Tuesday, January 12, 2016

LUMULUHA DIN ANG KATAWAN KO


Ang kwento ng isang pwet na nasasaktan.

You know what. Sa tuwing nagkakaron ako ng problema sa “pagdumi o sa pagtae”. Lagi kong naaalala ang biruan ng mga kababata ko sa akin noon. Alam niyo ba kung ano yun? halika daliii.
Ganire kasi ang istorya noon. Sisimulan ko muna ng mahinahon ah. Baka mabigla kayo masyado sa ibubunyag ko eh.

Ang kwento.

Nakakahiya man ikwento ito pero dahil nakakatawa naman at wala naman akong ina-alagaang magandang reputasyon sa sarili ko. At masaya naman pagtawanan lahat ng ito. Keri na yan. Iku-kwento ko na. Huwag niyo lang po akong huhusgahan ng husto ah. Ayokong makarinig pa ng masasakit na salita. Please. haha

Oh ito na. Noong bata ako. Mahilig akong magpigil ng pagdumi. Ewan ko kung kanino ko namana yun. Kadalasan nangyayari ang lahat ng ito sa loob ng library sa school namen sa elementary. Hilig kasi ng teacher ko noon na pag-ayusin at pagbilangin ako ng mga books sa silid aklatan dahil paborito niya ako. Di ko alam kung sadyang ma-alindog na ako noong bata pa ako o matalino lang talaga. Alin lang sa dalawa kaya ako ang inaasahan ng guro namen noon. Choz.

Sa loob ng library, feel na feel ko ang pagpigil sa pagputok ng grenade sa pwetan ko. Gusto ko muna yung uutot muna ako bago ako tumae. Maybe. This is wrong.

Saka di rin kasi ako mahilig tumae sa ibang lugar. Namamahay ang pwet ko. Sa bahay lang talaga namen ako nadumi. Ganyan talaga siguro kapag pinalaki sa mayamang pamilya. haha. Ang pagtae ko pa noon ay naka-squat. Alam niyo ba yun? Yung nakataas ang dalawang paa sa bowl ng toilet. But now. Ayon sa aking masusing pag aaral dahil nga dinadanas ko ang pagdurugo ng hemorrhoids, kaya pinag aralan ko na ng husto ang mga ito.

Ayon sa google, napaka-ganda ng squatting position kapag dumudumi. Dahil dito daw kasi, naiiwasan ang mga sakit sa colon at sakto daw ang ganitong position sa pagdumi kasi direcho ang katawan pababa sa butas ng bowl. Kaysa sa nakaupong position. Sabe!


Nung lumipas ang ilang taon.

Tumungtong ako ng grade 4 at nabalitaan sa lugar namen na bigla daw bumulwak ang bomb sa salawal ko. NagWWE kasi ang mga kinaen ko ata noon eh. Kaya doon na nagsimula akong tuksuhin na “tae o shit”. I cannott forget those words that they'd uttered to me. haha Ayun. maliit na bagay lang naman yun na naikwento ko lang naman.

Lagi din akong sinasaway ni Mama kapag naglalaro ako. Ang konti ko uminom ng tubig. Paano niya nalalaman? Sa tuwing uuwi ako ng bahay galing sa bakbakan sa laro, tutung-ga ako sa pitchel ng walang gamit na baso pero ang konti lang daw ng iniinom kong tubig. Kaya sapok ang inaabot ko sa nanay ko.

Kaya eto. Hindi pa rin ako tinantanan ng pagdumi. Kina-career ko na ata siya. Sa tuwing dumudumi ako. Sobrang curious na ko masyado sa bawat shit na lumalabas. Tingin ako ng tingin sa dumi. Observe kung observe talaga. Nakaka-praning.

Pero ngayon. Ang aral na iku-kwento ko senyo ay ang benefits/lessons sa sakit ko na ganito.

Sa wakas.

Magsasalita na rin ako ukol sa nararamdaman ng pwetan ko ngayon. Ilang taon. Ilang buwan. Ilang linggo ko tong tiniis at kinimkim. Bakit nga ba umabot ng taon? Paiba iba kasi ng buwan ako kung tamaan ng hemorrhoids sa loob ng isang buwan. Kala ko tahimik lang siya. Nasa loob pala ang kulo nitong sakit ko. Sobra niya akong sinasaktan. Wala siyang pakisama sa mga ibang parte ng katawan ko. Para siyang isang birhen bigla nalang luluha ng dugo kapag minsay hinipo. Pero marami naman akong positibong pananaw ukol dito. At ito ang ilan sa mga yun. Interesting tong insights ko.  Promise.

Sa sakit ko na ito. May maganda po akong balita senyo.

1. The closet I get to my mom
Nagpapasalamat ako ng bonggang bongga dahil mas lalo pang napapalapit ako kay Mudra kahit nagta-trabaho ako ngayon at malayo pa ang aking pinagtatrabahuhan. Ang nanay ko kasi ang gumagawa ng mga salad na diet ko araw araw. Noon pa man, nang nagka-trabaho na ako, nanay ko na talaga ang gumagamot sa akin. Siya na mismo ang sumasama sa akin sa clinic kapag di ko na talaga kaya ang kalagayan ko. At ramdam na ramdam talaga ni Mama kapag may sakit ako o may problema man ako dinadala. Or may tinatago ako. Ang galing talaga niya, sobra. The best ka mom.
At di pa dyan. Sa sakit ko na to. I look forward to going home everyday. Mas namimiss ko ang nanay ko ng sobra kung paano niya ako inaaruga sa bahay. Ang saya ko na dahil minsan kalahati ng messages ko sa phone. Ang nanay ko ang reason. Feeling ko bata pa rin talaga ako ngayon Ang sarap.
Dati girlfriend ko ang lagi kong kasama sa hospital para gumabay sa akin. ngayon ang nanay ko na.

2. What doesn’t kill me makes me stronger
Ang dameng dahilan para ipagpatuloy ko ang pagiging malakas at matapang. Malakas- kasi ang dame kong pangarap na gustong tuparin at matapang-kasi di lang to ang mararanasan ko in the near future kung gusto ko pang  magpatuloy. So, gusto ko pang magpatuloy kaya eto talaga ang choice ko. Ang maging matatag sa buhay. At nag karon pa ako ng urge na maging strong pa.

Diba nanay ko ang gumagawa ng mga kakainin ko para sa sakit ko na to. So, nalalaman ko din kung paano bilhin at saan maganda bumili sa palengke ng recipe para sa sakit ko dahil sinasabi niya sa akin laaht ng ito. Napaka gandang opportunity neto para mas lalo pa akong tumibay at maging responsableng tao. Mas lalo pa akong lumalakas at tumitinag.

Kaya nga kung titignan ko ang kapaligiran, kapag pala nagbabago tayo para sa sarili natin, dun mo na mararamdaman na parang nagsu-suicide na tayo. So, hinihimok ko ang lahat ng nilalang para sa malaking changes sa buhay niyo.

Minsan parang suko na suko na ako, naiiyak na ako sa banyo kapag nakaka-kita ako ng dugo kasama ng dumi. Pero naisip ko nalang, kung matetegi ako ng dahil lang dito. Ang Julius babao ko naman nun. Walang mabigat na paglaban naganap. Sa langit, kung wala ng pain, kalungkutan, walang challenge. Baka boring dun. Dito nga talaga ang masaya. hehe

Saka kung susuko lang ako, sayang ang mga naipumdar kong happiness dito sa earth. Gusto ko pang sundan yung mga yun to the maximum level eh.

3. Todo Todong disiplina
Nagpapasalamat ako sa sakit na to, kasi mas natututo akong disiplinahin ang sarili ko sa pagpili ng masusustansyang pagkaen lalo na sa mga fast food stores. (Yan kasi ang malalapit na lugar namen) Sobrang ganda ng benefit para sa akin neto.

Dito ko nasusubukan ang  tapang ng loob ko. Dahil ito ang matinding disiplina ko sa sarili.
Kasi kapag dini-disiplina ko ang sarili ko. Mas lalo akong nagiging masipag sa pagkilos. Kasi alam kong kapag naulit ang ganitong scenario, nako, iyak na naman ako.

4. Choosy sa Healthy Food Dapat
Thankful ako sa sakit na to dahil binigyan niya ako ng pagkakataon makilala ang di ko pa friends na mga vegetables at mga fruits. Salamat talaga ng sobra.
NATIKMAN KO NA KAYO. HAHA

Noon, masuka suka ako at niluluwa ko ang mga gulay ngayon tanungin mo ako kung ano na ang ginagawa ko. Wala naman, ginagawa ko lang “donut of krispy crème” ang mga vegetables. Ganun siya ka-enjoy kainin.

5. Test of smile
“Ngumiti ka Ben, ngumiti ka sabi eeeh”
I’m so thankful to my pain. Dati sinasabi ko lang sa blog ko kung paano ngumiti sa problema pero ako naman ang tinuturuan kung paano ngumiti sa gitna ng unos na to. Mahirap at malungkot kapag ako na ang puntirya ng sakit na to pero natutunan ko kung paano ngumiti.

Minsan pala alam natin ang gagawin natin  sa buhay natin pero di natin alam kung paano natin gagawin ang mga sinasabi natin. Kaya smile lang tayo.  

6. Test of Faith
Nagpapasalamat ako sa sakit na to. Kung walang test. Hindi ko malalaman kung nakalagpas ba talaga ako sa pagsubok na to o hindi. Kung hindi dahil dito. Di ko malalaman kung gaano ako katibay sa gitna ng problema.

Natutunan ko maging positibo pa lalo. Mas naging creative sa paggawa ng solusyon lalo na sa pag gawa ng sitz bath. Kung di niyo po naitatanong. Ang “Sitz bath” po ay ang paraan na kung saan uupo tayo sa isang batya at ilulubog natin ang ating pwetan sa maligamgam na tubig para magcirculate ng husto ang mga dugo natin sa katawan. Ito rin ang paraan para mas mabawasan ang pamamaga at kati ng sugat ng hemorroids. So gumawa po ako ng improvised na sitz bath. Sa sakit ko na ito, mas lalo akong natutong harapin ang mga kinakatakutan ko. Dito rin ako natutong magpasalamat pa sa ibang angle ng problema. Sa bawat pagsubok na nakakasalamuha ko. Natutunan ko kung ano ang mga nalagpasan ko na.

Kaya salamat.

7. Tumaba ng konti yung tiyan ko.
Nagpapasalamat ako sa sakit na to. Feeling ko tumaba ako ng konti di tulad ng dati at malaki ang nababago sa katawan ko. Ang ganda ng resulta. Ikaw ba naman magfocus na palambutin ang dumi. Di ka ba mag eexercise para sa abs.

8. Tubig pa more
Kapag pinagsama na ang dalawang Hydrogen at isang Oxygen. Ang magiging produkto ay si H20 or water. This is so important.

Kailangan ng katawan natin ng maraming maraming maraming tubig.
Ang ma-dehydrate ay hindi biro. Promise.
So, ginagawa ko na ang water theraphy. Nagiging habit ko na to.

Kaya ngayon, alagaan niyo rin ang inyong pangangatawan. Nagpagtanto ko ang sobrang kahalagahan ng tubig sa katawan. Di lang para lumambot ang ating mga dumi kundi para sa pang araw araw na kalusugan. Di lang mata ang lumuluha kundi ang buong katawan kapag minsan inaabuso naten ito sa pagta-trabaho. Ang isang maliit na parte sa katawan kapag umaray ay apektado ang buong katawan.

Salamat.

No comments:

Post a Comment