Sunday, March 22, 2015

HEAT OF A BLESSED MOMENT

Wala akong ibang bukambibig kundi pagpapasalamat. Angal ka? Pake mo. Buhay ko to. haha  Joke lang dahil kasi sa nanggaling ang buhay ko sa magulo, sakit, pasakit, pagpapaasa at hirap. Sumatutal, puno ng paghihinagpis. Pero lover boy pa rin. Ayiie. Noo’y umaasa sa himala na baka bukas makisama saken ang magandang tadhana.Kaso As of now,di pa nagbibigay ng feedback si tadhana. kaya ayoko na. Medyo tamad din ako eh. Pero ngayon ay no more lonely night na. hihi Kaya ganito nalang ako kung magpasalamat ng very very hard sa itaas. Hindi sa ceiling. Sobrang daming reason para magpasalamat diba. Hanggat may buhay. Makakasurvive ako. Kaya ito. Isang mabilisang pagpapasalamat sa mga biyaya. Hallelujah! Prase tha Lord. Eto na Kuya boy. Ikaw naaah!
1. Ang iba may dinadalang sakit pero ako wala. Ilang milyong tao ang nagpupunta sa ospital para magpagamot. Blessed na yan kung tatawagin.
2. Saktong saktong ang laman ng ATM ko. Walang labis. Walang "cool lang". Kung may sobra man. Naitatabi ko pa rin ito. Swak na swak.
3. Nandito ako sa earth hindi para sa mahabang panahon kundi para sa masasayang moment ng buhay ko. Senyo na ang til70 ni ed sheeran. Okay na ko sa buhay kahit maikli pero nailaan ko sa mga oras na gustong gusto ko. Sa ganun, pinagpala na ako ng lubos.
4. Nakakakasmile ako dahil feeling ko at ramdam na ramdam kong hindi malayo ang mga pangarap ko. Isang bisikleta lang ang distansya namen. haha
5. Binili ako ng girlfriend ko ng hopia. Nakakaen pa ako ng almusal. Tapos kakaen ulit ako ngayong tanghalian tapos mamayang gabi. Sobrang blessed. Pwera usog sa busog. burf!
6. Pag-upo na pag upo ko sa chair syempre ng opisina namen. Nadala ko ng maayos ang DSLR camera. Hindi pa milyones tong dala dala ko. Ang hirap magdala ng cam eh. Bigat den. Eh naulan pa. Nagpasalamat at nakahinga na ako ng malalim nun. Eh paano pa yung manong na nagbebenta ng taho diba. Kabigat nun. Whole day din yun.
7. Ang makapagshower nang napapaJamesReid dahil Goodvides. Huwag ka nang humirit! No! No!
8. Ang kasing liit ng tutuli ang pananampalataya kong makakaalis ako sa una kong trabaho. Blessed na ko niyan. Malaking hampas na sa mga goals ko to.
9. Hindi ako umaasa sa" covered ng Philhealth'. Inaalagaan ko ang sarili ko. Thanks to my body.
10. Nagsosorry man ako sa mga bagay na hindi ko magets talaga. talagang talaga. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa mga bagay-bagay na di ko matanggap. Salamat parin dahil sa utak na binigay saken. Sana manganak tong utak ko. Sana magsex sila sa loob.
11. May naiitatabi ako sa maliit na alkansya ko sa bahay. Yan ang turo saken ni mareng Miriam Quiambao. Jas System. Kasi closed kame. Pero medyo may uwang ng konti. Wag lang na may Kawatan na papasok sa kwarto ko kundi maglulupasay ako kahit pa sa loob ng starbucks.
12.  Ang Ariel nga 7.50 na lang e. So malakas ang faith ko. Lahat ng bagay pwedeng magbago. Lahat ng tao handang magbago. Matuto lang akong magpatawad. At natututo na akong magpatawad. I feel so blessed.
13. Naprotektahan ko kung ano ang meron ako ngayon. Hindi lang tite ko kung pag-aari. hihi
14. Pinagpala ako dahil nakapagbibigay ako ng pera sa tiyo kong may cancer. Seryoso po ito. Sa mga gustong tumulong. Dasal ay malaking bagay na. But we need cash in advance.
15. Nakakapag "I love you" pa rin ako. Sa taong mahal na mahal ko. Malamang Santo na ako kung harap harap mamahalin ko ang kaaway. Pwedeng nextime nalang kung ganun. Haha
16. Hindi pa ba ako matutuwa kung meron akong ambisyon ngunit di pa clear ang vision. Weeeh Ayos na rin dahil unti-unti napipinturahan ang utak ko ng mga pinapangarap ko for my entire future. #GalawangEinstein.
17. Ang mahawakan ko ang katawan ng ibang tao. Yung tipong biruan lang na magmumuka siyang beki. Hinihimas ko ung suso ng lalaki kong kaworkmate. Ang point dito. Nagkaron ng sense of touch. Malay mo may healing touch akong taglay. Gusto ko gumaling kayo. 
18. Ang mapagtanto kong ang lahat ay magiging okay. Gumagaan ang usapan. Pang emperador light. Gawin mong lights. Yeah!
19. Masaya na kong kahit saglit makita ko sa papel yung mga goals ko. At kahit 1min man lang. Nakapagsulat ako. Mapuntahan ang gusto kong lugar. Masaya na ko dun. Beach Please!
20. Gumagaan ang buhay ko kapag ginagamitan ko ng Sense of humor. It make cents. hahaha
21. Ano pa ba ang maituturing ko sa bahay namen. Kuryente. Platito. Timba. Drawer. Hindi pa ba sapat to. Okay na ko dito eh. Hacienda na ito para sa akin. Overwhelm.
22. Ang “gandang gusto ko pang anakan” ay yung mga moment na napakaproductive ng sabado ko. Sabado lang talaga. Kasi sa linggo, petiks. Linggong upong Henry Sy ako.
23. Kung nakakaen ako ng prutas na mayaman sa protina. Edi mayaman na rin ako. Make sense.
24. May mga “sanang” nagkakatotoo”. ATLIT. 
25. Nabigyan ako ng panahon para magfocus. Mailaan ang attention ko sa binubull’s eye ko.
26. Sobrang mahal na mahal ko ang sarili ko. Parang hindi ako nag-iisa.
27. Headset para pasayahin ako. Ang musikang galing heaven ang mensahe.
28. Nagmamahal pa rin kahit nasa backpack ko yung masasamang kahapon. Maitatapon ko din to. Mapapalitan ng Louis Vuitton.
29. Nasanay na akong maging aware. Masyado pa kasi akong bata para magwalang bahala. Ano daw?
30. Na-eexcise ko yung faith ko. Hanep. Sa tuwing nakakakita ako ng taong nagsswimming. Take note. Sa youtube. Nasasabi ko sa sarili ko. Paano siya nakakalangoy kung aasa siya sa tubig. Noh? So, siguro I need to trust myself more.
31. Walang permanente sa mundo. Pero ang makita ko ang pamilya kong buhay at masasaya. Forever na saken yun. Lovelife na yan kung mamarapatin.
32. Nakapgblog pa rin ako kahit na busy sa career. Naks


Wednesday, March 11, 2015

TINIMBANG KA NGUNIT COOL LANG!



Mauuna nakong bumati ha AtekupongSingSing! (yes, ikakagwapo ko ‘to)

Happy Birthday!

Once and for all. Ngayon ko palang gagawin ‘to sayo. Naalala ko kasi noon Sis. Elem me yen. Bihira lang naman kasi ako magbasa ng libro noon diba. At si Jolina pa ang sikat. Puro pellet gun lang ang hawak ko noon. 

May isang araw nga nagpapamiss ako sayo Ate eh. Nagpapabasa ako sayo ng “nakakatawang  komiks” bago matulog, syempre ginagawa mo naman kahit parang napipikon ka na saken. Kasi nga hindi maluwag sa kalooban mo. Sinasadya mong bilisan ang pagbabasa kaya wala tuloy akong maintindihan sa sinasabi mo tapos bigla mo nalang sasabihin saken “Oh yun na yun. Namatay na yung bida. The end na. Matulog ka na, okay!?’. 

Natakot din ako nun dati nung nadisgrasya ka sa pagmomotorsiklo. Yung lumipad yung motor na sinasakyan mo. Jusmiyoooo..The where-do-broken-hearts-go-ang lipad mo sa motor. Alam ko magagalit si Madam Bertud (mama)  kapag nalaman niya yun dahil makakasira ka na naman ng kalye. Balita kasi namen nagbitak bitak yung lupa nung sumubsob ka sa kalye. BwakanangS*#$.

Sa sobrang damot mo saken noon. Nagtry lang naman ako sayo manghingi, bigla mong nilunok yung Judge na bubble gam hindi pako nanghihingi, sabi mo “wala na ubos na”. 

Ikaw yung babaeng pinapahiran mo ng kulangot yung pagkaen ko. Pinagdasal ko nga noon na mahampas kita ng walis tambo kahit matanda ka saken eh. Joke. Rude ka den e noh. Achihihihihi

Madalas kang magpaBABOY  I mean mag-palitson. Manlibre ng mga makakarneng pagkaen. Pero kame hindi nataba talaga eh. Ikaw lang talaga sa pamilya naten ang sobrang bagal ng metabolism.

Nakakatuwa ka. As in. Nakakahype ang personality mo. Halos wala ka ngang mintis sa lahat ng okasyon sa pamilya naten. Pati pa ang  pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Hindi ko tinutukoy ang araw ng tuli ah. Kundi yung graduation ko. Sumipot ka. Asteeeeg.

Pero ngayon napakasexy mo parin. Kahit na hindi na dumadaloy ang dugo sa mga binti mo, OO makapagskinny jeans ka lang. Makarampa ka lang talaga eh. Toroy ni ate! .Haba ng bangs Oy. Bang bang into the room~ ANOYUWAMETt!

I remember. Ibinenta kita kay mama noon, sabi ko naninigarilyo ka. Halos mapatay mo na ko noon. Ginawa ko yun kasi nilalanse ko lang talang si Mama para makagala ako. Hahahahha Ikaw yung ate kong kapag may gala ako. Kapag ayaw ni mama. Sayo pwede. Naaaaks

Wala kang inaatrasang tao. Napaka tapang mo Ate. Ikaw yung pumupunta kapag pinapatawag ako sa Barangay. Partner in crime tayo eh. WHAAAAT!

Ikaw ang nakilala kong pinakamatapang na babae talaga sa Balat ng Pasay. Walang echos. Nanuntok ka ng suso ng babae dati eh. Ewan ko kung sino kaaway mo nun. Yan ang ate ko. Hindi lang siya dapat nanganganak kundi naipaglalaban niya rin ang sarili niya pati ang anak niya. Kaya niyang pumatay para sa anak niya. Hahaha (over na ko!)

Kahit asarin mo ko ng panget. Alam ko ibig sabihin nun. Panget lang talaga ang girlfriend ko. Sa kanya lang talaga ang patama nun. Hindi saken.. That thing called praning hahhhaaha

Pati pa sa bahay di ka namin inuutusan, Kasi nga Apol of the eye ka naming lahat. Dahil sa katamaran mo sa paghuhugas. Saken mo iniuutos. Alam mo yan diba! Kaya parang napapagaya ako kay  si Jennylyne Mercado. "OO NA! AKO NA! AKO NA.. huhugasan ko na ang pinggan!!" “For godsake, Ate! Magkaroon ka nga ng sarili mong hiya sa pag-utos!” Pokpok nga nagrerestday den eh.

Ikaw naman ang ipagtatanggol ko ngayon. Kahit kanino. Handa ko silang harapin. "My sister is not a Pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo! hindi baboy damo! hindi baboy damo!"

Sa telenobela ng pamilya naten. Minsan di ka maka-get over sa iyak kapag bumanat na si Mama. Alam mo naman yan, Vilmanian yan eh. Sasabihin niya:

“Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo bang gaano kasakit iyon? Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respetuhin mo man lang ako bilang isang tao. Yung lang Jorice…yun man lang.” hahahaha

Kaya dapat pinapaputol na yung cable naten eh. Ang drama masyado ng nanay naten eh. (And the best actress goes to.....! Ding! ding! ding! ding!!!)

Kaya Ate Jorice!

Kapit lang saken at Kay Papa God. Malalagpasan naten ang malading problema na to. Saka lang darating ang milagro kapag gumugulo na yung buhay mo. Malay mo ngayon na yun. Okay lang na wala kang love ngayon, hindi naman nakakain yan ate eh.  Ang ganda ng mundo!…ang sarap mabuhay!” Kumaen ka!

Isang araw, yan ang araw naten.Mahal na mahal kita atekopongSingsing.






Thursday, March 5, 2015

WALANG NAKAKATUWA SA PAGIGING NORMAL

Eh papaano kaya kung araw-araw bago ako gumising may auto-motibo nako para sa panibagong mundo, I mean wala akong pake sa gagawin kong trabaho today basta gagawin ko lang ang gusto ko. Posible kaya ito sa mga katulad kong tamad.Tapos nabigyan ako ng pagkakataong masagot at tignan ang bawat anggulo ng buhay dito sa lupang ating kinalalagyan na parang isang panaginip na kahit gabi gabi mong kasama sa pagtulog pero wala pa ring sagot. At ako ang makakasagot. Saket sa ulo diba ng panaginip. Mas masaket pa sa jejemon text.  
Para sa mundong hindi nila makita.  Paano kung may kakayahan akong iinterpret ang panaginip. Yung tipong hahaluan ko ng kalandian ang mga bawat sagot ko sa magpapa-interpret sa akin. "Kuya Ben, nanaginip po ako na may pako sa tabi ng kama ko, ano po ibig sabihin neto” Tapos ang sagot ko: “Simple lang, may balak tumusok sayo. Bumira sayo. Ginawa lang simbolo ang pako para medyo hindi hurtful ang istorya ng panaginip mo pero meron talagang gustong buntisin ka. Lerv et sis. Kaya magpa-inject ka na ng contraceptives saken..Meron ako dito. Good for 3 months. P300. Pwede ka deng mabaog dito.” Yung mga ganun. Ang saya nun grabe.
Ang mundong takot silang hanapin dahil wala naman mapapala kung pipilitin pa nilang hanapin ang sagot dito. Malamang kung nabubuhay pa si Einstein ngayon. Marami pang madidiscover yung matandang yun eh. Pero hindi sapat siguro. Parte lang talga siya ng pioneer ng pagdiscover ng creation. Parang hugot lang yan eh. Ang tanong ko lang, paano mo makikita ang ginto kung hindi mo pa lalaliman ng husto ang paghukay sa bagay na gusto mo pang malaman.Oh diba. Atlis may sense yung sinabi ko kahit slight lang. Hindi ko naman po sinasabing magpakahenyo, magpabibo at magpaka intelente ng husto. Ang nais ko lang. Paano kung ang bawat indibidwal na tao sa mundo ay nabubuhay sa walang halagang pera. Ang punyetang pera nawala ang headset ko. Sayang lang ang pinambili ko dun. Hindi naten iniisip ang pagyaman at mga material na bagay o ang makabagong career ngayon na “Ano kaya ang ipopost ko ngayon para naman mapansin ako ng mga tao. Para naman maupdate ko yung timeline ko sa facebook” Paano kung walang ganito ano?. Paano kaya kung ang bawat isa may kakayahang lumipad. Hindi literal kundi lumipad at abutin ang mga ulap. Kung lahat ay nakakalipad gamit ang kanilang pag-iisip. Sa ngayon wala pa akong ideya kung ano ang magiging resulta. Paano kaya kung lahat tayo ay gumigising sa oras na gusto lang naten. Ang cherep nun bro. Alam ko naman iba-iba ang routine ng bawat nilalang ng tao. Masaket lang isipin kung tuluyan na tayong magpapalamon sa sistema ng ating nakamulatan. Pamumuhay na “bahala na si Batman bukas”.  Magmimistulan nalang bang para tayong nakapila sa mrt. Yun nga lang, papuntang hukay nga lang. naghihintay nalang tayo ng last destination na naten. Hindi katipunan kundi kabilang buhay. Maisingkit ko lang. Mayaman kaya ang mga taong may sariling mundo. Hahahahah anyway, walang kinalaman yan sa pinupunto ko. Nakakatakot at ang panget lang pakinggan. Paano kung ang bawat isa haharapin ang problema kasama ng lahat. Ibligadong magtulungan. Walang tamad. Walang mahirap. Tulungan ba. Paano kaya kung walang kinsenas at katapusan. Basta tuloy tuloy lang. Paano kung walang kalendaryo. May sari-sarili tayong oras at timeline.  Sariling relos na gagamitin. Medyo may pagka alien lang ang topic ko ngayon. Pero patawarin nyo ako. Wala naman kasing eskwelahan na magtuturo na boring ang normal na buhay. Namulat ang bawat isa sa pagnanasang magkaroon ng malaking maiaambag sa planetang ito. Or di kaya, paunlarin nalang ang sarili kasabay ang ibang tao. Sa paglikha ko nga konseptong ito. Nais ko lang naman na magingextra ordinary ang bawat tao. Paano kung ang bawat isa, handing harapin ang buhay ng hindi natutong magsisi. Wala ang konsepto ng pagkakamali. Walang konsepto ng pagsisisi. Mayroong rules na “Masyadong kang judgemental, hindi ako nagkamali, hindi palang ako nagtatampay, okay na po ba tayo dun?, may angal pa”. Nakakalungkot lang talagang pagmasdan na ang bawat tao, kung siguro nasa taas ka ng building malapit sa edsa at makikita mo silang isa isang lalabas para pumasok tapos maya mayang alas singko uuwi nalang. Buti pa ang mga ibon, lipad lang ng lipad.Sana naging ipon naalng ako. Joke. Buti pa ang mga langgam nag iimbak ng mga makakaen. Minsan nga nangangagat pa yan ng mga romantikong tao. Bwenas sila dun sa balat na yun. Yung makasipsip sila ng balat ng dugo ng malandi. Isa yung malaking award. Paano kung ang bawat doctor nagtatrabaho ng hindi galing sa gamut, ipapalaklak saten ang mga herbal lang. Hindi yung mga nakakasukang gamut. Eerrgh. Mga doctor na sa pagpapasaya lang ng pasyente nakatuon bonus na ang mga pagpapagaling. Paano kung ang bawat inhinyero may nais na magawan ng bahay ang mahihirap. Para lang sa mga mahihirap. Kung iisip ng maigi. Waalng pinagkaiba ito sa mga abogadong nais lang ipagtanggol ang may pera. Paano kung ang bawat Piloto, nais na isama ang mga taong may saket or mga mahihirap. Paano kaya kung ang bawat abogado nais magtulungan hanapin kung sino ang tama hindi yung magtatalo talo sila kung paano matatabunan ang kasingalingan ng cliente. Paano kung ang bawat teacher nais na ituro ang katotohanan ng buhay. Yung tipong walang bahid ng relihiyon. Kundi pagmamahal. PAgmamahal sa sarili. Pagmamahal sa ibang tao at nature.Oo lakas utos na kung lakas utos ako. Pero ibahin moko. Joke. Pero kung paano isang araw magkatotoo diba. Paano kung magawa ko ito. NAbigay sa akin ang genuine diba. At maraming kabataan ang sumunod sa akin. Wala ka naman kasing makikita sa edukasyon na pinapairal sa isang paaralan na kung paano mo titignan ang buhay diba. Basta mag-exam kal lang. Ipasa mo. Mag-aral ka ng mabuti para may maganda kang kinabukasan. Kung di ka pa magkakaron ng matalik na kaibigan. Wala pang magtitiwala sa sarili mong kakayahan. Tama? Tama! Pero may mangilan ngilan naman na naniniwala ng husto sa isang estudyante, yun nga lang, kung magaling ang batang iyon. Paano kung hindi. Edi nga-nga.

Ngayon taon, tinatak ko sa isipan ko na sa bawat pagmulat ng mata ko galing sa aking malambot kong kama, sinasabi ko lang sa sarili ko. “Pipiliin ko ang buhay na gusto. Pipiliin ko ang buhay na gusto. Pipiliin ko ang buhay na gusto”. Ganun lang. ganun lang kasimple. Hindi ko na iniisip kung ano ba ang bagong selfie ko ngayong araw. Mahalaga pa rin ang naiambag.


At sisimulan ko sa sarili ko ito. Asahan niyo.