Jessica: Kamusta ka na, Ben?
Ako: I’m fine. Okay naman po, Ms. Jessica. hehe
Jessica: May napansin akong kakaiba sayo, di ko sure kung napansin din nila iyon. (Malagkit ang ngiti saken ni Madam, Sagad. Sukdulan. Intense).
(At ang reply ko sa kanya, Sasabihin ko in a way “Eto po ba yun?” Ipapasilip ko ng konti yung abs ko kay Mam Jessica para kunwari nahihiya ako sa katawan ko. hahaha)
Jessica: Hahaha pilyo ka talaga Ben. Ayoko niyan. haha Palagi ka bang nag-eexercise or gym? Ako kasi palagi din eh.
Ako: Naks naman po. Good for you po, mam. Yes po. Daily po ako. Takbo. Exercise. Gym. Palagi po yan.
Jessica: Eh ano motivation mo sa exercise? Kung tatanungin mo ko, parang ayaw ng gym saken. huhuhu Kaynes.
Ako: Oy hindi naman po. Nag-iingat lang po siguro yung mga may ari ng gym. hahaha
haha Siguro po yung pagiging sakitin ko last last year ang naging motivation ko. Kaya palagi kong mindset sa sarili ko “Dapat mas lumakas ako ngayon”. Ganun lang po. Pabaya po kasi ako noon sa katawan ko eh. Kadalasan, di na napapansin ang katawan ko. Puro mukha nalang po. Bastusan na talaga sila.
Jessica: Hahaha Palabiro ka talaga Ben. Tinignan namen yung mga dati mong pictures. Nakakadiri este sobrang payat mo dun ano. hahaha
Ako: Galit po ba kayo sa mga payat Ms. Jessica? De joke lang po. Opo, yun po yung sobra akong sakitin. Ang daming dumadapong sakit sa akin, buti nalang hindi severe. Dala po iyon ng stress. Pero wag ka. Sobra po akong thankful dahil nakakapag exercise ako ng todo todo everyday. Hmmm. Sobrang saya ko po.
Jessica: Nice. Pero atlis okay ka na. Yun ang mahalaga. Kala namen cancer survivor ka eh. Joooooke.
Ako: Ay ang hard niyo po. hahahaha
Yah. Super po. Sobrang okay po ko ngayon kesa dati.
Jessica: Maiba naman tayo. Alam naman nila na writer ka diba. Pero anong work mo noon?
Ako: Well, dati po akong Cad Operator. Ako yung nagdo-drawing ng mga plans ng mga details in construction. Bali, nasa field ako ng Electrical and Mechanical Engineering construction.
Jessica: Aah ganda pala. Eh ano na ginagawa mo ngayon? (Yung di pa nila alam na activity mo)
Ako: Now, nagsusulat ako sa isang TV Network para sa gag writing. Gumagawa din ako ng sarili kong books. Actually, I have three books. Tapos sa gabi naman, kumakayod ako bilang isang stand comedian. Ganun po.
Jessica: Wow. Ang dami mo palang work noh. Ang galing mo.
AKo: Hindi naman po. Idol ko nga po kayo eh. Kayo po ang pinaka-kilalang news anchor sa balat ng lupa.
Jessica: Thanks.
Ako: Bali po, ang secret lang naman po. Balance lang po sa work and exercise.
Jessica: Gagawin ko yan, Ben. Hu u ka saken pag pumayat ako. haha So, dati kang draftsman at ngayon ay writer na. So, bakit ka nagbago ng work?
Ako: Namindfuck po ako. De joke. Kasi noon, di ako masaya sa ginagawa ko. I felt no passion for the job and couldn't envision myself as a draftsman. College palang ako, brokenhearted na ako dahil mali ako ng piniling kurso pero ipinagpatuloy ko nalang para masabi lang na nakatapos ako. haha Kaya nung nabigyan ng opportunity, kinagat ko na. Di ko na binitawan ang work ko sa writing and comedy.
Jessica: Nakakahanga naman.
Ako: Salamat po.
Jessica: Kelan yung moment na naisip mong kailangan mo na ng changes sa buhay mo?
Ako: There was a day when a few things happened na wala akong naiipon. Mga times din na ang dami kong nasasayang na oras dahil naubos na sa 8-5 hours of work. Dun din yung panahon na ang dami ng dumating na responsibilidad sa buhay ko. Naiinggit na ako sa mga kasabayan ko. May mga bahay na sila at nakakapagpundar na dinsila. Ako wala pa. hahaha Kaya yan yung ginamit kong inspirasyon para umunlad.
Jessica: (Smile si Ms Jessica) Eh ano naman yung mga namiss mo sa work noon at mga di mo na-miss?
Ako: Namiss ko siyempre yung mga katrabaho ko. Palagi ko kaya silang pinapasaya eh. haha Saka nagkukulitan kame lagi. Mamimiss ko talaga sila ng sobra. Di ko mamimiss kyung mga sermon sa akin ng boss ko sa tuwing ako ay nagkakamali. hahaha Ako na ngayon ang magpapatakbo ng buhay ko. But after all. Masaya pa din ako.
Jessica: Are you happy with the change?
Ako: Gaya nga po ng sabi ko kanina. Super duper happy po. Natatawa na nga lang ako eh. I can't imagine my life before! iiiw. Di ko na maimagine yung sarili ko kung babalik pa ako dun. Ayoko na. Sobrang saya ko ngayon. The lesson for me was that if you don't like something, you change it. It's not that complicated.
Jessica: Paanong process mo napalitan ang career mo?
Ako: Hay Jusqqq. Habang nagwowork ako sa Engineering construction, pinilit kong mag apply apply sa ibang kumpanya. Hindi pwedeng huminto eh. Marami akong obligasyon sa buhay na dapat gampanan. Abante lang ako sa paghahanap ng bagong work environment. Kailangan tuwing morning, nakamindset na ang isipan ko na hahanap ako ng bagong trabaho na gusto ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na “Hindi habang buhay, nandito ako, gagawa ako ng paraan upang makapunta ako sa work na gusto ko.”
Jessica; Maganda yang sinabi mo Ben. So, hindi din talaga naging madali ang pagpapalit ng bagong work, ano?
Ako: Napakahirap. Dumaan ako sa matinding frustrations halos araw-araw sa loob ng 5 years.
Jessica: Grabe pala. Ano yung mga steps na di umaayon sa mga goals mo noon? mga wrong turns?
Ako: Syempre, nandyan na yung ayaw akong paalisin ng boss ko. May mga application na hindi umubra ang skills ko kaya hanap ulit ng iba. Sa sobrang desperado ko kasi, bahala na kung magkamali. Yun nalang ang inisip ko.
Jessica: Naapektuhan ba ang financial mo? Paano mo na ihandle ang pera mo sa pag alis sa bagong work?
Ako: Gusto ko talaga bago ako umalis sa work ko noon, dapat may back up akong money. Dapat nakapaghanap na ako ng bagong work na sure na sure na ako dun tapos saka na ako magpapasa ng resignation letter.
Jessica: Dapat lang yan. Ano ang pinakamahirap kapag magpapalit ng trabaho o karera?
Ako: Patience. Gusto ko noon mangyari kagad eh. haha Kaya ngayon natuto ako na lahat ng isipin naten ay darating pero may right time talaga eh. Ang mahirap lang ay yung hindi ko na iisipin. Wala talagang mangyayari nun sa sakin. Kailangan didiktahan ko ang sarili ko parati, “Kaya ko pa, kaya ko pa”. At yung pinakamahirap ngayon yung uncertainty of whether the change would ultimately be successful or not.
Jessica: May hiningi ka bang tulong sa iba?
Ako: Kinausap ko yung mga kaibigan ko nung college. Mahirap sarilihin ang problema ko noon. Mga taong nakakakilala ng lubos sa akin, kinausap ko. Malaking tulong din ang support na binigay sa akin ng family ko. Napakasupportive nila na alam nilang naghahanap ako ng bagong work.
Jessica: Nice naman Ben.
Ako: hehe
Jessica: Last, ano ang natutunan mo sa lahat ng ginawa mong pagbabago?
Ako: Take risk talaga. Kung di ko gagawin. Walang mangyayari. Kung di ko bibitawan ang ibang activity na dapat kong gawin. Mawawalan ng saysay ang main goal ko. I’ve learned so much in the faith. Kailangan tiwala ako palagi sa sarili kong makakamit ko ang goal ko. Makakapunta ako sa gusto kong puntahan. I visualized everything and I believe in myself. Di ko binitawan ang tiwala ko sa sarili ko. Dumating din sa point na dapat kong i-let go ang expectations at i-enjoy lang ang journey. That’s as much about that as it is about the destination. Saka dapat always stay open to opportunities kapag magpapalit ng bagong work.
Jessica: Wow. Ano sana ang wish mo noon bago ang lahat ng ito?
Ako: Sana mas inagahan ko pa. Sana noon palang ginawa ko na. I wish I'd had more faith and stopped to smell the roses along the way.
Jessica: haha Tama ka dyan Ben. Maraming scenario na ganyan na hindi sinimulan noon palang. Ano ang mairerecomenda mong tools para makatulong sa kanila na gusto ring magpalit at naguguluhan din sa work nila?
Ako: Sabi niyo po kanina last na yung tanong niyo. hahaha Kung ano ang meron po sila ngayon. Sapat na yun para makapunta sa paroroonan. Taray paroroonan. Gamitin lang naten ng tama ang internet at smartphones para sa job hunting. Always open the door. Di naman naten alam kung ano ang nasa loob ng papasukin naten eh. Laging may supresa sa loob nito.
Jessica: Clap. Clap. Ano ang maipapayo mo sa mga taong nanonood sayo? Lalo na sa mga fans mo.
Ako: Simple lang po. Sa lahat ng nagmamahal saken. Eto po ang maipapayo ko. Get out of your comfort zone . Yun lang po.
Jessica: Palakpakan natin muli. Mr Ben Estrella.
Ako: I love you all.
Yes. Oo. Pinangunahan ko na ang future. hahahahaa