Look at that. Ene be yen? Wala namang bago diyan sa balitang
yan diba. Problema pa noon ng mga lolo ko yan eh. E ang tanong kung may kotse
lolo ko noon. haha Feeling ko, commuter din sila tulad ko. haha Kaya waley. Pero pukininam kasi mga tsong. Halos
sa araw araw na ginawa ng ating mahal na Diyos. Halos palagi at maya’t maya ang
heavy traffic sa Metro and Mega Manila. Ginawa
ba talaga ng Diyos ang Trapik? Yan ang tanong. Nasaan na ang sinisigaw ni Maria
Sofia Love na “Para sa ekonomiya.” Wala na.
Pero mayron akong nabalitaang scandal niya. Ewan natin. Ops. wait. Baka
diyan tayo matrapik.
Anyway.
Shet. Grabe na talaga ang mabagal na daloy ng trapiko sa
kalakhang Maynila. Kapag ako talaga ay naiipit sa kalagitnaan ng traffic parang
sobrang hopeless ako tignan. Nagiging toge yung mga blackheads ko. Tumutubo. At
di na ko makangiti. But I look at this on the brighter side. Ginagaya ko nalang
ang prinsipyo ni Pareng Peter Pan. Baka sakaling makalipad din ako. I just
think of a happy thought so I can fly. Sana nga’y makalipad ako at makaalis na sa
kaguluhan na to. Daanin ko nalang kaya sa dasal dasal gaya ni Miss Alma Moreno. Nyek.
Wala na bang pag-unlad ang sistema ng transportasyon sa
ating bansa? Parang feelings yan ng crush mo eh. Ang hirap hulaan ang bugso o
damdamin ng traffic. Kahit pa gumamit ako ng waze para ma-detect ko kung may buhol
buhol na kotse ba ngayon sa ruta ko ay parang wala pa ring saysay. Ito na
talaga ang naging kalakaran dito sa Pilipins. Kapag huminto ang sinasaksayan
mo. Wala ka talagang magagawa. Kailangan magtimpi. Maghihintay ka nalang
talaga. Ang masaklap pa kapag umulan ng kaunti. Mas lalo ng di nakausad ang mga
sasakyan sa kalye. Balisawsawin lang si San Pedro. Mag iiyakan ang mga taga
lupa. Nakakaimbyerna lang. Nakakadismaya lang sa bansa na to. Hindi natin alam
kung kanino dapat isisi. Kung sa mismong gobyerno ba naten na may kapangyarihan sa bansa o tayong mga
mamamayan na nagbabayad ng tax ang kailangan mag-adjust ng todo todo.
Dapat bang may sisihin?
Narinig ko sa isang bus driver na sinasakyan ko kanina habang
trapik kami, kasi may baba na matanda “Bawal ho magbaba dito Nanay. Doon na
lang po tayo sa bus stop.” Ang pinagtataka ko lang. Bakit kayo nagsasakay kanina
sa alanganin pero ayaw niyong magbaba ngayon ng pasahero sa alanganin din. Di
kayo patas. haha Para niyo na ring sinabing okay lang makuha ang babae sa di
matinong paraan basta iiwan at babayaran naman ng tama. Parang ganun ang hinuha
ko sa ganung senaryo.
Bakit nga ba kailangan punuin ang bus na para ng lata ng
sardinas tuwing peak o rush hour? Oo nga naman. Negosyo nila yun. Hindi sila
kikita kapag di pinuno. Ano ba naman laban natin sa mga nagnenegosyo diba? Tse.
Tangna niyong lahat, naghahanap buhay kayo ng marangal. Oh Sorry na po.
Kapag may nakikita akong nagsisiksikan sa trapik. Parang
gusto ko ng butasin ang mga gulong ng ibang sasakyan eh. Sasaksakin ko ng straw
ng Zesto lahat ng yan. Charot.
Makarinig ba naman ako ng “Yung mga baba po sa Dela Rosa,
baba nalang ho kayo dito habang nakahito pa.” Wow naman. kahit di pa doon ang kanilang
destinasyon. Bababa na? Pati ba naman sa pagbaba may pressure pa? Oo nga naman. Para kapag naka-go ang traffic
light. Tatakbo na si kuya. Walang problema si kuya. Panis.
O baka naman, tayong mga tao ang may kasalanan ng lahat.
Tayong mga sumasakay lang, may mali tayo sa kaugalian. Ang babagal nateng sumampa
sa bus o jeep. Ang iba kasi feeling siguro nila ganito:
”Wa akong paki sa bus na pinara ko, magbabayad naman ako e.
Sasakay ako sa lugar na gusto ko”.
Ang nangyari. Cause of traffic.
Ang iba kung saan saan nalang sumasakay. Tingin siguro nila trip
trip lang ang mga nakalagay na sign sa
mga kalsada natin: "Walang Tawiran, Nakamamatay".
Mga overpass na di naman ginagamit. Asaaaaar.
Kadalasan di nasusunod ang mga Stop light. Naka-ilang green
light na. Ayaw pa rin patakbuhin ng Traffic enforcer. Kasi may priority.
Sabi sa balita. Mas lalo pang magiging trapik ngayong Disyembre.
Ows. Kahit walang estudyante, trapik? Paano pa kaya kapag nagpasukan na ang mga
tsikiting at mga estudyante? Mas dagsaan yan.
Parang di ako matetegi sa Karoshi o ang tinatawag nilang
Death at overwork. Parang sa trapik eh.
Pilipinas pa naman ang pang lima sa may pinakamalalang
trapiko sa buong mundo.
Ang tanong ko pa. Bakit ba trapik kapag magpa-pasko? Dahil
ba lahat may pera. At gala ng gala anytime anywhere. Or maraming bagong car o sasakyan
sa daan kasi nagkaroon sila ng bonus o loan. O kaya trapik ang pasko kasi mas
lalong nadagdagan pa ng mga pumupunta sa mga mall.
Tingin ko dahil late ibigay ang bonus kaya matrapik ang
Pasko. Kaya ang resulta. Sabay sabay sila ngayon pasko mamili. Tingin ko lang
naman.
May nabalitaan pa akong chismis. Lalo pang magiging trapik
kapag nangampanya pa ang mga politiko sa kalye. Si Francis tolentino nga
nag-iikot na ngayon eh. Isa rin yan sa mga dahilan ng sira sa kalye eh. Joke.
Ang Internet ko, makupad. Ang daloy ng trapiko, makupad.
Nasaan na ba talaga ako. Parang tayong isang pamilya na naka-stay lang sa bahay.
Ganyan ang pakiramdam ko sa trapiko dito.
Grabe na ituh. Todo
tipid na nga ako sa pera ko. Todo tiis din ako pagdating sa trapiko. Nagiging parking lot na talaga ang buong
pilipinas. Ano na kinabukasan ko?
Mapapansin din natin. Ang daming pinapaayos na kalsada pero parang wala pa rin.
Di naman natin ramdam na nagbabago ang trapiko.
Maalala ko pa. Ang pinaka world record ko na matagal sa
trapik ay 8hours. Yun yung may bagyo. Di makababa ang bus na sinasakyan ko galing
sa sky way dahil baha ang daan. Hay nako. Ito talaga ang salot sa ekonomiya ng
Pilipinas. Ang Trapik.
Kailan kaya darating ang panahon na lahat ng tao sumusunod
sa tinakdang oras. Parang bansang Japan. May sinusunod na oras sa pag alis ng
tren. Siguro naman kung may sinusunod na patakaran dito. Mababawasan ang
trapiko diba. At disiplinado lahat ng tao.
Pati pa yung hindi tamang pagpa-park ng kotse. Mga padyak,
tricycle at kuliglig na nakikigulo din sa halo ng sasakyan. Ang dami ko
talagang hinaing sa Punyetang trapik pero wala pa kong maisip na solusyon.
Wish ko nalang din sa mga may kotse. Minsan umalis naman
sila ng bahay ng wala silang dalang kotse. Lakarin kung kinakailangan.
Ganun talaga. Sobrang nakakasawa na dito sa Pilipinas.
Thank God at dito ako sa province nakatira, walang trapik, paminsan lang. Sa tuwing nakakabasa ako ng posts at news about traffic eh parang namumroblema din ako. lol
ReplyDeleteMay magaganap na malaking development dito sa probinsya and I wish na sana wag kaming magaya sa trafic sa Maynila na pang-Guiness.
Ang unang pumapasok sa isip ko kapag solusyon sa trapiko ang pinag-uusapan ay mga lumilipad na sasakyan o kaya'y teleporting device. Chos.
hahaha lilipad na ba talga..Lilipat nalang ako dyan sa probinsya...
ReplyDeleteEven here sa province where I live in grabe yung traffic na. Nakakastress naman haha :) Happy Holidays
ReplyDelete