Nagsimula ang buhay ko isang blankong papel.
(intro yan para kunyare maganda ang sulat ko ngayon.) hahaha
Hinding hindi maipapaliwanag ng mga magagaling na experto
ang sayang nadarama ko noong nabili ko na din sa wakas ang simpleng pangarap ko
sa buhay.
Ito ay ang….dan dan dandaaaaaan.. Ang mahiwagang “Roller Blades”.
haha
Ang saya ko? alam mo? ay para akong binili ng ermat ko ng
bagong sapatos na mamahalin ang presyo. Ganun ang feelings. Katumbas din ng
saya ko nung gumanda na ang pagdumi ko. Success!
Wala ng hihigit sa kaligayahan kapag panatag tayo sa binili
naten. haha tama!
Nagdesisyon akong bilhin ito para na rin may exercise akong
sinusunod. Ang hirap kasi ng walang batayan sa pag eehersiyo eh. Minsan di ko
na napapaganda ang hubog ng katawan ko dahil sa katamaran ko. haha Saka para
magamit ko din sa videography ito.
Ayun.
Kaya nagpakundisyon lang ako ng konti sa bahay pagtapos
bilhin ito, konting sight sight sa youtube ng mga tricks at basics kung paano
gamitin ang rollerblades ng “matino”. At dumirecho na ako sa pinakamalapit na
complex sa city namin. Pero bago ako makarating doon sa paroroonan. Naka-ilang
semplang, dapa, na rape ako, minolestiya ako ng mga tambay, sinamantala nila
ang kahinaan ko, binastos nila ako verbally. Joke. basta naka-ilang bagsak muna
ako dahil di pa ako marunong lumundag sa putang inang mga humps ng bawat street
namen. Masaya ang naging experience ko ngunit nakaka-kaba kasi may konting risk
factor ang ganitong toy. Nasabi kong may risk factor para convincing naman
pakinggan.
Kaya unti unti kong napag isip isip. Habang tumatanda tayong
lahat, I mean, nadadagdagan ang edad natin. Mas lalo tayong nag-iingat. Mas
lalo tayong nagiging observant sa sitwasyon o bagay bagay na papasukin naten.
Hindi nagpapadalos dalos kumbaga.
Ganito kasi ang mga na-notice ko sa activity na to.
Sa pag ikot ikot ko in a hundred times sa complex gamit ang
blades. May nakasalubong kagad akong mga limang batang chewbacca este makukulit na mahilig
din sa blades. Alam mo sila, kahit saan mo sila dalhin. Kahit saan mo sila
padaanin. Nalalagpasan nila. Ganyan din ako noon, wala din akong takot. Noon
kaya, sumasabay pa ako na nakahawak sa likod ng tricycle para mas bumilis ang
takbo ko ng blades ko. Pero ngayon, alam natin na delikado yun. Kaya sabi ko sa
sarili ko.
“Shit naman, grabe. Sana naging kasabayan ko sila sa pagpa-practice
noon, eng geleng eeeh” haha
Nakakatuwa kasi, makikita mo sa mga kilos nila na wala
silang katakot takot. Parang di sila nanonood ng mga Nega na balita sa telebisyon
at radyo. Wala pang phobia. Di tulad ko. Nakahiligan ko at nagbabad pa naman ako
ng ilang taon sa mundo ng breakdancing na halos buwis buhay ang mga moves and
tricks namen noon tapos ngayong nagkaroon ako ng rollerblades. Bumili na din kagad
ako ng gears/protection sa katawan. Syempre alam niyo na ang kasunod. Ang unang
iisipin ko. Paano kung madali ako dito? Paano kung makomang ako dito? Paano
kung ma-Anderson Silva ang paa ko kapag nagkamali? Oo na, nega na. Pero nag-iingat
lang po talaga.
Yun ang sinasabi ko kanina na habang tumatagal mas lalo
tayong nag-iingat. Kapag syempre nagta-trabaho na tayo. Ayaw natin pumasok sa
trabaho na may pilay at baldado o paralitiko. Ang eksaherado ko man pakinggan
pero sana magets niyo ang topic ko ngayon. Nag iingat lang po tlga.
Bigla kong na-realize na kalahati ng buhay ko ngayon ay “Revision”.
Ang mga pagkakamali ko noon na unti unti ko ng tinatama. Mga kinakatakutan kong
sitwasyon noon, ay pilit ko ng nilalabanan. Yung mga kinahiligan kong sports
noon na nagfailed ako. Binabalik ko lang ngayon. Revised lang. Ang sarap maging
bata na nag-eexplore at nagsasaya lang tayo. Habang tumatagal at nadadagdagan
ang responsibildad ng tao. Kadalasan, mas lalo nating iniisip na mapanganib ang
mundong ating ginagalawan. It’s very wrong.
Isa akong taong gutom palagi. Ayokong sumama sa busog na tao.
Ayokong ihain sa kanya ang di pa niya nadanasan from all different walks of
life. haha Di ako mayabang na tayo. Di ako sakim, tantado. Minsan naisip ko na
kailangan ng lahat ng tayo na maging “gutom.” Gutom sa kaalaman. Gutom sa
pagmamahal. Gutom sa pagtulong. Gutom sa exercise tulad ko. Blah blah blah. At
di deserve ng mga busog ang kaibigang gutom. Tandaan niyo yan. Kasi kung
irerevised ko lahat ng chapter ng buhay ko. Ang dami kong nasayang na oras sa
pagkukumbinsi sa mga taong ayaw matuto. Kung di sila ngayon kikilos at ang
sarili nila ay tutulungan, malamang bukas ay nganga sila. haha Hindi pwedeng sa
lurk lang ng corner ng mundong ay “ang gutom ay tatahimik nalang”. Sorry sa
pinaglalaban ko. hahaha
Kaya naman sa sports ng skating.
Kakaibang mundo ang bumabalot sa akin ngayon. Ito na ata ang
sinasabi ni Pareng Steve Jobs na “Connecting the dots by looking backward on your
life”. Binalikan ko talaga lahat. Kita niyo naman.
Ang saya. Tengene.
Minsan sa aking pag iisa. Maiisip ko muli ang trabaho ko na alam
ko namang inaaliw lang naman ako nito upang maging abala. Ubos na sentimiyento
ko para sa trabahong kong ito. Panahon na para kumalas. haha
Ito ang simula ng revision ng buhay ko. Kapag nag-Sayonara
na ko sa mundong ito. *insert Next in Line song* Pero wag naman po muna sana,
Lord. Kailangan sa pagharap ko pintuan ng langit. Presentable ako sa Panginoon.
Dala ko ang resume ko na may lamang maayos na soul. Dala ko ang resibo sa mga
ginastos kong oras. Dala ko ang puso ko. Wala ng revise revise pa kapag nag-present
sa langit. Makalangit man pakinggan na parang balasubas kasi sa akin nanggaling
hahaha pero yan ang papel ko dito sa magulong earth.
Ang dami dami dami pang pagbabago mangyayari “Now”.
Kaya nararapat lamang na sabayan ang malaking pagbabago. *Samahan mo ko Peter Cayetano. Baguhin natin
ang bayan*
Ang dami ko kasing planong hindi naman nai-implement.
Katamad eh. haha
Kaya ngayon.
Bawat hakbang may correction na kalakip. Saan man mapunta
laging may editing na sasalubong panigurado. Sa mga sisita sa mga gagawin ko. Okay
lang yan. Leche ka eh.
When the whole week is about to end, parati ko pala dapat
nire-review ang mga nagawa sa buong linggo.
Rethink. Rethink. Rethink.
Actually, hinahanap ko nga ang ginawa kong framework para sa
mga pangarap ko ngunit parang nawawala ata. haha
Sa bawat bundok na aking naa-akyatan, mas lalo kong
natatanaw ang ganda ng buhay. Tunay ngang ang kapangyarihan ng lahat ay “talino
at karunungan” na pwede nating maging sandata sa pamumuhay araw araw. Additional
nalang ang pagiging malikhain.
Ang buhay ko ay isang blankong papel na puno bura ng maling
desisyon. Ngayon umaahon na.
No comments:
Post a Comment