Thursday, January 7, 2016

8760 HOURS: THE FABULOUS BOOK OF BEN



“Huuuy Friend, sensya na talaga kung ngayon ko lang nai-post tong blog ko. Dapat talaga January 2 eh kaso parang di pa buo ang pag-iisip ko nung mga panahon na yun eh. Senglot ata ako nun. Kaya ngayon lang natapos. Sensya na talaga ah. “

Ayun. haha Wala lang.

Grabeeee. Dagsaan ang New Year’s goals sa Facebook kamakailan lang. Okay na okay yang ganyan. Di nga ko makasabay eh. Para tuloy naging essay writing contest ang social media particularly in Facebook. Infairness, maganda naman sa paningin. Meron pa silang 3/365. Mga ganun. Alam ko naman sa umpisa lang naman yung ganun. Praningning ka pa rin kapag nagpost ka pa ng 152/365. Wow. Pero wag ka, dito nalang ako magsasabi ng saloobin ko tungkol sa mga plano ko para sa “buhay-buhay”. (halos lahat ata nasabi ko dito).

Kaya dito ko nalang ilalagay sa blog ko. Atlis kahit papaano naitago ko to. Sobrang bigat ng tiwala ko sa blog ko. Mga 120kg ang bigat. Nyek. Pinagkatiwalaan ko din yung dingding namen, alam kong di niya ko ta-traydurin. Alam kong hindi tatakbo ang mga pinagpapapaskil kong goal dun. Ayoko na rin ipagsabi o sabihin mismo ang mga goals ko kahit kanino man. Ayoko eh. “kahit mamatay na magtanong.” Di ko pa rin sasabihin. May pinoprotektahan akong tao. at ako yun. haha Ang goal ko? Tutuparin ko nalang siguro. Yung output nalang siguro o resulta nalang ang ipapakita ko sa social media. Para astig pa din tignan.

Pero maganda naman tignan kung tutuusin ang ginawa ng ating kapwa Pilipino taon taon bago pumasok ang taon, ang dami nilang goals. Samakatuwid, maraming gustong magbago at maraming gustong may marating. Clap clap.

Dinelay ko lang isipin ng konti yung mga goals ko. Ang tagal ko kasing pinag-isipan to ng maigi eh. uy, maganda din minsan yung nagdedelay ng desisyon ah.

Mayroon akong tinago para lang sa sarili ko. Ang mga ilalabas ko lang ngayon ay General plan at Long term goal lang. Hindi siya details. Yun ang sa akin lang. Wow diba. Kala mo Public Figure ako kung umasta eh noh.

Alam niyo naman, last year sobrang saya ng bawat moment pero may konting “Dugo” moments. Ngayon nga padugo pa rin eh. Hindi to saksakan sa kanto na binabanggit ko ah. Paano ko nasabi na madugo? Maya maya explain ko. Basta anumang mangyari this year. Wala naman akong choice kundi “kayanin lahat” ng hamon. Kaya, game.

This year. Dapat mas realistic ang mga sigaw at advocacy ko. haha

Gusto ko maging Awesome na tao ngayong taon. Panis diba. Truelalu yan. Ang bigat noh? Yung tipong simpleng bagay lang gagawin kong extra-ordinary. Ooooow. Lupet yan. Yan ang adhikain ko ngayong taon. Napaka-abnormal ko diba. Ang taas diba. Okay lang. Nais ko pa rin maging inspiring great admiration chenes kyeme eklabu. Sobrang sobrang napaka magnificent ko kasi, alam mo yun sobrang napaka amazing ko and syempre dapat stunning parin ako. hahaha ang adik.  

Challenge ko sa sarili ko every week. Dapat marami akong mabasa at matutunan sa libro ngayong taon. Sabi nga ni Pareng Dr. Seuss “The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you will go.”. Oh kitam?  Napaka-interesting ng quotes diba. Ano pang hinihintay niyo, magbasa na rin kayo.

Pipilitin ko rin ngayong taon na maka-angkop ako sa pagbabago. Kung meron akong Minor goal. Dapat may major major goal. Simple lang. Ay di pala to simple, ang difficult pala neto para sa akin. Ito ay ang magkaron ng ugaling adaptable saan mang lugar o pagkakataon. Matuto akong mag-adjust at makibagay. Minsan kasi sa sobrang pagmamahal ko sa ginagalawan ko parang ayoko ng umalis.

Pero ayoko na nun. Dapat madisiplina ko ang sarili ko sa ibang bagay naman. Saan man umihip ang hanging amihan. Susunod lang din ako at dun ko itutuloy ang mga gusto kong mangyari. Tapos. Tapos. Tapos. Di pa yan tapos. Pipilitin kong maka-go with the flow ang peg ko. Sabi nga sa chismis, at kung sino man nagsabi nun, basta eto yun…

 “The more adaptable you are, the more you will be surprised and fascinated by your life.”

Hmmm. Kung ieelaborate ko. Dapat palaging bukas ang isipan ko daw sa bawat changes. Laging din daw may naka-kargang “Plan B” dahil nga ang buhay ay parating hindi patas. Mahirap hulaan ang future. Nasabi ko na yan noon diba. Kaya dapat magfocus sa “Now na ngayon pa na nangyayari pa ngayon ngayon lang”. Kaya dapat ready palagi sa paparating na opportunity. Hindi para sa mga paparating na oportunista.  Mga mang-gagamit yan.

Nga pala, nire-view ko lahat ng mga nagawa kong task and activity nung nakaraan taong 2015. Andame ko palang agendang hindi importante pero nag-uubos ako ng oras para don. Lalo na yung mga inuuna ko kasi trip ko lang gumastos at gumala. So, magbabawas ako ngayon. Magtatae ako ngayon. haha

Kaya masarap mabuhay kapag ang nilalakaran naten ay ang mga likas na yaman. Yung mga magi-green. Ano ibig kong sabihin?  Yun ang tinutukoy kong present moment na hinahanap ko mga Dude. Sinabi ko na to noon pero uulitin ko lang. Ang ngayon ang pinaka mahalaga.  Sumpa. NOW AGAIN AND AGAIN.

Minsan. Aminin ko man o hindi. Nakakalimutan ko na ring magbigay sa iba kung ano ang meron ako ngayon. Saklap Pramis. Puro pansarili lamaaaaaang .Walang sinuman ang namamataaaay para sa sarili lamaaaaang. Hindi kasi, alam niyo yun, in the hustle of my everyday life I hardly realize how much more I receive than I give kaya napagtanto ko na ang buhay ay cannot be rich without the attitude of gratitude. Ininglish ko yan. Di ko masyado nabanggit ang pamilya ko. Pero para sa kanila lahat ng to. Pipilitin kong bumawi palagi.

Anyways, Inaasahang kong puro trabaho ang taong ito. Konti lang ang pahinga. Limitado lang ang pagpe-preserve ng energy ko. Diba, di naman weekly akong nagta-travel? Bihira lang.

Kaya ang aking Simple Wish ay makapagprepare ako palagi sa umaga. Gustong gusto ko talaga ang umaga. Umagang kay Churva. Ito ang biyaya sa akin ng Maykapal na di matatawaran. Ang umaga na mayroon talagang enormously important. Ito ang pundasyon para mabuo ang isang buong araw kaya dito rin tayo nag-aagahan. Isipin mo ah, kung ang bawat umaga ay sobrang ganda at sobrang handang handa tayo. Para na rin tayong nagtravel nun sa malayong lugar dahil ibang mundo ang binubuksan natin sa araw na ito.  Sa mga tamad gumising ng maaga diyan. Kabahan na rin kayo.

Ang umaga na tinatrabaho ko ay ang buhay na kung saan natatawa ako araw araw lalo na sa umaga. Importante sa akin talaga ang oras ng umaga.

Alam ko, minsan may problema din na nagaganap sa morning.

Kahit naman may problema o sakit akong dadalhin. WAG NAMAN PUNYETA. Hindi naman hihinto ang mundo kapag magda-drama lang ako. Hindi naman hihinto yung mga naglalandian sa Sea Side sa Moa, hindi hihinto ang mga driver sa pagmamaneho dahil may problema akong dinadala. So, no choice, go lang din talaga. Ang gawan ng solusyon.

Minsan madilim. Minsan masaya talaga ang buhay. Minsan naman ang mga panget na araw ay siyang magbibigay din ng lesson at karunungan.

Alam niyo yan eh. Yung piliin nateng maging masaya kasi we are so grateful for what we have and patient for what’s yet to come. Yan yun eh.  

At hindi matatapos ang isang linggo ko ngayong taon ng di ko pagtutuunan ng todo at bonggang pansin ang aking kalusugan. Last year, halos tinadtad ako ng sakit. Sakit sa pwet. Sakit sa ulo. Sakit sa tiyan. Isang baldeng stress. Nabanggit ko nga kanina ang “Dugo” moment. Yun yung pagdugo ng pwetan ko dala ng regla. Charot. Basahin niyo nalang sa mga old post ko kung bakit nadugo. haha Ngayon, sisiguraduhin kong mas lalakas ako. Mas magagamot ako. At mas titibay ako laban sa kahit na anumang sakit. Cross Finger Finger Finger. haha

Diyan sa sakin ko naman natutunan na kahit anumang problema o sakit. Tawanan mo lang ng konti giginhawa ng konti din ang sitwasyon. So, tawa pa more in the middle of situation para magmukha din kayong tanga. hahaha kasi kapag ang isang bagay pala tinawanan mo ng konti, magtatagumpay ka kahit papaano. Try niyo. Yan ang mga galawan.

At para naman sa mga magiging sulat at mga lines ko. Ayoko na sana tong sabihin pero dahil ito ang aking magiging batayan. Sige isasabay ko na rin. Mapilit kayo eh. Aaminin ko na, gusto kong maging “Line man” sa Blogspot. Titiyakin ko na kapag ako nagdala ng linya, magkakaroon ka ng supply ng karunungan. Chos, hindi naman. Magkakaron lang naman spark ang mga linya ko. Magdadala ako ng linya, siguradong safe ako, laging nakasuot ako ng body harness sa pag akyat sa mainstream. Para walang away at gulo. Wala akong tatapakang ibang tao. Di ako mahuhulog kani kanino man. Kapag ako nagdala ng linya, nasa timing. Pulido ang mga materyales na gagamitin ko. May impact. May palo. May fatal blow na rin. haha ako lang ang magiging line man na ako na rin mismo ang source. haha

At pagdating naman sa videography, napakasimple lang din ng gagawin ko. Practice. Practice. Practice.

Kaya.

Sobrang laki ng pasasalamat ko talaga sa taong nakalipas. Ang matawanan ko ang maliit na bagay. Sobra na akong nagpapasalamat sa Maykapal nun. Basta anuman mangyari. Ilang beses man akong masaktan. Di pa rin ako titigil. Kayang kaya yan. Mas hahabaan ko pa ang pasensya ko. Di ako pasisiil.

Salamat.

No comments:

Post a Comment