Monday, November 30, 2015

ANG BAHO NG HININGA KO


Hoy, ikaw reader na napadaan. Alam mo ba. Napaka-meaningful ng katha ko ngayon. Maaaring sabihin ng mo na mababaw tong topic ko pero para sa akin, ito ang tunay na buhay. Ito ang dahilan ng lahat. Ito ang purpose naten sa buhay. Mapo-proof ko yan. Saglet lang. Hayaan mo kong magpaliwanag.
Ito ang nagbibigay ng kaligayahan sa bawat isa. At ang tinutukoy ko ay ang continuous na “paghinga with feelings”. Papatunayan ko yan.
Kakagising ko lang galing sa 14hours of sleep. Ang sarap diba. Kung kakalkulahin naten. Para akong bumiyahe papuntang Pampanga. Bawing bawi sa tulog. Siguro mga 6am ng umaga. Ginugutom ako nun kaya uminom nalang ako ng dalawang baso ng tubig at bumalik muli sa pagtulog. 11am gumising na ko. Uminom kasi ako kagabi ng alak. Kaya medyo senglot pa ako. Eh kasi naman araw araw, buong weekdays na ata, gumigising ako na parang kulang lagi ako sa tulog. Ang hirap gumising.
At ang kwento kanina. Hindi ko maipaliwanag ang tulog ko. Parang hindi ako humihinga. Oh baka sabihin mo “Malamang tulog ka kaya di mo napapansin iyo.” Medyo tunog tanga yung sinabi ko pero parang di siya continuous kasi. Kashungaan naman diba kung di ako nahinga, edi patay na ko. Ang gusto ko lang naman tumbukin ay yung matino at ramdam na ramdam na paghinga. Kaya paggising ko kanina. Biglang tumibok ng mabilis ang puso kong umiibig. Parang sinasabi ng puso ko. “Hindi ka tunay na natulog. Umidlip ka lang tsong. “ Feeling ko pinatay lang ang ilaw. Parang ganun lang.
Kaya ang ginawa ko. Nagdesisyon nalang ako na maging relax ang Sunday ko ngayon. Umupo ako sa sahig na may foam, binuksan ko ang electric fan, niyuko ko ang ulo nito at itinutok sa mga hita ko para di pawisan ng todo ang naiipit na tuhod ko. Syempre bago ang lahat, nilinis ko muna ang buong kwarto ko. Natural, hihinga ako eh. Alanganamang huminga ako at singhutin ko ang basura sa buong kwarto. Di naman tama yun. Templo kaya tong katawan ko. Bawal dungisan. Bawal dumihan.
Kaya eto na, nagset ako ng timer sa phone. Inilagay ko siya sa 20mins. Saka ko nilapag ang phone at dumirecho na ako sa tuloy tuloy na paghinga ko.
Marami akong natutunan sa paghinga ng totoo. Kaya nasabi kong totoo kasi ito yung paghinga ko na feel na feel ko ang pagbuga at pagsinghot. Ang paghinga ng ganito ay hindi ganun kadali. Hindi siya ganun ka--simple. Marami akong na-encounter na problema sa binalak ko na paghinga ng walang hinto na to pero hanggang sa ngayon di pa ko nagtatagumpay. At ito ang mga dahilan ng mga yon.

Una, sa pag inhale at exhale. Unang naging kalaban ko ay ang sound trip ko kanina. Habang nahinga ko. Play ng play sa utak ko ang “Love yourself ni Justin Bieber”.  So gumawa ako ng strategy para matapos na. Gumawa ako ng solusyon. Inisip ko nalang na nasa dagat ako, yung tipong humahampas sa mga paa ko yung wave ng dagat, nagci-circulate ng mabangong hangin ang paligid at tahimik na tahimik ang environment na may sense. May sense para di ako lugi sa sinabi ko. Pero bigo pa rin eh. Di ko pa rin mabuo ang 20mins na tuloy-tuloy na paghinga. Imbyerna talaga.

Pangalawa, Ang ingay ng paligid, mahirap makapag-concentrate kapag maingay ang paligid. May nagvi-videoke kasi sa kabilang bahay, ganyan naman eh kapag kinabukasan ay holiday. Parang wala ng bukas ang kapitbahay magsaya. Kasama pa pati ang ingay ng mga tumatahol na aso. Tumitilaok na mga manok. Hampas ng pinto sa labas. Tunog ng gripo at iba pa.

Pangatlo, sa tuwing gagawin ko ang paghinga na to. Laging may bumabarang plema sa lalamunan ko. Parang Naia tuloy ang lalamunan ko. Nilaglagan ng bala. As in, sobrang hirap. Parang may nakabarang garapon sa lalamunan ko. Hadlang siya sobra.

Pang-apat, di ako makatagal sa dagat. Sa iniisip kong dagat. Laging sisingit sa eksena yung mga kaninang naiisip ko. At mga bagong ideya habang humihinga ako ay sumisingit. Biglang papasok sa isipan ko yung gusto kong gawin. Biglang papasok yung kanina kong kausap. Biglang papasok ang wino-worry ko kanina. Doon palang, napatunayan ko na di biro ang paghinga ng maayos. Yung pinapangarap ko mafeel na may lumalabas na kaluluwa sa katawan ko. Hindi ako makatagal . Di ko ma-feel na powerful ang soul ko. Siguro nga’y di pa talaga ako sanay sa ganung paghinga.

Pang-lima, biglang akong ginugutom during neto. Payat ako diba. Pero ito ang ilan sa nagpapagutom sa akin ng todo.
a.       Kapag tumatawa ako ng malakas, ginugutom ako.
b.      Kapag nahinga ako tulad neto, ginugutom ako. Sobra.
c.       Kapag uminom ako ng pinakamasarap at mainit na soup. Gugutumin ako niyan.
Kaya ang dahilan ng lahat ay sa tiyan ko talaga.

Pang-anim, di ko basta basta natatapos ang 20mins na paghinga. Reset ako ng reset ng timer. Balik lagi sa 20mins. Kapag di ko name-maintain ang tuloy tuloy na paghinga. Tinitigil ko na. Makikita ko nalang sa phone ko. 6mins nalang ang remaining time. Kaya ganun nga, di pa ko matapos tapos. Punyeta.

Pang-pito, Sobrang laki ng nababago sa buhay ko na to pagtapos kong gawin tong kaugalian ko na to. Ang paghinga. Malaki ang nababago sa araw ko. May something different na nangyayari. Naa-achieve ko ang mga goals ko. Nagiging masaya at kalmado ako ang araw ko. Partida pa, di ko pa natatapos ang 20mins. Paano pa kaya kapag natapos ko na. Hmm Exciting.

Ito ang catch: Ang paghinga ng tao ay katulad rin ng pamumuhay naten dito sa mundo. Kung nabubuhay ka na wala sa tamang paghinga. Ang resulta ng buhay mo ay puro problema at sakit ng ulo. At sabi pa sa mga article na nabasa ko. Di ko lang mahagilap eh pero meron nun talaga. Di ako nagsisinungaling. At ang sabi, Isa sa pinaka pinagmumulan ng sakit ay  di tamang pagbreathe o paghinga. Ang simple diba. Siguro dahil hindi nag umiikot ng husto ang hangin sa katawan o di kaya di nagtatrabaho ng husto ang puso. Nakapetiks lang. Kaya hindi langdapat  i-hydrate ang katawan sa tubig kundi paghinga rin ng maayos ang dapat bigyan ng pansin. Pero kapag sinimulan kong maging habit ang tamang paghinga, mas lalo akong lumalakas. Sa totoo lang. Mas lalo akong nakabase sa sarili ko. Nagkakaron ako ng joy sa buhay. Ito ang tunay na layunin ng buhay ko.

Marami pa akong di alam sa meditation. So, practice pa more. 


Try niyo din. Mga peeps. Di mabaho hininga ko. Joke lang yun noh. Duh.

No comments:

Post a Comment