Thursday, September 3, 2015

Ang Nanay Kong Tatay : The Thy Womb Story



Sumulat ako upang malaman mo ako’y tapat pa rin sayooooo! Kanta yan ni Rey Valera na walang kinalaman.
Ang totoo niyan.
Sumulat ako sayo dahil gusto kong ipaalam na isa na akong miyembro ng LGBT? Sana matanggap mo po ang naging desisyon ko. Hahaha joke lang.

Uunahan na po kita. Siguro sasabihin mo po na naman na parehas lang to ng ginawa kong sulat sayo noon. Yung puro kwela lang walang halong serious things. Ito halo-halo na. Karambola na to. Marahil marami akong magiging kaparehas ng sulat tungkol sa mga ina nilang lahat. Ang masasabi ko lang sa kanila “NEW’ng lahat”. Haha Orig ang gagawin ko.
Ngunit ipinapangako ko na sasabihin ko lahat ng ito dahil binabagabag na ako ng konsensya ko. Pasulong kong aayusin ang lahat. Ang dami kong pagkakamali sayo, Mama. Ang dami kong pagkukulang sayo. Kasing dami ng tao sa edsa na nagrally kamakailan lang. Kulang ang salitang sorry sa mga nagawa kong kasalanan sayo. Dahil minsan din,naguguluhan na ako kung sino ang dapat magparaya. Minsan ako’y naguguluhan na nasasaktan pa. Im just flat out tired of having to drag myself along when Im  even sure its worth it. Alam kong dapat ako ang maunang gumawa ng kaayusan sa gusot pero hindi ko magawa yun.  Kaya nagdadahan dahan ako ngayon. Kailangan ko lang siguro ng kaunting pahinga. A time  to catch my breath and recharge my batteries. Kasi hindi maiwasang tangayin ako ng galit at init ng ulo. Nakakapagsalita ng hindi maganda tungkol sayo. Pagpasensyahan mo na ang amo ko. Nahawa lang po talaga ako sa kups na ugali niya. Bitch yun eh.

Gusto kong lumuhod sana sa harapan mo. Medyo exagge pero wala na akong maisip na paraan para magsorry. Gusto kong magsumamo sa harapan mo. Pero kinakain ako ng pride ko. Nilalamon ako ng yabang o di ko alam kung takot ba ito. Alam kong magkakamali pa ako sa mga susunod na araw. Sa mga susunod na buwan. Sa mga susunod na taon. Pero hindi pa to ang huling pagkakataon para itama ko ang mga baluktot na pananaw ko. Hindi pa tama ang landas ko pero bawat hakbang ko ay pinag iisipan kong maigi. Sorry po kung ako ang nanakit ng damdamin mo sa mga pagkakamali mo sa buhay. Na minsan feeling ko mas magaling pa ako sayo. Kahit na minsan mukha akong demonyo sa paningin mo. Lahat na yata ng alyas ng demonyo ipinangalan mo na sa akin. Gusto ko sanang maghain ng petisyon sa korte upang ipawalang bisa ang pagsasalita ng masama sa anak. Joke lang. Tatanggapin ko nalang po lahat ng iyon. Aminado akong minsan natitiis ko tanggapin. Minsan hindi ang mga ganung pagkakataon. Ngunit kakayanin ko hanggat kapiling pa kita. Nasasaktan din ako dahil noon binubugaw mo ako sa mga foreigner. (Charot. Joke lang may maisingit lang) . Alam kong alam mo rin na noon naisip kong bumitaw sayo. Lumayas at magpakalayo. Nagdedesisyon pa nga ko kung kelan ba dapat bumitaw? Kapag kaya ko na ba o kapag hindi ko na kaya? Parehas palang mali. Medyo humuhgot lang po ako. Sa totoo lang. haha
Gampanin mo na gawing manhimasok sa pamamagitan ng pangingialam sa pag aaway ng magkakapatid. Naiinis ako sa ganung bagay. Sorry kung noon hindi ko iniintindi ang ganun bagay. Patawad kung nirerecord ko pa sa cellphone ko na N70 yung mga sermon mo noon. Hihihi Pangmotivate ko din po yun, Mama. Sarap din kasi sa tenga. Ngayon naniniwala na akong walang kwarto sayo para sabihing mali ka sa ginagawa mo.
Mas mahalaga pa ang relasyon ko sayo kesa sa trabaho ko ngayon. Paano ko nasabi? Ngayon may trabaho ako. Wallet ko lang ang mayabang hindi ang pagkatao ko. No sense of fulfillment. Kumbaga.

Ilang oras ba meron sa isang linggo? Nakakalimutan ko ng makipag usap sayo. Natatakot kasi akong magkamali muli eh sa tuwing nag uusap tayo eh. Nagtataasan ng boses. Umiinit ang mga sentido natin. Gusto kong mabalik ang simpleng usapan naten. Simpleng relasyon. Maging payapa at tama. Mag usap tayo tulad ng simple things like funny memories kahapon kanina at ngayon, mga mutual friendships mo, personal success stories ko, and other kinds of happy news make for light conversation. I want to tell you that i were thinking about you and that I love you and appreciate you. So muuuuch.

Alam ko na single mom ka. Wala kang asawa noon pa man nung mga bata pa kame. Parang hindi ko pa yata nababayaran lahat ng ibinigay mo sa amin dahil minsan ay kinakapos talaga ako. Nagigipit sa mga gastusin. Sa sarili ko palang. Naiisip ko nalangminsan na paano kaya kung ako ang nasa posisyon mo? Ipinikit ko ang aking mga mata at nilawakan ko ang aking imahinasyon. Inimagine ko na ikaw ay ako. Ang sagwa palang ng malaki ang tiyan Mama. Joke. Hahaha Pinagsisihan ko ang mga bagay na sana naisip ko bago ako nagbitiw ng masasakit na salita laban sayo noon. Napakasuwail kong anak at lapastangan. Ganunpaman, gwapo pa rin naman ako sa paningin mo. Doon nalang ako nakabawi. Kahit na ang relasyon natin ay parang MMK episode na super heavy drama pero marami akong natututunan hanggang sa tumatagal. Narealize ko na there’s a fine line between lending a compassionate ear and getting sucked into our negative emotional drama. Nagpapasalamat ako sayo. Alam ko kung paano mo ginawang araw ang gabi para sa aming magkakapatid. Para sa mga anak mo.At para sa mga pamangkin mo. Para lang mabigyan kame ng magandang buhay. Ang turing mo sa amin ay paring ihi, hindi mo kame kayang matiis. Ikaw ang inang minsan nabibigyan namin ng sama ng loob. Pinapaiyak. Pinapaalala. Sometimes, I judge you harshly. Sorry po. Wala kang katulad talaga. Sobrang lakas ng tama mo sa amin. Ikaw ang guro ko sa buhay. Ikaw ang gabay ko sa buhay. Good model ka ng isang matalino at matapang na ina. Namomotivate ako sa tuwing sinasabi mong “ano ka Jr after 5 years? Ang bigat ng impact sa akin nun Inay. Ikaw ang nagluto at naghain sa hapagkainan ng karunungan at aral para sa amin. Ikaw ang tagaagapay sa pamamagitan nang pagbibigay ng payo at babala. Lumalaban ka pa rin kahit butas ang bulsa mo. Sobrang laki ng impluwensya mo sa amin. Napakahalaga ng pagmamahal mo sa amin.Nahihiya akong sabihin na mama's boy ako sa iba kasi lagi tayong nag aaway. Gusto ko sanang tawaging ganun talaga.
SECOND CHANCE
Sana po bigyan mo po ako ng second chance. Isa pang pagkakataon na baguhin ang mga pagkakamali ko.
Binigay mo sa akin ang mga bagay na nagpapasaya sa akin para wag ko lang hanapin ang kupal kong ama. Wala na akong hihilingin pa kundi mahalin mo nalang ako sa gusto kong tahakin. Sana sa muli nating pagdadaupang palad. Maitama ko talaga. Nakalimutan kong yakapin ang pagkakaiba nating mag ina. Nakalimutan kong irespeto ang bawat point of view naten sa buhay. Nakalimutan kong tawanan ang mga sandaling pag uusapan naten. Ginamitan ko ng init ng ulo. Ang oa ko minsan magreact. Imbes na magrespond mindfully. Karugtong ng kinabukasan ko ang relasyon ko sayo. Inaamin ko nagtatalo minsan ang obligation ko at ang kagustuhan ko sa buhay. Damay minsan ang girlfriend ko. Natatalo din minsan ang takot at pagsasabi ko ng totoo. Ayoko kasi minsang madisappoint ka eh. Namimiss ko na kagad ang tawanan natin. Huhuhu (ang arte)
Kapag sinasabi mong panget ako, hindi ako tinatablan. Yan ang namimiss kong joke mo.
Bago ako magsettle down sa kasal. Aayusin ko muna ang mga pagkakamali ko. Bago ko pa i-combine ng simbahan ang pangalan namen ni angeline.
Bago ako mangrape este mambuntis. Aayusin ko lahat ng ito, paisa-isa.
Walang perpektong magulang pero makikipagtulungan ako sayo. Walang halong acheng acheng.
Tinuturing kita bilang isang ginto. Ikaw ang salamin ko. Maghahalo ang langit lupa impyerno. In in impyerno kapag tayo ang nagsama.

Hiling ko lang sa mga tala na mabuksan ang pinto ng maayos na relasyon naten. Mabalik ang pagmamahalan at matuto tayong magpakumbaba.
Sana matuto ka ka ding magpatawad, at habaan mo pa ang pasensya mo sa akin. Sana hindi na big deal sayo magsorry. Oh sorry!
Here’s the catch: I need hundreds of wins to get our family a champion, my ultimate goal. But, as i work my way through the bracket, I can celebrate each one of those wins, making the journey fun, instead of such a huge chore.  So hep hel. Hurray!
Ito ang babasahin ko sa tuwing mag aaway tayo. Marami pa akong dapat isulat tungkol sayo kaya gagawan ko pa to ng part 2 dahil masaya ang journey na to.

Your turn Mom, sayaw lang tayo ng sayaw sa buhay.


No comments:

Post a Comment