Thursday, August 20, 2015

KONTING TIIS NALANG. AALIS NA ANG JEEP



Isang umaga ng Sabado ganap na alas nwebe ng umaga. Mayroon akong binabalak na dapat tapusin kaya nagbigay kagad ako ng mensahe sa amo ko na nakasaad na liliban muna ako ngayon. (Nais kong mafeel ang peace of mind in a while). Sa aking pupuntahan, tila parang napakalabo ng mga eksena. Bakit kamo?

Walang laman ng kayamanan ang pitaka ko. Kaya umalis ako ng bahay ng walang kadala-dalang pera at masakit ang sikmura. Kahit kumakalam ang tiyan ko. Pumunta pa rin ako ng atm machine ngunit sa mapait na resulta ay unavailable ang serbisyo nila. Gusto ko sanang gamitin ang midas touch ko. Gusto ko sanang gawing ginto ang machine kaso baka iba rin lang ang makinabang dahil di ko mabubuhat.

Bweno! ang tanging laman lang ng wallet ko ay tumataginting na 12pesos. (May trabaho ba talaga ako o wala? Oh sadya lang na minaliit ko ang dose pesos at hindi ko to vinalue as a money) Naghanap ako ng ibang atm machine gaya ng bdo at ucpb ngunit bigla namang bumuhos ang malakas na ulan sa paglalakad ko. Hindi kaya signus ito na may paparating na malaking pagsubok or di kaya blessing na to sa itaas? Haha Ngunit ayokong isipin ang ganung bagay, dapat sigurong maghanda at mas maging maingat ako sa mga ikikilos ko.

(Ang oa ko noh)

Umulan lang at wala akong pera kung ano-ano na ang naiisip ko. So, maghihintay muli ako ng ilang minuto para tumila ang ulan. At nung tumila na.  Sabay naman ang text sa akin ng magulang ko na nabasa daw ng ulan ang mga sinampay ko. Ano pa ba ang magagawa ko, basa na eh. Alangan naman paypayan ko yun para matuyo. Huli na ang lahat. Hindi ko na siya mababalik pang muli. Yan ang trip ng tadhana eh. Pagbigyan.

Paano ko ihahandle ang insulto ng tadhana? Gaya ng dati, hingang malalim at ngiti ng konti. At pabebe wave sa salamin ng 7-11.

Naglakas loob na ako. Dapat ko ng tawirin ang masukal na daan na to. At baka maabutan uli ako ng ulan. Tinakbo ko na ng may dangal ang road papuntang jeep. And I was like “Run Forest, Go Forest, Run Forest.” At sabay pasok sa jip with matching pabaril baril sa labas parang si Jason statham. Joke
Nasa lima palang kameng nakaupo na pasahero. Kaharap ko si cyclops. Namumula ang kanyang mga mata. Kung titignan mo siyang mabuti. Hindi naman siya nasa influence ng drugs.(mapanghusga lang talaga ako)  Sadya lang nireregla ang kanyang mga mata dahil sa sore eyes. Kitang kita ko sa mga mata niya ang bagyo. Mata ng bagyo. Pumasok na sa area of responsibility. At mayroong naman isang pahopiang drayber na pabwelo ng bwelo ng kotse na kala mo ay aalis na ngunit hindi pa pala. (Kala mo naman maniniwala kaming aalis ka na. Pautot mo lang yun para ikaw ang sakyan ng mga pasahero eh.) At meron din isang sigaw ng sigaw na payat na lalaki, na kala ko’y may tuberculosis at sinasabing “Konting tiis nalang, aalis na to”. Naitanong ko sa sarili ko “Gaano ka-konti ang sinasabi mong “konting tiis”. Kasing liit ng hinliliit ko. Kasing liit ng butones. Lasing liit ng butas ng skyflakes. Pinsan ba ni konting tiis si konting ingat at konting tiwala lang. Siguro naiinip lang talaga ako . Nakakarelate lang siguro ako dahil parang ang buhay ko ngayon ay hindi pa nabyahe na jeep. Sobrang init. Kailangan pang mapuno bago kumilos. Laging nagtatawag ng pasahero parang laging naghahanap ng tulong at atensyon.

Naisipan ko nalang magsulat sa maaliwalas na umaga na yun. Bihira lang akong magsulat sa phone ko. Minsan kasi parang tuloy tuloy ang pasok ng ideya kapag mismong handwriting ko ang ginagamit. Isang bolpen at maliit na papel na parang tickler. Pero tickler talaga siya. Ineechos ko lang kayo.

Sa bawat sulat ko.

Kung ano ang unang pumasok sa isip ko na magkakatugma, yun na yun. No erase.
Marami akong napuna kapag wala akong maisip.

Kapag wala akong maisip. Kapag wala akong maisulat. Ipipikit ko nalang ang aking mga mata. Ihahanap ko muna ang mga paa ko ng magandang pwesto.  Ipoporma ng maganda ang aking likuran.Ang hirap alalahanin ng unang picture na nakikita ko sa imahinasyon ko dahil sa amoy ng katabi ko pero ang alam ko lang dapat akong mag isip ng makabuluhan at masaya. So, focus dapat.

(Kahit nilibot ko na ang lugar na to noon, parang di pa rin ako nakukumpleto.)

At sa biglang pagfflashback ang mga nakakastress na pangyayari ng buhay ko. Wala naman ako sa trabaho pero yun pa rin ang dumadaan sa isipan ko.
Dumaan ang jeep sa mabahong lugar ng Pasay. San ka ba naman makakakita ng pati kalye iniihian?

(Muli kong idinilat ang aking mga mata. Baka sakaling mayroon paghuhugutan sa paligid ngunit wala pa rin. Isa pa rin itong mabagal na biyahe na buhay ko. )

Nakakapagod isipin ang mga nakakapagod na bagay. Sobra!
Ngunit masarap pa rin talagang pumikit. Ang sarap i-mix ang ingay sa labas at ingay ng katahimikan sa isip ko.

Siguro nga nasanay akong kapag magulo na ang lahat na parang walang patutunguhan. Kailangan ko talagang magpahinga kahit ilang Segundo lang.

Kapag wala akong maisip. Ang bagal ng oras. Kapag naman ang dami kong naiisip. Kulang ang oras ko kung tutuusin. Tanging hiling ko talaga. Konting oras pa para sa sarili ko at para sa kinabukasan ko. Ang buhay nga naman. Laging opposite. Laging may challenge.

(Huminto ang sasakyan dahil maraming nakaharang na jeep sa aming harapan.)

Habang tumatagal ang aking pagpikit. Napapahimbing ang pag iisip ko. Hindi ko feel na para akong genius sa ginagawa ko. Dahil kailan man hindi ko tinanggap na ganun ako. Ayoko rin tawaging ex-genius. Walang ex. Sa paggawa ng muta ng mga mata ko. Ang saya ng  feeling ng tuloy tuloy ang beat ng puso ko at ng kwento  sa isipan ko.

Ang daming tumatakbong konsepto. Ang dami kong naiisip na ideya. Ang dami  kong gustong gawin pero hindi ko naman maisulat paisa-isa.

(Pumasok naman ang isang batang nagbibigay ng sobre at kakanta. Dahil nakapwesto siya sa harapan ko. Ang sobre niya na mismo ang ginamit kong sulatan kaso sobrang dumi rin ng papel.) Useless.
Sa totoo lang, umay na umay na ako sa ganitong sistema. I mean, sa sistema ng pamumuhay ko kapag iniisip ko pa. Nagtataka na rin ako sa sarili ko. San ba papunta ang lahat ng to?

Naguguluhan ako. Nawawala sa konsentrasyon ang pag-idlip ko.  Saan ba ako magfo focus. Sa pag tulog nalang o sa pag-iisip.

Sa malungkot na pamumuhay ko na gumugulo sa puso’t isipan ko. Parang ayoko ng ituloy.
Muka rin akong tanga dahil didilat lang ako para magsulat. Dilat sulat. Dilat sulat.

(Hindi maiiwasang gumising para iabot ang bayad ng ibang tao. Ganyan talaga ang buhay. May gagamiting ibang tao para makapunta tayo sa paroroonan)

Pinipigilan ko nalang ang akin luha. Ang pangit kayang umiyak ng walang karamay.
Naalala ko sa tuwing may problema ako. Ngumingiti ako ng matagal.
Minsan parang gusto kong sumali sa piyesta ng mga dahon. Parang gusto kong magpaypay sa ihawan na may dahon. Bentahan niyo ako!

Bakit ko ng ba ginagawa to? Sumusulat ako para malaman ko kung sino ako.
Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit napakalupit ng mundo na to.

(Napansin ko na ang mga kasama ko sa jip ay tulog na halos)

Sana mayroon akong mahabang etits para makipagsex ako sa mundo na to.
Mahina ako magvisualize ng bagay. Pero kapag sa tabi ko may image akong nakikita mas madali kong naeenvision ang mga ito sa pagpikit ko.

Kailan kaya gaganda ang balasa ng baraha. Hindi pa rin ako nakakadali.
Marami ring nasasayang na datus sa utak ko. Sa mapanlinlang na kapaligiran.
Minsan pa bigla ko naman nakalimutan yung naiisip kong nakakatawa nung nasa bahay ako.
Minsan kahit na may nakaappreciate ng ginawa ko parang sa sarili ko. Sana kinausap ko nalang siya ng personal. Hindi ko nalang isinulat.

Siguro bahala na talaga. Ang bahala na talaga ay kahalintulad ng bathala nalang ang bahala. Ang mahalaga ngayon. Naisusulat ko ang gusto ko. Naipapadama ko ang gusto ko. San man ako dalhin ng alon. Alam kong buhay pa rin ako kahit anong wave pa yan. 

San man papunta? 
Konting tiis pa. Aandar na.

3 comments:

  1. patience.. patience.. this is a nice reminder.. Salamat Sir Ben!

    ReplyDelete
  2. Thank u sa comment..sobra ko pong naappreciate :) God Bless

    ReplyDelete
  3. Hahahaha habang pakonti konti ang jeep malayo na ang narating ng utak mo.. ang saya! Gusto ko ang analogy mo sa pag abot ng pera sa jeep, katawa pero totoo!

    ReplyDelete