Wednesday, September 23, 2015

PAPARATING NA ANG BAGONG SILANG


Makinig mga Ladies and Gents. “Narito ako ngayon. Upang sabihin sa inyo. Tinatanggap ko ang hamon bilang isang president ng pilipinas. “Charot lang

Alam niyo ba!? Yung bulinggit pa lang ako noon, takot akong makakita ng batang isinilang. Takot talaga ako. Sa totoo lang.

Nasa loob ako ngayon ng sinapupunan. At alam kong yung iba din. Ramdam ko rin kayo Guys. Kayo yung mga taong nag-aasam din na makalipad at damhin ang tunay na pangarap. But first of all, I want to thank, hmm gusto kong pasalamatan ahm tenkyuLerd sa kasalukuyang pagpe-preserve ni Mother Earth para makalabas na ako sa tiyan ng mundong to at makalipad na din pero po Jeskelerd, Tulong. Hindi pa po ako makakilos ng maayos. Hindi ko nga lang po talaga kayang mailapat ng maayos ang mga kamay at mga paa ko. Hindi ko pa kayang lumakad o tumakbo man lang. Kasi nga po, nasa sinapupunan pa ko ngayon. Sana’y may magturo sa akin ng daan patungong kabihasnan. O patungong kaligayahan. Nakasabit pa rin sa dingding ng isipan ko ang mga nais ko. So, help me, Plith.
Ang sinapupunang binabanggit ko ay ang mundong ito.
Ang dami kong natutunan sa loob ng sinapupunan ngayon.
-Ayokong sumabay sa agos ng buhay ng iba. Kasi feeling ko tulad nalang ng  pag-uso ngayon ng pagta-travel or vacation chu chu, umaasa nalang ang ibang tao sa himalang magbabago ang kapalaran nila sa pagta-travel. Very Very Wrong. Napagtanto ko. Kung di ako kikilos. Walang mangyayari sa mga kagustuhan ko. Ang iba nga kapag kumita ng malaking salapi,bwenasin minsan, ang unang nasa isipan kagad nila, “Paano ko palalaguin ang datong ko? Saan ako raraket” at iba naman ay ang sinasabi “Saan tayo magbabakasyon?” Ayoko lang talagang karirir ng maigi ang lakwatsa, gusto ko every now and then lang. hihihi
Gaya rin sa social media ba to?
-Yes, we are so connected to the internet but we are so disconnected from our hearts. Ganyan nalang tayo ngayon mga kapatid. Sobrang malayo na.
-At isa pa. Kailangan ko din bawas bawasan ang mga Yeses ko sa iba. Ako din ang napapahamak eh. Gago din ako. Kala ko savior ako sa lahat ng bagay kapag tumulong sa nangangailangan. Hindi pala palagi.
-Hindi na rin ako sumusunod sa colonyal na talino. Kahit minsan parang malungkot na parang ewan. Tuloy pa rin. Keri yan. Pati na ang relihionalismo sa bansa ko, itinigil ko na rin. hahaha
-Matagal ko ng kasing itinigil ang pagtsamba. Oo, ang salitang “tsamba” katunog ng samba”. Walang letrang “T”. Walang sign na “Cross”. Parang parehas lang sila diba? Naisip ko rin kasi. Kahit naman ang lahat ng tao sa mundo ay magbasa at sumunod sa nakasulat sa itinuturo ng ating bibliya, magmimistulang magulo pa rin talaga tayo. Yung mismong nasa loob nga ng templo, magulo pa rin eh. Kayo bahala. Nasa tama ba akong pag iisip o kinukutuban lang ako na parang ewan ulit. Sige, bahala na kayo ulit.
Minsan nagfe-fret ako sa mga nangangako sa akin. Hindi maiwasan talaga yun. Kaya natuto akong magdesisyon mag isa. Ang laki ng naitulong sa akin. So far.
Marami akong dapat pakisamahan kahit without rhyme and reason.  Wala eh. Hangga’t wala pang katotohanan sa mga bagay bagay na alam ko. Gagawin ko muna ang mga kalakaran na to.  
Sa ngayon.
Ang nais ko lang ngayon ay mabuksan ang mga mata ng iba sa sulat ko. Simple. No Big deal. Pulutin mo  ang sasabihin ko o dadaanan mo lang. Nasa sayo. Leche ka eh.
At kasabay nito, hinahasa ko rin ng maigi ang talim ko.( Sasaksakin ko kasi kayong lahat. hahaha ) Charot. Puputulin ko lang naman ang sanga ng bawat bunga ko. Yun lang yun.
At minsan nawawala ako sa dakong salasalabat ang landas. Pero matalas pa rin ang mga mata ko sa mga dinadaanan ko. Pusong panthera pa rin na gumagala sa kagubatan o sa sinapupunan na ito.


Sa loob ng sinapupunan na to. Nakayuko ako na parang batang di mapakali. Fetus palang.
Pinilit kong ako na mismo ang nagpupush ng lahat. Hindi ko na kailangan ng ire ng earth. Kasi nga life is changing diba. Hindi ko na hihintayin ang bagay na yun na itulak ako para bumago. Ako ang babago sa mundo.
Marahil natataranta pa talaga ako dahil maraming pang naka-lapag na junk sa utak ko. Tambak. Tambak. Kalat. Kalat. In no particular order.
Kung gaano ako katapang umire sa pagtae. Ganun din akong katapang lumabas sa pagkakakulong ko dito sa mundo. I just take a deep breath tapos hold ko in a second then i focus all my effort on pushing forward. Iiiiiiieeeeee (ire). Saraaaaaaap.
Wala akong paki kahit di pa sinasabi ng doctor/professionals  na lumabas ako. Gaya nga ng buntis. Pinag aralan niya lang naman lahat tungkol sa hospital pero ako pa rin ang kikilos. Tama ho ba?
Kapag pinapanood ko ang mga magulang na nagsisilang na bata sa sinapupunan. Sinasara din nila ang kanilang bibig sa pag ire. Tama ba ako dun? Paano ko nalaman, napanood ko lang. At tulad din yan ng mundo na to. Tahimik ang earth sa pagkilos ng pagbabago sa lupa. Nai-imagine niyo na ba!? Kaya ang aking pakay ay lalabas nalang ako pataas. Wala ng go signal go signal pa nila. Lipad! Parang ibon lang.
Hindi ako titigil. Hindi ako mapapagod. Hindi ako magsasawa.
Sa bawat desisyon at bagay na sinusubukan ko. Nabubuksan ang mga mata ko. Ooh diba. May metaphor ang sinabi ko. Finally. haha
It’s the little step in my life that often have the biggest impact in the long run. Oh well.
Kahit magkamali ako ng magkamali. Hindi mawawala ang gutom ko sa paghahangad. Sinanay ko na ang sarili ko sa ganung ugali.
Masaya din yung sine-celebrate ko ang malilit kong panalo. Sa paraang pag inom ng alak nga lang paminsan minsan. Eh kesa naman gumala pa ako at tumambay sa kanto.( palusot). Ganito lang naman yun.  Iba rin kasi yung bawat hakbang ko, ine-embrace ko na kagad ang near win. Yeeees!
Sa nilalakaran ko.
Hindi maiiwasan minsan na may may drug-sniffing dogs na didikit at lalapit sa akin. Sila yung mga aso slash taong hahanapan ako ng mali. Mag iinvestiga. Bawat tamang ginagawa ko ay may kaakibat na reaksyon ng inggit nila. Pusang gala talaga yang mga yan.
Palagi yan. Ang daming problemang bumabalot sa buto ko.  Ito pa rin ako kaya ko pa ring sakyan ang ebbs and flows ng karera ng buhay ko.
Wala eh. Ganun talaga. Kailangan kong magsimula muli sa square one.


Parang gusto ko ng tumakbo para mabutas na ang nakaharang sa dadaanan ko. Tulad ng tiyan ng ina.
Bubuksan ang bawat pintong madadaanan ko. Idea is so powerful.  Kaya i just focus on one idea per week rather than one idea per day. Masakit kasi sa ulo kapag dagsaan masyado ang ideya. Kapag madaming plano sa utak ko. If my certain things really won’t work, I’ll be really certain. Handa akong maglaan ng oras to estimate ang bawat rules & regulations na madadaanan ng biyahe. Tulad ng mga signs sa daan. Konting talas pa at dagdag ng laser like focus. Ito na siguro yung masasabi kong road less traveled ng journey ko.
At heto na nga,
Siguro’y di ko na kailangan ng direksyon sa buhay. Itinutok ko nalang sarili ko paitaas. At itinuloy ko lang. Go! Push!


Bibitawan ko ang nagpapabigat sa paglipad ko kasi “I’m afraid to fly but I don’t know why”. Sabi nga ni Lea Salonga. Ngunit lahat gagawin ko pa rin. Guluhin man ako ng mga professional works na nag ooffer sa tagumpay ko daw. Wala na akong pake sa resume ko. Because at the end, end kasi deads nako nun, they don’t read my resume at my funeral ikanga.  Bibitawan ko na ang buhay opisina. Gustong gusto ko na talaga. Umay na umay na ako sa pagsuot ng uniforme. Sinusukat pa rin ang timbang kung paano ko inilapat ang mga pakpak ko sa paglipad. Walang bagay na hindi nadadaan sa sipag at tiyaga. Ito yung gusto ko. Namimiss ko na yung dating halos ayaw kong matulog. Makamit ko lang ang gusto ko. Ayokong sayangin ang mga oras na ibibigay sa akin ang opportunity kung tulog ako. Excellence is my presence never tense never hesitant. Sawang sawa na ako sa bawat pagpalakpak ko sa iba. Hinati ang mundo na to sa dalawa eh. Those who are amazed and those who are amazing. Gusto kong maging amazing naman. The only thing i can do is to negotiate on a case-by-case basis.
Tulad ako ng mga password na ginawa ko sa social media. Iisa lang. Ganyan ako. Iisa lang ang identity ko. Hindi magbabago.
Hindi ako, know it all na tao. Kung ano lang ang kailangan kong malaman. Okay na ako dun. Gaya din ako ni John LLyod may pusong handang masaktan.


So without further ado.
Sisiguraduhin kong sa lahat ng lumipad na tao kaya kong bumalik pababa. Walang akong pake kahit may jet lag pa ko. Ano to eroplano? Hahaha pero sisiguraduhin kong sa paglabas ko sa pagkakahimlay ko sa mga ulap, mababago ko ang mundo ko. To fill the void of this bitch world.
At muli pa rin akong isisilang.
Ikaw gusto mo rin bang lumipad?




Thursday, September 3, 2015

Ang Nanay Kong Tatay : The Thy Womb Story



Sumulat ako upang malaman mo ako’y tapat pa rin sayooooo! Kanta yan ni Rey Valera na walang kinalaman.
Ang totoo niyan.
Sumulat ako sayo dahil gusto kong ipaalam na isa na akong miyembro ng LGBT? Sana matanggap mo po ang naging desisyon ko. Hahaha joke lang.

Uunahan na po kita. Siguro sasabihin mo po na naman na parehas lang to ng ginawa kong sulat sayo noon. Yung puro kwela lang walang halong serious things. Ito halo-halo na. Karambola na to. Marahil marami akong magiging kaparehas ng sulat tungkol sa mga ina nilang lahat. Ang masasabi ko lang sa kanila “NEW’ng lahat”. Haha Orig ang gagawin ko.
Ngunit ipinapangako ko na sasabihin ko lahat ng ito dahil binabagabag na ako ng konsensya ko. Pasulong kong aayusin ang lahat. Ang dami kong pagkakamali sayo, Mama. Ang dami kong pagkukulang sayo. Kasing dami ng tao sa edsa na nagrally kamakailan lang. Kulang ang salitang sorry sa mga nagawa kong kasalanan sayo. Dahil minsan din,naguguluhan na ako kung sino ang dapat magparaya. Minsan ako’y naguguluhan na nasasaktan pa. Im just flat out tired of having to drag myself along when Im  even sure its worth it. Alam kong dapat ako ang maunang gumawa ng kaayusan sa gusot pero hindi ko magawa yun.  Kaya nagdadahan dahan ako ngayon. Kailangan ko lang siguro ng kaunting pahinga. A time  to catch my breath and recharge my batteries. Kasi hindi maiwasang tangayin ako ng galit at init ng ulo. Nakakapagsalita ng hindi maganda tungkol sayo. Pagpasensyahan mo na ang amo ko. Nahawa lang po talaga ako sa kups na ugali niya. Bitch yun eh.

Gusto kong lumuhod sana sa harapan mo. Medyo exagge pero wala na akong maisip na paraan para magsorry. Gusto kong magsumamo sa harapan mo. Pero kinakain ako ng pride ko. Nilalamon ako ng yabang o di ko alam kung takot ba ito. Alam kong magkakamali pa ako sa mga susunod na araw. Sa mga susunod na buwan. Sa mga susunod na taon. Pero hindi pa to ang huling pagkakataon para itama ko ang mga baluktot na pananaw ko. Hindi pa tama ang landas ko pero bawat hakbang ko ay pinag iisipan kong maigi. Sorry po kung ako ang nanakit ng damdamin mo sa mga pagkakamali mo sa buhay. Na minsan feeling ko mas magaling pa ako sayo. Kahit na minsan mukha akong demonyo sa paningin mo. Lahat na yata ng alyas ng demonyo ipinangalan mo na sa akin. Gusto ko sanang maghain ng petisyon sa korte upang ipawalang bisa ang pagsasalita ng masama sa anak. Joke lang. Tatanggapin ko nalang po lahat ng iyon. Aminado akong minsan natitiis ko tanggapin. Minsan hindi ang mga ganung pagkakataon. Ngunit kakayanin ko hanggat kapiling pa kita. Nasasaktan din ako dahil noon binubugaw mo ako sa mga foreigner. (Charot. Joke lang may maisingit lang) . Alam kong alam mo rin na noon naisip kong bumitaw sayo. Lumayas at magpakalayo. Nagdedesisyon pa nga ko kung kelan ba dapat bumitaw? Kapag kaya ko na ba o kapag hindi ko na kaya? Parehas palang mali. Medyo humuhgot lang po ako. Sa totoo lang. haha
Gampanin mo na gawing manhimasok sa pamamagitan ng pangingialam sa pag aaway ng magkakapatid. Naiinis ako sa ganung bagay. Sorry kung noon hindi ko iniintindi ang ganun bagay. Patawad kung nirerecord ko pa sa cellphone ko na N70 yung mga sermon mo noon. Hihihi Pangmotivate ko din po yun, Mama. Sarap din kasi sa tenga. Ngayon naniniwala na akong walang kwarto sayo para sabihing mali ka sa ginagawa mo.
Mas mahalaga pa ang relasyon ko sayo kesa sa trabaho ko ngayon. Paano ko nasabi? Ngayon may trabaho ako. Wallet ko lang ang mayabang hindi ang pagkatao ko. No sense of fulfillment. Kumbaga.

Ilang oras ba meron sa isang linggo? Nakakalimutan ko ng makipag usap sayo. Natatakot kasi akong magkamali muli eh sa tuwing nag uusap tayo eh. Nagtataasan ng boses. Umiinit ang mga sentido natin. Gusto kong mabalik ang simpleng usapan naten. Simpleng relasyon. Maging payapa at tama. Mag usap tayo tulad ng simple things like funny memories kahapon kanina at ngayon, mga mutual friendships mo, personal success stories ko, and other kinds of happy news make for light conversation. I want to tell you that i were thinking about you and that I love you and appreciate you. So muuuuch.

Alam ko na single mom ka. Wala kang asawa noon pa man nung mga bata pa kame. Parang hindi ko pa yata nababayaran lahat ng ibinigay mo sa amin dahil minsan ay kinakapos talaga ako. Nagigipit sa mga gastusin. Sa sarili ko palang. Naiisip ko nalangminsan na paano kaya kung ako ang nasa posisyon mo? Ipinikit ko ang aking mga mata at nilawakan ko ang aking imahinasyon. Inimagine ko na ikaw ay ako. Ang sagwa palang ng malaki ang tiyan Mama. Joke. Hahaha Pinagsisihan ko ang mga bagay na sana naisip ko bago ako nagbitiw ng masasakit na salita laban sayo noon. Napakasuwail kong anak at lapastangan. Ganunpaman, gwapo pa rin naman ako sa paningin mo. Doon nalang ako nakabawi. Kahit na ang relasyon natin ay parang MMK episode na super heavy drama pero marami akong natututunan hanggang sa tumatagal. Narealize ko na there’s a fine line between lending a compassionate ear and getting sucked into our negative emotional drama. Nagpapasalamat ako sayo. Alam ko kung paano mo ginawang araw ang gabi para sa aming magkakapatid. Para sa mga anak mo.At para sa mga pamangkin mo. Para lang mabigyan kame ng magandang buhay. Ang turing mo sa amin ay paring ihi, hindi mo kame kayang matiis. Ikaw ang inang minsan nabibigyan namin ng sama ng loob. Pinapaiyak. Pinapaalala. Sometimes, I judge you harshly. Sorry po. Wala kang katulad talaga. Sobrang lakas ng tama mo sa amin. Ikaw ang guro ko sa buhay. Ikaw ang gabay ko sa buhay. Good model ka ng isang matalino at matapang na ina. Namomotivate ako sa tuwing sinasabi mong “ano ka Jr after 5 years? Ang bigat ng impact sa akin nun Inay. Ikaw ang nagluto at naghain sa hapagkainan ng karunungan at aral para sa amin. Ikaw ang tagaagapay sa pamamagitan nang pagbibigay ng payo at babala. Lumalaban ka pa rin kahit butas ang bulsa mo. Sobrang laki ng impluwensya mo sa amin. Napakahalaga ng pagmamahal mo sa amin.Nahihiya akong sabihin na mama's boy ako sa iba kasi lagi tayong nag aaway. Gusto ko sanang tawaging ganun talaga.
SECOND CHANCE
Sana po bigyan mo po ako ng second chance. Isa pang pagkakataon na baguhin ang mga pagkakamali ko.
Binigay mo sa akin ang mga bagay na nagpapasaya sa akin para wag ko lang hanapin ang kupal kong ama. Wala na akong hihilingin pa kundi mahalin mo nalang ako sa gusto kong tahakin. Sana sa muli nating pagdadaupang palad. Maitama ko talaga. Nakalimutan kong yakapin ang pagkakaiba nating mag ina. Nakalimutan kong irespeto ang bawat point of view naten sa buhay. Nakalimutan kong tawanan ang mga sandaling pag uusapan naten. Ginamitan ko ng init ng ulo. Ang oa ko minsan magreact. Imbes na magrespond mindfully. Karugtong ng kinabukasan ko ang relasyon ko sayo. Inaamin ko nagtatalo minsan ang obligation ko at ang kagustuhan ko sa buhay. Damay minsan ang girlfriend ko. Natatalo din minsan ang takot at pagsasabi ko ng totoo. Ayoko kasi minsang madisappoint ka eh. Namimiss ko na kagad ang tawanan natin. Huhuhu (ang arte)
Kapag sinasabi mong panget ako, hindi ako tinatablan. Yan ang namimiss kong joke mo.
Bago ako magsettle down sa kasal. Aayusin ko muna ang mga pagkakamali ko. Bago ko pa i-combine ng simbahan ang pangalan namen ni angeline.
Bago ako mangrape este mambuntis. Aayusin ko lahat ng ito, paisa-isa.
Walang perpektong magulang pero makikipagtulungan ako sayo. Walang halong acheng acheng.
Tinuturing kita bilang isang ginto. Ikaw ang salamin ko. Maghahalo ang langit lupa impyerno. In in impyerno kapag tayo ang nagsama.

Hiling ko lang sa mga tala na mabuksan ang pinto ng maayos na relasyon naten. Mabalik ang pagmamahalan at matuto tayong magpakumbaba.
Sana matuto ka ka ding magpatawad, at habaan mo pa ang pasensya mo sa akin. Sana hindi na big deal sayo magsorry. Oh sorry!
Here’s the catch: I need hundreds of wins to get our family a champion, my ultimate goal. But, as i work my way through the bracket, I can celebrate each one of those wins, making the journey fun, instead of such a huge chore.  So hep hel. Hurray!
Ito ang babasahin ko sa tuwing mag aaway tayo. Marami pa akong dapat isulat tungkol sayo kaya gagawan ko pa to ng part 2 dahil masaya ang journey na to.

Your turn Mom, sayaw lang tayo ng sayaw sa buhay.