Monday, February 6, 2017

WE HAVING A PARENT CELEBRATION, LOVE STAY HIGH



After 3month, Natuloy din.

Siya si Miaca. Ang anak ng kumare ng nanay ko.

Siya yung maputing babae na kasama ko kagabi yung kala nila dagang kosta sa pagkatahimik. Kala ko mapapagod ang bibig ko sa kakakuda sa kanila, hindi pala. Hahaha

At sa wakas, nakausap ko na ang ‘babaeng bond paper’ na yun. Di naman sobrang puti ng tatay niya, bat ang puti niya. hahaha Siya nga pala ang anak ng kumare ni Mama na si Tita Magda. Inulit ko lang yung sinabi ko sa una. Haha

Matagal ng nire-request ni Mama saken na kilalanin ko siya. Wala lang talaga akong time. Siguro ganun talaga kapag ubod ng gwapo. Katulad ko, focus ako sa passion ko, priorities, relationship with my family and also to my girlfriend. Dedma lang talaga saken ang ibang babae. Hahaha de Charot.

Bago ang dinner na to.

Umusok ang insidenteng ito nung gala kame ng gala ni mama. Diba nga, hilig kong i-treat si Mama sa labas. Tiyempo friend ko si Miaca sa Facebook. Di ko na maalala kung kelan ko siya naging friend sa social media. Utang na loob naman kasi., halos palaging 50 person ang friend request ko sa fb. Araw aaraw ganun. Kakasawa. Hahaha joke! Wala na akong maalala. Basta ayun. Bali nababasa siguro ni Miaca ang mga post ko sa lahat ng mga dinner namen ni Mama.

(Additional: Kaya palaging natutuloy ang alis namen ni mama, puro kasi malalapit na lugar lang naman ang pinupuntahan namen kaya keri pa ng paa niya ang mga ganung walking.)

Sa di inaasahang milagro, nagko-comment din si Miaca minsan sa mga post ko about sa alis namen ni Mama. Siyempre ninang niya mama ko eh. Gugulpihin siya ng mama ko kapag di siya nakialam sa lamyerda namen ni mudraks. hahaha

Then isang araw, pumutok ang balita kina Miaca at alam niyo naman na may pagka chismaks si mama kaya nagkwento  saken siya na nagkaproblema daw sila sa family nila.

So, nagstart ng magkamustahan kame sa internet. Tanong tanong lang ng ganito o ganyan kung okay ba lagay ng kanya kanya naming parents. Kamustahan kame ng negosyo, investments, koneksyon at iba pa. hahaha Sa convo namen, may kutob na ang isa’t isa na trip naming gumala with our parents kasi nga parehas naming love ang mga mudrakels namin. Ito yung tipong  mas sulit kapag grupong masaya, mas hataw pa. Parang ganun yung vision namen sa usapan.  At sa mahabang interviewhan with her, buti naman tinamaan namen ang topic na iyon. Ang gumala na  nga para sa parents namen. (nagkakahiyaan lang talaga sa una.).

 Itong babaeng binabanggit ko. Bata palang kame dumadayo na siya sa lugar namen para maglaro ng Ragnarok. Gamer siya noon, ako siguro Counterstrike lang alam ko nun pati suntukan at breakdance. Hahaha At Alternate din minsan kame sa bahay nila,  minsan din naman sinasama ako ni Mama sa bahay nila para bumisita. Medyo mahiyain pa siya nun. (Hanggang ngayon naman pala). Napansin ko siya noon, tumatawa ng walang sounds. Parang tanga lang. At ako naman, talagang makapal pa talaga ang mukha ko sa kahit na anong larangan ng buhay. Mapa-pamilya, boss o barkada. Bihira kame magkwentuhan noon. Siguro nga dahil mukha talaga akong presko noon, na mahirap i-approach. hahaha (Pagbigyan niyo na, blog ko to). Or siguro makakausap ko siya kapag inutusan ako ni mama na iabot ang baso sa kanya. Sa paraan na iyon, nakausap ko na siya nun. (Ate, eto po yung baso niyo sabi ni mama.) hahaha Ate tawag ko. hahahaha

At nung gumraduate na ako sa high school, nag-aral naman ako sa TUP o Technological University of the Philippines upang kumuha ng kursong kung ano ano nalang. haha Nakita ko ulit siya dun. Dun din siya nag-aaral. Nung time ng enrollment, halos laitin ako ng babaeng yan dahil sa kursong kinuha ko. hahaha May pagkamahangin din pala siya. Or concern lang siya sa katangahan ko. Pero wala eh. Yun na nakuha kong course eh. Kaya tinuloy ko na. Kung di  lang talaga magkakilala ang parents namen, na-muay thai ko na siya sa entrada niya saken nung first day ko sa college. hahaha Kainis eh.

Anyways,

Talagang may access ang mundo namen dahil nga din sa iisang University at magkumare ang parents namen.

Punta na tayo sa kasalukuyan.

Biglang dumating ang panahon, nagkausap kame sa messenger kung ano na ba ang ganap ng sangkatauhan.  Blah blah blah. Di na nagpatumpik tumpik pa. Pinag usapan na naming gumala. (yung kaninang nabanggit ko).

Dapat talaga, nung December 2016 pa siya makakauwi dito sa pilipinas.(eh maarte siya masyado haha) Ang set-up sana, pag uwi niya rekta na kameng dinner kagad. Taray diba. Nagpa-plano na kame nun about sa dinner date with our parents pero di pa talaga final kasi nga medyo busy busyhan ang aura ko. Di pa alam kung saan gaganap. Sobrang dameng napag-uusapan na excited na excited na kameng simulan ang game plan. Kaya nitong Sunday February 5 2017, Tuluyan ng nakulayan ang drawing naming plano.

Iba siguro talaga kapag para sa magulang ang gagawin bagay, ano po?

Sa usapan namen, meron talagang flowers na bibilhin at mag-e-exchange kame na ibibigay namen sa parents namen. Kasama yun sa plano. Napa-oo nalang, baka naman siguro mabago pa ang plano kapag nandun na. Ako ang maghahanap ng kakainan or place then siya na bahala sa next na happenings. Pwedeng mangyaring kasunod, spa or nood movie nalang. Matino naman ang plano. As usual.

Fast forward naten.

Yesterday,

Humanap ako ng place na midway ng Pasay City t Espana manila. Sa haba ng usapan namen. (Kahapon lang ako nakahanap.)  Hahaha Request niya kasi na sana sa easy way kaming lahat magtagpo.  May nahanap ako sa Internet na ramen sa Quezon city. Pero di siya pumayag. So so layo layo daw. Inalok ko sa San juan. Medyo malayo din daw sa kanila. Iniisip niya kasi, medyo pilay pilay na din ang nanay niya. So, buti nalang, may nahanap akong matino at yung mismong reviews  sa internet mukhang maganda naman ang mga feedback. Wala na akong nagawa pa. Ayun nalang talaga. Pwede na yan.

Ang napili. Dun sa Trinoma. Nagkasundo ang lahat. So, okay na kame dun. Fight.

1pm palang ng tanghali ng sunday, nagtext na siya sa akin na bibili na daw siya ng flowers. Shet bigla akong kinabahan. Oo nga pala. Tinotoo na nga niya yung plan. hahaha This past few weeks kasi, nag-uusap na kame ni Angeline about sa plan namen ni Miaca. (Si angeline na girlfriend ko po, para sa mga di nakakaalam). Hindi ko agad nasabi kay Angeline ang plan namen kasi sobrang naging busy ako. Kaya nung naalala ko nung kumakaen kame sa labas bago pa ang lahat. In-open ko na kay Angeline about sa plan. Wala naman akong sinekreto sa kanya. Sinabi ko naman ang buong napag usapan. May konting misunderstanding pero in-explain ko pa din. Sense ko naman na medyo nagseselos siya pero sabi ko nga sa kanya mismo nung magkaharap kame, wala naman akong gagawing masama na makakasira sa relasyon namen. Ang pagseselosan lang nman daw niya na hindi siya kasama. Yun lang naman. Walang dapat pagselosan at lagyan ng issue. Matagal ng magkakilala sina tita Magda at si Mama ko, o ang mga magulang namen. Magkaibigan kame. Kaya okay lang naman na di siya(Angeline) muna sumama para mapag usapan din talaga ang mismong history ng tribo ng Estrella at Teope. hahaha Para na rin siguro maganda lang ang flow ng usapan. Nextime nalang siya. Pumayag naman si Angeline sa napagkasunduan bago kame umalis at alam ko naman na di pa niya medyo accept ang truth sa plan pero tinuloy ko pa rin kasi nga, wala naman akong tinatago o masamang balak. Simple gathering lang naman yun para sa mga parents namen ni Miaca.

Balik tayo dun sa flowers, medyo umatras muna ako ng konti tungkol dun at sinabi ko nalang kay Miaca na “ngayon ko palang gagawin na magbigay ng flowers kay Mama”. Ang ibig sabihin lang nun, totally nahihiya ako at syempre may girlfriend akong maiinggit or mag seselos . Na-appreciate ko ang effort ni Miaca dahil nga sa ibang bansa siya nagwowork. Bumabawi lang talaga si gurl. Sobrang malapit ang loob niya kay Mama. About ulit  sa flowers na yun, iniisip ko din siya. Sabi ko nalang sa sarili ko, “Di bale ng hindi flowers  ang ibigay ko pwede na iyon” Naisip ko na nga lang siguro.  Pero no choice na e. Pumayag nalang ako. Sige na. Basta yun nalang piliin ko  , gift nalang na nakawrap kung sakali, yung tipong mabilisan ang pagkabalot, just like SM store . Kaso yung naisip ko na iyon, di ko naman nai-send yung text ko sa kanya at ang suma ng lahat baka di na ako makakabili ng flowers kasi nag aalangan ako. Kaya aruy ako. At naubos ang time ko sa bahay kaya nagdecide nalang ako doon nalang mismo sa Trinoma ako bibili ng flowers. Wala na e. Di nasend ang text eh. Ang gulo ko.

At ayun na nga, lumarga na kame papunta sa venue. Ang Team Estrella pa mismo ang naunang umalis sa bahay pero kame pa din ang huling nakarating doon. hahahaha Sobrang bagal maglakad pala talaga ni Mama. Naawa ako ng burberry light. Pinapatawa ko nalang siya habang naglalakad kame na kahit papaano ganahan siya maglakad.

Hate na hate ni Mama ang umakyat at bumaba ng overpass. Kitang kita ko talaga kay Mama ang haggard kaya inaakbayan ko nalang siya pero ayaw niya din. Mabigat daw kasi ang kamay ko. Nasa 20 tons. Kala ko magiging effective na bumilis ang lakad ni mama kapag nilagyan ko ng konting push. Hindi pala. lalo lang nagalit saken. Beastmode kagad si mama kapag naiirita. hahaha




At ang hinihintay na. Eto na.

Pagkatapos bumiyahe. Nandun na kame. Nagkita na sa mall. Didirecho na sa Ramen store. Bumili na talaga si Miaca ng dalawang flowers. (Nakakahiya ako). Medyo natagalan ng konti kasi hinanap pa namen ang Hanamaruken Ramen sa Trinoma. Bagong store lang pala iyon doon. Pati mga gwardiya dun, di pa nila alam yung binabanggit nameng keme. Nakakaloka din sila eh.

During ng dinner. Masaya ang usapan. Sobrang saya. Isipin niyo ah, kame kung magusap kame ni mama sa bahay para kameng nagde-debate at nagtatalo palagi, pero sa awa ni Papa G, naging kalmado ang ambience ng usapan. Chill lang si mudra. Story telling din si Tita Magda. Nalaman ko. Bihira lang palang magkwento si Miaca. Totoo pala talaga. Kailangan mo pa siyang tapikin para magsalita. Hahaha Charot.  So, ako na ang bumangka sa usapan ng gabing iyon. (hayup ambida ko, oy di naman, nanguna lang) Ayaw nilang magtanong tanong kaya binalasa ko nalang ang mga baraha ko at binigay sa kanila ang mga topic. hahaha (Ang lalim). Kaso nabitin ako sa ginawa kong chika eh. hahaha

Masarap ang vibes kapag nakakabawi sa pamilya. Seryoso po. Sa totoo lang. Bawing bawi ang oras na nawala ako sa bahay ng ilang araw kapag nate-treat ko naman si mama na kumaen sa labas. Di man gumana ang skills ko sa communication dahil medyo pagod ata silang tatlo sa maghapon, malamig din siguro ang panahon, at di umubra ang mga jokes ko. Okay lang, nakuha ko naman ang mga taste na topic nila. (pero parang hindi ata).

Sa ganoon, maganda na baraha ko nun kapag tuloy tuloy ang usapan, pwede nakong bumoka ulit. Halos saglit lang kame sa Hanamaruken na yun. Elegante ang store lalo ng ng interior design kaso nga lang gusto na kagad gumala ng mga kausap ko. mantakin niyo yun, ninanamnam ko pa kaya yung noodles ko. Pakasamang puso nila. Ang sarap sarap keye.

But shet. Ang saya talaga.

Para sa akin, hindi biro yung salain ko yung mga buhay buhay ng mga parents ko sa kapiranggot na oras na iyon. Habang pinakikinggan ko ang mga kwento nila tungkol sa mga struggles at hirap nila sa pagpapalaki ng bata or sa amen. Biglang nadagdagan ang porsyento sa isip ko sa mga responsibilidad ko sa buhay. Unti unting nanliit ang work ko ngayon kaya nasabi ko nalang sa sarili ko “Hindi sapat na nasa Taikisha lang ako, dapat doble or triple kayod pa.” Purong pagmamahal ang nararamdaman ko sa tuwing nagbibigay sila ng hanash na advice nila. Parang may bumabagsak na malamig na tubig sa ulo ko dahil naliliwanagan at nahihimasmasan ako sa magiging buhay ko kapag nag-asawa na ako. hahaha It’s sounds scary for me. Seriously. hahaha. Takot pa ata ako sa responsibilidad. haha Tunay nga talagang mahirap pero masaya daw base sa kwento nila. Ako pa naman, ikwento mo lang sa akin, i-identify mo lang saken ang suspect then para sa akin, malalim na ang kahulugan nun kung seryoso mong sinalaysay sa akin iyon. Ganun ang impact sa akin ng mga chika nila kagabi. Interesado ako ng bongga makinig.  Feeling ko nga eh, para akong nagbubuklat ng comics sa mga kwento nila. Di ko talaga binitawan yung pakikinig. Saya lang. Take note, saglit lang ang bonding namen na iyon, paano pa kaya kapag whole day pa at may alak. Gawdamn. hahaha

Sa kalagitnaan ng conversation namen. Tumatawag sa phone ko ang girlfriend kong si Angeline. Ugali niya yan na palagi kong sinasabi sa kanya na magtext nalang siya. Bakit tawag  pa. Mababasa ko naman ang text niya diba. Medyo napikon ako dun. Palagi niyang ginagawa yan.

Move on to that.

Natapos na kame sa ramen. Busog ako. Ewan ko lang sila. Di nila inubos ang food eh.

At out na kame dun sa Ramen.

Lumipat naman kame sa isang store na nakalimutan ko ang name. Basta maraming ek-ek na quotes and saying sa dingding. hahaha Ang store na yun, karamihan matatamis ang binibenta. Okay naman para sa akin yung matatamis. Ayoko lang ng sumobra. Natatakot lang ako sa diabetes. haha
Sa totoo lang, nabitin ako sa mga nangyari. Di ko masisi sila. Di rin nila gusto iyon. Nextime nalang ulit. Marami pa sana akong nakaimbak na  tanong pero di ko nadeliver lahat. Dala ng ayokong magkamali ng sasasabihin sa kanila. Pinag iisipan ko ng mabuti ang mga wording ko. Takot akong makapagbitaw ng maling salita. Hindi ko naidura lahat sa kanila. hahaha
Di ko makakalimutan ang gabing iyon.
Ang wish ko lang ngayon. Makasama ko pa sila Mama ng maraming beses sa mga gathering. Pati sila Miaca and tita magda. Maarami pang events na dumating na kasama sila. Kasabay ng family nila Angeline para maayos na ang lahat. Wala namang gulo. Si Angeline lang talaga ang magulo.  Sana maging matured na yung girlfriend ko.  Pero mahal na mahal na mahal ko pa din siya, anumang sitwasyon.
Dinggin ng puso ko ngayon. Ang saya saya. Nabago ang buhay ko sa lahat ng nangyari. Sobra akong grateful sa nangyari.

No comments:

Post a Comment