2015 para sumubok. Diba yan ang sinabi ko bago pumasok ang taon, “Ang sumubok”. Ang magkamali sa tamang paraan. Fail wisely.
Bakit parang may takot na magkamali ako ngayon? Dahil ba medyo hindi maganda naging resulta ng una?
Nawawalan kagad ng pag –asa? Ganun nalang yun?
Mahirap maghanap ng trabaho. At mahirap maghanap ng trabaho ng wala pang trabahong lilipatan. Correct.
Sa bawat attempt ko. Mapapaso mismo ang makakatabi ko sa init ng desire ko.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Sige, bigyan mo ako ng rason kung bakit ka namen dapat tanggapin sa company na to?
Me in a gago mood: Eh syempre wala akong trabaho kaya ako nag aapply senyo. Tanga neto.
Kung tapang lang din ang pag uusapan, wala na akong kahit konting kaba. Simula ngayon. Peksman.
Mas malupit pa sa bawat suntok at sipa ng IP man.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Babalikan ko lagi kung saan ako nagsimula. Kung ano ang una kong reason kung bakit ko ginagawa ito.
Nasan ang nagbabagang "baket"?Baket! Baket! Baket! Ibalik ko kung baket.
Ang biyahe ng buhay ay parang bus. Pipiliin ko ng mabuti ang sasakyan ko. Isang biyahe lang. Kapag nakasakay na kasi ako, hindi ko na tatangkaing lumipat sa kabilang bus kapag natakbo na dahil sa terminal pa ang babaan nito. Walang kaakibat na magic kapag reality na. Maghintay nalang sa susunod na terminal saka lang ako makakalipat ng ibang ruta.
Hindi ako papayag na huminto. Basta tuloy tuloy kahit anong mangyari.
Kahit na minsan ay buhay ay gusto ko nalang i CTRL+ALT+DELETE. Tanggapin ko nalang ang reality.
Alab alab pa. Apoy pa
.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Nasan na ang hinahanap kong result? Ito na ba yun o hindi pa?
Ito na ba ang tamang direksyon o maghanap pa.
Kaya palaging manatiling akong mata-TAG. Maging batang Lactum. Para laging panatag. Maging mapagpasalamat. Kung ang Diyos nga ginawa ang mundo within 7 days, eh ako 9 months sa tiyan ng nanay ko, Sumatutal, mas mahalaga ako.
Lagi ko ring iisiping may parating na problema. Humanda ako lagi.
Malalagpasan ko ang magiging problema sa paghahanap ko ng bagong mundo.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Ang Diyos ang naglagay ng lesson pala sa buhay ko. Mag-aaral ako ng husto dahil pagsusulit lamang ito ng faith ko.
Magsiga pa ko ng apoy.
Kasama ko kayo, Kumapit rin tayo ng mahigpit, mga kapatid.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Saan parte ng buhay ko gagamitin ang isang butil ng pananampalataya.
Tandaan: bawat desisyon ay may kalakip na price tag. Halaga.
Alalahanin ko yung mga panahong gumigising ako sa umaga dahil tuyot ako sa pag-asa. Panahong sinasabi ko nalang sa sarili ko “magiging maayos din ang lahat”. Mga panahong binubwisit ako ng boss ko at nadidisapoint ako sa mga nangyayare. Pero ito ang tamang panahon upang iremind ko ang sarili sa tunay na nangyayare. Magtiwala rin ako sa sarili.
Mas maniwala sa sarili kong kakayahan.
Kahit na, hindi pa ito ang right time. Mga tanong na, “Bakit pa ako nandito kung halos lahat gustong umalis dito.” Mga kaworkmate ko na parang suko na.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Wala na siguro akong iwo-worry kung mapupunta ako sa impyerno sa gagawin ko. Kapag na-overcome ko to, impyerno na to eh. Ano ibig sabihin nun, meron pang isa? Lugi naman.
Ang pag-asa ang paniniwalang magiging maayos ang lahat pero ang pananampalataya ay naniniwalang magiging maganda ang kalalabasang resulta.
Lalagyan ko pa ng spark ang bawat gawa ko.
Ang buhay ay puno ng misteryo. Walang makasisigurado Ang tadhana madalas mapagbiro, Dahil sa sugal ng buhay hindi ko malalaman kung ako ay talo o panalo, kung ako ay agad agad na lamang susuko.
Hanggat wala naman akong tinatapakang ibang tao, itutuloy ko tong paniniwala ko sa buhay.
Alalahanin ko yung mga panahong gustong gusto ko ng umalis sa masalimuot na mundong ito.
Kung maaari kiskisan ko pa ang dalawang bato para makagawa ako ng apoy.
Lumiliyab ako sa sariling kong apoy dahil narito ang aking pangarap.
Lagyan ko pa ng gasolina, magpatulong sa pang-gatong.
Sindihan ko pa ng tuluyan hanggang sa magliyab. Panatilihin ko lang ang apoy.
Kumikilos ako ng may apoy sa damdamin. Ang Puso sa ilalim ng nagbabagang apoy.
Bawal ang magduda pa. Itutuloy ko na ng todo. Pagsubok ko to.
Hinding hindi ako sasandal kung ano lang ang nangyayare. Pag-aaralan ko pa.
Pakinggan ang sinasabi ng puso ko. Ang sigaw ng paglaban ko.
Mananalo ako sa unang laro na ko na ‘to.
Gagawin ko ito para sa tagumpay ko.
Hindi masamang mag-expect ng lahat ng mangyayare ay milagro para sa akin. Hindi masama.
Kung noon ay sumasakay palang ako sa biyahe ng buhay.
Ngayon ay tatakbuhin ko na ng mabilis.
Mas malaki ako kesa sa problema ko,
Dalawang bagay lang ang ipapanalo ko ngayon.
Ang umalis ng maayos at magsimula ng maganda.
Mahahanap ko ang trabaho na kung saan mahalaga na magsayang ng oras dun. Sulit magsayang ng oras. May direksyon kung magsasayang ng oras. May sukli kapag nagsayang ng oras.
Parang dragon kung bumubuga ng apoy sa iwinewelga ko. Pilitin huwag bumitaw.
Hahayaan ko nalang bang tubig lang ang magpatigil ng apoy ko. Opkors nat.
Ano mang laro ng buhay. Makipagpatintero man kay kamatayan. Laro pa rin yan. Minsan may dugaan o sakitan. Ngunit may laro na possible ako manalo. Hindi palaging talo.
Huwag kayong magalit sa akin, isa lang akong manlalaro sa buhay na to, magalit kayo sa laro. Wag din sa referee.
Huwag kayong magalit sa akin, isa lang akong manlalaro sa buhay na to, magalit kayo sa laro. Wag din sa referee.
At sino naman ang nagsabi na ang demonyo ang leader ng impyerno,sa bibliya, mismo rin siya, nasusunog din dun. walang masama sumugal kung mapupunta ka sa impyerno. Basta alam kong mananalo ako.
Ito ang apoy ng aking pagnanasa sa bagong mundong haharapin ko.