Pahina ng sarili kong diskarte sa - law of attraction, - passion ko sa pagsusulat, - diskarte ko sa buhay at trabaho, - diskarte kong produktibo, - malikhaing kwento - at tips/motivation ko sa success na may halong nakakabastos na humor.
Monday, January 25, 2016
Wednesday, January 20, 2016
MORE REVISED. MORE CHANCES OF WINNING
Nagsimula ang buhay ko isang blankong papel.
(intro yan para kunyare maganda ang sulat ko ngayon.) hahaha
Hinding hindi maipapaliwanag ng mga magagaling na experto
ang sayang nadarama ko noong nabili ko na din sa wakas ang simpleng pangarap ko
sa buhay.
Ito ay ang….dan dan dandaaaaaan.. Ang mahiwagang “Roller Blades”.
haha
Ang saya ko? alam mo? ay para akong binili ng ermat ko ng
bagong sapatos na mamahalin ang presyo. Ganun ang feelings. Katumbas din ng
saya ko nung gumanda na ang pagdumi ko. Success!
Wala ng hihigit sa kaligayahan kapag panatag tayo sa binili
naten. haha tama!
Nagdesisyon akong bilhin ito para na rin may exercise akong
sinusunod. Ang hirap kasi ng walang batayan sa pag eehersiyo eh. Minsan di ko
na napapaganda ang hubog ng katawan ko dahil sa katamaran ko. haha Saka para
magamit ko din sa videography ito.
Ayun.
Kaya nagpakundisyon lang ako ng konti sa bahay pagtapos
bilhin ito, konting sight sight sa youtube ng mga tricks at basics kung paano
gamitin ang rollerblades ng “matino”. At dumirecho na ako sa pinakamalapit na
complex sa city namin. Pero bago ako makarating doon sa paroroonan. Naka-ilang
semplang, dapa, na rape ako, minolestiya ako ng mga tambay, sinamantala nila
ang kahinaan ko, binastos nila ako verbally. Joke. basta naka-ilang bagsak muna
ako dahil di pa ako marunong lumundag sa putang inang mga humps ng bawat street
namen. Masaya ang naging experience ko ngunit nakaka-kaba kasi may konting risk
factor ang ganitong toy. Nasabi kong may risk factor para convincing naman
pakinggan.
Kaya unti unti kong napag isip isip. Habang tumatanda tayong
lahat, I mean, nadadagdagan ang edad natin. Mas lalo tayong nag-iingat. Mas
lalo tayong nagiging observant sa sitwasyon o bagay bagay na papasukin naten.
Hindi nagpapadalos dalos kumbaga.
Ganito kasi ang mga na-notice ko sa activity na to.
Sa pag ikot ikot ko in a hundred times sa complex gamit ang
blades. May nakasalubong kagad akong mga limang batang chewbacca este makukulit na mahilig
din sa blades. Alam mo sila, kahit saan mo sila dalhin. Kahit saan mo sila
padaanin. Nalalagpasan nila. Ganyan din ako noon, wala din akong takot. Noon
kaya, sumasabay pa ako na nakahawak sa likod ng tricycle para mas bumilis ang
takbo ko ng blades ko. Pero ngayon, alam natin na delikado yun. Kaya sabi ko sa
sarili ko.
“Shit naman, grabe. Sana naging kasabayan ko sila sa pagpa-practice
noon, eng geleng eeeh” haha
Nakakatuwa kasi, makikita mo sa mga kilos nila na wala
silang katakot takot. Parang di sila nanonood ng mga Nega na balita sa telebisyon
at radyo. Wala pang phobia. Di tulad ko. Nakahiligan ko at nagbabad pa naman ako
ng ilang taon sa mundo ng breakdancing na halos buwis buhay ang mga moves and
tricks namen noon tapos ngayong nagkaroon ako ng rollerblades. Bumili na din kagad
ako ng gears/protection sa katawan. Syempre alam niyo na ang kasunod. Ang unang
iisipin ko. Paano kung madali ako dito? Paano kung makomang ako dito? Paano
kung ma-Anderson Silva ang paa ko kapag nagkamali? Oo na, nega na. Pero nag-iingat
lang po talaga.
Yun ang sinasabi ko kanina na habang tumatagal mas lalo
tayong nag-iingat. Kapag syempre nagta-trabaho na tayo. Ayaw natin pumasok sa
trabaho na may pilay at baldado o paralitiko. Ang eksaherado ko man pakinggan
pero sana magets niyo ang topic ko ngayon. Nag iingat lang po tlga.
Bigla kong na-realize na kalahati ng buhay ko ngayon ay “Revision”.
Ang mga pagkakamali ko noon na unti unti ko ng tinatama. Mga kinakatakutan kong
sitwasyon noon, ay pilit ko ng nilalabanan. Yung mga kinahiligan kong sports
noon na nagfailed ako. Binabalik ko lang ngayon. Revised lang. Ang sarap maging
bata na nag-eexplore at nagsasaya lang tayo. Habang tumatagal at nadadagdagan
ang responsibildad ng tao. Kadalasan, mas lalo nating iniisip na mapanganib ang
mundong ating ginagalawan. It’s very wrong.
Isa akong taong gutom palagi. Ayokong sumama sa busog na tao.
Ayokong ihain sa kanya ang di pa niya nadanasan from all different walks of
life. haha Di ako mayabang na tayo. Di ako sakim, tantado. Minsan naisip ko na
kailangan ng lahat ng tayo na maging “gutom.” Gutom sa kaalaman. Gutom sa
pagmamahal. Gutom sa pagtulong. Gutom sa exercise tulad ko. Blah blah blah. At
di deserve ng mga busog ang kaibigang gutom. Tandaan niyo yan. Kasi kung
irerevised ko lahat ng chapter ng buhay ko. Ang dami kong nasayang na oras sa
pagkukumbinsi sa mga taong ayaw matuto. Kung di sila ngayon kikilos at ang
sarili nila ay tutulungan, malamang bukas ay nganga sila. haha Hindi pwedeng sa
lurk lang ng corner ng mundong ay “ang gutom ay tatahimik nalang”. Sorry sa
pinaglalaban ko. hahaha
Kaya naman sa sports ng skating.
Kakaibang mundo ang bumabalot sa akin ngayon. Ito na ata ang
sinasabi ni Pareng Steve Jobs na “Connecting the dots by looking backward on your
life”. Binalikan ko talaga lahat. Kita niyo naman.
Ang saya. Tengene.
Minsan sa aking pag iisa. Maiisip ko muli ang trabaho ko na alam
ko namang inaaliw lang naman ako nito upang maging abala. Ubos na sentimiyento
ko para sa trabahong kong ito. Panahon na para kumalas. haha
Ito ang simula ng revision ng buhay ko. Kapag nag-Sayonara
na ko sa mundong ito. *insert Next in Line song* Pero wag naman po muna sana,
Lord. Kailangan sa pagharap ko pintuan ng langit. Presentable ako sa Panginoon.
Dala ko ang resume ko na may lamang maayos na soul. Dala ko ang resibo sa mga
ginastos kong oras. Dala ko ang puso ko. Wala ng revise revise pa kapag nag-present
sa langit. Makalangit man pakinggan na parang balasubas kasi sa akin nanggaling
hahaha pero yan ang papel ko dito sa magulong earth.
Ang dami dami dami pang pagbabago mangyayari “Now”.
Kaya nararapat lamang na sabayan ang malaking pagbabago. *Samahan mo ko Peter Cayetano. Baguhin natin
ang bayan*
Ang dami ko kasing planong hindi naman nai-implement.
Katamad eh. haha
Kaya ngayon.
Bawat hakbang may correction na kalakip. Saan man mapunta
laging may editing na sasalubong panigurado. Sa mga sisita sa mga gagawin ko. Okay
lang yan. Leche ka eh.
When the whole week is about to end, parati ko pala dapat
nire-review ang mga nagawa sa buong linggo.
Rethink. Rethink. Rethink.
Actually, hinahanap ko nga ang ginawa kong framework para sa
mga pangarap ko ngunit parang nawawala ata. haha
Sa bawat bundok na aking naa-akyatan, mas lalo kong
natatanaw ang ganda ng buhay. Tunay ngang ang kapangyarihan ng lahat ay “talino
at karunungan” na pwede nating maging sandata sa pamumuhay araw araw. Additional
nalang ang pagiging malikhain.
Ang buhay ko ay isang blankong papel na puno bura ng maling
desisyon. Ngayon umaahon na.
Tuesday, January 12, 2016
LUMULUHA DIN ANG KATAWAN KO
Ang kwento ng isang pwet na nasasaktan.
You know what. Sa tuwing nagkakaron ako ng problema sa “pagdumi
o sa pagtae”. Lagi kong naaalala ang biruan ng mga kababata ko sa akin noon. Alam
niyo ba kung ano yun? halika daliii.
Ganire kasi ang istorya noon. Sisimulan ko muna ng mahinahon
ah. Baka mabigla kayo masyado sa ibubunyag ko eh.
Ang kwento.
Nakakahiya man ikwento ito pero dahil nakakatawa naman at
wala naman akong ina-alagaang magandang reputasyon sa sarili ko. At masaya
naman pagtawanan lahat ng ito. Keri na yan. Iku-kwento ko na. Huwag niyo lang
po akong huhusgahan ng husto ah. Ayokong makarinig pa ng masasakit na salita.
Please. haha
Oh ito na. Noong bata ako. Mahilig akong magpigil ng
pagdumi. Ewan ko kung kanino ko namana yun. Kadalasan nangyayari ang lahat ng
ito sa loob ng library sa school namen sa elementary. Hilig kasi ng teacher ko
noon na pag-ayusin at pagbilangin ako ng mga books sa silid aklatan dahil
paborito niya ako. Di ko alam kung sadyang ma-alindog na ako noong bata pa ako
o matalino lang talaga. Alin lang sa dalawa kaya ako ang inaasahan ng guro
namen noon. Choz.
Sa loob ng library, feel na feel ko ang pagpigil sa pagputok
ng grenade sa pwetan ko. Gusto ko muna yung uutot muna ako bago ako tumae. Maybe.
This is wrong.
Saka di rin kasi ako mahilig tumae sa ibang lugar. Namamahay
ang pwet ko. Sa bahay lang talaga namen ako nadumi. Ganyan talaga siguro kapag
pinalaki sa mayamang pamilya. haha. Ang pagtae ko pa noon ay naka-squat. Alam
niyo ba yun? Yung nakataas ang dalawang paa sa bowl ng toilet. But now. Ayon sa
aking masusing pag aaral dahil nga dinadanas ko ang pagdurugo ng hemorrhoids, kaya
pinag aralan ko na ng husto ang mga ito.
Ayon sa google, napaka-ganda ng squatting position kapag
dumudumi. Dahil dito daw kasi, naiiwasan ang mga sakit sa colon at sakto daw
ang ganitong position sa pagdumi kasi direcho ang katawan pababa sa butas ng bowl.
Kaysa sa nakaupong position. Sabe!
Nung lumipas ang ilang taon.
Tumungtong ako ng grade 4 at nabalitaan sa lugar namen na bigla
daw bumulwak ang bomb sa salawal ko. NagWWE kasi ang mga kinaen ko ata noon eh.
Kaya doon na nagsimula akong tuksuhin na “tae o shit”. I cannott forget those
words that they'd uttered to me. haha Ayun. maliit na bagay lang naman yun na
naikwento ko lang naman.
Lagi din akong sinasaway ni Mama kapag naglalaro ako. Ang
konti ko uminom ng tubig. Paano niya nalalaman? Sa tuwing uuwi ako ng bahay
galing sa bakbakan sa laro, tutung-ga ako sa pitchel ng walang gamit na baso
pero ang konti lang daw ng iniinom kong tubig. Kaya sapok ang inaabot ko sa
nanay ko.
Kaya eto. Hindi pa rin ako tinantanan ng pagdumi. Kina-career
ko na ata siya. Sa tuwing dumudumi ako. Sobrang curious na ko masyado sa bawat
shit na lumalabas. Tingin ako ng tingin sa dumi. Observe kung observe talaga.
Nakaka-praning.
Pero ngayon. Ang aral na iku-kwento ko senyo ay ang benefits/lessons
sa sakit ko na ganito.
Sa wakas.
Magsasalita na rin ako ukol sa nararamdaman ng pwetan ko
ngayon. Ilang taon. Ilang buwan. Ilang linggo ko tong tiniis at kinimkim. Bakit
nga ba umabot ng taon? Paiba iba kasi ng buwan ako kung tamaan ng hemorrhoids
sa loob ng isang buwan. Kala ko tahimik lang siya. Nasa loob pala ang kulo
nitong sakit ko. Sobra niya akong sinasaktan. Wala siyang pakisama sa mga ibang
parte ng katawan ko. Para siyang isang birhen bigla nalang luluha ng dugo kapag
minsay hinipo. Pero marami naman akong positibong pananaw ukol dito. At ito ang
ilan sa mga yun. Interesting tong insights ko. Promise.
Sa sakit ko na ito. May maganda po akong balita senyo.
1. The closet I get
to my mom
Nagpapasalamat ako ng bonggang bongga dahil mas lalo pang
napapalapit ako kay Mudra kahit nagta-trabaho ako ngayon at malayo pa ang aking
pinagtatrabahuhan. Ang nanay ko kasi ang gumagawa ng mga salad na diet ko araw
araw. Noon pa man, nang nagka-trabaho na ako, nanay ko na talaga ang gumagamot
sa akin. Siya na mismo ang sumasama sa akin sa clinic kapag di ko na talaga
kaya ang kalagayan ko. At ramdam na ramdam talaga ni Mama kapag may sakit ako o
may problema man ako dinadala. Or may tinatago ako. Ang galing talaga niya,
sobra. The best ka mom.
At di pa dyan. Sa sakit ko na to. I look forward to going
home everyday. Mas namimiss ko ang nanay ko ng sobra kung paano niya ako
inaaruga sa bahay. Ang saya ko na dahil minsan kalahati ng messages ko sa phone.
Ang nanay ko ang reason. Feeling ko bata pa rin talaga ako ngayon Ang sarap.
Dati girlfriend ko ang lagi kong kasama sa hospital para
gumabay sa akin. ngayon ang nanay ko na.
2. What doesn’t kill
me makes me stronger
Ang dameng dahilan para ipagpatuloy ko ang pagiging malakas
at matapang. Malakas- kasi ang dame kong pangarap na gustong tuparin at matapang-kasi
di lang to ang mararanasan ko in the near future kung gusto ko pang magpatuloy. So, gusto ko pang magpatuloy kaya
eto talaga ang choice ko. Ang maging matatag sa buhay. At nag karon pa ako ng
urge na maging strong pa.
Diba nanay ko ang gumagawa ng mga kakainin ko para sa sakit
ko na to. So, nalalaman ko din kung paano bilhin at saan maganda bumili sa
palengke ng recipe para sa sakit ko dahil sinasabi niya sa akin laaht ng ito.
Napaka gandang opportunity neto para mas lalo pa akong tumibay at maging
responsableng tao. Mas lalo pa akong lumalakas at tumitinag.
Kaya nga kung titignan ko ang kapaligiran, kapag pala
nagbabago tayo para sa sarili natin, dun mo na mararamdaman na parang nagsu-suicide
na tayo. So, hinihimok ko ang lahat ng nilalang para sa malaking changes sa
buhay niyo.
Minsan parang suko na suko na ako, naiiyak na ako sa banyo
kapag nakaka-kita ako ng dugo kasama ng dumi. Pero naisip ko nalang, kung
matetegi ako ng dahil lang dito. Ang Julius babao ko naman nun. Walang mabigat
na paglaban naganap. Sa langit, kung wala ng pain, kalungkutan, walang
challenge. Baka boring dun. Dito nga talaga ang masaya. hehe
Saka kung susuko lang ako, sayang ang mga naipumdar kong
happiness dito sa earth. Gusto ko pang sundan yung mga yun to the maximum level
eh.
3. Todo Todong disiplina
Nagpapasalamat ako sa sakit na to, kasi mas natututo akong
disiplinahin ang sarili ko sa pagpili ng masusustansyang pagkaen lalo na sa mga
fast food stores. (Yan kasi ang malalapit na lugar namen) Sobrang ganda ng
benefit para sa akin neto.
Dito ko nasusubukan ang
tapang ng loob ko. Dahil ito ang matinding disiplina ko sa sarili.
Kasi kapag dini-disiplina ko ang sarili ko. Mas lalo akong
nagiging masipag sa pagkilos. Kasi alam kong kapag naulit ang ganitong
scenario, nako, iyak na naman ako.
4. Choosy sa Healthy
Food Dapat
Thankful ako sa sakit na to dahil binigyan niya ako ng
pagkakataon makilala ang di ko pa friends na mga vegetables at mga fruits.
Salamat talaga ng sobra.
NATIKMAN KO NA KAYO. HAHA
Noon, masuka suka ako at niluluwa ko ang mga gulay ngayon
tanungin mo ako kung ano na ang ginagawa ko. Wala naman, ginagawa ko lang “donut
of krispy crème” ang mga vegetables. Ganun siya ka-enjoy kainin.
5. Test of smile
“Ngumiti ka Ben, ngumiti ka sabi eeeh”
I’m so thankful to my pain. Dati sinasabi ko lang sa blog ko
kung paano ngumiti sa problema pero ako naman ang tinuturuan kung paano ngumiti
sa gitna ng unos na to. Mahirap at malungkot kapag ako na ang puntirya ng sakit
na to pero natutunan ko kung paano ngumiti.
Minsan pala alam natin ang gagawin natin sa buhay natin pero di natin alam kung paano
natin gagawin ang mga sinasabi natin. Kaya smile lang tayo.
6. Test of Faith
Nagpapasalamat ako sa sakit na to. Kung walang test. Hindi
ko malalaman kung nakalagpas ba talaga ako sa pagsubok na to o hindi. Kung hindi
dahil dito. Di ko malalaman kung gaano ako katibay sa gitna ng problema.
Natutunan ko maging positibo pa lalo. Mas naging creative sa
paggawa ng solusyon lalo na sa pag gawa ng sitz bath. Kung di niyo po naitatanong.
Ang “Sitz bath” po ay ang paraan na kung saan uupo tayo sa isang batya at
ilulubog natin ang ating pwetan sa maligamgam na tubig para magcirculate ng
husto ang mga dugo natin sa katawan. Ito rin ang paraan para mas mabawasan ang
pamamaga at kati ng sugat ng hemorroids. So gumawa po ako ng improvised na sitz
bath. Sa sakit ko na ito, mas lalo akong natutong harapin ang mga kinakatakutan
ko. Dito rin ako natutong magpasalamat pa sa ibang angle ng problema. Sa bawat
pagsubok na nakakasalamuha ko. Natutunan ko kung ano ang mga nalagpasan ko na.
Kaya salamat.
7. Tumaba ng konti
yung tiyan ko.
Nagpapasalamat ako sa sakit na to. Feeling ko tumaba ako ng
konti di tulad ng dati at malaki ang nababago sa katawan ko. Ang ganda ng
resulta. Ikaw ba naman magfocus na palambutin ang dumi. Di ka ba mag eexercise
para sa abs.
8. Tubig pa more
Kapag pinagsama na ang dalawang Hydrogen at isang Oxygen.
Ang magiging produkto ay si H20 or water. This is so important.
Kailangan ng katawan natin ng maraming maraming maraming tubig.
Ang ma-dehydrate ay hindi biro. Promise.
So, ginagawa ko na ang water theraphy. Nagiging habit ko na
to.
Kaya ngayon, alagaan niyo rin ang inyong pangangatawan. Nagpagtanto
ko ang sobrang kahalagahan ng tubig sa katawan. Di lang para lumambot ang ating
mga dumi kundi para sa pang araw araw na kalusugan. Di lang mata ang lumuluha
kundi ang buong katawan kapag minsan inaabuso naten ito sa pagta-trabaho. Ang
isang maliit na parte sa katawan kapag umaray ay apektado ang buong katawan.
Salamat.
Thursday, January 7, 2016
8760 HOURS: THE FABULOUS BOOK OF BEN
“Huuuy Friend, sensya
na talaga kung ngayon ko lang nai-post tong blog ko. Dapat talaga January 2 eh kaso
parang di pa buo ang pag-iisip ko nung mga panahon na yun eh. Senglot ata ako
nun. Kaya ngayon lang natapos. Sensya na talaga ah. “
Ayun. haha Wala lang.
Grabeeee. Dagsaan ang New Year’s goals sa Facebook
kamakailan lang. Okay na okay yang ganyan. Di nga ko makasabay eh. Para tuloy
naging essay writing contest ang social media particularly in Facebook. Infairness,
maganda naman sa paningin. Meron pa silang 3/365. Mga ganun. Alam ko naman sa
umpisa lang naman yung ganun. Praningning ka pa rin kapag nagpost ka pa ng 152/365.
Wow. Pero wag ka, dito nalang ako magsasabi ng saloobin ko tungkol sa mga plano
ko para sa “buhay-buhay”. (halos lahat ata nasabi ko dito).
Kaya dito ko nalang ilalagay sa blog ko. Atlis kahit papaano
naitago ko to. Sobrang bigat ng tiwala ko sa blog ko. Mga 120kg ang bigat.
Nyek. Pinagkatiwalaan ko din yung dingding namen, alam kong di niya ko ta-traydurin.
Alam kong hindi tatakbo ang mga pinagpapapaskil kong goal dun. Ayoko na rin
ipagsabi o sabihin mismo ang mga goals ko kahit kanino man. Ayoko eh. “kahit
mamatay na magtanong.” Di ko pa rin sasabihin. May pinoprotektahan akong tao. at
ako yun. haha Ang goal ko? Tutuparin ko nalang siguro. Yung output nalang siguro
o resulta nalang ang ipapakita ko sa social media. Para astig pa din tignan.
Pero maganda naman tignan kung tutuusin ang ginawa ng ating
kapwa Pilipino taon taon bago pumasok ang taon, ang dami nilang goals. Samakatuwid,
maraming gustong magbago at maraming gustong may marating. Clap clap.
Dinelay ko lang isipin ng konti yung mga goals ko. Ang tagal
ko kasing pinag-isipan to ng maigi eh. uy, maganda din minsan yung nagdedelay
ng desisyon ah.
Mayroon akong tinago para lang sa sarili ko. Ang mga ilalabas
ko lang ngayon ay General plan at Long term goal lang. Hindi siya details. Yun
ang sa akin lang. Wow diba. Kala mo Public Figure ako kung umasta eh noh.
Alam niyo naman, last year sobrang saya ng bawat moment pero
may konting “Dugo” moments. Ngayon nga padugo pa rin eh. Hindi to saksakan sa
kanto na binabanggit ko ah. Paano ko nasabi na madugo? Maya maya explain ko. Basta
anumang mangyari this year. Wala naman akong choice kundi “kayanin lahat” ng
hamon. Kaya, game.
This year. Dapat mas realistic ang mga sigaw at advocacy ko.
haha
Gusto ko maging Awesome na tao ngayong taon. Panis diba. Truelalu
yan. Ang bigat noh? Yung tipong simpleng bagay lang gagawin kong extra-ordinary.
Ooooow. Lupet yan. Yan ang adhikain ko ngayong taon. Napaka-abnormal ko diba. Ang
taas diba. Okay lang. Nais ko pa rin maging inspiring great admiration chenes
kyeme eklabu. Sobrang sobrang napaka magnificent ko kasi, alam mo yun sobrang
napaka amazing ko and syempre dapat stunning parin ako. hahaha ang adik.
Challenge ko sa sarili ko every week. Dapat marami akong
mabasa at matutunan sa libro ngayong taon. Sabi nga ni Pareng Dr. Seuss “The
more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the
more places you will go.”. Oh kitam? Napaka-interesting ng quotes diba. Ano pang
hinihintay niyo, magbasa na rin kayo.
Pipilitin ko rin ngayong taon na maka-angkop ako sa
pagbabago. Kung meron akong Minor goal. Dapat may major major goal. Simple
lang. Ay di pala to simple, ang difficult pala neto para sa akin. Ito ay ang
magkaron ng ugaling adaptable saan mang lugar o pagkakataon. Matuto akong
mag-adjust at makibagay. Minsan kasi sa sobrang pagmamahal ko sa ginagalawan ko
parang ayoko ng umalis.
Pero ayoko na nun. Dapat madisiplina ko ang sarili ko sa
ibang bagay naman. Saan man umihip ang hanging amihan. Susunod lang din ako at
dun ko itutuloy ang mga gusto kong mangyari. Tapos. Tapos. Tapos. Di pa yan
tapos. Pipilitin kong maka-go with the flow ang peg ko. Sabi nga sa chismis, at
kung sino man nagsabi nun, basta eto yun…
“The more adaptable
you are, the more you will be surprised and fascinated by your life.”
Hmmm. Kung ieelaborate ko. Dapat palaging bukas ang isipan
ko daw sa bawat changes. Laging din daw may naka-kargang “Plan B” dahil nga ang
buhay ay parating hindi patas. Mahirap hulaan ang future. Nasabi ko na yan noon
diba. Kaya dapat magfocus sa “Now na ngayon pa na nangyayari pa ngayon ngayon
lang”. Kaya dapat ready palagi sa paparating na opportunity. Hindi para sa mga
paparating na oportunista. Mga mang-gagamit
yan.
Nga pala, nire-view ko lahat ng mga nagawa kong task and
activity nung nakaraan taong 2015. Andame ko palang agendang hindi importante
pero nag-uubos ako ng oras para don. Lalo na yung mga inuuna ko kasi trip ko
lang gumastos at gumala. So, magbabawas ako ngayon. Magtatae ako ngayon. haha
Kaya masarap mabuhay kapag ang nilalakaran naten ay ang mga
likas na yaman. Yung mga magi-green. Ano ibig kong sabihin? Yun ang tinutukoy kong present moment na
hinahanap ko mga Dude. Sinabi ko na to noon pero uulitin ko lang. Ang ngayon
ang pinaka mahalaga. Sumpa. NOW AGAIN
AND AGAIN.
Minsan. Aminin ko man o hindi. Nakakalimutan ko na ring
magbigay sa iba kung ano ang meron ako ngayon. Saklap Pramis. Puro pansarili
lamaaaaaang .Walang sinuman ang namamataaaay para sa sarili lamaaaaang. Hindi
kasi, alam niyo yun, in the hustle of my everyday life I hardly realize how
much more I receive than I give kaya napagtanto ko na ang buhay ay cannot be
rich without the attitude of gratitude. Ininglish ko yan. Di ko masyado
nabanggit ang pamilya ko. Pero para sa kanila lahat ng to. Pipilitin kong
bumawi palagi.
Anyways, Inaasahang kong puro trabaho ang taong ito. Konti
lang ang pahinga. Limitado lang ang pagpe-preserve ng energy ko. Diba, di naman
weekly akong nagta-travel? Bihira lang.
Kaya ang aking Simple Wish ay makapagprepare ako palagi sa
umaga. Gustong gusto ko talaga ang umaga. Umagang kay Churva. Ito ang biyaya sa
akin ng Maykapal na di matatawaran. Ang umaga na mayroon talagang enormously
important. Ito ang pundasyon para mabuo ang isang buong araw kaya dito rin tayo
nag-aagahan. Isipin mo ah, kung ang bawat umaga ay sobrang ganda at sobrang
handang handa tayo. Para na rin tayong nagtravel nun sa malayong lugar dahil
ibang mundo ang binubuksan natin sa araw na ito. Sa mga tamad gumising ng maaga diyan. Kabahan
na rin kayo.
Ang umaga na tinatrabaho ko ay ang buhay na kung saan
natatawa ako araw araw lalo na sa umaga. Importante sa akin talaga ang oras ng
umaga.
Alam ko, minsan may problema din na nagaganap sa morning.
Kahit naman may problema o sakit akong dadalhin. WAG NAMAN
PUNYETA. Hindi naman hihinto ang mundo kapag magda-drama lang ako. Hindi naman
hihinto yung mga naglalandian sa Sea Side sa Moa, hindi hihinto ang mga driver
sa pagmamaneho dahil may problema akong dinadala. So, no choice, go lang din
talaga. Ang gawan ng solusyon.
Minsan madilim. Minsan masaya talaga ang buhay. Minsan naman
ang mga panget na araw ay siyang magbibigay din ng lesson at karunungan.
Alam niyo yan eh. Yung piliin nateng maging masaya kasi we
are so grateful for what we have and patient for what’s yet to come. Yan yun
eh.
At hindi matatapos ang isang linggo ko ngayong taon ng di ko
pagtutuunan ng todo at bonggang pansin ang aking kalusugan. Last year, halos
tinadtad ako ng sakit. Sakit sa pwet. Sakit sa ulo. Sakit sa tiyan. Isang
baldeng stress. Nabanggit ko nga kanina ang “Dugo” moment. Yun yung pagdugo ng
pwetan ko dala ng regla. Charot. Basahin niyo nalang sa mga old post ko kung
bakit nadugo. haha Ngayon, sisiguraduhin kong mas lalakas ako. Mas magagamot
ako. At mas titibay ako laban sa kahit na anumang sakit. Cross Finger Finger
Finger. haha
Diyan sa sakin ko naman natutunan na kahit anumang problema
o sakit. Tawanan mo lang ng konti giginhawa ng konti din ang sitwasyon. So,
tawa pa more in the middle of situation para magmukha din kayong tanga. hahaha kasi
kapag ang isang bagay pala tinawanan mo ng konti, magtatagumpay ka kahit papaano.
Try niyo. Yan ang mga galawan.
At para naman
sa mga magiging sulat at mga lines ko. Ayoko na sana tong sabihin pero dahil
ito ang aking magiging batayan. Sige isasabay ko na rin. Mapilit kayo eh. Aaminin
ko na, gusto kong maging “Line man” sa Blogspot. Titiyakin ko na kapag
ako nagdala ng linya, magkakaroon ka ng supply ng karunungan. Chos, hindi naman.
Magkakaron lang naman spark ang mga linya ko. Magdadala ako ng linya, siguradong
safe ako, laging nakasuot ako ng body harness sa pag akyat sa mainstream. Para
walang away at gulo. Wala akong tatapakang ibang tao. Di ako mahuhulog kani
kanino man. Kapag ako
nagdala ng linya, nasa timing. Pulido ang mga materyales na gagamitin ko. May
impact. May palo. May fatal blow na rin. haha ako lang ang magiging line man na
ako na rin mismo ang source. haha
At pagdating naman sa videography, napakasimple lang din ng gagawin ko. Practice. Practice. Practice.
Kaya.
Sobrang laki ng pasasalamat ko talaga sa taong nakalipas. Ang
matawanan ko ang maliit na bagay. Sobra na akong nagpapasalamat sa Maykapal
nun. Basta anuman mangyari. Ilang beses man akong masaktan. Di pa rin ako
titigil. Kayang kaya yan. Mas hahabaan ko pa ang pasensya ko. Di ako pasisiil.
Salamat.
Salamat.
Sunday, January 3, 2016
Subscribe to:
Posts (Atom)