Thursday, May 26, 2016

SET SIPAG TO THE RAIN



Ano? gagawin mo bang excuse ang ulan para tamarin ka ulit? Wag ganun tsong. Kumilos ka pa rin. Alam ko,  masarap matulog ngayong panahon ng tag-ulan kasi tapos na ang summer at hindi na pinagpapawisan ang likod mo habang natutulog sa sofa. Pero isipin mo pa rin, kung ipagpapatuloy mong mag ensayo sa larangan mo ngayong tag ulan, malungkot man ang paligid dahil kumikidlat pero payapa ka pa rin kasi makakapag isip ka ng maayos. Oo, maulan pero tanggapin mo parin ito bilang isang panibagong araw. Ang bagong pag asa na magbabago rin sayo. Given na yan, maulan, mahirap lumabas, walang pwesto sa bahay, masarap kapiling ang mga laptop at tv. Ngunit, mag ensayo ka pa rin, magiging ahead ka lang sa iba kung magsisimula ka ngayon. Tigilan mo yang pag-e-emote mo dahil nasasaktan ka sa ‘past relationship’ mo, hindi makakatulong yan. Kumilos ka. Gumawa ka ng paraan para may mapag aralan ka ngayon araw na ito. Madali lang humilata sa kama, madali lang bumunot ng pagkain sa ref pero isipin mo pa rin ang oras na nasasayang. Hindi kita pinagmamadali. Mahalaga pa rin na nagiging creator ka ng ‘habit’. Wag mong subukang makinig ng mga senti songs, wala naman pupuntahan yan. Hindi ako ‘basag-trip’ sa tag ulan. Ang sa akin lang, kung may pangarap ka, dapat wala ka ng pinipili pang panahon. Nakatulong ba yung pagkanta mo ng tuwing umuulan ang mga malalandi’y lunuring tuluyan? Wow. Hanep. Wala kang dapat sabayan at hintayin sa pagpatak ng ulan. Minsan sila’y nawawala bumababalik, tapos eto na naman. Magsasawa ka lang. Tapos kukulimlim tapos biglang aaraw tapos ayun na naman kukulimlim ulit. Wala yan. Dinidistract ka lang niyan. Hehe. Masarap kumain ng mainit na mainit na champorado at bagong lutong tuyo, tapos maghiwa ka pa ng kalamansi kung natapos mo na yung dapat mong gawin. Ayan ang masarap. Naulan man. Atlis may nagawa ka na. May natapos ka pa. Pwede ka rin namang mag ensayo habang naliligo sa ulan. Ako mamaya, gusto kong tapusin lahat ng gusto kong gawin pag kauwi ko dito sa trabaho at magluto ng ‘chicken noodles’. Tang ina ang sarap nun. Tandaan mo, madaling tamarin pero mahirap magpatunay. Basta bahala ka na umunawa sa sinabi ko. Isipin mo nalang umiiyak ang langit kasi tamad ang mga tao dito sa  lupa. Pero minsan naman, may kasipagan naman akong nakikita tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. Yung mga taong nagtatawag ng mga jip, gumagawa pa rin sila ng paraan para magkapera. Naglalagay sila ng kahoy o anumang bagay na pwedeng maging apakan ng mga tao para makalagpas sila sa daan na iyon. Yan ang kasipagan na nakikita ko. Natutuwa ako sa kanila. Naging madiskarte sila upang kumita ng pera ngayong tag ulan. Pagdating mo kasi sa dulo ng ginawa nilang daan. Biglang may manghihingi ng bayad. Parang tollgate yan eh. Haha Kapag may problema ka, papalungkutin ka lalo ng ulan, wag kang papa-apekto. Madali lang mag ‘hot chocolates and cuddles’ ngayon pero walang bisa yan kung wala kang progress sa sarili mo. At kung wala ka naman talagang balak na i-pursue. Hindi nababagay sayo tong post ko. Tapos na ang summer, manahimik ka na sa katamaran mo. Tanggapin mo na ang season ng tag ulan, maraming aberya sa daan, dapat mas lalo kang maging handa. Noon, sabi ko, kapag nagkapera ako, yung bote ng dispenser na malalaki, gagawin ko yung ‘Bangka’. Magwe-welding ako ng parang boat tapos ang bubuhat sa ginawa kong boat ay yung mga bottle na iyon. Maganda yung naisip ko kaso wala lang akong panahon. Gustong gusto ko talagang gawin iyon eh. At. At. At. bigla ko namang maaalala ang bahay namin, kung hindi niyo po alam, ang 1st floor ng bahay namin na kung saan doon nakatira sina kuya at mama, iyon ang lugar na binabaha. Kaya ako, kapag alanganin talaga ang sitwasyon, umuuwi ako ng bahay o hindi na ako tumutuloy sa trabaho at tumutulong nalang ako sa pag aangat ng mga gamit dito. Ang pinakachallenge sa akin dito ay yung magbuhat ng ref. Ang bigat, sobra. Kaya para sa lahat, wag kalimutang magdala ng tsinelas at payong, itabi palagi sa bag ang mga ito. Ako pa naman, maawain ako kapag may nakikita akong tao sa daan na mukang basang sisiw. Sila, Kadalasan na sinisisi nila ay yung mga school na ang tagal magsuspended ng klase. Noong college din ako. Bwisit din ako sa sistema na ganyan. Noon radio lang ang gadgets naminn upang malaman kung may pasok o wala. Paano ko naman kasi mapapakinabangan ang tv eh walang kuryente. Aasa ako nalang talaga sa may battery na radio. Ngayon, maulan pero maalinsangan pa rin. Lalamig din yan ng todo. Nawala na tuloy ako tungkol sap ag eensayo, basta mag ensayo tayo ng mag ensayo. Bitawan ang mga bighating dala ng karelasyon natin sa buhay. Gaya ng paglusong mo sa taas ng baha ang tibay ng loob mo. Magtiwala ka. Kalimutan mo na ang alaalang pinagsaluhan niyo ni ex. Kung nabasa ka man noon, siguro naman bukas tuyo ka na. At wag na wag mo ng hayaang bumuka pa ang lupa para lang malaman mong tagtuyot na. Ang tingin ko lang lagi sa ulan, nililibog lang ng langit ang lupa. Baka mag se-sex sila mamaya. haha

No comments:

Post a Comment