Thursday, December 17, 2015

TAMA NA PAHIRAAAP. PUTANG INAAA.


Look at that. Ene be yen? Wala namang bago diyan sa balitang yan diba. Problema pa noon ng mga lolo ko yan eh. E ang tanong kung may kotse lolo ko noon. haha Feeling ko, commuter din sila tulad ko. haha  Kaya waley. Pero pukininam kasi mga tsong. Halos sa araw araw na ginawa ng ating mahal na Diyos. Halos palagi at maya’t maya ang  heavy traffic sa Metro and Mega Manila. Ginawa ba talaga ng Diyos ang Trapik? Yan ang tanong. Nasaan na ang sinisigaw ni Maria Sofia Love na “Para sa ekonomiya.” Wala na.  Pero mayron akong nabalitaang scandal niya. Ewan natin. Ops. wait. Baka diyan tayo matrapik. 
Anyway.  

Shet. Grabe na talaga ang mabagal na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila. Kapag ako talaga ay naiipit sa kalagitnaan ng traffic parang sobrang hopeless ako tignan. Nagiging toge yung mga blackheads ko. Tumutubo. At di na ko makangiti. But I look at this on the brighter side. Ginagaya ko nalang ang prinsipyo ni Pareng Peter Pan. Baka sakaling makalipad din ako. I just think of a happy thought so I can fly. Sana nga’y makalipad ako at makaalis na sa kaguluhan na to. Daanin ko nalang kaya sa  dasal dasal gaya ni Miss Alma Moreno. Nyek.

Wala na bang pag-unlad ang sistema ng transportasyon sa ating bansa? Parang feelings yan ng crush mo eh. Ang hirap hulaan ang bugso o damdamin ng traffic. Kahit pa gumamit ako ng waze para ma-detect ko kung may buhol buhol na kotse ba ngayon sa ruta ko ay parang wala pa ring saysay. Ito na talaga ang naging kalakaran dito sa Pilipins. Kapag huminto ang sinasaksayan mo. Wala ka talagang magagawa. Kailangan magtimpi. Maghihintay ka nalang talaga. Ang masaklap pa kapag umulan ng kaunti. Mas lalo ng di nakausad ang mga sasakyan sa kalye. Balisawsawin lang si San Pedro. Mag iiyakan ang mga taga lupa. Nakakaimbyerna lang. Nakakadismaya lang sa bansa na to. Hindi natin alam kung kanino dapat isisi. Kung sa mismong gobyerno ba naten na may kapangyarihan sa bansa o tayong mga mamamayan na nagbabayad ng tax ang kailangan mag-adjust ng todo todo.

Dapat bang may sisihin?

Narinig ko sa isang bus driver na sinasakyan ko kanina habang trapik kami, kasi may baba na matanda “Bawal ho magbaba dito Nanay. Doon na lang po tayo sa bus stop.” Ang pinagtataka ko lang. Bakit kayo nagsasakay kanina sa alanganin pero ayaw niyong magbaba ngayon ng pasahero sa alanganin din. Di kayo patas. haha Para niyo na ring sinabing okay lang makuha ang babae sa di matinong paraan basta iiwan at babayaran naman ng tama. Parang ganun ang hinuha ko sa ganung senaryo.

Bakit nga ba kailangan punuin ang bus na para ng lata ng sardinas tuwing peak o rush hour? Oo nga naman. Negosyo nila yun. Hindi sila kikita kapag di pinuno. Ano ba naman laban natin sa mga nagnenegosyo diba? Tse. Tangna niyong lahat, naghahanap buhay kayo ng marangal. Oh Sorry na po.

Kapag may nakikita akong nagsisiksikan sa trapik. Parang gusto ko ng butasin ang mga gulong ng ibang sasakyan eh. Sasaksakin ko ng straw ng Zesto lahat ng yan. Charot.

Makarinig ba naman ako ng “Yung mga baba po sa Dela Rosa, baba nalang ho kayo dito habang nakahito pa.” Wow naman. kahit di pa doon ang kanilang destinasyon. Bababa na? Pati ba naman sa pagbaba may pressure pa?  Oo nga naman. Para kapag naka-go ang traffic light. Tatakbo na si kuya. Walang problema si kuya. Panis.

O baka naman, tayong mga tao ang may kasalanan ng lahat. Tayong mga sumasakay lang, may mali tayo sa kaugalian. Ang babagal nateng sumampa sa bus o jeep. Ang iba kasi feeling siguro nila ganito:
”Wa akong paki sa bus na pinara ko, magbabayad naman ako e. Sasakay ako sa lugar na gusto ko”.
Ang nangyari. Cause of traffic.

Ang iba kung saan saan nalang sumasakay. Tingin siguro nila trip trip lang ang mga  nakalagay na sign sa mga kalsada natin: "Walang Tawiran, Nakamamatay".

Mga overpass na di naman ginagamit. Asaaaaar.
Kadalasan di nasusunod ang mga Stop light. Naka-ilang green light na. Ayaw pa rin patakbuhin ng Traffic enforcer. Kasi may priority.

Sabi sa balita. Mas lalo pang magiging trapik ngayong Disyembre. Ows. Kahit walang estudyante, trapik? Paano pa kaya kapag nagpasukan na ang mga tsikiting at mga estudyante? Mas dagsaan yan.
Parang di ako matetegi sa Karoshi o ang tinatawag nilang Death at overwork. Parang sa trapik eh.
Pilipinas pa naman ang pang lima sa may pinakamalalang trapiko sa buong mundo.

Ang tanong ko pa. Bakit ba trapik kapag magpa-pasko? Dahil ba lahat may pera. At gala ng gala anytime anywhere. Or maraming bagong car o sasakyan sa daan kasi nagkaroon sila ng bonus o loan. O kaya trapik ang pasko kasi mas lalong nadagdagan pa ng mga pumupunta sa mga mall.
Tingin ko dahil late ibigay ang bonus kaya matrapik ang Pasko. Kaya ang resulta. Sabay sabay sila ngayon pasko mamili. Tingin ko lang naman.

May nabalitaan pa akong chismis. Lalo pang magiging trapik kapag nangampanya pa ang mga politiko sa kalye. Si Francis tolentino nga nag-iikot na ngayon eh. Isa rin yan sa mga dahilan ng sira sa kalye eh. Joke.

Ang Internet ko, makupad. Ang daloy ng trapiko, makupad. Nasaan na ba talaga ako. Parang tayong isang pamilya na naka-stay lang sa bahay. Ganyan ang pakiramdam ko sa trapiko dito.  
Grabe na ituh.  Todo tipid na nga ako sa pera ko. Todo tiis din ako pagdating sa trapiko.  Nagiging parking lot na talaga ang buong pilipinas. Ano na kinabukasan ko?

Mapapansin din natin. Ang daming  pinapaayos na kalsada pero parang wala pa rin. Di naman natin ramdam na nagbabago ang trapiko.

Maalala ko pa. Ang pinaka world record ko na matagal sa trapik ay 8hours. Yun yung may bagyo. Di makababa ang bus na sinasakyan ko galing sa sky way dahil baha ang daan. Hay nako. Ito talaga ang salot sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang Trapik.

Kailan kaya darating ang panahon na lahat ng tao sumusunod sa tinakdang oras. Parang bansang Japan. May sinusunod na oras sa pag alis ng tren. Siguro naman kung may sinusunod na patakaran dito. Mababawasan ang trapiko diba. At disiplinado lahat ng tao.

Pati pa yung hindi tamang pagpa-park ng kotse. Mga padyak, tricycle at kuliglig na nakikigulo din sa halo ng sasakyan. Ang dami ko talagang hinaing sa Punyetang trapik pero wala pa kong maisip na solusyon.

Wish ko nalang din sa mga may kotse. Minsan umalis naman sila ng bahay ng wala silang dalang kotse. Lakarin kung kinakailangan.
Ganun talaga. Sobrang nakakasawa na dito sa Pilipinas.

Monday, December 7, 2015

BETWEEN THE VIDEO AND ME



Ang OA ko masyado sa picture noh.

Kaya mga kaibigan, tunghayan po naten ang buhay ng isang aspiring videographer na si Ben Estrella. (insert palakpakan, PLEASE)

Hindi po to scam. Hindi po to networking, mga kapatid. At hindi rin to “biglang yaman” at di din po ako nanalo sa kara krus. Hoy. Baka naman isipin niyo kagad magre-recruit ako dahil sa pera na nasa larawan. Hala siya. Kinita ko po tong anda na to sa malinis na paraan. Tignan niyo naman yung papel. Kakaprint pa lang. Amoy tinta pa siya. Hmmmm Amoy Fabric. Bitch better have ma money.
Alam ko naman pong ang awkward lang magpakita ng ganitong pera pero para sa aking makitid na pananaw sa buhay. Gusto ko lang maglagay ng marker(this money) as a sign kung saan ako nagsimula. At ito yun. Marahil pwede niyong sabihin sa akin:
 “pwede mo naman Ben itabi nalang o kaya sa bahay niyo nalang ilagay or  ilagay mo sa frame para mas bongga, pa-enlarge mo o kaya sa baul mo nalang lagay, bakit pa sa blog?
At ang sagot ko diyan pero di ho ako galit:
“Eh gusto ko eh. Anong paki mo.”
Saka two weeks ng walang ganap tong blog ko. Maglalagay lang ulit ako ng makabuluhan.
Iku-kwento ko lang ng saglitan lang. No pressure. Kung may pupuntahan ka pa, sige go, iwan mo tong blog ko. Subukan mo. Subukan mo.
Deh ganito yun. Nagsimula ako sa videography bilang P.A. (Personal Assistant) sa friend ko na nakilala ko sa isang training class sa Cubao. Pinalad nga ko eh kahit papaano kasi ambait niya sobra sakin. Wala pa rin kasi akong ka-alam alam at wala pa akong camera noon kaya sinama ako ng friend kong si Rj Domingo sa isang Prenup shoot sa Rosario Cavite. Buti nalang kahit na wala pa ako masyadong ka-gamit gamit tulad ng camera o tripod sa pagshu-shoot ay pinapahiram niya ako ng Camera niya at observe observe lang muna sa mga nangyayari doon. Atlis kahit papaano meron naman akong creativity at konting information about Pre-nuptial. Hello! May youtube na kaya. Tinadtad ko mata ko kakanood ng mga weddings eh. Yun nalang talaga ang sandata ko nung mga panahon na yun, ang pagiging malikhain ko. Ayos den.
Ito ay matatawag kong “Isang libo’t isang tuwa.” Buooong bansaaaa “Eat Video.”

Noon, actually last year lang siya. Para makabili ako ng sarili kong Camera. Pilit kong pinagkakasya ang budget ko sa maghapon upang makapag ipon sa inaasam na Cam.
Let’s back track a little bit. Naalala ko noon nung elementary, nasali ako sa Photo Journalism, bali ang kwento neto, ang task sa akin ng guro ko, kukuhaan ko ng photo ang paligid ng simbahan basta may something na may dating sa mga judges tapos lalagyan ng caption. Ganun lang naman kasimple ang competition noon sa school namen. Kailangan manalo para sa mataas na grade. Eh grade conscious ako noon. Pucha edi go.
Eto ang di ko malilimutang eksena sa pagpi-picture ko. Kinuhaan ko yung matandang babae sa loob ng manhole. Yung manhole na ilalagay palang sa underground. Nakatambay pa sa kalye. Nandon sa loob si lola kumakaen ng agahan. Tapos nagtawaan yung mga kasama kong photographer dahil para daw ginagawa kong video yung camera. Eh kasi naman kailangan kong tumakbo at kuhaan si lola. Medyo takot din ako kuhaan si lola baka magalit, kaya naisip ko. Titingin muna ako sa langit ng konte tapos bibiglain ko nalang ng di niya mahahalata.
Di ko lang mahagilap sa Facebook ang teacher doon para makakuha ng copy para mapakita senyo. Pero kapag may pagkakataon. Hihingiin ko yung photo na yun. Mukba na akong sinungaling?
At nang nakatapak na ko sa kolehiyo. Inggit na inggit din ako sa friend ko ng college na may digicam. Dun palang sa cam na yun, inggit na ko. Pero ang gagawin ko lang naman sa camera ay magvideo ng sayawan. Hilig ko kasi noon ang  breakdancing eh. Hilig ko din gawan ng slideshow ang relasyon namen ni Angeline. Ayiiiie. Ayoko pakita. Ayoko. Ayoko.  Movie maker lang ang gamit ko. Addictus na talaga ako sa pagcapture ng vids noon.
Kaya nung nagkatrabaho ako. Hinanap ko ang gusto ko talaga sa buhay. Tuwang tuwa talaga ako kapag nakaka-kita ako ng shoot sa kalye. Kahit pa utusan ako ng nanay ko ng suka at toyo. Ipagpapaliban ko muna yung utos saken at manonood muna ako ng shooting sa labas. Nakaka-aliw siya sobra. Nakakita ako neto sa Quirino Grandstand parang commercial lang sila ng powder na panlaba. May ma-alindog na babae at isang mascot na bumubula. Sa shooting nila, di ako tumitingin sa nag-aAct, nakatingin lang ako sa nakaupong camera man na umiikot sa mga bida ng eksena. Sabi ko “ang galing ng cameraman, paupo upo lang oh”. Dun palang masaya na ko sa camera. Napaka-mahiwaga.



Tas nandito na nga ko sa pagfi-film. Ayun. Sa pagsisimula ko sa mundo ng videography, marami rin namang hadlang sa pag asenso tulad ng mga wants and needs. Ano ba ang uunahin ko? Minsan nga halos wala ng matira sa katawan ko. Mabili ko lang ang kailangan sa camera, okay na ako dun eh. Dumanas ako ng hirap sa pagvi-video dahil wala pa akong pera para sa mga seminars o trainings. Kaya kinakapa ko pa siya hanggang ngayon. Kaya kailangan doble kayod talaga sa trabaho na to. Ayokong tawaging sideline to eh. Gusto ko tawagin tong “line” ko na talaga. Wala ng break line break line pa. Tawid kung tawid.
Ang oportunidad kasi di mo makikita kung saan saan lang. Nasa sarili naten yan. Kaya di ko kinukulong ang sarili ko, nag-eensayo ako ng husto.
Ang kinita kong “One thousand pesosesoses” ay labis labis na at sobra sobra para sa akin. Your Grace is Enough Lord. Talaga ngang kapag inupuan mo ang isang bagay at pinagtrabahuhan. Nangingitlog ang grasya. Inupuan at nangingitlog. Kapag uhaw na uhaw ka at pinuno mo ng tubig ng pagsisikap ang katawan mo ng Passion. Talagang umaapaw sa biyaya. Di ako nagtatapon ng sobrang biyaya na nasasayang lang. Naishe-share ko pa nga to eh. Paano ko nasabi. (Nakapagbigay ako ng pera sa nanay ko, ganun lang pero ang goal ko ay maraming tao). Ako pa naman, nung nagsabog ang Diyos ng biyaya galing sa langit, lagi akong nakaabang. Pero di ako naka-nganga lang. Naglalakad akong may nakasalong kamay galing sa itaas. Naguluhan ka ba. Kaya mo yan. Marami rin naman akong error sa shoot ko nung debut pero keri naman. Gusto kong maging inspirasyon ang gawa ko. Mas mas pagbutihin ko pa sa mga next na shoot.
Ang simpleng taong nangarap na may mararating.
Like me, basta makarinig lang ako ng balitang ang mga friend ko na dating mahirap, ngayon nagsumikap. At mayaman na ngayon. Sobra akong natutuwa sa ganun. Gusto ko, ako rin. Kung sila nagawa nila. Ako rin.  Tila nagbiro ang panahon at ang ganda ng joke niya now. Natutuwa ako at nagagalak. Ang isang libong pera na to talagang nagbubunga ang sakripisyo at dedikasyon ko. Ito palang ang kinita ko paano pa kaya kapag medyo nag-increase na. Baka maglupasay ako sa looby ng City of Dreams. Hindi kasi to maliit na bagay dahil sinakripisyo ko ang trabaho ko ngayon. Damn. Because my job now is so fucking exhausting.

My simple desire is this. Ipapakita ko sa maraming tao kung paano mag”pakis”sa publiko na  kapag binaliktad ay “sikap.”(Hala Joker Sya oh) Pinangarap ko din minsan na sana sa output na gawa ko. Maimbitahan ako ng Jessica Soho dahil sa Craft na ginawa ko. Okay na ko dun. haha Tapos makikita sa screen yung full name ko pati mga co-videographer ko. Sheeeeet. Ang sarap kasing  mapagod at ma-pressure sa trabahong gustong gusto naten, diba. Kaya ngayon, mag iimpok po talaga ako ng husto sa kakarampot na kita para mairaos ko ang pangarap ko. Lahat ng bagay nawawala kaya di ko sasayangin ang pagkakataon. Igagapang ko ang lahat ng to. Di lang basta gapang kundi gumugulong sa apoy ng hirap. Gugutumin ko pa ang sarili ko sa ideya. Bubusugin sa kaalaman. Di ko hahayaang hindi maging patok sa masa ang gawa kong video.
At sisiguraduhin kong my video will be the best film of all time. Naks I stand by that. It’s the fucking best.
Mas iaallow ko na ang sarili ko ma-reject. Yan nalang ang kulang sa akin eh. Namimiss ko na talaga ang mga panahong pinag papawisan ako ng husto, tumatagaktak ang pawis ko at kinakapos ako ng hininga sa ginagawa ko. Ang sarap ng pagiging aggressive. At uulitin ko ngayon yun. Bruh


So, be the change you want to see. Panis to Saken.