Monday, May 23, 2016

PASSION KO SA FASHION SHOW MAGVIDEO






“Kailangan ko ng ‘Vitamin Sea’, so shut up nalang ako, ganito sana tayo, jejemon, tatlong bibe at kung ano ano pa ay hindi yan ang mga pinagkaka-abalahan ko ng mga lumipas na isang linggo. Kailangan may mapatunayan ako. Yan ang mantra ko. Well. Nagvideography ako nung Sabado. Yehey. Nabigyan ako ng opportunity ni sir Alvin. Nakakatuwa lang dahil may kumukuha pa rin sa akin na mga kaibigan ko na handang magtiwala sa husay, galing at sipag ko. Nilagyan ko na ng husay at galing para medyo may impact. Di naman ako tamad, natataranta lang. Kung noon, isang libo lang ang ‘TF’ ko o tinatawag na ‘Talent Fee’ na para sa akin, feeling ko lang, wala naman akong talent, hehe joke. Ngayon ay 1,500 na. Umaangat. Congratulations Ben. Improving ka na! Sana lang hindi masira ang gawa ko. Tiwala naman ako sa ‘SD Card’ ko. Please Lord. Hehehe Bakit ko nga ba nabanggit ang TF kasi ito ang gagamitin ko inspirasyon para mas magsumikap pa sa larangang ito.

Napakasaya ng naging experience ko sa pagshu-shoot ko ng video sa ‘Fashion Show’ sa may Quezon City Centris Elements. Papunta na ako dun. Bumaba ako ng GMA kamuning. Tapos naghanap ulit ng masasakyan. Hingal na hingal ako sa ginawa sakin ng lalaking nagpapadyak na sinakyan ko. Actually dalawa sila, palitan babae at lalaki. Si ate na nagda-drive kahit kitang kita na ang dyoga niya, tuloy pa rin siya sa pagpadyak. Ngunit wala pa rin akong interes doon. Naikwento ko lang. At ayun na nga, kung saan saan niya ako inikot. Nakakatawang pagdating ko doon, dalawa ang mismong events, kabilaan na fashion show. Ako naman, wala akong tanung tanong, kinuhaan ko kagad ang nagme make up na nakita ko. Pagnagkataon pala na mali ang napuntahan ko. Masasayang ang mga gawa ko. Sa awa ng Diyos, hindi nangyari. Anyway. Nagsimula ako sa preparation ng event. So kung ano ang makita ko, kailangan makuhaan ko ng magandang anggulo. Yun nga lang, hindi ko nasimulan yung mismong pag aayos ng mga stage. Pero tingin ko di na mahalaga iyon. Wala rin naman akong nakita sa ‘Victoria Secret preparation video’ nila na mga taong nag aayos ng mga upuan. Pag nilagay ko pa iyon baka maging ‘miting de avance’ na. Kaya siguro nagdecide na ako na di ko na isama iyon. Victoria secret show ang naging reference ko sa pagkuha ng mga candid shots. Nood nood sa youtube. Yan ang utos sakin, candid shots ang ifocus ko. Ang hirap sobra ng candid shots. Kailangan matyempuhan ko ng maganda ang mga embarrassing moments ng mga models. Hindi pwede yung uutusan ko yung mga tao dun na kumilos sila ng ganito o ganyan. Bawal yun.

At Nakakatuwang experience to para sa akin habang makita ko pa ang mga bata ay todo sa pagrampa sa stage mala rihanna ang work work work. Talagang sobrang ganap na ganap nila ang aura ng isang modelo. Ang tataas ng pangarap nila. Nakakainggit. Nga pala, ang fashion show na ito ay para sa mga teens. Walang mga naka bikini. Walang pre-mature na exhibit.

Mabalik tayo sa mga shots ko. Maganda naman para sa akin yung mga kuha ko. Haha Syempre ia-angat ko na ang gawa ko. Sino pa ba ang gagawa? Wala na kundi ako lang. Nakakangawit at nakakapagod ngunit sobrang saya. Tinigilan ko na makipagkilala sa mga models. Gawain ko noon iyon. Saka, gwapo naman ako eh. Ako ba kailangan lumapit. Joke. Nakipagkilala nalang ako sa isang photographer.  Para magmukhang professional naman akong tignan. Nakilala ko sila in a nice way. Yahoo.

Iba’t ibang shots ang nagawa ko. Nakumpleto ko yung goal ko na madetalye ko lahat ng anggulo. Siguro baka sumablay lang ako sa putok ng lights na kuha ko na video. Pero tiwala naman ako sa sarili ko kaya okay na iyon.


Siguro ito na yung pagkakataon na icombine ko ang passion ko sa videography career ko. Masaya ako eh. Sobra talaga. Ibang galak yung nararamdaman ko sa tuwing humahawak ako ng camera. Sana nga, hiling ko lang sa itaas na mas palakasin pa ako. Hindi ako mahinang tao. Feeling ko, may mas itotodo pa ako kaso low battery na talaga ako minsan. Kaya more practice pa yan. Kaya ko to. 

No comments:

Post a Comment