Thursday, October 8, 2015

MAGPAKALALAKI EPISODE: NOON, BUKAS, GANERN



One Sunday night. Mayroong pagsubok na nagbabadya sa aming pamilya.
Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? mamimili ako, saglet!
Ang problema ng pamilya ay problema ng lahat ng miyembro.
Naglabas ng hinanakit ang aking kapatid tungkol sa kanyang butihing anak. Malumanay ang pag-uusap namen ni Ate Jorice sa Third Floor ng mansyon namen. Tila isang makabagdamdaming istorya na nag-uukit sa aming isip ng malaking tanong. “Ano ba talaga ang nangyayari? Saan tayo nagkulang? ” dandandaaaan! Nasabi kong nag-uukit sa aming isip para medyo may sense ang usapan namen.
Nakaupo sa tabi ni Ate si Benny. Ang batang wala pang kamuang muang sa walang hanggang havoc ng buhay. Nais kasi niya akong tulungan mag-ayos ng bahay kaya tumambay muna siya sa amin. Bigla namang kumatok si Benz. (Ang taong kupal,ay mali. Tao lang pala) . Takte kasi. Kala mo may kaaway kung kumatok yan. Talagang lagabog. Tatadyakan ko na sana siya palabas sa sobrang banas ko. Siya ang pinakamatanda sa amin. Ang ahead sa pamilya. Siya ang mas nakakaintindi ng mga life lessons. Bihasa sa lahat ng bagay. Siya talaga kasi ang takbuhan namen. Ang pinakamagaling.
Tuloy tuloy lang si ate sa kanyang pagku-kwento tungkol sa kanyang anak na nawawala ng landas. Naliligaw sa makamundong kalye. Sa pagpapatuloy ng salaysay ni ate. Sobra siyang nasasaktan sa mga ginagawa ng kanyang mga mahal sa buhay.
(Napakasakit kasing isipin na kung sino pa ang minahal natin ng sobra ay sila pa ang mas mananakit sa atin. Paminsan minsan.)
Ngayon, hawak ko naman ang Christmas light para ilagay sa Christmas Tree. Kanina ko pa balak gawin to, tinatamad lang talaga ako. Kasi October palang naman. Taeng tae na ko maglagay ng abubot.
Sa tuwing naglalagay naman ako ng Christmas balls doon, ang sarap magbigay ng hugotlines. Ang sarap magbigay ng payo sa ibang tao. Ewan ko kung bakit. Ganito ang  mga katagang  ang sarap bitawan eh
“Di niyo na kailangan magthank you, sinumbatan ko na kayo ng pagmamahal.”
Sa matagal na pagtunganga, sa wakas ,naisipan din ni Benz na tulungan ako sa pag-aabot at paglalagay ng Christmas light. Hinayupak to, puro kaen lang kasi inaatupag for the rest of his life.
Hindi naman ganun kahirap ang magdecorate kung tutuusin. Hindi na kailangan pa ng mahabang choreography para gumanda ang Christmas tree. Mas malaki pa ang drum namen dyan eh. Wala lang. Para lang masabi kong makabuluhan ang pagtambay nila sa amin. Pinatulong ko na rin sila. We are making a huge history. WHAT?
Malupit yang si Benz. Sobrang tahimik lang niyan kung bumanat. Yung tipong kapag kailangan lang humirit saka papasok. Sumasagot lang kapag tatanungin mo.Yung mga ganun tipo ng tao. Asteg mga repa! Ganyan na talaga si Benz, noon pa lamang. May pagka mysterious effect. Ibibigay niya ang mga impormasyon kung alam niya lang at naranasan niya ito. Minsan pa nga, kung hindi ka talaga deserve kausap, dedma ka dyan eh.
Sa matang namumugto at namumula dahil sa pag-iyak ng aking kapatid. Pati na tono ng pananalita ni ate ay hindi maikakaila ang sakit na nararamdaman niya kahit na tatlong lalaki kameng nakikinig sa kanya. Walang hiya siya magkwento. Kame lang naman ang walang ka-kwenta kwentang kausap niya buong gabi. Marahil ang sakit na nararamdaman niya, ay parang bulkang walang hinto sa pagputok. Mainit na. Masakit pa. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan kapag sinaktan ka ng dati mong asawa na pang iiwan at malaman mong napupunta lang sa katarantaduhan ang pinagpapagurang pera na ibinibigay mo sa iyong anak.
Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Nagpe-penetrate talaga sa puso ko. Harinawa makayanan ko to. Ang OA ko!
Hindi na nga nameng magawang ngumiti o mag-joke dahil talagang seryoso na ang mga sumusunod na kwento ni Ate. Ang palabiro kong ate ay ngayon naman dumadanas ng malubhang pagsubok. Kung titignan mo siya sa kanyang mukha. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dulot ng kanyang nalaman galing sa ibang tao tungkol sa kanyang anak.
Mahirap sabihing binata na ang kanyang anak/pamangkin ko para saktan pa. Yan ang tanong ng lahat. Pramis.
Naitanong ko naman kay ate. “Bakit naman po bumagsak si rj?
Ang sabi niya “Tinanong ko naman si rj ng personal, baka nga talaga meron siyang problemang kinakaharap kaya ayaw niyang sabihin. Nagtatanong tanong nga ako sa mga kaibigan niya, ano bang nangyayari kay rj?” Bihira lang umiyak ang ate ko. Kapag umiyak yan. Sobrang panget. Kadiri.
(Siya ang isang ina na gagawin ang lahat malaman lang ang tunay na dahilan ng pagkadapa ng kanyang anak.)
Marami palang naibagsak na mga subject si rj sa kanyang pagsisimula ng pag aaral sa kolehiyo. Ang balitang iyon ay ikinalungkot ng buong pamilya. Si mama, si kuya , ate mean at ako. Siguro nawala ang pag-asa nameng makakatapos pa siya. Dahil narin meron siyang ugali na parang siya lang ang dapat na nasusunod. Nasayang ang pera. Nasayang ang panahon. Ngunit kaming mga kapamilya niya ang tutulong upang matadyakan siya papalayo sa tamang daan sa tamang panahon.
Kailan kaya magbubukas sa kamalayan ang batang iyon?
Look back on my life, dati kapag nagkamali ako o natisod sa mga desisyon, hirap na hirap akong magsorry sa nagawa kong kasalanan, kaya ngayon sa mga susunod pa sa aking yapak. Ayokong turuan sila ng pagkamataas ng walang pagpapakumbaba. Lagi dapat nakaapak sa lupa at nakatingala.
Ang tunay na Estrella, mag pag galang sa kapwa na may konting kabastusan.
Malungkot. Sobra.
Itinuloy pa ni Ate: “Gusto ko ngang ipa-consellling si rj baka kako dun, mailabas niya ang tunay niyang nararamdaman doon .”
Gusto ko sanang isuggest ipadala nalang ang bata sa military. Para magtino. Naisip ko lang naman.
Wala akong maisagot kay ate tungkol doon.
Kasi kung babalikan ko ang aking nakaraan. Walang nagsabi sa akin kung paano ako lalakad. Ginabayan nalang ako ng mga aral ng pagkakamali ko. Ito ang naging compass ko para magbago. At ang mga sugat ko ang nagsilbing patunay na kailangan kong mas maging matibay sa pagharap sa bawat hamon ng buhay.
Hindi na napigilan ni Benny na ngumiti at sumabat sa usapan: “First and foremost..(ngiting demonyo) Halos ganyan din ako dati, Ang akala ko noon, kapag pumapasok ako sa isang unibersidad ay safe na ako, may maganda na akong kinabukasan, nagkamali nga ako noon. Sobrang sobra, hayuuuuup”
Nagulat kame na pumapasok pala siya sa eskwelahan. hahahaha
Sabay sambit ni Benz ng “Buti alam mo, ngayon,ano ka ngayon?”
Uminit ang butchi ni Benny sa nadinig na salita.
Siguro’y hindi nagets ni Benny ang pabirong bwelta ni Benz. Naunawaan ko siya, ang ibig sabihin niya lang naman, “ano ka na ngayon? Ay nangangahulugang malaki ang naitulungan sayo ng kahapon.
Getching mo na neng?
Minsan talaga kung hindi natin uunawain ang tanong at mapipikon na lamang. Talagang walang patutunguhan ang mensaheng ibinabato sa atin.
Noon pa man ay galit na sa isat isa ang dalawa. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon sobrang lalim pa rin ang alitan nila. Pero parang magkapatid na ang turing nila sa isat isa. ANG GULO.
Ngumiti na lamang si Benny at naghugas ng hamay para basain ang mukha. Baka sa sobrang init ng panahon ngayon kaya ganun.
At eto na, di na nag paawat si Benz at nagsabing “ Ang hirap kasi sayo, kala mo alam mo na lahat. Ang yabang mo, Wala ka pa ngang napapatunayan eh” Patungkol kay Benny.
Saisip ko “nako, magkakagulo to”
Buti tumahimik na ang bata.
Pinatigil na ni ate ang dalawa sa kanilang pagbabangayan. Siguro dahil nga nasa murang edad pa si Benny kaya hindi nalang pumalag sa paghahamon ni Benz.
Ang babaw lang naman ng pinag aawayan nila. ADIK!
Nakakatawa talaga tong dalawa mag away. Parehas lang naman sila.
“Ano ba? Kayo ba ang may problema dito? Parang kayo yung nasasaktan ah!? Pwede ba, patapusin niyo muna ako sa pagku-kwento ko at kayo naman, okay!? Pasigaw na pag awat ni ate sa dalawa.
Napailing nalang ako sa gulo ng dalawang iyon. Para nga talagang silang aso’t pusa kapag nagkalmutan. Anghel at demonyo kapag nagkasakitan.
Sa pagpapatuloy ng kwento ni ate, ang sabi niya ay “Sa mga sumunod pang mga araw, may nalaman pa ako tungkol kay rj. Sobra akong nasaktan.” Kung nakikita niyo lang itchura ni Ate, parang naninikip ang dibdib na biik. haha
Nalaman pala ni ate ang buong katotohanan. The whole truth but not a good excuse. Hindi lang pala grado sa pagaaral ang bagsak ang kanyang anak. Kundi sa tunay na kasarian. Awts
Lahat kami’y nagulat at nagtaka. Animoy’ sinasabi namin sa aming isipan na
 “Ha, seryoso ka ba, ate?
Kaming tatlo ay huminga ng malalim. Nagtinginan sa mga mata. Ang noon na biro ay nagkatotoo pala sa bata.
Nasabi ko rin “Ah, alam ko na to, ang pagiging badaf ng pamangkin ko” Ito na yun.
Sa pagkakaalam ko. Ang pinakadelikadong tao ay yung mga taong nagpapanggap na bakla. Like Joey De Leon, Janno Gibbs, Anjo Yllana, at Wally Bayola. Mga malupit sa scandal.
Noong una, parang ayokong magsalita. Ayokong umimik. BInalak ko na wag nalang magsalita pero hindi na ako pinigilan ng konsensya ko para magsalita.
Ito ang mga napapanood ko sa pelikula na nagiging totoo na sa realidad.
Naalala ko ang pelikula ni Dolphy at Roderick paulate na “MGA ANAK NI FACI-FICA FALAYFAY” na kung saan tawa ako ng tawa sa tuwing napapanood ko ito sa Cinema One dahil pinipilit ni mang Dolphy na maging tunay na lalaki ang kanyang anak na si Roderick habang nagkekendeng kendeng ito pageensayo sa pagpupulis.
Bagay na tinatawanan lang ng lahat. Pero idol ko pa din si Panchito. Buuuuseeeet!
Sa pagtutuloy ng kwento ko slash ate Charo.
Nagsalita ng malumanay si Benny. Siguro’y naisip niya na mayroon naman siyang karanasan na pwedeng ibahagi sa amin.
“Dati ang biro daw sa asawa mo ay bading ate jorice, eh tignan mo naman ngayon, gagong sanggano na. Paano magiging bading ang anak mo.” Ang ibig sabihin pala niya. Ikinukumpara niya ang asawa ni ate jorice sa kanyang anak. Na noong parehas ang tukso ng pagka-alanganin. Maaaring maging ganun din si rj kung gugugustuhin niya.ng magbago.
Maaaring kung ano ang tinuran natin sa bata ay mag ugat ito sa kanya. May posibilidad.
Kaya mga kids. Wag nating hayaan tinutukso tayo ng di maganda. Lumaban tayo sa bullying. Amen? Amen!
Ngunit di kame magsasawa ng wantusa magpangaral sa kanya. Patigasan ng ulo na ituuh.
Binanggit ko naman na “Siguro nga, Benny, bata ka pa, hindi mo pa naiintindihan ang nangyayaring ito.Hindi lahat ay pare parehas ng kwento”
Kahit alam ko sa sarili ko na may pinupunto siya. Ginulo ko nalang siya ng konti.
Ako ang tito ng pamangkin ko. Dapat akong magpakatito. Ang rule ay rule. Walang babale.
Bumanat na naman si Benz na nakaupo na lamang at nakatingin sa malayo, sa kwadradong bintana.
Parang si Jose Manalo kung gumanap talaga to eh.
Benz: “Wala pa yan,ako nga eh. When I was a young kitten (hahaha) joke, Dati nga ako, biniro din ako ng ganyan, pero hindi ako naging ganyan. Hindi ko sineryoso. pwede pang mabago yang batang yan.Wala naman dapat patunayan sa kasarian. Kung paano tayo nagsikap, yun ang pinakamahalaga.” Sabay tingin sa akin. “tama ba?”
Sabi ko” Ay wow, sabay tingin sa akin, parang alam ko na yung kasunod eh, ako ba tinutukoy mo? Ha? Ha? Hahaha Parang hindi ako nagsikap ah.
Nagtawanan ang lahat. Dahil nga sa katarantaduhan niyang tanong, So epic. No substance.
Tumayo na si Benz para sa lahat. Kapag umasta kala mo may dating.
Ang sabi niya “Kung ako tatanungin niyo, malaki pa ang pag-asa ng batang yan. Madadaanan din ng bata ang napagdaanan namen. Naging matibay din kame noon. “
Pinilit nalang namen na umoo at inudyukan ko si Benny na sumangayon nalang. Kaya umoo nalang kameng lahat. Para siguro matapos na ang lahat sa mga pinagsasasabi ni Benz. Matapos na ang walang kwentang kwento niya. Joke.
Pero may point naman siya. Ang panget niya lang talaga magdeliver ng lines. Lines? Movie?
Ang pa-pilosopong tanong ni Benny” Weh, totoo, bakit? Paano ka ba naging ganyan? Wala naman nabago sayo ah” hahaha

Natatawa sa pagsagot si Benz.
Benz: “Hinde seryoso. noon na gaya mo, punong puno rin ng basura tong isipan ko. Pinilit kong linisin at itapon ang nakalagay na basura sa aking isip at pinalitan ko ng bagong pananaw. Parang baso. “
Benny: Weh, Ganun lang yun? Walang ka-effort effort.
Benz: Oo, ganun lang, bakit gusto mo pa ng formula, para idiscuss naten? Tado ka pala eh. Pinag iinit mo ulo ko ah.
Tawanan ang lahat.

Pagtapos nitong magsalita. Inalok niya naman si ate ng isang sigarilyo. Hindi tumanggi si ate. At sumindi na silang dalawa. Sabay din ng pagsindi ng ilaw ng Christmas light.
Napakanta nalang ako ng
 “You just gotta igniiiiiiiite the liiiiiight and let it shiiiiiiine. Just own the niiiiight like the 4th of Julaaaaaaaaay. 'Cause, baby, you're a firewooooooork”
Lumayo at bumuga ng usok nalang sila.
Nagbigay ng katahimikan.
Ate: “Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya, kung palalayasin ko ba yang batang yan? Naguguluhan ako. Baka hindi na pag aralin siya ng tatay niya kung malamang bumagsak siya at naging alanganin.”
So naisip ko naman, diba gusto mong makita ang magaling mong asawa. Edi sabihin mong naging ganyan ang bata para makita mo siya. (Sa isip ko lang naman yun. )
Humihikab na si Benny. Kala ko may umutot. Hikab pala.
Dahil nga siguro anong oras na rin at wala ring tubig sa itaas puro lang hampas ng hangin na talagang nakakahalele sa tenga.
Kaya para hindi siya umalis sa usapan. Inalok namen siya kung may maisa-suggest ba siya.
Ang eksena parang sa inuman. Ayaw paalisin ang tao para uminom muli. HOY SHOT PA! HOOY!
Benny: Ayoko na, baka naman kapag nagkwento ako mabalewala lang. Saka kung nandyan yang si Benz. Nakakailang lang magkwento ng opinyon ko,” Nakangiti na pa-nguso kay Benz. hahaha
Di kame nagpatinag. Pinilit pa rin namen siya na magkwento nalang. Hahah
Kasi nga, nga-nga narin kame sa topic talaga.
Benny: Kung ako tatanungin,
Yaaaan nagkwento rin siya.
Patuloy niya “Ang nakikita ko kay ate jorice ay hopeless na siya. Kinakaen na siya ng sitwasyon. Kailangan siya ang kumontrol sa sitwasyon. Noon nga eh, kung hindi niyo naitatanong , kung saan saan din napupunta ang pera ko kapag nakakatanggap ako ng sahod sa tatay ko. Napupunta lamang doon sa lugar na kung saan walang kusina. Lahat ng lumalabas dun pawis na pawis. Pero kami hindi. Sa madaling salita, kahit saan man ako pumunta. Kung ano ang itinanim naten. May balik. May kabayaran. Masama man o mabuti.  Mali ang ibinigay ni ama”
Ha? Ang lalim nun ah. Pwede bang bagalan mo? At mas maiintindihan namen.
Ang ibig niya daw sabihin “Okay na nangyari ang lahat. Maaari pang itama ang kaganapan. Palitan ang itinanim sa bata. Maaari pang solusyunan. Maari pang gawan ng paraan. Kung gugustuhin lamang. Hindi pa huli ang lahat. SIMULAN NG TAMA”
Benz: Natuwa naman ako dun. Dati hugot ka lang ngayon kumo-quote na mga linya mo.

Sagot niya : YES OF COURSE.

Tawanan muli ang lahat.
“Ikaw Benz, paano mo natatawanan ang isang sitwasyon o problema.’ Ang sagot naman ni Benz kay Benny “Matuto ka kagad magpatawad para mahanapan mo kagad ng nakakatawang bagay. Ano mang bagay. Subok yan”

YAH I SEE! Sagot ko.

At ang sabi ko naman ulit “Siguro tama kayo. Tama kayo sa opinyon. Pero syempre. Ano pa rin ang mahalaga ay kung ano ang desisyon ni ate. Siya pa rin ang masusunod.”
Anyway, para naman makasingit ako sa usapan nila. Syempre magbida sa ulo ng balita.
“Siguro nga tama ka Benz. May punto ang mga sinabi mo. Kay Benny  ang daan palang ng mga karanasan natin ngunit si Benz ay bihasa at natuto na sa pagkakamali. Tama kayong parehas. “
Magkamukha pa naman kayo. Bagay kayo.
Wala ng natawa dahil korny na talaga.

Ang dito na natapos ang kwento ng katotohanan.
Kaya kung babalikan mo ang buong istorya: Kaming dalawa lang talaga ni ate ang nag-uusap dito sa bahay. Walang tao na “Benny at Benz”. Sila lang dalawa ang parte ng mga kasagutan. Si Benny ang Past. Ako naman ang kasalukuyan. At si Benz ang sasagot  sa future.
 Kung inyong napansin. Sobrang ginagabayan ako ng kahapon para sa bukas.  Ibinuod ko ang issue gamit ang noon at ang hinaharap.

So, Let’s be real for a sec, ang Problema ang nagbibigay meaning sa atin buhay. Kung wala neto. Malamang pare-parehas tayong sira ang ulo. Sino ba pa ang magtutulungan diba ang magpapamilya din, in the long run. Mahirap hulaan ang mangyayari bukas. Pero pwedeng kontrolin dahil sa ginawa naten ngayon.
Meaning is the new luxury. What matters most is how well we walk through the fire.
Salamat mga kapatid.



5 comments:

  1. Nakakatuwa naman ang POV mo sa buhay. Siguro kung nahirapan si ate, gaano pa kaya ang hirap nung bata sa pagtatago ng kasarian niya, sa panahon ngayon hindi na talaga imposible na may badaf sa pamilya. Wish ko na maayos ni Ate ang problema niya sa anak... ganyan talaga ang buhay... hindi na kasiraan ang badaf sa pamilya ngayon... anyway nakakaenjoy ang palitan nyo ng kuro kuro... aliw!

    ReplyDelete
  2. Namulat ako nung sinabi mong paano ba kaya ang bata sa pagtatago niya ng kasarian?Well tama po kaya..Di ko naisip yun. hahahaha sana nga po maayos..haha..Naeexcite na nga rin ako sa mga susunod pang kaganapan..Marami pang maisusulat. Salamat po Master Rolf

    ReplyDelete
  3. Somehow naka-relate ako dun sa bata. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maamin sa family ko at sa madlang pipol ang kasarian ko. The funny thing about this is that obvious na obvious naman na kung ano talaga ako pero sadyang mahirap talagang iboses at i-show sa kanila ang 100% ako. It's easier said than done, and it's harder than you think. Grabe, ang hirap talaga sa ganitong sitwasyon.

    Anyway napadaan lang :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa pagdaan. Sobrang naappreciate ko po.. Bigla nga din po akong naawa sa pamangkin ko..ayun..thanks ulit talga.

      Delete
  4. Trying to find the Ultimate Dating Website? Create an account and find your perfect date.

    ReplyDelete