Back in the days when I’m so young,
Ang nareremeber ko lang na i-wish palagi taon taon ay ang takbo ng pag-iisip ko at ang warrior kung katawan. haha (Yes! Tama po kayo ng nabasa.) Kasama po talaga ang utak. Di nawawala sa panalangin ko yan linggo linggo sa buong taon. Eh tangina kasi, di ko kasi makontrol minsan ang rampa ng isip ko. (hallucination ba tawag dun? haha Di ko sure). May oras talaga na kung saan-saan napupunta ang gusto ng isipan ko, lutang, madumi ako mag isip pero walang output kaya ang kalalabasan minsan ay humihina ang katawan ko at nagkakasakit.
Ang pinagtataka ko lang. Mahilig ako magpray sa family ko. Lalo na syempre sa sarili ko. At bihira ako magdasal para sa mga kaibigan ko. Pati na rin sa girlfriend ko. Pwera nalang kung may sakit sila or may problema sila. Ang ibig ko lang sabihin, napaka-blessed ko masyado sa mga kaibigan at girlfriend ko. Minsan ako lang talaga yung nawawala sa sirkulasyon or hindi nagpapakita dahil sa kakagala ko. haha Saka may jowa na ako.
Masaya na ako sa biyayang ipinagkaloob sa akin sa kakaunting ‘ka-repa’ na meron ako pero sulit naman kung ko-computin. At sulit din sila sa akin. haha
Kapag nag-aadopt ako ng mas positive crowd and perspective. Malaki ang changes.
Kung tatanungin niyo lang. Nasa honor/top or dean’s lister ang mga kaibigan ko. (Walang halong biro). Ako lang talaga ang hinde. hahaha De joke. Nung elementary ako, nag third place kaya ako. (Wag ka.) Ang sipag ko kaya nun. Pagmalaki niyo naman ako oh. haha
Kaya na-realize ko ngayon.
Matalino ba ako kaya mga kasama ko matatalino o binigyan lang talaga ako ng mga taong magbibigay sa akin ng malaking help o impact sa sarili ko?
Until now,Ang sagot, I don’t know.
Ah basta. Subukan kong ielaborate senyo.
Sige game. Try naten. Balikan ang nakaraan kung may kwenta ba talaga ang mga kaibigan ko. haha
Unahin naten nung panahon sa elementary ako. (Hindi naman kasi pwedeng mauna ang college eh, diba?).
During my school year. Kadikit at katropa ko noon yung mga matatalino sa klase. Para sa akin, matalino sila. Isa si Angelito diyan. (Di ko na alam kung nasan na siya ngayon. Dead or alive pa ba siya? Napakulit niya noon. As in. Pero di niya kaya ang powers ko. Mas bully ako. Ako lang ang bumabasag ng kulit niya noon. Siya kaya ang dahilan kaya na-motivate ako na mag aral ng todo. At kengkoy na matalino pa siya. Dahil na-inspired ako sa kanya, nagpakabibo ako ng husto noon sa klase. Nagsipag ako. Sinacrifice ko muna ang bakasyon with basketball sports ko at nagfocus sa pagpapakahenyo. Sinubukan kong magmemorya ng mga words na mga weaknesses ko. Tiniis ko ang hirap ng buhay sa Math. Ginapang ko ang pag-aaral ng salitang English. Tapos sinabayan ko pa ng ka-comedyhan. At sa kasamang palad, bumaliktad ang mundo, siya naman ang nagpabaya sa pag-aaral. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, kay Angelito. Tunay ko siyang kaibigan na hindi ko na nakikita hanggang sa ngayon. Ewan ko kung tunay pa baa ng tawag dun? Nang dahil sa kanya hindi ako matututo sa kahinaan ko. Marami din siyang tutorial saken noon kung paano gumawa ng English sentence. Kapiling ko siya palagi sap ag aaral. Para kaming magkapatid sa sobrang dikit. Kasama ko din siya noon sa mga Science Quiz bee pati MTAP. Kaya natutunan ko sa kanya. If you want to be your best you must surround yourself with the best. But in terms of our friendship, take note, siya ang dumikit sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Sobrang huge ng influence niya sa akin. Siguro nga magaling lang talaga ako pumili ng kaibigan. haha Marahil may mga kaibigan din kayong mas matalino pa sa mga kaibigan ko, pero syempre mahirap sabihin kung sino ang mas pinakamagaling. Diyan makikita na may mga tao lang talagang huhubog ng pagkatao naten. Si Angelino na katunog ng benito, isa siya sa naging inpirasyon ko kaya ako nagsumikap mag-aral.
Then when the summer come, hindi mawawala syempre sa bakasyon ko ang basketball at makasama sina Empoy at toytoy. Mga baliw kong mga kaibigan. Nung na-achieved ko na ang mga mithiin ko nung elementary, (Bali nasa tugatog na ako nun). nagkaroon na ko ng butas para magbasketball ulit.
Sa kanila ko natutong makipagbasag ulo. May utak din naman sila. Hindi sila bobo. Magaling dumiskarte ng pera lalo na sa katarantaduhan. Pero sila ang dahilan kung bakit ako gago. Sila ang nagbigay ng binhi sa akin upang maging matapang sa buhay. Dito ko napagtanto na may mga kaibigan tayong magtuturo sa atin kung paano ang tumapang at magpaiyak. Minsan hindi yan maibibigay ng mga miyembro ng pamilya. Wala akong masabi sa dalawa kong kaibigan na yan, toytoy at empoy. Noon, kapag tatlo kaming magkakasama, para akong bata-bata nila dahil ako lang ang pinakabata sa grupo. Ang mahalaga lang sa akin, kung di ko sila nakilala, malamang mahinang tao ako ngayon sa world of pikunan at asaran.
Damay na rin siyempre ang ugali pati sa pananamit ang nahawa ko sa kanila. My friend with which I surround myself can heavily influence my outlook, values, emotions, and behaviors. Ganun!
Dako naman tayo sa highschool life. Mas na-challenge na ako ngayon dito. Yung husay at talino ko nung elementary, (Wow, husay talaga?) ay bitin at kulang pa pala iyon nung tumungtong ako ng highschool. Sumampal sa akin ang katotohanan na mas marami pa palang magaling kaysa sa akin at sa mga kakilala ko. Ang taas lang talaga ng tingin ko sa sarili ko. Kala ko alam ko na lahat.
Pagkagraduate ko naman kasi nung elementary, bigla akong nag-join sa industriya ng breakdance. Naganap ito nung buwan ng Summer. Although, delikado ang ganung bagay. Salamat nalang, dahil di naman ako pinigilan ng mga magulang ko doon na kahit na umiikot ikot ang katawan ko at napupudpod ang bunbunan ko sa breakdance. Ginabayan pa rin ako nila.
Samakatuwid, bago ako umapak sa high school. Pinagdaanan ko muna ang buhay basagulero. Take note ah, 2 months lang ang summer bago ako tumungtong ng high school. Pero marami na akong nagawa. Kung saan saan ako napunta. Nakahilig ko na ang sumayaw. Magpuyat sa walang kakwenta kwentang bagay. Mambabae. Sa loob ng bakasyon na iyon, ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ako nakapag handa sa high school. Naalala ko tuloy, umiiyak ako kay mama dahil parang ayoko nang pumasok dahil di ko kaya ang high school, nawala sa focus ang kokote ko at buong kalamnan ko. haha Buti nalang naging matapang ang mudraks ko at di niya ako hinayaang tumigil sa pag aaral. Binigyan niya ako ng motivation. Haaay! at sa awa ni God, nakapasok naman ako sa High school.
That situations where I can choose, I was benefited greatly by consciously deciding what kind of people with which I surround myself. Masaya akong maging kaibigan ang mga kababata ko. May negative things lang talaga na mapagdadaanan ako pero may choice pa din naman ako.
Pagtapos neto.
In highschool, naging kaibigan ko si Jestine. Isang kupal na tao pero napakatalino.
Nung kelan lang, nakasama ko siya sa bar sa MOA pati nung January 2 2017. Uminom lang kame saglit. Kasama namen si Keeshia na Cum laude ng St paul sa college at Suma Cum laude naman nung high school namen na si Ralph Palomaria. Syempre hindi mawawala ang girlfriend ko. Kasama din siya.
Nakilala ko si Jestine nung nasa likod kame ng room na ilang beses siyang paulit ulit sa sign of the cross. May muntikan nap ala daw siyang mapatay.
Kinabiliban ko ang buhay ng mga kaibigan ko na mababa lang ang ginugugol sa social life pero madaming palang naachieve sa buhay kahit hindi magpost sa social media. Si jestine at keeshia ang mga tunay kong kaibigan na nagpupump-up saken kapag down ako. Kapag nag-aaway kame ni angeline or naghihiwalay sa problema. Sila minsan ang takbuhan ko kung may problema. Sa inuman namen sa bar nung kelan lang, kinukwento nila ang mga na-achieved nila. Tang ina, nahiya ako. Ang dami na nilang naabot. May naipundar na silang bahay pero ako wala pa. hahaha Although si Jestine palang ang may anak sa grupo. Pero ang iba nag-iinvest na para sa kinabukasan nila. Ako wala pa. hahaha Sa totoo lang, sila? they stretch me out of my comfort zone. Sabi ko nga nung nakaraan sa blog ko, ikwento mo lang sa akin ang istoryang gusto mong sabihin, agad agad akong maniniwala. Kaya lahat ng mga achievements nila. Sobrang naiinggit ako. Kung di ako susubok at pagbabasehan ko lang ang estado ko. Malaki ang pagkakaiba. Marami na naman akong nasimulan. Didiligan ko nalang talaga. Progress. Progress. Progress. Sa usapan namen, it changed my whole world.
Marami pa akong makikilala.
I can immerse myself in a group of people who lift me up, give me energy energy energy gap, and support me, help me see a more positive perspective, encourage me to be a better person, and aid me in achieving my dreams.
At bonus pa na iba din ang perspective nila sa buhay. Mas lalo akong humanga. Kinompare ko ng slight yung buhay ko sa kanila. Sobrang layo. Masama man magkumpara pero kung iisipin nga talaga. Ang dami ko ng nauubos na oras dito sa kinakaupuan ko. Sa perspektibo nila sa buhay, natutunan kong magkakaiba nga talaga tayo ng pananaw sa mga nangyayari pero iisa lang ang mithiin naten. Ang guminhawa ang buhay at sumaya.
So, I’m serious about surrounding myself with positive people today. Namimili na ako ngayon. Ang oras ko, eherhiya ko at ang aking attitude are my most valuable resources and the tools with which I create my life. Wala ng iba pa. If someone cannot add to my life in a positive way, they aren’t in my life any more than absolutely necessary.
Tungtong na tayo sa college. Dali excited na ako.
Nung sabado naman, nakasama ko ang college friends ko na si Macoy at Errol. Tang ina ang lulupit ng mga yan.
Si Errol lang una kong naging kakilala sa kolehiyo nung unang araw. Kwento niya nga nung nag inuman kame last time sa bahay ni Macoy, tawang tawa daw siya nung nakilala niya ako. haha Mantakin mo ba naman, bigla ko siyang inaya sa library para magbasa pag walang subject. (ambibo ko diba) Akalain niyo yun. haha Silid aklatan kagad ang una kong gustong puntahan. Yan ang gustong makatapos. haha Pero habang tumatagal siguro nakikilala na niya ang ugali ko. Di niya siguro nagustuhan ang mga harsh jokes ko kaya medyo umiwas din siya. Alam ko sa sarili kong magaling ako .Bilib ako sa talino ko. Alam ko ang level ng utak ko. haha Di ako nakikipagtalinuhan. Marunong lang talaga akong umunawa sa ibang bagay. Pero siya talaga ang malupit kong friend. Masaya ako sa kanya. Masaya din ako sa buhay na pinili niya. Kahit na taliwas sa paniniwala ng iba. Masaya pa din ako sa kanila.
Si Errol may sarili ng bahay na hinuhulugan. Kumikita din siya sa passion niya sa anime drawing. Talagang nakakahanga ang buhay niya. Nakapasa siya ng Architecture at nakagraduate. Naging architect pero mas pinili niya pa rin ang Anime Drawing. Ang taas ng paghanga ko sa kanya. Ibang klase magkaroon ng awesome friend. Binibigyan ako ng new experience kahit na magkausap lang kame at pati na rin ng mga new ideas para sa buhay.
Blessing na sa akin na nagkausap kame muli.
Dako naman tayo kay Macoy, ang henyo kong kaibigan pero tamad. Mabibilib ka naman sa kanya dahil lahat ng bagay ay nalulusutan niya. Nakakahanga. Madiskarte kasi tong gagong to.
Natutunan ko sa kanila na siya ay giving person, siya yung may quality relationships sa tao. Sa brain benefits niya. Grabe. Para akong nagkaroon ng friend na utak lang walang mukha. Oo totoo naman. Malaki naman talaga ulo ng kaibigan ko.
Tinaasan ko talaga ang standard ko kapag nakikita ko sila. Sobrang inspired ako sa kanila. Love na loveko din sila. Si Macoy din ang nagturo saken na ang buhay hindi boring, yang kupal na yan ay always learning and growing.
Kung natututo din sila. Mas natututo ako sa mga bagay na shinashare nila. Thankful ako sa kanila. Super positive nilang mag isip.
Di niyo ba alam. Si jestine at si Macoy palaging pinapansin ang kapayatan ko o ang kalusugan ko. Hindi naman ako nagdodroga. Ang tagal ko lang talaga tumaba. Tamad lang talaga umusbong ng katawan ko. haha Kung kasama ko sila palagi ay malamang mas gaganahan ako mag exercise. It’s fantastic for my health and wellness in being with them.
To summary,
Siguro may mas magaling pa kayong friend kaysa sa akin. May mas maganda pa kayong story na masshare.
Ang saken lang. Mahirap talagang kalimutan ang mga kaibigang nagbigay ng pagmamahal at tawa saten.
Dahil biniyayaan ako ng mga magagaling at matatalinong kaibigan. Inaasahan ko na marami pa akong magiging kaibigan sa nilalakad ko ngayon. Yung mas susubok pa sa kakayahan ko. I-chachallenge pa nila ako. Tawanang walang humpay pa ang pagsasaluhan namen. Syempre willing den naman akong magbahagi sa mga taong nangangailangan ng tulong ko.
Ipapangako ko na ako naman ang magbibigay ng inspirasyon sa kanila. Di palaging sila nalang palagi. Ako naman ang tutulong sa kanila. Ako naman ang titingalain nila. Joke. Ipagmamalaki nila ako sa bawat barangay. hahaha
De joke. Sila pa rin ang inspirasyon ko. Ayoko ng kaibigan na kailangan ko pang magpa-impress. Kung ano lang ang suot ko. Yun lang. Ang kailangan ko ay yung mga taong masaya sa gitna ng problema. Pangarap ko ay pangarap din nila.
There is shocking news in the sports betting industry.
ReplyDeleteIt's been said that any bettor needs to see this,
Watch this or quit placing bets on sports...
Sports Cash System - Sports Betting ROBOT