Mauuna nakong bumati ha AtekupongSingSing! (yes, ikakagwapo ko ‘to)
Happy Birthday!
Once and for all. Ngayon ko palang gagawin ‘to sayo. Naalala ko kasi noon Sis. Elem me yen. Bihira lang naman kasi ako magbasa ng libro noon diba. At si Jolina pa ang sikat. Puro pellet gun lang ang hawak ko noon.
May isang araw nga nagpapamiss ako sayo Ate eh. Nagpapabasa ako sayo ng “nakakatawang komiks” bago matulog, syempre ginagawa mo naman kahit parang napipikon ka na saken. Kasi nga hindi maluwag sa kalooban mo. Sinasadya mong bilisan ang pagbabasa kaya wala tuloy akong maintindihan sa sinasabi mo tapos bigla mo nalang sasabihin saken “Oh yun na yun. Namatay na yung bida. The end na. Matulog ka na, okay!?’.
Natakot din ako nun dati nung nadisgrasya ka sa pagmomotorsiklo. Yung lumipad yung motor na sinasakyan mo. Jusmiyoooo..The where-do-broken-hearts-go-ang lipad mo sa motor. Alam ko magagalit si Madam Bertud (mama) kapag nalaman niya yun dahil makakasira ka na naman ng kalye. Balita kasi namen nagbitak bitak yung lupa nung sumubsob ka sa kalye. BwakanangS*#$.
Sa sobrang damot mo saken noon. Nagtry lang naman ako sayo manghingi, bigla mong nilunok yung Judge na bubble gam hindi pako nanghihingi, sabi mo “wala na ubos na”.
Ikaw yung babaeng pinapahiran mo ng kulangot yung pagkaen ko. Pinagdasal ko nga noon na mahampas kita ng walis tambo kahit matanda ka saken eh. Joke. Rude ka den e noh. Achihihihihi
Madalas kang magpaBABOY I mean mag-palitson. Manlibre ng mga makakarneng pagkaen. Pero kame hindi nataba talaga eh. Ikaw lang talaga sa pamilya naten ang sobrang bagal ng metabolism.
Nakakatuwa ka. As in. Nakakahype ang personality mo. Halos wala ka ngang mintis sa lahat ng okasyon sa pamilya naten. Pati pa ang pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Hindi ko tinutukoy ang araw ng tuli ah. Kundi yung graduation ko. Sumipot ka. Asteeeeg.
Pero ngayon napakasexy mo parin. Kahit na hindi na dumadaloy ang dugo sa mga binti mo, OO makapagskinny jeans ka lang. Makarampa ka lang talaga eh. Toroy ni ate! .Haba ng bangs Oy. Bang bang into the room~ ANOYUWAMETt!
I remember. Ibinenta kita kay mama noon, sabi ko naninigarilyo ka. Halos mapatay mo na ko noon. Ginawa ko yun kasi nilalanse ko lang talang si Mama para makagala ako. Hahahahha Ikaw yung ate kong kapag may gala ako. Kapag ayaw ni mama. Sayo pwede. Naaaaks
Wala kang inaatrasang tao. Napaka tapang mo Ate. Ikaw yung pumupunta kapag pinapatawag ako sa Barangay. Partner in crime tayo eh. WHAAAAT!
Ikaw ang nakilala kong pinakamatapang na babae talaga sa Balat ng Pasay. Walang echos. Nanuntok ka ng suso ng babae dati eh. Ewan ko kung sino kaaway mo nun. Yan ang ate ko. Hindi lang siya dapat nanganganak kundi naipaglalaban niya rin ang sarili niya pati ang anak niya. Kaya niyang pumatay para sa anak niya. Hahaha (over na ko!)
Kahit asarin mo ko ng panget. Alam ko ibig sabihin nun. Panget lang talaga ang girlfriend ko. Sa kanya lang talaga ang patama nun. Hindi saken.. That thing called praning hahhhaaha
Pati pa sa bahay di ka namin inuutusan, Kasi nga Apol of the eye ka naming lahat. Dahil sa katamaran mo sa paghuhugas. Saken mo iniuutos. Alam mo yan diba! Kaya parang napapagaya ako kay si Jennylyne Mercado. "OO NA! AKO NA! AKO NA.. huhugasan ko na ang pinggan!!" “For godsake, Ate! Magkaroon ka nga ng sarili mong hiya sa pag-utos!” Pokpok nga nagrerestday den eh.
Ikaw naman ang ipagtatanggol ko ngayon. Kahit kanino. Handa ko silang harapin. "My sister is not a Pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo! hindi baboy damo! hindi baboy damo!"
Sa telenobela ng pamilya naten. Minsan di ka maka-get over sa iyak kapag bumanat na si Mama. Alam mo naman yan, Vilmanian yan eh. Sasabihin niya:
“Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo bang gaano kasakit iyon? Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respetuhin mo man lang ako bilang isang tao. Yung lang Jorice…yun man lang.” hahahaha
Kaya dapat pinapaputol na yung cable naten eh. Ang drama masyado ng nanay naten eh. (And the best actress goes to.....! Ding! ding! ding! ding!!!)
Kaya Ate Jorice!
Kapit lang saken at Kay Papa God. Malalagpasan naten ang malading problema na to. Saka lang darating ang milagro kapag gumugulo na yung buhay mo. Malay mo ngayon na yun. Okay lang na wala kang love ngayon, hindi naman nakakain yan ate eh. Ang ganda ng mundo!…ang sarap mabuhay!” Kumaen ka!
Isang araw, yan ang araw naten.Mahal na mahal kita atekopongSingsing.
No comments:
Post a Comment