Saturday, July 8, 2017

ADIK SA TRABAHO


“Tang ina, gustong-gusto ko yun.”
Yan ang kadalasan kong bukambibig sa tuwing nananabik ako at lulong na lulong ako na makuha ang gusto ko.

Napadaan ako nung nakaraang Sabado sa National Bookstore sa Mall of Asia, gusto ko lang sanang bumili ng bagong libro. Wala naman, nais ko lang namang magbasa ng bago. Di ko feel talaga magbasa sa computer o sa digital eh. Kaso, parang wala pang bagong published ngayong buwan ng July. Isang section lang naman ang pinupuntahan ko dun palagi, self-help book lang.

Kaya, bumili nalang ako ng glue gun, naalala ko kasi na may ididikit pala akong warak na shades ko sa bahay. Actually, matagal ko ng balak bilhin yun, ang dami daw kasing use ng glue gun sa DIY projects sabi ng page na “Bright Side”. Kaya na-enganyo akong bumili.

‘Tas nung nasa bahay na ako, saka ko naisipan gumawa ng notebook kasi naalala ko pala na puno na ng laman ang journal kong ginagamit. Eh sakto may glue gun na ako.

Ayoko talaga bumili ng notebook eh, mas gusto ko na ako yung mismong nagde-design ng kwaderno ko atlis nalalaman ko kung gaano ka-enjoy gumawa nito at nako-compute ko na kagad kung ilan ang uubusin kong sheets dito. Eh nung bumili ako ng glue gun, di ko naisip na wala pala akong papel na gagamitin sa notebook, so balik ulit ako sa National para bumili. haha May kamahalan din pala ang isang bind ng papel, umabot siya ng P189.

And then, nung natapos ko na siyang gawin, saka ko na kinoveran siya ng gift wrap. Ayun. Ang saya niyang tignan. Ang cute. Meron din siyang lalagyan ng ballpen sa likod. Hihi

Nakakatuwa. Nakakaadik at nakakahumaling pala gumawa ng sariling notebook. Gusto ko na ulit gumawa ng isa pa. haha

Naisip ko nga eh, paano ko kaya nagawa yun? I mean, nasa mood lang kayo ako nung mga time na yun? Trip ko lang ba talaga yun? Naenjoy ko eh. Nahumaling lang ba talaga ako sa mga oras na yun? First time ko gumawa nun ah. Natutuwa kasi ako sa tuwing naaalala ko gumawa ng notebook eh, di ko na namamalayan na umabot na pala ako ng 2hours sa paggawa ko nun. O makupad lang talaga ako kumilos kaya dalawang oras ang nagugol ko. haha Naadik talaga ako gumawa nun. Gusto kong ulit-ulitin ng maraming marami pa. Nakakatanggal siya ng stress. Lalo na magpatuyo ng glue, nakakaaliw. haha Ambabaw ko.

Ang tanong ko lang, maganda ba ang dulot ng obsession o pagkahumaling? Kasi para saken, okay siya  eh. Natapos ko ang notebook ko ng walang distractions. Ang sarap maadik sa maliliit na bagay. Para akong highschool muli. Promise.

Prediksyon ko talaga, makakagawa talaga ako ng libro na babasahin ng maraming pilipino. At magugustuhan at mamahalin nila. Feeling ko lang. haha

Para saken, (to the tone of Kuya Kim) may kanya-kanya tayong klase ng obsession sa sarili. Mayroon sa paraang di tama at may paraan na tama pero mali sa iba.  

Sure ako, naranasan niyo na din yung times na baliw na baliw kayo sa isang tao o bagay. Adik na adik kayo sa agenda niyo. May iba na babae o lalaki diyan na patay na patay sa jowa nila. Gusto oras-oras magkausap sila at di na makapagfocus sa kanilang pag-aaral. May iba naman, praning na praning sa pangongolekta ng mga toy o anumang bagay kahit matanda na. Meron nun ah. Iba-iba talaga ang enthusiasm ng tao.

May iba naman din diyan na ayaw tantanan yung pangangaliwa sa asawa. May iba na hyper sa pambababae. May iba naman ang addiction ay nasa paninira ng ibang tao ang kinahuhumalingan. O kaya, may mas malupit diyan na tinitira ang cough syrup, mabangis yun kaadikan kung iisipin. Haha (wala lang, napanood ko lang yan)  May iba din diyan na nasa musmos na kaisipan palang, nakatikim na ng  droga o marijuana. Yun na kagad ang kanilang minahal ng todo. Yung tipong nakalanghap siya ng usok na parang nasa alapaap at wala nang usok na nakawala sa pagsinghot niya. Na tuluyan ng napariwara ang kanyang buhay. Bakit ko ba alam yan? haha Syempre napapanood ko. haha (Di po ako adik sa bawal na gamot ah). Haha

Ang iba naman sa Mobile Legend na game sa phone ang kinapa-praning hanggang sa madaling araw. ‘Tas may iba naman ay nahuhumaling sa success para sa improvement at progress nila. Sobrang dami ng obsession at burning desire na ginagawa naten.

Minsan kapag babad tayo sa ginagawa natin, hindi malabong sabihan tayo ng iba na adik. Tama di ba? Yan na ang naging lenggwahe. Minsan nadudulas din ako diyan.

“Adik na adik ka diyan ah”. Yan ang kanilang biro.

Ang tingin kasi ng iba kapag nao-obsessed ka sa isang bagay o tao, negative kagad ang naiisip nila. O ang mismong salitang obsessed, ang iba iniisip nasisiraan na ng bait ang taong iyon. Karaniwan pa naman sa nasasabihan ng adik o lulong, wala ng pag asa sa buhay na makarecover. Ouch.

Alam kong magkaiba ang obsessed at addict. May similarities nga lang sila.

Well anyway.

Mahirap mahumaling sa droga. Kaya ‘wag iyon, guys. Mahirap yan. Masisira ang buhay mo diyan. Mga gumagamit niyan, sila ang mga tinatawag na salot ng lipunan. (Salot agad?) haha Walang pakinabang kumbaga. Patapon daw ang buhay nila. Hindi yan magandang obsession. Maadik na kayo sa pagkapanalo at tagumpay, ‘wag lang sa droga. Pero meron naman kasing healthy obsession na para sating purpose of living, diba. Marami sa populasyon ng tao ay naghahanap ng passion at kung ano ba talaga ang purpose nila sa kanilang buhay, kaya malaking tulong ang pagkahumaling para mahanap to. Papatunayan ko yan.

Talagang hindi mabilang sa daliri ang obsession ng tao dito sa mundo. Ano po!

Saan ba pwedeng gamitin ang tamang obsession sa isang bagay o tao?

Halimbawa, gusto mong pumayat?

Hanap ka ng healthy or sexy na picture. Pwede mong palitan yung mukha nun ‘tas ilagay mo yung picture ng mukha mo. Kung ang visualization mo ay ang “Pagpapapayat”. Maaari kang ma-obsess kung palagi mong nakikita ang picture sa pader or ginawa mong screensaver sa telepono mo. Tama diba? Mas nakikita mo kasi  ang possibility, mas gaganahan kang mag-exercise at magpapayat. Nakikita mo ang big picture na pwede mong isipin buong maghapon.

Kasi kung ako ang tatanungin, share ko lang senyo na everything I have ever achieved in my life is because I imagined achieving my goals before it happened, nakuha ko din yun kasi gustong gusto ko yun na may clear vision ako dun at obsessed na obsessed ako sa goal ko.

Yan ang “isa” sa pinakamabisang paraan na alam ko, ang magcut ng pictures. Isang daan porsyento, magiging isa kang self-made champion sa sarili mo kapag baliw na baliw ka na ma-achieve yun.

Saka pa.

Sa kapangyarihan ng ating isip, pwede nating baguhin ang tingin natin sa lahat ng bagay.  Example nalang sa upuan, kotse, kalsada at iba pa. Sa dami ba naman ng blog na nagawa ko tungkol sa Mind, palagi ko naman binabanggit na mahalaga palagi ang laman ng ating isip. Hindi ng ating bulsa o kung ano pa ang ibinibigay saten ng iba.

Pero, ang mas mahalaga pa d’yan ay kung paano ang ating isipan na maka-experience differently. Kung paano natin titignan ang mundo in a new perspective at kung paano natin ilalagay ang obsession sa ginagawa natin ay ang tanging susi na alam ko para sa minimithi nating tagumpay. Because, I know that becoming a very strict and obsessed with our goal is the great skills.

Sa mga nasaksihan ko sa henerasyon na’ to, tayong mga batang 2k, maraming talento ang hindi tinatrabaho ng husto at pinagpapawisan ng todo. Isa sa mga dahilan na nakita ko ay siguro kulang lang ang iba ng obsession sa ginagawa nila. Sigurado ako d’yan. Yan ang kailangan nating rekado sa tagumpay. Obsession.

Ang talentong dapat di tayo magigiba ng iba kung mayroon tayong “gigil at hataw” sa ginagawa natin at di na umaalis sa isipan natin ang ginagawa natin sa buong maghapon.

Nabanggit ko din dito sa blog ko noon na base sa quotes ni Malcolm Gladwell, kailangan natin ng 10,000 hours para ma-master ang passion natin. Pero kung ako ang tatanungin, (malamang blog ko to eh, alanganamang tanungin pa natin ang iba!?) haha

May dapat pang dagdagan sa panukala na yan. Dahil kulang pa pala yan. Saken, mapapabilis ang mastery kung obsess tayo sa ginagawa natin kada araw, siyete bente kwatro.

Ang nakikita ko.

Kailangan nating humanap ng bagay na baliw na baliw tayong gawin yun para sa ikata-tagumpay natin. Ang lahat ng attraction na ikasasaya natin, gawin na natin. Kapag nahumaling tayo ng extreme sa passion na gusto natin, walang dahilan para hindi tayo magtagumpay at manalo sa larong to.

Malaking tulong na hanapin natin yung lugar na gusto nating mag-ubos ng productive at meaningful hours. Kung maaari, magprint tayo ng image or isulat sa papel gaya ng sinabi ko kanina para makita natin ang tina-target nating goals tulad ng weight goal ko kanina. Pwedeng pwede yun.

Kapag nahanap na natin ang bagay na passionate tayo dun at gawin natin yun na priority sa buhay, mas lalo nating maiintindihan kung ano nga ba ang nangyayari sa atin at magiging malinaw ang tinatahak natin.

Ano ba ang mabuting bisyo? Alam mo yung moment na dinadagdagan natin ng  konting repetition ang passion natin na nag e-extend pa tayo ng oras para dito  at  syempre ang pinakamahalaga ay ang forced focus sa trabaho. Mahalaga na inlove na inlove tayo sa trabaho natin. Then, we will enjoy almost every second of it. We need to work harder for this. We need to put all our energy toward this one outcome, this one idea, and somehow it returns to us. We can design the reality that we perceive every day.

So, I decided to become obsessed with success. Mga nagdaang nitong taon at buwan. I became obsessed with my health at sa lahat ng kinakaen ko. Sabi nga nila “the key in all endeavors are energy and good health plus the old saying goes “health is wealth”. And I became obsessed with my own happiness. Gusto ko palaging masaya at masaya ako sa ginagawa ko. I became obsessed with leaving this world better with my purpose. I became obsessed with money and generating an income and having a financial freedom. I became obsessed with writing. When I focus on it so hard that I eliminate all distractions in pursuit of my goals. Ang pagkahumaling sa ginagawa ko is in short, can lead me to greatness and it is a powerful and potentially positive mental state.

So, paano ko lahat nagawa to? May katuturan ba talaga ang ‘love and affection’ na ginagawa ko sa trabahong gustong gusto ko? Meron po. At ilan sa mga dahilan ay ang mga ito:

Itinodo ko ang pagkahumaling sa ginagawa ko araw-araw.
Naranasan niyo na ba sa umaga, kapag mahal na mahal at pursigido kayo sa ginagawa niyo, ni di niyo na namamalayan na tanghalian na pala dahil talagang dedikado kayo sa ginagawa niyo. Tutok kung tutok. Minsan, nakakalimutan niyo ng  tumingin at mag-update ng  facebook dahil alam niyo sa sarili niyo na mahalaga na tapusin ang work niyo kaysa sa social media thingy. Ito ang moment na baliw na baliw at busyng busy kayo sa ginagawa niyo dahil iyon talaga ang napili niyong mahalagang activity sa buhay niyo. Ang sarap mag-ubos ng oras diba kapag ganun.

At sa akin naman,
  
Bago ako pumasok ng  trabaho, talagang sobrang full of energy ako, as in, todo isip akong makakadiskarte ako ng paraan kung paano ko mababago ang buhay ko sa bawat araw. Oo, seryoso. Epektibo naman siya. Pero minsan habang tumatagal ang panahon, hindi ko na namamalayan na naliligaw at nalilito na pala ako sa ginagawa ko. Mukhang nahahalata ko na kasi na ipinapaubaya ko nalang parati sa salamin ang mga pangarap ko, pero nakakalimutan kong umaksyon ng super duper. Sa umaga lang ako hataw pero malamya na ang katawan ko kapag papunta na ang mga paa ko sa lugar na di ko gusto ko. Nawala na ang obsession.

Another lesson sa ‘kin.

Di pu-pwedeng sa una lang ako pursigido at obsessed. Totoo yan. Hindi pwedeng puro nalang ako “nigas kugon”. Di pwedeng naliligaw mismo ang focus ko. Di pwedeng sa araw ng lunes lang ako dedicated sa goals ko pero pagdating ng wednesday at thursday hanggang sabado, wala na. Tuluyan nang nawala ang mga naka-set kong plans. Tinangay na ng hangin.

Kaya binago ko na.

Mas naging obsessed pa ako maging mahusay ngayon. Ibinibigay ko palagi ang the best ko kahit pa may natitirang 15 minutes nalang ako sa gabi. Dinagdagan ko pa ng konting pagkalulong sa ginagawa ko, kasi kapag na-harness na ako sa ganito, yung mga dagdag enerhiya, drive, determinasyon, and resiliency obsession will bring a highly improvement to me.

Ginawa ko na kagad.
Nung dumating na ako sa puntong nakikita ko na ang katotohanan at realidad na dapat na akong magseryoso sa mga gusto kong abutin, mas lalo pa akong nagpursigi at nagsikap. Nakikita ko din kasi na magaganda ang mga pangarap na nasimulan ko kaya hindi ko dapat bitawan to. (Ako na!) haha Wala akong choice kundi ginawa ko na kagad ang dapat kong gawin para masolusyonan ang pangarap ko. At masasabi ko na malaking tulong sakin ang pagkakahumaling sa ginagawa (na kanina ko pa hi-nahash).

Wala akong masusulat ngayon kung hindi ako obsessed.

Naalala ko yung panahong kinalimutan ko lahat ng ibang schedule ko para matapos ko lang ang pinag aaralan kong writing style. Kahit papaano naman, naia-apply ko din naman ang natutunan ko dun kahit konti. Di ako makakapagsulat ngayon kung hindi ko napag-aralan iyon. Masayang masaya ako ‘nun. Di ko tinantanan ang ginawa ko na yun.

Kung di ko kasi sisimulan kagad, may tendency kasi talagang bitawan ko nalang ‘yun. Ang obsession kasi sa ‘kin makes me feel potent, capable, and purposeful.

Ang motivation ko?

Lagi ko nalang iniisip na kailangan kong magtagumpay dahil gusto ko pang tulungan ang nanay ko, magkaroon ng magandang kinabukasan ang magiging pamilya ko at makapagpasaya ako ng maraming tao. Yey.

Naghanap pa ako ng matinding lakas para mabuo ko ang nakatagong talento ko.
Isa pang natutunan ko. Dapat ko palang gamitin pa ang lakas ko at galingan ng maigi ang ginagawa ko. Upuan talaga maghapon. Wag lang akong magfocus kung ano ang wala. Minsan nga ang kakarampot na skills na meron ako ay siyang nagpapalakas sa akin para matapos ko ang bawat sinusulat ko eh.

Pagtapos niyan. Praktice lang ako ng practice.

Walang kaduda dudang may mapapala ako sa pag eensayo. I’m very sure.

Halimbawa naman d’yan, hindi porket pinanganak akong matangkad, ako na ang pinakamagaling magbasketball sa barangay namen. Walang ganun. Kung di ako magpa-practice gaya ni Kyrie Erving, magiging bano ako talaga ako sa basketball.

Kaya dapat.

Pag ibayuhin ko pa ang paglaan ng maraming oras para sa pagpa-practice hanggang sa magtagumpay ako.

Di ko na pinapaako sa iba ang tagumpay ko.
Ang katotohanan, magkakaroon lang ako ng coach sa journey ko pero sa buong laban, ako mismo ang nasa ring.

Walang shortcut sa magiging tagumpay ko.

Ang tagumpay na alam naman ng lahat na dapat pinagsisikapan, pinagta-trabahuhan at pinaglalaanan ng mahabang panahon. Tipong buong maghapon tayong babad sa ginagawa natin kasi mahal na mahal at baliw na baliw tayo sa passion ko. Ganun na ganun.

Nalulungkot ako minsan kasi naiisip ko na bakit wala pa din ako sa lugar na gusto ko. Mukhang wala pa ata akong ginagawang hakbang para sa mga pangarap ko ah.  Pero naisip ko, negative thoughts ko lang yun, marami na akong nagawa. Siguro nga’y hati-hati pa ang mga plano ko kaya hindi ko maibigay ng buo ang oras ko para sa pangarap ko. At dahil sa obsession, nababawasan ang stress ko at nadadagdagan naman ang pag asa ko.

Di ko dinamdam. Direcho lang ang tingin ko.
Di ko sinabing naging manhid ako. Ang ibig kong sabihin dito sa payo ko na kalimutan natin ang feeling natin na nalulungkot tayo ngayon na parang walang pumapansin sa talento natin, tanggalin natin sa katawan natin ang feeling na di tayo magtatagumpay, yung feeling na kala natin, tayo ang pinakamalas sa mundo dahil sa dami ng tinamo nating rejection sa bawat kumpanyang inapplayan natin. Sample ko lang yan. Pero kung ganun nga ang inyong iniisip, tama rin naman, feeling niyo lang yun. Feeling niyo lang magkakatotoo yun.

Sa tagumpay, tanggapin natin na ang katotohanan na anuman ang nararamdaman nating hindi maganda, hindi yan ang sagot para umusad tayo sa buhay. Gamitin natin palagi ang ating isip at logic.

Push pa. Paangat tayo dapat ng paangat. Kapag nagfocus naman talaga tayo, mare-realize natin na ang bawat bagay ay nag-iiba dahil may intensyon tayong baguhin iyon. Tama ba?

Inisip ko lang na lahat ng ‘to. Tinutulungan ako ng lahat ng ‘to.
Kung gusto nating mapalapit sa lahat ng pangarap natin sa buhay, isipin natin palagi na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay makakatulong para makadikit tayo sa malaking picture ng pangarap natin.

As in, lahat.

Wala ng maraming dada.
Tandaan natin na walang may pake sa nirereklamo natin, tayo ang may hawak ng potensyal natin. Minsan nga gusto ko ng sumuko, pero lagi ko nalang iniisip na malapit na ako. Sinasabi ko na “I feel it coming, I feel it coming babe”. Kasi kung palagi kong iisip na malas ang buhay ko, mamalasin nga talaga ako kasi yun ang palagi kong binubuong imahe sa isip ko e.

Magsisimula ang positive sa sarili natin.

Gawin nating positive ang isip natin. Gawin nating positive ang kilos natin. Gawin nating positive ang pagsasalita natin. Matatabunan ang negative vibes ng positive.

Think and feel.
Isa sa natutunan ko naa pwede kong maibahagi ay dapat buo na sa kokote natin kung ano ang gusto nating mangyari sa buhay natin. Isipin natin maghapon yan. Dapat high definition ang vision natin.

Kung inaakala natin na yung paunti unti nating iniisip ang mga pangarap natin at MINSAN lang  natin ginagawa yun, tapos maya maya social media na tayo kagad. Panigurado ako, matagal pa bago tayo makapunta sa pupuntahan natin.

Lahat ng sinasabi ko ay tungkol sa kung paano mag improve sa bawat goals natin na may kasamang obsession.

Walang masama kung bago at pagtapos natin kumaen, baliw na baliw pa rin tayo sa kakaisip ng mga magagandang plano natin sa buhay. Wag lang darating sa tipong mais-stress na  tayo. Hindi na good yun. Yung moment na minsan natutulala na tayo dahil nagpe play sa isip natin ang magandang bukas na hinahangad natin, promotion man yan, setting money goals, or family planning. Basta ako  naniniwala akong palagi mo lang buuin sa isipan mo yan. Makukuha mo yan. Napatunayan ko yan at mangyayari sayo yan. Minsan magtanong ka kung paano mo makukuha ang bagay na iyon, walang kaduda duda, papalapit ka na sa gusto mo. Magkakaroon ng sagot sa tanong mo. ‘Yan tanong na yan ang magsisilbi ‘ding clue mo.

Habang nasa working table ka sa opisina, ‘tas lagi mo paring iniisip ang goal mo. Ay potek, sure na sure akong makukuha mo yan, Neng.  Basta ‘wag lang mawala sa routine ang practice at execution.

Isipin mong maigi kung paano ka hahasa sa larangan mo. Araw araw itatak mo sa isipin mo na dapat may ipanalo kang goals kada araw. Ganun.

Lagi kong chine-check ang progress ko.
Simple lang ang formula ko kapag alam ko sa sarili kong di ako umuusad, alam ko kapag walang bago, ganun lang.

Kaya ang share ko sayo.

Isulat mo lang ang goals mo. Kung gusto mong magbawas ng timbang, dapat ang numero, pababa ng pababa. Kung gusto mong yumaman at kumita ng malaki, dapat ang numero ng pera mo pataas ng pataas. Yan ang pag-usad. Gigil na gigil ka sa mahabang proseso.

Sipag at humaling lang talaga.
Walang makakapantay sa galing ng sipag.  Kahit na meron kang talento pero di mo naman ginagamit, wa epek. Husayan mo ang pagsisikap. Ako nga kahit nandito ako sa work na di ko gusto pero ginagawa ko pa din ang kaya ko. Ginagawa ko to kasi hindi para sa kanila na nakatingin saken kundi para sa sarili ko. Ayaw ko rin kasi ng walang ginagawa. Saka dagdag din sa reputasyon ko to at lakas ng loob para harapin ang susunod na trabahong gusto ko. Yung work na pinapangarap ko.

Iniisip ko nalang na nag aasikaso lang ako ngayon ng papeles sa paglipad ko. Ganun nalang iniisip ko. Atlis habang wala pa ako dun. Ngayon palang, wino workout ko na ng  husto.

Kaya, kung nagawa ko yan. Magagawa mo din yan, kaibigan.

Ako nga eh.

Mas pinaigi ko pa ang ugali ng sipag at diskarte. Wala naman kasi akong ibang paraan para magmove-forward eh. Wala na rin akong panahon para umarte pa. Kahit konting oras nalang natitira sa akin dito sa bahay para magpractice ng writing. Tinotodo ko pa rin.

Naniniwala ako na kung commited tayo, obsessed tayo sa ginagawa naten, walang dahilan para hindi tayo umunlad. Magmomove tayo talaga kung gumagalaw talaga tayo.




2 comments:

  1. Very interesting reading about the situation.

    ReplyDelete
  2. DOWNLOAD $12,234 in 2 months BETTING Software?

    Let me get it straight.

    I dont care about sports. Never cared less.

    I tried everything from stocks & forex to internet systems and affiliate programs.. I even made some money but then lost it all when the stock market went south.

    I think I finally found it. Download Now!

    ReplyDelete