Pahina ng sarili kong diskarte sa - law of attraction, - passion ko sa pagsusulat, - diskarte ko sa buhay at trabaho, - diskarte kong produktibo, - malikhaing kwento - at tips/motivation ko sa success na may halong nakakabastos na humor.
Tuesday, April 14, 2015
FOOD FOR THOUGHT
Nakakapagod mag-commute. Anoh? Nilagyan ko ng “h” para may art. Nakakapagod magdala ng laptop araw-araw. Hindi pa patas ang upo ko sa jeep sa huling sakay ko. Parang pang 2 pesos yung upo ko eh. Ang dame ko pa namang dalang bagahe. Kaninang umaga lang, ang gwapo gwapo ng gising ko, parang wala na nga akong karapatang pumaget eh. Charot. “Supilin ang mga feeling pogi na tulad ko.” Tagag!
Kahit na medyo creepy ang hilik ng katabi ko sa bus. Saka annoying ang nguso ni kuya eh. Mas nakakapagod magbiyahe kesa magtrabaho sa opisina. Pero masaya naman lagi ang biyahe ko sa bus. Nakakaidlip ako ng maayos. And safe naman ako nakakauwi sa bahay palagi. Sa kalagitnaan palang ng biyahe ko kanina, Tinext ko na kagad ang nanay ko na uuwi ako. Nagtext akong kakaen ako sa bahay. "Ma, ilabas ang mga putahe para sa senyorito ah".
Naglalakad na ako malapit sa bahay. Naamoy ko na ang ulam. Tumusok kagad sa ilong ko ang amoy chicken. Nagtaka lang ako. Sobrang takang taka lang ako, kung bakit ang daming ulam. Lunes ngayon ah. At abril palang. Hindi ko pa Birthday. Ang aga naman masyado ng surprise saken. Tinignan ko ng maigi ang mga nakalapag, Hindi pa bawas ang mga prito at mga sinabawan. Malinis ang pagkakaluto. Walang bahid ng krimen. Nagtataka ako to the point na iba yung klase ng ulam ngayon. Parang naghire ng chef ang nanay ko. Hinahanap ko nga si Bitoy eh, para nakakasiguro ako kung anong plato ang may sebo. "Misis may sebo ang plato niyo".
At ako palang ata ang kauna-unahang kakain. Baka siguro bumili lang si mama sa labas ng sigarilyo at iniwan muna ‘tong mga ulam. Kaso pagtingin ko sa mga pinggan. Walang available na plato o platito. Puro hugasan. Noon naman. Panahong kasabay namen ang mga Ayala Family sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa tuwing may bisita kame. Dun lang lumalabas ang mga plato nameng mamahalin. Ganyan kame. So, samakatuwid, walang bagong bisita tonight.
At sa wakas, dumating na rin si ina at tinanong ako.
Mama: Bunso anong gusto mong ulam? Wala pang nakaen eh. Mauna ka na.
Ako: Ma, Ano ba masarap? Meron ba dyang ginisang friendzoned with feelings o kaya supladong Sinigang.
(Ang layo ng tingin ko na parang malaki ang lamesa namen pero maliit lang naman.)
Tapos ang sama ng titig saken ng nanay ko.
Sabi niya, “kumaen ka nalang jan.”
Nagtanong ako, "bakit iba ata ang mga ulam naten ngayon. Bonggahan"
Sabi niya, “Wala lang trip ko lang”
Yun pala nanood ng cooking show si Mama kanina. Aba may budget.
Dumating na ang tatlong makukulit na mga pamangkin ko. Mga galing ng court. Naglaro pala ang mga chikiting ng basketball. Yung isang bata humihingi kagad ng tubig. Yung isa naman wala pang hugas hugas ng kamay. Pinapapak kagad ang manok. Ang masibang si Prince.
Kaya pinaupo na sila ni mama at sabay sabay na kumaen ang tatlo. Ang mga itchura ng mga pamangkin ko. Kala mo gumulong sa ilalim ng jeep. Sobrang dumi.
Tumikim na rin ako. Kumpirmado!
Grabeeeeeeeeeeeee. Ang sarap ng cooking ng Ina ko. Shet. Ito ang luto ng Diyos kung tatawagin. It’s Kinda. You know!
Meron kasing three magic words ang nanay ko sa pagluluto: “Jesus loves me!”
Christian kasi nanay ko.
Kapag naman nahuhuli ko ang mga galawan ng mga pamangkin ko.
Naalala ko noon.
Kapag hindi ko gusto ang ulam. Minsan ang ginagawa ko sa kanin na may sabaw ay hinahalo ko na parang Semento. Feel na Feel ko magConstruction-Boy noon eh.
Totoo. Para lang malibang ko ang sarili ko. Saka mahina rin ako kumaen talaga noon. Ang gulay ay isinusuka ko.
Noon, sa sobrang inis sa akin ng magulang ko. Nai-ngudngod ako sa kinakain kong pagkaen dahil iniiyakan ko lang siya kasi ayokong ubusin ang ulam. Napaka arte kong bata. Yan ang mga nakikita ko sa mga pamangkin ko ngayon na namana nila siguro sa akin pati sa angkan namen.
Sobrang demonyo ko, nagtatapon pa nga ako ng ulam noon para lang maipakita ko sa nanay ko na ubos na ang kinakain ko at makakalarga na ako. Makakapagliwaliw na ako. Ngayon, nakokonsensya ako kapag nakakakita ako ng batang ginagawa iyon.
Noong bata pa ako, Wala akong focus sa inihandang plato sa akin. Dati pa nga sabi ko. “Ma, Itatae ko rin naman ang mga pagkaen eh. Ayoko ng kumaen” sabay sampal saken ng nanay ko. At bumitaw ng mga katagang “Kung ayaw mo ng inihanda kong ulam, bukas ang pinto, lumayas ka”.
Noon, bago kumaen. Walang dasal dasal.
Minsan pinagsasabay ko ang laro at pagkain.
Minsan pinagsasabay ko ang tv at pagkain.
Dati takaw mata lang ako sa pagkain. Feeling ko. Kapag inilagay ko sa plato ko ang mga gusto kong kainin. Mauubos ko.Hindi pala. Nabigo ako.
Minsan sumasayaw pa ako habang kumakaen. O takbo kagad sa labas.
Nung naging highschool ako, nauso ang unli text sa Sun Network.
Nagtetext ako habang kumakain.
Hanggang sa nagkajowa ako.
Nawala lang siya sa tabi ko, di na ko makakain. Naiinis ulit ang nanay ko kapag nakikita akong ganyan eh,sabi niya “Bakit nasa jowa mo ba ulam mo? At hindi mo maisubo yang kinakaen mo”.
Ngayon narealize ko na.
Noong naghanda ang Diyos ng kalokohan sa mundo. Nagbuffet ako. Kinain ko lahat ng kulit eh.
Dapat pala nakadenpde kung ano ang kaya kong kainin at kung ano ang sinsabi ng tiyan ko. Ang isinisigaw ng kalamnan ko.
Maaari namang piliin ko lng ang gusto kong kainin sa dami ng kaya ko lang ubusin sa oras na yun.
Ang dame kong pagkukulang pagdating sa mga ibinigay sa akin ng magulang ko lalo na sa blessings. Nooy isisi ko sa magulang ko kung ano ang kanilang inihandang ulam. Kung bakit di ko type. Talang inutil ako nun kung tatawagin eh. hahaha
Walang nagturo sa akin na magpasalamat ako noon sa pagkaing inihain sa akin. Basta lapang lang.
Sabi ni mudrax. dapat
Ubusin ko ang ulam.
Pispisin ko.
At ako na rin ang maghugas lagi.
Damay ko na rin daw yung mga labahan, paliguan at subuan ko ang mga aso at lumayas na ako sa bahay namen. hahahaha
Ngayon kapag walang pera. Pinoproblema ang pagkaen. Kapag may pera naman. Sex naman. Tapos kapag parehas na walang pera at sex. Sira ang health. Charot. Hahahahahah ano ba talga yan.
Buti pa yung kaibigan ko. Lalong tumataba. Ganun kasi kapag laging pinapaasa ng boyfriend niya eh. Sa pag kaen umaattack. Ako gabi gabi akong hopia. Nakakabusog sa isip.
Pero simula ng nagkatrabaho ako. Isa sa natutunan kong pinakamagandang mag invest ay sa pagkain. True diba. Hindi lang pampa-good health kundi dagdag enjoyment. Tapos kakain ako ng siomai na maanghang, bibili ako ng large fries sa mcdo. Bibili din ako ng Vcut ng large den. Tapos pag uwi naman, isang bote ng alak. This thing called “Buhay Sagana”.
Maaring ang iba ay gutom sa pagkain. Ang iba ay gutom sa pagbabago. Pagbabago na maaring ikabusog ng lahat. Naks
Marami kang makikita sa daan na mahihirap o mga pulubi na naglalakad minsan sa tanghaling tapat para lang makakaen. Naghahanap ng pagkaen sa basura. Nanghihingi kung kani kanino. Kahit anong amoy nila. Keri lang. Pero huwag ka, ibahin naten ang masiba kong kaibigan na naglalakad lang sa kalye para lang magpababa ng kinaen sa Vikings Buffet. Nakita niyo na ang pinagkaiba ng mahirap at ang taong hirap dumighay. Punyeta diba. That friend “Lagi gutom all the time”.
Sobra sobra na siguro tong ginagawa ko kung sa bawat dasal ko ay puro pagpapasalamat. Enough na to. Sa biyayang iniregalo sa akin. Lumalakas ang pananampalataya ko sa pasasalamat. Kasi malaki ang nababago sa buhay ko sa pasasalamat sa buhay. Ito ang tunay na langit. Ang magpaaasalamat lagi.
Ako ang foodtrip ko lang ngayon ay tagumpay. Gutom na gutom ako sa tagumpay. Sa trabahong gustong gusto ko na simulan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Gusto ko ito, totoong-totoo sa tunay na buhay. Keep it up!
ReplyDeleteSalamat po sa comment niyo. Sobra ko pong naappreciate ang sinabi niyo. God Bless Maria.
ReplyDeleteyes! ang daming realizationssssss :)
ReplyDeleteNaks idol jep kapag nagcomment talaga..nanlilit ako..salamat tlga ah..sana tlga makapagmeet tau ng personal pra makakuha ako senyo ng advice ..God Bless
Delete