Pambiyaya naman oh.
Halimbawa ika’y isang bulag. As in, dalawang mata. Sobrang
dilim ng nasa paningin mo. Para bang may nakataling bandana. Siguro mga limang
ikot ang pagkakatali sa mata mo. Atat na atat ka ng makita ang ganda ng buhay. Ang
totoong mundo. Gusto mo ng idilat ang mga mata mo. Yung tipo ba na atat na atat
ka ng masilayan ang liwanag ng araw. Kaya kahit papaano, iniimagine mo nalang muna
sa isip mo ang mundo na naririnig ng iyong mga tenga. Ganyan ang pakiramdam ko
sa tuwing gusto ko ng maramdaman ang pinapangarap ko.
Hindi ko alam kung mayroon pang itinuturo sa akin ang
nakaraan. Ayoko na sanang balikan ang mga ito. Pero parang may kahulugan kasi. Kung
babalikan ko lang ang nakalipas. Ang mundo ko noon ay punong puno ng
pag-aalinlangan. Lagi akong nagdududa. Marami akong gusto. Minsan ang
nangyayari ay kabaliktaran ng gusto ko. Lagi akong naguguluhan. Laging may
mabigat na tanong sa bawat yugto ng buhay ko.
Sa bawat yugto ng buhay ko. Lagi akong nagpapasalamat.
Sobrang pasasalamat. Ayoko man isumbat sa aking malupit na ama. My biological
father. Nagpapasalamat pa rin ako. Laging may problema. Kahit na halang ang
bituka ko minsan. Laging kasama ko ang Panginoon. Laging may Jugjug.
Way back from elementary
Ayoko man sanang ipagyabang. Pero sobrang galing ko ng
elementary ko. Pati ako napapahanga pa rin. Ang dami kong medalya na natanggap
nun noon. Seryoso ako sa pag aaral nun. Ito ay dahil sa sobrang focus ko sa pag
aaral at konting palakas sa MayKapal. Ngunit sa kabila neto, pinalaki ako ng
magulang ko sa paninigaw, pananakot at maling pananaw sa pagkakamali sa buhay. Nada-down
ako nun talaga. Ito rin ang mga panahong kapag nagkajowa ako. Tanging kilig
lang na walang attachments. Ang saya nun diba. Isang text lang ng girlfriend
parang buong baon mo na sa maghapon sa school yun diba. Tapos dito na umusbong
ang pagsasayaw. Nauso siya ng hindi ko namamalayan. Nakahiligan ko ang pagbe-breakdance.
Doon palang sa pagsasayaw ko. Nauso na sa akin ang forever. Sinabi ko sa sarili
ko. Ang pagsasayaw na talaga ang gusto kong direksyon sa buhay ko. Kakagatin ko
na ang break na to. Ito na yung gusto kong maging profession ko sa buhay.
Masaya ako. Ngunit bumagsak ang mundo ko nung bumagsak ang mga grades ko
pagtungtong ko sa highschool. Saklap.
Noon malakas ang pananampalataya ko. Nawala ng husto ang pananampalataya ko.
Way back from high school,
Sa maniwala kayo at sa hindi. Edi wag maniwala. Mantakin mo
ba naman na umiyak ako sa nanay ko dahil 1st year high school palang ako, gusto
ko ng sumuko sa pag-aaral. Naalog ata ng husto ang utak ko sa pagsasayaw. Alam
mo naman ang brain ko. Parang temperature sa kili kili. Nagbabago kapag
naaalog.
Ito'y dahil sa simpleng math na naiinis ako kung baket hindi
ko maget-gets. Fuck shet. Algebra pa lang yun. Sobrang maluha luha ako sa nanay ko nun. Mukha
akong tanga. Sabi ko sa nanay ko. Itutuloy ko na ang pagsasayaw. Ayun, buti
nalang, sa kakaunting dasal ko at pagluhod noon sa mga poon. Naipagpatuloy ko
ang high school ng maayos. Ngunit,pinalaki naman ako ng magulang sa pananakot
na wag muna akong mag-aasawa. Pamilya daw kasi namen lahi ng pikutin. Ako yung
lolokohin ng babae lagi. Baby lang ang habol sa akin ng lahat ng babae. Hinde! Tapusin
ko muna daw ang kolehiyo ko bago ako pumasok sa buhay “bagito”. Ito ang stage
na natututo na ako sa Jugjug. Wag niyo ng tanungin yung jugjug. Baka masira ang
mga endorsement deals ko. Masisira mga commercials ko. Charot. Kaya tuluyan ng
hindi ako tumaba. Adik na ata ako nun dun. Napakarelihiyoso kong tao nun ngunit nakakagawa ako nun. Napaka
impokrito ko. Pero may puso naman ako nun. Mapagmahal ako sa kapwa. Kaya ako nagpupunta sa simbahan ay para
humingi ng tawad. Laging ganun. Tingin ko, kinukuhanan ata ako ng laman ng sa
itaas sa mga kasalanang nagagawa ko noon. Kaya nung papasok na ako sa college.
Gulong gulo naman ako. Hindi ko alam ang papasukan ko. Ano ang gusto ko. Sabi
ko noon,hindi ko pwedeng ipriority ang showbiz. Magulo ang profession na yun.
Hinde! Praning praning ata ako nun. Sabi ko noon, wag muna kaya akong
magcollege. Hindi pa ako handa. Talagang kumpiyansa akong magkakaron ako ng
maayos na buhay noon dahil sa meron akong jowa matalino PERO panget. Naglagay
ako ng “pero” kasi nakakainis. Well,
ganun talaga, ang gwapo madaling maloko kasi mahina sa math. Marupok. Kaya ang
intro ng college ko, isang hindi napaghandaang senaryo ng buhay ko. Para akong tumalon sa isang dagat na punong
puno ng pating. Anak ng pating naman oh. Nagkagulo gulo ang mundo ko.Walang
direksyon. Basta pili nalang kung ano
ang kurso.
Kaya nawala na naman ang pananampalataya ko.
Way back from college,
Nagkaroon ako ng emo na girlfriend. Ang babaeng makapal kung
mag eye-liner at may Barbie pa sa neck lace. iiiw.. ang bitter ko. Siya yung
binanggit ko nung high school ako .Ex ko na siya ngayon. Nakakadiri nga eh.
Nakashabu lang talaga ako nun. Nagdecide akong mag-arkitekture. Kasi nga
sumunod lang ako sa kanya dahil siya ay magcicivil engineering. So, dapat
partner in business kame. Sabi ko naman sa sarili ko. mahina ako sa Math, pwede
ba yung medyo wag muna dadaan kagad ng arki, pwede ba yung mababa muna.
So, ang kinuha ko ay Graphics Technology na pwede ko pa ring
ituloy ng arki. So, nagGo ako kahit maraming tutol. Maraming tutol kasi magulo
daw ang kurso na yun sabi ng mga napagtanungan kong hindi mapagkakatiwalaang
tao. Kaya habang tinatrabaho ko ang
kurso ko sa unibersidad namen. Hindi ako masaya. Nalulusaw ako sa tuwing
ginagawa ko yun. Wala lang, masabi lang na nakapag college ako nun.
Ito rin ang panahong naghahanap ako ng tamang religion o
totoong Diyos. Nakikipagdebate minsan sa inuman tungkol sa Diyos. Nakakatawa.
Anghel na ulol.
Nagtuloy tuloy na ang buhay ko na magulo. Kasabay ng sermon
sa akin ng aking ina na huwag muna akong mag aasawa. Ayun, para tuloy mas
sinubukan ko ang ganun pamumuhay. Wala pa akong baby ah. Mas lalo lang akong
nag experiment. Ang gulo rin eh noh. Parang pinaglalaruan talaga ako ng
tadhana. Natututo rin akong makapanakit ng damdamin ng ibang tao. Manloko sa
isang relasyon.
Kaya nawala na naman ang pananampalataya ko.
Way back from college after graduation,
Nakagawa ako ng kagimbal gimbal na kasalanan. Nangaliwa ako.
Nasira ang buhay ko. Napalitan ang kasiyahan. At ito ang tunay na katotohanan
sa arki, para lang masabing nakapag arki ako. Pinilit kong pumasok ulit sa
pag-aaral. Gusto ko ang arki pero gusto ko munang magstop. Kaya ko naman ang
arki kaso nga lang ako yung tipo ng tao na bumabalik sa akin ng mabilis ang
kasalanan na nagawa ko. Ayun, ang naging resulta, bagsak ako sa exam ng arki.
Walang plano sa buhay. Puro katarantaduhan. Walang direksyon. Walang ambisyon.
Pero dahil sa pagmamakaawa ko. Kinausap ko ang prof. Medyo naglabas ako ng 2
abs lang para tapos na ang usapan. Nakapasok din naman ako. Kaso nga lang, parang
hindi pa rin ako satisfied sa ginawa. Parang hindi worth it.
Way back from arki semester,
Maganda mag aral ng arki. Medyo mahirap. Hindi pala medyo.
Talagang mahirap pala. Duguan kamo. Puyatan. Hindi parin ako naging masaya.
Kaya pinili ko nalang idrop ang mga subject ko. Sumuko na talaga ako.
Kaya nawala na naman ang pananampalataya ko.
Way back naghahanap na ng work,
Sobrang hirap mghanap ng work noon, Taena, binabasa ko
palang yung requirement ng company na gusto kong pasukan. Kinikilabutan na ako.
Ganun talaga ako. Hindi kasi ako aabot sa qualification nila.
Eh no choice naman talaga ako. Ganyan nalang kahit ano nalang.
Bahala na.
Kaya ngayon, bumalik na ang pananampalataya ko.
Sabi ko, ito nalang, pilitin ko munang makapasok kahit di ko
gusto. Magugustuhan ko din siguro ito.
Nakapasok ako. This year ay mag tattling taon na ako dun.
Kaya ngayon, lumakas ang pananampalataya ko.
Ngayon naman, nasa work na ako. Meron akong nirereglang boss
na parang nanay ko. Feel na feel niya ang propaganda niyang busy. Puro
skyflakes naman ang pinapakain sa amin tuwing merienda. Busy is another term
for “asshole”. Ang isang minute kong nabubwisit sa amo kong kupal ay katumbas
ng isang oras kong kaligayahan.
Kaya ganito ito. Kung
babalikan ang mga naging chapter ng buhay ko. Para may meaning sa mga nakaraan.
Ngayon naman, lumalaban akong mabalik ang pananampalataya ko.
Naguguluhan na naman ako sa work ko . Kahit planuhin kong
maigi.
Lumalaban pa rin mabalik ang pananampalataya ko.
Ang buod ng lahat ng ito ay connecting the dots ng buhay ko.
Kung hindi ko naman kasi pagdudugtungin ang bawat chapter ng buhay ko, hindi ko
mata-track kung may patutunguhan pinapangarap ko o hinde. Noo’y wala talaga
akong goals sa buhay.
Nabasa niyo naman na ang buhay ko ay punong puno ng Jugjug. Jugjug
nga ba ang dahilan ng lahat ito kaya ako naguguluhan o kung paano ako pinalaki.
Hindi ko mapigilan ang JugJug. Lagi kong kinakaen lahat ng putahe. If you know
what I mean. Masarap magpakatotoo. Ganunpaman, nadedepress ako. Di nako fresh.
Biglang nawala alindog ko. Wala na yung dati kong vigor, vibrance and vitality.
Atar! :) Dapat ko rin bang bitawan ang pang-aasar ko o Jugjug? Kung hindi
jugjug o kaya jakol.
Kagustuhan ko naman ito. May choice ako. Maaring mali ako ng pananaw sa
pagkakamali. Inimprove ang ko lahat ng kahinaan ko.
Kung magtitiwala ako sa Diyos at sa sarili ko? Tig ilang
porsyento ba ang ibibigay ko saken at sa Diyos. Pwede bang 50-50 percent kame.
Ang gulo nun diba.
Sa tuwing sinasabi kong kaya ko ang lahat. Bahala na bukas. Nagiging
miserable ang buhay ko sa tuwing sinasabi kong walang Diyos. So, the devil
is the lie, make a better choice.
Kaya pasalamat ako sa problema na ito. Ang problemang paano
ako makakamove forward. Salamat pa rin dahil may nilu-look forward ako ngayong
taon. Dahil kung hindi naman ito mangyayare. Hindi ako uunlad ng ganito. Kapag
may problema lang naman ako kumikilos eh. Diyan ko nakilala ang sarili ko eh.
Impokrito ba ako kung matatawag dahil sobrang dami ng mga
mali kong nagawa o tama pa rin ako dahil hindi ako bumitaw sa Diyos. Kung
babayaran ko mga utang ko sa buhay dahil sa mga nagawa kong mali. Kulang pa ang
buhay ko.
Lahat ng nakikita ko ay patunay lamang na taasan ko pa ng
spiritual na buhay ko at magtiwala sa hindi ko nakikita. Ano mang biyaya ay okay
sa akin. Ang biyaya naman hindi naman ineearned yan eh, isang regalo yan, hindi
yan kapag kung sino lang ang nagsisimba siya lang ang pagpapalain. WRONG. Hindi
ito palakasan sa Diyos. Kapag dumating ang pagpapala. For sure, hindi
magtatagal to. Minsan nga, kapalit neto, lungkot. Bakit kaya. Eh hanggang kailan
ang faith ko? Tuwing magulo lang ba ang paligid? Sa tuwing madilim lang ba ako
ganito. Hindi ko magawa ito sa tapat ng sinag ng araw kung saan ang biyaya ay
bumubuhos. Siguro nga’y ibon lang ang malakas ang faith kaya’y sila lang ang
nakakalipad ng tuluyan.
Kung hindi ako susugal, hanggang saan lang ako. Sinong tao ba
naman ang mag eexpect ng iba kung wala naming ginagawang kakaiba. DIBA?
Dati kapag may mabigat na problema mas mabigat pa sa
balikbayan box, lagi kong tinatanong, Lord, bakit ako? Pero kapag ang blessings
ang dumating, hindi ko matanong sa sarili ko, Lord, bakit ako?
Sa sobrang bilis ng pagbabago ng mundo. Ang kahapon ay ibang
iba sa ngayon. Ang nakaraang taon ay ibang iba sa ngayong taon. Kung hindi ako
tataya, kung hindi ko ipupush ang sarili ko. Kung hindi ako susugal. Maiiwanan
ako. Ang “wala” akong gawin ay ang pinakamasaklap na taya na ginawa ko sa buhay
ko. Diba, hindi naman basta basta iniimagine ang pagkuha ng perla sa dagat.
Matuto kang lumangoy. Pag-aralan lumangoy. Sisirin ng malalim.
Gusto kong pasalamatan ng husto ang mga taong nagmotivate sa
akin. Na kailangan ko pa palang magpursige pa. Bawal ang tatamad tamad. Hindi
ko naman maililipat sa isang lugar ang isang puno. Kaya kailangan kong magtanim
ng sarili ko. Walang dapat sisihin. Darating din ang panahon, sa akin din ang oras.
Oras ko naman ang gagamitin. Makakabawi din ako sa kupal ko na boss. Matuto
akong magtiwala sa sarili. Ako ang nagddrive neto. Wala ng iba.
Iba pa rin ang kumakanta habang nasasaktan.
Iba pa rin ang kumakanta habang nalulungkot.
Iba pa rin ang kumakanta habang may mabigat ng problema.
Parang pagtanggap kay Hesukristo at sa lotto. Kung hindi ka
tataya. Hindi ka mananalo.
Walang sikreto sa buhay. Tanging ang goals at isipin mo lang
ang dapat magtulungan para magtagumpay. Wag kalimutan ang Diyos. Siya na ang
bahala sa ibang bagay. Bgsta go lang ako. Idederecho ko kahit sino sagasaan.
Paano nalang ako. Limitado lang ang buhay na binigay sa
akin. Kailangan ko pa ba talagang sayangin ang oraas ko sa kumpanya na hindi ko
naman gusto.
Napakahalaga sa buhay ng pagkakamali at pagtatagumpay. Wala
silang pinagkaibang dalawa sa pula at sa puti. Parehas pinagtatalunan pero
parehas lamang.
I will make the most out of almost
Ito lahat ng plano ko. Ginagawa ko lahat ng ito dahil para
sa next generation. Sa mga susunod pang mga kabataan sa akin. Sa mga magiging
anak ko. At sa mga gustong sumunod sa mithiin ko.
Ano ang next na dapat kong gawin?
Atat lang ba ako?
Or paranoid o sobrang nagpapanic?
O dapat akong magpakalma at pag aralan ng mabuti ang
lalakaran ko.
Kahit anong mangyari, kahit gaano kahirap... Hinding hndi
ako susuko sa pangarap hanggang sa mapagod ang tadhana at hayaan na lang akong
sumaya.
No comments:
Post a Comment