Sunday, March 22, 2015

HEAT OF A BLESSED MOMENT

Wala akong ibang bukambibig kundi pagpapasalamat. Angal ka? Pake mo. Buhay ko to. haha  Joke lang dahil kasi sa nanggaling ang buhay ko sa magulo, sakit, pasakit, pagpapaasa at hirap. Sumatutal, puno ng paghihinagpis. Pero lover boy pa rin. Ayiie. Noo’y umaasa sa himala na baka bukas makisama saken ang magandang tadhana.Kaso As of now,di pa nagbibigay ng feedback si tadhana. kaya ayoko na. Medyo tamad din ako eh. Pero ngayon ay no more lonely night na. hihi Kaya ganito nalang ako kung magpasalamat ng very very hard sa itaas. Hindi sa ceiling. Sobrang daming reason para magpasalamat diba. Hanggat may buhay. Makakasurvive ako. Kaya ito. Isang mabilisang pagpapasalamat sa mga biyaya. Hallelujah! Prase tha Lord. Eto na Kuya boy. Ikaw naaah!
1. Ang iba may dinadalang sakit pero ako wala. Ilang milyong tao ang nagpupunta sa ospital para magpagamot. Blessed na yan kung tatawagin.
2. Saktong saktong ang laman ng ATM ko. Walang labis. Walang "cool lang". Kung may sobra man. Naitatabi ko pa rin ito. Swak na swak.
3. Nandito ako sa earth hindi para sa mahabang panahon kundi para sa masasayang moment ng buhay ko. Senyo na ang til70 ni ed sheeran. Okay na ko sa buhay kahit maikli pero nailaan ko sa mga oras na gustong gusto ko. Sa ganun, pinagpala na ako ng lubos.
4. Nakakakasmile ako dahil feeling ko at ramdam na ramdam kong hindi malayo ang mga pangarap ko. Isang bisikleta lang ang distansya namen. haha
5. Binili ako ng girlfriend ko ng hopia. Nakakaen pa ako ng almusal. Tapos kakaen ulit ako ngayong tanghalian tapos mamayang gabi. Sobrang blessed. Pwera usog sa busog. burf!
6. Pag-upo na pag upo ko sa chair syempre ng opisina namen. Nadala ko ng maayos ang DSLR camera. Hindi pa milyones tong dala dala ko. Ang hirap magdala ng cam eh. Bigat den. Eh naulan pa. Nagpasalamat at nakahinga na ako ng malalim nun. Eh paano pa yung manong na nagbebenta ng taho diba. Kabigat nun. Whole day din yun.
7. Ang makapagshower nang napapaJamesReid dahil Goodvides. Huwag ka nang humirit! No! No!
8. Ang kasing liit ng tutuli ang pananampalataya kong makakaalis ako sa una kong trabaho. Blessed na ko niyan. Malaking hampas na sa mga goals ko to.
9. Hindi ako umaasa sa" covered ng Philhealth'. Inaalagaan ko ang sarili ko. Thanks to my body.
10. Nagsosorry man ako sa mga bagay na hindi ko magets talaga. talagang talaga. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa mga bagay-bagay na di ko matanggap. Salamat parin dahil sa utak na binigay saken. Sana manganak tong utak ko. Sana magsex sila sa loob.
11. May naiitatabi ako sa maliit na alkansya ko sa bahay. Yan ang turo saken ni mareng Miriam Quiambao. Jas System. Kasi closed kame. Pero medyo may uwang ng konti. Wag lang na may Kawatan na papasok sa kwarto ko kundi maglulupasay ako kahit pa sa loob ng starbucks.
12.  Ang Ariel nga 7.50 na lang e. So malakas ang faith ko. Lahat ng bagay pwedeng magbago. Lahat ng tao handang magbago. Matuto lang akong magpatawad. At natututo na akong magpatawad. I feel so blessed.
13. Naprotektahan ko kung ano ang meron ako ngayon. Hindi lang tite ko kung pag-aari. hihi
14. Pinagpala ako dahil nakapagbibigay ako ng pera sa tiyo kong may cancer. Seryoso po ito. Sa mga gustong tumulong. Dasal ay malaking bagay na. But we need cash in advance.
15. Nakakapag "I love you" pa rin ako. Sa taong mahal na mahal ko. Malamang Santo na ako kung harap harap mamahalin ko ang kaaway. Pwedeng nextime nalang kung ganun. Haha
16. Hindi pa ba ako matutuwa kung meron akong ambisyon ngunit di pa clear ang vision. Weeeh Ayos na rin dahil unti-unti napipinturahan ang utak ko ng mga pinapangarap ko for my entire future. #GalawangEinstein.
17. Ang mahawakan ko ang katawan ng ibang tao. Yung tipong biruan lang na magmumuka siyang beki. Hinihimas ko ung suso ng lalaki kong kaworkmate. Ang point dito. Nagkaron ng sense of touch. Malay mo may healing touch akong taglay. Gusto ko gumaling kayo. 
18. Ang mapagtanto kong ang lahat ay magiging okay. Gumagaan ang usapan. Pang emperador light. Gawin mong lights. Yeah!
19. Masaya na kong kahit saglit makita ko sa papel yung mga goals ko. At kahit 1min man lang. Nakapagsulat ako. Mapuntahan ang gusto kong lugar. Masaya na ko dun. Beach Please!
20. Gumagaan ang buhay ko kapag ginagamitan ko ng Sense of humor. It make cents. hahaha
21. Ano pa ba ang maituturing ko sa bahay namen. Kuryente. Platito. Timba. Drawer. Hindi pa ba sapat to. Okay na ko dito eh. Hacienda na ito para sa akin. Overwhelm.
22. Ang “gandang gusto ko pang anakan” ay yung mga moment na napakaproductive ng sabado ko. Sabado lang talaga. Kasi sa linggo, petiks. Linggong upong Henry Sy ako.
23. Kung nakakaen ako ng prutas na mayaman sa protina. Edi mayaman na rin ako. Make sense.
24. May mga “sanang” nagkakatotoo”. ATLIT. 
25. Nabigyan ako ng panahon para magfocus. Mailaan ang attention ko sa binubull’s eye ko.
26. Sobrang mahal na mahal ko ang sarili ko. Parang hindi ako nag-iisa.
27. Headset para pasayahin ako. Ang musikang galing heaven ang mensahe.
28. Nagmamahal pa rin kahit nasa backpack ko yung masasamang kahapon. Maitatapon ko din to. Mapapalitan ng Louis Vuitton.
29. Nasanay na akong maging aware. Masyado pa kasi akong bata para magwalang bahala. Ano daw?
30. Na-eexcise ko yung faith ko. Hanep. Sa tuwing nakakakita ako ng taong nagsswimming. Take note. Sa youtube. Nasasabi ko sa sarili ko. Paano siya nakakalangoy kung aasa siya sa tubig. Noh? So, siguro I need to trust myself more.
31. Walang permanente sa mundo. Pero ang makita ko ang pamilya kong buhay at masasaya. Forever na saken yun. Lovelife na yan kung mamarapatin.
32. Nakapgblog pa rin ako kahit na busy sa career. Naks


No comments:

Post a Comment