Ang OA ko masyado sa picture noh.
Kaya mga kaibigan,
tunghayan po naten ang buhay ng isang aspiring videographer na si Ben Estrella.
(insert palakpakan, PLEASE)
Hindi po to scam. Hindi po to networking, mga kapatid. At
hindi rin to “biglang yaman” at di din po ako nanalo sa kara krus. Hoy. Baka naman
isipin niyo kagad magre-recruit ako dahil sa pera na nasa larawan. Hala siya. Kinita
ko po tong anda na to sa malinis na paraan. Tignan niyo naman yung papel.
Kakaprint pa lang. Amoy tinta pa siya. Hmmmm Amoy Fabric. Bitch better have ma
money.
Alam ko naman pong ang awkward lang magpakita ng ganitong
pera pero para sa aking makitid na pananaw sa buhay. Gusto ko lang maglagay ng
marker(this money) as a sign kung saan ako nagsimula. At ito yun. Marahil pwede
niyong sabihin sa akin:
“pwede mo naman Ben
itabi nalang o kaya sa bahay niyo nalang ilagay or ilagay mo sa frame para mas bongga, pa-enlarge
mo o kaya sa baul mo nalang lagay, bakit pa sa blog?
At ang sagot ko diyan pero di ho ako galit:
“Eh gusto ko eh. Anong paki mo.”
Saka two weeks ng walang ganap tong blog ko. Maglalagay lang
ulit ako ng makabuluhan.
Iku-kwento ko lang ng saglitan lang. No pressure. Kung may
pupuntahan ka pa, sige go, iwan mo tong blog ko. Subukan mo. Subukan mo.
Deh ganito yun. Nagsimula ako sa videography bilang P.A. (Personal
Assistant) sa friend ko na nakilala ko sa isang training class sa Cubao. Pinalad
nga ko eh kahit papaano kasi ambait niya sobra sakin. Wala pa rin kasi akong ka-alam
alam at wala pa akong camera noon kaya sinama ako ng friend kong si Rj Domingo
sa isang Prenup shoot sa Rosario Cavite. Buti nalang kahit na wala pa ako
masyadong ka-gamit gamit tulad ng camera o tripod sa pagshu-shoot ay pinapahiram
niya ako ng Camera niya at observe observe lang muna sa mga nangyayari doon. Atlis
kahit papaano meron naman akong creativity at konting information about Pre-nuptial.
Hello! May youtube na kaya. Tinadtad ko mata ko kakanood ng mga weddings eh. Yun
nalang talaga ang sandata ko nung mga panahon na yun, ang pagiging malikhain ko.
Ayos den.
Ito ay matatawag kong “Isang libo’t isang tuwa.” Buooong
bansaaaa “Eat Video.”
Noon, actually last year lang siya. Para makabili ako ng
sarili kong Camera. Pilit kong pinagkakasya ang budget ko sa maghapon upang
makapag ipon sa inaasam na Cam.
Let’s back track a little bit. Naalala ko noon nung
elementary, nasali ako sa Photo Journalism, bali ang kwento neto, ang task sa
akin ng guro ko, kukuhaan ko ng photo ang paligid ng simbahan basta may
something na may dating sa mga judges tapos lalagyan ng caption. Ganun lang
naman kasimple ang competition noon sa school namen. Kailangan manalo para sa
mataas na grade. Eh grade conscious ako noon. Pucha edi go.
Eto ang di ko malilimutang eksena sa pagpi-picture ko. Kinuhaan
ko yung matandang babae sa loob ng manhole. Yung manhole na ilalagay palang sa
underground. Nakatambay pa sa kalye. Nandon sa loob si lola kumakaen ng agahan.
Tapos nagtawaan yung mga kasama kong photographer dahil para daw ginagawa kong
video yung camera. Eh kasi naman kailangan kong tumakbo at kuhaan si lola. Medyo
takot din ako kuhaan si lola baka magalit, kaya naisip ko. Titingin muna ako sa
langit ng konte tapos bibiglain ko nalang ng di niya mahahalata.
Di ko lang mahagilap sa Facebook ang teacher doon para
makakuha ng copy para mapakita senyo. Pero kapag may pagkakataon. Hihingiin ko
yung photo na yun. Mukba na akong sinungaling?
At nang nakatapak na ko sa kolehiyo. Inggit na inggit din
ako sa friend ko ng college na may digicam. Dun palang sa cam na yun, inggit na
ko. Pero ang gagawin ko lang naman sa camera ay magvideo ng sayawan. Hilig ko
kasi noon ang breakdancing eh. Hilig ko
din gawan ng slideshow ang relasyon namen ni Angeline. Ayiiiie. Ayoko pakita.
Ayoko. Ayoko. Movie maker lang ang gamit
ko. Addictus na talaga ako sa pagcapture ng vids noon.
Kaya nung nagkatrabaho ako. Hinanap ko ang gusto ko talaga
sa buhay. Tuwang tuwa talaga ako kapag nakaka-kita ako ng shoot sa kalye. Kahit
pa utusan ako ng nanay ko ng suka at toyo. Ipagpapaliban ko muna yung utos
saken at manonood muna ako ng shooting sa labas. Nakaka-aliw siya sobra. Nakakita
ako neto sa Quirino Grandstand parang commercial lang sila ng powder na
panlaba. May ma-alindog na babae at isang mascot na bumubula. Sa shooting nila,
di ako tumitingin sa nag-aAct, nakatingin lang ako sa nakaupong camera man na
umiikot sa mga bida ng eksena. Sabi ko “ang galing ng cameraman, paupo upo lang
oh”. Dun palang masaya na ko sa camera. Napaka-mahiwaga.
Tas nandito na nga ko sa pagfi-film. Ayun. Sa pagsisimula ko
sa mundo ng videography, marami rin namang hadlang sa pag asenso tulad ng mga
wants and needs. Ano ba ang uunahin ko? Minsan nga halos wala ng matira sa
katawan ko. Mabili ko lang ang kailangan sa camera, okay na ako dun eh. Dumanas
ako ng hirap sa pagvi-video dahil wala pa akong pera para sa mga seminars o
trainings. Kaya kinakapa ko pa siya hanggang ngayon. Kaya kailangan doble kayod
talaga sa trabaho na to. Ayokong tawaging sideline to eh. Gusto ko tawagin tong
“line” ko na talaga. Wala ng break line break line pa. Tawid kung tawid.
Ang oportunidad kasi di mo makikita kung saan saan lang.
Nasa sarili naten yan. Kaya di ko kinukulong ang sarili ko, nag-eensayo ako ng
husto.
Ang kinita kong “One thousand pesosesoses” ay labis labis na
at sobra sobra para sa akin. Your Grace is Enough Lord. Talaga ngang kapag
inupuan mo ang isang bagay at pinagtrabahuhan. Nangingitlog ang grasya. Inupuan
at nangingitlog. Kapag uhaw na uhaw ka at pinuno mo ng tubig ng pagsisikap ang
katawan mo ng Passion. Talagang umaapaw sa biyaya. Di ako nagtatapon ng sobrang
biyaya na nasasayang lang. Naishe-share ko pa nga to eh. Paano ko nasabi.
(Nakapagbigay ako ng pera sa nanay ko, ganun lang pero ang goal ko ay maraming
tao). Ako pa naman, nung nagsabog ang Diyos ng biyaya galing sa langit, lagi
akong nakaabang. Pero di ako naka-nganga lang. Naglalakad akong may nakasalong
kamay galing sa itaas. Naguluhan ka ba. Kaya mo yan. Marami rin naman akong
error sa shoot ko nung debut pero keri naman. Gusto kong maging inspirasyon ang
gawa ko. Mas mas pagbutihin ko pa sa mga next na shoot.
Ang simpleng taong nangarap na may mararating.
Like me, basta makarinig lang ako ng balitang ang mga friend
ko na dating mahirap, ngayon nagsumikap. At mayaman na ngayon. Sobra akong
natutuwa sa ganun. Gusto ko, ako rin. Kung sila nagawa nila. Ako rin. Tila nagbiro ang panahon at ang ganda ng joke niya now.
Natutuwa ako at nagagalak. Ang isang libong pera na to talagang nagbubunga
ang sakripisyo at dedikasyon ko. Ito palang ang kinita ko paano pa kaya kapag
medyo nag-increase na. Baka maglupasay ako sa looby ng City of Dreams. Hindi
kasi to maliit na bagay dahil sinakripisyo ko ang trabaho ko ngayon. Damn. Because
my job now is so fucking exhausting.
My simple desire is this. Ipapakita ko sa maraming tao kung
paano mag”pakis”sa publiko na kapag
binaliktad ay “sikap.”(Hala Joker Sya oh) Pinangarap ko din minsan na sana sa output
na gawa ko. Maimbitahan ako ng Jessica Soho dahil sa Craft na ginawa ko. Okay
na ko dun. haha Tapos makikita sa screen yung full name ko pati mga
co-videographer ko. Sheeeeet. Ang sarap kasing mapagod at ma-pressure sa trabahong gustong
gusto naten, diba. Kaya ngayon, mag iimpok po talaga ako ng husto sa kakarampot
na kita para mairaos ko ang pangarap ko. Lahat ng bagay nawawala kaya di ko
sasayangin ang pagkakataon. Igagapang ko ang lahat ng to. Di lang basta gapang
kundi gumugulong sa apoy ng hirap. Gugutumin ko pa ang sarili ko sa ideya.
Bubusugin sa kaalaman. Di ko hahayaang hindi maging patok sa masa ang gawa kong
video.
At sisiguraduhin kong my video will be the best film of all
time. Naks I stand by that. It’s the fucking best.
Mas iaallow ko na ang sarili ko ma-reject. Yan nalang ang
kulang sa akin eh. Namimiss ko na talaga ang mga panahong pinag papawisan ako
ng husto, tumatagaktak ang pawis ko at kinakapos ako ng hininga sa ginagawa ko.
Ang sarap ng pagiging aggressive. At uulitin ko ngayon yun. Bruh
So, be the change you want to see. Panis to Saken.
No comments:
Post a Comment