Thursday, May 26, 2016

SET SIPAG TO THE RAIN



Ano? gagawin mo bang excuse ang ulan para tamarin ka ulit? Wag ganun tsong. Kumilos ka pa rin. Alam ko,  masarap matulog ngayong panahon ng tag-ulan kasi tapos na ang summer at hindi na pinagpapawisan ang likod mo habang natutulog sa sofa. Pero isipin mo pa rin, kung ipagpapatuloy mong mag ensayo sa larangan mo ngayong tag ulan, malungkot man ang paligid dahil kumikidlat pero payapa ka pa rin kasi makakapag isip ka ng maayos. Oo, maulan pero tanggapin mo parin ito bilang isang panibagong araw. Ang bagong pag asa na magbabago rin sayo. Given na yan, maulan, mahirap lumabas, walang pwesto sa bahay, masarap kapiling ang mga laptop at tv. Ngunit, mag ensayo ka pa rin, magiging ahead ka lang sa iba kung magsisimula ka ngayon. Tigilan mo yang pag-e-emote mo dahil nasasaktan ka sa ‘past relationship’ mo, hindi makakatulong yan. Kumilos ka. Gumawa ka ng paraan para may mapag aralan ka ngayon araw na ito. Madali lang humilata sa kama, madali lang bumunot ng pagkain sa ref pero isipin mo pa rin ang oras na nasasayang. Hindi kita pinagmamadali. Mahalaga pa rin na nagiging creator ka ng ‘habit’. Wag mong subukang makinig ng mga senti songs, wala naman pupuntahan yan. Hindi ako ‘basag-trip’ sa tag ulan. Ang sa akin lang, kung may pangarap ka, dapat wala ka ng pinipili pang panahon. Nakatulong ba yung pagkanta mo ng tuwing umuulan ang mga malalandi’y lunuring tuluyan? Wow. Hanep. Wala kang dapat sabayan at hintayin sa pagpatak ng ulan. Minsan sila’y nawawala bumababalik, tapos eto na naman. Magsasawa ka lang. Tapos kukulimlim tapos biglang aaraw tapos ayun na naman kukulimlim ulit. Wala yan. Dinidistract ka lang niyan. Hehe. Masarap kumain ng mainit na mainit na champorado at bagong lutong tuyo, tapos maghiwa ka pa ng kalamansi kung natapos mo na yung dapat mong gawin. Ayan ang masarap. Naulan man. Atlis may nagawa ka na. May natapos ka pa. Pwede ka rin namang mag ensayo habang naliligo sa ulan. Ako mamaya, gusto kong tapusin lahat ng gusto kong gawin pag kauwi ko dito sa trabaho at magluto ng ‘chicken noodles’. Tang ina ang sarap nun. Tandaan mo, madaling tamarin pero mahirap magpatunay. Basta bahala ka na umunawa sa sinabi ko. Isipin mo nalang umiiyak ang langit kasi tamad ang mga tao dito sa  lupa. Pero minsan naman, may kasipagan naman akong nakikita tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. Yung mga taong nagtatawag ng mga jip, gumagawa pa rin sila ng paraan para magkapera. Naglalagay sila ng kahoy o anumang bagay na pwedeng maging apakan ng mga tao para makalagpas sila sa daan na iyon. Yan ang kasipagan na nakikita ko. Natutuwa ako sa kanila. Naging madiskarte sila upang kumita ng pera ngayong tag ulan. Pagdating mo kasi sa dulo ng ginawa nilang daan. Biglang may manghihingi ng bayad. Parang tollgate yan eh. Haha Kapag may problema ka, papalungkutin ka lalo ng ulan, wag kang papa-apekto. Madali lang mag ‘hot chocolates and cuddles’ ngayon pero walang bisa yan kung wala kang progress sa sarili mo. At kung wala ka naman talagang balak na i-pursue. Hindi nababagay sayo tong post ko. Tapos na ang summer, manahimik ka na sa katamaran mo. Tanggapin mo na ang season ng tag ulan, maraming aberya sa daan, dapat mas lalo kang maging handa. Noon, sabi ko, kapag nagkapera ako, yung bote ng dispenser na malalaki, gagawin ko yung ‘Bangka’. Magwe-welding ako ng parang boat tapos ang bubuhat sa ginawa kong boat ay yung mga bottle na iyon. Maganda yung naisip ko kaso wala lang akong panahon. Gustong gusto ko talagang gawin iyon eh. At. At. At. bigla ko namang maaalala ang bahay namin, kung hindi niyo po alam, ang 1st floor ng bahay namin na kung saan doon nakatira sina kuya at mama, iyon ang lugar na binabaha. Kaya ako, kapag alanganin talaga ang sitwasyon, umuuwi ako ng bahay o hindi na ako tumutuloy sa trabaho at tumutulong nalang ako sa pag aangat ng mga gamit dito. Ang pinakachallenge sa akin dito ay yung magbuhat ng ref. Ang bigat, sobra. Kaya para sa lahat, wag kalimutang magdala ng tsinelas at payong, itabi palagi sa bag ang mga ito. Ako pa naman, maawain ako kapag may nakikita akong tao sa daan na mukang basang sisiw. Sila, Kadalasan na sinisisi nila ay yung mga school na ang tagal magsuspended ng klase. Noong college din ako. Bwisit din ako sa sistema na ganyan. Noon radio lang ang gadgets naminn upang malaman kung may pasok o wala. Paano ko naman kasi mapapakinabangan ang tv eh walang kuryente. Aasa ako nalang talaga sa may battery na radio. Ngayon, maulan pero maalinsangan pa rin. Lalamig din yan ng todo. Nawala na tuloy ako tungkol sap ag eensayo, basta mag ensayo tayo ng mag ensayo. Bitawan ang mga bighating dala ng karelasyon natin sa buhay. Gaya ng paglusong mo sa taas ng baha ang tibay ng loob mo. Magtiwala ka. Kalimutan mo na ang alaalang pinagsaluhan niyo ni ex. Kung nabasa ka man noon, siguro naman bukas tuyo ka na. At wag na wag mo ng hayaang bumuka pa ang lupa para lang malaman mong tagtuyot na. Ang tingin ko lang lagi sa ulan, nililibog lang ng langit ang lupa. Baka mag se-sex sila mamaya. haha

Tuesday, May 24, 2016

LET'S SPARK A NEW FLAME



MABUHAY SA GUSTO AT PAAPOYIN ANG LAKAS
Hay! Natapos din ang isang madamdaming ‘whole week’, wala naman, dinamdam ko kasi eh. Atlis nairaos ko din ang paulit ulit na ‘trabaho uwi, trabaho uwi’. Kauway kaya. Pero ngayon naman, may something na kaakit-akit. Ito ang araw ng Sunday na palaging naming routine ni Angel dito sa bahay na gigising kami ng 9 or 10am. Basta mauuna akong gumising, pusta ko yan. Magkasama kasi kami palagi ng Saturday Night at dito siya natutulog sa amin. Ito yung pinakamasarap na feeling ng life ko. Mantakin niyo yung katabi ko pa matulog siya at hindi ako mag-a-alarm ng phone ko para gumising, engsyerep dahil gigising ako sa oras ng pagmulat ng mga mata ko, yung mismong katawang lupa ko na ang gigising sa akin. Ang sarap. Hindi ito kulang. Hindi ito sobrang tulog. Katamtamanan lang. . (Kala niyo talaga ang dami naming ginagawa sa trabaho, parang pagod na pagod eh) Anyway, kapag nakatayo na ako galing sa kama, mag iinit muna ako ng tubig. At habang nag iinit ako ng tubig sa dispenser. Bubuksan ko naman ang laptop upang magpatugtog para magising naman si Angel sa ingay ko na dulot ng nonstop songs ni Mariah Carey. At kapag tumayo na siya. Siya naman ang maglilinis ng bahay. Trip niya yung nagkakape siya habang naglilinis ng kwarto, gusto niya inumin yung kape ng maligamgam habang ako pasilip silip sa labas ng bintana or nagkukumpuni. At kadalasan kapag may nakaimbak na  ‘Nescafe 3 in 1 at Milo’ sa bahay. Yan ang bonding naming dalawa sa sahig, chikahan. Ang cheesy naming dalawa kapag nagku-kwentuhan kami ng Sunday morning tungkol sa opisina or kung kani kanino.

Sa init ng panahon ngayon, mainit din ang paglalambingan namin ng mga oras na iyon. Kahit na medyo gutom dahil walang breaky kasi tanghali na gumising, basta may magkapares na Milo ako at may kape siya, kalmado na ang buong araw ng sunday naming dalawa. At kapag tapos na ang gawain sa bahay. Gagala naman kami. Dalawa lang naman ang pinupuntahan namin kapag kakain kami ng tanghalian. Kung hindi Harrison plaza o Mall of Asia. Yan lang ang palaging choices namen na Malls. Sa payapa naming pag iisip habang nilalakbay ang mall, nakakapagharutan pa kami sa tricycle. Ang tibay naming nagawa pa naming iyon. Masaya yung ganun ah. Haha

At hindi naman bago samin ang bibili kami sa SM sa may cashier area at kukulitin kami ng mga babae kung gusto ba namin mag avail ng ‘advantage card’ nila. Ang sagot namin palagi ay “Hindi”. Nung araw na iyon, scarf lang naman ang gusto kong bilhin ate, yun lang, wala na pong avail avail pa.  Ganyan din sa mga ibang convenience store. May magtatanong kung may gusto pa ba akong bilhin, ang sagot ko ulit ay “Wala na”.

Kung bibigyan ko lang ng magarbong explanation ang kanilang pag aalok sa akin. Well, hahaba  to, itotodo ko promise, di ko naman sila mina-masama. Ang sa akin lang, paminsan minsan, yan kasi ang nagpapahamak sakin eh. Yan ganyang pag aalok style. Di ko naman sila sinisisi, naikukumpara ko lang. Naihahalintulad ko lang yan sa mga nakahain sa lamesa ko. Anong pag aalok ang sinasabi ko? Ganire, noon, ang dami kong gustong mangyari sa buhay ko. Nagbunga ito dahil sa inggit at opinyon ng ibang tao. Kaya ngayon lagi kong sinasabi na mags-stick nalang ako sa isang goal. Di din madali yung may isang goal lang para sa akin. Napaka-multi tasker ko kaya. Joke! Dati kung ano lang ang sabihin sa akin ng iba tao, follow lang ako. But now, buo na sa aking isipan ang gusto kong maganap. Detalyado na ang lahat ng sitwasyon. Saan lugar ko gustong magtrabaho. Paano ang ginagawa ko. Bakit ko ginagawa iyon. Ano ang dapat kong gawin para madagdagan pa ang skills ko para dun. Lahat ng iyan, na-visualized ko na yan, araw-araw.  Binuo ko mag isa. Di na tulad ng dati na gaya gaya nalang ako sa iba. Atlis ngayon, hindi man ganun na ganun na-macky pulido ang maging output na inisip ko, ang importante naging creator ako.

Hindi ko kinakalimutan ang personal at professional na pangarap ko sa buhay. Ang pinakamasakit kasi para sa akin ay yung hindi ko pa nabubuo sa isipan ko ang gusto kong mangyari, ang kina-kalabasan tuloy, ang ibang tao ang nakikinabang sa mga nasimulan ko (ayoko ng banggitin).  Kapag hinayaan ko minsan na kainin ako ng problema ng ibang tao o kahit kaninong tao sa paligid ko, nawawala na ako sa direksyon. Mahina talaga ako sa ganyan. Affected much ako. Buti nalang, unti unti ko rin nade-develop kung paano buuin sa isipan ko ang bagay na gusto ko. Sa ganun paraan, nakakamove forward ako. Isa lang ang natutunan ko tungkol dito. Wala pa akong nakitang na-develop ng ‘overnight na pangarap’.  Aabutin talaga ito ng taon at mahabang panahon na dapat igugol sa pagbuo ng image sa ating isip. Kailangan nito ng masusing paglalaan ng oras para sa sarili na kung saan nire-reflect o ini-evaluate ko ang mga nangyari sa nakalipas na days para doon ako matututo. Kailangan lang nating i-cultivate ang bawat vision at perspektibo sa buhay. Syempre may kalakip din ito na logic at paghahanda. Di mawawala yan. Kaya kadalasan wag tayong papalinlang sa iba na diktahan tayo kung ano ang gusto natin mangyari sa buhay. Yan ang pinakamahalaga. Ang mabuhay na gawin ang gusto natin.

Tanong ko sa sarli ko? Ano ba talaga ang gusto ko? Ang sagot ko. Ang maging masaya lang. Kaya kung sa akin lang na mas ina-allow ko ang sarili ko na mas maexplore ko ang pinakamalalim na nararamdaman na kaligayahan ko. Maging totoo ako sa sarili ko. Ang lalim ba? Mas mahalaga kasi na i-remind ko ang sarili ko palagi na ang masayang buhay ay binubuo ng maganda at tamang pagdedesenyo.  Anong pagdedesenyo? Parehas lang din yan ng pagpa-plano. Sa pagdedesenyo kong ito, hindi pa rin ako nakakalimot na mahalagang magtayo ng magandang pundasyon para sa pamilya ko, kaibigan ko, trabaho ko, kalusugan ko at syempre ang balanseng pamumuhay. At hindi syempre mawawala ang  pinaka pinagkukuhanan ko na lakas na ispiritwal ng buhay ko at ang sariling kong ‘Paglago’. Medyo seryoso yung mga nabanggit ko pero ano man ang mangyari. Pipilitin ko pa rin maging magsaya at maging masaya. So, kilos pa.

Punyeta kasi yung sa SM eh.Dami ko tuloy nasabi.  Sige, tuloy na natin.

Nasabi ko na rin kanina kung paano ako mabubuhay sa gusto ko. Damay ko na rin pati yung apoy na bumubuhay sa akin.

Naalala ko pa nung mga panahong nagbabaga yung apoy na hawak. Yung moment na umaayon ang lahat dahil dedikadong dedikado ako sa ginagawa ko. Hard work kung hard work. Ngayon. Na-waley na. Samakatuwid, unti unti kong binabalik. Hawak ko lang ang apoy na dating hinipan ng iba ngunit ngayon sinisindihan ko ulit, pinapaapoy ko ulit. Hindi ako pinaghinaan ng loob. Mas nagiging creative ako humanap ng solusyon sa mga balakid na nakaharang sa akin. Mas kino-consider ko na ngayon ang mga posibilidad na noon ay hindi ko maisip isip na posible pala. Binibigyan ko pa ang sarili ko mangarap pa ng sobra sobra. Mas nagfocus ako sa sarili kong ‘Kinang’, King inang yan.

At mapapatanong ulit ako sa sarili ko. Nag-explore ako ng mga tanong. Mga tanong na, ano ba ang mahalaga para sa buhay ko? Ano pa ang mas idadagdag ko pa? Kung walang pera, ano ang igo-Go ko na kagad gawin? Tinupad ko ba yung sikretong gusto ko, tinago ko dahil alam kong may magnanakaw nito.  Ano pa ang mas nakakapagpasaya sa akin? Ano ba ang pinangarap kong relasyon sa ibang tao? Ano pa pwede kong i-develop? Anong ‘Mabuting Balita’ ang mas dapat ko pang pagtuunan ng pansin? Mayroon ba akong natatapos? Ano ang iiwan ko sa lahat?

Tanggap ko na wala naman talagang formula sa pagkamit ko ng lahat ng ito. Kung ano ang ibibigay ng ating Diyos, tatanggapin ko ng maluwag at isusunod ko lang ang gusto ko. Kung matagal kumilos ang mga stars para sa akin, gagawa ako ng paraan para mapansin ako nila dito sa lupa at senyasan nalang nila ako para sa akin. Sabay kaming magce-celebrate. Tinatanggap ko rin ang daan na ibinibigay ng MayKapal. Tagal naman kasi mag-align ng mga stars sa akin. Kaya sa mga naachieved ko, inunahan ko na ang mga bituin kumilos. Marami akong pitfall na nagawa pero hindi yun sapat na dahilan para matigil ako. Ano mang setback, hindi ako nagpatinag. Ang pinakapagkakamali ko sa buhay ay hinanap ko ang sarili ko sa simbahan o sa iba noon na nalaman kong nasa loob ko lang pala ang hinahanap ko.

Kung iniisip niyo. Kumikilos din ako. Hindi ako puro salita.

Kaya, pagkakatiwalaan ko pa ang sarili ko. Nakikinig na ko ngayon sa ‘Calling’ ko. Hi-nang ko lang saglit ang call, di ako nawala sa line. Palaging magbababad ako sa mga nangyayari ngayon. Ito na ang ‘Big Change’ ko. Ayoko ng humalik pa sa pwet ng ibang tao. Mabubuhay ako sa gusto ko. Uulitin ko. Pagkakatiwalan ko ang sarili ko, lalo na kung sino ako. Mahalaga talaga na nakikinig palagi ako sa inner voice ko. Tang inang bulong yan eh. Careless whisper. At sa pagkakaalam ko, hindi ako ang isip ko kundi ako ang taong nagpe-perform sa mga iniisip ko. Yan ang nadiskobre ko ng husto. At gusto kong mabuhay sa Pag ibig. Kahit na ang demonyo kong pag iisip ang naglalaro ngunit  mayroon namangg pusong anghel ako. Gusto pa rin magmahal.  

Puro lang ba ako salita? Hindi. Nagsisimula palang kasi ako.

Ako ang driver ng buhay ko. Minsan aminado akong ang daming ko pang sinasakyan, nalilito tuloy ako. Kung tatanungin ko ang aking sarili kung ang ginagawa ko ngayon ay ito ba ang buhay na pinangarap ko? ang sagot ko ay nakacapslock na ‘HINDI’. Kailangan kong lunukin ang pride ko para sa pamilya ko. Kahit na may kupal akong amo. Papasok nalang ako sa trabaho.

Napagtanto ko, na ang buhay ay parang madikit na sapot ng gagamba. Hindi ako makakaalis sa sapot na iyon kapag lalo lang akong nagpumilit kaya pag aaralan ko nalang ng maigi na makakawala dito. Bubuksan ko na ulit  ang big door para sa mga bagong pagkakataon. Minsan kasi sarado eh. Minsan naming tamad lang. Pagbukas ko ng pinto, itutuon ko ang aking mga mata at isipan ko sa mundong gusto kong buuin. Payapang buhay at sakto lang na sistema ng mundo, okay na sa akin iyon.  Oops nakakalimutan ko pa. Paglabas ko ng pinto na iyon. Nakakalimutan ko palang bilangin ang mga blessings ko. Ang dami pala nila. Sa mga sumusuporta sa akin. Thanks senyo. Mas mag build pa ako ng magandang relasyon sa mga taong mas umiintindi sa akin. Ipinipikit ko ang aking mga mata at pinipintahan ang magandang buhay na aking nais. Mas pinapalakas ko pa yung kalakasan ko. May rhyme yan, wag ka. Mahalaga sa kin ang work hard. Play hard. Gaya ng ginagawa ko tuwing Sunday. Papatunayan ko sa lahat na ang lahat ng iyan ay kaya ko.

At muntikan ko ng makalimutan ang takot ko. Magready ka lang. Itutumba rin kita. Haha Yan mga pinapangarap ko. Parti lang din yan ng pangarap ng lahat. Paano ko nasabi.? Pangkalahatan ang purpose natin dito sa lupa. Balak yan lahat ni Lord. Naks! Haha Kaya ikikilos ko yung mga naisip kong ideya. Yun ang challenge dun eh. Yung hindi ko kagad makuha ang gusto ko. Nahihirapan ako. Worth iyon para sa akin. Gaya nalang ng mga activity na bumubuhay sa mga dugo ko sa ginagawa ko. Humina man ang apoy ko. Kukulubin ko to ng kamay ko at papaapoyin muli.

Hayst, Si ateng cashier talaga ng SM, kung ano ano tuloy ang nasabi ko. Haha

Sabi sa mga di mapagkakatiwalaang tao: Don’t just create your dreams, stand back and be happy when you’ve achieved them – you deserve it! haha


Monday, May 23, 2016

PASSION KO SA FASHION SHOW MAGVIDEO






“Kailangan ko ng ‘Vitamin Sea’, so shut up nalang ako, ganito sana tayo, jejemon, tatlong bibe at kung ano ano pa ay hindi yan ang mga pinagkaka-abalahan ko ng mga lumipas na isang linggo. Kailangan may mapatunayan ako. Yan ang mantra ko. Well. Nagvideography ako nung Sabado. Yehey. Nabigyan ako ng opportunity ni sir Alvin. Nakakatuwa lang dahil may kumukuha pa rin sa akin na mga kaibigan ko na handang magtiwala sa husay, galing at sipag ko. Nilagyan ko na ng husay at galing para medyo may impact. Di naman ako tamad, natataranta lang. Kung noon, isang libo lang ang ‘TF’ ko o tinatawag na ‘Talent Fee’ na para sa akin, feeling ko lang, wala naman akong talent, hehe joke. Ngayon ay 1,500 na. Umaangat. Congratulations Ben. Improving ka na! Sana lang hindi masira ang gawa ko. Tiwala naman ako sa ‘SD Card’ ko. Please Lord. Hehehe Bakit ko nga ba nabanggit ang TF kasi ito ang gagamitin ko inspirasyon para mas magsumikap pa sa larangang ito.

Napakasaya ng naging experience ko sa pagshu-shoot ko ng video sa ‘Fashion Show’ sa may Quezon City Centris Elements. Papunta na ako dun. Bumaba ako ng GMA kamuning. Tapos naghanap ulit ng masasakyan. Hingal na hingal ako sa ginawa sakin ng lalaking nagpapadyak na sinakyan ko. Actually dalawa sila, palitan babae at lalaki. Si ate na nagda-drive kahit kitang kita na ang dyoga niya, tuloy pa rin siya sa pagpadyak. Ngunit wala pa rin akong interes doon. Naikwento ko lang. At ayun na nga, kung saan saan niya ako inikot. Nakakatawang pagdating ko doon, dalawa ang mismong events, kabilaan na fashion show. Ako naman, wala akong tanung tanong, kinuhaan ko kagad ang nagme make up na nakita ko. Pagnagkataon pala na mali ang napuntahan ko. Masasayang ang mga gawa ko. Sa awa ng Diyos, hindi nangyari. Anyway. Nagsimula ako sa preparation ng event. So kung ano ang makita ko, kailangan makuhaan ko ng magandang anggulo. Yun nga lang, hindi ko nasimulan yung mismong pag aayos ng mga stage. Pero tingin ko di na mahalaga iyon. Wala rin naman akong nakita sa ‘Victoria Secret preparation video’ nila na mga taong nag aayos ng mga upuan. Pag nilagay ko pa iyon baka maging ‘miting de avance’ na. Kaya siguro nagdecide na ako na di ko na isama iyon. Victoria secret show ang naging reference ko sa pagkuha ng mga candid shots. Nood nood sa youtube. Yan ang utos sakin, candid shots ang ifocus ko. Ang hirap sobra ng candid shots. Kailangan matyempuhan ko ng maganda ang mga embarrassing moments ng mga models. Hindi pwede yung uutusan ko yung mga tao dun na kumilos sila ng ganito o ganyan. Bawal yun.

At Nakakatuwang experience to para sa akin habang makita ko pa ang mga bata ay todo sa pagrampa sa stage mala rihanna ang work work work. Talagang sobrang ganap na ganap nila ang aura ng isang modelo. Ang tataas ng pangarap nila. Nakakainggit. Nga pala, ang fashion show na ito ay para sa mga teens. Walang mga naka bikini. Walang pre-mature na exhibit.

Mabalik tayo sa mga shots ko. Maganda naman para sa akin yung mga kuha ko. Haha Syempre ia-angat ko na ang gawa ko. Sino pa ba ang gagawa? Wala na kundi ako lang. Nakakangawit at nakakapagod ngunit sobrang saya. Tinigilan ko na makipagkilala sa mga models. Gawain ko noon iyon. Saka, gwapo naman ako eh. Ako ba kailangan lumapit. Joke. Nakipagkilala nalang ako sa isang photographer.  Para magmukhang professional naman akong tignan. Nakilala ko sila in a nice way. Yahoo.

Iba’t ibang shots ang nagawa ko. Nakumpleto ko yung goal ko na madetalye ko lahat ng anggulo. Siguro baka sumablay lang ako sa putok ng lights na kuha ko na video. Pero tiwala naman ako sa sarili ko kaya okay na iyon.


Siguro ito na yung pagkakataon na icombine ko ang passion ko sa videography career ko. Masaya ako eh. Sobra talaga. Ibang galak yung nararamdaman ko sa tuwing humahawak ako ng camera. Sana nga, hiling ko lang sa itaas na mas palakasin pa ako. Hindi ako mahinang tao. Feeling ko, may mas itotodo pa ako kaso low battery na talaga ako minsan. Kaya more practice pa yan. Kaya ko to.