Tuesday, March 1, 2016

ANG INIHAING "DISH"



Ang hirap magsarili. Grabe. Ano po! (Hindi po ito masturbate ah)

Alam niyo yun. Ang hirap minsan kapag naubos na ang oras naten sa gawaing bahay. Naubos ang buong araw sa pagbili ng mga kailangan sa bahay at para sa pamilya. Ngayon kasi, wala pa akong alam na solusyon kung paano matatapos tong gawaing ito. At ewan ko kung matatapos ba ito. Kasama ko ang girlfriend ko palagi pero parang kulang pa ang ibinibigay naming dalawa na lakas para sa mga daily task. Tulungan pa kami nyan. Nyeta lang, haha pinili ko maging independent eee, kaya kailangan ko munang gawin ang mga bagay na bubuo rin sa akin para sa pamumuhay ko at ako din naman ang pumili ng trabaho ko ngayon. Kaya manigas ako. Hanggat wala pa akong katulong o yaya o kasambahay at lalo wala pa akong sariling bahay dahil wala pa akong pambayad, shet! kailangan kong tiisin at harapin lahat ng ito. Ayun lang naman. Gusto ko lang naman itala tong nararamdaman ko ngayon. Please. Alam ko mahalaga lahat ng to.

Ang dami ko kayang kailangan.

Kailangan kong maglaba para sa susuotin ko para sa buong linggo. Kailangan kong luglugan ang “water bottle” ko everyday para sa work ko. Kailangan kong ngumiti para maibsan ang sadness na nadarama ko. Huhu Kailangan kong harapin ang ngayon at bukas, ano mang ang ihain nitong putahe. Kailangan kong magplantsa ng uniporme para maging ka-aya aya ako sa ibang tao. Kailangan magdasal para mabuhay at makahinga. Kailangan ko ng karunungan. Kailangan ko banatin at alugin ang katawan ko sa pag eehersiyo para sa pamlakasang activity. All of this, gawa ko mag isa lahat.

Kung iniisip niyong mababaw lang tong inerereklamo ko. Please lang. Damdamin ko po to. Hashtag Respect to me haha Alam ko marami din ang namomroblema ng tulad neto. Alam ko di ako nag iisa.

At tapos pa, kailangan sa isang araw may mapasasaya akong isang tao, hindi man ibang tao, o kahit ako nalang sarili ko. Kung wala man, okay na ko dun. Yan naman ay kagustuhan ko din. Kailangan ko din ng tamang pag-iisip palagi. Mahirap yun ah. Basta, balanced life, kumbaga. Kailangan ko kasing maging masaya eh. Hindi malungkot at masalimuot ang buhay ko. Gusto ko lang talagang maging masaya. Kailangan kong i-check ang social media kung ano na ba ang nangyayari sa buong sangkatauhan. Na alam ko naman nakakaumay na minsan gawin. Iche-check ko pa kung meron na bang may mas masahol pa sa hayop. Mga ganun. Haha

Di po ko tinatamad sa lahat ng yan. Sa katunayan nga, mas lalo pa akong namo-motivate magsikap kasi na-realized ko, ang dami ko pa palang dapat asikasuhin at unahin. The game need change.

Kung kinakailangan din magbawas ng Gawain. Bakit hindi,

Ops! at meron pa, kailangan ko ding magbasa araw-araw para mapuno ng letra ang mga brain cells ko. Shinare ko to kasi I really inlove with the new words. Kailangan ko bumiyahe para makapunta sa trabaho at sumakay ng bus muli para umuwi. Paulit ulit. Ganun ganun. Ingat ingat lang. Kailangan kong kamustahin ang pamilya ko araw araw, kung okay ba sila. Ano na ba ang kalagayan nila? Pasalamat nga ako nagagawa ko yan ngayon, bata pa ako at may work, eh tatay ko di na magawa samen yan ngayon. Oo nga naman. Dalawa na pamilya niya. Intindihin.

Kailangan ko checkin ang pisngi ko kung may nagbago na ba. Meron pa bang dapat remedyuhan. Haha

Kailangan kong magreport araw araw kay Angeline kung nasan na ako napapadpad. Kung kumaen na ba ako o hindi pa. May kidney pa ba ako o wala na. Kakayanin ko yan lahat para sa aming ginintuang pagmamahalan.

Kailangan sa bawat araw makapagtype naman ako ng blog. Mga naisip kong ideya gawin ko namang isang kwento. Naisip ko nga eh. Parang nasanay na ako sa deadline sa eskwelahan. Kasi kapag walang deadline,hindi ko natatapos. Parang di na ko katulad ng dati na creator of habit.

Kailangan kong tapusin kagad ng maaga ang “paper works” sa opisina para makauwi din ng maaga. Kailangan ko ng tubig para di ako ma-dehydrate. Malamang noh? Well, Ayoko lang naman  na maulit ang constipation.

Ako pa naman, naging mantra ko na kasi sa sarili. Kung ano ang pinaka-negatibo sa buhay ng tao ay yun din ang pinaka-positibo para sa atin. Kaya etong lahat ng to. Kung may mali man akong nagagawa na hindi ko pa namamalayan. Positibo pa rin ang resulta niyan. Sigurado ako diyan.

Lahat ng ito ay kailangan kong gawin. Habang hindi ko pa naaabot ang mga pangarap ko sa buhay. Kailangan kong gawin ito at matutunang gawin lahat ng ito sa abot ng aking buong pwersa. Sa totoo nga lang, ang dami kong dapat memoryahin mga words kaso kinukulang ako talaga ng oras. Mahalaga talaga sa akin magkabisa ng salita.

Kailangan kong magbigay ng 1000 petot kada linggo kay mama. Kailangan ko mag-ipon ng pera para sa kinabukasan ko. Kailangan kong tuparin ang mga “long term goals” ko sa buhay ko. Naks! Lumo-long term, mga kapatid. Kailangan kong tipirin ang pera ko kasi dumadami na ang gastusin ko ngayon. Saklap man tignan na nagtitipid ako. Pero wala eh. Kailangan eh.

Kailangan kong mabuhay sa pagmamahal. Kakayanin yan. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Kailangan ko din mag ingat palagi sa daan. Sa balita daw, ang daming aksidente at holdapang nagaganap. Kaya i-ready parati ang matulis. Joke.

Lahat ng ito ay kailangan kong maabot. But wait. Di ko pa nabanggit ang “Peace of mind” pala. Yan din ang gusto kong ma-achieve weekly. Na sana matupad at tuparin ni God na bigyan ako ng gift na kahit sobrang 30 minutes man lang sa isang araw para makapag-reflect or meditate ako. Naibibigay naman minsan, makipag-cooperate lang sana ang “holy spirit” sa akin para ma-maintain ko to ng araw araw. Haha Ang dami kong iniisip, naiisip at iisipin ngunit parang akong napapagod na. Alam ko naman din na kinakailangan ng matinding disiplina para matupad ko lahat ng ito. Kaya nga minsan, humihingi na rin ako ng tulong sa sarili ko, tulungan niya akong sumpungin ng sipag. Haha

Kahit na sobrang dami kong kina-kailangan sa ngayon. Di ko pa rin kina-kalimutang magpasalamat ng magpasalamat ng magpasalamat. Three times yan, mga tsong. Lalo na sa bagay na meron ako. Salamat sa sa Itaas (heaven.). Ang iba nga. Sabi nila, narinig ko lang naman to. Hmmm sabi:

“Kailangan tayo ng Diyos dahil gusto niya tayo, pero kadalasan sa karamihan, kailangan natin ang Diyos pero di natin Siya gusto makasama araw araw. “ tama ba tong narinig ko? Haha

Hay, kung tutuusin, sobra sobra na lahat ng meron ako. Maaaring ang mga kailangan ko sa buhay ay dahilan para lamang mabigyan lang ng kulay ang buhay ko.

Kanina nga lang, ang dami kong nakitang pulubi sa daan habang ako’y nasa jeep. Malamang siguro, di sila nagchu-church. (Kung makapanghusga naman ako kala mo nagsisimba ako eh noh) Siguro kung may presidenteng magsusulong para udyukan at bulungan ang mga pulubi na magmilitar. Nak kow, napaka-maunlad ng buhay ng mga Pilipino. Sa dami nila, mas giginhawa pa ang buhay nila dun sa Military. At take note, ikakampaya ko pa araw araw sa blog ko yung presidenteng yun kung meron mang gagawa niyan.

Sana balang araw, mabigyan ko din ng kulay ang buhay ng mga pulubi sa daan.

Sa Pilipinas kasi. Kalahati ng mga tao, kung hindi nagsisimba, ay natutulog lang sa bahay. Minsan kasi ang iba, linggo nalang ang dahilan para makapag-pahinga. Buong araw kakayod tapos linggo ang tulog ni hindi man lang malaman kung butas ba ang bubong nila o wala sa sobrang busy sa trabaho. Para po to sa katulad kong nasa bente kwarto ang edad pataas na kailangan din ng awareness.
Basta.

Anuman ang lahat ng ito. Malalampasan ko. At nating lahat.  

No comments:

Post a Comment