Makinig mga Ladies and Gents. “Narito ako ngayon. Upang
sabihin sa inyo. Tinatanggap ko ang hamon bilang isang president ng pilipinas. “Charot lang
Alam niyo ba!? Yung bulinggit pa lang ako noon, takot akong
makakita ng batang isinilang. Takot talaga ako. Sa totoo lang.
Nasa loob ako ngayon ng sinapupunan. At alam kong yung iba
din. Ramdam ko rin kayo Guys. Kayo yung mga taong nag-aasam din na makalipad
at damhin ang tunay na pangarap. But first of all, I want to thank, hmm gusto
kong pasalamatan ahm tenkyuLerd sa kasalukuyang pagpe-preserve ni Mother Earth
para makalabas na ako sa tiyan ng mundong to at makalipad na din pero po Jeskelerd,
Tulong. Hindi pa po ako makakilos ng maayos. Hindi ko nga lang po talaga kayang
mailapat ng maayos ang mga kamay at mga paa ko. Hindi ko pa kayang lumakad o
tumakbo man lang. Kasi nga po, nasa sinapupunan pa ko ngayon. Sana’y may
magturo sa akin ng daan patungong kabihasnan. O patungong kaligayahan. Nakasabit
pa rin sa dingding ng isipan ko ang mga nais ko. So, help me, Plith.
Ang sinapupunang binabanggit ko ay ang mundong ito.
Ang dami kong natutunan sa loob ng sinapupunan ngayon.
-Ayokong sumabay sa agos ng buhay ng iba. Kasi feeling ko tulad
nalang ng pag-uso ngayon ng pagta-travel
or vacation chu chu, umaasa nalang ang ibang tao sa himalang magbabago ang
kapalaran nila sa pagta-travel. Very Very Wrong. Napagtanto ko. Kung di ako
kikilos. Walang mangyayari sa mga kagustuhan ko. Ang iba nga kapag kumita ng
malaking salapi,bwenasin minsan, ang unang nasa isipan kagad nila, “Paano ko
palalaguin ang datong ko? Saan ako raraket” at iba naman ay ang sinasabi “Saan
tayo magbabakasyon?” Ayoko lang talagang karirir ng maigi ang lakwatsa, gusto
ko every now and then lang. hihihi
Gaya rin sa social media ba to?
-Yes, we are so connected to the internet but we are so
disconnected from our hearts. Ganyan nalang tayo ngayon mga kapatid. Sobrang
malayo na.
-At isa pa. Kailangan ko din bawas bawasan ang mga Yeses ko
sa iba. Ako din ang napapahamak eh. Gago din ako. Kala ko savior ako sa lahat
ng bagay kapag tumulong sa nangangailangan. Hindi pala palagi.
-Hindi na rin ako sumusunod sa colonyal na talino. Kahit
minsan parang malungkot na parang ewan. Tuloy pa rin. Keri yan. Pati na ang
relihionalismo sa bansa ko, itinigil ko na rin. hahaha
-Matagal ko ng kasing itinigil ang pagtsamba. Oo, ang
salitang “tsamba” katunog ng samba”. Walang letrang “T”. Walang sign na “Cross”.
Parang parehas lang sila diba? Naisip ko rin kasi. Kahit naman ang lahat ng tao
sa mundo ay magbasa at sumunod sa nakasulat sa itinuturo ng ating bibliya,
magmimistulang magulo pa rin talaga tayo. Yung mismong nasa loob nga ng templo,
magulo pa rin eh. Kayo bahala. Nasa tama ba akong pag iisip o kinukutuban lang
ako na parang ewan ulit. Sige, bahala na kayo ulit.
Minsan nagfe-fret ako sa mga nangangako sa akin. Hindi
maiwasan talaga yun. Kaya natuto akong magdesisyon mag isa. Ang laki ng
naitulong sa akin. So far.
Marami akong dapat pakisamahan kahit without rhyme and
reason. Wala eh. Hangga’t wala pang
katotohanan sa mga bagay bagay na alam ko. Gagawin ko muna ang mga kalakaran na
to.
Sa ngayon.
Ang nais ko lang ngayon ay mabuksan ang mga mata ng iba sa
sulat ko. Simple. No Big deal. Pulutin mo
ang sasabihin ko o dadaanan mo lang. Nasa sayo. Leche ka eh.
At kasabay nito, hinahasa ko rin ng maigi ang talim ko.(
Sasaksakin ko kasi kayong lahat. hahaha ) Charot. Puputulin ko lang naman ang sanga
ng bawat bunga ko. Yun lang yun.
At minsan nawawala ako sa dakong salasalabat ang landas. Pero
matalas pa rin ang mga mata ko sa mga dinadaanan ko. Pusong panthera pa rin na
gumagala sa kagubatan o sa sinapupunan na ito.
Sa loob ng sinapupunan na to. Nakayuko ako na parang batang di
mapakali. Fetus palang.
Pinilit kong ako na mismo ang nagpupush ng lahat. Hindi ko
na kailangan ng ire ng earth. Kasi nga life is changing diba. Hindi ko na
hihintayin ang bagay na yun na itulak ako para bumago. Ako ang babago sa mundo.
Marahil natataranta pa talaga ako dahil maraming pang naka-lapag
na junk sa utak ko. Tambak. Tambak. Kalat. Kalat. In no particular order.
Kung gaano ako katapang umire sa pagtae. Ganun din akong
katapang lumabas sa pagkakakulong ko dito sa mundo. I just take a deep breath
tapos hold ko in a second then i focus all my effort on pushing forward. Iiiiiiieeeeee
(ire). Saraaaaaaap.
Wala akong paki kahit di pa sinasabi ng doctor/professionals
na lumabas ako. Gaya nga ng buntis. Pinag
aralan niya lang naman lahat tungkol sa hospital pero ako pa rin ang kikilos. Tama
ho ba?
Kapag pinapanood ko ang mga magulang na nagsisilang na bata
sa sinapupunan. Sinasara din nila ang kanilang bibig sa pag ire. Tama ba ako
dun? Paano ko nalaman, napanood ko lang. At tulad din yan ng mundo na to.
Tahimik ang earth sa pagkilos ng pagbabago sa lupa. Nai-imagine niyo na ba!? Kaya
ang aking pakay ay lalabas nalang ako pataas. Wala ng go signal go signal pa
nila. Lipad! Parang ibon lang.
Hindi ako titigil. Hindi ako mapapagod. Hindi ako magsasawa.
Sa bawat desisyon at bagay na sinusubukan ko. Nabubuksan ang
mga mata ko. Ooh diba. May metaphor ang sinabi ko. Finally. haha
It’s the little step in my life that often have the biggest
impact in the long run. Oh well.
Kahit magkamali ako ng magkamali. Hindi mawawala ang gutom
ko sa paghahangad. Sinanay ko na ang sarili ko sa ganung ugali.
Masaya din yung sine-celebrate ko ang malilit kong panalo.
Sa paraang pag inom ng alak nga lang paminsan minsan. Eh kesa naman gumala pa
ako at tumambay sa kanto.( palusot). Ganito lang naman yun. Iba rin kasi yung bawat hakbang ko, ine-embrace
ko na kagad ang near win. Yeeees!
Sa nilalakaran ko.
Hindi maiiwasan minsan na may may drug-sniffing dogs na
didikit at lalapit sa akin. Sila yung mga aso slash taong hahanapan ako ng mali.
Mag iinvestiga. Bawat tamang ginagawa ko ay may kaakibat na reaksyon ng inggit
nila. Pusang gala talaga yang mga yan.
Palagi yan. Ang daming problemang bumabalot sa buto ko. Ito pa rin ako kaya ko pa ring sakyan ang
ebbs and flows ng karera ng buhay ko.
Wala eh. Ganun talaga. Kailangan kong magsimula muli sa
square one.
Parang gusto ko ng tumakbo para mabutas na ang nakaharang sa
dadaanan ko. Tulad ng tiyan ng ina.
Bubuksan ang bawat pintong madadaanan ko. Idea is so
powerful. Kaya i just focus on one idea
per week rather than one idea per day. Masakit kasi sa ulo kapag dagsaan
masyado ang ideya. Kapag madaming plano sa utak ko. If my certain things really
won’t work, I’ll be really certain. Handa akong maglaan ng oras to estimate ang
bawat rules & regulations na madadaanan ng biyahe. Tulad ng mga signs sa
daan. Konting talas pa at dagdag ng laser like focus. Ito na siguro yung
masasabi kong road less traveled ng journey ko.
At heto na nga,
Siguro’y di ko na kailangan ng direksyon sa buhay. Itinutok
ko nalang sarili ko paitaas. At itinuloy ko lang. Go! Push!
Bibitawan ko ang nagpapabigat sa paglipad ko kasi “I’m
afraid to fly but I don’t know why”. Sabi nga ni Lea Salonga. Ngunit lahat
gagawin ko pa rin. Guluhin man ako ng mga professional works na nag ooffer sa tagumpay
ko daw. Wala na akong pake sa resume ko. Because at the end, end kasi deads nako
nun, they don’t read my resume at my funeral ikanga. Bibitawan ko na ang buhay opisina. Gustong
gusto ko na talaga. Umay na umay na ako sa pagsuot ng uniforme. Sinusukat pa
rin ang timbang kung paano ko inilapat ang mga pakpak ko sa paglipad. Walang
bagay na hindi nadadaan sa sipag at tiyaga. Ito yung gusto ko. Namimiss ko na
yung dating halos ayaw kong matulog. Makamit ko lang ang gusto ko. Ayokong
sayangin ang mga oras na ibibigay sa akin ang opportunity kung tulog ako. Excellence
is my presence never tense never hesitant. Sawang sawa na ako sa bawat pagpalakpak
ko sa iba. Hinati ang mundo na to sa dalawa eh. Those who are amazed and those
who are amazing. Gusto kong maging amazing naman. The only thing i can do is to
negotiate on a case-by-case basis.
Tulad ako ng mga password na ginawa ko sa social media. Iisa
lang. Ganyan ako. Iisa lang ang identity ko. Hindi magbabago.
Hindi ako, know it all na tao. Kung ano lang ang kailangan
kong malaman. Okay na ako dun. Gaya din ako ni John LLyod may pusong handang masaktan.
So without further ado.
Sisiguraduhin kong sa lahat ng lumipad na tao kaya kong
bumalik pababa. Walang akong pake kahit may jet lag pa ko. Ano to eroplano? Hahaha
pero sisiguraduhin kong sa paglabas ko sa pagkakahimlay ko sa mga ulap,
mababago ko ang mundo ko. To fill the
void of this bitch world.
At muli pa rin akong isisilang.
Ikaw gusto mo rin bang lumipad?
Born again.... a chance again... a second chance on everything... Tulad mo, gusto ko ring lumipad.... Though, I've not nothing but dream, a few times had spread my wings only to go back to keeping it closed and walking the aisle of what I call "security".
ReplyDeleteMy heart had been shattered, together with it, my wings were broken and it's taking a while to put it back together. In time, hopefully, I'll see you at the top :D
Ramdam kita..Tuloy mo lang din yan..See me at he top..hahahahha APIR!
DeleteHahaha ang lutong ng "Leche ka eh"
ReplyDeleteSana nga maabot mo ang pangarap mong paglipad kahit sa pinakamahirap na paraan... pero ingat ka lang sa paglipad, mas maraming kaaway sa itaas... at nasa ibaba pa rin ang mga babaril sayo para bumagsak ka..
Salamat po sir Rolf..Doble ingat po tlga..Thanks maestro
DeleteNaalala ko na may naisulat din akong blog post na tungkol sa ibon at paru-paro na metaphor ng sarili ko. Parang ganito din.
ReplyDeleteSir pwede ko po bang mabasa?
ReplyDeleteDo you need free Instagram Likes?
ReplyDeleteDid you know that you can get them ON AUTOPILOT AND TOTALLY FOR FREE by registering on Add Me Fast?