Thursday, February 25, 2016

ANG LIBRO NG APOCALIPSIS NI TATAY


Sa barangay “Pulang Susu” ay nakatira ang Pamilyang “Dimasabi”. Ang pamilyang ito ay binubuo ng napakagulong pamilya. As in. Nagmula sa mahirap na pamilya si iLde. Siya ang bida sa istorya natin ngayon. Simula noong pinalayas ang pamilya nila sa lupaing kanilang tinitirhan ay doon na nagsimula ang kanilang kahirapan. Hindi pa naman sapat ang kinikita ng kanyang ina sa pagtitinda sa sidewalk ng mga candy at sigarilyo kaya siya na lamang ang naatasan magpursigi sa buhay ng kanyang ama. At ang kanyang tatay naman ay isang lumpo dahil mayroon itong sakit ngunit mayroong namang angking galing sa pagsulat ng mga nobela ang kanyang ama. Ang kanyang nag iisang kapatid na si Beni ay nag aaral pa lang sa elementarya kaya responsibilidad ni iLde na ihatid at isundo ang kanyang kapatid sa eskwelehan nito araw araw dahil nga siya’y hindi nakatapos sa pag aaral. Huminto ng pag-aaral si iLde dahil kinakailangan.

Lumaki si iLde sa piling ng kanyang ama. Ang kanyang ina kasi ay noon pa man ay nakatuon na sa paghahanap buhay para sa kanilang pamilya. Walang sawang nag-aalaga si iLde ng kanyang ama. Siya na talaga ang inatasan ng kanyang ina na magbantay at mag alaga sa kanyang ama habang ito’y wala pang ginagawa sa buong maghapon. Kahit na may sakit ang kanyang ama, hindi ito tumitigil sa pagbibigay ng payo at kwento sa kanyang mga anak. Lahat ng kanyang naging karanasan na kapupulutan ng aral ay ibinabahagi na nito sa kanyang anak. Dahil nga bihasa ito sa pagsusulat ng mga nobela nakikita maghapon ni iLde kung paano lumikha ng mga istorya at nobela ang kanyang ama. Binubuhos ng ama ang kanyang buong maghapon sa pagsusulat hanggang sa ito’y makatulog sa gabi. Kaya naman bubuhatin na siya ni iLde para humiga sa kanyang kama.
Saka naman darating ang kanyang ina ng dis-oras na ng gabi. Kadalasan ito’y lasing at nakakalimutan sa labas ang mga paninda. May isang araw na nahuli ni iLde ang kanyang ina na mayroon kasamang ibang lalaki. Hinahalikan ang kanyang ina habang sabog na sabog ito sa kalasingan. Nagwalang kibo si iLde sa lahat ng nangyari. Ayaw na kasi niyang maulit muli ang nangyari sa kanila noon na sinaktan ng ina silang lahat pati ang ama dahil sa galit. Galit na galit ang ina noon dahil walang nakahaing ulam para sa kanya.
Tinanggap ni iLde ng maluwag ang lahat ng katotohanan. Pinangarap niya na isang araw, mababago din ang takbo ng buhay nilang lahat. Na balang araw, giginhawa din ang buhay nila.
Isang umaga, maagang nagising si Aling Lisa (ang kanilang ina). Nakita niyang kinaen ng daga ang iningatan at pinatago niyang pagkain sa kanyang anak.
Lisa: iLdeeeeeeee, gumising ka dyan.  Halika ka rito. Tuwang tuwa ako sayooooo. (malakas na sigaw sa anak)
Gumising si iLde sa kanyang mahimbing na bangungot. Paano ba naman kasi. Hinahagis na ni Aling Lisa ang lahat ng gamit sa kusina para lang magising ang lahat.
iLde: (daling tumakbo si iLde papunta sa kanyang ina) Inay, bakit po?
Lisa: Anong bakit? (Sabay sapok) Tignan mo ng maigi tong iniutos ko sayo na takpan mo ang ulam kagabi. Nakita mo? Ano nangyari?
Sinabunutan naman kagad si iLde habang pinapakita ang Liempo na may kagat ng daga.
iLde: Aray ko po. Ang sakit na po. Tinakpan ko po yan. (nagmamakaaawa na sa sakit si iLde, di pa rin matigil ang pagsabunot sa kanya)
Lisa: Punyeta, wag mo kong pinagloloko. Kung tinakpan mo yan. Hindi kakainin ng daga yan.
Sinasaktan muli ng ina si iLde sa sobrang galit nito sa kanyang anak.
At ng may bigla silang narinig na sigaw ng bata sa loob ng kwarto ng kanyang ama. Ito ay si Beni.
Lisa: Ano yun? (Nagtatanong palayo, ang tanong ng ina galit na galit parin sa kabila ng lahat.)
Lisa: Puntahan mo yung anak mo dun sa taas. Dalian mo.
iLde: Opo opo (Habang umiiyak)
At mga ilang minuto pa. Nang nakita na niya ang kaniyang ama.
Sumigaw si iLde. Tinatawag niya ang kanyang ina.
Pumunta naman si Aling lisa sa kwarto na nagmamadali na rin.
Lisa: Puta, anong nangyari?
Sagot ng isang batang takot na takot.
Beni: (Umiiyak) Nakita ko po si Tatay. May ininom siya.
Nakita ng lahat na may nakatabi na palang lason sa kama ng kanilang ama. Bumubula ang bibig at wala ng malay. Nagpakamatay ang kanilang ama.

Napakasakit makita ang lahat ng nangyari sa kanilang ama. Ni-wala man lang silang ideya kung anong rason kung bakit nagawa ng ama nila na magpakamatay. Kagabi lang ay masaya pa ang kanilang ama sa pagsusulat.
Sa pagkakalugmok sa sinapit.
Sa pagkakalibing na kanilang ama. Nagdesisyon na kagad si iLde na iwan na lahat ng ito. Binalak niyang iwanan ang pamilyang to . Iiwan niya muna ang kanyang kapatid at ina.

Nag-iwan ng sulat si iLde sa kanyang pamamaalam sa pamilya niya. Ngunit dinala niya naman ang mga sulat at libro ng kanyang ama. Higit kumulang nasa tatlong sako ng libro ang kanyang dala dala. Ito lang naman kasi ang mahalagang pinamana sa kanya ng kanyang ama. Kaya sa lugar na kanyang tinitirhan, sa kaibigan na lang siya muna pumirmi.
Dahil nga wala pa siyang mahanap na papasukang trabaho dahil siya’y nasa murang edad pa lamang. Nagtinda nalang siya sa labas ng bahay ng libro.

Isang araw na kanyang pagtitinda, nasa dalawa o isa lang ang mga tumitingin ng kanyang nilalakong libro. Mapalad na may isang taong tumambay ng dalawang oras para magbasa muna.
Nung naisip niyang magsalita sa maraming tao at ikwento ang lahat ng nasa laman ng libro gamit ang mikropono ay medyo nadagdagan ang mga tumitingin at mayroon na rin bumibili sa libro niya. Naturuan naman kasi siya ng kanyang ama noon kung paano magpaliwanag ng isang nobela.

Sa naisip niyang paraan na iyon. Lumaki at lumago ang kanyang pera. Nakakapagbigay na rin siya ng pera sa kanyang tinitirhan. Nakakabili na rin siya ng pagkain kahit na noon naghihintay nalang siya sa alok na pagkain ng kanyang kaibigan.
Sa pagbilis ng kita ng mga binebenta niyang libro. Nakalimutan na niya ang ipinama sa kanya na libro ng kanyang tatay. Isang libro na hindi dapat niya ipagbibili at ibibigay sa iba. Iyon kasi ang payo sa kanya.
Pamagat ng Libro: Pamana
Sa gutom at pangangailangan. Nawala na ng pagpili si iLde. Kaya’t ipinagbenta nalang niya ito sa isang mayamang lalaki. Hindi niya alam na isa ring manunulat ang lalaking bumili nito.
Huli na ng naalala ni iLde na mahalaga ang nilalaman ng librong iyon.

Sumunod ang sigalot sa buhay ni iLde. Nagkasunog sa inuupahan niyang bahay. Hindi niya namalayan na naiwan niya pala ang kandilang ginamit niya sa kusina. Binalewala niya lang ang usok na lumalabas sa bahay dahil minsan ay pangkaraniwan lang naman ito.

Wala siyang nagawa sa pangyayaring iyon. Naubos lahat ng kayang ipinundar ng dahil sa nagawa niyang sunog. Pati ang pera kanyang pinakaiingatan.


Kusa na lamang na lumayas si iLde dahil sa trahedyang nangyari.
Bumalik siyang muli sa bahay nila. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang masasakit na salita ng kanyang ina. Nakatanggap din siya ng pisikal na pananakit muli galing kay Aling Lisa.
Sa kabila ng lahat, nagulat siya sa nakita niya na nadagdagan ang kapatid niya ng dalawa. Ang noong isang kapatid niya ay naging tatlo na. Nakatira na rin doon sa kanilang bahay ang bagong asawa ng kanyang ina. Ang lalaking tadtad ng tattoo at kwento ng kanyang bunsong kapatid ay mayroon pa palang isang pamilya ang asawa ngayon ng kanilang ina.
Dahil nga minalas si iLde sa kanyang plano. Tinanggap niya lahat ng katotohanan na ito. Kahit na ang sakit sakit sa gabi gabi na nalalaman niyang iba’t ibang lalaki ang nakikipagtalik sa kanyang ina dahil ginawa palang bayaran ito ng kanyang bagong asawa. Nalulong din sa droga si Aling Lisa.
Lumayas muli si iLde sa bahay na iyon at sa pagkakataong iyon. Sinama na niya ang tunay niyang kapatid na si Beni.
Hindi na siya nagpaalam sa kanyang ina. Lumuha ang kanyang mga mata sa pag iwan sa kanyang ina dahil nga sa kalagayan nito ngayon.
Wala siyang pera upang umalis kaya nangalap muna siya sa bahay.
Nakita niyang naiwan ng asawa ng nanay niya ang pitaka sa may kabinet at kinuha niya ito. Sa tabi nito ay mayroong libro na nakapatong. Ito ay kopya ng libro ng tatay niya. Sa pag alis niya sa masalimuot na bahay na iyon. Dinala niya iyon. Ito ang kopya ng librong “Pamana.”

Naglakad ng malayo na malayo silang magkapatid. Wala silang alam kung saan man sila mapapadpad. Kahit saan sila magpunta. Kumatok man sila sa mga bahay-bahay ay hindi sila pinapapasok. Walang kumupkop sa kanilang dalawa.
Tiniis nalang ni iLde at ni Beni na matulog sandali sa isang eskinita.
Sa kinaumagahan, nagrereklamo na sa gutom ang kanyang kapatid. Kasabay naman nito anh pagbusina ng isang magandang kotse sa harap na kanilang tinutulugang kalye. Wala silang nagawa kundi umalis na lamang. Ngunit bago pa sila umalis ay tinawag sila ng driver ng kotse.
Lalaki: Kamusta ka, bata?
Ito ang may-ari ng harap ng bahay na kanilang hinigaan. Ito pala ang lalaking manunulat na bumili ng kanilang libro. Nakita din ng lalaking iyon na may hawak pang bago na libro si iLde.
Lalaki: Oh diba, binenta mo na sa akin yang libro na yan. Bakit meron ka pa rin?
iLde: Ah eto po, kopya po to ng librong iyon. Kuha ko po to sa nanay ko.
Lalaki: Ah ganun ba, alam mo ba iho, hindi ko pala nasabi sayo. Ibinenta ko sa isang publishing company ang libro ng tatay mo. Ang hindi mo kasi alam, bagong libro palang ang aklat na iyon. Punong puno siya ng ideya. Napakagandang libro.
iLde: Totoo po?
Lalaki: Alam mo ba yang garden na yan. Nang dahil sa libro at likha ng ama mo. Kumita ako ng malaking salapi. Nirevise ko ng konti at pinaganda ko ng bahagya. Pasensya ka na ah kung ngayon ko lang nasabi sayo. Binalikan kita sa lugar na kung saan ka nagbebebenta ng libro ngunit wala ka doon. Gusto ko sanang magpasalamat sayo.

Friday, February 12, 2016

SI BEN THROUGH THE RAIN

Bago ako ma-admit sa hospital ng San Juan De Dios dito sa Pasay City. Ang utos sa akin ng employer o kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ay checkin ko muna ng maigi kung magkano lahat ng gagastusin ko sa lahat ng operasyon. Sabi kasi nila na pwedeng magpa-estimate sa doctor kung magkano lahat ng gagastusin sa kaso na to. Baka daw magulat nalang ako pagtapos ng neto kung bakit ang laki ng bill ko or hindi macovered lahat ng health card ko kapag hindi ko itinanong lahat ng information. Kaya ang isinagawa kong hakbang para ma-sure kong wala akong magiging problema sa health card ko ay nagtanong ako ng husto sa HMO ng hospital kung covered ba lahat, ang sagot sa akin nila ay tumataginting na “covered daw lahat”. Makikita sa card ko na mayroon dung nakalagay na pre-existing condition na kapag daw may sakit ka na noon at ngayon mo ipinagamot. Magfa fall ang case ko sa pre existing. Which is walang nagsabi sa akin na ang sakit ko ngayon ay ganun. Pero sabi ng aking doctor ay pwedeng hindi ito pre existing kasi ngayon lang sumakit. Kaya naman, go na, sinunod kong inasikaso ang philheath ko. At nang na-clear na ang health card ko. Dumirecho naman ako sa admitting section. Pinag usapan ang room. Nagkapresyuhan kame. Nagkatawaran. Ang card ko kasi ay para lamang sa SEMI-PRIVATE.  Pero ang nakuha ko lang ay PRIVATE kaya  pumayag na rin ako at pumayag na rin ang cocolife. Sinabi nila na sasagutin nila ang room within 24hours lamang kasi nga hindi ito nasa contract. Ang masosobrang araw na nandun ako sa hospital ay masho-shoulder ko na. Pumayag na ako sa ganun kasi isang araw lang naman ang masosobra kong araw na nagkakahalagang 1,300 per day. Ok go.

Kaya eto na, hinintay namen ang available na room kaya tawag kame ng tawag sa hospital. Nang meron ng available dumirecho na kame sa room. Maganda ang room pero hindi naman dito gaganapin ang operasyon kundi sa operating room. Kaya medyo exciting pa rin. Mga ilang oras pa ay may isang gwapong bumisita na doctor. Kala ko type niya ko kasi may pahawak hawak pa siya sa aking kamay nung ineinterview niya ako. Sinabi niya sa akin kung ano ang mga dapat kong i-expect during surgery and after surgery. Sa pag sasalaysay niya sa akin. Nakakatawa talaga akong tignan na nangangatog kagad ako sa takot habang sinasabi niyang hihiwain ang tagiliran ko para kunin ang  vein. Sana maunawaan niyo na first time ko po talagang mabulatlatan ng katawan. Sabi ng doctor na baka di ako makatulog sa ikinuwento niya. Tarantado din siya eh noh. Wala rin kasi siyang preno sa pagku-kwento kung may masasaktan siyang tao. Ang sakit niya kaya magkwento. Hahaha Sabi rin niya na kailangan ay matulog ako ng mahimbing ngayon kasi bawal ang puyat na high blood na di nakatulog sa surgery operation. Kapag ganun. Hindi matutuloy ang operation. Sa gabing ito. Kasama ko ang pinakamamahal kong girlfriend. Ang suportang tunay niya ay sobra kong naramdaman. Nakagaan ng loob ko ang panonood ng TV, pag iinternet at pagpapasalamat sa Diyos dahil sa wakas nakatungtong na rin ako sa higaan ng pasyente.    

At ng umaga na ng miyerkules. Pebrero 10 ay dumating ang nanay ko mga bandang 7am. Nagpalitan na sila ng girlfriend ko kasi papasok na si Gel sa  work. Ang matamis na halik ng girlfriend ko ang nagsilbing lakas ko para ipaglaban tong operasyon na to.
Dumating ang nurse at tinurukan na ako dito sa room ng anti allergy at medyo makakatulog daw ako sa ibibigay niya. Naisip ko di kaya malandi to. Ayun.
At ang mga sumunod na pangyayari. Sinundo na ako ng dalawang security este dalawang lalaking nurse. Dadalhin na nila ako sa operating room. Wala na akong nagawa. Pinuwersa na nila ako. Joke. Hindi. Kusang loob akong sumama sa kanila para matapos na tong makabagdamdaming operation na to.
Pagdating ko sa operating room. Sumalubong sa akin ang asawa ng mismong doctor ko na si Arlene Zerrudo. May balak siya sa akin. Balak niya akong lagyan ng pampatulog ng hindi ko maramdaman ang sakit ng surgery. Nilagyan niya ako ng balot sa ulo na kulay green. May isang nurse na naglagay ng tela sa aking dalawang paa. Di ko alam kung ano ang ipinapahiwatig nun. At ang aking dalawang kamay ay parang papakuin sa krus. Oo tama! Ang itchura ng position ko ay parang isasalba ko ang kasalanan sa buong sanlibutan.
Maya maya pa in-explain sa  akin ni Doktora arlene na maglalagay lang siya ng anesthesia sa aking likuran. In between of my bones. Sa gitna sabi nga eh. So umOO na ako. Sanay naman akong masaktan eh.
At mga ilang minuto pa, nakatulog na ako. Ang lalim ng tulog ko. Sa pagkakatulog ko may kaunti akong nararamdaman na parang may pumipisil ng magkabilang itlog ko.
Hindi ko talaga maramdaman ang sakit. Nang tapos na ang operasyon. Akala ko ginigising na ako ng nanay ko kasi lasing ako kagabi. Hindi pala. Ginigising ako ng doctor. Ang naaalala ko. Hinipo niya ang noo ko at tapos na raw ang procedure. Ni hindi ko nakita ang gwapong doktor na kumausap sa akin kagabi. Ni hindi ko nakita ang mismong doktor ko na si Doc Ariel Zerrudo sa operating room.
Ang gusto ko lang sabihin pagtapos ng lahat. Nang nasa room na ako. Gusto kong magpasalamat sa lahat lahat shet.  I would like to give a big great thank you to all the doctors and nurse na nag sagawa ng operasyon na to para maging successful ang lahat. I had a positive experience in hospital. I had an excellent surgeon. Sabi nga ng doktor na nagkwento kagabi. Beterano daw si Dr. Zerrudo. Kaya isa rin yun sa nagpagaan ng loob ko para pagkatiwalaan ang doktor at ipubaya tong kasong to sa kanya. The surgical staff was the best. Napapatawa nila ako kahit ang sakit sakit ng nangyari. Ma sabog sabog daw ako tignan eh. And they explained to me lahat ng nangyari and made my stay very comfortable and worry free. Nakareceived talaga ako ng excellent care with great kindness and consideration. Salamat po talaga sa lahat.

And during my rest after the surgery. Bumisita ang miyembro ng cocolife. Sinasabi nilang pre-existing ang kalagayan ko. Na-shock ako. Kumunot talaga ang noo ko sa kanila. Nakakabadtrip na balita. Gusto kong ipalunok sa kanya ang swero ko. Ayokong magreact ng hindi maganda pero nakaka inis dahil nga in-pained ako at saka niya lang pinagsasabi ang hindi mabuting balita para sa akin. Tinahimik ko nalang ang sarili ko at ipinagpaubaya sa Panginoon ang walang hiyang bumisita na yon.

Kaya mas lalong sumakit ang puson ko. Sa pagvisit ng mga nurse sa pain na to. Ang advice nila sa akin ay kung hindi daw ako maka-ihi within 5hours ay lalagyan nila ng hose ang titi ko. Tang ina ayoko nun. Buti ginamit ko ang powers ko. Kumuha ako ng bottle na para sa ihian talaga. Imagininin niyo yun. Manhid ang hita ko. Manhid ang ari ko pero napilit ko parin umihi kahit ang hirap. Nagvisualize ako na may lumalabas na ihi sa ari ko. Ayun, naging matagumpay naman. Everytime kasi na maiihi ako. Nare-relieve ang pain. Kaya uminom ako ng uminom ng tubig. At siguro feeling ko yun ang effect ng anesthesia. Inilalabas ko lang ang epekto. Pero tangina this. Ang chaket. Hindi nagtagumpay ang mga nurse sa nais nilang lagyan ng tube ang titi ko. Mga manyakis sila. Ang sama nila sa akin. May tahi na nga ako. Dadagdagan pa nila.



Pero ang gaan na ng kalooban ko. 

Nakita niyo naman na napaka ganda ng naging experience ko sa hospital. Pero ayoko ng maulit pang ma-confine  na naman ako. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na.
Ang naging aral sa akin na wag na wag magpapatalo sa mga insurance company. Hindi sila patas magbiro. Natutunan ko din na kung saan ang sakit at hirap, nandun ang milagro. Kaya nagamot ang sugat ko.


Sobrang dami kong dapat ipagpapasalamat. Pero uunahin ko munang palakasin ang katawan ko. Laging ang pwersa ko ay ang pagbangon laban sa pagkadarapa ko. By the grace of God.



Monday, February 8, 2016

MAHALAGA ANG BILANG SA LALAKI



Kung palagi kang nagagawi sa pagbabasa ng blog ko. Marahil alam mong nagkaroon ako ng sugat sa pwet. Ang pagdurugo na akala ko mapapa-quit na ako sa pamumuhay dito sa mundo. Hindi pa pala. Hindi pa pala matatapos ang kwento ng buhay ko sa maliit na bagay na yun. Maliit man na nakakairita na hindi ko naman malaman kung bakit nangyayari sa akin lahat ng iyon. Pero nalagpasan ko naman lahat. Ngunit may isa na naman problema o opportunidad kung tatawagin ang lumitaw sa parte ng katawan ko para subukan ang pagkalalaki ko. Doon pa naman sa parte ng katawan ko na mas mahalaga pa sa kinikita ko sa trabaho.

Ito ang sakit na ko na “Varicocele”. Isang problemang magpapaliit o sisira ng kaliwang itlog ko kapag hindi nabigyan ng mabilisang operation. Ito yung mga vessel or ang iba tinatawag itong “bag of worms”. Ang ibig sabihin neto kapag meron ka nito insuffiecient ang blood flow sa parte ng mga sperm. Ibig sabihin, barado ang ugat ko doon sa parteng iyon. Kailangan i-unplug ng doktor ito sa lalong madaling panahon. Ang blood flow kasi one way lang yan eh. Kapag pababa kasi ang blood flow. Pababa lang talaga siya. Kapag pataas. Pataas lang. Kaya nagkaroon minsan ng pagbabara. Kapag hindi ito natanggal o nahinto. Magkakaron ng defect ang valve. Malaki ang tyansang hindi ako makabuo ng magandang supling. Masakit yun para sa akin. Infertility is one of the complication ng ganitong sakit.

Maikwento ko. Isang araw kasi ng Miyerkules dakong ala una ng tanghali ay may napansin akong parang bukol. Naging madalas ang pagkamot ko ng bayag ng mga araw na iyon. Siguro dahil sa medyo makirot kaya tinignan ko na sa CR ito. Nangamba kagad ako. Natakot. Medyo nagpanic. Kaya dali dali akong kumapit kagad sa google at nagsearch. Ang resulta, mali ang na-research ko. Nagmamagaling kasi ako eh. Dahil di naman ako sure sa haka haka ko. Nagpaalam na kagad ako sa boss ko at dali daling nag undertime para magpacheck up. Nasabi ko tuloy sa boss ko na meron akong sexual transmitted. Sabi ng boss ko “ano? STD? Ang sabi ko Sexual transmitted infection po boss”. Eh mali naman ako ng research. Mali ako ng nasabi sa boss ko. Kaya after ko macheck up inexplain ko nalang sa kanya ng bonggang bongga ang diagnose ng doktor. Baka kumalat pa sa buong opisina ang maling info eh. Varicoccele lang po talaga ang meron ako. At hindi po ito bukol kundi vein. Mapalad nalang ako sa ganitong sitwasyon dahil kung nasa ibang site/project ako sa company namen na kasagsagan ng trabaho siguroy di ko ito masyadong papansinin at babalewalain ko lamang ito. Mananatili akong may kinikimkim na vein sa scrotum ko. Atleast 60million pa naman ang kailangan na sperm count ng lalaki para makabuo. Ayon sa mga nakalap ko. Nagkakaroon ang mga lalaki ng ganitong sakit kapag may malakas ng activity lalo na sa sex. Sorry na. Or kadalasan daw sabi sa tsismis. Ang mga seaman ang tinatamaan nito. Diba ang mga seaman, sa mainit na lugar sila nakadestino. Eh diba nagsi-sitz bath ako para sa pwetan ko. Maaaring doon ko nakuha iyon. Sabi ng doktor,  hindi daw porket may varicocele ay hindi na ko makakapag impregnate. Maaaring normal ang sperm ko.

Pero juicecolored. Papatanggal ko talaga ito. Mahirap na.  

I can’t explain how I feel at this moment. Ngayon, medyo naguguluhan ako kung bakit sunod sunod ang sakit na dumadapo sa akin. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na sa pagpasok ng taon na to ay mas lalo kong aalagaan ang sarili ko pero mas lalo akong sinusubukan ng tadhana. Sinusubukan niya talaga ang tibay ng loob ko.

Hindi ko maikakaila ang takot at pangamba na nararamdaman ko ngayon. Pumapasok sa isip ko na sana normal lang ang ganitong bagay. Pinipilit kong mas malaki dapat ako kaysa sa takot ko. Iniisip ko rin na sana makakabuo ako kahit meron ako neto. Pero wala eh. Ipinagpaubaya ko nalang sa isang expert na urologist  doctor ang kalagayan ko. Sinabi niya na kinakailangan ng surgery o operation sa varicocele ko. Isang balitang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ngayon palang kasi ako masusurgeryhan. Ngayon palang ako nasentensyahan ng ganun sa tala ng buhay ko. Ngayon palang mabubuklat ng doktor ang mala gardo versosa kong pag aari. At dun pa sa private part ko. Wala naman akong magagawa. Meron na kasi akong nararamdaman na konting kirot at hindi pantay na itlog. Awts. Slight lang naman. Napapansin ko na talaga ito  kapag hinipo ko ang vein. Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Kaya ayun, no choice kundi ipahinto na talaga. huhu

Alam naman ng lahat ng mambabasa ng blog ko na hindi ako sumusuko sa kahit na anumang pagsubok ng buhay. Tatawanan ko lang yan. Ngingitiian ko lang yan. Maliit na bagay lang ito. Hindi ako papatayin neto.

Malaki ang pasasalamat ko dahil maaga kong nadiskubre ang ganitong sakit. Siguro kapag nagplano na kame ni Angel ng anak at gusto na naming bumuo at saka ko palang nalaman na may ganito pala akong sakit. Baka masabi ko sa sarili ko na

“Huli na ang lahat”.

Sabi naman ng doctor na hindi naman life threatining ang ganitong sitwasyon ko. Dehado nga lang talaga akong magkaanak pag nagkataon. Ayoko naman po nun. Mas gugustuhin ko pang mahirap na maraming anak kesa sa mayaman na walang sariling anak. Kanino ko ipapamahagi ang mga kayamanan ko. Sayang itchura ko. Walang magmamana.

Handang handa na ako sa operasyon na gaganapin sa Tuesday feb9 bukas. Ang hindi lang ako handa sa presyo  na ibibigay ng doctor. Hiling ko lang talaga na sana macover na lahat ng health card ko ang surgery at lahat ng fees. Para ang iba. Sa gamut ko nalang gagastusin. Pagpray niyo po ko. At babalitaan ko ulit kayo. Nagpapasalamat ako dahil I believe na magiging successful ang operation. Ito ang daan sa pagbuo ng baby ben ko.