Thursday, March 5, 2015

WALANG NAKAKATUWA SA PAGIGING NORMAL

Eh papaano kaya kung araw-araw bago ako gumising may auto-motibo nako para sa panibagong mundo, I mean wala akong pake sa gagawin kong trabaho today basta gagawin ko lang ang gusto ko. Posible kaya ito sa mga katulad kong tamad.Tapos nabigyan ako ng pagkakataong masagot at tignan ang bawat anggulo ng buhay dito sa lupang ating kinalalagyan na parang isang panaginip na kahit gabi gabi mong kasama sa pagtulog pero wala pa ring sagot. At ako ang makakasagot. Saket sa ulo diba ng panaginip. Mas masaket pa sa jejemon text.  
Para sa mundong hindi nila makita.  Paano kung may kakayahan akong iinterpret ang panaginip. Yung tipong hahaluan ko ng kalandian ang mga bawat sagot ko sa magpapa-interpret sa akin. "Kuya Ben, nanaginip po ako na may pako sa tabi ng kama ko, ano po ibig sabihin neto” Tapos ang sagot ko: “Simple lang, may balak tumusok sayo. Bumira sayo. Ginawa lang simbolo ang pako para medyo hindi hurtful ang istorya ng panaginip mo pero meron talagang gustong buntisin ka. Lerv et sis. Kaya magpa-inject ka na ng contraceptives saken..Meron ako dito. Good for 3 months. P300. Pwede ka deng mabaog dito.” Yung mga ganun. Ang saya nun grabe.
Ang mundong takot silang hanapin dahil wala naman mapapala kung pipilitin pa nilang hanapin ang sagot dito. Malamang kung nabubuhay pa si Einstein ngayon. Marami pang madidiscover yung matandang yun eh. Pero hindi sapat siguro. Parte lang talga siya ng pioneer ng pagdiscover ng creation. Parang hugot lang yan eh. Ang tanong ko lang, paano mo makikita ang ginto kung hindi mo pa lalaliman ng husto ang paghukay sa bagay na gusto mo pang malaman.Oh diba. Atlis may sense yung sinabi ko kahit slight lang. Hindi ko naman po sinasabing magpakahenyo, magpabibo at magpaka intelente ng husto. Ang nais ko lang. Paano kung ang bawat indibidwal na tao sa mundo ay nabubuhay sa walang halagang pera. Ang punyetang pera nawala ang headset ko. Sayang lang ang pinambili ko dun. Hindi naten iniisip ang pagyaman at mga material na bagay o ang makabagong career ngayon na “Ano kaya ang ipopost ko ngayon para naman mapansin ako ng mga tao. Para naman maupdate ko yung timeline ko sa facebook” Paano kung walang ganito ano?. Paano kaya kung ang bawat isa may kakayahang lumipad. Hindi literal kundi lumipad at abutin ang mga ulap. Kung lahat ay nakakalipad gamit ang kanilang pag-iisip. Sa ngayon wala pa akong ideya kung ano ang magiging resulta. Paano kaya kung lahat tayo ay gumigising sa oras na gusto lang naten. Ang cherep nun bro. Alam ko naman iba-iba ang routine ng bawat nilalang ng tao. Masaket lang isipin kung tuluyan na tayong magpapalamon sa sistema ng ating nakamulatan. Pamumuhay na “bahala na si Batman bukas”.  Magmimistulan nalang bang para tayong nakapila sa mrt. Yun nga lang, papuntang hukay nga lang. naghihintay nalang tayo ng last destination na naten. Hindi katipunan kundi kabilang buhay. Maisingkit ko lang. Mayaman kaya ang mga taong may sariling mundo. Hahahahah anyway, walang kinalaman yan sa pinupunto ko. Nakakatakot at ang panget lang pakinggan. Paano kung ang bawat isa haharapin ang problema kasama ng lahat. Ibligadong magtulungan. Walang tamad. Walang mahirap. Tulungan ba. Paano kaya kung walang kinsenas at katapusan. Basta tuloy tuloy lang. Paano kung walang kalendaryo. May sari-sarili tayong oras at timeline.  Sariling relos na gagamitin. Medyo may pagka alien lang ang topic ko ngayon. Pero patawarin nyo ako. Wala naman kasing eskwelahan na magtuturo na boring ang normal na buhay. Namulat ang bawat isa sa pagnanasang magkaroon ng malaking maiaambag sa planetang ito. Or di kaya, paunlarin nalang ang sarili kasabay ang ibang tao. Sa paglikha ko nga konseptong ito. Nais ko lang naman na magingextra ordinary ang bawat tao. Paano kung ang bawat isa, handing harapin ang buhay ng hindi natutong magsisi. Wala ang konsepto ng pagkakamali. Walang konsepto ng pagsisisi. Mayroong rules na “Masyadong kang judgemental, hindi ako nagkamali, hindi palang ako nagtatampay, okay na po ba tayo dun?, may angal pa”. Nakakalungkot lang talagang pagmasdan na ang bawat tao, kung siguro nasa taas ka ng building malapit sa edsa at makikita mo silang isa isang lalabas para pumasok tapos maya mayang alas singko uuwi nalang. Buti pa ang mga ibon, lipad lang ng lipad.Sana naging ipon naalng ako. Joke. Buti pa ang mga langgam nag iimbak ng mga makakaen. Minsan nga nangangagat pa yan ng mga romantikong tao. Bwenas sila dun sa balat na yun. Yung makasipsip sila ng balat ng dugo ng malandi. Isa yung malaking award. Paano kung ang bawat doctor nagtatrabaho ng hindi galing sa gamut, ipapalaklak saten ang mga herbal lang. Hindi yung mga nakakasukang gamut. Eerrgh. Mga doctor na sa pagpapasaya lang ng pasyente nakatuon bonus na ang mga pagpapagaling. Paano kung ang bawat inhinyero may nais na magawan ng bahay ang mahihirap. Para lang sa mga mahihirap. Kung iisip ng maigi. Waalng pinagkaiba ito sa mga abogadong nais lang ipagtanggol ang may pera. Paano kung ang bawat Piloto, nais na isama ang mga taong may saket or mga mahihirap. Paano kaya kung ang bawat abogado nais magtulungan hanapin kung sino ang tama hindi yung magtatalo talo sila kung paano matatabunan ang kasingalingan ng cliente. Paano kung ang bawat teacher nais na ituro ang katotohanan ng buhay. Yung tipong walang bahid ng relihiyon. Kundi pagmamahal. PAgmamahal sa sarili. Pagmamahal sa ibang tao at nature.Oo lakas utos na kung lakas utos ako. Pero ibahin moko. Joke. Pero kung paano isang araw magkatotoo diba. Paano kung magawa ko ito. NAbigay sa akin ang genuine diba. At maraming kabataan ang sumunod sa akin. Wala ka naman kasing makikita sa edukasyon na pinapairal sa isang paaralan na kung paano mo titignan ang buhay diba. Basta mag-exam kal lang. Ipasa mo. Mag-aral ka ng mabuti para may maganda kang kinabukasan. Kung di ka pa magkakaron ng matalik na kaibigan. Wala pang magtitiwala sa sarili mong kakayahan. Tama? Tama! Pero may mangilan ngilan naman na naniniwala ng husto sa isang estudyante, yun nga lang, kung magaling ang batang iyon. Paano kung hindi. Edi nga-nga.

Ngayon taon, tinatak ko sa isipan ko na sa bawat pagmulat ng mata ko galing sa aking malambot kong kama, sinasabi ko lang sa sarili ko. “Pipiliin ko ang buhay na gusto. Pipiliin ko ang buhay na gusto. Pipiliin ko ang buhay na gusto”. Ganun lang. ganun lang kasimple. Hindi ko na iniisip kung ano ba ang bagong selfie ko ngayong araw. Mahalaga pa rin ang naiambag.


At sisimulan ko sa sarili ko ito. Asahan niyo.

3 comments:

  1. Ilang taon ka na ba? Hahaha.
    Kasi pinagdaanan ko rin ang mga ganitong kaisipan.
    Sige lang, hayaan mo lang na dumaloy ang mga kaisipan mong ito.

    Gusto ko sanang ibahagi sayo ang mga sagot na meron ako, pero naisip ko wag na lang, kasi mawawalang ka ng 'thrill' at saka di ko naman alam if magiging parehas ba tayo ng realizations, syempre hindi kasi magkaibang tao at experiences ang pinagdadaanan natin hahaha.

    Pag may sagot o na-realize ka na sa ilan sa mga yan, i-blog mo lang, saka ako magkokomento kung paano tayo nagkaiba o nagkapareha.

    Kaya sa ngayon, ang masasabi ko lang ay "Sige lang!" :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe ka pareng Jep. NA-excite naman ako sa comment mo. Dulot lang naman to ng boring kong buhay na nagnanais ng kakaibang pamumuhay. Salamat dhil pumatol ka sa malikhain at malayang kaisipan ko. Thank u so much.

      Delete
  2. Ever wanted to get free Twitter Followers?
    Did you know that you can get them ON AUTO-PILOT AND ABSOLUTELY FREE by using Like 4 Like?

    ReplyDelete