Tag-ulan na talaga. Bilis ng
panahon ‘noh. mag-o-August na kagad. Tapos magse-september na, sunod niyan
October, saglit lang yan at susunod na ang november at tapos december. Ayan na
naman. Bonus na naman. haha So, ano na? Anyare? Kaya pa ba?
Bagong pakikibaka na tayo ulit.
So, let’s get the show on the road na ulit.
Kumusta ang mga feelings nyo,
mga kabayan?
May tanong lang ako.
Kailan mo huling na-feel ang kakaibang feelings para sa paparating na events sa buhay mo? Ang ibig
kong sabihin, katulad ng birthday ni ganito o ni ganyan, I’m sure exciting ang
pakiramdam nun, diba!? Eh paano yung mga deadlines ng pasahan ng project sa
school niyo na dapat ipasa bukas or request ng client sa trabaho na dapat
tapusin. Anong feeling ‘nun? nakakabaliw ba? Eh paano naman ang final exam sa school na di ka nakapagreview o
ang mas matindi pa diyan ang first time mo sa job interview? Do you remember? Kaloka? Naalala
mo pa ba ang pakiramdam ‘nun? O wala kang pakiramdam? haha Naalala mo pa ba ang
mga oras at minuto na ibang klase ang moment na meron ka ng mga oras na iyon? Yung
tipong pawis na pawis ka on that moment. Nine-nerbyos ka sa takot. Excited na
excited ka. Hindi ka mapakali. Kung naramdaman mo na yan, malamang di mo
makakalimutan ang mga sandaling iyon?
Kailan ang huling moment na hinanap mo ang sarili mo at the
crossroads? Naks. Parang Bone Thugs lang eh noh. O di kaya, yung feelings na pinatalsik
o tinanggal ka sa trabaho? Meron ka bang ganung ganap? Yung pakiramdam na
bumalot sayo ang buong kamalasan. Mga panahon kailangan mo gumawa ng matinding
desisyon sa buhay. Kailan?
Kung di mo na maalala. Edi wag na.
Well. Bakit nga ba ako nangangamusta ng mga feelings at
emosyon niyo?
Kasi napakahalaga ng feelings. Ako, sa sarili ko, alam kong
maraming may feelings sa akin. Charot. hahaha
Ang mabuting balita ko ngayon. Maniniwala ka ba sa akin kung
sasabihin ko sayong di mo makukuha ang isang bagay kasi di mo talaga feel ‘iyon.
It sounds cliché pero may makabuluhan akong ibabahagi sayo. Madali mo lang
makukuha ang hinahangad mo. Makukuha mo ang gusto mo na palagi mong iniisip.
Try mo lang i-feel. Hinto muna tayo saglit. Gawin mo to. Gamitin mo ang five
senses mo. Visualize and do it. Subukan mo lang damhin ang energy ng gusto mong
ma-achieve. Sige lang. Subukan mo.
Nagawa mo ba yung inutos ko kahit sa loob lang ng 5seconds? Kung
oo, intro palang yan. Alam kong may idea ka na sa content ko ngayon. So, let’s proceed
sa susunod kong kwento.
May sense ba ‘tong sinasabi ko? Weeeh? Walang echos? Edi go.
Paano ko ba nasabi ‘to?
Wala naman. Na-experience ko lang kanina. Bago ako pumasok ng
trabaho. Na-feel ko sa sarili ko na maganda ‘tong araw na ‘to. (pero minsan nga
diba kabaliktaran ang mga nangyayari sa atin, kadalasan negative kahit na ang
ganda ng gising natin). Pero iba to ngayon, basta sinabi ko nalang sa sarili ko
na anuman ang mangyari saken ngayon, susuportahan ko lang. Go lang ako. Wag
lang sa delubyo. haha
Kasi ganito.
Sumakay ako ng bus. Nakita kong iisa lang ang bakanteng seat
tapos sa may bandang dulo pa. Magiging choosy pa ba ako!? Syempre hindi na,
ayoko tumayo. Pag-upo na pag-upo ko. Medyo inaantok pa ako at groggy pa. Gusto
ko pang bumawi ng borlog. Pero may maingay sa gilid ko na babaeng dwende. May nakita
ako na isang babae na namumutla sa gilid. Katabi ko siya. Malakas ang ulan nung
mga oras na iyon. ‘Tas nagyeyelo pa sa
lamig ang bus. Siguro dahil na rin nabasa ako ng burberry light sa labas. Tapos
putik-putik pa ang sapatos ko at medyo basa ako ng ulan. So, malamig talaga sa
pakiramdam.
Mga ilang minuto pa.
May kakaibang bumabalot na espirito sa katabi ko dahil parang
di siya mapakali sa ginagalawan niya.
Nilingon ko siya ng kaunti.
Napansin ko na mukha siyang lupaypay na parang nalugi sa
negosyo. ‘Tas nakahawak pa siya sa panga niya. Di ko alam kung ginulpi siya or
what. Mga ilang minuto pa, may narinig akong tinig galing sa kanya,
Siya: AAAAAaaaaaah. (Sounds ng nasasaktan, hindi nasasarapan)
Lumaki ang mata ko, pero di ako tumingin sa kanya. “Tang ina”
sabi ko sa sarili ko: “Mukhang may sumusundot kay ate ng hindi ko nakikita ah.”
Ganun ang sinabi ng bubbles sa taas ng ulo ko. Di ko nalang pinansin. Ako ang
may itchura dapat dedma lang ako sa mga ganyang bagay. Pero umulit pa ang boses
niya ng mas mahaba pa, mga nasa volume 12 na.
Siya: AAAaaaaaaoooaaah. (nasasaktan na talaga ata si ate sa
posisyon niya). Yung sa kabilang seat, napatingin din. Ngumiti lang ako.
Di nalang ako tumingin baka kalabitin niya ako at hawakan
niya ako. ‘Tas ayain niya akong magjoin sa kanya. Pero mukhang tolerable naman
ang sitwasyon ni ate. Arte niya lang ata yun. Mukhang kaya niya pa naman tiisin
ang masakit sa kanya. Di pa naman siya namimilipit eh. hahaha
Sobrang lamig pa naman sa bus. At malakas ang buhos ng ulan. Ayoko
naman magpakajeje na katulad sa social media na maliit na bagay, vinivideohan. Kawawa
naman si ate.
Then, naririnig ko siya na sinisipsip niya yung ngipin niya
na parang may tinga sa lalamunan niya. Tinignan ko na siya. Tumingin din siya
sa akin.Tapos dun na siya nagdeklara ng holdap. De joke.
Ang sabi niya “Ang sakit ng ngipin ko, parang mamamatay na
ako”. Pabulong na banggit at nakahawak pa rin sa panga, siguro pahiwatig niya
yun para malaman ko na matino siyang tao. At hindi ako mangamba sa movement
niya. Sa isip ko “Edi okay”.
Nagulat ako at naawa syempre. Yun pala ang iniinda niya. Sa
loob loob ko: “Tangina te, oooouch, I feel you sis. I’ve been there. Masaket
yan. Sumakit din ang ngipin ko sa kalagitnaan ng biyahe noon. Yung mga moment
na yun na halos gusto ko nang kagatin ang lahat ng upuan sa bus para matanggal
yung teeth o di kaya ipahatak sa katabi ko yung ngipin ko sa sobrang sakit. Wala
akong ibang ginawa ‘ nunkundi ipikit ang aking mga mata. At pilitin matulog
kahit mahirap. Pero fuck, masakit talaga ang perwisyuhin ng ngipin lalo na’t sa
malamig na panahon.
At ayun na nga. Nalulungkot na ang katabi ko. Kakaskasin ko
sana yung kutchara at tinidor ko sa bag e. Kaso wag nalang, baka mas lalong
sumakit yun.
Sinubukan kong tumulong. Kahit mukha akong masamang tao, pero
dapat pa rin akong tumulong. hahaha
Buti nalang naalala ko, nung last last week bumili ako ng Ponstan
Mefenamic kasi sumakit din ang ngipin ko gawa ng pudpod at bulok na daw sabi ng
dentista at sa may bagang ang location nun. Pero napabunot ko na yun nung last week pa. Sakto. May naipit ako na
gamot sa wallet ko. ‘Yun yung gamot na yun. Aay ang swerte ni ate. Ibigay ko
nalang sa kanya.
Shinare ko nalang sa kanya ang meron ako. Ang problema nalang
niya ay tubig. So, siya na bahala dun.
Nilunok niya nalang ang gamot. haha Nginitian ko na siya. Galing
ni ate, parang si darna lumunok. haha
Umabot pa muna ng mga 20mins bago humilom ang toothache niya.
Sana naman makaidlip na ako ah. Isa pang ingay mo ate,
papalabasin kita ng bus. haha
Ang dami kong natutulungan sa bus. Ang dami ko ding moment sa
bus. Nakakatawa.
Etong moment na ‘to na masaya akong tumulong. Kasi naranasan
ko din ang hirap ng sakit ng ngipin. Tama ang feelings ko kanina.Tama ako na
may something na mangyayaring maganda. may natulungan akong tao. May naligtas
akong tao. Yung iba pwede ng magbigti sa sobrang sakit ng ngipin, pero isipin
mo naman kung paano ko nailigtas ang babae sa pain. Tama ang feelings ko.
Well, anyway.
Napaka-importante ng emosyon natin sa lahat ng aspeto ng
bagay. Mga negative emotion na dapat kontrolin. Mga emosyon na sumisira sa
atin. O di kaya naman, mga emosyon na nagpapagaan ng kalooban natin or nakakadagdag
ng positive vibrations. Ganun.
Para saan ba ang feelings na hinahanash ko kanina pa? hahaha
Gusto mong ma-reach ang goal mo?
Kailangan natin ma-cultivate ang feelings na gusto nating
ma-attract. ‘Tas pwede rin nating ulit-ulitin sa isip natin ang inspirasyon at
motibasyon na nasa puso’t isipan natin.
Papatunayan ko yan.
Milyon milyong tao ang naghahanap ng rason. Naghahanap ng
dahilan para mabuhay.
Minsan wala sa paligid ang sagot, diba. Minsan wala sa libro,
sa internet, o sa katabi mo kundi nasa sa’yo mismo. Meron tayong “Inner Guidance”
kasi. Ano ba ang inner guidance na yan, saan ko ba nakuha yan? Well, ang inner
guidance ay nabasa ko yan sa isang article. Sa lahat ng nabasa kong bagay o tao
na dapat nating kapitan at pagkatiwalaan, malapit sa hinahanap kong tanong sa
buhay ay ang “Inner Guidance”. Tinatawag din ng iba yan na Spiritual Guidance.
Inner, meaning inside,
it’s within the essence of our being on some spiritual level at ang guidance syempre gabay natin. Anong
klaseng gabay? It guide us to agree to
be with us for some portion or all of our lifetime here on the Earth. Medyo
magulo ba? Basta mafe-feel mo yan. Mararamdaman mo nalang na parang may
tumutulong sayo.
Paano tanggapin ang ating Inner guidance na sinasabi ko?
Simple lang. Pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo at open ka lang sa lahat ng
posibilidad na mangyari sayo. ‘Yun na ‘yun. Minsan kasi, eto yung nagpapakita
sa atin kung ano ang next step eh.
Ang positive feelings at Inner guidance ay iisa.
So, kung ready ka na ma-manifest ang pagbabago. Simulan mo sa
feelings. Kasabay ng isip.
I’m very very sure. Yung katawan natin ang magsasabi kung di
natin feel ang pagiging kuntento. At hindi tayo magiging kuntento. Tama ba?
Walang tao ang makakapagsabi na dapat muna tayong kumita ng
malaki bago tayo kumilos. Feel it muna.
At ang feelings at perpective ay magkakaugnay din.
Anuman ang pinagdadaanan ng lahat. Naniniwala pa rin naman
ako ng lahat ng nilalang sa mundo. May kanya kanyang kayamanan na taglay. May
iba mayaman sa kaalamanan. May iba naman, mayaman sa pera. May iba, mayaman sa
pagmamahal. May iba diyan, mayaman sa pakikipagkaibigan. Kaya iba-iba ang
kayamanan ng tao.
May challenge ako senyo.
Na naging challenge ko din sa sarili ko.
Try nyo tignan lahat ng nasa paligid niyo na mayaman din
sila. Wag kayong magfocus dahil mahirap ang Pilipinas kaya puro traffic sa
Metro Manila. Wag kayong magfocus sa mga nakikita niyong pulubi sa daan. Try
niyong baguhin. Tignan niyo naman sila na kumportable at kontento din gaya niyo.
And then, i-feel niyo talagang maraming wealthy things sa mundo, amuyin mo sa
palagid ang bango ng kalsado, hawakan mo ang mga makakasalubong mo sa daan
na sila’y pinagpalang tao, lasahan mo
ang bawat pagkain na iyun ang pinakabiyayang pagkain sa lahat, at tignan mo ang
paligid na gumagawalaw dahil masasaya ang mga tao.
How can I prove it?
Tignan mo ang mga yagit at pulubi sa daan,? Nakakaramdam kaya
sila ng stress sa buong maghapon. Kumpara naman sayo na empleyado na may
kinikita ka ngang malaking halaga sa kumpanya pero puro stress naman ang inaabot
mo sa bawat problema na binibigay sayo ng trabaho at ng amo mo. Example lang.
So sino ang mas mayaman senyo ng “Haligi ng mga lupa”? Sila(pulubi) na hindi nais-stress
sa buong maghapon at ililiyad lang nila ang kanilang mga kamay at may
magbibigay na sa kanila ng pera o ikaw na nagiging losyang na sa trabaho,
maraming bayaring bills at obligasyon sa buhay.
Naisip din kaya nila na mahirap talaga sila(pulubi)? Tingin
ko hindi.
Kaya friend, kung titignan natin ang mga “kalabasang naiiwan
ang bunga” na sila’y mahihirap at wala ng pag-asang umunlad. Baka nga siguro,mahirap
nga din tayo. Sa sarili magsisimula. Kung tignan ang lahat.
Sa tototo lang, wala akong malaking halaga ng pera ngayon. Di
ako mayaman. Pero nung tnry ko tong
experiment na ‘to sa sarili ko. Effective siya. Di ako nauubusan ng pera sa
pitaka. Sakto lang para sa lahat ng gastusin. Nakakakaen ako ng tatlo hanggang
limang beses sa isang araw. kasama na prutas dun. Paano lahat nangyari saken
yun? Kasi tinignan ko lahat ng mga taong nasa paligid ko na abundant. Wala
akong taong nakikitang nagugutom kundi nakikita ko sila bilang “Pinagpalang tao”.
Kaya lagi kong sinasabi, palaging may kayamanan sa
ginagalawan natin. Hindi lang natin napapansin at pinapansin.
Gaya ng sabi ko kanina, feel it. Dapat mong maramdamang okay
ang lahat para maging okay ang lahat.
Di natin kailangan ng malaking halaga ng pera sa bangko bago
natin ma-feel na pinagpala tayo. Meron na tayong lahat nun.
Siguro ang hula ko dyan kaya hindi natin makita ang kayamanan
sa paligid, kasi namulat tayo sa paniniwalang may konsepto ng mahirap at mayaman.
Naturuan din tayo ng paniniwalang wag tignan ang materyal na bagay. Or ayaw
talaga natin tignan ang kayamanan.
Isipin natin na buong pwersa ng Universe makikiisa satin sa
lahat ng hangarin natin sa buhay. Atlis ang kalawakan, nakikita natin.
Kung titignan mo ang lahat ng bagay na supportive sayo,
mangyayari nga yan.
Kagaya ko din kayo. Hindi kayo nag iisa. Pina-practice ko din
ang lahat. Namulat ako ng may sariling pananaw sa buhay.
Lahat ng to ay Self-discover ko lang. At napatunayan ko . Saka
di ako naniniwala sa konsepto ng mali at tama.
Kagaya ko din kayo. Tanungin niyo din ang sarili sa positibong
paraan. Kung palagi nyong tinatanong sa sarili kung
“Ano ba ang mali sa buhay ko?
Alam niyo kasunod nun, lahat ng mali sa buhay niyo, lilitaw
kasi ang tanong mo mali eh.
Is your self-talk creating a thriving body, or is it
sabotaging your physical ability?
Are your thoughts those of a healthy, beautiful, strong, energetic
person? Or are they thoughts of a critical, tired, out of shape person?
Dapat nating ma-feel muna ang lahat. ‘Tas sundan na kagad ng
kilos at aksyon. Dapat ang isip natin ay nagtutugma sa kinikilos natin. Dahil
yun ang mahalaga. Damhin ang tagumpay. At baguhin ang perspectibo sa buhay.
As claimed by Stanford Medical, It is indeed the SINGLE reason this country's women live 10 years more and weigh an average of 19 kilos lighter than us.
ReplyDelete(By the way, it really has NOTHING to do with genetics or some secret diet and absolutely EVERYTHING related to "HOW" they eat.)
BTW, What I said is "HOW", and not "WHAT"...
CLICK on this link to find out if this little test can help you release your true weight loss potential